Kabanata 2
INILAPAG NI DONYA MARGARITA ang isang larawan ng nakangiting babae. Agad na kumunot ang noo ni Tor habang umiinom ng tubig mula sa hawak niyang baso. He was shocked to see his grandmother in his house. Sa linggo pa sana siya dadalaw rito gaya ng napag-usapan pero mukhang hindi na nakapaghintay ang lola niya.
Masyado siyang naging busy nitong mga nakaraang araw at noong isang linggo. Tor could only call his lola for a few minutes kapag may libre siyang oras.
Naupo si Tor sa sofa at inangat ang larawan ng isang babae na mukhang estudyante pa base na rin sa suot nitong uniform. Uniform 'yon ng isa sa mga university rito sa Cebu.
"Who is this, Lola?"
"Ang babaeng gusto ko para sa 'yo."
Inihit ng ubo si Tor at naibaba ang baso sa glass table. His eyes widened in disbelief. Tatawa pa sana siya kaso mukhang seryoso ang lola niya. The old woman was giving him the grim look.
"Seryoso ba kayo?"
Tumango ang lola niya habang sumisimsim ng tsaa nito sa tasa. "She's Aurea Feliz Feliciano," dagdag nito pagkatapos maibaba ang tasa na hawak. "Sinabi ko na sa 'yo na kapag tumuntong ka ng 31 at hindi ka pa rin nag-aasawa ay ako na mismo ang hahanap ng babae para sa 'yo."
Napamaang si Tor.
Damn, he totally forgot about that.
"But Lola—"
"We had a written agreement, Kale Thomas. We had it notarized by your Uncle Bong."
"I know. I mean, do you even know this kid?"
"She's not a kid. She's already 23. And besides, magtatapos na siya ng kolehiyo ngayong Oktubre."
Kumunot lalo ang noo ni Tor. "Does she know? Alam niya bang gusto mo siyang gawing asawa ko?"
"That's not your problem anymore. Ang gusto ko ay sundin mo ang kung anong napag-usapan natin."
Napabuga siya ng hangin at nahilot ang sintido. "Can I at least think about it? This is too sudden, Lola."
"No."
Tor knew his Lola Rita would say it.
His Lola Rita can be as manipulative as he was. He got most of his personality from her. He was just too heartless sometimes. Constancia Margarita Velez, on the other hand, was the soft-hearted one. She valued rules and not too lenient to those who break it—it depends on the circumstances though. May mga nagagawa naman talagang mali minsan ang mga tao. It's either because of hopelessness or they're just plain stupid and selfish.
Maagang namatay ang mga magulang ni Tor. Since then, ang Lola Rita na niya ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya. Tor loved his grandmother, but he didn't think he can marry a stranger.
And definitely not younger than 28 years old. He didn't find it romantic. Para siyang mag-aalaga ng bata. 'Where's the fun?' And besides, he's fine with occasional flings and one-night stands. The kind of relationship that didn't need any emotional attachment.
Tor doubted that he will find genuine love like what his parents and grandparents have.
"Huwag mong sabihing hindi ka pa nakaka-move-on sa babaeng 'yon?"
Kumunot ang noo ni Tor. Inihilig niya ang likod sa backrest ng upuan at nag-dekwatro ng upo.
"Patricia, your almost bride."
"Matagal na 'yon, Lola. I've totally forgotten about her."
"Maaaring nawala na ang pagmamahal mo sa kanya pero ang piklat na ginawa niya sa 'yo ay nandiyan pa rin." Napatitig si Tor sa lola niya. "Nakakulong ka pa rin sa nakaraan, Tor. You still don't trust people."
Umangat ang gilid ng labi niya. "Trust is such big word."
"True, but she ruined that word for you, didn't she?"
HINDI MAKAPAG-CONCENTRATE SI AUREA sa ginagawang thesis sa sala. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak niya ang nakitang pangitain sa matandang babae kanina. At bakit parang kilala siya nito? Dahil ba sa kwintas na suot niya?
Bumaba ang tingin niya sa kwintas na suot. Hinaplos niya ang pendant. "Anong mayroon sa kwintas na 'to?" mahinang tanong niya sa sarili. "Hindi kaya may unrequited love si Lolo Pol?" Namilog ang mga mata niya at napahawak sa kanyang bibig. "Omg! Aw—"
Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan nang may malakas na humampas sa ulo niya mula sa likod. Paglingon niya ay walang tao.
"Lolo?"
Patay, baka mali siya ng chismis. Ayaw na ayaw pa naman ng lolo niyang nililibak ng mga wrong information. Pinagdaop niya ang mga palad at ipinihit ang sarili sa direksyon kung saan naka-display ang malaking larawan ng lolo niya. Kamuntik pang mahulog ang laptop sa itaas ng mga hita niya. Inayos niya muna ito bago pinagdaop muli ang mga kamay.
"Lolo, sorry, 'di na ako magkakalat ng fake news. Pero 'di nga? Sino 'yong matandang babae? Una n'yong pag-ibig?" Natigilan siya nang marinig ang malakas na kalabog mula sa isa sa mga pinto sa itaas.
Shuta! Wrong information na naman yata ako!
"Aurea!" sigaw ng ina niya mula sa kusina sa ibaba. "May balak ka bang gibain ang bahay na 'to, ha? Aba'y sa lakas mong magdabog ng pinto, parang naghahanap ka ng away, ah!"
Hindi pinansin ni Aurea ang ina. "Lolo, alam kong nandiyan ka. Sabihin mo po sa 'kin kung sino ang babaeng 'yon. Kahit sa panaginip lang. Hindi kasi talaga ako mapakali. Saka ang apo niya, malalagay sa panganib." Itinaas niya ang magkadaop na kamay sa itaas ng ulo, yumuko, at ipinikit ang mga mata. "Swear, kapag nasiguro kong ligtas ang apo niya, titigil na po ako."
"Aurea!"
"Tutang-ina!" mura niya.
Akala niya boses ng lolo niya 'yon pala, nanay niya lang. Ibinalik niya ang posisyon kanina.
"Ano na namang kabalbalan 'yan, Aurea? Nag-aaral ka ba talaga? Alam mo bang pinaghihirapan ko 'yang pang-tuition fee mo pero aarte ka lang na parang baliw araw-araw."
"Ma, kausap ko si Lolo." Inilapat niya ang isang daliri sa labi. "Quiet ka lang."
"Ang lolo mo? Nasaan? Tanungin mo ng winning lotto numbers."
Ibinaba ni Aurea ang kamay. "Lolo, pahinging numbers—" Muli na naman silang nakarinig ng pagdadabog sa pinto. "Anak ni Lourdes!" nagulat siya. Naigala niya ang tingin sa buong second floor. Naupo na rin ang mama niya sa tabi niya at humawak sa magkabila niyang balikat.
"Anong sabi ng lolo mo?"
"Over his dead body," seryoso niyang sagot sa ina. "Aray!" Pinalo pa siya sa braso niya. Natawa naman siya sa inis na nakikita niya sa mama niya.
"Ewan ko sa 'yo! Grumaduate ka na para makahanap ka na ng maayos na trabaho."
"Maayos naman takbo ng negosyo ko, Ma." Nag-Indian position siya ng upo. Itiniklop niya muna ang laptop sa kandungan niya at itinabi 'yon. "Madaming bumibili sa 'kin ng bra saka panty," tukoy niya sa pa-Avon niya sa eskuwelahan at sa mga kapitbahay nila sa Guadalupe. "Saka maayos din kita ko sa panghuhula."
"Ikaw, Aurea, binalaan na kita riyan sa panghuhula mo. Sinabihan na kita na huwag mong pagkakitaan 'yan."
Napasimangot siya. "Eh bakit ikaw?"
"Legit ba ako? Hindi naman, ah. Panloloko nga 'tong akin."
"Hindi ka nanloloko. Ako kaya ang mata mo."
Ngiting aso lang ang ibinalik ng ina niya sa kanya.
Natawa si Aurea. "Basta, huwag kang gumaya sa 'kin. Gayahin mo ang Tiyo Pio at Lolo Pol mo."
"Pero Ma, marunong ka naman, eh."
"Oo nga, pero 'di kasing-galing ng tiyuhin at lolo mo."
"Magtinda na lang kayong banana cue at juice sa ibaba. 'Yon Ma, sure akong may future ka."
"Compliment ba 'yan o pangmamaliit?"
"Oy, 'di ah! Proud kayo ako sa 'yo." Niyakap niya ang ina. "Nagawa mo akong palakihin na mag-isa. Hindi nga lang ako literal na lumaki." Tawang-tawa ito sa kanya.
Iniwan sila ng tatay niya noong pinagbubuntis pa siya ng mama niya. Hindi niya alam kung anong pangalan nito o kung ano ang mukha ng ama niya. Hindi naman na importante 'yon. Iniwan pa rin sila ng ama niya. So why waste thinking about her estranged father? Masaya naman sila ng mama niya kahit na bungangengera sa umaga, tanghali, at gabi.
Tinapik ng mama niya ang ulo niya. "Maka-graduate ka lang ay masaya na ako."
"Ga-graduate ako, Ma."
"Grumaduate ka talaga dahil ikaw ang gagawin kong banana cue kapag binagsak mo 'yang thesis mo."
"Ay grabe siya!"
"Saka ka na mag-asawa kapag nakatapos ka na."
Malutong na tumawa siya. "Paano ako ikakasal, Ma? Landi lang meron ako pero wala akong jowa—aw!" Napangiwi siya nang kurutin siya ng mama niya sa tagiliran. "Maaaaaa!"
"Basta!"
"Oo na! Oo na!"
TOR DID HIS RESEARCH about this woman named Aurea Feliz Feliciano. And yes, he found out na madalas manghula sa sidewalk malapit sa Basilica del Santo Niño ang babae kapag wala itong pasok.
All the details about this woman were suspicious. A student from a Catholic school and currently finishing her undergrad degree in Psychology but engages herself in witchcraft activity. It didn't make sense to him.
Tor cleared his schedule for that day para lang mahanap si Aurea. He will do everything in his power to straighten things up with her. If he could bribe her, it's an option he would like to try.
Hindi naman siya nahirapang mahanap ang babae. Ito lang ang batang manghuhula na naroon. Nag-aayos pa ito ng mga baraha nang maupo siya sa neon purple nitong upuan sa harap ng maliit nitong folded table.
Tor didn't utter a word. Hinintay niyang iangat nito ang mukha sa kanya. Which she did after a few seconds. Namilog ang mga mata nito nang makita siya. His eyes remained on her face. It was just a few seconds of shock. The woman was able to compose herself again and exchanged gazes with him.
Titig na titig din ito sa kanya. Aurea didn't seem intimidated by him. Mukhang mahihirapan siyang kausapin ito. She looked naïve in the photo. He guessed that he judged her easily.
Iniisip siguro ng babae na nang-gu-goodtime siya. This Aurea might have thought that he didn't seem like the type of person who believes in such things.
True enough. I really don't.
Inihanda nito ang tarot cards at isinalansan 'yon sa mga kamay. It allowed him to observe her more.
Yes, the woman looked younger than her real age, but her body has all the perfect curves in the right places. Tor can see it kahit na nakaupo ito. Naka-loose ponytail ang kulay tsokolate nitong buhok at may red floral clips sa magkabilang buhok nito. Kasing-kulay ng mga mata nito ang buhok ng babae.
She was wearing a plain off-white blouse and a long red skirt. To complete her gypsy look, the woman matched it with a worn-out black laced sneaker without any socks. He got a glimpse of it earlier dahil naka-dekwatro ito ng upo kanina habang papalapit pa lang siya rito. Nag-iisa lang sa kamay nito ang isang orange beads bracelet na sa tingin niya ay isang lucky charm.
Maputi ito at chinita. Her mole underneath her right eye really caught his attention. The mole was eye-catching. It suited her cute round face. Sakto lang din ang tangos ng ilong nito. She has small but very cherry red lips. Even her pinkish cheeks complimented her sweet face. But there was something in her eyes that intrigued him. It didn't justify her physical looks. It was like looking at a black hole. It expressed a lot of things that not all people can understand—even Tor.
Well, maganda ang babae, but not really his type. She's too sweet for his taste.
Nasundan ni Tor ang pagbaba nito sa mga baraha. Bumuga ito ng hangin and she gave him a lazy look.
"Kahit na hulaan kita, alam kong 'di ka pa rin maniniwala sa 'kin," basag ni Aurea.
Humalukipkip siya at deretsa itong tiningnan sa mga mata. But still, he was determined to make her change her mind about their wedding.
"Ano bang kailangan mo?" mataray nitong tanong sa pagkakataon na 'yon.
"Aurea Feliz Feliciano?"
Nanlaki ang mga mata nito. "Paanong—"
"Twenty-three," Tor cut her off.
"Bakit mo ako kilala?"
"I'm Kale Thomas Velez, your husband-to-be."
"Pot—"
"No profanity, please."
"Seryoso ka ba?!"
"Manghuhula ka, ano sa tingin mo?"
LUMIKHA NG TUNOG ANG PAGBAGSAK ni Aurea sa hawak niyang mug na may iced coffee sa mesa. Nilaklak niya ang kape na parang beer dahil naloloka siya. Una, may guwapong lalaking nag-appear bigla sa buhay niya at sasabihin nitong, he's my husband-to-be?!
Lokang-loka siya! Hanggang ngayon ay 'di pa rin nagsi-sink-in sa kanya lahat ng mga sudden happenings sa kanyang buhay. Kaya sumama na rin siya sa lalaking nagpakilalang Kale Thomas nang ayain siya nito sa isang coffee shop. Mukha naman itong harmless at gutom na rin talaga siya kaya um-order na siya nang bongga. Makapal talaga mukha niya lalo na't gulong-gulo ang utak niya.
"I want you to talk to my Lola," salita ulit ni Thomas. Kalmadong-kalmado ito habang umiinom ng tubig sa baso. "Sabihin mo sa kanyang hindi ka interesadong pakasalan ako."
"Hindi nga kita kilala tapos magpapakasal tayo."
"Exactly."
Napalunok si Aurea. "Seryoso ba talaga ang lola mo?"
"I know my grandmother. She's dead serious. Hindi ko alam kung bakit kilala ka ni Lola o kung anong nakita niya sa 'yo. I have no plans of figuring that out dahil busy akong tao. Puwede kitang ihatid ngayon para mag-usap kayo. Clear things with her. It's actually odd to think na hindi ka pa niya kinakausap tungkol sa bagay na 'yan. Pero noong kausapin niya ako, parang siguradong-sigurado na siyang magpapakasal ka nga sa 'kin."
"Isang beses lang kami nagkita. 'Yon yung kamuntik siyang masagasaan ng motor sa labas ng eskwelahan ko."
Nag-isip si Aurea. Hindi kaya dahil sa suot niyang kwintas no'ng araw na 'yon? Hindi kaya may kasunduan ng arranged marriage noon ang lola ni Thomas at lolo niya? Napanood na niya ang mga ganitong plot sa mga Korean Drama, eh. Ganito rin 'yong sa Princess Hours. Kaso singsing naman 'yon.
"Wait." Hinubad niya ang kwintas na suot at ipinakita 'yon kay Thomas. "Ito 'yong kwintas na itinanong niya sa 'kin. Baka ko may idea ka kung pamilyar 'to? Sa Lolo ko 'to."
Kinuha nito mula sa kanya ang kwintas at pinasadahan ng tingin ang pendant. Nakaturo pa rin sa kanya ang arrow. Hindi na talaga gumagalaw 'yon. Lagi na lang nakaturo sa kanya.
"This is old," komento nito.
"Luh..." hindi maiwasang react ni Aurea.
Nag-roll eyes na siya sa isip sa reaction ng lalaki. Gwapo sana kaso medyo engot din. O baka judgmental lang siya. Naningkit ang mga mata nito sa kanya. Narinig yata siya. Oops!
"Anyway." Umayos ito ng upo at ibinalik sa kanya ang kwintas. "I remember my grandmother is fond of collecting vintage things. Mayroon siyang vintage compasses sa bahay. Maybe she likes this necklace because this is similar to her collections and it's old." In-emphasize na naman nito ang salitang, old.
Ah ewan! Gigil na ako.
Tumango na lamang si Aurea.
Pero may something off talaga. Bakit nito tatanungin ang pangalan niya kung nagustuhan lang nito ang compass na kwintas niya? Why did the old woman look like she knew her? At kilala rin ng lola ni Thomas ang owner ng kwintas.
"Tapusin mo na 'yang kinakain mo at ihahatid kita sa bahay ni Lola."
Nanlaki ang mga mata niya. "Bahay ni Lola?" Umiling siya. May kasama pang kumpas ng kamay. "Ayoko! Madaming multo roon."
"My grandmother's house," pabalang na pagtatama nito.
"In-English mo lang, eh."
"Great!" he cursed under his breath. Pasimple nitong nahilot ang sintido. Annoyed na ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Just finish," halatang nagtitimpi ito sa kanya, "just finish what you're eating."
Kinagatan niya ang toasted bread. "Huwag kang mag-alala, 'di kita type."
"I don't like you either."
Nangati bigla ang ilong niya. Kayasa sa boang! Guwapo ka? Guwapo ka? Oo, guwapo ka. Ayon lang! Naghahamon na siya ng away sa isip niya. Pinanggigilan niyang tapyasin ang toasted bread sa kamay.
"Kakausapin ko ang lola mo. Hindi ako magpapakasal sa 'yo kasi bawal pa akong mag-asawa. Gagawin akong banana cue ng nanay ko kapag nag-asawa ako nang hindi pa rumarampa sa stage na may hawak na diploma."
"Good because I also don't want to babysit a kid. I prefer a mature woman who knows how to warm my bed every night."
Aurea can't help but roll her eyes in her mind again.
Hello! I know how to warm a bed. Minamaliit ako ng hudyo. Buhusan ko pa ng kumukulong tubig 'yang kama mo. Sisilaban ko pa nang bongga. Tingnan natin kung 'di uminit ang kama.
Pero hindi na niya 'yon isasatinig pa. She's a mature woman who knew how to handle this kind of argument. Char lang.
"Okay," nakangiti pa niyang sagot sabay kain ng order niyang carbonara. "Sabi mo, eh."
Ang sama talaga ng tingin ni Thomas sa kanya. Hindi man lang ba marunong ngumiti ang lalaking 'to? Pinaglihi yata ang isang 'to sa sama ng loob. But anyway, she didn't care. Ang importante, busog siyang pupunta sa bahay ni lola.
"Gusto mo?" alok pa ni Aurea sa kinakain niya habang punong-puno ang bibig.
"No, thanks."
Oh, 'di huwag!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro