Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

I saw my friends. Busy si Bianca lagyan ng make up si Lorraine. Natawa naman ako, hindi ko na muna sila nilapitan dahil busy sa goal.

"President, anong time po dating ng Midnight Echo?"

Mula kanina iyan na lang ang naririnig ko.

"Don't know pa, eh. Pero they're preparing na. Later, susunduin na rin sila."

Ang iba rito may bitbit pang banner. Hindi ko sila masisisi, fan talaga sila. Cute kaya maging fan girl.

Nang ma-check ko na agad, pabalik sana ako ng backstage nang hinila ako.

"Tara sa cr. Alam kong maganda ka na Amari, pero 'di ka nakaka-fresh tignan." Sabay pa silang natawa.

May choice pa ba ako? Wala.

Iniharap ako ni Bianca sa kanya.

"Huwag mong kakapalan, ha!" si Lorraine.

"Boba ka talaga! Malamang. Makapal ba 'yang sayo?"

"Tanginamo, oo!"

Si Lorraine ay nasa likuran ko. Kinukulat ang buhok ko.

"Saan mo nabili 'tong dress mo? Love it."

I'm wearing a white, sleeveless dress with a V-neckline. It's fitted and has a thigh-high slit on the left side and it's a midi length.

"Tita Gelly's gift."

"Mahal na mahal ka ni Tita mo. Ayan, perfect!"

Pumunta kami sa katabing office, para sa full body mirror. Ang ganda. Ang light ng pagkakamake up sa akin ni Bianca, bumagay ang hairstyle ko sa ginawa ni Lorraine.

Kinuha ko ang phone ko at nag mirror shot. Nag picture din kaming tatlo, dahil panigurado mamaya hulas na 'to.

Pinost ko agad 'yon sa fb story ko.

Bumalik na agad ako sa backstage dahil kasama ko mga co-officers ko.

"We will now start the party!" Rinig kong sigaw ng emcee.

Pumunta na kami sa likod, dahil may special entrance ang SSG Officers.

Pakiramdam ko nilalamig na ako sa suot ko.

Unti-unti nang tinatawag ang mga kasamahan ko.

"And, last but not the least, our very own President, Amari Gracey Z. Guanzon!"

Tumutok na sa akin ang spotlight. Ito na naman 'yong kabang ayoko.

Sa pag-uumpisa kong maglakad, nakita ko ang mga kaibigan kong kinukuhanan ako ng litrato or video.

"Pretty lady!" ani ng Emcee habang papalapit ako.

Inalalayan nila ako sa pag-akyat dahil may opening speech ako. Para talaga akong kakainin ng kaba, parang 'di naman ako sanay!

"Good evening, everyone! I am Amari Guanzon, your Student Council President, and I am delighted to greet all of you on this special night. Tonight, we come together to celebrate. Thank you all for attending and being part of this colorful evening. "

"I know, excited na kayong makita ang Midnight Echo! And sinundo na sila. For the mean time, let us enjoy our night! Once again, thank you very much and good evening to all of you!"

Andito ang table naming officers sa pinakaunahan. Gusto kong lumipat sa likod dahil mukhang mabibingi ako sa lakas ng mga speaker.

I opened my facebook muna. May mga natanggap akong reply sa fb story.

Ice Miguel replied to your story.
ganda miss ma'am!!! 🛐🛐🛐🛐

Amari
ih! hahahaha thank you, kuya ice! 😚

Ice Miguel
kiss agad?!?! bata pa ako for that, sorry. 🙈

Nanlaki mga mata ko. Jusko! Ibang emoji pala 'yon.

Amari
thank you, kuya ice! ☺ ganyan kasi!

Napindot ko pa ang profile niya. Nagmukha na naman akong stalker.

Ice Miguel posted a status.
ang gandaaaaa!!

Puro angry react ang andoon kaya nakigaya na ako.

I checked his comment section na lang din.

Margarette: hello? andito ka pala, tanginamo. 'yong part ko sa business paper, kanina ko pa sinend. naghihintay ako ng feedback!! sleepy na ako.
Isaac Miguel: Margarette, maganda mood ko tonight. kahit palpak isend mo, aayusin ko. 100 pa rin grade mo sa akin.
Juan Gio: HAUP HAHAHAHA

Ang kukulit! Itinago ko na lang muna ang phone ko to enjoy the night. Minsan lang 'to, aalis na ako rito.

May bitbit akong digicam. Ibinigay ko iyon para mapicturean ako. Gusto ko maraming remembrance dito, and also I love my fit tonight!

The party started, lahat nasa gitna, nagkakasiyahan, sumasayaw.

Nakita ko na nga si Bianca na hila-hila si Lorraine papuntang dance floor. Kapag 'di ko na sila naging classmate, I'll surely miss them both. Kaya habang magkakasama kami I want to enjoy, gusto ko masaya lang kami palagi.

They're enjoying the music nang biglang napalitan ito ng sweet song. Nagsialisan sila. Mayamaya lang, isa-isa nang nagpuntahan ang mga lalaki habang hawak ang kamay ng kanilang crush siguro. Aww, cutie! Teenage love.

"Lugi na naman."

Natawa ako sa narinig ko, hindi ko lang mabosesan kung kanino galing.

I am busy taking random pictures nang may kamay na humarang.

"You're so pretty." Pagbati ni Josh sa akin.

"Awe. Thank you, Josh. Ikaw rin, pogi mo. Told you, white talaga bagay sa iyo. Ang linis tignan."

Namula na naman siya.

Hindi kami makapag-usap masyado dahil sa lakas ng music, at sa ibang ingay.

After that, dinner time na. I am also excited because chinat na ako ni Felix na they are here na. Hindi naman nakita ang pagdating nila dahil nasa loob kami ng school auditorium namin.

Mabilis lang naging pagkain ko, bago ako lumabas at nagpunta sa kwarto kung nasaan sila. Andoon naman na school principal namin, and ang ibang teachers.

"Thank you for coming!"

Natulala pa sila bago sumagot. "Syempre, lakas ka sa amin." Si Jacob na naman.

Siraulo.

Ipina-assist ko na sila sa catering. Kakain muna sila before and after mag-perform.

Agad akong lumabas, at bumalik sa venue. Hindi na nakapatay ang ilaw, at ang ilan ay nagsasayawan na ulit sa gitna.

Ipinaayos ko ang podium. Mukhang nakahalata ang mga students at biglang naghiyawan nang malalakas.

"Midnight Echo!"

Iyon lamang ang tanging naririnig ko.

Kinuha ko ang mic. "Good evening! Settle down muna, ha? Good news, they are here na! They'll start in a while."

Nagsidatingan na ang mga kasamahan ng Midnight Echo para iayos ang instruments sa gitna.

Inallow kami ng Midnight Echo na makapag facebook live, kaya ipinaset up ko na rin iyon.

"Ma'am, pwede pong ipababa itong podium? Ayaw po kasi ni Sir Felix na may ibang nakalagay sa stage. Nasisikipan daw po siya," bulong sa akin ng marshall.

"Ay, yes po sir. No problem naman po." I answered.

Wala namang problema doon. Dahil syempre makiki-interact siya sa crowd so maglalakad siya sa stage.

Ilang minuto pa ang lumipas. Nakatanggap ako ng message kay Felix.

Felix
So excited. Ang lakas ng crowd, sana marinig pa nila boses namin hahaha. We're ready na.

Napangiti ako sa nabasa ko. So appreciative nitong si Felix, actually lahat sila.

Nag-send ako ng picture sa kanya. Ipinakita ko iyong mga banner na andito. Buti nga at sumunod sila sa usapang measurement, para 'di matatabunan ang iba.

Nasa backstage na sila. Namatay ang ilaw sa audi, at tanging ang ilaw sa stage ang nakasindi.

5. 4. 3. 2. 1

"Gooood evening, SanLo Science High Schooool!"

Malakas na bati ni Felix, pagkasampa nila sa stage.

"Ladies and Gentlemen, we are Midnight Echo!"

Parang hindi pa rin sila makapaniwalang madami ang sumusuporta sa kanila. Inilabas nila ang phone nila, at kinuhanan ng picture.

"Ssshhh! Kalma muna, baka mawalan na kayo ng energy mamaya!"

Cute, nakikipag-interact sila.

Hinubad ni Felix ang leather.jacket niya, at pinasadahan ang kanyang buhok. Naka gray t-shirt na lang siya at bakat bakat ang ganda ng katawan niya.

"I love you, Jacob!"

"Oy, love you too!" sagot ni Jacob pabalik at nagwala ang mga fangirls nila.

"Daniel, you're pogi!"

"Hala, thank you! Ganda mo!"

"Axel, you're so hot!"

"Papainitin natin ang gabi niyo!" sagot naman niya pabalik.

"Liam, akin ka na lang!"

"Pag-usapan natin 'yan."

"Felix, anakan mo ako!"

"Kapag ako na-bash?" Natatawang aniya.

Paano sila ni Jacob pinakabata, kaya ingat na ingat pa sa sasabihin.

Hinila ko si Bianca at Lorraine dito sa tabi ko, dahil may extra chairs sa pwesto namin.

Magpapakilala sila para sa mga may hindi pa nakakakilala sa kanila.

"Hello, I'm Felix, the Vocalist!" Kumaway-kaway pa siya.

Iyan lang talaga pakilala niya. Pero iba pakiramdam ko sa apat.

"Jacob, your hotty guitarist!"

Jusko, Jacob!

"Liam, the poging drummer!"

"Axel, the cutie bass player!" Nag-bow pa siya bago kumaway.

"Daniel, pianist, ano lang, simpleng tao!"

Tawang-tawa silang magkakaibigan at nagtulakan pa.

Sumenyas sa akin si Felix. Bahagya siyang bumaba ng stage para salubungin ako.

Sigawan nang malala nang makita nila iyon.

"Mahina mic ko, hindi ako nililingon nong nasa baba." He pouted sabay abot ng mic niya sa akin. "Sorry, thank you!"

Agad kong pinapalitan ang mic niya at inabot iyon.

Pumwesto na sila sa gitna, kasabay ng pagpatay ng ilaw sa aming mga manonood.

Unang strum pa lang ni Jacob, mukhang alam na nila ang kakantahin.

Nakapikit si Felix. Ewan ko pero para siyang nakangisi. Ang angas ng pagkakahawak niya sa mikropono.

Title: Sunrise on your Street

The city sleeps but my heart's awake,
Thinking of you, a silent mistake,
To fall so hard, so fast, so deep
Now every sunrise, I just want to weep. ~

"Ang ganda ng boses niya," hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Dahil totoo naman. Napaka calming ng song at pati kung papaano siya kumanta.

"Ang gaganda ng boses! Salamat sa pagsabay! Next song!"

Parang walang kapaguran ang mga tao na 'to. Hindi napapagod sumigaw nang sumigaw.

Napaka-relaxing ng mga songs nila. Para akong hinehele. Damang-dama rin dahil sa pagkanta ni Felix.

Title: The Melody of Us

The melody of us, a song we create,
With every beat, our love will elevate,
From whispered words to laughter so bright,
Our love's a masterpiece, a beautiful sight.~

Not a fan of them, pero mukhang matatapos ang gabing 'to na ii-stan ko na sila.

May mga ilang lines na sumasabay ang mga members.

"For our last song!"

"Any idea?"

"Echoes!"

"In your arms!"

Magkakaiba ang isinisigaw nila.

"Sana In your arms," sabi ni Lorraine habang kumukuha ng litrato.

Title: In your arms

Lost in a world of endless dreams,
Where reality is not what it seems,
But in your arms, I find my truth,
A love so pure, a heartfelt sleuth. ~

In your arms, I find my home,
A place where I'm never alone,
Wrapped in your love, I am free,
In your arms, where I want to be. ~

Nagulat ako dahil pagkatapos ng kanta, biglang nilingon ako ni Felix. At naitutok tuloy sa akin ang camera.

Hiyang-hiya akong ngumiti.

Sabay-sabay silang nag-bow. Parang pati ako nabitin. Parang gusto ko pa, pero nakakahiya!

"Nag-enjoy ba kayo?"

"Super!"

Bumalik akong back stage. Kinuha ko ang isang maliit na box at ipinunta 'yon sa stage.

"May naka reserve sa inyo tatlo nila Lorraine sa bag, bigay ko maya. Punta kayo ro'n."

Tumango ako sa sinabi ni Felix. Inabutan ko naman din sila ng tubig dahil pawis at pagod din sila.

Maya-maya lang naghagis na sila ng mga t-shirt at nagbigay ng kanya-kanyang speech, ang pagkakasunod ay tulad kung papaano sila nagpakilala kanina.

"Thank you so much, SanLo High! Nag-enjoy kami, super."

"Maraming salamat sa mainit na pagtanggap niyo sa amin. Sana next time magkaroon tayo nang mahabang pagsasama."

"Thank you for supporting us!"

"Maraming thank you! Patuloy kaming gagawa ng kanta, at sana hindi kayo magsawa."

"Thank you! Nasabi na nila lahat. Salamat!"

Nagpalakpakan ang mga tao. Pati ako na nakatayo pa.

"I'll stan them!" Nilingon ko dalawa kong kaibigan.

"Dapat lang! In your arms favorite ko, bagong release 'yan."

"Sana makapunta kayo sa Ayala, Makati. Sa susunod na week, kabilang kami sa magkakaroon ng free concert!"

After that, nag picture taking pa sila bago tuluyang mamatay ang ilaw. Pero kahit ganon, malakas na palakpakan pa rin ang ibinibigay namin.

Natapos ang students' night nang masaya at maayos. Pagod pero super worth it.

Kanina ay dumiretso lang din kami sa back stage para makapag picture kasama ang Midnight Echo, at binigyan kami ng t-shirt.

Pagkauwi ko nang bahay, si Mommy ang nadatnan ko sa sala.

"Saw your fb story, dalaga ka na," mahinang aniya.

"Thank you po, Mommy."

"Pwede na po mag-asawa, Mommy?" tanong ni Kuya mula sa likuran ko.

"Mag-aral muna. Magtapos." Iyon ang sinabi ni Daddy dahil narinig niya kami. "Makakapaghintay ang pag-ibig na 'yan. Ayokong masira ang focus niyo dahil d'yan."

Nagkatinginan kami ni Kuya. "Opo."

Umakyat ako sa taas. Ang dami kong pictures sa digicam, stolen pa ang iba roon.

In-open ko lang saglit ang messenger ko.

BASTA GC

Juan Gio sent a photo.
spotted, ice. nanonood ka pala live ng Midnight Echo, ha.

Ice Miguel
hahahahahaha napadaan lang sa feed ko, idol ☺

Minessage ko siya, dahil nakita kong may message siya sa akin.

Amari
sana mapanood mo sila live hahaha.

Ice Miguel
eh, magaling din akong kumanta. no need. 😎

Parang nai-imagine ko na ang mukha niya. Panigurado, naka ngisi na naman ang isang 'yon.

Ice Miguel
musta students' night? rest ka na rin agad. congrats, i know successful 'yan.

Amari
so tired but nag-enjoy ako. i think i'll stan them na! gaganda ng boses nila.

hmmm, ikaw? tutulog ka na? wala kaming pasok ng monday hihi.

Ice Miguel
karting sana tayo pero reporting at quizzes namin 'yan. bawi ako.

oh sya, wag na mag-reply. sleep na, ha? pray ka. good night, amari!

Pero bago ako matulog, inistalk ko muna siya. Parang walang araw na hindi ko binibisita ang account niya.

Ice Miguel posted a status.
badtrip na pala ako. sakit nang nakita ko kanina

Diretso sa comment section ang ginawa ko.

Ice Miguel: hoy haponesa Margarette, ulitin mo. nakulangan ako. get well na naman kasi sa akin.
Juan Gio: haponesa WAHAHAHAHAHA tulog na yan, men. di nagpupuyat yan.
Lucas Torres: kilig lang yan kanina, pre.
Elijah: tanginang buhay to.

Amari Gracey Guanzon: anue nakita mue?
Ice Miguel replied to your comment: nagtanong ka pa talaga. hahahahaha joke. matulog na.

Bigla niyang in off ang comment section kaya 'di ako nakapag-reply.

Pakabibo rin talaga nitong si Kuya Ice. Hindi talaga bagay 'yong Ice sa kanya. Napaka golden retriver ng vibes niya.

Nagising ako dahil sa sama ng pakiramdam ko. Namamaos din ang boses.

"Dinalhan ka ni pogi kanina. Andito siya kanina, mga  kalahating oras din." Inilapag ni Manang ang mga prutas pagkapasok sa kwarto.

"Pogi? Si K-Kuya Ice po ba?"

Nakangiting tumatango si Manang sa akin. "Napakabait na bata. May iniwan pa nga siya sa akin Sandali." Agad na hinahanap ni Manang sa bulsa niya. "Ito, nag-iwan nitong, anong tawag dito? Ayon! Calling card daw, tawagan ko lang daw itong number na andito kapag 'di pa bumaba ang lagnat mo. Family doctor daw nila."

Inilapag ni Manang iyon sa study table ko. "Nagdala siya rito chicken soup, beef, at shell fish pa."

Kumain na ako bago uminom ng gamot. Bumaba na rin si Manang.

Agad ko namang kinuha ang phone ko para i-message siya.

Amari
kuya ice, thnk you po sa foods.

Isaac Miguel
no problem! kumusta na pakiramdam mo?

Amari
mainit pa rin pero medyo okay naman na rin po.

Isaac Miguel
get well. call ka lang kung may need ka, ha? wala rin pati ang kuya mo, eh.

Nakita ko si Manang na nag-aayos ng higaan niya rito sa kwarto. May folding bed ako kaya roon mahihiga si Manang. Lumapit siya sa akin para i-check ako.

"Magpahinga ka na."

"Amari, ikaw raw leader sa Zumba!"

Agad akong natigil sa pakikipagkwentuhan at napatayo. "Ah, ah! Bakit ako?! Hindi nga ako maalam sumayaw!" pagrereklamo ko na tinawanan ng mga classmate ko.

At kagagaling ko lang sa sakit. Baka mabinat pa ako.

"Sir, iba na lang po." I pouted.

Hindi ako pinayagan.

"Sino nag-suggest na gawin akong leader dito para mailagay sa gitna?"

"Si Bianca!"

Bwisit! Sinamaan ko siya ng tingin. Nag peace sign naman siya.

"Search na lang tayo sa youtube, gayahin natin, ibahin na lang formation," suggest ko dahil wala naman talaga akong alam sa ganito.

Tinapik-tapik ni Lorraine ang balikat ko. "Talino talaga! The best!" pang-aasar niya.

"Ako na, ako na! Akong bahala mga nakshie ko!" pagsingit ni Bianca sa amin.

Pagkapasok namin sa Araling Panlipunan, in-excuse muna si Biamca dahil kasama siya sa club na iyon.

"Next month, magkakaroon tayo ng debate. Ang makakasama nating school ay ang Charm Valley Academy. Pupunta sila rito next week or next next week, hindi ko sigurado."

"Tungkol saan po ang debate?"

"Social issues. Any representatives from your section?"

Any representatives daw, pero nakatingin na agad sa akin. Ngi!

"Amari, would you like to try?"

"Pag-iisipan ko po, Ma'am."

Dami na kasing ginagawa, baka mahirapan ako.

Pero kapag nalaman ni Daddy na tinanggihan ko 'to, pagagalitan na naman ako. Masasabihang mahina. Well, medyo totoo naman.

"Okay. I'll need your answer hanggang bukas." She smiled at me. "Ikaw Precious, ililista rin kita, ha?"

Wala nang nagawa ang classmate ko. Napa-oo na lang din talaga siya.

Nag-discuss lang siya nang nag-discuss. Minsan talaga parang bumabalik sa unang panahon 'yong utak ko tuwing Araling Panlipunan. Parang nilulusob din ng mga Espanyol ang utak ko, wala akong maintindihan!

Pagkatapos ng klase namin, tsaka lang din bumalik si Bianca.

"Aalis na pala Treasurer ng AralPan club! Ako raw papalit. Perfect, ililipat na sa akin ang funds, may maibabayad na ako sa online orders ko."

Siraulo talaga.

"Dapat sa inyo kukuha 'yong isasali sa debate, e."

"Ay, ayaw mo ba?"

Napatingin kami ni Lorraine sa kanya. Sa ngiti pa lang ni Bianca alam kong may ginawa na naman siya.

"Ayaw mo, bessy ko? Eh, sinuggest kita! Sabi ko, 'stop! kayang-kaya ng bestfriend ko ang debate na 'yan!', sinabi ko 'yan, bes!" niyakap niya pa ako. "Ganyan ako ka proud sa iyo!"

Gusto kong matawa, at the same time gusto kong sabunutan 'tong kaibigan ko.

Natawa ako, at ang sabunot si Lorraine ang gumawa.

"Very good, Ms. Guanzon."

Naglakad ako pabalik sa table ko. Math subject pa lang namin, nabugbog na utak ko.

Nagbigay lang ulit siya ng assignment namin.

"Galing sa acads, galing pa sa public speaking, pero takot sa socializing! Sino kaya?"

"Hala! Sino 'yan, bes? Best friend ba natin?"

"Tumpak ganern!"

Nag-apir pa silang dalawa. Pinagkakaisahan na naman ako ng dalawang 'to.

"H-Hoy! Nakikipag-socialize naman na ako."

"Kanino, bes? Kay Kuya Ice ka lang naman sumasama, at dumadaldal!"

"Eh!" Sinubukan ko pang ipagtanggol ang sarili ko. "Ang comfortable ng vibes niya, eh. Mapagkakatiwalaan din kasi siya."

"Crush mo siya, 'no?"

Pagkarinig ko nang sinabi ni Lorraine, naramdaman ko ang pamumula ng buong mukha ko.

"H-Hindi!"

"Sus! Secret lang natin."

"Promise. He's just naturally a good person. Basic human decency. A-Ayokong bigyan ng meaning pagiging mabuti niyang tao."

"Eh, paano kung may meaning? Paano kung hindi lang pala 'casual thingy' kay Kuya Ice 'yon?"

"Search ko sa dictionary," sinubukan kong patawanib ang dalawa. "Eh, ba't 'di niya sabihin?"

"Takot siguro umamin!" si Bianca.

"Tapos alam mo, iba 'yong glow mo nitong mga nakaraan. Napapadalas na pagngiti mo, love it!"

"H-Hoy, ano ba kayo?! Tigilan na natin 'yan. Mabait lang talaga siya. Huwag na natin bigyan masyado nang meaning ang lahat." Ayokong maging awkward kami ni Kuya Ice.

Bakit ayoko? Eh! Kaibigan ko 'yong tao.

At talagang ayaw maniwala ng mga kaibigan ko.

Bibigyan pa tuloy ako ng mga iisipin ko.

Pagkauwi, same routine. Napatingin ako sa phone ko. Simula kahapon Lunes, wala akong balitang natanggap kay Kuya Ice. Hindi nga rin yata siya nago-online. Nakaka-bother, kasi gabi pa ng Sunday huling message niya sa amin. After that, wala nang paramdam.

In-open ko ang gc namin, hinahanap nga rin siya kaninang umaga ni Ate Margarette.

BASTA GC

Juan Gio
Ice Miguel, w r u?

Margarette
wala pa rin ba siya? hindi nga pumasok kanina.

Lucas Torres
'di rin ma-contact

Amy Dump
hindi nagr-ring phone.

Lahat nag-aalala sa kanya. Sino ba namang hindi? Pinakamaingay 'yon, tapos biglang walang paramdam.

Nag-aalala ako. Mabilis kong kinuha ang phone ko to message him.

Amari
Amari sent a photo.
Kuya Ice, look hehe, got 46/50 sa English! may four akong wrong, pero okay lang naman, right? :(

tapos leader ako sa Zumba! dunno how to dance nga. 😆

pinag-iisipan ko rin kung sasali ako sa debate. wdyt? 🤨 mwehehe.

hope you're doing okay! ^___^

Sa mga message ko, walang ni isa ang nag-deliver, hindi talaga siya online.

Agad agad akong bumaba para puntahan si Kuya sa sala.

"Kuya," pagtawag pansin ko sa kanya. "Si Kuy-"

"Hindi ko rin alam, wala rin akong balita, eh." Hindi na niya ako pinatapos. "Saan na kaya 'yong loko na 'yon?" Bakas sa boses ni Kuya ang pag-aalala sa kaibigan.

Naupo ako sa tabi niya at binuksan ang t.v para makanood ng balita.

"Magandang gabi! Unang-una sa balita. Tagapagmana ng Mayamang Negosyante, Hinoldap habang Pauwi mula sa kanyang Resto-Bar sa Taguig. Nagbabalita Ruth Saldivar."

"Alas-diyes nang gabi noong Linggo, makikita ang lalaking ito na naglalakad papuntang parking lot ng kanyang resto-bar.

Nanlamig ang mga kamay ko sa balita.

Kitang-kitang naglalakad siya papunta sa sasakyan niya. Pagkabukas pa lang niya ng sasakyan, may isang humampas na sa kanya ng baseball bat sa kanyang likod, at ang lakas nang pagkakabagsak nya. Pagkabagsak nya, roon pumasok sa sasakyan niya ang mga suspek.

Ipinalabas ang CCTV Record, habang nagbabalita pa rin ang newscaster. "Napag-alamang, nanakawan siya ng isang mamahaling cellphone, tatlong kwintas, at isang daang libong pera. Kinilala ang biktima na si Isaac Rivera, apo ng mayamang negosyante na nagmamay-ari ng Cojuangco Group of Companies. Balik sayo, Sir Eddie."

"Nahuli ba ang mga suspek? At kumusta ang lagay ng biktima ngayon?"

"Mabilis po ang naging aksyon ng pamilya ng biktima, dahil may mga nagmo-monitor daw po sa CCTV nang mangyari ang krimen. Nahuli na po ang dalawang suspek, na kasalukuyang nakakulong na ngayon, habang patuloy pa ring hinahanap ang isang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo. Naka-confine na po ang biktima, at ayon sa aming source, wala pa rin siyang malay. Hindi na rin po sinabi kung saang hospital, para sa safety ng pamilya."

Naging maingay ang group chat. Lahat nag-aalala. Walang may alam kung nasaan siya.

"Tangina, men. Gago." Walang ibang masabi si Kuya.

Nanlalamig ako. Kinakabahan ako, alam kong 'di siya okay, pero sana hindi gano'n kalala ang nangyari sa kanya.

"Nako! Kawawa naman si pogi. Sana maging ayos na siya." Naupo si Manang sa tabi namin. "Dapat talaga may mga kasamang body guard 'yan, lalo palalabas ang bata. Kahapon lang nakasalubong ko mag-isang namimili."

Hindi ko mabasa nang maayos mga message sa gc. Isa lang napansin ko sa gc, kaaalis lang daw ng Mommy ni Kuya Ice kahapon ng hapon, para sa business meeting sa ibang bansa.

Napakagat labi ako sunod na mabasa ang message ni  Ate Ariane. Sinabi na raw sa kanya kung saang hospital naka-confine si Kuya Ice. Limitado lang daw ang papapasukin sa loob ng kanyang kwarto, pero magsabi lang daw kung lahat kami pupunta.

Kinaumagahan, 'di ako makapag-focus sa klase.

"Ms. Guanzon, tinatanggap mo na ba ang debate?"

"A-ah... Y-Yes po, Ma'am."

Buong hapon na klase, lutang ako. Mabuti nga busy lang sila para magtawag ng estudyante para sa Intrams.

"Hindi ako makakasama. Hindi ako nakapagpaalam kaagad."

"Ako rin. Balitaan mo kami, ha? Kanina ko pa sinusubukan magpaalam, pero ayaw talaga."

Tumango ako sa dalawang kaibigan ko. Bago sumakay sa sasakyan ni Kuya Lucas. Van nila ang ginamit namin papuntang hospital.

Hindi namin kasabay sila Juan. Hindi raw kasi pwedeng madami sa loob ng room. Sila kuya ang kasama ko.

"Hayop na mga 'yon."

Pagkarating namin sa hospital, hinarang pa kami ng ibang guard, bago tumawag sa nasa loob.

Ako nga mismo ay nag-aalinlangan pumasok, kaya napayingin ang kapatid ko sa akin. Takot ako sa hospital.

"K-Kayo muna! Ayoko pa pumasok." Kasi medyo nahihilo ako sa amoy.

Kunot noo silang tumingin sa akin, pero no choice sila kundi sabay-sabay pumasok.

Sabay nang pagpasok nila, ay ang paglabas ng isang lalaki.

Mukhang siya yata 'yong daddy ni Kuya Ice. Tindig pa lang halatang mayaman na.

"Good afternoon po." Yumuko agad ako kahit 'di ako sigurado.

"Afternoon." Nagkatinginan kami. Tatay nga yata siya ni Kuya Ice, kamukha niya. "Bakit ka andito sa labas? Pumasok ka na." Malalim at buo ang boses niya.

"M-Mamaya na po. K-Kakain po muna ako sa labas," pagsisinungaling ko.

"Maraming pagkain sa loob." Tipid siyang ngumiti. "You are?"

"Amari Guanzon po. Friend po ni Kuya Ice."

Kumunot ang noo niya. Parang nabigla pa siya sa sinabi ko. "Pardon?"

"Amari Gracey Z. Guanzon po."

Napa-ohh siya sa sinabi ko at dahan-dahang tumango. "Friend ka ni Isaac? I'm Manuel Rivera. His father."

"Nice meeting you, Sir Rivera. Yes po, friend po niya."

"Too formal. Tito na lang." He smiled at me. "Sige na, pumasok ka na sa loob." Ipinagbuksan niya ako ng pinto.

Nakakahiya, pero pumasok na rin ako sa loob at sabay-sabay silang napatingin sa akin.

Napalingon ako kay Kuya Ice na ngayon ay gising na.

"Sino siya?" malamig na tanong niya.

Sabay-sabay napatingin ang mga kaibigan niya sa kanya. Gulat sa narinig.

Naapektuhan siguro talaga ang ala-ala niya dahil sa pagkakabagsak niya. Kawawa naman.

"Kaninong kasama?" tanong niya ulit.

Dumikit ako sa kapatid ko at hinawakan ang kanyang damit. "Hindi siya nakakaalala?" mahinang tanong ko.

"Sino ka ulit?" mas striktong tanong niya habang nakatingin sa akin, naninigkit pa mga mata. "Hindi ba sabi kong huwag magpapapasok nang hindi ko kilala? Magpapatawag ako ng nurse or security."

"K-Kuya, labas na lang ako. Hindi pala ako kilala, baka awayin ako."

"Hayaan mo siya," sagot ni Kuya sa akin.

"A-Ah, k-kapatid po niya." Ngumuso ako para ituro ang kapatid ko. "L-Labas na lang po muna ako. S-Sorry po."

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

"Joke lang, Amari!"

Padabog akong humarap at sinamaan siya ng tingin. Tuwang-tuwa pa sa kalokohan niya. Naglakad ako pabalik sa pwesto ko kanina. Kung wala lang bandage 'to sa ulo, baka nasapok ko na 'to.
Kainis!

"Kumusta?" tanong niya.

"Ngi? Ikaw ang kumusta?" natatawang tanong ko pabalik sa kanya.

"Pogi pa rin."

Tumaas isang kilay ko sa narinig. Mahangin pa rin kahit may masakit na.

Lumapit ako bahagya sa kanya. Sa bandang likod ang bandage niya sa ulo. May pasa siya at gasgas sa kaliwang side ng mukha niyan

Maya-maya lang bumukas ang pinto. Iniluwa no'n ang isang guard na may dalang box ng iPhone.

Nagpasalamat agad si Kuya Ice, bago umalis ang guard.

"Sira 'yong phone ko na nakuha nila. Kahapon lang din nasira, nabagsak ko sa office. Kaya 'di rin magagamit. Punta sana akong mall, bibili ng phone. Buti iniwan ko 'yong isa kong phone sa office." Natatawang aniya. "Nakuha rin daw pera ko. Hindi lang isang daang libo 'yon."

"Ang pera maibabalik pa, buhay mo hindi na. Doble ingat sa susunod."

"Pero sayang, 'no?"

"Oo, sayang naman talaga. Ilang araw na kita na rin 'yon. Ilang araw na pinagpagudan. "

"Pagnamatay ako, ido-donate 'yon."

"Sasama ka ba sa akin sa hukay?"

Pinitik ko ang noo niya. "Hindi. Bat naman ako sasama sa iyo? Mga tanong mo, 'no? Halika rito at ako papatay sa iyo pala." Pati ako natawa na sa sinabi ko.

Nilingon ko sila kuya, ang sarap ng kain doon sa sofa. Nanonood pa ng movie. Feel at home sa hospital? Ibang klase.

Isang oras ang lumipas, nagpaalam na rin kami.

"Magpagaling ka, ha? Miss ko na cupcakes and cookies!"

"Aye aye, madam! Ingat din kayo pauwi." Ngumiti siya sa akin at tumingin kila Kuya. "Men, salamat sa pagpunta, ha? Ingat kayo."

"Kumusta si pogi?" tanong sa amin ni Manang pagkapasok ng bahay.

"Okay naman po. Sugat-sugat. Pero andoon po, pogi pa rin daw siya."

Umakyat muna ako para maligo at gawin daily routine ko rito sa bahay.

Agad kong kinuha ang phone ko pagkatunog.

Ice Miguel
Ice Miguel replied to your message
Mistakes are proof that you're trying and learning, Amari. Remember, every stumble is a chance to rise stronger. 46/50? So close to a perfect score! Galing talaga! Idol ko 'yan! 🥳

Ice Miguel replied to your message
HAHAHAHA gonna watch you dance! 😜

Ice Miguel replied to your message
Go! Sali ka. Hindi ka nawawalan ng rebat sa akin, eh. Basic sa iyo 'yon! HAHAHA dejoke. Sali ka. Kayang-kaya mo 'yon. 😎

Ice Miguel replied to your message
I'm okaaay na! Thank you for visiting me, Amari. Mag-iingat ka rin palagi. Eat, take a rest, drink your meds, and sleep early. :)

Wow! Sipag replyan lahat ng message ko.

Kagagaling ko lang sa Araling Panlipunan Department, kumuha lang kami ni Precious ng ilang reviewers. May kasama rin kami from lower years.

Narinig ko pa nga kanina, nabunot lang daw pangalan niya, kasi walang may gusto gawa natatakot daw.

"Any advice po for debate?" Napatingin ako sa kaharap ko. Grade 7 student, base sa ID Lace.

"Hmmm. Research niyo maigi 'yong mga possible topics. More on social issues daw, right? Then understand both side, kasi 'di mo naman alam anong side mapupunta sa 'yo sa mismong debate. Also, practice public speaking. You can watch school debate also sa YouTube."

"Kinakabahan po ako, ate."

"Normal lang 'yan," sagot ni Precious.

I opened my phone para makapag-research tungkol sa ibang issues. Nagsusulat ako habang pinapanood ako ng mga kasama ko, na-pressure ako bigla. Ibinigay ko ang papel sa kanila.

Nagbukas lang ako ng facebook ko at unang nakita ko ang halos kapo-post na picture lang din ni Kuya Ice. Picture niya habang nakaupo sa hospital bed, nakangiti pa nga.

Ice Miguel posted a photo.
buhay pa sya.

Nag-react agad ako ng heart.

Amari Gracey Guanzon: bakit?

Ice Miguel reacted 😠 to your comment.
Ice Miguel replied to your comment: parang nanghihinayang ka??🤨

Amari Gracey Guanzon: wshahahaha joke lang!

Buong week, puro lang ako review. Si Kuya Ice naman nakalabas na rin noong Thursday evening.

Review for debate, exam, and quizzes. Grabe magbigay ng quizzes sa amin ngayon. Nakakatakot kahit minsan sinasabing hindi recorded, pakiramdam ko kung mababa grades namin, gagamitin ibang quizzes namin panghila.

Napahinto ako sa pagbaba nang makita si Daddy. Ang aga naman niya umuwi? Binalot ng kaba ang buong sistema ko. Naiwan ko pala rito sa salas ang bag ko, hindi ko naipasok.

Hawak-hawak niya ang folders, andoon mga quizzes and exams ko. Mathematics and Filipino subjects lang ang naperfect ko.

"G-Good evening, Daddy."

Nilingon niya agad ako. Bakas sa mukha niyang disappointed siya. Itinaas niya ang folder na hawak. "Bakit gano'n ang bababa? May isang quiz ka pang hindi na-meet ang passing score. Nakakahiya."

"S-Sory po, Daddy. I... I did my best naman po." Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko.

"Your what? Your best?! Bullshit, Amari!" he exclaimed. "Your best is not enough, Amari. Top 1 students do not settle for mediocrity. They excel, just like your Kuya. They strive for perfection! Mahirap bang gawin 'yon?!"

Napapikit ako sa lakas ng sigaw ni Daddy.

"I'll work harder, Daddy. I'll make you all p-proud of me, too. I p-promise." My voice tremmbling with tears.

"Empty promises. Action speaks louder than word, right? And your actions screams laziness and incompetence," he spat. "Nagiging pabaya ka na sa pag-aaral mo."

Nakakadurog ng puso makarinig ng ganitong mga salita. Hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko. Wala akong ibang choice kundi tanggapin lahat nang masasakit na salitang binibitawan sa akin.

Iyak lang ako nang iyak sa harap niya. Ibang-iba 'yong pressure na nararamdaman ko ngayon. Nahihirapan ako.

Nagulat ako nang inihagis niya sa ere ang mga papel ko.

"Shape up or ship out, Amari."

~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro