Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter o | the kids are alright



Kalkulado ang bawat hakbang at halos pigil ang paghinga, ingat na ingat ako upang walang ibang makakita sa akin. Halos yumuko pa ako sa bawat bintanang nadadaanan, just in case  nasa living room si Grandpa at nagbabasa na naman ng kung ano-ano. I was so careful that I felt like I was one of the spies in the boring old movies that my mom and dad love to watch.

"Trix, anong ginagawa mo?"

Parang kumulo agad ang dugo ko nang makita si Bubwit na nakasunod sa akin. May nakakabwisit na ngisi habang ginagaya ang galaw ko. 

Ngumiwi ako at sinenyasan siyang lumayo, pero dahil nga siya si Bubwit na laging nambubwisit, lalo lang siyang ngumisi at lumapit.

Napairap ko at napabuntonghininga na lamang. Kahit naman anong sabihin ko, hinding-hindi siya makikinig sa akin. Sayang lang ang laway at energy ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" he asked again. Sa sobrang energetic niya, naiimagine ko sa kanya minsan ang mga aso ni Kuya Oso. Kulang na lang tumulo ang laway at lumabas ang dila niya.

For some reason, all he does is follow me around kaya minsan tinatawag ko na rin siyang nawawalang anak ni Moo.

"Shhh!" Nagtaas ako ng daliri sa labi ko. "Doon ka nga sa mga kaedad mo, Bubwit. Hindi 'to para sa bata."

"Ako? Bata?" Kaagad siyang ngumuso. "Magaling akong magluto, maglaba, manahi, magbantay ng mga kapatid, magsipilyo, at magmahal. Bata ba 'yon, Beatrix?"

Gusto ko biglang magwala sa inis, pero sa takot na baka mahuli ni Grandpa, bumuntonghininga na lang ako. "Okay fine, you can come with me but you have to keep your mouth shut."

He pressed his lips together, still smiling like a total goofball.

In the end, all I could do was roll my eyes.

***

Gamit ang spare key na sikreto kong hiniram mula kay mommy at daddy, maingat kong binuksan ang back door. I even made sure to crouch down with every step, just in case Grandpa is around.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" bulong ni Bubwit sa akin, patuloy na ginagaya ang bawat galaw ko nang may ngiti sa kanyang mukha.

Bahagya akong umiling at saka bumulong din, "Do you think somebody's home?"

Tumingala bigla si Bubwit na para bang pinapakiramdaman ang paligid. Sumeryoso pa ang mukha niya kaya naman napatingala na rin ako't nakiramdam.

"Naririnig mo 'yon?" he whispered like he was suddenly onto something. 

Kinabahan ako bigla at unti-unting napatingin sa kanyang mukhang nakatingala pa rin sa kisame. "Ang alin?"

Unti-unti siyang nagbaba ng tingin sa akin, hanggang sa magtama ang mga mata namin. "Ang tibok ng puso kong para lang sa 'yo."

Sa sobrang lapit ng mga mukha namin, malinaw kong nakita ang pagkurba ng kanyang labi sa isang ngisi.

"You little shit!" Napalo ko siya sa noo nang wala sa oras. Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa amin at mapurnada ang lahat ng plano ko.

His butt landed on the ground but he continued to giggle like the fool that he is. "Aminin mo, pinakilig kita!"

"Ugh!" I grunted out loud and just stood up, giving up on my entire plan lalo't sa sobrang ingay namin, halatang bistado na kami. "Grandpa, nandito po kami," nag-anunsiyo na lamang ako para huwag masyadong magulat si Grandpa sa amin.

"Grandpa, nandito po ng future apo-in-law ninyo!" anunsiyo naman ni Bubwit at dali-daling tumayo.

"Puwede ba! Mamaya ma-high blood na naman sa 'yo si Grandpa," I hissed and glared at him.

"Trix naman, lolo kaya nina Kuya Leon ang na-high blood dahil sa akin." Nagtangka pa talaga siyang maghugas-kamay.

I shook my head and just rolled my eyes. There's no winning against this kid kaya naman nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad patungo sa sala.

"Grandpa?" Sa isang iglap, bigla akong nabuhayan ng loob. Naka-off ang TV at walang kahit na anong nakasaksak sa mga outlet. Naka-off pa ang aircon.

"Oh, ba't parang walang tao?" bulalas ni Bubwit na nakasunod pa rin sa likuran ko.

"Tuloy ang plano, Bubwit." Hindi ko napigilang ngumisi at dali-daling nagtatakbo paakyat sa hagdan.

***

"Trix, sigurado ka bang hindi ka mapapagalitan diyan? Hindi sa takot akong mapagalitan kasi sanay naman ako diyan, pero newbie ka sa ganitong bagay, eh."

Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa pagkalikot ng lock sa lumang kuwarto ni Mama. At nang tuluyan kong mabuksan ang pinto, bumungad agad sa amin ang isang silid na puno ng mga agiw at alikabok.

Humarap kaagad ako kay Bubwit at ngumiti nang pagkatamis-tamis.

"Gustong-gusto ko kapag ngumingiti ka sa 'kin, pero alam kong ganyan ka lang kapag may kailangan ka sa 'kin," walang emosyon niyang sambit bigla. Akala mo nasapian ni Kuya Oso at Paulie.

"Come on, you're making it sound like I'm such a heartless person," I joked, lightly punching his shoulder.

Pumikit siya nang mariin at bumuntonghininga. Pagdilat, ngumiti siya at tumango-tango. "Sige na nga, anong ipapagawa mo? Tingnan natin kung kaya ko."

"Pa-check kung may daga ba o wala, please?" I tilted my head, still flashing my sweetest smile. "Baka kasi biglang may magpop-out bigla."

Nanlaki agad ang mga mata niya. "Mukha ba akong rat detector?"

"Technically, I want you to check for rats, cockroaches, at kung ano-anong scary insects." Bumuntonghininga na lamang ako. "Okay fine, I'll just call someone else—"

"Ako na!" taas-noo niyang bulalas. "Tatawag-tawag pa sa iba, nandito naman ako," he then murmured.

"Ba't parang napipilitan ka?" biro ko.

"Basta may kapalit 'tong pagiging rat detector ko!" aniya.

I sighed in relief and grinned. "Yeah yeah, ililibre kita—hoy, Bubwit! Anong ginagawa mo?!"

Nagulat ako nang biglang hinubad ni Bubwit ang plaid blue flannel shirt niya. Mabuti na lang talaga at may suot siyang black inner shirt, otherwise I would've ran like hell. 

"Baka madumihan, hawakan mo muna. Ako ang in-charge na maglaba sa amin ngayong linggo kaya ayoko muna maglinis ng mga mantsa," patawa-tawa niyang sambit at inabot sa akin ang flannel shirt.

Bumuntonghininga na lamang ako at tinupi ang damit niya at saka ito sinampay sa braso ko. 

Naunang pumasok si Bubwit at nang magbigay siya ng go signal, sumunod na ako sa kanya. Napangiti kaagad ako nang makita ang kabuuan ng kuwarto. Wala itong pinagbago mula nang minsan akong dinala nina Mommy rito.

Knowing we only had limited time, dumiretso na ako sa pakay ko—ang aparador.

"Bubwit, pabukas nga sa aparador. Baka biglang may tumalon palabas, e. Ikaw muna mauna," sabi ko, dahilan para agad mapalingon sa akin si Bubwit, kunot-noo. 

"Please?" I added, smiling sweetly at him again.

Bumuntonghininga siya at umiling-iling. "Sabihin mo na nga lang anong hinahanap mo. Ako na ang maghahanap."

"Talaga?!" Napapalakpak ako sa tuwa. "Diary sana. Hindi ko alam anong hitsura, basta diary."

Nakunot ang noo niya. "Diary ng mama mo?"

Tumango naman ako. "I heard them talking last week. May nabanggit si Tito Riley na may diary raw si Mama noong college pa siya."

Napakamot bigla si Bubwit sa dulo ng kanyang kilay. "Trix, 'di ba private ang diary? Okay lang ba na basahin mo 'yon lalo't sa mama mo pa? Magtanong ka na lang kaya—"

"It's fine!" I assured him and even laughed a little. "Gusto ko lang naman malaman paano nagsimula ang love story nila. I'll even skip the irrelevant parts. I just want to know stuff straight from her diary. Out of curiousity lang talaga. Ikaw? Hindi ka ba curious paano nagkakilala ang mga magulang mo?"

Nagkibit-balikat siya at bahagyang ngumiwi. "Sa bugawan daw nagsimula, e."

Natawa na lamang ako itinali ang maikli kong buhok gamit ang scrunchie na nasa pulsuhan ko. "Come on, just help me look for the diary, Bubwit."

***

Nagkalat ang mga lumang libro at notebook ni mama sa sahig pero hindi pa rin namin mahanap-hanap ang diary niya. Papasuko na kami ni Bubwit nang bigla kong mapansin ang isang plastic na kahon sa ilalim ng kama ni Mama.

Naawa na ako kay Bubwit kaya naman nilakasan ko na ang loob ko at ako na ang kumuha ng kahon.

"Uy nagtatapang-tapangan na," pang-aasar niya sa akin.

Nginiwian ko siya. "Matapang naman talaga ako. Maarte nga lang."

Natawa si Bubwit sa sinabi ko at tinulungan na akong maghalughog sa kahon.

Pagkatapos ng ilang minuto, napansin ko ang isang para bang makapal na libro na kulay violet. Wala itong pamagat o kahit na anong nakasulat sa harapan kaya kinutuban na ako.

"'Yan na ba ang diary ni Tita?" tanong ni Bubwit, tagaktak na ang pawis.

"Titingnan ko pa." Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko at inabot ito sa kanya.

"Sweet mo talaga, Trix." Pangisi-ngisi niyang tinanggap at pinagmasdan ang panyo. Nang mag-angat ng tingin sa akin, laking gulat ko nang bigla na lamang siyang sumigaw nang pagkalakas-lakas.

Sa sobrang gulat, bahagya akong napatalon at dali-daling napalingon. Napangiwi kaagad ako nang makita si Kuya Oso sa pintuan, walang kaemo-emosyon ang mukha at ubod ng dumi ang suot na blue jersey.

"Kuya Oso naman, e! Akala ko ikaw 'yung multo ng kapatid ni Tita Braylee!" Suminghap si Bubwit. Naalala niya siguro ang portrait ni Tito Bryan na palagi naming nakikita. Sakto pang pareho silang nakasuot ng blue jersey.

Bubwit wasn't kidding though. Matagal na nilang sinasabi na may hawig daw si Kuya Oso sa Tito Bryan niya. I didn't notice it at first, but as we grew up and Kuya Oso started to wear our school's blue jersey, that was when I began to realize how similar they looked. Kaso, ang kaibahan lang, ayon sa mga kuwento ay palangiti raw si Kuya Bryan sa lahat ng nakakasalamuha niya . . . malayong-malayo kay Kuya Oso na minsan lang ngumiti at kalimitang seryoso ang pagmumukha.

"Ginagawa n'yo rito?" Kunot-noong tanong ni Kuya Oso habang naglalakad patungo sa amin. Maraming natatakot kay Kuya Oso kasi para daw itong naninindak at naghahanap ng away palagi, pero hindi naman. In fact, if you ask me, he's like a gentle grizzly bear.

Nagkibit-balikat ako at pasimpleng tinago ang diary ni Mama sa likuran ko. "Just checking out Mama's room."

Tumawa nang bahagya si Bubwit, bakas ang kaba sa boses. "Kuya Oso, huwag mo nang pagalitan si Trix. Wala namang—"

"Anong Trix? Ba't 'yan na ang tawag mo sa kanya?" Halos magsalubong ang kilay ni Kuya Oso. "Dalawang taon ang tanda niya sa 'yo kaya matuto ka ngang gumalang—"

"1 year and 10 months lang kaya 'yon!" pagtatama kaagad ni Bubwit. "At saka, 'di hamak naman na mas mature ang pag-iisip ko kumpara kay Trix at siguradong next year, mas matangkad na ako kaysa sa kanya!"

Kahit ako ay napangiwi na rin sa pinagsasabi ni Bubwit. Kung hindi niya lang ako tinulungan, nabatukan ko na siya.

Bumuntonghininga si Kuya Oso at umiling-iling na lamang. Kahit siya, hindi rin umuubra sa kakulitang taglay ni Bubwit.

"You know what? I think I've had enough of the dust here. I think I'll just go hang out with Paulie." Pasimple akong naglakad patungo sa pinto, pero bigla akong hinarang ni Kuya Oso. "What?" pagmamaang-maangan ko pa sabay tawa.

"Kamay." Ma-awtoridad niyang sambit. 

I grunted and rolled my eyes. Ayoko talaga kapag umiiral ang pagiging 'papa bear' niya.

Wala akong magawa kundi isuko ang kulay violet na libro. "Kuya, it's just a book—"

"It's your mom's diary," wika ni Kuya nang buksan ito kaya agad nanlaki ang mga mata ko.

Itinaas ni Kuya ang diary na nakabuklat sa unang pahina at nakita ko kaagad ang mga katagang 'PERSONAL DIARY. HANDS OFF. MACHUCHUGI ANG PRIVACY INVADER.'

"Mama's diary! Yay!" I beamed and quickly grabbed the diary from him. "This is awesome!"

"No. I'll give that back to the adults," giit ni Kuya at nang akmang kukunin niya ito sa akin, dali-dali ko itong itinago sa likuran ko.

"Kuya, I just turned 18 last month! Adult na rin ako!" I said, sticking my tongue out. "And besides, babasahin ko lang naman. There's no need to snitch on me."

Kuya Oso sighed and looked at me like he was so done with me. "Prove that you're an adult by respecting other people's privacy."

"Ako yan! Ako yan! Dami kong hawak na sikreto ninyo at wala akong pinagsasabihan—" Agad naitikom ni Bubwit ang kanyang bibig ng sinamaan siya ng tingin ni Kuya Oso.

"Look. Wala naman akong ibang gagawin. Literal na babasahin ko lang." I held my head high, trying to act all invincible. "I'm just really curious about how my parents met."

"Then let's ask them," giit ni Kuya sabay turo sa direksiyon ng bintana. "Mas mabuti pa 'yong galing mismo sa kanila—"

"I prefer reading than listening. Besides, mas detailed and raw 'tong diary dahil matagal na 'tong sinulat ni Mama. Straight from the horse's hands kumbaga," I argued, even if I was a little unsure with the words coming out from my mouth.

Sa isang iglap, biglang pumikit nang mariin si Kuya Oso at tumahimik.

Naramdaman ko ang paghila ni Bubwit sa braso ko kaya bahagya akong napaatras.

"Galit na ba 'yan?" bulong niya, bakas ang kaba sa boses. "Talon na ba tayo sa bintana?"

I rolled my eyes, trying to stop myself from grinning. 

I know Kuya Oso very well. And I know he will always let me win.

"Promise me three things," Kuya Oso finally spoke up, making me smile triumphantly.

"Game!" I nodded confidently.

"Babasahin mo lang 'yan kapag magkasama tayo," he said firmly.

"That's kinda weird?" Natatawa akong ngumiwi. "But okay?"

"Ako lang ang pagsasabihan mo sa mga mababasa mo." Pinaningkitan niya ako ng mga mata.

"Ang daya! Dapat alam ko rin!" Agad nagtaas ng kamay si Bubwit, pero dali-dali siyang tumalikod nang tapunan siya ulit ni Kuya Oso ng pamatay na tingin.

"Okay fine." I sighed. "What's the third?"

Binalik ni Kuya Oso ang tingin niya sa akin, at sa pagkakataong ito ay para na siyang nakikiusap. "Whatever you read from the past, don't let it change your present or your future."

Napatitig ako kay Kuya Oso at nang mga sandaling iyon ay bigla akong kinabahan.

"Kuya . . . " Napahawak ako nang mahigpit sa diary.

"No matter what you read, don't let it change how you feel about anyone, even our own parents," aniya.

Napatingin ako sa diary na hawak at ilang sandali itong tinitigan.

"I promise."


//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro