Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

"Nag birthday ka na naman!"

Pagbibiro ko kay Kuya Elijah pagkarating sa bahay nila.

"Arvin, kung ano-anong kasamaan itinuturo mo sa kapatid mo!"

"Masama talaga ugali niyan, Kuya!" si Lorraine ang sumagot.

Invited kami rito sa birthday party niya. Wala si Bianca dahil 'di pa nakakauwi.

Exclusive lang ito sa family and close friends ni Kuya Elijah. Hindi rin naman kasi alam ng family niya na mahilig siyang gumimik, mag bar.

"On the way na rin daw sila Ice. Nag-training pa sila ni Margarette. Kasama na sila Juan."

Biglang bumilis tibok ng puso ko pagkarinig ko ng pangalan niya. Pakiramdam ko'y pinagpapawisan ako bigla.

"Alam mo halata ka," bulong ni Lorraine sa akin.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko. "H-Huh?"

"Anong huh? Narinig mo lang pangalan niya pinagpawisan ka na?"

Sinita ko na lang siya dahil baka may makarinig sa kanya.

Nagkakantahan sila kuya ng may dumating na hindi pamilyar na sasakyan. Toyota Veloz naman.

Bumaba roon ang tatlong babae, at dalawang lalaki.

"Oy, Uno, DJ!" Sinalubong sila ni Kuya Elijah. "Margarette, Amy, and Ariane! Salamat sa pagpunta." Nilingon ni Kuya Elijah ang sasakyan. "Akala ko kasama niyo si Ice? Saan 'yon?"

"Ayan ah! Siya driver." Itinuro ni Ate Amy ang sasakyan.

"Ba't di nababa?"

"May kausap," mahinhin na sagot ng babae. Nakatinginan pa kami at agad siyang ngumiti sa akin. "Hi. I'm Ariane. You are?"

Napatitig ako sa kanya. Ang puti niya. Ang ganda ng mga mata niya, chinita.

"Hello po, Ate Ariane. I'm Amari. Nice meeting you."

Nakipag shake hands ako sa kanya.

"Omg! So you're Amari?"

Halos mapatalon ako sa gulat. "Y-Yes po."

"Hi! Ako 'to si Margarette!" Niyakap niya pa ako. "Ay, ang oa!"

"Parang nakita na po kita? SanLo? Sa gym noon, Sunday 'yon? Ikaw po ba 'yon?"

Mahina siyang tumawa sa akin. "Yep! Nahihiya akong makipagkilala sa iyo. Nice meeting you! Omg! Finally nakita na kita. Ang ganda mo, kaya 'di na ako magtataka."

"Magtataka saan po?"

Sasagot pa sana siya nang dumating si Kuya Benj. "Oh, bakit 'di pa nababa si Ice?"

"Ah, teka! Tawagin ko na lang siya," si Ate Ariane.

Akmang aalis na siya nang nagsalita naman si Kuya Juan. Alam kong siya ito dahil kilala ko naman na si Kuya DJ.

"Huwag na. Tamo, lalabas yan." Ngumisi siya at lumapit sa akin. "Hi. I am Juan Gio Paras. You can call me Uno. Nice meeting you. Finally!"

"Nice meeting you also, Kuya Uno. I'm Amar-" Hindi ko natuloy ang sasabihin at ang pakikipagshakehands ko dahil sa kanya.

"Ey! Happy birthday, Elijah!" Dumaan siya sa gitna namin ni Kuya Uno. May kausap pa nga siya sa phone niya. Habang ang isang kamay ay may hawak na gift for Kuya Elijah.

Tawang-tawa naman si Kuya Uno. Nag-apir pa silang dalawa ni Ate Margarette.

"Bago na naman sasakyan mo?"

"Hindi akin 'yan. Sa pinsan ko."

Nakipag fist bump sila. Nakipagkilala na rin si Lorraine na ngayo'y karga ang kapatid ni Kuya Elijah.

"Hi, sungit."

Hindi ako lumilingon. Hindi naman ako 'yong tinatawag.

"Oh, tamo. Napakasungit. Hindi namamansin."

Nilingon ko siya. "Ha? Sinong kausap mo?"

"Luh! Ikaw!"

"Eh 'di naman ako masungit?"

Napatingin siya sa palagid. "Hindi mo sinama crush mo?"

"Sino?"

"Si Josh."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at mahinang natawa. "Bakit ba kayo naniniwala kay Kuya? Siraulo 'yon. Hindi ko crush 'yon, friend din talaga namin."

He looked away and mumbled. "Sus! Nakasandal ka nga sa kanya."

Aba? At bakit mukhang tunog nagseselos naman ang isang ito?

"Hmmm..."

"Oh, tamo! Crush mo!"

Mahina kong pinalo ang braso niya. "Hindi nga. Baliw."

"Andito lang pala kayong dalawa!"

Biglang sumulpot si Kuya Uno may dala pang wine glass.

Same vibes sila ni Kuya Elijah, may pagka bad boy. May piercing pa siya sa right ear niya. Naka clean cut siya, ang kapal ng kilay niya. Halos kasing tangkad sila ni Kuya Ice.

Humarap siya sa akin. "Ano nga ulit pangalan mo?"

"A-Amari po. Nice meeting you, Kuya Uno." I smiled.

"Pwede ko bang kuhanin phone number mo?" he asked playfully.

"Ulol. Tara na sa loob." Hinawi ni Kuya Ice ang kamay ni Kuya Uno at hinila ako papunta sa loob.

Naupo kami. Nakahanda na pala rito sa long table nila. Dahil dalawang magkatabing bakanteng upuan na lang, doon na kaming dalawa. Nasa tapat namin si Ariane at Amy. Nasa kabilang dulo si Lorraine katabi iyong kapatid ni Kuya Elijah.

Kinantahan muna namin si Kuya Elijah kahit ayaw niya, nakakahiya raw.

"Let's eat!" masayang ani ni Tita Ely.

Karamihan ng mga anditong nakahain ay puro seafoods, pasta, and chicken.

Kumuha ng isa pang separate plate si Kuya Ice. Naglagay siya roon ng shrimp, at nagbalat. After niyang balatan, inilalagay niya sa plate ko.

"Eh, ikaw?"

"Marami pa naman. Kumain ka na."

"Lahat ba kayo sa SanLo? Itong si Amari at Lorraine, SanLo pa rin naman sila, Science High nga lang."

"Opo, Tita. Magkakaiba nga lang po kami ng program," sagot ni Kuya Lucas.

"Katuwa naman. Nadagdagan mga kaibigan ni Elijah. Akala ko masama ugali ng panganay ko, eh." Si Tito. Bahagya kaming natawa. Seaman kasi siya, kaya palagi siyang wala. Si Tita Ely, dating Bank Manager, nag-retired para matutukan bunso nila. Ngayon Virtual Assistant na siya at malaki ang kinikita.

Napasulyap ako sa plate ni Kuya Ice. Inabot ko 'yong Chicken Adobo at naglagay sa plate niya.

"He doesn't eat Chicken Adobo," mahinang sambit ni Ate Ariane ngunit sapat na iyon para marinig ko. "Ayaw niya ng lasa, sumasakit tyan niya."

Nahihiyang ibinalik ko iyon sa table. I felt bad, I had no idea.

"Sorry." Napayuko na lang ako.

"No, no! It's okay. Kakain ako."

Inabot niya iyon at naglagay sa plate niya.

"Isaac?" nagtatakang tanong ni Ate Ariane.

"I'm okay, Ariane. Don't worry." Naglagay na siya ng pagkain sa plate niya. "You want?" mahinang tanong niya sa akin.

Tumango na lang ako. "Huwag mo nang kainin. B-Baka sumakit pa tyan mo."

"Ayos lang ba kayo dyan sa dulo? Ang tahimik niyo bigla?" tanong ni Kuya Elijah sa amin.

Bigla tuloy akong napaayos ng upo. Baka rin kasi magtaka si Kuya.

"Sarap ng Chicken Adobo ni Tita!" si Kuya Ice. "Sarap nong Buttered Shrimp. Right, Amari?"

"A-Ah... Yes po, Tita! Mag-uuwi po ako ng Buttered Shrimp!"

"Yehey! Oh, sure, Amari! Jusko! Dalaga na kayo ni Lorraine. Nasaan si B? Iyong batang iyon minsan chinachat ko, nanghihingi opinion ko sa pictures niya kung maganda raw. Passionate talaga sa photography ang batang iyon."

Nagkatinginan kami ni Lorraine bago natawa.

"Kain ka na, okay lang ako," bulong ni Kuya Ice.

Hindi na nga ako halos nakakain. Palagi akong chine-check ni Lorraine, palagi niya ipinapaabot 'yong water, since 'di ako umiinom ng soft drinks.

Lumabas kami sa garden nila after dinner. May videoke sila rito and parang disco lights.

Tahimik lang akong nanonood dito sa gilid. Hindi ko alam kung bakit wala rito si Kuya Ice.

"Hi, ganda! Ang tahimik mo!" Tumabi sa akin si Ate Margarette, may hawak ding wine glass. Ang bango niya.

"Nahihiya po ako, ate."

"Ha? Saan? Kanino?"

"Eh, kay Kuya Ice po. Hindi ko po kasi alam na hindi siya kumakain ng chicken adobo. Nilagyan ko plate niya."

"Beb, 'wag mo na ako i-po, feel ko tuloy ang tanda ko." Mahina siyang tumawa bago uminom. "Ano ka ba? Maiintindihan ni Isaac 'yon. At least ngayon alam mo nang hindi siya kumakain ng Chicken Adobo."

"Hindi kaya siya magagalit sa akin kapag sumakit tyan niya?"

"Huh? Hindi. Sabi ko nga, maiintindihan ka niya. Hindi mo naman alam. Hayaan mo, kapag nagalit, icut-off natin siya. Pero malabo, 'di siya magagalit sayo."

"Gusto kita maka-close! Ang gaan gaan ng loob ko sa iyo. Kayo ng mga friends mo, mukha kayong wonder pets! Naririnig ko kwento sa iyo ng mga friends ni Kuya mo, pati kwento ni Isaac."

Hahaha, wonder pets. Akala ko power puff girls.

Pero mas nagulat ako nang marinig kong kwinekwento ako

"Close na tayo, ate!" I smiled

Inilabas niya ang phone niya at nag-picture kami roon kasama si Lorraine.

Ang intimidating tignan ni Ate Margarette, pero ang bait niya.

Itong si Lorraine, hindi napapagod. Kalaro dalawang kapatid ni Kuya Elijah. Minsan buhat pa ang bunso.

"Si Isaac pala, andoon sa loob. Kasama si Uno. Baka hinahanap mo." Kinindatan niya pa ako.

Ilang minuto na hindi pa rin sila lumalabas. Kaya nagpaalam ako kay Kuya para pumunta muna sa loob.

Nakasalubong ko pa si Kuya Uno. Itinuro sa akin kung nasaan si Kuya Ice.

"Ang kulit mo rin kasi. Alam mong hindi tinatanggap ng tyan mo food na 'yon. Manghihina ka na naman dyan."

"Ariane, okay na ako. Wala na 'to. Nakainom na ako ng gamot."

"Don't tell me, kakain ka pa?" masungit na tanong ni Ate Ariane sa kanya.

Kinakabahan ako. Nasira siguro tyan niya. Tinanggap niya pa rin 'yong chicken adobo kahit alam niyang 'di niya kaya. Nakakainis, sana kasi nagtanong muna ako

"Ang kulit kulit mo."

"Tara na sa labas. Panigurado hinahanap na tayo."

Naramdaman kong naglalakad na sila. Hindi agad ako nakakilos.

Nagulat sila nang makita ako. Tipid na ngiti ang ibinigay sa akin ni Ate Ariane sa akin bago naunang lumabas.

Ngumiti sa akin si Kuya Ice na parang walang masakit sa kanya.

"S-Sorry. Hindi ko alam."

Napayuko ako at napakagat sa ibabang labi.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. "Okay lang ako. Huwag na mag-sorry. Wala kang kasalanan."

"H-Hindi muna ako nagtanong bago ka bigyan."

"Masarap nga, eh. Humingi pa nga ako kay Tita. I'm fine na, don't worry."

Hindi pa rin ako umiimik. Nahihiya talaga ako. Alam ko namang 'di siya okay, sinasabi lang niya para 'di ako mag-alala.

"Oh, bakit 'yan?" Si Ate Margarette. "Pinaiyak mo, Isaac? Kingina mo, cut off ka sa akin!"

"Huh?! Hindi!"

Lumapit sa akin si Ate Margarette para i-check ako. "Ahh! Akala niya galit ka sa kanya. Labas muna ako ulit. Naghahanap ako cake!"

Marahan niyang hinawakan ang baba ko at dahan-dahang iniangat ang mukha ko mula sa pagkakayuko. "I'm not mad, Amari. Bakit ako magagalit?" he asked softly. "Walang dahilan para magalit. Kapag umiyak ka, magagalit ako."

"Dadalhin ka ba sa h-hospital? Sa clinic?"

Ginulo niya ang buhok ko. "No need. Wala na ito mamaya."

Pinanliitan ko siya ng mga mata bago napairap.

"Tara sa labas. Smile ka na, parang ganito. . ." Ngumiti siya sa akin.

Pinalo ko siya. "Masakit pa?"

"Bearable. But, okay lang. Don't yah worry."

Pagkarating namin sa labas, inabutan agad siya ng gamot ni Ate Ariane.

Napangiti ako. Ang cute nilang tignan. Ang astigin ni Kuya Juan, pero ang soft niya palagi tumingin kay Ate Margarette.

"Cute nila," bulong sa akin ni Lorraine.

Kung 'di lang siguro sila childhood friends, iisipin kong they're in a relationship. Ang cute nila.

Inabutan kami ni Ate Margarette ng cake. Sayang nga at uuwi sila, 'di sila nakapagpaalam agad na nag sleep over dito. Si Kuya Ice naman, uuwi raw talaga dahil wala sila Mommy niya, at walang ibang kasama ang kambal sa bahay.

Itong kapatid ko talaga, palong-palo sa pag-inom. Feel na feel pa ang pagkanta. Si Kuya Benjie naman at Kuya Harold nasa gitna, sumasayaw. Taga palakpak naman kami rito.

Solid talaga nila. Parang magkakasabay na nga kaming lumaki.

"Oh, ano? You can't join kasi masakit tyan mo." Pagtataray ni Ate Ariane.

"Ariane, stop."

"Itinext ko na si Tito Manuel, nagpadala ng driver. I know, you can't drive. Ang kulit mo kasi."

Napahinga ako nang malalim. Hindi alam kung anong gagawin, kung anong sasabihin ko.

"Too early, Ariane. Hindi ko pa nga ma-enjoy."

"Paano mo mae-enjoy kung masakit tyan mo?" Bahagya pa siyang tumingin sa akin.

Napalingon ako sa gawi nila Ate Margarette, nag-uusap silang dalawa ni Kuya Juan. Sabay silang napatingin sa akin, sabay rin silang ngumiti at inabutan ako ng cake.

Lumalalim na rin ang gabi, pumasok na sa loob sila Tita, kami na lang din ang naiwan dito.

Kagigising lang din ni Kuya Ice galing sa pagkakaidlip. Hinubad niya ang suot na hoodie at ibinigay iyon sa akin.

"Malamig."

"Malamig pala, paano ka?"

"May extra pa ako sa sasakyan." Natatawang aniya habang sinusuklay ang kanyang buhok. Gano'n nga ginawa niya, kinuha ang isang jacket sa sasakyan.

Inabutan ni Ate Margarette si Lorraine ng San Mig Light. Agad namang tinanggap iyon ng kaibigan ko.?

"Si Amari, nainom din 'yan ng ganyan!" si Kuya na mukhang may tama na ng alak.

Natatawang tumingin si Ate Margarette sa akin, napapailing pa dahil sa ingay ng kapatid ko.

Na-try ko uminom noong 16th birthday ko, inaya ako ng mga pinsan ko sa mother side. Pero light lang 'yon. Ganito lang din San Mig Light.

Inabutan ako ni Kuya ng wine glass, alam niyang di ako nainom directly sa bottle.

"Angas."

Napalingon tuloy ako kay Kuya Ice na ngayo'y nakahalumbaba sa mesa habang nakatingin sa akin.

"Ga, truth or dare tayo! Para naman 'di puro inom!"

Napagdesisyonan na sa damuhan kami uupo. Kinuha lang ni Kuya Lucas 'yong isang box at doon inilagay ang bote.

"Kayo bawal madaya, ha? Kapag 'di kayang sumagot, iinumin nasa shot glass, shot puno. Maliban kay Amari at Lorraine, light lang." Panimula ni Kuya Lucas.

"Iyong dare, dalian niyo lang." si Kuya Juan.

"Dare nga, eh! Edi mahirap, para exciting!" sabi ni Ate Margarette.

Imumipasahan nang pinaikot ang bote, unang tapat nito ay kay Kuya Lucas.

Sumunod ay si Ate Ariane.

"Dare."

"Kiss someone you admire."

She pouted. Umiikot ang tingin niya sa amin. Tumayo siya, akala ko para puntahan 'yong someone na ina-admire niya, mali kami. Dahil nagpunta siya sa table at punong nilagyan ang shot glass bago inisahang inom.

"Nuyon? Ba't 'di kaya?" tanong ni Kuya Harold.

Nagkibit balikat si Ate Ariane. "He likes someone. I respect that, I respect the girl."

"Ha? Wala naman siguro dito 'yong girl?"

She shrugged her shoulders. "We don't know, Harold. Okay, game, next! Pait!" Napapunas pa siya sa labi niya.

"Okay, truth!"

"Nagalit ka na ba kay Amari? I mean, like nagkaroon ka sama ng loob?" tanong ni Ate Ariane.

"Never. Wala rin naman akong makitang reason para magalit sa kanya. She's one of the genuine person I know."

I smiled. I love my friends so much.

Sa akin tumapat ang bote. "Lagot ka sa akin, bestfriend! she grinned.

"Truth or Dare?"

"Truth."

"Aba matapang! Okay. Do you lik-"

"Dare."

"Luh?! Kaduga!"

"Hindi mo pa naman natatapos 'yong question. Go, dare. I love you more, bff!"

"Slap someone you hate!"

Lahat sila tumingin sa direksyon ko. Ramdam ko ang mainit na titig nila sa akin. Naghihintay kung ano ang sunod kong gagawin.

A heavy sigh escaped my lips as I closed my eyes.

Tumayo ako. Abang na abang sila.

3. 2. 1.

I slapped my own face. The sting of my own hand was a painful confirmation of the truth, the person I hated most was myself.

"A-Amari!" lahat sila iyan ang naging sigaw.

Pagsigaw ng pangalan ko.

Iminulat ko ang mga mata ko, kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanilang mukha. Napatayo pa si Lorraine, si Kuya at Kuya Ice.

"I'm fine! Hindi naman masakit. And, kaibigan ko na po kayo. And, wala po akong makitang reasons to hate you, guys. Chill!"

But the truth is, I really hate my self. I hate myself for who I am. A disappointment to my parents, regardless of my best efforts. Kahit gawin ko na ang lahat, pakiramdam ko ay kulang pa rin para sa kanila. The weight of their opinion is breaking, and their expectations seem like an impossible mountain to climb. I simply want to be loved and accepted for who I am, flaws and all.

Sunod si Ate Margarette na nag truth.

"Nainlove ka na ba sa isang kaibigan?"

Halos maibuga ni Kuya Uno ang alak na iniinom dahil sa diretsong tanong ni Kuya Elijah.

"H-Hindi pa. Mahirap, eh. Nakakatakot mag-take ng risk. Ako kasi, gusto ko aamin agad ako. Pero kapag sa kaibigan? Pass. Nakakatakot. Kapag friend mas make-keep natin sila forever. Mas kilala niyo na ang isa't isa, oo. Pero kapag nawala? Nawalan ka ng partner, nawalan ka pa ng kaibigan. I'm afraid."

Nakailang ikot na, at sa wakas tumama na rin kay Kuya Ice.

"Jusko, dare!" Mayabang na aniya kahit hindi pa nakakapagtanong si Kuya Uno. "Basic basic!"

"Tiklop naman. Ge ge ge. Message someone you like or admire. Ikaw bahala kung anong ime-message mo. Pero naka-schedule 'yong message, mare-receive sa susunod na araw, hmm sa Wednesday, evening! And, sa akin mo lang ipapakita kung sinong ime-message mo."

Sunod-sunod ang reklamo ng mga kasama namin. Kesyo bakit kay Kuya Uno lang daw.

Agad inilabas ni Kuya Ice ang phone niya. Itinaas niya ito para malaman ni Kuya Uno na tapos na siya. Tumayo silang dalawa.

"Damn!" Nag fist bump silang dalawa. Silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. "Dapat medyo risky message pala pinagawa ko. Tangina, sabi na, e!"

"Ulol!"

Mag-iisang round pa sana kami nang dumating na ang driver nila Kuya Ice.

Ipinagbalot din pala sila ni Tita.

"Babush!" Kumaway ako sa kanila.

"Tamo, bagsak sila," aniko kay Lorraine.

Dinouble locked ko ang gate. Malabong magising pa mga 'to, si Kuya Lucas lang yata hindi lasing pero dito tutulog para mabantayan sila.

Patulog na kami nang in-open ko ang phone ko. May mga photos na nakatag ako. Sinunod ko ang messenger.

Ice Miguel
Good night! You should sleep na rin, maaga ka pa bukas. Don't worry about me na.

Amari
Hmm, hapon lang ako bukas. Practice lang for debate.

Ice Miguel
When? Manonood ako.

Amari
Sa Wednesday. Nakakahiya!

Ice Miguel
See yah! Manonood ako. (⁠.⁠ ⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠)

Nasa stage na ibang debaters. Nagsidatingan na rin mga taga-Crystal Valley Academy. Nagkaroon daw pala ng bunutan ang mga Head from private schools. At ang nabunot ng SanLo Science High, ay ang Crystal Valley Academy. Palaban sila, sa Acads or sa Sports.

Nag-umpisa ang program sa mga Grade 7. Kabado pa sila, pero ganyan naman talaga sa umpisa. Kahit naman ako noon. Iniisip ko nga, patatas lang mga nanonood.

Hirap 'yong isang taga SanLo dahil sa kanila napunta 'yong Against for Divorce.

Nagtuloy-tuloy pa at kami na ni Precious ang sasalang. Kung sino ang mas may pinakamagandang performance, siya ang makakasama ng isang taga Crystal Valley Academy for competition.

Nakita ko si Lloyd. Kilala ko siya dahil nakakalaban ko na siya noong elementary. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya, ngumiti na lang tuloy ako.

Nakakahiya.

Ayaw kong magbasa, dahil baka ma-pressure ako lalo. Baka mawala mga nabasa ko.

Nagpaharap ako para ayusin ang microphone sa may podium. Habang inaayos ko, nakita ko ang isang pamilyar na mukha sa akin. Si Kuya Ice. He's wearing his uniform at naka fold haggang siko ang suot niyang white long sleeve. Ang linis niyang tignan. Hindi niya ako napansin dahil abala siyang magtingin ng pwesto. Napailing ako dahil pinagtitinginan siya, pero parang sanay na siya dahil wala lang 'yon sa kanya.

Bahagya akong napangiti, akala ko'y 'di niya maaalala ito dahil sa loob ng dalawang araw 'di ako nag-open ng social media accounts para makapag-focus sa pagre-review. Buti naalala niya pa ito.

Pinaypayan ko ang sarili ko, pampakalma. Hindi ko alam kung saan ako kinakabahan. Sa debate ba or dahil andito siya?

As I stand before the podium, ramdam ko ang panginginig ko na para bang hindi ako sanay sa ganito. Iniiwasan kong mapatingin kung nasaan siya, dahil baka mahalata niyang kinakabahan ako at baka 'di ko madeliver nang maayos ang gusto ko.

Lumabas na sa amin ang Against for Jeepney Phaseout.

Kahit papaano'y nakahinga ako nang maluwag. Ramdam kong hirap sila Lloyd sa napunta sa kanila.

"An important consideration in the debate is the affordability of new vehicles for drivers and operators. The high cost of modern jeepneys may place a significant financial burden on those in the industry, potentially leading to increased fares for passengers."

As we end the debate with our closing statement, I catch a glimpse of him from a distance, tahimik na nakikinig. He smiles proudly when our eyes met, as if he believes what I'm saying. His approving stare from afar validates my debate performance.

Napangiti ako nang makita ko siya. Nakatayo na sila ngayon at pumapalakpak. Pakiramdam ko'y natanggal na ang tinik sa dibdib ko.

Natapos ang araw, kami ni Lloyd and napiling partner.

"Galing talaga. Congrats, Guanzon!"

"Oy, Gutierrez! Congrats din!"

Napakamot siya sa kanyang ulo. "Kahiya nga, 'di ko nabigay best ko. Si Tatay kasi Jeepney Driver, hirap tuloy ako idefend 'yong side ko."

"Kumusta naman siya ngayon?"

"Ayos naman. Pero baka titigil na rin siya sa pamamasada, natiticketan na rin kasi siya, bawas pa sa kita."

Nakwento niyang scholar siya ng CVA. Wala siyang binabayaran, may monthly allowance rin siya.

Nagpaalam na sila. Lumabas na kami mula sa backstage. Nakita kong naghihintay si Kuya Ice.

Siniko-siko pa ako ng dalawang kaibigan ko na parang 'di ko naman nakikita ang nakikita nila.

He's smiling to us. Agad siyang tumayo para salubungin kami.

"Bff lang 'yan, B. Bff premium pro max."

Kimurot ko si Lorraine dahil sa ingay niya.

"Hi, kuya!"

"Hello!" Nilingon niya ako. "Congrats, best debater!"

"Thank you!"

"Uuwi na ba kayo? Medyo maaga pa. Gusto niyong kumain? Libre ko."

Hindi pa namin alam kung saan kami kakain. Gusto nila mag buffet, ako gusto ko samgyup. Hindi ko sinabi kung saan, pero ang sabi'y samgyup na lang sa malapit.

Pagkarating namin doon, naserve na agad. Buffet style siya.

Paglabas ni Kuya Ice galing CR naka white tshirt na siya. Pero suot niya pa rin iyong pambabang uniform niya.

"M-May hindi pwede sa iyo rito?" Mahinang tanong ko. Nakakahiya kung pati rito makagawa ako kasalanan.

"Wala po. Hayaan mo na 'yon, ha? Buhay pa naman ako. Sakit sa tyan lang iyon."

Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Galing ng bff namin!" Bianca said, proudly.

"Ay, 'di mo pa ba alam, Kuya?"

Napakunot noo ako. Anong sasabihin ng isang 'to?

"Hmmm?"

"Na-perfect ni Amari lahat ng exam! Slayable ang beshy namin!"

"No doubt! Galing talaga 'yan, idol! Congrats!"

"Nakakahiya naman, sige na nga, thank you!" Tumayo pa ako at nag bow sa harap nila.

"Oh, diba Kuya Ice? OA rin 'tong tropa namin, basta sa mga close lang niya."

Ginaya ko 'yong kimchi rice na napanood ko sa tiktok. Tinatawanan nga nila akong tatlo dahil may kimchi rice naman dito sa pinuntahan namin.

After namin, umuwi na 'yong dalawa. Si Lorraine sinundo ng pinsan niya, nakilala niya pa nga si Kuya Ice dahil idol niya raw sa badminton kaya nakapagpa-picture siya.

Inaya ako ni Kuya Ice sa mall. Iuuwi niya raw agad ako after ng bibilhin namin.

"You know, I'm so curious.'

"About?"

"Sa iyo?"

"Bakit? Anong gusto mong malaman?"

"Wala ka bang body guards? Malaya ka kasing nakakaalis-alis mag-isa. Eh kasi 'diba? Kapag ano, you know, mayayaman."

"Meron." Nahihiyang sagot niya. "Simula nag-aral ako meron. Ngayong college ako, meron pa rin, hindi mo lang nakikita, pero nakikita nila tayo."

"Huh? Multo 'yata 'yan, eh!"

"Huh?! Hindi!" Tawang-tawa pa siya sa sinabi ko. "Naka civilian lang sila. Hindi sila iyong typical guards na makikita mong naka-uniform. Ayaw ko rin. Gusto ko normal pa rin akong nakakakilos."

"Eh, paano tuwing kumakain tayo? Nasa labas lang sila?"

"Hindi. Hindi ko sila pinaghihintay roon. Nasabihan ko na sila, kumakain din sila kung nasaan tayo. Tuwing nasa road naman, naka convoy lang sila sa atin. Hindi pwedeng lumagpas hanggang dalawang sasakyan ang pagitan."

Lumingon ako sa likod. "So cool! Gusto ko silang makita."

Pagkarating namin sa mall, tumigil kami sa food court. Itinaas ni Kuya Ice ang kamay niya, at maya maya lang may lumapit sa aming tatlong lalaki. Iba-iba ang pinanggalingan nilang direksyon.

Siguro mga ka edad sila ni Daddy.

"Good afternoon, Sir." sabay na bati nila.

"Good afternoon, Manong. Gusto raw po kayong makilala ni Amari."

Napangiti silang tatlo. Oo nga, hindi sila nakauniporme. Aakalain mong namamasyal lang din sila.

"Good afternoon, Ms. Amari."

"Ako po si Mando."

"Ako naman po si Arnel."

"Ako naman po si Alex."

"Hello po! Ako po si Amari! Nice meeting you po!"

"Nice meeting you rin po."

Kinausap sila ni Kuya Ice, bago ulit sila naglaho sa harap namin. Sabi ni Kuya Ice, 'di pwedeng matagal na nakikitang magkakasama sila.

Inaya ako ni Kuya Ice sa isang newly open shop. Ang daming bears, pluhies, barbies. Basta ang daming toys!

Para na namang akong bata, iniwan ko nga si Kuya Ice sa kabilang side dahil napatakbo ako sa tuwa. Para akong nasa heaven sa nakikita ko.

Babalik sana ako roon nang makita ko siyang nasa likod ko, may hawak na basket. "Get all you want, Amari."

"Ang gaganda, Kuya Ice. Pero wala akong pera." Natawa pa ako sa pagiging honest ko. "Isa lang siguro or dalawang plushies! Tara doon!" Hinila ko siya sa kabilang side.

"Ang gaganda. Cutie nila! Look mo 'yong nasa bandang itaas oh, mukha silang couple!"

"You want that?"

Tumango ako, hindi pa rin nakatingin sa kanya. May dumating na staff at kinuha iyon, inilagay niya sa basket namin.

"Ay, wait. Magkano 'yon? Hmm, five hundred lang extra budget ko here."

"Use my card."

Napatitig lang ako sa kanya. Nakipagtitigan din siya sa akin, kaya naramdaman ko ang pamumula ko.

"E-Eh. Huwag na! Nakakahiya. Okay na ito, dalawa naman sila."

"Ssshhh. Gift ko na rin sa iyo, gift mo na rin sa sarili mo."

Katatapos ko lang mag-debate, pero nakipag-debate pa ako sa kasama ko. Nahihiya kasi talaga ako, pero naka lima ako sa basket. Isang malaki, at apat na maliliit.

"Thank you, thank you! Dyan ka lang, don't move!"

Inilabas ko ang phone ko at kinuhanan siya ng picture bitbit ang paperbag.

Inihatid niya ako pauwi, nakasalubong pa nga namin si Kuya. Nang aasar pa nga.

"Nag-date na naman kayo ng tropapips ko!" Mahina pa akong itinulak ng kapatid ko.

"Nyenye! Kasama si Bianca at Lorraine!"

"Sus! First stage, in denial. Halata naman." Mabilis siyang tumakbo papasok ng bahay.

Wala akong pasok bukas dahil natagtag ako kakaaral. Kaya 'di ako papasok bukas. Lol, wala akong pasok bukas. Pahinga naming mga naki-debate.

Minessage ko si Kuya Ice. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, sa dalawang araw na 'di ako nag-online, may mga message siya for me. Para palakasin ang loob ko.

Amari
Kuya Ice, thank you so much! Pwede ko ba siya i-story then mention kita? Hehe.

Ice Miguel
You're always welcome! Go kahit anong account. :)

I posted on my story. Iyong picture naming apat sa mall ang inuna ko. Nakatabi siya sa akin. Ang tangkad lang. Ganito siguro talaga mga lalaki pag mag-picture, laging naka like pose.

Isinunod ko iyong scripted stolen picture niya, with a caption na - thank you for today. ༼⁠ ⁠つ⁠ ⁠◕⁠‿⁠◕⁠ ⁠༽⁠つ

Naka-mention siya pero niliitan ko iyon at nakalagay sa bandang ibaba.

Ice Miguel reacted to your story.

Ice Miguel replied to your story
pogi nakatalikod pa lang. :D

Amari
nyay! kainis.


I also checked our GC dahil minention kami ni Kuya Uno.

BASTA GC

Juan Gio
Bago tayo magkalimutan, ngayon pala matatanggap nong pinagsendan ni Ice ng message noong birthday ni Elijah.

Margarette
sana machismis. sana isend dito hahaha joke. 8 pm daw darating email.

Ice Miguel
hahahaha ptl.

Parang ewan pero inabangan kong mag 8 pm.

Napatigil ako nang bigla akong may natanggap na email.

From: [email protected]
To: [email protected]

To the most selfless and amazing person that I know, hello! Your dedication to doing your best sets the bar high for all of us. I am so proud of you. I'm so lucky to know you. I'm so happy naging kaibigan kita, sobra. If you need help, 'wag kang mahihiyang magsabi sa akin, one call away lang ako, I promise. Never too busy for you! Take care of yourself, ha? Sa mga nang aaway sa iyo, hindi natin sila bati.

Your presence enriched the lives of many, including mine. Thank you for existing. Shine bright, my Ama-ray of sunshine! ♡

I found myself crying and smiling, at the same time. Palagi na lang gumagawa 'tong si Kuya Ice nang dahilan para mapaiyak ako pero sa tuwa.

Amari
i hate you! pinapaiyak mo na naman ako. ;( block kita hahaha.

Ice Miguel
nabasa mo na? hehe. sorry. you're doing great. maniwala ka sa sarili mo, kasi may isang naniniwala pa rin sa iyo. ako iyon. :))

Amari
;( thank you so much, kuya ice!

Ice Miguel
are you crying? can I call?

Pagka-reply ko, wala pang minuto ay tinawagan na niya ako. Kumalabog amg dibdib ko, pero agad ko ring sinagot iyon.

"Hello, umiiyak ka pa? I'm sorry." Mahina at malambing ang boses niya.

Pinunasan ko ang luha ko. "Okay na ako. Naiyak lang ako sa message mo. Thank you. Pero naiiyak talaga ako."

"If you want to cry, Amari. Just cry, ha? Cry all you want. Kung iyon makakapagpagaan sa nararamdaman mo, go cry. Don't hold back. Cry until you feel better. Tao ka, may nararamdaman. Hindi ka bato para hindi masaktan." His voice softened as he spoke to me.

"Ayoko nang umiyak. Ayokong nakikita niyo akong naiyak, kasi feel ko ang hina ko. I'm weak, Kuya Ice."

"Ssshhh. No, listen to me. Umiyak ka lang hanggang gusto mo. Tumahan ka lang kapag pakiramdam mo nailabas mo na lahat. As long as napapagaan pakiramdam mo, iiyak mo lang 'yan. You're not weak dahil sa pag-iyak. Crying is a common human emotion that doesn't lessen your strength."

"Eh, i-ikaw naman nagpaiyak sa akin tonight!"

"Sorry. Gusto ko lang talaga ma-appreciate mo rin sarili mo. Proud ka rin ba sa sarili mo?"

"Yes!"

"As you should. I am always proud of you."

"Sana tumatagos kamao ko rito sa screen para makurot kita."

Napakahinahon niya laging makipag-usap sa akin, except na lang tuwing mag-aasaran kami. Pero the rest, he's so gentle.

Natapos ang call namin, wala siyang ibang ipinaramdam sa akin kundi worth it ako.

Masarap pala sa pakiramdam kapag may taong ipinaparamdam sa iyo na mahalaga ka, na kamahal-mahal ka.

Late na ako nagising kinabukasan. Chineck ko pa kung maga mga mata ko, mabuti at hindi.

Naabutan ko si Daddy sa dining area. Nagulat pa siya nang makita ako.

"Wala kang pasok?"

"Wala po. Binigyan po kami ng one day rest."

"Why?"

"Nabusy po sa debate. N-Nakuha po ako na isang representative for debate competition."

"Good." He said nonchalantly.

Hindi na ako sumagot, kumain na ako sa harap niya. After ilang minutes, walang pasabi na siyang tumayo at iniwan ako rito.

"Anak, pinadala ni pogi."

May inilapag si Manang na dalawang box, cupcakes and cookies.

Buong hapon sinulit ko itong isang araw na pahinga ko. Halos natulog at nanood ng movies lang ang ginawa ko.

Chineck ko email ko, naka-received ako ng letter. Reminder ito para sa gaganaping Family Day sa Sabado. Hindi ko alam kung papaano sasabihin ito, dahil malamang, busy na naman sila.

Kinagabihan, late dumating sila Kuya. Magkakasabay nga sila.

Sabay-sabay kaming kumakain. Nagkwe-kwentuhan sila nila Kuya.

"Ah, mommy, dadd-" Sinubukan kong tawagin ang atensyon nila pero pinutol agad ako ni Daddy. Baka di lang niya ako narinig.

"Ano nga ulit 'yong sasabihin mo kanina, Arvin?"

"Awarding ko po sa Sabado. Sa sports po."

"Okay, we will fix our schedule." Nilingon ako ni Daddy. "May gusto ka bang sabihin?"

Umiling lang ako at itinuloy ang pagkain. Hindi na lang ako pupunta, nakakahiya namang pumunta roon na walang kasama. Anong gagawin ko roon? Papanoorin silang kasama mga pamilya nila? Ayoko, maiinggit lang ako.

Lumipas ang araw, Sabado ngayon. Itinext ko mga kaibigan kong hindi ako makakapunta dahil masama ang pakiramdam ko, pero ang totoo, wala lang pupunta para sa akin.

Nabasa ko mga chats nila, lahat sila excited. Mapait akong napangiti.

Nakita ko ang sabay na pag-alis nilang tatlo.

"Oh, anak. Akala ko'y may event ka ngayong Sabado?" tanong ni Manang sa akin habang kumakain kaming dalawa.

"Ah. . . hehe. Wala po 'yon. Hindi ho natuloy." Pagsisinunagling ko.

Kinuha ko ang phone ko, nagtitingin ng facebook story nila. Nag-umpisa na pala program nila. Tamang react lang ako sa mga fb story nila. Habang nagtitingin, nakita ko ang facebook story ni Mommy. Picture nilang dalawa ni Kuya ang nasa first slide, silang tatlo naman 'yong sumunod. I smiled bitterly.

Nakakainggit.

"Hala! Manang, 'yong tanim niyong sunflower, oh!" Tumakbo ako papalapit kay Manang.

Natuwa rin siya nang makita ito. Agad ko itong kinuhanan ng picture at ipinost sa fb story ko.

Nakapag-reply agad si Kuya Ice na ikinagulat ko.

Ice Miguel replied to your story.
good morningg. nasaan ka?

Amari
good morning! here lang bahay. :D

Ice Miguel
labas tayo. busy ka ba? may ginagawa ka?

Amari
hmmmm... wala hehe. okie! :D

Sinabi niyang susunduin niya ako rito ng 10 am. May isang oras pa naman.

"Manang, aalis po ako. Kasama ko po si pogi ninyo." Pagpapaalam ko.

Ang laki bigla ng ngiti ni Manang. Kilalang-kilala naman niya agad ang tinutukoy ko.

I'm wearing a white oversized t-shirt and I paired it with light blue denim shorts and white socks and white sneakers.

Sinuklay ko lang ang mahaba kong buhok. Kinuha ko lang din sa drawer ang isang baseball cap. And ang aking white crossbody bag. Naglagay lang din ako ng light make up, 'di naman masyadong halata. Kulang na lang ipangligo ko ang perfume ko.

Nag-message siyang nasa labas na raw siya.

Agad akong bumaba, at nakitang nakikipag-usap siya kay Manang.

He's wearing a white overside t-shirt and a jeans. Nakasuot din siya ng white sneakers.

Huh? Mukha namang planado 'tong suot namin, kaya nang makita niya ako, pabalik-balik ang tingin niya sa suot ko at suot niya bago siya napangiti.

"Wow, partner!"

Mahina ko siyang pinalo. Nagpaalam na rin kami kay Manang.

He opened his car door for me. Ito na naman 'yong amoy baby niyang sasakyan, kaya minsan napapaidlip ako.

"Bagay mo ganyan. You're so pretty."

"Ay, 'di ko bagay mga softie na atake?"

"Bagay. Lahat naman bagay sayo."

"Me lang naman ito."

"Amari, pakuha nga water bottle ko sa likod, please? Nakalimutan kong ilagay rito."

Agad akong gumalaw pa likod. At may nakita ako roong bulaklak. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya Ice. "For you."

Kinuha ko iyon at mahinang ipinalo sa kanya.

"Just because flowers."

Sa ilang buwan pa lang naming pagkakakilala ni Kuya Ice, I feel so special na agad. I feel so loved by him or baka ganito lang talaga siya sa lahat. He's friendly.

Pero ayoko mag-assume nang kung ano-ano. He's just a nice man. Napailing ako rito.

"You okay? Umiiling ka r'yan?" nag-aalalang tanong niya bago iginilid ang sasakyan.

"Hindi. May n-naalala lang ako."

Pagkarating namin ng mall. Dinadaldal ko siya, dahil amaze pa rin akong may nagbabantay sa amin.

"Paano kung tinakasan pala natin sila? Takbuhan natin?"

"Magtatawag sila mga kasama nila. May connections sila." Natatawang aniya. "At bakit biglang gusto mong tumakbo?"

"Gusto kong may hahabol sa akin. Ma-experience man lang." Pagbibiro ko sa kanya.

"Ay. Ako na, ako na ang hahabol. Tumakbo ka nang mabilis, ako ang bahala. Sinisigurado kong nasa likod lang ako."

Dahil sa mga kaibigan ko, nabibigyan ko tuloy ibang meaning mga sinasabi ni Kuya Ice.

Pinalo ko siya. Mas dumikit ako sa kanya. Nakahawak na nga ako sa braso niya.

"Baka may batang mawala."

"Paano 'pag nawala?"

"Hahanapin ko."

Nakakainis!

Mahina ko siyang kinurot kaya natawa siya.

Inaya niya muna akong kumain sa restaurant nila.

"Andoon si Mommy."

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa suot ko. "H-Hindi mo sinabi agad. S-Samahan mo muna akong bumili, papalitan ko 'tong shorts ko."

"Bakit? Maganda naman, ah."

"Eh, gusto ko naman formal." I pouted.

Pinisil niya ang ilong ko. "Wala pa si Mommy, sa susunod na araw pa, gustong-gusto ka na ring makita. Sama ka sa akin sa bahay. Birthday ni Daddy."

Pagkapasok namin ng restau niya, umupo kami sa gilid, katabi ng glass wall.

Pumasok siya sandali sa loob. Fine dining restaurant pala ito. Napaka sophisticated dito sa loob.
Italian inspired restaurant ito.

Pagbalik niya may bitbit siyang dslr.

"Kay Isabel, naiwan niya rito. Galing sila rito kahapon." Hinila niya ang upuan palapit sa akin, pero may kaunting distance naman. "Look, andami nilang pictures ni kambal."

Kamukhang-kamukha ni Ian ang kanyang Kuya Ice, mukha lang tahimik ang bata. Dahil na rin siguro lagi lang siya sa bahay nila. Si Isabel naman kitang-kita sa mga pictures na napakabibo.

"Ang cute nito!" Itinuro ko ang isang picture nila. Naka back hug si Isabel sa kanyang kapatid.

"Tahimik lang kasi si Ian, si Isabel maligalig. Bata pa, e. Pero hindi nag-aaway 'yan. Tampuhan lang, si Ian unang makikipagbati."

May mga pictures din na kasama si Kuya Ice, ang iba nga'y stolen pictures. Ang cute nilang tatlo.

Ilang saglit lang, may lumapit na sa aming dining staff, at kinuha ang order namin.

"May event kayo sa school? Nakita ko sa story ni Lorraine, tapos nagulat ako pagka-story mo nasa bahay ka."

Natigil ako sa pagtitingin ng pictures. Dahan-dahan akong tumango, hindi tumitingin.

"F-Family day. Wala naman akong maaaya roon, may event si Kuya. Tsaka, kahit naman sabihin ko, kay Kuya sila sasama. Sinabi ko na lang sa mga friends ko na masama pakiramdam ko."

"Hindi ba sila nabigyan ng notice about doon?"

"Hmmm. Sabi ng school Principal, mags-send sila ng email sa parents. I'm not that important lang talaga. Sanay na ako! Wala na lang 'yon sa akin."

"After mo kumain, mag family day tayong dalawa."

Inihagis ko ang bag ng camera sa kanya. "Siraulo."

Ikwinento niya sa aking kumakain naman siya ng any luto ng chicken, adobo lang daw hindi na tinatanggap ng katawan niya simula noong na food poison siya.

"Sa iyo rin 'to?" tanong ko habang kumakain kami. "Iba pa ito sa pinuntahan namin nila Felix 'no?"

"Yep. Inililipat na sa name ko ibang business namin. Hindi pa naman ako full time na nakatutok, tinutulungan pa ako ni Mommy and halos si Mommy pa rin naman nag-aasikaso. Kapag may free time, doon ako nag-aaral."

Dami niya nga yatang free time dahil napagsasabay-sabay niya halos lahat. Hindi niya nga napapabayaan sarili niya.

"Ang sarap ng foods niyo rito, ha?"

"Really? Thank you! Ang head chef namin ay galing pang Italy."

After naming kumain, naglalakad-lakad lang kaming dalawa. Ang tangkad ni Kuya Ice napapatingala pa ako tuwing may sasabihin ako sa kanya.

"Arcade tayo." Pag-aalok ko sa kanya.

Agad kaming nagpunta roon. Inaya ko siya agad mag basketball. Tag-isa kaming dalawa.

"Walang madaya, ha?" Pagpapaalala ako habang naglalagay ng token.

Inilagay niya ang phone niya sa likod namin para mag video. "Remembrance."

Nag-umpisa ang laro naming dalawa. Napapatingin ako nang halos walang sablay siyang nakaka-shoot sa ring niya.

"Kaduga naman, Kuya Ice!"

Huminto siya at napatingin sa score ko. "Ano 'yan? Hindi man lang kumalhati sa score ko." Pang-aasar niya sa akin.

I pouted. Nagulat ako nang tinulungan niya ako. Nakalamang tuloy ako ng apat na puntos sa kanya.

"Weak!" Pagyayabang ko, tinaasan pa siya ng kilay.

"Natalo pa ako. First time." Kunwaring pagsang-ayon niya sa akin.

Naglaro pa kami nang kung ano-ano roon. Napaupo ako sa sahig dahil sa pagod.

"Tired?" Iniabot niya ang kamay sa akin para patayuin ako. "Rest muna. Tignan mo. Kukuha ako ng stuff toy." Itinuro niya iyong claw machine na madaya. Kahit anong gawin 'di makakuha ng mga nasa loob.

Naghulog siya ng limang token. Focus na focus pa siya. Maya maya lang nakakuha siya ng maliit na stuff toy, at inihulog na iyon.

Proud na proud siyang ipinakita sa akin. "See? Basic!"

Bakit kapag ako 'di nakakakuha roon! Kadayaan talaga.

Bitbit niya 'yon paglabas namin sa Arcade. Sa sobrang enjoy naka isang oras kami roon kakatawa.

"Oy, tamo! May magbibirthday sa Jollibee!" Napahinto ako at napatingin sa loob. "Dream ko kaya 'yan! Hindi ko na experience 'yan. Gusto ko mag-birthday dyan!" Pero si Kuya, oo. Maraming beses.

"Kailan ba birthday mo?"

"Next year pa. March 9. Ikaw?"

"March 2."

Isang linggo lang pagitan namin.

"April pa sana ako, napaaga."

Tumuloy ako sa paglalakad. Naramdaman ko ang paghabol niya sa akin.

"Do you want to make kwento? Hindi ako mangju-judge. I promise."

Naupo kami sa wala masyadong taong lugar at doon ko ikwinento sa kanya.

"I am so happy, hindi ka sinukuan ng Tita Gelly mo."

"Thanks to her, right? Siya nagbigay ng pangalan ko. Coincidence lang na A and G ang start, at parang galing sa mga magulang ko. Amari mean-"

"Amari means strength in African, and Miracle of God in American."

I smiled and tumango. "How did you know that? You know, kapag nakilala ka ni Tita Gelly, matutuwa siya."

"Why?"

"Na bukod sa kanya, may isang taong nag-aalaga sa akin. May nag-aalala sa akin. Nasa ibang bansa siya, pero you can add her, Gelly Guanzon is the name!"

Namasyal pa kaming dalawa. Bumili pa kami ng matchy bracelet namin.

Inaya niya ako sa labas ng mall, kinuhanan niya ako roon ng picture. Nahihiya pa ako noong una, pero mapilit siya. Kaya halos lahat ng candid shot.

"Napasaya ba kita ngayon?" he asked.

Tumingin ako sa kanya. "Palagi naman."

~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro