Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

Lumipas ang weekends. Wala akong ibang ginawa kundi mag-aral. Hindi ako lumabas ng bahay. Hindi nag-open ng social media accounts.

"Hoy, bes! Natutulog ka pa ba?" tanong ni Bianca sa akin.

"Mukha na siyang panda, eh."

"Minsan. Dami kong inaaral, dami kong binabasa. Nakakalimutan ko na matulog."

That's real. Hindi na nga yata tulog 'yong mga ginagawa ko. Power nap na lang.

Walang ibang may alam nang ginawa sa akin ni Daddy, maliban kay Manang. Hindi ko siya pinayagang sabihin pa kay Kuya at Mommy ang nakita niya. Nakakapangliit.

Mas nadagdagan ang pressure ko dahil iyong exam namin ngayong 2nd quarter, kasama hanggang 1st quarter. Kalahati ng libro bawat subject? Kawawa kung wala kang notes.

Umaasa na lang ako sa notes ko at mga iba ko pang pinagsususulat sa mga papers.

"Hoy! Kapag need mo tulong, andito kami, ha? Ito si hindi marunong magsabi, eh."

I smiled at ipinagpatuloy ang pagbabasa ko. Dahil exam week nga, busy ang lahat kaya hindi kami masyadong pinupuntahan ng mga teachers. Gamitin na lang daw namin oras namin to review.

After lunch, dumiretso kami agad sa library. Gusto raw sumabay ng mga kaibigan ko. Ayaw raw nila mag-stay lang sa room.

"Amari, may notes ka sa Math?" mahinang tanong ni Bianca.

"Sa bag ko na lang, B."

Hindi ko man lang siya nagawang tapunan ng tingin.

"Labas tayo after nito, ha? Libre ko kayo, samgy tayo." Pag-aaya ko.

Nakonsensya ako, hindi ko man lang sila makamusta nitong mga nakaraang araw, pero grabe nila ako tanungin kung kumusta na ako. Hindi ko man lang ma reciprocate ginagawa nila for me.

"Shet! Magpapa-reserve na ako table natin. Gusto ko iyong by room, para may privacy!"

Napangiti ako at itinuloy ang pagbabasa.

Napalingon ako kay Lorraine na abala mag-phone. "Hindi ka magre-review?"

"Eh! Nagugutom ako. Nago-order ako online hehe. Gusto niyo? Libre ko. Sa mini forest tayo kain."

Iced coffee at pasta sa akin. Hindi ko na nakita kung ano ang sa kanila. After that, lumipat kami sa mini forest. Tambayan talaga rito, at mabuti kakaunti ang tao, dahil nasa Library sila.

"President, kailan po registration for new officers?" May lumapit sa akin na Grade 9 student.

I think naaalala ko siya. "Hmm, I'll update na lang, after exam. Fina-finalize pa rin kasi. We'll post agad kapag okay na."

Nagpasalamat siya bago umalis.

"Pagod na ako." Bagsak ang balikat na sambit ko.

Pagod na pero parang kasalanan ang magpahinga.

"Rest ka muna. Sandal ka muna rito sa balikat ko. Hindi ako maglilikot," ani Bianca.

I smiled. Na appreciate ko, pero sayang 'yong minutong magpapahinga ako.

"Dali na. Ilang minuto lang, maipagpahinga mo lang utak mo."

Nababasa ba nito nasa isip ko?

"Thank you." No choice na ako, sumandal na ako sa balikat ni Bianca.

"President! May update na po ba sa Intrams?"

Pagod ang mga mata kong dumilat. "Hala! Hindi po ako ang may hawak sa sports. Sa coach po ninyo malalaman."

"Ahh... ok po!"

"Ayoko na! Hindi na magpapahinga." Kinuha ko ang notebook ko at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Naramdaman ko pag-vibrate ng phone ko. May message si Manang. Bigla kong naalala grocery day niya pala today.

From: Manang
ank, d2 q grocery. may ipa2bili bha u?

Amari
hmmm, coffee and gummy bears lang po. and pabili po ako katinko hehehe. tapos po pala yung kanto pizza po hehe. ham and cheese. thank u po! ingat!

From: Manang
ocge, anak.

Dumating na rin si Lorraine bitbit mga order namin.

Kinuha ko phone ko. Wala, nag-open lang ako ng social media account ko. Daming messages pero 'di ako nagre-reply. Kahit si Kuya Ice na may message kaninang morning.

Amari Gracey shared a note.
kapoy na.

Naka-off ang status ko nitong nakalipas na dalawang araw, naka-dnd din ako.

"Babaita, ba't di ka raw nags-seen sa gc? Hinahanap ka ni Juan Gio." Inabot ni Bianca sa akin ang phone niya.

BASTA GC

Juan Gio
wala 'yong taga-react natin sa gc. parang 'di ko pa nakikitang mag-seen dito. ayaw mo na ba sa amin? @Amari

Ice Miguel
busy mag-review

Lorraine Esteves sent a photo.
here po siya. sorry, busy mag-review ang bebe namin.

Buti cute ako sa sinend niyang picture. Hawak ko lang ang book, at pen ko. Napangiti na lang ako bago ibinalik sa kanya ang kanyang phone.

Late na ako nasundo ni Kuya, dahil dinaanan pa raw niya si Manang sa mall.

"Where's my kanto pizza po?" Bungad ko pagkasakay.

Pinagbuksan naman ako ni Manang. Ang sarap kasi talaga ng mga pizza na nabibili sa mga kanto. Ang mura tapos sulit pa. Noon nga pinangarap kong magtinda ng ganoon noong nasa Alabang pa kami nakatira.

Wala akong ibang ginawa kundi mag-aral. Kahit sa pagkain, may bitbit akong notes. Si Daddy nga hindi na naman ako pinapansin.

"Pagpahingahin niyo naman 'yong bata, kuya! Nakakapagpahinga man lang ba siya?!"

Natigil ako sa pagbaba nang marinig ko ang galit na boses ni Tita Gelly.

"Normal lang naman magkamali. Jusko! Para namang never kayong nagkamali sa buong buhay niyo kung awayin niyo si Amari!"

"Kaya lumalaking spoiled brat si Amari, dahil sayo Gelly! Hayaan mo siya."

"Ako na mang-spoil sa kanya, kasi 'di niyo magawa. Hindi na kayo naawa sa bata. Wala namang kasalanan 'yan. Tumatawag ako madaling araw, pero sumasagot pa rin siya. Madaling araw 'yon, ha? Alam niyo namang bawal magpuyat batang 'yon."

"Kasalanan niya 'yon. Hindi siya nag-aaral mabuti, Gelly. Nagiging irresponsable na siya habang tumatagal."

"Ewan ko sa inyo! Sana inampon ko na lang talaga siya!"

"Sana nga! Sana talaga para wala akong ibang problema!"

Napaatras ako at napabalik sa kwarto nang marinig ko ang sinabi ni Daddy. Palagi namang gano'n, palaging pinagsisisihan na nabuhay pa ako.

Bata pa lang naman ako pakiramdam ko unwanted child na ako. Hindi na bago sa akin. Sabi nila sinubukan akong ipalaglag ni Mommy, pero matindi ang kapit ko, pero dahil sa sobrang stress na raw noon ni Mommy, at sa mga iniinom niya, nakaapekto iyon sa pagbubuntis niya at nag resulta ng pre-mature birth baby. Ako iyon. April pa sana ang panganganak niya, pero napaaga ng isang buwan.

Nasa NICU lang ako, ang tanging nag-aalaga or bantay ko noon ay si Tita Gelly. Ni ayaw nga raw akong makita ng parents ko noon.

Amari Gracey, si Tita Gelly ang nagbigay pangalan sa akin.

Iyak lang ako nang iyak dito sa kwarto. Sanay na pero masakit pa rin pala. Lalo tuwing naririnig ko mismo galing sa kanila.

A painful reminder of my invisible existence in their lives, my parents' lack of love echoed in the quiet.

Wala akong ibang alam gawin, kundi umiyak. Iiyak 'yong sakit. Pinapanood ko nga luha kong bumabagsak sa notes ko.

Tuloy-tuloy ang pagkatok ni Manang sa pinto.

"Amari, andito na pala mga ipinamili ko kanina. Pasok na ako, ha?"

Bumukas ang pinto, mabilis akong tumalikod, dahil baka makita ako ni Manang na ganito.

"Ipinamili kita biscuits mo. Pati candies mo, para 'di ka mahilo. Naibili na rin kita vitamins mo, kita ko kanina walang laman vitamins mo. Pagagalitan ka na naman. Ilalagay ko sa ref itong gummy worms mo, ha? Ang C2 mo at yakult andito na rin."

Tumatango-tango ako, hindi ko alam kung nakikita ako ni Manang.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.

"Jusko po! Ba't magang-maga ang mga mata mo? Sinong nagpaiyak sa iyo?" Inabutan ako ni Manang ng tissue. Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Hinila niya ang isang upuan at naupo sa harap ko. "Pinagalitan ka na naman ba ng Daddy mo?"

Mabilis akong umiling. Mas kaya ko pang matiis kahit papaano 'yong galit, pero hindi 'yong mga salitang paulit-ulit na ipinapamukha sa akin.

"Na-stress l-lang po a-ako s-sa dami kong exam at quiz ngayong w-week."

"Huwag mo masyadong pahihirapan ang sarili mo, anak ko. Ang talino mo, ang galing mo. Proud na proud kaya ako sa 'yo!" Pinunasan ni Manang ang mangilang luha sa mukha ko. "Ang gandang bata, tapos napakabait. I-enjoy mo teenage years mo, ha?"

Proud. Salitang gusto kong marinig sa kanila, pero 'di nila magawa.

"K-Kailangan ko po mag-aral, h-hindi po ako pwedeng magkamali."

Kunot noo si Manang sa akin. "May ganon ba? Pwede ba 'yon, ang hindi magkamali? Parang napakaimposible naman. Pagkakamali, parte ng pag-aaral yan, pati ng buhay. Saan ba tayo natututo? Sa pagkakamali natin. Tahan na? Sunod ka sa akin sa baba, ipinagluto kita. Ang daddy mo, umalis, sinundo ng kaibigan niya."

Naunang bumaba si Manang. Napatingin ako sa vanity mirror ko, magang-maga at kitang-kita pa rin ang pagod sa mga mata ko.

Nakasuot lang ako ng pajama, at t-shirt. Ipinusod ko rin ang buhok ko bago bumaba.

Napatingin ako sa sofa. Nakatingin sa akin si Kuya Ice. Nawala 'yong ngiti niya nang makita niya ako. Nagulat siguro dahil ngayon lang niya ako ulit nakita, ang wasted ko pa sigurong tignan. Ngumiti ako bago dumiretso ng kusina.

"Iinom kayo, Kuya?"

"Hindi, ah. Magpapatulong ako sa video project ko sa Minor."

Tumango na lang ako.

Naiwan akong kumakain dito sa dining area dahil lumabas sila. Ayoko naman doon dahil makikita pa nila ako.

"Kumakain tapos may bitbit pa ring notes at books."

Napalingon agad ako sa pinanggalingan ng boses. I saw Kuya Ice, pilit siyang ngumiti. Halatang nag-aalala siya. "Pwedeng makitabi rito?"

Tumango ako.

"You're doing great."

Napayuko ako sa narinig ko. Mahina kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak dahil sa narinig ko.

"Thank you, Kuya Ice."

Katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko, hindi nga ako makatingin.

Tumayo siya at dumiretso ng kusina.

Ilang minuto rin siguro itinagal niya roon bago bumalik na may dalang Iced Matcha Latte.

"Ikaw gumawa?"

Ang bobo ko sa part na nagtanong ako kahit obvious na.

"De ah, napulot ko lang d'yan! Try mo muna kung walang lason. Pag nalason ka, itatapon ko na 'yan."

Galing!

"Walang lason 'to?"

"Wala. Aba! Bakit naman kita lalasunin?"

"Baka ayaw mo na rin akong makita rito sa earth."

Nagseryoso bigla ang mukha niya. Napataas pa ng ang isang kilay. "Sino nagsabi sa iyo niyan?"

"S-Sila," tanging sagot ko.

"Tsk. Hindi mangyayari 'yon."

Tinikman ko ang ginawa niya. Ang sarap! Pwede na siyang maging barista!

Iniabot ko sa kanya ang ginawa niya. "Ahm... try mo!"

Nakatitig siya sa baso or sa straw? Pabalik-balik ang tingin niya, pati sa akin.

"Eh, ayang straw mo na gamitin ko? Indirect kiss ka naman, Amari. Crush mo 'ko? Noong nakaraan nag-send ka kiss emoji, ngayon indirect kiss naman. Para-paraan ka rin."

Juskopo! Tabang!

Hindi ko talaga kaya 'tong mga pinagsasasabi ni Kuya Ice.

After kong kumain, nagpaalam na ako sa kanya para umakyat sa kwarto. Sumabay rin naman siyang kumain kanina.

"Amari..."

"Hmm?"

"Thank you for existing," he said genuinely before smiling.

Napatitig ako sa kanya. Nabigla ako sa sinabi niya, ni hindi agad mag-process sa akin. Nasanay akong naririnig iyon sa kapatid ko, hindi galing sa iba.

"Hindi... Hindi ko alam k-kung anong sasabihin ko." I stammered. "But, t-thank you. It means so much to me, Kuya Ice." I whispered. My heart's overflowing with gratitude.

Bahagya pa siyang lumapit sa akin.

Iyong puso ko naman.

"You belong, Amari. Don't listen to them. You are loved. Sige na, review na para makapagpahinga ka na rin nang maaga. Huwag na masyadong magpuyat." Tinitigan niya ang buong mukha ko na para bang may mali. "Nagiging panda ka na. Dala ka na rin food mo ro'n, baka magutom ka."

"Gusto ko cookies."

"Oh sige, bukas."

"Promise?"

"Pinky swear!"

Ipinakita niya sa akin ang kanyang pinky, hindi ko pa nga agad tinanggap 'yon. Pambata, pero ang cute.

We locked pinkies, our fingers intertwining for a moment before we gently pulled away. Ngumiti ako sa kanya bago umakyat nang kwarto.

Bago ako matulog nakatanggap ako ng message galing kay Kuya Ice

Ice Miguel
Remember to take breaks and take care of yourself. Okay? Okay! Very good.

Good night, Amari. You should sleep na rin.

(⁠.⁠ ⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠) ikaw naaalala ko sa emoticon na ito hahahahaha. joke, good nighty, gracey!

Maaga akong pumasok sa school. Paanong 'di magiging maaga kung inihatid ako. Ngayong araw, pang-umaga ang schedule namin. Bukas naman, hapon.

"Do your best. Ayokong makakita ng kahit isang mali sa test paper mo."

Iyon ang huling sinabi ni Daddy sa akin bago ako bumaba ng sasakyan.

"Nag-review ka?" bungad na tanong ni Bianca sa akin.

Nilingon ako ni Lorraine. "Nagbatak mag-review 'yan, kita mong nakapusod buhok niya."

Tumango lang ako. Anong sasabihin ko? Hindi ako nag-review? Hindi naman maniniwala mga 'yan. Sa pagitan nilang dalawa ako umupo.

Bukas naman ang huling schedule ng exam namin. Nakakainis, pinagsabay-sabay ngayong araw 'yong pinakamahihirap. I mean, mahihirap naman lahat. May mga subjects lang talagang parang ang komplikado.

First Science question pa lang, napapakamot ulo na ako. Pero alam ko naman yata ang sagot, yata.

Nagkatinginan kami ni Lorraine. Sumenyas ako para tignan ang papel niya.

Magkaibang set kami, kaya magkakaibang set ng questionnaire din ito.

"Symbol for the chemical element with atomic number 29 on the periodic table?" Mahinang pagbasa ko. "B. Cu."

Hinawakan niya ang kamay ko, way niya to say thank you.

Si Bianca naman ang tinignan ko. Nasa part pa rin siya ng periodic table.

"Which element on the periodic table is a noble gas and has the atomic number 18? B. Argon."

Mukhang nagulat pa siya sa akin dahil naka-focus siya sa pagsagot na hindi niya napansin nakatingin na ako sa paper niya.

Dinouble check ko paper ko. Nakakaalanganin kasi, baka mamaya may essay part pala sa likod. Tumayo ako para ipasa ang papel ko.

"I'll check your paper na, Ms. Guanzon. Okay lang ba sa iyo?" tanong ng Science teacher namin na taga-bantay sa amin.

Check your paper, tapos pagbalik may wrong? Joke. Sana sa akin wala.

"Ms. Guanzon got a perfect score!" pag-announce niya.

One down, Amari, one down. Hindi ko man lang magawang i-celebrate iyon dahil may ilang subjects pa akong need i-perfect.

Ngumiti ako at kinuha ang ibang notes ko para makapag-review.

More to go, Amari. Kaya mo 'to, kasi no choice ka naman.

Natapos ang araw namin, lahat ng exam ko ngayong araw ay perfect score.

"Ang galing-galing talaga! Kaka-proud!" Itong kiti-kiti na Bianca, niyakap pa ako.

"Hindi naman ako makahinga sa iyo, B!" Natatawang sambit ko.

"Tara, lunch sa labas? Parang naubos brain cells ko!" si Lorraine at kumapit sa akin.

"Amari!"

Sabay-sabay kaming napalingon kay Josh. "Oy, Josh! Bakit?"

"Saan kayo pupunta? Pwedeng sumabay? Kakain ba kayo lunch? Nauna na kasi mga kaibigan ko. Ayoko pa umuwi, baka makatulog agad ako sa bahay." Nahihiyang aniya habang nagkakamot ng ulo.

"Para ka namang bago sa amin," sagot ko. "Tara na."

Nagpunta kami sa kainan sa tapat ng school. Ilang saglit lang dumating si Kuya Ice. Mukhang papasok pa lang siya, naka-uniform na siya.

Agad niya kaming pinuntahan sa pwesto namin. Nagulat pa siya nang makita si Josh.

"Hello!"

"Cookies."

Ibinaba niya ang limang box. Ang bango. . .  ng cookies or ni Kuya Ice?

"Tag-iisa kayo. Sana magustuhan niyo."

"Hala! Thank you po."

"Kahiya," pagkukunwari ko kaya agad siyang napatingin sa akin. "Nag-abala ka pa. Nakakahiya talaga."

"Sabi?"

Bwisit na 'to!

"Thank you, Kuya Ice!"

Ginulo niya ang buhok ko at chineck niya sa kanyang watch ang oras.

"Pasaan kayo after niyong kumain?"

"Magre-review po. Last day exam namin bukas."

"Sakto! Gusto niyo roon na kayo malapit sa SanLo? May coffee shop doon, bagong bukas. No time limit kayo roon, may private room four to five person pwede sa loob."

"Hala! Saan po banda?"

"Eyapresso Escape. Friend ni Arvin owner niyan, si Eya. Present niyo ID ninyo for discount."

Itinuro niya sa amin papunta roon.

"Una na ako, ha? May quiz pa ako. Enjoy sa food and best of luck!"

Nakipag fist bump pa siya sa amin bago tuluyang makaalis.

Kinuha ko ang phone kong naka DND. Agad na in-open ang messenger. May message pala si Kuya Ice kaninang umaga.

Ice Miguel
One step at a time; you've got this! Good morning, Amari. (⁠.⁠ ⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠)

Amari
Yay! Thank you so cookies! :))

Talagang gamit na gamit na niya 'yong emoticon na 'yon.

"Punta ba tayo sa tinutukoy ni Kuya Ice?"

"Tara, gusto ko 'yon ma-try."

Binilisan namin ang pagkain. Doon na lang daw namin pag-usapan 'yong exam.

Kahit may kalapitan lang naman, nag jeep pa rin kami dahil sa init.

Two-storey building pala itong coffee shop. Labas pa lang maaliwalas at ang welcoming na ng aura. May pa music din sila.

"Hi! Good afternoon!" Bati sa amin ng isang babae.

Matangkad, morena na babae. Siya lang ang hindi naka apron, siguro siya iyong may ari.

"Ikaw ba si Amari?"

"H-Huh?"

"Si Isaac kasi." Natawa pa siya. "Pina-reserve niya na kayo rito kanina, para 'di raw kayo maunahan. Private room, and mag-order lang kayo ng foods ninyo. Sa second floor na lang. This way."

Pagkapunta namin sa second floor maraming tao, karamihan taga SanLo, lahat busy.

Pumasok kami sa isang private room. Wall glass siya, nakikita namin sa labas pero ang sabi ni Ms. Eya hindi raw kami makikita mula sa labas. May mga game board pa sa gilid, pati throw pillows.

"Thank you po, Ms. Eya."

"Perfect na naman lahat ng exam. Panigurado perfect mo ulit lahat bukas!" si Josh habang nakikipaglaro kay Lorraine. "Ano secret mo?"

Galit at pressure ng magulang.

Humiga ako at pumikit. "Nilaklak ko memory plus gold sa bahay. Joke. Wala, nag-review lang ako noong last week pa."

"Tower of Hanoi tayo, Amari!"

"Ayoko, 'di ka naman maalam!"

Malakas na tinawanan ni Lorraine ang naging sagot ko kay Bianca.

"Sabing huwag papatungan 'yong maliit na disk ng mas malaking disk, sige si patong pa rin siya."

"Nyenye! Whatever. Laro tayo pusoy, 'di kasali si Amari, ha?"

Napabangon ako at naalala ko 'yong cookies na dala ni Kuya Ice.

"Hoy! Hati-hati na tayo rito." Ibinigay ko kay Josh ang isa. "Itong isa, kainin na natin dito."

"Nililigawan ka ni Kuya Ice?" diretsong tanong ni Josh sa akin.

Napailing ako. "Good friend kami, 'no! Bata pa ako. Baby pa ako."

"Baby ni Kuya Ice," pang-aasar ni Lorraine sa akin.

"Kakanood mo ng KDrama 'yan!"

Nag-order na sila para kaming walang kabusugan, ako naman inilabas ko reviewer ko para bukas.

Nagtaka pa sila bakit handwritten 'to at hindi 'yong mga sinend na soft copies.

Mas madali ko kasing matandaan kapag isinusulat ko, kaysa sa basa lang. Nasanay na ako roon, kaya marami akong ballpen at highlighter. Mas nagiging saulado ko kasi kapag isinusulat ko, kaysa basa lang.

"Gusto ko mag field trip."

Kunot noo at sinamaan ko ng tingin si Bianca. "Huwag mo na i-suggest, please. Bibigyan mo na naman ako ng trabaho." Pagmamaktol ko.

"Ay, ayaw mo mag field trip?"

Umiling ako. Gastos na naman. Mapapagalitan na naman ako.

"Entrance exam sa Crystal Valley Academy. Ayaw niyo subukan doon?" tanong ni Josh habang nakatutok sa kanyang phone. "Open hanggang next year."

Balak ko rin talagang subukan doon. Sinearch ko sa internet, wala silang Culinary Arts, pero may BS in Hospitality Management sila. Maganda rin ino-offer nilang program.

"Try ko next week. May scholarships din daw sila r'yan diba?"

"Yup. Tapos may free uniforms sa makakapasa for full scholarship."

Napa-search ako sa facebook page nila. Kilala rin kasi ang school na 'yon, mas malawak 'yon kung tutuosin kaysa SanLo University. Karamihan din sa nag-aaral Crystal Valley Academy, talagang mayayaman. Sabi nga ni Felix, ang ilan sa classmate nila, anak ng mga artista.

Parang gusto kong i-try sa sabado.

Report card noong first quarter ang kailangan at isang id. Susubukan ko rin, sayang naman.

"Mahal kasi. Kahit may scholarship, mahal pa rin."

Napatango ako kay Lorraine.

Tinuruan ko silang tatlo sa mga topics na hirap sila. Wala namang problema sa akin tumulong sa mga classmate ko tuwing may hindi sila alam. Ang iba lang kasi sa kanila, kinakausap lang ako tuwing exam, kaya ayokong 'di na nakatabi sa dalawang kaibigan ko.

Hindi na kami halos nakapag-review, mas madami pa yata ang daldal namin. Naubos na nga yata social battery ni Josh dahil sa dalawang kaibigan ko.

"Hi!"

Kumakaway si Ms. Eya sa labas. Agad-agad tumayo si Josh para pagbuksan ng pinto si Ms. Eya.

"Kumusta kayo rito? Kumusta 'yong food? Sorry ha? Naabala ko ba kayo? Pinapa-check kasi kayo ni Isaac."

Agad siyang napalingon sa gawi ko. "Ikaw younger sister ni Vinvin?"

Vinvin. Kapag narinig ng kapatid ko 'yan, panigurado sisimangot na siya dahil ayaw niya ng nickname na 'yan.

"Yes po."

"Cute! Kung gaano kadaldal si Arvin, kabaliktaran naman sa iyo."

Nahihiya akong ngumiti bilang sagot. Hindi ko rin alam sasabihin ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'hindi tayo close', ang rude naman.

"Close kayo lahat ng bebe boy namin?"

"Sino pong bebe boy niyo?"

"Si Isaac!"

Halos maibuga ko ang iniinom ko dahil sa narinig.

"Friend po namin."

Napaayos ng upo si Ms. Eya "Ang bebe boy, Isaac! Crushable, jojowain, aasawahin, pagsisilbihan!"

"Pogi niya po, 'no?" si Lorraine na naman.

"Sobra! Crush mo ba siya?"

Agad-agad kong nilingon si Lorraine.

"Hindi po, ah!" agap na sagot ni Lorraine para dipensahan ang sarili.

"Si pogi. May abs 'yon. Kaka-gym niya. Kita niyo na ba stolen shot niya habang topless? Nasa profile niya 'yon. Jusko! Nagwala ang mga bebe girls niya! Yaman pa, 'no? Pero 'di mayabang, kaya nakakatuwa kasama, e. Matagal lang mag-reply isang iyon."

"Natatabunan po kasi messages."

Sabay-sabay silang napatingin sa gawi ko na parang may nasabi akong kasalanan.

"How did you know?"

"H-Hula ko lang po."

Malakas akong tinawanan ni Lorraine, nakipag-apir pa kay Bianca.

"May nililigawan po ba si Kuya Ice?" si Bianca naman nagtanong.

Hindi ko sila nililingon, pero naghihintay rin ako ng sagot.

"Ayan ang wala akong alam. Katuwa nga siya. Niloko ko 'yan noong second meet namin, kako crush ko siya. Aba! Ibinato sa akin hawak na tissue, kadiri pa raw ako! Nilayuan nga ako ilang oras ayaw tumabi sa akin para akong may nakakahawang sakit."

In-action pa ni Ms. Eya kung papaano ang ginawa ni Kuya Ice sa kanya. Parang nakikita ko tuloy siya na nakasimangot.

Tuloy lang ako sa pagbabasa ko pero hindi ko maintindihan binabasa ko. Nawala yata ako bigla sa focus.

Nagpaalam na siya sa amin dahil dumarami na rin ang customers nila.

"Oh, natahimik ka?"

"Ako na naman napansin mo, Lorraine Zia Esteves, ha?"

"Gago, full name!"

"Oo, manahimik ka rin d'yan, Bianca Yves Corpuz."

"Wow, Amari Gracey Guanzon!"

Sa ilang oras namin dito, inutusan akong pasagutin ko raw sila. Mabuti nga at na-perfect nila. Sana ma-perfect naming apat exam bukas.

Hinintay ko muna silang makasakay sa mga sasakyan nila bago ako pumasok sa sasakyan namin.

"Na-meet mo si Eya?" tanong agad ni Kuya sa akin pagkapasok.

Tumango-tango ako. "She's madaldal, and welcoming."

"Right? Sarap pa ng foods and coffee roon. Si Isaac ba nagturo doon?"

Tumango ako bilang sagot kay kuya habang nakatingin sa labas.

Dinaldal ako nang dinaldal ni kuya buong byahe. Kesyo mas matanda raw si Ms. Eya sa kanya ng isang taon. Nagkakilala raw sila sa SanLo. Naging child actress daw siya.

"You're not reviewing. Puro ka cellphone," sita sa akin ni Daddy pagkapasok nila.

"Nagtitingin lang po ako kung anong mauunang subject bukas."

"Baka nagtitingin saan next gala?"

Hindi na ako sumagot. Mapapagalitan na naman ako.

"Hindi ka makasagot kasi totoo, 'di ba?"

Hindi ko na alam saan ako lulugar. Kapag sumagot, bastos. Kapag 'di sumagot, guilty.

"Hindi po."

"Bakit hindi ka umuwi agad kanina?"

"Nag-review po kami malapit sa school nila Kuya. Magkasabay po kaming umuwi."

"Siguraduhin mong review ang ginagawa mo. Ayaw kong makakita ng kahit isang mali sa exam mo. Pangalan mo nakasalalay rito."

Pangalan ko o pangalan niya? Wala namang kaso sa akin mga ganitong bagay noon, kahit may mali ako. Pero kailangang protektahan dahil masisira daw ang image niya kung may anak siyang pabaya.

He graduated as Summa Cum Laude noong batch nila. That's why pinipiga rin ako.

"Make me proud. Gumaya ka sa kapatid mo."

"Tama na 'yan, Gabby. Nagr-review naman ang bata. Huwag niyo na pagalitan nang pagalitan, kawawa naman."

"Nakita niyo ba isang quiz niyan? Hindi man lang umabot sa passing score. Nakaka-proud ba 'yon? Ano iisipin ng ibang tao? Tsamba lang pagiging Top 1 ng batang 'yan?"

"Iniisip mo sasabihin ng ibang tao pero hindi mo iniisip nararamdaman ng anak mo, Gabby?" matigas na tanong ni Manang sa kanya.

Gusto kong tumakbo palapit sa kanya para lapitan siya. Gusto kong yakapin si Manang.

"Iniisip niyo ni Amara na nakakahiya kapag may mababang grado si Amari. Pero ni minsan ba sumagi sa isip niyo kumustahin ang anak niyo? Iyong siya mismo? Hindi tungkol sa pag-aaral niya? Wala."

"Kaya nalaking matigas ang dulo, Manang, dahil masyado niyong pinapaburan ang batang 'to." galit na sagot ni Daddy. Kitang-kita ang frustration sa mukha niya.

"Nasabihan niyo man lang ba ang bata na proud kayo sa kanya? Malamang hindi."

"Sa ginagawa niya? Nakaka-proud ba?"

Bastos sumagot ni Daddy.

"Bakit? Iyong mga achievements niya noon? Ang dami non, ha? Hindi niyo masabing proud kayo sa kanya. Kaya tuwing naririnig niyang sinasabihan siya ng ganon ng ibang tao, hindi niya alam kung akong isasagot niya o kaya iiyak pa."

Naramdaman ko na lang ang biglaang pagtulo ng mga luha ko.

"Masyado kayong makasarili." Nilingon ako ni Manang at agad niya akong nilapitan para punasan ang mga luha ko. "Sige na, akyat ka na. Dadalhan kita ng pagkain mo."

"Anong nangyayari dito?"

Napalingon ako kay Kuya na galing pala sa labas. Umiling lang ako at tumakbo paakyat sa kwarto.

Sana, sana ma-appreciate din nila ako katulad kung papaano nila ma-appreciate ang kapatid. Sana maipagmalaki rin nila ako.

Sana makita rin nila ako.

Sana mahalin din nila ako.

Sana.

Pinunasan ko mga luha ko. Hindi pwede, hindi pwedeng umiyak lang ako magdamag. Need ko pa rin mag-review.

Inabot ako ng ilang oras sa pagre-review. Nakakalat na notes, books, and pens ko rito dahil sa ginagawa ko.

Hindi ako makatulog. Napatingin ako sa cellphone ko para patayin ang alarm dahil madaling araw na. Nag-set ako ng alarm kanina, sabi ko tutulog na ako kapag tumunog iyon, pero hirap naman akong matulog.

In-open ko ang messenger ko. Naka off status naman ako. Agad kong nakita ang message ni Kuya Ice.

Ice Miguel
(⁠.⁠ ⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠) review well, pero don't forget to eat and rest, ha? You've got it!

If you need someone, I'm here. Good night! :)

Hindi ko alam pero pinindot ko 'yong audio call. Akala ko naman ay hindi sasagutin, pero ilang ring pa lang nakita ko ang pagsagot niya.

"Hi, Amari,"his voice was soft, almost a murmur, as if he didn't want to wake anyone up.

Halatang nagising ko siya.

"S-Sorry, Kuya Ice. Magr-reply sana ako, pero napindot ko a-audio call," I replied nervously.

"That's okay. Katatapos mo mag-review? Oh, wait, wait. Hold on."

Narinig ko ang parang pagbangon niya.

"Where are you going, Kuya?" a sweet voice from the other line asked.

"May important call si Kuya. I'll be back, okay?"

"Hmmm... okay, Kuya. I'll sleep po again."

Alam kong nasa labas na siya, dahil sa narinig kong pagsarado ng pinto.

"S-Sorry, nagising ko yata kayo."

"No, no, Amari. Mababaw lang talaga matulog si Isabel dahil inaabangan niya si Mommy."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ilang minutong katahimikan. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Still there, Amari? Is everything alright?" he asked in a calming tone.

"S-Sorry, n-namali lang talaga ako ng pindot. Anong oras na nakakaabala pa ako, sorry."

"Don't say that. Hindi ka abala. Don't worry about the time." Saglit siyang natahimik. "May bumabagabag ba sa iyo? May gusto kang ikwento?"

"H-Ha? W-Wala naman." Meron, pero hindi ko alam kung papaano at saan magsisimula.

"Are you sure? If you're ready, I'm here to listen, okay? Para saan pa at naging mag kaibigan tayo. I won't judge, promise."

"Sure na sure. Thank you."

"Get some rest, okay? Rest your mind. You should sleep na."

"Y-Yes y-yes. Nakahiga na rin ako. Good night, pipikit na ako. Babush!" Mahina pa akong natawa. Narinig ko rin ang kanyang pagtawa.

"Good night, Gracey!"

Akala ko papatayin na niya ang tawag. Hindi ko rin kasi in-end. Nakatitig lang mga mata ko sa phone, tahimik, umiiwas na gumawa ng kahit anong ingay.

"Tulog ka na ba? Hay, Amari. If nobody is proud of you, I am. Nakakainis naman sila. You're doing your best." His voice softened, a hint of frustration in his tone. "Kainis. Hindi ko agad nasabi sa iyo 'yan kaninang gising ka. Baka walang nagsabi sa iyo na proud sila sa iyo, eh. Ayoko makaramdam ka ng self-doubt. " He paused, his voice dropping to a whisper. "I know you're trying so hard. Don't let anyone tell you otherwise. Please, sana maniwala ka sa sarili mo. Ako, naniniwala ako sa iyo."

I swallowed hard, trying to keep the tears. Pinipigilan ko ang sarili kong makagawa ng kahit anong ingay. Pero traydor ang mga luha kong nagsibagsakan.

Nakakapanibago pala kapag may taong nagsasabi na proud sila sa akin. Hindi ako sanay, pero nakakataba ng puso.  Siguro dahil lagi akong nag-aalinlangan sa sarili ko, kaya naiiyak ako tuwing nakakarinig ng ganito.

Hindi ko kasi naririnig sa mga magulang ko, kaya ganito ang epekto sa akin ng mga salitang 'proud' sa sakin. Hindi kasi nila sinasabi 'yan, mali ko kasi ang nakikita nila.

Sabagay, pagkakamali nga lang tingin nila sa akin.

"May secret talent ako, Amari!"

Narinig ko ang pag-strum ng gitara.

Nag-aaral nga pala talaga siya. Daming time, kainggit. Nakikita ko sa fb story niya mga short clips niyang tumutugtog ng gitara.

Title: Rainbow by South Border

Life goes on and on
And so baby, just smile
'Cause I'm always around you
And I'll make you see how beautiful
Life is for you and me

Nakapikit ako habang pinapakinggan siya. Para akong hinehele ng boses niya. Para akong pinapakalma.

"Ayan lang muna. Hindi ko pa kabisado masyado, pinag-aaralan ko pa. Ipaparinig ko sa iyo lahat kapag alam ko na. Fuck..." Kung kanina ay mahina lang siyang tumawa, ngayon ay napakalakas na. "Hindi mo rin naman pala ako naririnig ngayon dahil tulog ka na, tapos andito ako nag-iingay. Tangina." Tuloy pa rin ang mahinang pagtawa niya.

"I'll go inside na rin. I'll sleep na rin. Rest your mind, Amari."

Tapos na lahat ng exam namin. Perfect ko lahat. Halos maiyak ako kanina pagkakuha ng last exam. Pakiramdam ko'y said na said na, at wala na akong maisasagot.

Nakakuha rin ng perfect scores mga kaibigan ko sa dalawang magkaibang subjects.

Andito lang ako ngayon sa office namin.

"President, next year pa naman posting for new officers, 'di ba?"

Tumango ako. I crossed my arms. "Oo. Ewan ko, bakit excited sila. Pinapaalis na talaga ako rito."

"Baliw!"

Parehas kaming tumawa.

"Amari, tawag ka sa AralPan Deptartment. May sasabihin daw!" sigaw ng isang classmate ko, pinuntahan ako rito.

I'm clueless. Sana hindi 'to sa exam, sana hindi error sa checking ng paper ko.

"Good afternoon po."

Andito si Precious. Ohh, baka for debate ito.

"Are you guys available sa Saturday? Review lang for debate."

Nakahinga ako nang maluwag. "Yes po, Ma'am. Where po?"

"Kayo, saan niyo gusto?"

"Pwedeng dito na po, Ma'am. Para masanay rin po sila kapag mismong event."

Agad silang nag-agree sa sinabi ko.

Pagkarating ni Kuya, nagtataka siya bakit ako nakangiti. Pinipilit pa niya akong magsabi.

"Bakit ka ga nakangiti ng ganyan?"

"Ahhh. Kasi may crush ako sa friend mo," pang-aasar ko.

"Nyaw. Sino sa dalawa?

"Huh? Anong s-sino sa dalawa?"

"Oo, dati si Harold crush mo, eh. Ngayon si Ice na. Suuuus! Tatanggi 'yan!"

Gago. Ako pala aasarin. Matinding back to you, Amari pala 'to.

Inihampas ko sa kanya ang travel pillow na andito. "Baliw! Hindi!"

"Para kayong mag jowa ng tropa ko, eh."

"Hindi nga! Si Kuya parang tanga!"

"Alam mo, payag naman ako. Ano ga? Bait bait ng tao na 'yon."

"Ayon nga, mabait siya, okay? Huwag niyong bibigyan ng meaning mga ginagawa niya, ginagawa namin. We are just friends!"

"Friends, huh? You guys seem pretty close, you guys do seem to be spending a lot of time together. Okay, friends." Nagkibit balikat pa siya.

Napatingin ako sa labas dahil sa sinabi ni Kuya. Totoo naman, nitong mga nakaraang weeks, naging sobrang lapit ko kay Kuya Ice. Palagi kaming nagkakasama. Minsa'y inihahatid pa ako sa bahay.

"Friends to lovers!" Tuloy na pang-aasar sa akin ni Kuya.

"Ngi, kakanood mo 'yan romantic movies, bes!" sagot ko sa kapatid ko. "He's just, you know, kind and caring! Lala na ng imagination niyo, huh?"

"Kind and caring, sus! Next niyan, I think I'm falling. Pero, tunay, ganyan ang sinasabi nila hanggang sa ma-realize nila na nahulog na sila."

"Eh, paano, ganyan ka. Kaya dinadamay mo ako. Pero tunay rin, ayokong bigyan ng meaning. I'm comfortable with him, to be honest. Noon, hindi. Kasi 'di ko pa naman siya nakikilala. Hanggang doon lang kami, friends. Close friends, bff ko na nga 'yon."

Not all closeness implies romantic intentions.

Napalingon ako kay Kuya. Parang may kung ano siyang gustong sabihin pero nagpipigil. Hinampas ko tuloy ang braso niya.

"Okay, okay! Chill! Deny it all you want. Basta, ako. . .  secret!" Nilingon niya ako at tinawanan. "I'll just be here waiting for the wedding invitation."

Ay, si oa?! Si kasal agad. Ano ba naman 'tong kapatid ko. Ayaw magpatalo sa gusto, eh.

Natatawa at napapailing na lang ako sa kalokohan ng kapatid ko.

"Okay, bahala ka. Pero, sige, I'll make sure to invite you to the imaginary wedding."

Nadatnan namin si Mommy. Pero nagpaalam din agad si Kuya, makiki-birthday sa tropa niya.

"How's your exam?".

Exam agad. Haha, ako hindi kakamustahin? Iyong exams nasagutan ko, pero 'di masasagot kung bigla na lang akong bubulagta rito sa harap ni Mommy.

"Aced."

Aced, ganyan naririnig ko kay Kuya na nagaya ko. Sinasabi niya tuwing perfect niya lahat.

"Sabi ko na. Alam kong map-perfect mo lahat. What do you want? Hmm, reward!"

A whole week rest!

"Pahinga po."

Napawi ang ngiti ni Mommy nang marinig ang sinabi ko.

"Nasa loob ang Daddy mo."

Tumango ako at pumasok.

"Good afternoon po."

"Your exam results?"

Hay, tanginang buhay 'to.

"Aced po."

Hindi niya inaalis ang atensyon sa panonood. Ni kahit lumingon saglit, ay 'di niya magawa.

"Kaya mo naman pala. Gusto mo pa laging nakakarinig nang masasakit na salita bago ka magtino. Kung kailan graduating ka don ka 'di magseseryoso sa pag-aaral mo."

Hindi, hindi ako sasagot.

"Akyat na po muna ako."

Ibinagsak ko ang sarili ko sa higaan. Ni hindi na ako nakapagpalit.

Pagod na pagod na talaga utak ko. Parang 'di ako nawawalan nang iisipin. Pero mabuti naman kahit papaano ay tapos na exams, nabawasan iisipin ko. Debate na lang, need ko muna talagang magbasa ng mga current news.

Inilabas ko lang ang phone ko. Tapos na akong magtago. Oras na para mag backread sa mga gc.

Si Kuya Ice nga ay may message pala. Hindi pala niya pinatay 'yong call hanggang 7 am.

Ice Miguel
Good morning! Eat your breakfast. Best of luck! (⁠.⁠ ⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠)

Amari
Sorryyyyyy! Natulugan ko 'yong call. Akala ko kasi ikaw mage-end. Uminit ba phone mo? Hehe. Peace yow! ✌🏻

Ice Miguel
hii! wait, driving.
Ice Miguel sent a photo.

Picture ng left hand niya 'yon na nakahawak sa steering wheel ng sasakyan niya.

BASTA GC

Margarette
hoy, Ice Miguel! kadaya mo naman! talo ka ah! change ur dp! 😠

Ice Miguel
driving.

Arvin Gabb sent a photo
@Amari look mo 'to, unso. andito pala crush mo, oh.

Juan Gio
onis 'yan?

Arvin Gabb
Si Josh, crush ni Amari. crush nila isa't isa. high school lovers. <3 sabi ni unso, kaunti na lang sasagutin niya na. vote ako rito kay Josh.

Lorraine
HAHAHAHAHAHA luh?!

Margarette
isa kapag may umiyak.

Ariane
hala, pogi ni Josh! bagay kayo Amari! <3

Amari
si Kuya parang tanga. pinagsasasabi mue? kainez!! 😀😄
nyak. craulo. baliw. kainez!!


Nag-scroll lang ako sa facebook. Parang tanga kasi 'yong kapatid kong kung ano-ano ang pinagsasasabi. Hanggang ngayon tuloy inaasar pa rin ako sa gc. At balak pang i-add doon si Josh!

Halos manlaki mga mata ko sa nakita ko. Akala ko'y namamalikmata lang ako.

Isaac Miguel Rivera updated his profile picture.
- dare for a week, nyay. 😬

It's a picture of him in the ocean. He's shirtless, showing off his toned physique. Candid shot ito.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas, hundreds na agad ang comments. At talagang sa main account pa naka-post.

Malamang sa malamg kinikilig na naman mga nagkakagusto sa kanya.

I checked the comment section. Parang nasanay na akong gawin iyon, i-check comment section niya. Limited lang pala pwedeng mag-comment. Kaya walang ibang kalat doon.

Margarette: galing kong pumili!

Juan Gio: sarap. . . maligo sa dagat!
Lucas Torres: may pinopormahan
Elijah: sarap ng tropa ko
Ariane: pogi!
Isabela Rivera: Isaac? hahaha hindi ba nahack account ng anak ko? hindi ka ba wrong account, anak?

Natuwa ako sa comment ni Mommy niya. I tried to stalk pero naka-locked ang profile. Ang profile picture niya ay mukhang nasa office siya, hindi ko masyadong maaninag dahil locked ang profile.

Late akong pumasok, si Bianca umuwi ng Davao, after exam kasi iyong ilang araw na natitira ay wala naman kaming gagawin, naka depende sa amin kung papasok kami.

Nadatnan ko si Lorraine, nakikipagchismisan sa ibang classmate namin.

"Waaaah! Akala ko 'di ka papasok! Magtatampo sana ako!"

"Kailan ako umabsent?" I asked.

"Ay! Sabagay, may point! Eh, bakit ka late?" Dumiretso siya sa likod ko para ayusin na naman ang buhok ko. "Ay, bff! Kuhanin mo plastic sa bag ko, may gift kami ni Bianca for you! Ipinaabot niya 'yan sa akin."

May maliit na paper bag sa loob ng bag ni Lorraine, color pink pa nga. Alam nilang 'di ko sisirain ito.

Pagkabukas ko, andaming hair ribbons, iba't iba ang sizes. "Hoy, baliw! Thank you! Hindi ko pa halos nagagamit lahat."

"Akin na, pahingi isa."

Naka bun hairstyle ako na may ilang naiwang ilang strand sa magkabilang gilid. Favorite niyang ayusan ang buhok ko, si Bianca naman sa mukha ko. Actually parehas kami ni Bianca na marunong mag-ayos or make up, si Lorraine hindi. Kaya si Bianca taga make-up, si Lorraine for hairstyle.

"Ayan, pretty pretty!"

Pasimple niya pa akong kinuhanan ng picture.

"Hoy, totoo ba 'yon? Iyong chismis ni kuya mo sa gc?!"

"Hindi! Ba't ka maniniwala roon? Eh tayo magkasama rito sa school?"

"Eh, baka secret niyo lang ni Josh?"

"Baliw. Ako makakapagtago ng secret sa inyo? Alam na nga natin baho ng isa't isa." Napailing ako.

Bahagya siyang lumayo sa akin at inamoy ang sarili. "Grabe ka! Mabango ako!"

Tangina, minsan talaga feel ko ginagago na lang kami ni Lorraine. Pero sanay na kami. Ganito talaga siya.

Tumabi sa akin si Josh at nakipagkwentuhan. Nagulat daw siya nang makita niya ang kapatid ko sa kanila.

Bahagya kong minamasahe ang ulo ko dahil nakaramdam ako ng kirot.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa akin, tumango ako bilang sagot.

"Pwedeng pasandal?"

Hindi na siya nakaimik. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya, nakapikit pa rin ako. Kakapuyat ko na naman siguro ito.

Pagbalik ni Lorraine may bitbit na siyang gamot para sa sakit ng ulo at isang breakfast meal.

"Kain ka muna, bago mo inumin 'yong gamot."

Ang dami kaya naghati kaming dalawa, bago ako uminom.

"Bes, magagalit ka ba kung may sinend ako sa gc?" nag puppy eyes pa siya sa akin.

Hindi ko siya sinagot, dahil malamang kalokohan na naman ang sinabi niya.

BASTA GC

Lorraine sent a photo.
Kuya @Arvin, 'yong kapatid mo....

Arvin Gabb
HAHAHAHAHA sabi sa inyo @everyone, may lovelife na kapatid ko.🤣

Mahina kong pinitik ang noo ni Lorraine. "Kalokohan mo. Aasarin na naman ako ni Kuya. Siraulo kayong dalawa."

"Gets ko kasi si Kuya Arvin." Nginitian niya ako nang nakakaloko kaya napailing na lang ako.

Picture ko 'yon na nakasandal sa balikat ni Josh.

Inilabas ko ang notes ko for debate para sana makapag-review, pero hindi naman ako makapag-focus kahit anong pagbabasa ko.

Kinuha ko na lang ulit ang phone ko, at inopen ang messages.

BASTA GC

Amy
@Margarette, saan si Isaac, atecco?

Margette sent a video.
Andito teh nagre-report hahahahaha. :D

Amari
wow, complete uniform. parang 'di topless sa profile picture ah. 😆

Margarette
gago ka Amari, pinag-recite tuloy ako ni Isaac. natawa ako sa reply mo😭

Amari
same Major po kayo ni Kuya Ice?

Margarette
hindi, beb. Human Resources major ko, Management si Isaac. sa 2nd year or 3rd year siguro 'di na kami classmate.

Ibinaba ko ang phone ko. Gusto kong magbasa pero hindi talaga ako makapag-focus. Nakita kong nakikipagchismisan pa rin si Lorainne, titig na titig pa sa isa naming classmate.

"Hi, anong pinag-uusapan niyo?"

"Open daw CVA ngayon for Entrance Exam. 100 items lang daw tapos isang essay, makukuha pa nga raw agad 'yong result within the day."

Saan naman nila nalaman 'tong info about sa exam.

Nilingon nila ako. "Susubukan namin. Ikaw ba?"

"Sure! Plano ko rin sana sa Saturday pero may practice kami."

"Hayaan mo si Bianca, 'di yun interesado roon. Sa SanLo lang mage-exam 'yon," sabi ni Lorraine.

Ganoon nga ang ginawa namin. Nagpunta agad kami ng Crystal Valley Academy. Isang oras din ang layo mula sa school namin.

Ganito yata kami kayabang. Sasabak sa gyerang walang bala.

Ang laki ng school nila. Kulay white ang mga building. Andaming puno kaya fresh air pa rin.

"For Entrance Exam?" tanong sa amin ng isang babae. "Pasok kayo sa building na 'yan, third floor. May admission room doon, go lang kayo. Present your id."

Mukha naman siyang student dahil napatingin ako sa id niya.

Pagkarating namin doon, walang ibang students. Mamamatay pa yata ako sa lamig. Ang oa, pero sobrang lamig, dalawang aircon ba naman.

Ibinigay na sa amin ang papers. Naupo sa harap ang taga-bantay. "You have an hour to finish the exam. Use the back page for the solving."

I started answering na since isang isang oras lang exam.

Mabilis ko lang natapos multiple choice. Agad kong tinignan ang essay part. 200 words ang kailangan.

- If you could invent something to solve a problem in the world, what would it be and why?

Napatitig lang ako sa papel ko. Akala ko ang itatanong ay kung bakit deserve makapasok sa University nila.

The Empathy Bridge

Imagine having access to a technology that would allow you to fully understand someone else's thoughts and feelings, as if you were living in their shoes, rather than just seeing what they see.

Ni-review ko ang paper ko bago ko ipinasa. Ipinasulat sa akin ang email and contact information. Within the day rin daw matatanggap ang result.

Gabi nang magising ako, ginising ako ni Manang dahil kailangan na naming kumain. Nakauwi na rin pala sila Mommy.

"Good evening po."

"Nag-exam ka sa CVA?" tanong ni Daddy pagkaupo ko.

Napatingin ako sa kanilang lahat. Paano alam ni Daddy? Ni hindi ko pa nga natitignan kung may result na.

"Yes po. Kanina, biglaan lang po."

"You passed the exam, bunso!" Kuya smiled at me. "With full scholarship. Hindi mo pa ba nakikita?"

Nanlaki mga mata ko sa narinig ko kay Kuya. Hindi ko pa nahahawakan ang phone ko.

"That's a nice university. But, kailangan mo pa ring pumasa sa SanLo. Gusto kong sa SanLo kayo mag-aaral," si Mommy.

"O-Okay po."

May bigla akong narealize, iyong isinulat ko sa essay part, bagay na bagay sa mga magulang ko.

~

Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro