CHAPTER 20 - Heart in the Dumpster
CHAPTER 20 - Heart in the Dumpster
TULOG na si Vixor pero gising pa rin si Virgo. Hindi mawala sa isip niya ang malungkot na mukha kanina ni Lucien habang naglalakad siya kasama si Vixor. She did look back and what she saw made her heart ached.
And she doesn't know why.
Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas sa teresa. She looked back at Vixor first before jumping off the terrace. Pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo patungo sa dereksiyon ng bahay nila Lucien.
Kailangan niyang malaman kung bakit nakakaramdam siya ng sakit at nag-aalala siya para rito. Baka kinokontrol na naman siya nito. She has to know! Damn it!
Nang makarating siya sa mansiyon ng mga Kallean, she inhaled the air. When she smells Lucien's scent, she followed it and she was guided into a small terrace. Madali lang niyang naakyat ang teresa at natigilan siya ng makitang bukas iyon pero wala namang tao sa loob.
But she can smell Lucien's scent everywhere. Dapat narito siya!
Umupo siya sa gilid ng kama at ipinikit ang mga mata. She let her ear broaden and she listens in concentration.
Narinig niya ang tunog ng maliliit na mga insekto. Ang tunog ng mga paniki sa malapit na kuweba. Ang lagaslas ng tubig sa batis na hindi kalayuan sa mansion at ang tunog ng kadena na parang ihinahampas sa semento.
Tumayo siya at sinundan ang tunog ng kadena. The sound leads her to the basement of the house. Natutulog na ang lahat ng tao sa mansiyon na iyon kaya malaya siyang nakapunta sa basement.
Virgo opened the basement door and a long pathway welcomed her. Tinahak niya ang mahabang pathway hanggang sa makarating siya sa isa pang pinto. Nang pihitin niya iyon, hindi naka-lock ang pinto at kaagad niya iyong itinulak.
What she saw inside made her knees weak.
Naka-kadena si Lucien at halatang gustong-gusto nitong kumawala sa pagkakatali sa kadena. His eyes were red and blood is scattered in the floor and in the walls.
Oh god...
Pumasok siya sa loob ng silid at kaagad na dumako ang mapupulang mata ni Lucien sa kanya.
Virgo braced herself. Taas-baba ang dibdib niya at kinakabahan siya. Alam niyang nararamdaman nito ang nararamdaman niya dahil isa iyon sa mga kakayahan nito.
"Lucien..."
Lucien quickly moved to attack her but was restrained by the chains in his wrist.
She gasped, not in fear, but in pity when Lucien's wrist bleeds.
Dapat natutuwa siya na nakikita itong nasasaktan at nagdurusa. Pero hindi niya iyon maramdaman. She wanted to hate the man in front of her, but she couldn't. Gusto niyang sumbatan ito sa ginawa nito sa kanya pero walang salita na lumalabas sa bibig niya.
At mas lalong ikinagulat niya ay parang may sariling isip ang mga paa niya na naglakad palapit sa binata na matalim ang mga matang nakatingin sa kaniya.
"What happened to you?"
Sa halip na sumagot, inatake siya ni Lucien at ipininid ang katawan niya sa semento. Hindi siya gumalaw. Hindi siya lumaban. Hinayaan niya lang ang binata na gawin ang gusto nitong gawin.
Mariing ipinikit ni Virgo ang mga mata ng maramdamang bumaon sa leeg niya ang matatalas na pangil ni Virgo. She gritted her teeth as pain spread through her. Ikinuyom niya ang kamao at kinagat ang pang-ibabang labi para hindi sumigaw sa sobrang sakit.
Minute later, Lucien let go if her neck and stared at her, horrified expression is written all over his face.
"V-Virgo... oh god!" Mabilis siya nitong binitiwan at umalis sa pagkakadagan sa kanya. "Sorry! Oh god. I didn't mean too! Holy fuck! Fuck! Shit!"
Bumangon siya sa pagkakahiga sa semento at umupo.
"I'm sorry—" Lucien frowned. "What are you doing here anyway?"
She sighed. "May itatanong lang sana ako kaya nagpunta ako rito. Wala ka sa kuwarto mo kaya hinanap kita. And i found you here. Anyway," she took a deep breath. "Kinonkontrol mo ba ako kanina nung papalabas na ako ng Financial Firm niyo?"
Lucien frowned and sat on the floor, adjacent to her. "Hindi. Bakit mo naitanong?"
Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. It seems to me that controlling people is your hubby. Just wondering if you are controlling me. I wouldn't know, right?"
A small sad smile appeared in his lips. "You'll know. You're a vampire now. Aware ka na sa nangyayari sa paligid mo, lalong-lalo na sayo."
Naka-indian sit siya habang nakaharap kay Lucien. "So, bakit ka nakatili riyan?"
"My rogue side is coming out again." Pagkuwento nito. "I need to leash myself."
"But you're okay now."
Lucien shrugged. "You're here."
Napatitig siya sa binata. "Ano naman ang kinalaman no'n sakin?"
"You tamed me, Virgo. Ikaw lang ang may kayang gawin 'yon."
Tumango-tango siya. "Pero niloko mo pa rin ako at pinaglaruan ang emosyon ko." Tumayo siya at naglakad palabas ng basement. "I'll be taking my leave now."
Nasa pinto na siya ng marinig niyang magsalita si Lucien.
"Can you stay for a little while?"
Nilingon niya ang binata. "Bakit naman ako mananatili rito? Naka hanapin ako ni Vixor."
Mapait itong ngumiti. "Masaya ka ba sa kanya.?"
Tumango siya. "Oo. He keeps me safe."
Sumandal ito sa semento at matiim na tumingin sa kanya. "I can do that. I did kill someone for you. Pinapaalala ko lang, baka nakakalimutan mo."
Nagbaba siya ng tingin. Sinasampal ba nito sa mukha niya ang ginawa nito noon para sa kanya?
"Anong gusto mong bayad sa utang na loob ko sayo?" Matapang niyang tanong sa lalaki.
He had a small smile in his lips, yet it feels like he is grinning. "Halika. Lumapit ka rito. At ipapakita ko sayo kung anong gusto kong kabayaran."
She frowned. "Ano ba kasi? Sabihin mo nalang."
Tinanggal nito ang kadena sa magkabilang pulso gamit ang susi na nasa bulsa nito saka tumayo at naglakad palapit sa kanya. When he reached her, he gripped her waist and pinned her on the door.
Napasinghap siya ng lumapat ang labi nito sa leeg niya. Alam niyang babaon ang mga pangil nito sa leeg niya kaya malakas niyang itinulak ito.
Tumama si Lucien sa pader ng basement at napangiti siya sa taglay na lakas. Hindi na siya nito puwedeng kaya-kayanin. She's not the old Virgo who would cry when she's afraid. Nagbago na siya. Vixor didn'ttrain her to fight for nothing.
Galit na nilapitan niya si Lucien at sinakal ito sa leeg. He didn't fight back. He just let her.
"Sa susunod na atakihin mo ako ng ganoon, i will carved out your heart and throw it in the dumpster." She said in a menacing voice.
"You already did that, Virgo." Parang walang pakialam ma sabi nito. "Tinapon mo na ang puso ko nang iwan mo ako two years ago. I love you, Virgo. Pero iniwan mo ako at sumama sa iba."
Inungusan niya ito at binitiwan ang pagkakasakal sa leeg nito. "Niloko mo ako, Lucien. Wala kang karapatang mag reklamo kasi ikaw ang unang nanloko. You controlled me and my feelings for you. Kalokohan lang pala ang pagmamahal ko para sayo."
With a speed of lightning, she left the Kallean Mansion and return to Simonides with a confused head and heart.
VIRGO was busy accepting calls when Tito Vently walks to her table. "Virgo, go to Kallean household. Sabihin mong kailangan naroon siya sa gagawing pagtitipon ngayong sabado. Hindi ko siya makontak at baka mahuli siya sa balita dahil aalis 'yon patungong Visaya para sa nagkalat na rouge."
"Copy." Kaagad siyang tumayo at sinunod ang pinaguutos ni Tito Vently.
Ayaw niyang bumalik sa mansion ng mga Kallean. Pero trabaho naman 'to e. She can't say no. Kailangan niyang isantabi ang nararamdaman niya sa kaniyang trabaho. Nakakahiya. Binigyan na nga siya ng trabaho, hindi pa niya inaayos.
Nang papasakay na siya sa sasakyan niya, nakatanggap siya ng mensahe galing kay Vixor.
From Vixor: Let's lunch out?
Napangiti sita at kaagad na nireplayan ang binaga.
To Vixor: Cant. I have something to do. How 'bout dinner?
Mabilis ang tugon ni Vixor sa mensahe niya.
From Vixor: sure thing. I'll pick you up at five.
Hindi na siya nag-reply at tuluyan na siyang pumasok sa sasakyan niya. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa mansiyon ng mga Kallean. Nang makarating doon, she went out of her car and knock on the door.
Bumukas naman kaagad iyon at malakas na kumabog ang puso niya ng makita si Lucien.
He's wearing a suit and tie and he looks downright handsome. Napalunok siya.
"Lucien..."
He looks at her intently. "Virgo..." mas niluwagan pa nito ang pagkakabukas ng pinto. "Come in."
Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago pumasok sa kabahayan.
"I'm looking for the head of the house. May pinapasabi sa kaniya si Mr. Simonides."
Tumaas ang gilid ng kikay nito. "Kailan ka pa naging messenger?"
Hindi niya pinansin ang sinabi nito at tinaasan lang ng kilay. "Siya ang gusto kong makausap. Hindi ikaw."
"Wala siya rito." Umupo si Lucien sa mahabang sofa at iminuwestra ang kamay sa pang-isahang sofa na kaharal nito. "Have a sit. Parating na si Daddy. Maghintay ka nalang."
"Okay." Umupo siya sa iminuwestra nitong upuan. "Matagal pa ba siya?"
Lucien shrugged. "Malay ko. Bakit ko naman malalaman? Nagkausap ba kami?"
Napakurap-kurap siya sa matalim na boses ng binata. Kagabi okay naman sila, ah. Tapos ngayon, biglang nag-iba. Anong nangyari?
"Nagtatanong lang naman ako."
"Nagtatanong?" He smirked annoyingly. "Ako, marami akong tanong sayo. Sasagutin mo ba?"
Tumaas ang kilay niya. "Anong katanungan?"
"Bakit ka sumama kay Vixor?"
"He kidnapped me and brought to Sicily." Sagot niya. No need to lie. "And then i came to realize that i need him to survive. He turned me with my consent and he brought me to Russia. We stayed there and now I'm here."
Lucien sighed and looked away. "I look for you for two years. I prayed that nothing bad happened to you." Ibinalik nito ang tingin sa kaniya. "Salamat naman at walang nangyaring masama sayo. Salamat at kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo. I'm happy for you."
Matiim niyang tinitigan ang binata. Masaya raw ito para sa kanya pero ang mukha nito ay bakas ang kalungkutan. Something tugged her heart. Gusto niyang lapitan ang binata at yakapin at sabihing huwag na itong malungkot. Pero pinigilan niya ang sarili. Baka kinokontrol na naman nito ang emosyon niya. Wala naman kasing dahilan para maramdaman niya iyon.
She bet he's just controlling her emotion again.
She sighed and silently thank god when Mr. Kallean, the head of the household, enters the house. Mabilis siyang tumayo at lumapit dito. Kailangan niyang masabi rito ang pakay para makaalis kaagad siya.
She can feel Lucien's gaze burning a hole in her back. Hindi siya mapakali e.
A/N: Hanggang dito lang muna si Lucien. Sorry CCBells :) I have to rest my eyes from time to time kaya hindi ako nakapagsulat ng bonggang-bongga. - C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro