CHAPTER 3 - DISAPPEARANCE
CHAPTER 3 - DISAPPEARANCE
IT HAS been two weeks since Virgo started working in Kallean Financial Firm. So far so good. Mababait ang mga co-employees niya sa kanya at kahit papaano ay napalagay na ang loob niya. Nagagawa niya naman ng maayos ang trabaho niya kaya natutuwa sa kanya ang tiyuhin niya.
Ginagawa niya ang lahat ng makakaya para magampanan ng maayos ang pagiging sekretarya niya. Ayaw niyang ma-disappoint sa kanya ang Tito Leo niya.
Habang abala sa harap ng computer dahil gumagawa siya ng Financial statement para sa San Antonio Account nag-angat siya ng tingin sa wall clock.
Mag-a-alas nuwebe ng nang umaga pero wala pa rin ang Tito Leo niya. Baka mali-late ito. Pero palagi naman itong tumatawag sa kanya kapag nali-late para alam niyang ang ibibigay na dahilan sa mga maghahanap dito.
Ibinalik ulit niya ang atensiyon sa ginagawa sa computer.
Hindi niya namalayan ang pag-usad ng oras. Nang tumingin siya ulit sa wall clock, ma-a-alas dose na ng hapon. So that's why her stomach had been grumbling.
Kinuha niya ang baon sa bag at kinain iyon. Nagtitipid siya kaya hindi siya kumakain sa canteen katulad ng ibang empleyado.
"Uy! Virgo." Anang boses ng babae habang nakatungo siya at kumakain.
Virgo looked up and sees her co-employer. "Nancy, ikaw pala." Nginitian niya ang babae. "Upo ka, saluhan mo akong kumain." Pag-aya niya sa babae.
Katulad niya, nagbabaon din si Nancy at sekretarya naman ito ng COO, kaya naging malapit sila sa isa't-isa. May mga pagkakataon ngang magkasabay silang kumakain. Tulad ngayon.
Inilapag ni Nancy ang lunch box sa mesa niya at kumuha ng upuan. "Puwede ba talaga akong makisabay kumain?"
Virgo rolled her eyes. "Oo naman."
"Thanks." Ani Nancy at nagumpisa nang kumain.
Siya naman ay walang imik na ipinagpatuloy ang pagkain. Nabalot sila ng katahimikan ni Nancy kaya napaigtad siya ng bigla nalang itong magsalita.
"Alam mo ba ang dahilan kong bakit absent si Sir Leo ngayon?" Usisa ni Nancy na ikinakunot ng nuo niya.
"Hindi." Aniya sabay iling. "'Yon nga ang pinagtataka ko. Hindi man lang tumawag si Tito Leo sa akin para ipaalam kung bakit siya absent."
Napansin niyang mataman siyang tinitingnan ni Nancy kaya tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit ka nakatingin sa'kin ng ganyan?"
Bumuntong-hininga si Nancy at binitiwan ang hawak na kutsara at tinidor. "May narinig kasi ako kanina. May kausap si Boss." Ang tinutukoy nitong boss ay ang COO. "Narinig ko sa pag-uusap nila na papalitan na raw si Sir Leo ng tunay na may-ari ng kompanyang ito. Bukas daw papasok. Kaya nga pinuntahan kita ngayon, para ipaalam sayo. Baka kasi magulat ka nalang bukas dahil iba na ang boss mo."
Bigla siyang nabahala sa narinig. No! Kung papalitan na ang Tito Leo niya, paano na siya? Siguradong sisisantihin siya ng bagong boss at napakahirap maghanap ng trabaho na hindi huhusgahan ang pananamit niya.
"Okay ka lang ba, Virgo?" Pukaw sa kanya ni Nancy ng hindi siya nagsalita.
Umiling siya. "Hindi ako okay." Tumingin siya kay Nancy, ang mga mata niya ay nagtatanong. "Anong gagawin ko ngayon? Kung wala na si Tito Leo, paano na ako?"
Nancy smiled reassuringly at her. "Ano ka ba naman, huwag kang mag-alala. Magaling kang magtrabaho. Hindi ka sisisantihin."
Bumagsak ang balikat niya ng marinig ang salitang sisanti. "Kapag nawalan ako ng trabaho, hindi ko na alam ang gagawin ko." She feel so depressed. "Nawalan na ako ng ganang kumain."
Nancy was looking at her with pity in her eyes. "Dapat hindi ko nalang sinabi sayo." Nagsisisi na anito.
Umiling siya. "No." She forced a smile. "Thank you for telling me."
Nancy gives her a tight smile and continued eating.
Hindi pa rin mapakali si Virgo hanggang sa makauwi siya. Nasa isip pa rin niya ang sinabi ni Nancy. Bukas papasok na ang bagong boss. Kinakabahan siya.
Nang makapasok sa silid niya, tumawag siya kay Lea. Pagkalipas ng ilang segundo, sinagot nito ang tawag.
"Virgo? Alam mo ba kung nasaan si Daddy?" Kaagad na tanong sa kanya ni Lea ng sagutin ang tawag niya.
Napaupo siya sa gilid ng kama. "Bakit? Nasaan siya?"
"Hindi ko alam." Nanginginig ang boses ni Lea. Alam niyang pinipigilan nitong umiyak. "Nawawala siya. Kanina pa namin siya tinatawagan pero walang sumasagot sa cell phone niya. The COO of Kallean Financial Firm told us that he was fired. Nag aalala ako, Virgo."
She inhaled. "Siguro gusto lang niyang mapag-isa." She offered a reason. She knew it's a lame reason. "Babalik din si Tito."
Humikbi si Lea. "Nag-aalala lang ako kay Daddy."
"He'll be fine." Aniya pero kahit siya, hindi sigurado sa sinasabi.
"I have to hang up, Virgo." Ani Lea. "Tawagan nalang kita kapag bumalik na si Daddy."
"Okay. Ingat."
"Ingat. Ikaw din."
When the line died, Virgo uttered a simple prayer for her uncle. Sana maayos lang ang kalagayan nito kung nasaan man ito ngayon.
Bumaba siya sa kusina at nagluto nang pananghalian niya. Mamaya na niya iisipin ang gagawin niya bukas kapag nakita niya ang bago niyang boss. Nagugutom na siya.
KINAUMAGAHAN, maaga palang ay nasa Kallean Financial Firm na siya. Ayaw niyang ma-late. When the clock strikes at exactly eight A.M., pinuntahan siya ni Nancy at sinabihang may meeting daw sa conference room.
Sabay silang pumunta roon.
Nang makapasok sila sa conference room, lahat ng head sa bawat department ay naroon pati ang mga sekretarya ng mga ito. Inatake siya ng nerbiyos ng mapansin ang matangkad na lalaking nakatalikod sa kanila at may kausap sa telepono.
Inilapit niya ang bibig sa tainga ni Nancy. "Sino siya?" Inginuso niya ang lalaking nakatalikod. "Siya ba ang bago nating boss?"
Tumango si Nancy. "Oo. Kanina pa pala siya rito na mga five A.M., binibisita ang lahat ng departamento. Nauna pa siya sa ating lahat."
"Paano mo nalaman?" Bulong niya kay Nancy.
"Kasi 'yon ang sabi ni Romeo." Si Romeo ay ang kasintahan nito na security guard din dito.
"Ganoon ba?" Virgo sighed. "Alam kaya ng bago nating boss kung nasaan si Tito Leo-"
"It there something you want to share, Miss Virgo Guano?"
Virgo stilled when she heard her surname being mentioned by a deep baritone voice. Dahan-dahang tumingin siya sa pinanggalingan ng boses. Lahat ng tao sa loob ng conference room ay walang imik at nakatingin sa kanya. Gusto niyang manliit sa sobrang hiya na nararamdaman.
And then her eyes met his gray ones. Umawang ang labi niya ng makilala ang may-ari ng abuhing mata na nakikipagtitigan sa kanya ngayon. "You."
The man narrowed his eyes on her. "Come here."
May sariling isip ang mga paa niya na naglakad palapit sa lalaki na nakilala niya sa bar.
"Yes, sir?" Aniya ng makalapit dito.
May ibinigay itong note pad sa kanya na alam niyang nagkakahalaga ng ilang libong peso. "As my secretary, you should always take notes. And for your question earlier, hindi ko alam kung nasaan ang Tito mo."
Napamulagat siya sa huling tinuran nito. Mahina lang ang boses niya ng magtanong siya kay Nancy kanina. She was whispering and he heard it? Grabe naman ang tainga nito. Nakakarinig kahit malayo.
"I'm sorry."
"Don't be." Humarap ito sa mga head ng bawat department na nakaupo sa kanya-kanyang upuan na nakapalibot sa conference table. Ang seryuso ng mukha nito. "Good morning. My name is Lucien Kallean, the son of Leonardo Kallean, the owner of Kallean Financial Firm. Mula ngayon, ako na ang mamamahala sa kompanyang ito. I hope we get along well. Sinasabi ko na ngayon palang na istrikto akong boss, ayoko sa nga empleyado na hindi ginagamit ang utak para mas mapaganda ang serbisyo natin. And just like my father always say, i hope we all cooperate for the betterment of everybody. That's all. Meeting is over."
All employees bow their head a little at Sir Lucien before they left the conference. Isa-isang nagsilabasan ang mga empleyado hanggang sa silang dalawa nalang ang naiwan.
Nang dumako ang tingin niya kay Sir Lucien, nahuli niyang titig na titig ito sa kanya.
"Bakit po, Sir?" Nagtatakang tanong niya sa bagong boss.
The man didn't even blinked as he stared at him. "You have very beautiful eyes, why are you hiding them under those thick old looking glasses."
Mabilis siyang nagbaba ng tingin. "Walang maganda sa akin. Pangit po ako."
The man chuckled, "Such lies." Naglakad ito palabas ng conference room. "Come on. Let's go to the office. Kailan na nating magtrabaho."
Mabilis na hinabol ni Virgo ang boss niya na nakalabas na sa conference room. Nang maabutan niya ito, bumaling ito sa kanya habang naglalakad.
"So, Miss Guano," her boss drawls, "may boyfriend ka na?"
Tumaas ang kilay niya sa tanong nito. "Personal po ang tanong niyo, Sir."
Ang kilay naman nito ang tumaas. "Is that so?"
"Yes."
"Okay, then." Tumaas ang gilid ng labi nito. "Mula ngayon hindi lang kita secretary, personal assistant na rin. In that way, i can ask personal questions." Binigyan diin nito ang salitang personal.
Napatigil siya sa paglalakad at napatitig sa likod nito. Mukhang napansin nitong hindi na siya nakasunod dito kaya tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Oh, bakit ka tumigil sa paglalakad?" Usisa nito sa kanya.
"Hindi mo ako sisisantihin?" Nagtatakang tanong niya.
Kumunot ang nuo nito. "You want me to fire you?"
Mabilis siyang umiling. "No."
"Okay. Then no." Tinalikuran siya nito at pumasok sa CEO office.
Naiwan si Virgo na nakakatanga sa pinto na pinasukan ng bago niyang boss. Hindi siya nito sisisantihin at hindi nito alintana kung manang siyang manamit? Ni hindi nga nito pinansin ang pananamit niya.
What kind of luck does she possess today?
Napapantastikuhang umupo siya sa kaniyang lamesa at nagumpisang magtrabaho.
Lunch came and as usual, hindi pumunta sa canteen si Virgo. May baon siya.
Habang kumakain, panay ang tingin niya sa pinto ng opisina ni Sir Lucien. Simula nang pumasok ito kanina, hindi na ito lumabas. Hanggang sa matapos siyang kumain, pasulyap-sulyap pa rin siya sa pinto ng opisina ng CEO.
Hindi na siya nakatiis, tumayo siya at naglakad palapit sa pinto pagkatapos ay kumatok. Nasanay siya sa Tito Leo niya napalaging nagpapa-order ng pagkain.
"Pasok." Narinig niyang sabi mula sa loob.
Pinihit niya pabukas ang door knob at dahan-dahang itinulak pabukas ang pinto. Hindi siya pumasok, sumilip lang siya sa loob. Nakita niyang nakaupo si Sir Lucien sa swivel chair at nakapatong ang paa nito sa ibabaw ng mesa. Kumunot ang nuo niya ng makitang tinakpan nito ng kurtina ang glass wall.
He looks cozy. And he looks like he hasn't been productive today. Nakatingin lang ito sa kawalan.
"Kumain na po ba kayo, Sir? Should i order you something?" Aniya habang nakasilip pa rin.
Bumaling ito sa gawi niya. "I'm thirsty."
"Ahm," she looks at the water dispenser on the corner of the room. "Marami pa naman kayong tubig, Sir, e."
Sir Lucien chuckled. "I know. Nagbibiro lang ako."
"Hindi po ba kayo nagugutom?" Usisa ulit niya.
"Hindi. Okay lang ako."
"Ah. Okay po." Isinara niya ang pinto at bumalik sa mesa niya.
Nawe-weirduhan na talaga siya sa boss niya. Oo nga at napaka-guwapo nito pero weirdo naman.
Iniligpit niya ang lunch box at ibinalik sa bag niya. Akmang babalik na siya sa trabaho ng bumukas ang elevator at lumabas mula roon ang isang napakaguwapong lalaki.
The man has gray-no, almost a silvery eyes. It looks eerie yet enchanting. He has these thin sexy lips that women would kill for a taste. His stance is full of confidence and authority. Matikas ito at matitipuno ang mga braso. He is wearing a dark faded jeans, black leather jacket; underneath it is a white shirt. Matangkad ito kaya mas gumuwapo pa ito sa suot.
Mabilis siyang nagbawi ng tingin ng lumapit ito sa mesa niya at tumingin sa harap ng computer. Umakto siyang hindi ito nakita.
"Hey, miss." Anang brusko at baritong boses. "Nandito ba si Lucien?"
Inihanda niya ang ngiti sa mga labi bago nag-angat siya ng tingin. "Do you have an appointment, Sir?" Tanong niya.
The man just looked at her and slowly, he started leaning in towards her. Siya naman ay natulos sa kinauupuan.
"What is that smell?" Tanong ng lalaki na napakalapit ng mukha sa leeg niya ay suminghot-singhot. "Are you wearing a perfume, miss?"
Napapantastikuhan at nani-nerbiyos siyang umiling. "Hindi po." Wala siyang pambili ng perfume. At 'yong inilagay niyang cologne kanina ay alam niyang natanggal na ang amoy sa kanya.
The man's eyebrow quirked up. "So that's why." Sabi nito at tumayo ng tuwid. "I don't need an appointment. I'm Lucan, Lucien's brother."
Napatango-tango siya. "Nasa loob po siya. Nakikipag-komprehensiya sa hangin."
Tumaas ang gilid ng labi ni Lucan na para bang may sinusupil itong ngiti. "Okay. Thank, miss."
Naglakad ito patungo sa pinto at pumasok na hindi man lang kumakatok. Napailing-iling na humarap siya sa computer. Hindi lang pala si Sir Lucien ang weirdo, pati rin ang kapatid nitong si Lucan.
NARAMDAMAN ni Lucien na pumasok ang nakakatanda niyang kapatid sa loob ng opisina niya pero hindi siya gumalaw sa kinauupuan.
May inilapag ito sa ibabaw ng mesa. "Your order. One bottle of blood. At tama nga ang sekretarya mo, nakikipag-komprehensiya ka nga sa hangin."
Humarap siya sa kapatid. "Salamat."
Lucan shrugged. "Kumusta ang unang araw mo?"
"Plain torture."
Lucan smirked. "I bet. Naamoy ko ang dugo niya, ang bango pala talaga."
Lucien went rigid and his eyes turn from gray once to blood shot red. "You did what?!"
Napaatras si Lucan pero ang mga mata nito ay nag-iba rin ng kulay. From silver to pure black. "Naamoy ko lang nung dumaan ako. Wala naman akong gagawin sa kanya. Promise."
Dahan-dahan, bumalik ang mga mata niya sa normal na abuhin. "Don't touch her nor smell her. I don't like it. Understand?"
Tumango si Lucan. "A piece of advice, little brother. Bilis-bilisan mo. Tatlong buwan lang ang ibinigay sayo ni Daddy. After that, the deal is off. Kung magtagumpay ka, good for you. Kapag hindi, makikinig ka na kay ama at ipapadala ka niya sa Russia."
Nag-iwas siya ng tingin. "Magtatagumpay ako."
"Yeah but first, learn to control the monster side of you." Ani Lucan. "Remember, Lucien, we vampires possess black eyes when we're angry, not red."
Natigilan siya sa sinabi ng kapatid. "Alam ko."
"Good. So rein it." Pagkasabi niyon ay tinalikuran siya nito at lumabas ng opisina niya.
Dumako ang tingin ni Lucien sa intercom kapagkuwan ay pinindot iyon at nagsalita. "Miss Guano. Come here." Fuck this! I only have two months and thirty days.
A/N: Isa lang ang update. Sisihin ang Honest trailer. Haha. Hope you enjoy reading it as much as i enjoy writing it :) - Love, C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro