Kabanata 6
"May grab naman."
Huminto sa tapat ko ang sasakyan ni Kuya Ice.
Na late ako ng labas dahil sa dami kong inaasikaso. Naabutan na nga ako nang malakas na ulan.
"Para hindi ka na mahirapan. Dali na, nalakas pa lalo ulan. Mababasa ka, magkakasakit ka pa."
Hindi ko siya pinapansin, nagbo-book pa rin ako kahit puro error na, no drivers around daw. Kung minamalas nga naman.
No choice na ako. Wala na ring humihintong jeep, dahil nga sa ulan.
Pinagbuksan niya agad ako ng pinto. Mabilis din siyang sumakay, at pinahinaan ang aircon. Nabasa na rin ako ng ulan. Naka PE Uniform pa man din ako.
May inabot siya galing sa likod ng sasakyan niya.
"Use this muna." Iniabot niya sa akin ang isang t-shirt at hoodie. "Tatalikod ako. Tinted din 'to, hindi ka makikita. Magpalit ka na, baka sipunin ka."
Tinanggap ko iyon, at tumalikod siya agad.
Ang bango talaga ng gamit niya. Amoy baby na naman 'tong mga ibinigay niya sa akin.
Mabilisang kilos ang ginawa ko. Isinuot ko na rin ang hoodie niya dahil lamig na lamig na talaga ako.
Tahimik kami buong byahe. Ang bagal din ng usad ng traffic. Parang 'di gumagalaw. Kaya ang hirap kapag tag-ulan.
Dapat kasi may mga drainage rito. Kung meron man, nababarahan ng mga basura, useless.
"You wanna sleep?" tanong niya sa mahinang boses. "Mukhang matatagalan pa tayo rito dahil bumaha na banda ro'n."
Tumango ako. Kinuha niya travel neck pillow at iniabot 'yon sa akin.
Ipinikit ko lang ang mga mata ko, hindi naman talaga ako inaantok. Umiiwas lang akong mag-usap kami.
"Hello. I'm driving."
Narinig kong aniya sa kausap niya sa phone.
"Andito ka ba sa Alabang right now? Makikisuyo sana kung pwedeng pasundo rito sa ATC," sabi ng boses ng babae sa kabilang linya. "Hindi kami makapag-book."
Iikot pa kami kung pupunta kami ng Alabang. Ni hindi nga halos gumagalaw mga sasakyan dito ngayon.
"I can't, Amy. Sorry. Halos hindi na rin gumagalaw 'tong traffic. I'm with Amari also. Just stay there, ipapasundo ko kayo sa driver namin. Send me your phone number, asap."
"Thank you! Ingat kayo!"
Ilang minutong katahimikan din dito, tanging music lang ang naririnig.
Labis na naiinip
Nayayamot sa bawa't saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa
"Umuwi ka na, baby. 'Di na ako sanay nang wala ka..." pagsabay ni Kuya Ice sa kanta.
Nanatili lang akong nakikinig sa boses niya, hindi na mismong music.
Argh! Kaganda ng boses.
"Ayoko na nga. Epal na music."
Iminulat ko mga mata ko. Nilingon niya ako at nagulat siya. "S-Sorry, nagising ba kita?"
"Medyo."
"Sorry."
Kinuha ko ang phone ko, may message si Kuya na hindi raw makakauwi si Mommy at Daddy dahil sa baha at lakas pa rin ng ulan.
"Galit ka pa ba?"
Kumunot ang noo ko bago ko siya nilingon. "Nagtanong ka pa talaga?" I asked.
Actually, hindi ako mabilis magalit sa kahit na sino sa mababaw na dahilan lang, pero kung sobrang sakit talaga nong ginawa ron lang ako magagalit.
Pero sabi nga ng mga kaibigan ko, batak akong magtampo. Kaya kong hindi kumausap kahit ilang weeks, basta hindi ako ang may kasalanan.
Hindi naman ako ma pride kung ako ang may mali.
"Noong araw na 'yon, nakasalubong ko si Coach."
Ibinaba ko ang phone ko. Tumingin lang ako sa labas. Mukhang wala naman na rin akong choice kundi ang pakinggan siya.
"Nagpatulong sa akin maglipat ng gamit ng mga basketball players, medyo maaga pa no'n kaya sumama ako. Tumulong ako, nahiya na rin akong tumanggi."
"Akala ko tapos na. Pinapunta kaming gym, saglit na practice lang daw. Umoo na naman ako. Kako, kalahating oras lang ako, kasi need na kitang puntahan. Oo raw. Eh tangina, inaya na naman ako ni Manalo. Bunot na bunot ako ng hayop na 'yon."
"Umalis si coach nyan saglit, kinuha mga bagong jersey. Nagkainitan kami ng gago na 'yon. Nagkasuntukan, ako nauna."
"Nakipagsuntukan ka? Anong sinabi niya sa iyo?"
Alam kong hindi mag-iinit 'tong si Kuya Ice kung walang offensive na sinabi iyong lalaki na 'yon dahil siya ang naunang sumuntok.
Tumango siya. "Gago siya, eh. Napuno na ako. Pagbalik ni coach, galit na galit. Akala ko papauwiin na lang kami, pero hindi. Pinaikot niya kami sa buong court."
Hindi niya sinagot kung anong sinabi sa kanya ni Manalo.
"Bakit hindi mo ako sinabihan?"
"Wala sa akin phone ko, nasa bench. Ipinakisuyo ko sa kaibigan kong ka team ko, pero hindi ka niya ma-message. Wala rin akong phone number mo. Hindi rin siya pinalabas, lahat sila nadamay. Nagmakaawa na ako kay coach, kahit doblehin ko na lang kako ang training hours ko sa mga susunod na araw, makaalis lang doon."
Humarap ako sa kanya, hinawakan ang mukha niya, nakita kong may pasa pa nga siya sa right side ng labi niya niya. "Huwag ka nang makikipagsuntukan. Ano bang sinabi sa iyo? Bakit ayaw mong sabihin?"
Nag-umpisa na siyang magmaneho nang nakakaluwag-luwag na ang traffic. "Tangina. Binastos ka ng hayop na 'yon, e. Tangina niya. Umisa pa 'yon sa parking area. Hindi ko na pinatulan, nagmamadali na ako non. Sinita na siya ng guard. Laki ng galit ng hayop na 'yon sa akin."
"Ayaw kong nababastos ka. Kahit iyong mga ibang kaibigan ko. Tangina, sino bang gustong makarinig na binabastos ka sa harap ko? Ulol siya."
Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Napakagat pa ako sa ibabang labi ko.
"I'm s-sorry." Napayuko ako.
"H-Ha? Bakit?" biglang naging malambing ang boses niya.
"Hindi kita pinakinggan agad. Nagalit ako, eh. Ayoko lang kasi talaga nong pinaghihintay ako, tapos wala pa akong natanggap na updates."
He patted my head gently. "It's alright, Amari. Ano naman kung nagalit ka? It's okay to feel that way, okay? Huwag mong idesregard 'yong feelings mo. Naiintindihan ko. Your emotions are important. Your feelings are valid."
Totoo ba 'to? Totoong tao ba 'to?
Sa pamilya ko kasi, magagalit sa akin kapag nagalit ako sa kanila. Hindi pwedeng magalit, kasi mayabang at wala pang napapatunayan. Hindi pwedeng sumagot kasi bastos.
Nanatili akong tahimik buong byahe. Nakaka-guilty. Ni kahit i-seen messages niya noong mga naraang araw hindi ko ginagawa.
Pagkarating namin ng bahay, pinapasok ko muna siya dahil malakas pa rin ang ulan. Gagamutin ko rin iyong pasa niya.
"Oh, wow! Bati na kayo?" kunwaring gulat na ani Kuya pagkakita sa akin.
"Nag-away kayo? Kaya pala may laging bitbit si pogi rito, peace offering pala!" Nilapitan ni Manang si Kuya Ice, at pasimpleng kiniliti. "Ikaw, ha?"
Hinila ko si Kuya Ice at ginamot ang sugat niya.
"Huwag mo nang papatulan sa susunod."
"Ayoko. Kapag bastos ulit bungaga ng hayop na 'yon, masasapak ko na naman 'yon."
"Pangit mo."
"Nakaka-offend. Para mo na ring sinabing kamukha ko 'yong gagong 'yon."
Ipinagluto kami ni Manang ng sopas. Katatapos lang din niyang makipag-usap kay Mommy. Hindi raw talaga kayang makauwi. Hindi na rin namin pinilit dahil baka mapaano pa sila sa daan.
"Dito ka na matulog, men. Malakas pa rin ang ulan, baka tumirik sasakyan sa labas, eh."
Sumang-ayon si Manang kay Kuya. Nagpaalam lang din siya sa Mommy niya.
Busy lang akong manood ng mga random videos sa tiktok. Naramdaman kong parang may mga matang nakamasid sa akin. At tama nga ako, he's looking at me.
"What?" I mouthed.
Natawa siya bago umiling.
Habang nags-scroll, para akong nakakita ng multo nang makitang may facebook post na ang isang ito.
Ice Miguel posted a photo
aym back! andito na 'yong pogi. 😎🥰
Ten minutes ago iyon. Bagong selfie iyon, dahil kitang-kita ko pa 'yong inilagay kong gamot band aid sa sugat niya.
Cute.
Amy Dump: tangina. mas malakas pa dala mong hangin, eh.
Margarette: in game ka na naman. talagang bumalik ka pa?😝
Juan Gio: oy oy oy! magaling na sha! that's mah boi! 😎
Arvin Gabb Guanzon: lakas ng hangin dito sa loob ng bahay, men. labas ka na.
Amari Gracey Guanzon: juskopo.
Ice Miguel replied to your comment: dedma sa basher.
Sa daming comments galing sa mga kaibigan niya, iyong akin lang nireplyan niya. Pero nag-react naman siya sa comments ng mga kaibigan niya.
Gumawa si kuya ng gc, para 'di na raw mahirapan.
BASTA GC
Arvin
Ayan, para isahan na lang.
(😆😭2)
Amari
haha hello, mga ate & kuya. :)
(❤4)
Juan Gio replied to your message
Hello, Amari! 🥰
Ice Miguel:
Pa-admin nga, Vin. May iki-kick lang. 😎
(😆4)
Margarette:
pass sa halata.
Ariane:
hellow, mga atecco♡
Lucas:
bagong gc na imu-mute.
(😆😠5)
Amari:
ingat kayo and family niyo.
(❤5)
Ice Miguel:
typing ka na naman, Uno. mawalan sana kayo WiFi.
(😆🖕🏻7)
Juan Gio:
may load ako, pre. 🖕🏻
(😆7)
Kinuha ko si Reign na natutulog sa cage niya at binitbit sa taas. Madalas kasi siyang nasa labas, nakikipaglaro sa mga aso rin ng kapitbahay.
Natawa ako sa sarili ko dahil ginising ko siya para patulugin lang ulit dito.
Nag-check ako updates, wala na rin daw pasok bukas at sa susunod na araw.
Bumaba lang ako ulit para kumuha ng bagong kurtina, gusto ko pink!
Kinaumagahan, malakas pa rin ang ulan. Late na nga akong nagising dahil sa lamig ng panahon.
Nabasa ko update nila Mommy sa gc namin na 'di pa sila makabyahe, baka tumirik ang sasakyan.
"Good morning," bati ko sa kanilang tatlo pagkakita ko sa kanila.
Kumakain sila ng champorado, pero ayaw ko niyan. Hindi ako kumakain.
"Ipinagluto kita ng salted egg pasta. Try this one."
Pinalo niya ang kamay ni Kuya noong akmang kukuha siya rito sa pagkain ko.
Ang sarap ng luto niya. Kapag ako talaga natuto, who you 'tong mga 'to sa akin.
Cutie ng mga tropa nila kuya, tapos kaming tatlong magkakaibigan parang naligaw lang sa gc nila. Tamang react lang sa mga messages nila.
BASTA GC
Juan Gio
Hi, Amari. Good day! Sana kumain ka na. 🥰
(😭👍🏻😆7)
Ice Miguel removed Juan Gio from the group.
Ice Miguel
bye, men. ay 'di pala mababasa. 😜
(😆😭8)
Harold
Gago HAHHAAHHAHA
Amy
kingina mo, ice! 😭
Elijah
putangina, men?! HAHAHHAAHA
DJ
fh!! 🕊
Arvin Gabb Guanzon added Juan Gio to the group.
Juan Gio
tangina HAHAHAHAHA
fuck you, rivera! 🖕🏻
Lunes na noong nakabalik kami sa school. Ang dami tuloy need habulin na lessons. Ito talaga mahirap tuwing may mga bagyo, kawawa mga students.
"Puro group activity!"
Nilingon ko si Drea, diretso magsalita 'yan. Wala siyang pakialam, pero ang sinasabi niya'y totoo lang naman.
"Nakakainis. Group activity, tapos leader lang ulit gagawa. Dami pang excuses, pero balagbag mag tiktok!"
"Ex friend niya pinapatamaan niya 'yan," bulong ni Bianca. "Nag fo dahil 'di tinulungan ng friend niya."
"Kabahan na tayong dalawa, B."
"Ulol! Tumutulong naman tayo! Nakakakaba ka naman, kapag itong si Amari nasapian ng bad spirit at icut off tayo!"
Hindi mangyayari 'yon. They're responsible. Minsan silang dalawa na nagsasabi kung anong part ang gagawin nila, time to time rin ang pag-update nila sa akin if may progress ang naka-assign sa kanila. At kung may 'di man sila natatapos agad, sinasabihan na agad nila ako.
Kaya mahal ko dalawang 'to, never ako binigyan ng sakit sa ulo about school.
"Amari, feel ko pogi si Jacob ng Midnight Echo!" nag beautiful eyes pa 'tong tao na 'to.
"Lahat sila!" si Bianca na ngayo'y may bitbit pang pagkain. "Eating chichirya because ang crush ko'y may iba na!"
Wala na. Nahawaan na talaga 'to ni Kuya Ice.
Nag-withdraw na ako ng money na ibabayad ko. Mabilis lang akong nakalikom ng pera, shinare ba naman ni Kuya Ice ang post. At ang ibinigay niya ay sampung libo. Jusko! Sobra-sobra ang natanggap ko. Thankful naman ako pero nakakahiya kay Kuya Ice.
Iyong sobra ay napagdesisyonan ng council na para na sa catering. Malaking halaga pa talaga 'yong sobra, at kayang-kaya mabayaran ang catering for Grade 9 and Grade 10. Iba pa kasi ang sa Grade 7 & 8.
"Hi! Sorry na-late. Naghanap pa ako atm, eh."
"That's fine, kadarating lang din namin."
"Ha? Anong kadarating? Kanina pa tayo, ah!" si Jacob na naman.
Hindi siya pinansin ni Felix. Agad naman niya akong nilingon. "Full payment na kayo agad? Sana pala tinaasan pa natin, Jacob, mabilis lang pala nila mababayaran," pagbibiro ni Felix.
"Aww, edi makikita na lang kita sa performance namin? Kalungkot."
Hindi ko maiwasang tawanan si Jacob.
Pagkatapos namin, hindi pa ako umuwi. Nag-order pala ng food si Felix. Nakakahiya! Dapat ako ang nag-order for us.
"Nakakahiya naman, Felix. Dapat ako na nagbayad."
Nakatayo sila sa harap ko ni Jacob, dahil pupuntang counter.
"Wag kang mahiya. May nagpapalaka- Aray naman!"
Naputol ang sasabihin niya nang siniko siya ni Felix. Inakbayan siya nito at naglakad pa counter.
Nagbukas lang ako messenger ko. Si Kuya Ice at ang group chat namin ang active. Una kong in-open ang message ni Kuya Ice, at sinaing nasa Taguig siya.
Sunod kong tinignan ang gc.
BASTA GC
Ariane sent a photo.
@Ice, bargas kumain.
(😆😠5)
Juan Gio
bff nagd-date sila oh @Margarette
(😝1)
Margarette replied to Juan Gio
yaan mo yang si Ice. tamo, ma get well na naman 'yan. later or bukas.
(😆2)
Naki-react na lang din ako bago ko itinago ang phone ko.
Nakipagkwentuhan lang ako kay Felix at Jacob.
"Really?!" Napahawak pa ako sa kamay ni Felix.
Tinignan niya iyon, kaya agad kong binawi dahil sa sobrang hiya ko.
"Yep. Hindi mo talaga matandaan? Actually, wala rin talaga kaming balak ikwento. Dumaldal lang talaga kami."
Nakwento sa akin ni Felix na naging classmate ko sila ni Jacob noong Kinder hanggang Grade 4. School Principal daw noon si Mommy niya. Inilipat lang siya nt Charm Valley Academy at si Jacob naman ay noong Grade 5 lumipat.
"Totoo! Nerd nga tawag sa iyo ni Felix."
Mahinang natawa si Felix. "Puro libro kaharap, eh. Ayaw makipaglaro."
"So, kilala niyo si Bianca at Lorraine?"
"Yep. Powerpuff girls tawag sa inyo, eh." Si Jacob.
Hindi sila tanda ng dalawa.
"Naalala ko sinuntok mo sa mukha si Felix!"
"What?! Seryoso ka? Hoy, 'di ah!"
"Huwag kang maniwala r'yan. Siya ang hinagisan mo ng notebook mo. Nagalit ka, nangopya ng assignment mo, 'di mo alam na kinuha niya."
Ang galing. Ang linaw pa rin sa ala-ala nila 'yong mga pangyayari noon.
"Pero wait may naalala ako! Umiiyak ako noon, nagpunta ako sa Prinicipal's Office, kasi may nang aasar sa akin." Nilingon ko si Felix. "Ikaw 'yon?"
Tikom ang bibig niya habang tumatango. "Eh, ayaw mo nga kasing makipaglaro! Inaasar kitang nerdy, iyak ka, eh. Ano nga ulit line niya, Jacob?"
"Hindi kita bati, Felix! Isusumbong kita kay Ma'am Principal!" May papunas pa ng luha si Jacob. "Tapos si Bianca, may bitbit palaging malaking paper bag. Laman puro pagkain, ayaw naman mamigay!"
Omg, legit nga! Naging classmate nga namin sila. Totoo iyong palaging andaming pagkain ni Bianca.
"Si Lorraine, siga-siga 'yon! Nananapak, sana 'di na siya ganon ngayon! Lutang 'yon noon, siguro hanggang ngayon!"
Tawang-tawa ako, lahat nang sinasabi nila ay totoo.
"Ikaw Amari, wala akong masabi, Felix, ikaw na."
"Busy lagi nga sa libro. Kumakapit sa braso kapag maraming tao kaya laging hawak ni Mama ang kamay niya tuwing may contest. Tapos may bitbit 'yan na Inipit, 'yong tinapay, napakaliit tapos hahatiin niya pa para ibigay sa iba."
"Omg! Wait, may naalala ako."
"Hmmm?"
"Ipinasama ka ni Ma'am Principal, tapos kamay m-"
"Kamay ko hawak mo, kasi baka mawala ka. Math contest mo 'yon. Quiz Bee and Tower of Hanoi. Para naman din daw may kausap ka."
"Ikaw nga si Felix! Omg! Wala akong masabi, ang galing! Kaya pala 'di ako ilang sa inyo."
We decided na gumawa ng group chat. Panigurado magugulat iyong dalawa, halata namang katulad ko, hindi rin nila maalala si Felix at Jacob.
Nag picture kaming tatlo bago nila ako inihatid sa parking area dahil andoon si Kuya. Hindi na siya pumasok dahil wala naman daw siyang bibilhin.
"Thank you ulit! Chat na kayo sa group chat, ha? Message ako pagkauwi ko."
"Byebye, Riri!"
Riri. Nickname ko noong Elementary. That's so cute!
Nagtataka si Kuya kung sino ang mga kasama ko. Hindi niya kilala dahil naka private school siya.
After ko gawin mga kailangan kong gawin, nag-online na agad ako.
ABFJL 😎
Lorraine
Luh, may mga pogi!
(😆2)
Bianca
Sila na ba ang Mr. Right?
(😆2)
Lorraine
Ano? React react na lang ba? Jacob and Felix?
Amari
HAHAHAHAHA told u. They can't remember din.
Jacob sent a photo.
cute natin dito! tangina, makilala niyo kami please!!
Napangiti ako nang makita ko ang picture na iyon. Napaka cute dahil sa aming lima lang nakafocus ang picture. Hindi edited dahil nakalagay na iyon sa photo album.
Felix
Haha, hello.
Lorraine
gago?! legit ba 'to? hala! ba't di ko kaya na remember! seacut na pla mga truepa q!
Bianca
hehe. qt ko dyan! send pa more Jacob.
pero wait, ang galing! gago? naalala ko 'yan si Jacob, nangunguha ng baon ko 'yan! si Felix, puro pang-aasar!!
Jacob
WAHAHAHAHA kukuha talaga ako, ayaw mo magbigay, eh. 😛
Katuwa naman. May mga isinend pa silang dalawa na mga pictures. Napalitan din photo ng gc namin. Napagdesisyonan nilang gagala kami sa Sabado. Ipagpapaalam ko ito at sasabihing may gagawin kaming group project.
Masama magsinungaling, pero minsan lang naman! Kapag nagsabi ako nang totoo, 'di sila papayag.
Felix tagged you in a story.
small world, right? haha. riri.
I replied to his story agad.
omg, felix! ang cutie q here! can u send this photo of us? or send 'yong ibang photo natin kanina.
Felix
sure sure.
Ni-restory ko agad ang story ni Felix.
Pumili rin ako ng pictures, before and after ang ginawa ko dahil may picture siyang isinend na inaabutan niya ako ng panyo habang umiiyak ako, nilagyan ko ng caption na, 'siguro hindi mo na ako paiiyakin ngayon? hahaha.'
Ibinigay ko rin sa kanya ang clean copy dahil ipo-post daw sa page nila.
Bumaba ako dahil dumating na sila Daddy.
"Evening."
Habang kumakain, dahil mukhang good mood si Daddy, nitry ko na ang best kong makapagpaalam.
"Ahm, may school project po ako sa Saturday."
"Ano 'yan?"
"Video project po. Hindi po kasi kayang i-video sa school. Filipino subject po."
Ramdam kong nakatingin sa akin si Daddy.
"Okay. Arvin, ihatid mo ang kapatid mo."
Slay! Gusto ko tuloy tumalon ngayon dahil sa tuwa.
Pagkabalik kong kwarto, nakitang andami kong notifications. Puro heart react iyon.
Midnight Echo tagged you in a post.
Small world! Our very own vocalist, Felix, and Amari, from SanLo Science High School, have been friends since elementary.
Look at this before and after photo of them.
Mabilis ang pagkakaroon ng heart and wow react.
Amari Gracey Guanzon: pwede ko po ba siya i-bash kapag pinaiyak niya ako?
Midnight Echo replied to your comment: hindi na mauulit. - Felix.
Andaming heart react ng comment kong iyon. Dumagsa rin ang friend request ko. Nagulat nga ako dahil pati si Kuya Ice ay nag-heart react sa comment ko.
Iyong ibang comments doon ay shini-ship ako kay Felix! Jusko! Baka naman mailang si Felix sa akin.
In-open ko muna ang gc namin nila Kuya.
BASTA GC
Juan Gio
HAHAHAHAHA get well, men.
Margarette
get well, ice. HAHAHHAHA
Benjie
tangina, men. nilalagnat ka na naman? haup.
Ariane
ha? nilalagnat siya? kaya pala nagmadali nang umuwi.
(😭2)
Ice Miguel
sows, di naman masakit. (sobrang sakit lang)
(😆😛5)
May pahabol pang message si Kuya Ice, pero sa pm na ito.
Ice Miguel
haha, cute niyo ni Felix.
He reacted on his own message! This guy!
Amari
Hoy! cute niyo nga ni Ate Ariane! Bagay kayo! Good night, Kuya Ice! Maaga pa me bukas!
Ice Miguel
Huh? Good night, Amari! :))
"Update mo ako agad kung susunduin kita later. Mag-iingat, ha?" paalala ni Kuya sa akin bago ako bumaba ng sasakyan.
I'm wearing a white oversized button-down shirt that is unbuttoned, revealing the white tank top underneath. I've got on black wide-leg trousers and white sneakers.
Agad nila akong kinawayan pagkakita sa akin.
Napalingon ako kay Felix. He's wearing a white ribbed knit polo shirt with short sleeves. The collar is slightly unbuttoned. He paired it with black tailored pants that have a slightly flared leg opening.
"Mukha kayong couple dyan sa pa black and white niyo, Felix at Amari." Si Bianca habang ipinapaayos ang dress kay Lorraine.
Bunganga talaga ng mga kaibigan ko, minsan gusto ko na lang itape!
Napunta kami sa isang fine dining restaurant. Pina-reserved na raw pala ito ni Felix kagabi, dito kami sa isang private room, para wala raw sagabal sa amin.
"Order lang kayo. It's on me."
"Sana lagi kayong sumama para lagi akong makalibre!" Inakbayan ni Jacob si Felix.
"Ayan! Hindi pa rin nagbabago," si Bianca. "Buraot pa rin talaga."
"No. Pagtitipid 'yon!"
"Anong pagtitipid?! Mula elementary 'yon! Daig mo pa may binubuhay na pamilya!"
Mayaman family nitong si Jacob, kaya ewan kung para saan pagtitipid niya.
Sa isang gilid nitong room, may mga books, playing cards ang andito. Para iwas bagot habang naghihintay ng order.
Ang daming order ni Felix, ay hindi.. si Jacob pala. Halos siya lahat pumili. Sanay na sanay na rin talaga si Felix sa kanya.
"Kumusta naman kayo?"
"Ganda pa rin." Casual na sagot ni Bianca. "Kami lang 'to!"
"Uwi na tayo, Felix. Mukhang uulan na naman nang malakas."
"Kayo? Kumusta na? Nakikilala na band niyo, ha? Ang galing! Edi may mga tropa na kaming artista!"
"Kami lang 'to!" Pang gagaya ni Jacob sa sinabi ni Bianca kanina.
"Ang dami naman nito, Felix!"
"Baka kasi kulang mo pa raw," pang-aasar ni Jacob kay Bianca.
Humalukipkip si Bianca. "Amari, oh! Kanina pa ako inaasar!"
"Baka kayo pa magkatuluyan nyan!" dagdag ni Lorraine kaya pabirong hinila ni Bianca ang kanyang buhok.
"I'm curious. Ka age rin ba natin 'yong tatlo pa ninyong kasama?" I asked.
"Hmm. No. Si Daniel, siya pinakamatanda sa amin. He's second year college na. Si Liam and Axel, first year college."
"Ayaw niyo lumipat ng SanLo U for college?"
"May scholarship na kami sa school namin. Kaya 'di na namin naisip lumipat. May natatanggap din kaming allowance every end of the month."
"Naalala ko noon. Sabay-sabay lang tayong kumakain."
"Time flies so fast. Actually, noong nag-message SanLo Science SSG Page, pakiramdam ko si Amari na 'yon, eh. Pero pinalipat ko pa rin sa main account." Natatawang ani Felix.
"Minessage niya agad ako, tinanong, "Si Amari na 'to? Pinapaiyak ko lang 'to noon.' Tawang-tawa ako pagkabasa sa message ni Felix, eh."
Kaibigan talaga namin sila noon, kumbaga aso't pusa. Nawalan talaga communication dahil hindi pa naman uso ang cellphone noon. At talagang wala rin akong maalala kung 'di pa nila sinabi.
Nagpaalam ako para mag cr. Feel ko kasi nabusog na agad ako sa kinain namin. Nag retouch lang din ako. Light make up lang naman para presentable pa rin tignan, naka clip na rin ang buhok ko.
Pagkabalik ko nagulat ako nang makita ko si Kuya Ice sa loob.
"Oh, she's here!"
Nilingon ako ni Kuya Ice. "Hello."
"Hi!"
Naglakad ako palapit kay Felix dahil kami ang magkatabi. Nagpabalik-balik ang tingin ni Kuya Ice kay Felix at sa akin.
"Kumusta 'yong food? Masarap ba? Sorry 'di ko kayo naasikaso, kadarating ko lang. May pinapaasikaso pa sa akin si Mommy at Lola."
"That's okay. The best pa rin talaga foods dito."
Tumango-tango si Kuya Ice. "Una na ako. Mag-i-interview pa ako r'yan sa labas. For part-timers from SanLo." He smiled.
Kaya pala may hawak siyang folder.
"Pa-apply," pagbibiro ko.
"Resume, please." Inilahad niya ang palad niya.
Umapir naman ako roon, kaya natawa siya sa akin.
"Una muna ako. Enjoy," sabi niya at tuluyang lumabas.
"Friend niyo si Isaac?"
"Y-Yep! Friend siya nila Kuya. And naging friend na rin namin. Ikaw? Papaano mo siya nakilala?"
"Karting. Kart Racing."
Angas? Pangarap ko 'yon noon, kasi nakikita ko mga toys ni Kuya.
"Nagpa-practice siya sa ganon, para next year, legal age na siya, makakasali na siya sa car drag race. Iyong practice niya, may kasamang tournament. Inaaya na nga siya, pero ayaw niya pa."
"Malaki na napapanalunan niya sa Karting!" sabat ni Jacob. "Kaya minsan pumupusta ako sa kanya. Paldo paldo, pre! Teka, friend niyo siya pero 'di niyo alam na sa kanya 'tong restaurant, 'no?"
To be honest, hindi talaga.
"Kaya nga pumunta siya rito para icheck daw tayo. He's nice. Sa kanya ako dumiretso kagabi para magpareserve."
"Ask niyo siya kailan next Karting, sasali 'yon panigurado. Nagbabatak 'yon. Noong April pa yata siya last naki-race. Sila ni Felix, kaso ibang batch ni Felix."
"Hala! Ang angas nyan! Gusto ko makanood ganyan or experience!"
After naming magkwentuhan, pinatake out na namin ang ibang hindi namin naubos. Iiwan lang din muna namin iyon dito.
We saw him. Napatitig ako kay Kuya Ice nakasuot siya ng specs, hawak ang isang resume. Napalingon siya sa gawi ko. Sumenyas siya sa akin ng 'sandali'. Kinausap muna niya ang nasa harap niya, bago ngumiti. Agad siyang tumayo at naglakad papunta sa gawi.
"Are you guys leaving?"
"Yep, yep! Babalik kami rito mamaya."
Siya ang nagbukas ng door for us. "Thank you for dining with us."
Naunang lumabas mga kasama ko.
Nilingon ko siya. "Pogi mo sa specs mo, Kuya Ice."
Nakita ko ang pamumula niya dahil sa sinabi ko dahilan para matawa ako bago lumabas.
Sa buong araw naming magkakasama, wala kaming ibang ginawa kundi kumain. Himala nga at nanlibre si Jacob, kaya sinamantala ni Bianca.
Naglaro lang kami sa arcade, nanood ng cine, namili ng t-shirt na pare-parehas kaming lima. Kumanta rin si Felix doon kanina, bigla tuloy kaming dinagsa ng mga fangirls niya! Free concert niya raw.
"Nag-enjoy ako! Super!"
"Wallet ko, hindi." Si Jacob.
"Mag-iingat kayo, ha?"
"Update update sa group chat. Labas ulit tayo kapag free schedule!"
Nauna nang umuwi ang dalawa. Dumaan ulit kami para kuhanin iyong tinake out namin.
Inilibot ko mga mata ko sa restaurant. Ang ganda rito, ang gaan ng vibes. Iyong mga staff nila, napaka friendly.
Hinanap ng mga mata ko si Kuya Ice, at nakita ko siya sa dulo. Busy sa harap ng laptop niya. Hindi ko na siya tinawag, dahil mukhang busy talaga siya at seryoso pa.
Kinagabihan, sabay-sabay dumating mga kaibigan ni Kuya. Saturday night kaya raw inuman night nila, iyon ang nabasa ko sa group chat.
Nasa labas naman si Manang, kaya tumabi ako sa kanya.
"Inistalk ko 'yong Felix na kasama niyo kanina. Sikat pala 'yon."
"Ahm, yep! Punta sila sa Students' Night! Nood kayo sa live, ha?"
"Luh! Siguro kaya sila invited kasi crush ng President?"
Halos maibuga ko ang iniinom ko dahil sa narinig ko kay Kuya Elijah.
"Hindi, ha! Bet sila mga schoolmates ko!"
Kulang na lang makipagtalo ako kay Kuya Elijah at Kuya Benjie dahil inaaaar ako kay Felix. Bagay raw kami, at kinikilig daw sila sa fb story ko noong nakaraang araw. Nakita nga rin daw nila fb story ni Bianca kanina, at sabi mukha raw kaming naka couple fits ni Felix.
Pumasok ako sa bahay para kumuha nang maiinom ko. I want iced coffee, at ayaw ko namang magpa-deliver.
"Kumusta gala?"
"Ay pusang palaka! Hoy!" Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang may Kuya Ice sa likod ko.
Nakangisi naman siya at parang tuwang-tuwa.
"Ayos lang." Napatingin ako sa kanya, at mahinang pinalo ang braso. "Ikaw ha? Kart Racer ka rin pala!"
Bakas sa mukha niya ang pagtataka, pero napalitan din iyon ng ngiti.
Paano ko ba sasabihin na gusto ko rin i-try 'yon?
Natahimik ako at nag-iisip nang susunod na sasabihin.
"Madali lang ba 'yon?"
"Oo naman. Easy peasy!"
"Eh, bakit 'di ka na ulit nasali sa ganon?"
"Nabusy sa try out. Busy rin sa college, nahirapan akong isingit sa schedule ko."
Nilingon niya ako habang siya'y umiinom. "Interested ka? You wanna try? Gusto mong turuan kita?"
"Ih!" Kahiya.
"Anong 'ih'? Bakit biglang interesado ka? Nagpapalakas ka kay Felix, huh?" pang-aasar niya sa akin.
"Kainis ka naman. Hindi ko nga crush 'yon." I pouted.
Lumapit siya sa akin para pisilin ang pisngi ko. "Joke lang, eh. When ka free? Ako na magpapaalam sa iyo."
"T-Totoo? Promise?!" Nagliwanag ang mukha ko sa narinig ko. "Hmm. After Students' Night, free schedule na ako. Intrams next, 'di ko hawak iyon."
"Re-yal! Promise. Okay, I'll update you agad."
"Eh, p-pero kasi diba? Busy ka na? Nakakahiya naman kung isisingit mo pa 'yon sa schedule mo."
"Never too busy for you."
~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro