Kabanata 1
"NASAAN NA BA KASI 'YON?"
Halos kalkalin na ni Aurea ang bawat sulok ng silid ng yumao niyang Lolo Pol. Hinahanap niya 'yong lumang notebook nito kung saan nakasulat lahat ng paraan ng panggagamot nito. Ilang butil na ng pawis ang nailabas ng katawan niya pero 'di niya pa rin mahanap ang itim na kwadernong 'yon.
"Dito ko lang 'yon iniwan, eh."
Napaupo siya sa gilid ng kama at bumaba ang tingin niya sa bukas na drawer ng bedside table. Wala na roon ang notebook. Puro lumang liham na lamang ang nandoon na kinupas na ng panahon.
"Aurea!" tawag ng kanyang ina mula sa labas. Naririnig niya dahil bahagyang nakaawang ang pinto. "Hindi ka pa ba papasok?"
"Ma!" inis na sigaw niya. "Hindi mo ba pinakialaman ang notebook ni Lolo Pol?"
Ang nanay niya kasi ay tumatanggap pa rin ng mga may sakit eh hindi naman nanggagamot. Simula nang mamatay ang Lolo Apolonio niya na siyang sikat at mahusay na faith healer sa Guadalupe ay naging tahimik na ang bahay nila. Hindi nakuha ng mama niya ang angking galing ni Lolo Pol sa panggagamot at napunta 'yon sa Tito Pio niya. Sa Negros na naninirahan ang tiyo niya dahil tagaroon ang napangasawa nito.
Marunong naman ang mama niya pero hindi talaga legit na manggagamot. Kumbaga basic knowledge lang dahil naging assistant ang mama niya ni Lolo Pol simula pa pagkabata. Pero makailang beses na rin silang napabarangay dahil sa pagiging frustrated faith healer ng nanay niyang si Lourdes.
Napabuga siya ng hangin.
"Hindi ko pinapakialaman 'yang gamit ng lolo mo! Aba'y, ikaw lang ang nagtatago ng mga gamit niya."
Sandaling nag-isip si Aurea at iginala ang tingin sa paligid. Ang weird lang bigla pagkatapos dahil parang tumahimik ang mundo. Maya-maya pa ay parang may mga boses ang bawat sulok ng silid. Lumakas ang ihip ng hangin at bahagyang lumilikha ng pabagsak na tunog sa hamba ng mga bintana. Pati ang tunog ng bawat hampas ng mga dahon mula sa puno ng mansinitas sa labas ng bahay ay tila may ipinapahiwatig.
Ang bahay nila ang isa sa mga pinakalumang bahay rito sa Guadalupe, Cebu. Nakatayo na ang bahay na ito since late 18th century. May minor renovations pero hindi naman talaga binago nang husto.
The house looked old and creepy kahit sa labas at loob. Madaming bintana at mahangin sa loob kahit 'di buksan ang electric fan at ceiling fan. Maliban sa mga antigong gamit at muebles ay marami ring rebulto ng mga santo sa loob ng bahay nila.
Actually, bagay na bagay ang bahay nila sa mga typical haunted ancestral house. Isa pa ang makalumang hagdan ng bahay na sa pag-akyat ng bisita ay bubungad agad ang lumang portrait photo ng Lolo Apolonio niya at ilang picture frame ng mga henerasyon ng mga Feliciano.
Gusto sana 'yong alisin ni Aurea kaso effective na panakot 'yon sa mga magnanakaw. Matalim pa lang na tingin ng Lolo Pol niya, mangingimi na ang kung sinong gagawa ng masama. Tila kikidlat kung mangangahas ka pang umakyat nang walang pahintulot. Kaya dinagdagan pa niya ng urn vase para magmukhang realistic pero lupa lang naman ang laman ng vase. Lupa kung saan nilibing ang Lolo Pol niya para true to life.
Napaigtad siya nang marinig ang malakas na kabog ng pagsarado ng pinto dahil sa malakas na hangin. Syet naman! Mura niya sa isip. Marahas na naibaling niya ang tingin sa direksyon ng pinto. Hindi siya natatakot sa bahay nila pero magugulatin din talaga siya.
Oo, madalas na may nakikita siyang mga kaluluwang dumaraan sa loob ng bahay pero 'di niya naman 'yon pinapansin. Inaalayan na lamang niya ang mga ito ng dasal para sa ikatatahimik ng mga ito.
Actually, sa ikatatahimik naming dalawa.
"Lolo?" tawag niya sa kawalan. "May itinatago po ba kayo?"
Isa siya sa mga taong naniniwala sa mga gabay na kaluluwa. Naniniwala siyang may pagkakataon na bumababa ang mga kaluluwa para magbigay ng paalala para sa mga naiwang pamilya. Madalas niyang nararamdaman ang presensiya ng Lolo Pol niya lalo na sa mga panaginip niya.
Nagitla si Aurea nang mahulog bigla ang lumang lalagyan ng biskwit na ipinatong niya sa mesita. Nabuksan 'yon at kumalat ang mga karayom at sinulid hanggang sa ilalim ng higaan. Napangiwi siya at napahawak sa noo.
My god! Ayaw na ayaw niyang may sinisilip siya sa ilalim ng kama. Gone wrong 'yon lagi para sa kanya dahil alam niyang may masisilip siyang iba. Hindi iisang beses na may duguang mga paa at mukha ng mga kaluluwang hindi pa nabibigyan ng hustisya ang nakikita niya sa ilalim. Kapag minamalas pa siya ay ka-face to face pa niya.
Marahas siyang napabuga ng hangin at asim na asim na ang mukha niyang 'di naman siya kumakain ng manggang hilaw.
"Lolo naman, eh! Tanghali na tanghali ginu-good time n'yo pa ako."
Lumuhod siya sa gilid ng kama para silipin ang ilalim. Wala rin naman siyang choice. Napalunok siya habang unti-unting ibinababa ang ulo.
"Lord, please, have mercy. Huwag ngayon. May quiz ako. Baka wala akong maisagot."
Nakahinga siya nang maluwag nang wala siyang makita sa ilalim ng kama. Isa-isa niyang inabot ang mga sinulid at lalagyanan ng mga karayom. Nahirapan siyang abutin 'yong iba dahil 'di lang naman biyas niya ang kinulang pati na rin mga braso.
"Shuks! Hindi ko... pa... maabot."
Aurea stretched her hand further habang sa kisame ang tingin niya.
"Dapat kasi talaga—" Napasinghap siya nang maramdamang may malamig na kamay na humawak sa kamay niya. Huminto yata ang tibok ng puso niya. Syet! Syet! Syet! Ramdam niya ang paggabay ng malamig na kamay sa kanya. Para siyang nasilihan at nang akmang huhugutin na niya ang kamay ay naitukod niya nang sobra ang mga palad sa kahoy na sahig. Lumikha 'yon ng tunog na tila ba may bumigay na kahoy sa ilalim at bumaon ang kamay niya. "Lolo naman, eh!" iyak ni Aurea. "Huwag ngayon."
Inalis niya ang kamay at sinilip niya muli ang ilalim ng kama. Doon niya napansin ang butas sa sahig.
"Okay, Aurea, kalma. Hindi naman 'to ang unang pagkakataon na may mga paranormal kang na-e-encounter in life," kausap pa niya sa sarili.
Four-poster bed ang kama ng lolo niya at mahihirapan si Aurea na itulak 'yon. Ang ginawa niya, ipinasok niya ang kalahati ng katawan niya sa ilalim para matingnan ang kung ano mang mayroon sa ilalim ng butas. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang isang maliit na lalagyan ng mga alahas. Kasinliit lamang 'yon ng kuyom ng kamay. Parang little treasure box. Kinuha niya 'yon at lumabas sa ilalim ng kama.
Tumayo siya para maupo sa gilid ng kama.
"Ano naman kaya 'to?"
Binuksan ni Aurea ang lalagyan at bumungad sa kanya isang kumikinang na gold round compass necklace. Madetalye ang pagkakaukit ng mga bulaklak at pagkakalagay ng mga maliliit na diyamante sa circular edges ng compass at tila ba may itinuturo itong direksyon kahit 'di naman gumagalaw ang mga kamay ng compass. Actually, nakatutok nga ang arrow sa kanya.
"Kay Lolo ba 'to?"
"Aurea Feliz!" sigaw ulit ng mama niya. "Papasok ka ba o hindi?!"
"P–papasok na po!"
Mabilis na ibinalik niya sa lalagyanan ang kwintas at ibinulsa iyon. Saka na niya iimbestigahan ang kwintas pag-uwi niya mamaya.
AGAD NA KUMUNOT ang noo ni Tor nang makita ang kaibigan niyang si Balti sa labas ng courtroom. Nakangiti ito sa kanya habang inaayos ang salamin sa mga mata.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya agad nang makalapit siya sa kaibigan.
"May binili akong school supplies para sa activity ng mga bata bukas," nakangiting sagot ni Balti sa kanya. "Dumaan lang ako para panoorin kang makipag-argumento."
"You're weird." Tor scoffed and chuckled after.
Sabay na silang dalawang naglakad sa hallway.
Bukod sa magkapitbahay sila ni Balti sa Faro de Amoré ay matagal na silang magkaibigan—since childhood. Balti is a kindergarten teacher in St. Nathaniel Learning School. That school is owned by Balti's grandfather pero ang ina na nito na si Tita Bea ang namamahala roon.
"Tapos na ba trabaho mo?" pag-iiba ni Balti sa usapan.
"I should ask you the same. May pasok ngayon, bakit nag-ka-cutting-class ka, Ser?"
Nasanay na rin siyang tawagin itong Ser at halos ng mga kaibigan nila ay Ser ang tawag kay Balti instead of the proper spelling of sir. The truth is, hindi niya rin alam ang kwento sa likod kakaibang palayaw na 'yan ni Bartholomew.
Tumawa si Balti. "I had an errand to do. Papasok naman ako bukas so okay lang."
He didn't buy that alibi. "What brought you here?"
"You really knew me too well." Balti chuckled. "Anyway, Iesus couldn't contact you. Hindi ka rin sumasagot sa group chat. It so happened I was near the Capitol, so I tried. And I'm right, may pinakulong ka na naman ngayon."
Tor smirked. "Not that new."
"Welcome party nga pala ni Jude ngayon," dagdag pa ni Balti.
"Welcome party?" Kumunot ang noo ni Tor. That didn't sound right, sa isip niya. "Is he okay now?"
Umiling si Balti. "Hindi pa, but Iesus insisted that we meet tonight. He will discuss something." Namulsa si Balti at tila may iniisip. "I'm not sure what, pero baka sa plano ni Iesus na outreach program para sa mga nasunugan sa Mandaue."
"I see."
"Idi-discuss muna niya siguro sa atin bago sa ibang homeowners. Alam mo naman na tayo ang kinatawan ng Faro."
Hindi lang naman silang dalawa ni Balti ang tumatawag sa Faro de Amoré ng Faro. Kasama na rin ang mga kaibigan pa nila na may mga lupa sa FDA. Faro's an exclusive seaside subdivision that was one hour and a half away from the city in the northern part of Cebu. Kwento pa nga ni Iesus sa kanya, Faro was named after the lighthouse outside the subdivision. It's an uphill lighthouse in the middle of both exits and entrances of FDA.
Faro de Amoré means the Lighthouse of Love. Yeah, cliche.
Pinili ni Tor ang lugar na 'yon dahil sa magandang lokasyon, exclusivity ng buong subdivision, at state-of-the-art security. Other than that, Tor always wanted a home fronting the sea. Aside sa tahimik at presko ang hangin, the place was nature friendly. Narerelaks siya lalo na kapag wala siyang trabaho.
"Anyway, kumain ka na ba?" pag-iiba niya.
"Hindi pa nga."
"Let's eat. My treat."
Lumapad ang ngiti ni Balti. "'Yan ang gusto ko sa 'yo Atty. Kale Thomas Velez, malakas manlibre."
"Ngayon lang." Tor chuckled.
"Sana araw-araw may naipapakulong ka."
"Why not?"
"Tumawag nga pala sa 'kin ang lola mo at nangungumusta sa 'yo. 'Di mo na raw siya dinadalaw."
Kumunot ang noo ni Tor. "Isang beses ko lang naman siyang 'di napuntahan, but I have my reason behind it."
"Kahit isang beses lang 'yan, para kay Lola Rita ay isang taon na 'yon."
Natawa silang pareho. Natahimik lamang sila nang makasulubong nila si Mr. Morales kasama ang legal attorney nitong si Atty. Larazabal. Huminto ang dalawa para batiin siya. Tor didn't like the man and he knew that the feeling was mutual.
"I heard you won another case, Atty. Velez," nakangiting wika ni Mr. Morales. "Congratulations."
Inalok ni Mr. Morales na maging attorney si Tor sa kaso ng anak nitong si Lucio na nasangkot sa isang reckless driving resulting to homicide. Dead on the spot ang babaeng nasagasaan ng anak ng matanda. Tor refused the offer at naging attorney siya ng pamilya ng babae. Later he found out, girlfriend pala ni Jude ang nasagaan ni Lucio.
He did his best to put the man in jail. It was easy, Lucio was very drunk that night but still insisted to drive. Second, may illegal drugs na nakuha sa loob ng kotse ng lalaki. Third, it was a hit and run. Since then, Roberto Morales was keeping an eye on him.
"Thank you," sagot ni Tor na walang kangiti-ngiti.
Tor looked at Mr. Morales straight in the eyes. He would never be intimidated with people who thinks highly of themselves just because they have the money. He hated them.
"Mauuna na ako, Mr. Morales at may lalakarin pa ako. You two, have a good day." Tinapik niya sa balikat si Balti. "Let's go."
"AUREA!"
Napalingon si Aurea nang marinig ang boses ni Cloe. Palabas na siya ng university na banas sa mundo. Paano ba naman? Ang daming dapat i-revise sa thesis niya. Naloloka na siya.
"Oh, bakit?" tanong niya nang makalapit ang kaibigan.
Continuing student siya dahil tumigil siya two years ago. Pa-enroll na sana si Aurea noon as third year kaso nagkaproblema kaya pinostpone niya muna. Palakaibigan naman siya pero dahil nga may ibang priorities at raket kaya 'di siya nakakasama sa mga blockmates niya. Kaya isa rin siya sa mga matandang estudyante sa batch niya. Dinaan niya lang sa height at mukha kaya mukha siyang bata sa orihinal na edad niyang twenty-three.
Pero malapit na rin naman siyang grumaduate sa October.
"Kumusta thesis mo?" tanong ni Cloe.
"Madilim pa."
"Ako rin," tila naiiyak na sabi ni Cloe. "Ang daming gustong ipa-revise ni Sir Montes."
Hindi kasi by group ang thesis ng Psych majors at kahit na by group 'di rin siya aasa dahil kabute rin talaga siyang estudyante. Mas complicated pa sa mag-jowang walang label ang sitwasyon niya kung sakali.
Malalim na bumuntonghininga siya. "Laban!" Ikiniyom niya ang kamay at nag-aja kay Cloe. "Alis muna ako," paalam na niya.
"Saan ka na naman pupunta? Hulaan mo muna ako."
"Papasa ka, tiwala lang." Tinalikuran na niya ito at dere-deretsong lumabas ng gate. "Hay nako! Kainin ko na lang kaya ang buong libro at nang may matapos akong chapter ngayon." Napahawak si Aurea sa ulo. "Mababaliw na ako. Bakit ba kasi naimbento ang thesis? Sino ba 'yang nag-imbento niyan? Gigil n'yo ako, ha?"
Ibinaling ni Aurea ang mukha sa kaliwa at kanan. Tatawid na sana siya nang mamataan niya ang isang matandang babae sa gilid ng daan. May papalapit na humaharurot na motor sa direksiyon nito. May kausap sa cellphone ang matandang babae kaya imposibleng mapansin nito ang motor.
Shet!
Nanlaki ang mga mata niya. Mahahagip ang matanda kapag hindi pa siya kumilos.
"Lola!" sigaw ni Aurea sabay lapit at yakap sa matanda. Mabilis na pinihit niya ito palayo sa daan. Muntik pa silang matumba na dalawa mabuti na lamang at naibalanse niya ang katawan.
Malakas na malakas ang kabog ng dibdib niya habang mariing nakapikit.
Bigla ay may pumasok na mga eksena sa isipan niya. Isang matangkad na lalaki ang tumatawid sa daan. May papalapit na kotse rito. Napasinghap siya nang makita niyang masasagasaan ang lalaki. Pero hindi niya mamukhaan ang itsura ng lalaki.
"Hija?!"
Naimulat niya ang mga mata at napakurap ng ilang beses. Napatitig siya sa mukha ng matandang babae. Hindi kaya?
"Lola, may apo po ba kayo? Lalaki? Matangkad? Mga ganito katangkad?" sunod-sunod na tanong niya. Itinaas niya ang isang kamay para sukatin ang tangkad ng lalaki sa isip niya kanina. Mas matangkad pa sa matandang babae. Maliit talaga si Aurea kahit anong vitamins pa ang ilaklak niya.
"Teka lang, hija, isa-isa lang. Bakit mo ba naitanong?"
"Lola, alam ko pong mahirap paniwalaan 'tong sasabihin ko. Pero kung may apo nga po kayo na lalaki, balaan n'yo po siyang mag-ingat lalo na kapag tatawid sa daan."
Bumakas ang pagkalito sa mukha ng matanda. "Anong ibig mong sabihin, hija?"
"Makakatagpo po siya ng aksidente sa daan." Hinawakan ni Aurea sa dalawang kamay ang matanda. "Hindi ko po alam kung kailan pero mas mabuti na pong mag-ingat siya."
Hindi niya sigurado kung nakikinig ba ang matanda sa kanya o hindi. Nakababa na kasi ang tingin nito sa leeg niya. Bigla siyang napahawak sa pendant ng kwintas na suot niya.
Seryosong-seryoso na ang tingin sa kanya ng matanda. "Sa iyo ba 'yang kwintas na 'yan, hija?"
Napatingin si Aurea sa compass na pendant bago niya naiangat muli ang tingin sa matanda. Sa nakikita niyang ekspresyon ng mukha ng matanda ay tila ba may alam ito tungkol sa kwintas na suot niya.
"Po?"
"Sa iyo ba ang kwintas na 'yan?" malumanay nang tanong ng matanda.
"S-sa... lolo ko po." Lumiwanag ang mukha ng matanda. Lalo siyang nagtaka. "Bakit po?"
"Anong pangalan mo?"
"Aurea," sagot niya. "Aurea Feliz Feliciano po." Pinakita pa niya ang ID niya sa matanda para maniwala ito na nagsasabi siya ng totoo.
Sa pagkakataon na 'yon ay ito naman ang humawak sa kanyang kamay. Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito.
"I'm Constancia Margarita Velez."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro