CHAPTER 11 - Memory
CHAPTER 11 - Memory
NAGISING si Virgo na parang may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan niya. Nang tingnan niya kung ano 'yon, nakita niyang isa iyong braso. She quickly looked at her side. Nang makita si Lucien, nakahinga siya ng maluwang.
Akala niya kung sino.
Napatingin sa Virgo sa teresa. Nilukob na naman ng takot ang puso niya pero ng maalalang narito si Lucien sa tabi niya, nakaramdam siya ng tapang.
Speaking of which, kilala ng lalaking 'yon si Lucien.
Napatitig siya sa maamong mukha ng binata na mahimbing na natutulog. Hindi raw siya mapo-protektahan kahit na si Lucien pa ang mag protekta sa kanya. Anong ibig sabihin no'n? Bakit kilala ng lalaking 'yon si Lucien?
Huminga siya ng malalim at maglakad palapit sa pinto ng teresa na natatakpan mg malaking kurtina. Humugot muna siya ng isang malalim na hininga at mabilis na binuksan ang kurtina.
Sunshine greeted her.
"Fuck!" Lucien voice cursed.
Mabilis niyang nilingon ang binata. Napakunot ang nuo niya ng makitang nasa sulok ito ng silid niya na hindi tinatamaan ng araw at ginagawang panangga sa liwanag ang kumot niya.
"Ano ba ang ginagawa mo?" Nagtatakang tanong niya sa binata na parang gustong patayin ang araw.
"Close that fucking curtain, Virgo!" He shouted at her.
"What?" Her frown deepened. "Ano ba ang problema mo?"
"Close the curtain. I'm allergic to sun. Damn it!" Anito na ikinataas ng kilay niya.
"Allergic to what? Sun? Nagbibiro ka ba?"
"Just close it. Damn it!"
Nakikita ni Virgo na talagang natatakot ito na masilayan ni haring araw ang balat nito kaya isinara niya ang kurtina at naglakad pabalik sa kama.
"Allergic ka sa araw?" Ulit niya na parang napapantastikuhan.
Lucien went back to bed and lie there again. "Yes. I am."
"Kaya palaging madilim sa opisina mo noon?" Tanong niya ulit.
"Oo. 'Yon ang dahilan." Dumapa ito sa kama at ipinikit ang mga mata. "I'm sleepy. Magmamadaling araw na ako nakatulog kagabi."
Tumabi siya ng higa rito. "Bakit naman?"
"Binantayan kita." Sagot nito na nakapikit pa rin.
Her heart warmed. Parang may humaplos sa puso niya. Binantayan siya nito kagabi? How sweet. Pero paano ito nakapasok. Nasisiguro niyang nakalock ang pinto— baka hindi niya na-i-lock ang pinto ng terrace sa sobrang takot kagabi. Mabuti nalang bumalik si Lucien at sinamahan siya.
Hinaplos niya ang buhok ni Lucien at tipid na ngumiti. She can't help but to fall for this man. Nakakatakot ang isiping mahulog kay Lucien Kallean, pero mapipigilan ba niya ang sariling damdamin? Mapipigilan ba niyang hindi tumibok ang puso niya para sa binata?
Napailing-iling siya sa tinatakbo ng isip. Kaya para hindi siya mas lalong mag-i-isip ng kung ano-ano tungkol sa nararamdamn niya kay Lucien, lumabas siya ng silid at nagtungo sa kusina. Hindi siya natatakot kasi umaga naman.
Nagluto si Virgo ng agahan nila ni Lucien. Pinagtimpla din niya ng kape ang binata.
Inilagay niya ang tuna sandwich, bacon, omelet, pancakes, kape ni Lucien at hot chocolate niya sa tray at bumalik sa kuwarto niya.
Lucien was still sleeping so she put the tray on the bed side table. Kating-kati siyang buksan ang mga kurtina sa kuwarto niya para lumiwanag pero naisip niya si Lucien. Baka bigla na naman itong magising.
Virgo really thought that Lucien is asleep, so when he spoke, she jolted in shock.
"Is that breakfast?" Lucien asked in a sexy sleepy voice, his eyes still close.
"Yes."
His eyes slightly cracked opened and looked at her. "Pinagluto mo ako ng agahan?"
Tumango siya.
Biglang bumangon ang binata na ikinagulat niya. Ang bilis ng kilos nito na halos hindi na makita ng mata niya.
Masayang kumakain si Lucien habang nakatalikod sa kanya. Walang itong suot na pang itaas kaya naman nasilayan na naman niya ang nakakaakit nitong tattoo.
Virgo trailed her finger on his tribal tattoo. Naramdaman niyang natigilan si Lucien kapagkuwan ay pinagpatuloy din ang pagkain.
"Parang gustong-gusto mo ang tattoo ko." Sabi nito. "Why?"
"It's cool." Simpling sagot niya. "Ang ganda. Nakakahalinang pagmasdan."
Mapaklang tumawa ang binata. "Alam mo ba kung anong halaga ng tattoo na iyan?"
"Ano?" Tanong niya habang abala pa rin ang daliri niya sa tattoo nito.
"That tattoo is made to conceal the beast inside of me."
Napatigil siya sa ginagawa at napatingin sa binata na nakatalikod. "Anong ibig mong sabihin?"
Humarap sa kanya si Lucien at hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Virgo, something lives inside of me. A monster. At ang tattoo na iyan ang isa sa mga pumipigil sa halimaw na iyon na kumawala at manakit ng tao. Inilagay 'yan ni Daddy panigurado na hindi siya lalabas. But from time to time, i can feel it. Nagiging okay lang naman ako kapag nasa malapit ka o kapag nahahawakan kita at nayayakap."
Her face saddened. It's a metaphor. Alam niyang hindi literal na halimaw ang itinatago nito sa loob. Maybe an attitude problem? Pero parang wala naman itong halimaw na tinatago. The Lucien she came to know is sweet and hot and sexy and sometimes, intense. Lalo na kapag magkalapat ang mga labi nila.
She softly cupped his face. "Ano bang klaseng halimaw ang mayroon ka?" She smiled. "Tell me at nang mapatay natin ang halimaw na iyan."
Napailing-iling si Lucien at bumuga ng marahas na hangin. "You are not taking me seriously, Virgo. I am fucking serious. There is a monster inside of me that wanted to come out to own and claim you."
Virgo sighed. "What kind of monster?" Tanong niya. "Hindi kita maintindihan e."
Nagbaba ng tingin si Lucien. "Wala. Basta ayoko lang na dumating ang panahon na tumakbo ka dahil nalaman mo ang tunay na ako."
"Ano ba ang tunay na ikaw, Lucien?" Naguguluhang tanong niya sa binata. "Hindi ba katutuhanan ang pinapakita mo sa'kin ngayon?"
He runs his finger through his already messy hair. "You can't take the truth. Matatakot ka at iiwan mo ako."
Virgo scoffed. "I can't take the truth? Matatakot ako at iiwan ka? Lucien, tatlong taon na akong nabubuhay sa takot. Mula ng mamatay ang mga magulang ko, halos gabi-gabi ay hindi ako mapakali. Takot akong lumabas ng bahay. I took pills just so i could have a good night sleep. I have anxiety attack. Tumigil lang 'yon ng makilala kita, Lucien. Kaya please, kung balak mo akong lokohin o paglaruan, spare me. I've been through hell already. Huwag mo nang dagdagan pa."
Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha niya. "Virgo, i know what you've been through—"
"No, you don't."
"Yes, i do." He looked deep into her eyes. "Kasi naroon ako ng mamamatay ang mga magulang mo. After that incident in the bathroom on Leo Guano's house, i saw you leaving. Sinundan ko kayo. And i witness it all. Kaya alam ko kung anong pinagdaanan mo."
Virgo was confused, bothered and stunned at the same time. Lucien was there ... that night.
She was breathing heavily. "Nandoon ka? Why didn't you call the police—"
"Alam kong alam mo na hindi kayang hawakan ng mga Police ang nangyari sa mga magulang mo. So i take the matter to my own hand. Hindi ko nasagip ang mga magulang mo, pero ikaw, nagawa pa kitang isagip mula sa lalaking 'yon. I pulled him away from you and then shit happened."
Lucien cups her face with his palm and caressed her cheek. "I made you forget, Virgo. I made you forget that night. And i want you ... to remember it now."
His eyes changes colors and Virgo felt like something hit her head. Hard.
Sinapo niya ang ulo na parang minamartilyo sa sakit. Blurred pictures are flashing through her mind. The memories of the night her parents died. But no... hindi ... imposible. Alam niyang nahimatay siya pagkatapos mawala ng lalaking iyon tapos nagising siya sa Hospital. Pero ano itong mga memorya na pumapasok sa isip niya? Hindi niya maipaliwanag.
And then the blurry pictures get clearer, she saw Lucien face covered in blood and he is holding that guy's ripped open throat. Hindi siya puwedeng magkamali. Si Lucien ang lalaking nakikita niya ngayon. He was biting ... no, attacking the man's throat. Ripping it open. Mutilating him. Walang pinagbago sa mukha nito. Wala. Ito parin ang Lucien na nakilala niya. Nothing change but his eyes ... they are not gray anymore.... they were red. Just like that monster that killed her parents.
Virgo flinched when the memory bounced back and disappeared. Mabilis siyang nagmulat ng mga mata at sumalubong sa paningin niya ang pulang mga mata ni Lucien na matiim na nakatingin sa kanya.
"You..." she started trembling in fear. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya.
Lucien smiled sadly; his sharp fangs were peeking between his lips. "Yes. Me. Can you take me, Virgo?"
She didn't answer him. She didn't speak. Ginawa niya ang isang bagay na gusto niyang gawin sa mga sandaling iyon, tumakbo siya palabas ng silid. Pero bago pa niya mabuksan ang pinto, narinig niya ang pamilyar na baritonong boses ni Lucien ... ang kaparehong boses ng lalaki na nagpatulog sa kanya tatlong taon na ang nakakaraan.
"Sleep."
AGAD na nakita ni Lucien ang madilim na mukha ng ama niya ng makitang karga-karga niya si Virgo sa mga bisig niya habang papasok sa kanilang bahay.
"I let her remember." Sabi niya sa kaniyang ama ng nasa sala na siya.
Tinitigan nito ang mukha ng dalaga na nasa bisig niya. "So, ano na? Natanggap ka ba?"
"She ran."
"They all do." Anang ama niya at hinawakan ang nuo ni Virgo. "I can feel it. The block that you made in her mind so she won't remember that night is fading away. Fast. Baka bukas, pagkagising niya, naaalala na niya ang lahat ng nangyari sa gabing iyon na itinago mo sa isip niya." He gave him a questioning look. "Want me to strengthen the block?"
Umiling siya. "Huwag na. Hayaan mo siyang makaalala. I want her to remember me. Nahihirapan na akong itago sa kanya ang tunay na ako."
His father nodded. "Kung iyan ang gusto mo, irerespeto ko. Pero sana hinintay mo munang magka-isa ang katawan niyo at sambitin ang ritwal na salita na magbubuklod sa inyong dalawa para tumakbo man siya, wala na siyang kawala sayo."
"Ayoko na siyang lokohin pa, Dad." His eyes saddened. "Ayoko nang manipulahin siya. Ayoko nang pati emosyon niya ay pinakikialaman ko. Pagkagising niya, magpapaliwanag ako. I'll come out clean. Pati ang mga pagmamanipula ko sa kanya, ipagtatapat ko."
Bumuntong-hininga ang ama niya. "Good luck with that. Paniguradong iiwan ka niya." Tinaasan siya nito ng dalawang kilay. "Handa ka na ba?"
He shook his head. "Hindi."
"Maghanda ka na." Tinapik nito ang balikat niya at nauna nang umakyat sa hagdan.
He followed his father into the staircase. Nang makarating sa taas ng hagdan, naglakad siya patungo sa silid niya at doon pinahiga si Virgo sa kaniyang kama.
Pinakatitigan niya ang dalaga. His heart is tightening inside his chest. When those beautiful eyes of her open, he's doomed. Mangyayari na ang kinatatakutan niya. Pero tama na ang pagtatago. Tama na ang kasinungalingan. Tama na. Ayaw na niya. Kung mamahalin siya ni Virgo, gusto niya 'yong kusa nitong mararamdaman iyon at hindi dahil iyon ang gusto niyang maramdaman nito.
Hinubad niya ang pang-itaas na damit at itinapon iyon sa sahig. Ang sinunod naman niyang hubarin ay ang pantalon niya at ang sapatos na suot. Then he lay beside Virgo ang hugged her so tight.
Ito ang huling pagkakataon na mayayakap niya ng ganito ang dalaga. Bukas, kahit hindi pa nangyayari, alam na niya ang magiging reaksiyon nito.
And it scared him.
Nang maramdaman ni Lucien na may tao sa labas ng silid niya, umalis siya sa pagkakahiga sa kama at lumabas ng kuwarto niya.
Lucan was there. Still on his hunting "uniform".
"That was an idiotic move, little brother." Lucan scolded him. "Bakit mo hinayaan na maalala niya ang lahat?"
"Karapatan niyang malaman iyon." He sighed. "Nalaman mo ba kung sino ang nakita niya kagabi?"
"Yes."
He gritted his teeth. "Is he a rogue?"
"Kinda." Lucan said with a shrugged. "He is like you, Lucien. Red eyes with a tattoo on his back to conceal the beast. Mukhang hindi ka pala nag-iisa tulad ng akala natin."
His mouth was agape. "Anong pangalan niya?" Gusto niyang malaman ang pangalan ng lalaking gustong manakit kay Virgo. "I will tear him to pieces if he ever hurt Virgo." He said in a menacing voice.
Lucan shook his head. "No. Hindi mo siya puwedeng galawin Lucien." His eyes held disapproval. "His family is one of respected and feared coven. So back off, little brother."
"Ganoon din naman ang pamilya natin. Nirerespito at kinatatakutan din naman tayo, ah. Sino siya para magpasindak tayo ng ganoon-ganoon nalang?" Galit na sabi niya.
"He is Vixor Mikhael Simonides, the Prince of the Royal Coven of Simonides."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro