Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5 - Rogue

CHAPTER 5 – Rogue

WALANG imik si Lucien habang naka-upo sa hapag-kainan at kasalo ang mga magulang niya na kumakain. Kakauwi lang ng ama niya galing sa Istanbul. May inasikaso ito roon tungkol sa mga rouge na nakakabahala ang patuloy na paglaki ng bilang.

Nababahala sila na baka sa pag-dami ng bilang ng mga rouge ay ipa-walang bisa ng mga nakakataas ang treaty nila.

“So,” his father looked at each and every one of them in the dinner table. “I heard that there was a brawl in the office. Who started it?”

Magtatas na sana siya ng kamay ng maunahan siya ni Limar.

“Ako.” Anito.

Matiim na tinitigan ng ama niya si Limar. His father’s eyes turn black. “Anong ginawa mo?”

Alam niyang galit ang ama niya at mapaparusahan si Limar, sigurado siya roon. Kaya naman itinaas niya ang kamay. “I started it.”

Bumaling sa kaniya ang Daddy niya. “Lucien…” His father sighed. “Ilan ulit ko bang dapat sabihin sa’yo na palagi mong rerendahan iyang tinatago mong halimaw sa loob mo?”

“I touched Virgo.” Limar interject.

Ikinuyom niya ang kamao na nasa ibabaw ng mesa at sinusubukang pakalmahin ang sarili. He can still remember when Limar touched Virgo and kissed her hand. Napakurap-kurap siya ng maramdamang niyang nag-iiba na naman ng kulay ang mga mata niya.

He knew that his eyes are now blood shot red because his mother gasped and hurriedly left the table. Takot ito sa kanya lalo na kapag nag-iiba ang kulay ng mga mata niya.

 “Calm down, Lucien.” Narinig niyang sabi ng kaniyang ama. “Gusto mo bang ikadena kita ulit tulad ng ginawa ko sa’yo tatlong taon na ang nakakaraan?”

Umiling siya habang mariing nakapikit pa rin. “I’m calm, dad. I’m calm.”

“Good.” Kinuha ng ama niya ang isang bote ng dugo na naroon at nagsalin ito sa kopita na katabi ng pinggan nito. “Anyway, how’s our deal going?”

Tumingin siya sa kaniyang ama. “Not good.”

His father, Lentien, chuckled. “Move fast, boy.” Sinimsim nito ang laman ng kopita. “The clock is ticking.”

“Alam ko ‘yon, Daddy.” Bumuga siya ng hangin. “Pero ang hirap e.”

“Mahihirapan ka talaga.” Tumawa ang ama niya. “Kaya nga nakipag-deal ako sa’yo ‘di’ba?”

Lucien sighed. “Ewan ko sa’yo, dad.”

His father just smiled and walks towards him and tapped his shoulder. “Kaya mo ‘yan, anak. Either kayanin mo o ipapadala kita sa Russia. Mamili ka.”

Nag-taas siya ng tingin sa daddy niya. “Tatlong buwan lang ang ibinigay mo sa’kin. How can I possibly make her accept me in that short time? Dad naman e. Give me six months. Please.”

“Nope.” Umiling ito. “Just three months.”

Bumuntong-hininga siya. “She’s afraid of our kind, dad.”

“Sino ba ang hindi matatakot kung nakita niyang namatay ang mga magulang niya sa kamay ng ka-uri na’tin?” Pity is written in his father’s eyes. “I pity that child. She’s all alone in this scary world. And the one who’s obsessed with her,” matiim siyang tinitigan ng ama, “is a freaking rogue.”

Anger rushed through him. “I am not a rogue!” Napatiim-bagang siya.

“Oh, yeah?” His father smirked. “Look in the mirror and your red blood shot eyes that only rogue vampire possess will be staring back at you.”

Gusto niyang ika-ila ang sinabi ng kaniyang ama pero alam niyang hindi kasiningalingan iyon. He knows who and what he is. Alam niya kung anong klaseng halimaw ang nagtatago sa loob niya.

“Hindi ako rogue.” Mahina ang boses na sabi niya habang nakakuyom ang dalawang kamao.

Pinisil ng ama niya ang kaniyang balikat. “Magpasalamat ka na malakas ka para labanan ang halimaw na nasa loob mo. Pero lalabas at lalabas din iyan, kaya nga magmadali ka na bago pa lumabas ‘yan. I keep you here in the house because I don’t want them killing you. At naniniwala ako na hindi ka magiging katulad ng mga rogue na naglipana ngayon sa buong mundo. You are not a mindless being. We vampires co-exist with humans for we need them and they need us in return. We need their blood to live and they need us to kill those rogues who prey on humans. Hindi nila kayang patayin ang mga kauri nating hinayaang lamunin ng kadiliman. We kill rogues. I kill rogues. I’d been a rogue hunter for hundreds of years, so please, Lucien, do not give me a reason to kill you. You are my son, but if you repeat what you did three years ago, I will kill you myself.”

Napatungo siya. He feels so down and empty. Hindi niya alam ang gagawin niya. He felt so depressed.

His father tapped his shoulder again and left the dining table. Sunod na umalis si Lashka at Lucca. Ang naiwan sa hapag-kainan ay siya, si Lucan at Limar.

“I’m sorry, bro.” Anang boses ni Limar. “Hindi ko akalain na ganoon ang magiging reaksiyon mo. I was just teasing you.”

Nagkibit-balikat siya. “That’s okay. Nagdilim lang ang paningin ko kanina. Hindi ko lang talaga gusto na may humahawak sa kaniyang iba.”

Lucan chuckled. “Ni amoyin ang mabango niyang dugo ay huwag mong gagawin. Baka sakmalin ka ni Lucien.”

Tumawa si Limar at itinaas ang kamay na nadaanan ng matatalim niyang kuko kanina. “I know. Look at this. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin sa’kin ‘to.”

Naiiling na tumawa siya ng mahina. “Pasensiya ka na kanina.”

“Okay lang.” Ani Limar na nakangiti. “Kasalanan ko naman e.” Limar sighed. “So, may naisip ka na ba kung anong gagawin mo sa kanya para matupad ang usapan niyo ni Daddy?”

Umiling siya. Wala siyang maisip na paraan para mapalapit siya kay Virgo. Hindi naman niya gustong mapalapit siya rito dahil sa ginamitan niya ito ng kaniyang kakayahan na impluwensiyahan ang nararamdaman nito. He won’t do that to her.

“Wala pa akong maisip.” Aniya.

Limar shrugged. “You better start thinking and planning, big brother. Tama si Daddy, the clock is ticking.”

“Move fast, little brother.” Ani Lucan at tumayo. “You only have two months and twenty-six days. I don’t want to kill you either.”

Tulad ng ama niya, Lucan is also a rogue hunter. He was once a hunter, pero dahil sa nangyari tatlong taon na ang nakakaraan, hindi na siya hinayaan ng kaniyang ama na ipagpatuloy ang pagiging rogue hunter.

Nagbaba siya ng tingin sa plato niya na may laman pang steak na hindi pa niya masyadong nagagalaw. “Alam ko.” I’ll start tomorrow.

BAGO lumabas si Lucien sa bahay nila para pumasok sa Kallean Financial Firm, pinatawag siya ng kaniyang ama sa library nito.

Naka-upo siya sa sofa habang nakatayo naman ang ama niya at palakad-lakad sa loob ng library.

“Kumusta ang Kallean Financial Firm?” Tanong nito sa kanya.

Nang hindi siya sumagot, napailing-iling ang ama niya.

“Lucien, hindi lang si Virgo ang dahilan kung bakit kita inilagay bilang CEO ng Kallean Financial Firm. I also want you to manage the firm. Can you do that?”

“Dad,” he looked at his father. “I’m a business management graduate. I do know how to manage a firm.”

Lentien, his father, sighed in relief. “Good.” May kinuha ito sa vault at ini-abot sa kanya. “You know what to do with that, right?”

Tinanggap niya ang kuwentas na ibinigay sa kanya ng ama. “Thanks, dad.”

Tumango ito. “You’re welcome. Sige, umalis ka na. Sisikat na araw.”

He nods down and with a speed of lightning; he went out from their mansion and enter his Black Sedan. Pagkatapos ay pinaharurot niya iyon patunong sa Kallean Financial Firm.

 NANG pumasok sa opisina si Virgo, nangingitim ang ibaba ng mga mata niya. Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip sa lalaking iyon na pumatay sa mga magulang niya.

Nagkaroon na naman siya ng Anxiety attack kagabi, mabuti nalang at nakainom kaagad siya ng gamot.

“You’re late.” Anang boses ng boss niya ng maka-upo siya sa lamesa niya.

Nag-angat siya ng tingin kay Sir Lucien at nanuyo ang lalamunan niya ng makita ang hitsura nito. He’s wearing a dark faded jeans and white tee-shirt. Napaka-simple lang nang suot nito pero napaka-guwapo nitong tingnan. He had this brush cut hair that really makes him look like a freaking Abercrombie and Fitch model. Bagong gupit ito.

“S-Sir Lucien…” sambit niya sa pangalan nito habang titig na titig sa binata.

He smiled at her. Nagpapasalamat siya na naka-upo siya dahil kung hindi, baka nanginginig ang tuhod niya ngayon sa uri nang ngiti na nakaguhit sa mga labi nito.

Alam niyang guwapo si Lucien. But he never exerts an effort to look good. Pero ngayon araw na ito, may kakaiba sa lalaki. Virgo can even smell his cologne mixed with his manly scent from where she’s sitting.

 Lumapit sa lamesa niya si Lucien at ipinatong ang mga palad sa ibabaw ng mesa niya. Pagkatapos ay unti-unting inilapit nito ang mukha sa mukha niya. Nang ilang dangkal nalang ang layo ng mukha nila, hinuli nito ang mailap niyang mga mata.

“Anong sinabi ko sa’yo kahapon?” Tanong nito.

Virgo can smell Lucien’s breath and it’s mixing with hers. Ang bango ng hininga nito at nahihiya siyang aminin na huminga siya ng malalim para maamoy niya lang ang mabangong hininga nito.

“Virgo.”

Napakurap-kurap siya at tumitig sa abuhin nitong mga mata na parang hinihipnostismo siya. “Ha?”

Lucien chuckled. “I told you to call me Lucien and cut the sir, didn’t I?”

Tumango siya.

“Kung ganoon bakit may ‘sir’ pa rin ng tawagin mo ako kanina?” Usisa nito.

“Ahm,” walang lumabas na eksplinasyon sa bibig niya, sa halip, sinambit niya ang pangalan ng binata na walang Sir sa unahan. “L-Lucien.”

Lucien smiled in satisfaction. Mukhang nasisiyahan talaga ito na tinawag niya ang pangalan nito na walang sir. At habang nagkakatitigan siya, nakita niyang bumaba ang tingin nito sa leeg niya. She saw hunger and need written in his gray eyes.

Nagtatanong ang mga mata niya na nagsalita. “Okay ka lang?”

Kumurap-kurap ito at umiling-iling. “Okay lang ako.” Tumayo ito ng tuwid at bumuga ng hangin na para bang kanina pa nito pinipigilan ang paghinga. “Ikaw, okay ka lang?” Kapagkuwa ay tanong nito. “You have bags under your eyes. Hindi ka ba nakatulog kagabi ng maayos?”

Nang maalala ang nangyari sa kanya kagabi, gumuhit ang takot sa mga mata niya at nagbaba ng tingin. “I ahm,” sasabihin ba niya? Mababaliw na ako kapag wala akong pinagsabihan nito. The least Lucien could do is to think that she is going nuts.She can’t contact Lea. “I have nightmare last night.”

“Nightmare?”

Dahan-dahan siyang tumango. “Oo. Nakatulog ako kagabi maghahating-gabi na kasi pakiramdam ko may nakatingin sa’kin. Alam kong wala naman at nasa isip ko lang iyon. At nang makatulog na ako, nanaginip akong hinahabol daw ako ng isang lalaking may kulay pula na mga mata. He was a monster and he has fangs and he wants to kill me like he did to my parents. Takot na takot ako at panay ang sigaw ko.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi ng maramdaman niyang nanginginig ang mga ‘yon. “Nang magising ako, nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang takot. I tried sleeping again, pero sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, ang mga pulang mata ng lalaking ‘yon ang pumapasok sa isip ko. I couldn’t sleep.”

Nang matapos mag-kuwento, hinintay niyang magsalita si Lucien, pero hindi ito umimik. Nang mag-angat siya ng tingin, mataman itong nakatitig sa kanya.

“Sorry.” Nahihiyang ngumiti siya, “Did I sound crazy to you?” Mahina siyang tumawa. “Kahit nga ang pinsan ko sabi niya nababaliw na raw ako.”

Nagtatakang sinundan niya ng tingin si Lucien ng umikot ito sa mesa niya at hinawakan ang kamay niya at pinisil nito iyon pagkatapos ay may kinuha ito sa bulsa at inilagay sa nakabukas niyang palad.

“Ano ‘yan?” Virgo asked in confusion as she looked at her open palm.

Binitiwan ni Lucien ang palad niya. Virgo saw a native looking necklace. Parang may tribal design na naka-ukit sa pabilog na maliit na pendant ng necklace. At may dalawang munting kulay pula na balahibo na nakasabit sa pendant.

“Ano ‘to?” Tanong niya kay Lucien habang nakakunot ang nuo.

Maganda ang necklace na inilagay ni Lucien sa mga palad niya at gusto niyang isuot iyon pero bakit siya binibigyan ng necklace ni Lucien? 

“Para sa’yo ‘yan.” Anito. “It’s a dream-catcher necklace. I used to have bad dreams so I own one.”

Virgo looked at Lucien in disbelief. “Naniniwala ka sa mga ‘yon?”

“Oo naman.”

“Akala ko ang dream catcher ay iyong isinasabit sa bintana.”

“May necklace rin namang dream catcher.” Kinuha nito ang necklace sa palad niya at isinuot sa kanya. “There.” Tumingin ito sa mukha niya. “Pretty.”

Naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi. “Maganda naman talaga ang necklace.”

Lucien smiled and inhaled deeply. “Hmm…I can finally breathe freely.”

Napapantastikuhan siyang nagtanong. “Bakit may pumipigil ba sa’yong huminga?”

“You have no idea.” Lucien chuckled lightly and then strengthened up. “Magtrabaho na ta’yo. Tapusin mo na ang paggawa sa SOA ng Ortiz account tapos ibigay mo sa’kin.”

Naglakad ang binata pabalik sa opisina nito.

Virgo looked at the pendant of the necklace Lucien gave her. Hinawakan niya ang pendant at napangiti. Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya habang hawak ang pendant.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. She is physically attracted to Lucien, but as her heart beat erratically for him, mukhang hindi lang sampling atraksiyon ang nararamdaman niya para sa guwapong binata.

A/N: Sana magustuhan niyo. HEHE. Sana nga. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro