Kabanata 5
"Thank you so much for coming and for you cooperation! I hope nag-enjoy kayo for today!"
Lahat pagod pero lahat nakatulong at nag-enjoy.
"Amari, water."
Tumingala ako para tignan si Josh na may bitbit na tubig. "Oy, thank you!"
Pinupunasan ko ang buong katawan ko dahil pawis na pawis ako.
"May extra shirt pa ako. Teka, kuhanin ko."
Hindi na agad ako nakapagsalita dahil umalis siya para kuhanin ang bag niya.
"Napagod ako," si Bianca habang pinapaypayan ang sarili.
"Ulol!" sagot agad ni Lorriane. "Saan ka ga napagod? Eh, nakikipag-chismisan ka lang naman!"
"Ha? Oo nga! Napagod akong makipag-usap. Hindi ko naman sinabing napagod ako magtanim, aba!"
Napailing na lang ako. Dumating na rin si Josh may bitbit na t-shirt.
"T-Thank you, Josh!"
T-shirt niya ito na may pangalan niya sa likod at logo ng school namin sa harap. Part nga pala siya ng Journalism.
Inaya kami for picture taking.
Inaya rin ako ni Josh na mag-picture kaming dalawa. Bigla siyang nahiya dahil inaasar kaming dalawa.
Naging successful ang tree planting activity namin. School service ang naghatid sa amin papauwi.
Laking gulat ko nang makita ko ang mga kaibigan ni Kuya sa labas. Pero wala siya.
"Musta naman activity niyo?"
"Ayos naman. Pasok muna ako sa loob. Nanlalagkit ako."
"Yow! Josh na pala talaga, ha?" pang-aasar nila sa akin nang makita ang nasa likod ng shirt na suot ko.
Natawa na lang ako bago pumasok.
Pagkatapos kong maligo, bumaba agad ako bitbit ang aking phone. Nakita kong nakapag-post na pala ang page namin ng mga picture kanina.
Naka-tag at mention din ako sa mga fb story ng mga schoolmate ko. Agad ko rin namang ni-restory ang mga 'yon.
Josh tagged you in a story
Congrats, Ms. President! :D
Apat na pictures namin iyon, ang dalawa ay ang kuha ni Bianca kanina, at ang dalawa ay stolen picture namin. Nakatalikod, kitang-kita ang t-shirt niya na suot ko.
I replied to his story naman agad bago ko i-restory. Hindi ko na nilagyan ng caption dahil wala akong maisip.
"Saan si Ice?" tanong ni Kuya Harold.
Tumawa si Kuya Lucas kaya napatingin kami sa kanya. "Nag-aaral."
Sabado ngayon. May Saturday class siya? Kawawa!
"Agoy! Akala ko wala siyang Saturday class?" takang tanong ni Kuya Harold.
"Nag-aaral mag gitara si loko."
"Tangina! Kailan pa naging interesado sa gitara 'yon?" Hindi makapaniwalang ni Kuya Elijah. "Sabi ko sa kanya noon, nakakadagdag angas mag gitara. Tangina, sabi sa akin maangas na raw siya kahit 'di siya marunong. Sa sports na lang daw babawi."
"Inangyan! Anong nakapagpabago sa isip niya?"
"Anong ano? Baka sino?" si Kuya Benj.
"Baka may pinopormahan," si Kuya Lucas.
"Tangina. Asarin ko 'yan mamaya pagdating dito."
Parang gusto kong umalis dito sa kinauupuan ko.
Naalala kong sinabi kong gusto ko sa marunong mag gitara, at ilang araw nag-aaral na rin siya.
Luh, assuming ka naman Amari! What if gusto lang niya? Tama!
Napailing na lang ako at itinutok ang attention sa phone ko.
Nakatanggap ako ng anim na magkakasunod na notifications. In open ko iyon, at nakitang heart react 'yon galing kay Kuya Ice sa mga restory ko. Pito ang naka restory sa akin, pero anim lang ang may react. Chineck ko tuloy isa-isa at hindi siya nag-react sa story kung saan magkasama kami ni Josh.
Isaac Miguel Rivera replied to your story
Ako maraming jersey at shirt dito, may name ko rin. 🥰
Amari
Edi congrats! 🤗
Isaac reacted 👍🏻 to your message
Nakita kong nag offline na siya. Pikon pala siya! Asarin ko nga mamaya.
Ilang minuto lang, dumating na si Kuya Ice. Alam kong sa kanya 'yon. May bitbit siyang tatlong malalaking box ng pizza. Pagkakita niya sa akin, nag make face siya na agad kong ikinatawa.
"Musta guitar lesson?"
"Gago, noong nakaraan lang kamo ayos lang kahit 'di ka maalam, ah?" pang-aasar ni Kuya Elijah.
"Ulol!" tanging sagot ni Kuya Ice. "Maangas pa rin ako kahit anong mangyari."
"Sino pinopormahan mo, men?"
"Tangina niyo naman. Pinapunta niyo lang yata ako rito para pag-trip-an!"
"Si Ariane siguro, 'yong nursing! Nakanta 'yon, eh."
"Gago, oo nga. Nawala sa isip ko 'yon ah. Sikat sa Department nila 'yon. Paano ang ganda, friendly pa! Talino rin daw 'yon, eh. Kasali sa org. ng SanLo."
Oh, diba? Para kasing tanga Amari. Assuming. Teka, eh, ano naman? Edi congrats! Lahat naman mukhag bibig 'yong Ariane, mukhang bagay naman sila!
"Hindi. Mukha kayong Ariane, gago."
Nagkatinginan kami, pero umiwas agad ako ng tingin at itinutok na lang sa phone ko ang atensyon ko.
Isaac
Ay na like zone pala kita kanina. Akala ko nakapag-reply ako, sorry. Nagda-drive ako nyan.
Amari
👍🏻
Isaac reacted 😆 to your message
Isaac
I like u too. 😎😎😎
Nilingon ko siya at nakitang nakangiti siya sa phone niya.
Kumuha lang ako ng pizza at kumain. Gano'n din ang ginawa ni Kuya Ice. Pasimple pa siyang nag-selfie kasama ang pizza. Akala yata niya 'di ko halata.
Ilang saglit naman ay umilaw ang phone ko.
Isaac
Isaac Miguel sent a photo
Eating pizza bcz mizz na kita aking sinta💔💔💔
Amari
Anong trip mo sa buhay? Kaka-gitara mo 'yan.
Isaac
Hahahaha, labas tayo bukas. Simba tayo. :)
Amari
paalam mo 'ko kay koya. :D
"Alis ka bukas, Vin?" tanong agad ni Kuya Ice sa kapatid ko.
"SanLo. May training ako, maghapon. Bakit?"
"Ayain ko sana kayo magsimba bukas."
Hindi makakapunta ang mga kaibigan nila. Ang iba'y family day, at may training.
"Ikaw Amari?" patay malisya naman ang taong 'to.
"H-Ha? Wala naman po akong gagawin bukas."
"Simba tayo? Simba tayo."
"Basta uuwi kayo after lunch or basta before dinner," sagot ni Kuya.
Palihim akong nginitian ni Kuya Ice sa narinig na sagot ng kapatid ko.
Nag-check na ako ng mga group chats namin, mabuti naman at wala masyadong ganap. Nagbigay lang ako ng suggestion paano kami makakalikom ng funds, and luckily, nagustuhan nila.
SSG Officers
Min Garcia - Adviser
Ms. President @Amari, kindly check your email. May email na si Sir. Update us agad, anak. :)
Agad akong nag-check ng email, at isang malaking APPROVED ang nakalagay roon.
Hindi maitago ang mga ngiti ko. Agad kong sinend sa group chat namin iyon, at naatasan na ulit akong gumawa ng letter for Midnight Echo. Ako rin naman magse-send.
Ibinalita ko rin kina Kuya 'yon, at natutuwa rin sila. Gusto rin daw nilang pumunta. Pero sa tingin ko exclusive for SanLo Science High School ang gagawin ko, para mas mag-enjoy ang lahat.
Kinaumagahan, maaga akong sinundo ni Kuya Ice. Naka black polo and pants siya, naka white dress naman ako.
"Pretty." He said bago kami pumasok ng simbahan.
May ilang nakakilala sa kanya, nahihiya siyang kumausap dahil nasa simbahan, ayaw niyang makaabala.
Bitbit na naman niya 'yong mini fan niya at ibinigay niya iyon sa akin.
"Peace be with you."
At dahil mas matangkad siya sa akin, tumingala ako para batiin siya.
Hindi talaga makawala sa mga mata ng mga babae itong kasama ko. Siya yata kailangang ibulsa eh.
Sinamahan niya akong pumasok sa book store. Dumiretso naman ako sa area ng mga coloring books at agad naupo sa sahig.
Hindi ko na pinansin kahit white dress ang suot ko.
Napatingin ako nang biglang tumabi sa akin si Kuya Ice.
"May pagbibigyan ka ng mga coloring books?" he asked in a small voice.
Umiling ako. "Hmmm. . . akin ito."
"Eh?"
Nilingon ko siya bago bigyan ng ngiti. "Stress reliever. Tuwing marami akong iniisip, nagkukulay na lang ako. Gusto ko na rin i-try mag-paint!"
Hindi ko alam kung anong ginagawa ng kasama ko, basta ako pumipili lang ng mga libro.
"Marami bang gumugulo sa isip mo ngayon ka napabili ka ng bago?"
Natahimik ako at napayuko. Oo. "H-Hindi naman. N-Nililibang ko lang sarili ko."
Nililibang? Sinungaling.
Kahit ang totoo, sobrang gulo ng isip ko nitong mga nakaraang araw. Hirap na ulit ako sa pagtulog.
Nilingon ko siya.
His eyes softened as he reached out to hold my hand, assuring me. "I'm here for you," he whispered gently, his voice filled with sincerity. "You can tell me anything."
Nakikipagtitigan ako sa kanya. Kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot.
Ayoko, ayokong may nakikita akong malungkot dahil sa akin.
"Baliw! I'm okay, promise! And, thank you! Magsasabi ako, tropa tayo, right?"
Hindi man sigurado'y ngumiti siya sa akin. "Okay, tropa tayo." Tinignan niya ang limang libro na hawak ko. Maninipis lang naman ito, ang iba lang dito ay may stickers. "Ayan lang ba?"
Tumango ako. Nauna siyang tumayo at tinulungan ako sa pagtayo. "Bili tayo colors mo." Nauna siyang maglakad, iniabot niya mula sa likod ang kamay niya kaya agad kong tinanggap iyon.
Nakangiti ako hanggang sa paglabas namin ng bookstore. Ang dami niyang binili for me. Para akong batang napagbigyan dito.
I took a picture of him habang nakatalikod siya sa akin at hawak ang ipinamili niya for me.
Post ka sa akin later!
"Are you happy?" he asked.
"Sobra! Thank you!"
"Anything for you, Amari."
Maglalakad na kami nang kinuha niya ang phone niya. Kumunot naman ang noo niya. Nabadtrip yata siya.
"Kaasar."
"Bakit?"
"May training kami."
"Sama! G-Gusto kong manood."
Iyong kaninang badtrip na mukha niya ay biglang nagliwanag.
Pagkarating namin ng SanLo, dumiretso agad kami ng gym. Sinabi niya baka nasa kabila sila Kuya.
"Oy, chix!"
"Ea mo ba 'yan, tol?"
"Pakilala mo ako Rivera!"
Agad na lumipad sa ere ang middle finger ni Kuya Ice.
Siniko ko siya. Jusko! Kakatapos lang namin magsimba?!
"Here ka muna, ha? Magpapalit lang ako." Pinaupo niya ako sa isang bench, malapit sa ibang mga babaeng players dito. "Babalik ako agad."
May tatlong lumapit sa akin na lalaki.
"Hi, Ms. Ano ka ni Rivera?"
"Why?" tanong ko agad.
Natawa sila sa tanong ko. "Ang ganda mo. Ngayon lang nagdala 'yang si Rivera ng babae niya rito."
"Ohh, thank you. Hindi niya po ako babae."
"Pwede ko bang makuha pangalan mo?"
"Amari."
Sinearch nila iyon sa facebook. Sabay send daw niya ng friend request.
"Tabi r'yan!" sigaw ni Kuya Ice nang makitang napapalibutan ako. Agad siyang lumapit sa akin. "Sorry. Okay ka lang ba?"
Tumango ako bilang sagot. Tinawag na sila ng coach nila, iniwan niya sa akin ang kanyang cellphone.
As I watched him walk onto the badminton court, nakaramdam ako ng excitement. Ngayon lang ako makakanood ng badminton, live pa! I'm not into sports kasi talaga.
Pinagmasdan ko siya, Kuya Ice looked sporty, parang ibang tao siya ngayon sa paningin ko.
His white headband kept his dark hair in place. The blue jersey t-shirt with his name on the back hugged his frame perfectly, while the black shorts highlighted his strong legs.
"Bago na naman raketa ni Rivera," puna ng isang babaeng katabi ko. "Ayaw ipagamit raketa niya. May maliit na IMCR sa raketa niya."
"Gago, mahal raketa niya. Kahit ako, hindi ako magpapahiram!"
Pinapanood ko lang silang mag warm up. Paminsan-minsan ay nililingon niya ako rito, at binabatukan mga lalaking tinatanong ako sa kanya.
Patakbo siyang lumapit sa akin, pero sa sahig naman umupo.
Pang second game pa raw siya.
Ang bango-bango niya talaga. Amoy baby.
Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan na naman siya ng picture. Lumapit ako sa kanya para ayusin ang headband niya.
"Ayan, mas okay."
Hindi siya agad nakakilos. Namumutla pa. Mukhang siraulo. Bwisit 'to!
"Amari, kita mo 'yang naka sando na 'yan? Ayan 'yong kwinekwento ko, tamo tatalunin ko 'yan. . . na naman."
"Ayusin mo. Kapag ikaw napag-initan, ha?" paalala ko sa kanya.
Mas matanda ito sa kanya. Baka mamaya iyon pa maging rason para matanggal si Kuya Ice rito. Mahal na mahal pa naman ni Kuya Ice ang Badminton.
Tinawag na si Kuya Ice ng lalaking itinuro niya sa akin. Mas matanda siya pero hindi nagkakalayo ang height nila ni Kuya Ice.
Nakita kong itinuro ako ng lalaki kay Kuya Ice. Ngumisi si Kuya Ice sa kanya, kahit malayo kitang-kita ko ang sinabi niya sa lalaki na 'you wished'.
"Pag-iinitan na naman niya si Rivera. Kawawa amp."
"Paano nawalan ng fan girls kahit 'di naman magaling. Hindi lang mapatulan ni Isaac dahil senior pa rin natin 'yan, kahit 'di deserve ng respect."
"Legit! First day pa lang ni Rivera, napahirapan na. Buti mahaba pasensya non at buti mahal niya 'tong badminton. Kayang-kaya ni Rivera 'yan, kaya mainit dugo sa kanya."
Pati akong nakikinig lang ay nag-iinit na ang dugo sa lalaking magiging kalaban ni Kuya Ice. Sana ilampaso niya lalaking 'yan!
Hindi tulad nang nauna, hindi sila nag fist bump.
Ang ganda ng footwork niya.
His grip on the racket is firm as he delivers powerful clears and sharp smashes. Biglang nahirapan ang kalaban niya sa bilis ni Kuya Ice
Pati akong nanonood ay kinakabahan, tumahimik nga bigla ang court ngayong naglalaro sila.
"Ikaw bobo. Hindi mo maayos-ayos serve mo. Nakakailang LET ka na, tanga."
Nakakainis naman. Baka mamaya bigla siyang sugudin at sapakin na lang. Lalo outside the school, malayang makakagawa mga student ng mga bagay-bagay.
Ipinagpatuloy na nila ang paglalaro.
May bagong dating na babae ang tumabi sa amin. Ang ganda niya, ang puti. Mukhang may lahi siya. Mukhang badminton player din siya base sa suot niya. Iniwas ko ang tingin ko dahil baka makahalata siya sa pagtitig ko.
"Ano? Pikon na ba 'yang lalaki na 'yan? Papalagan naman ni Isaac 'yan. Hinamon nga niya suntukan si Isaac noong nakaraang gabi lang. Papalagan naman 'yan."
"Gago, totoo? Sumbong niyo kay Coach."
"Gaga! Easy-peasy nga sagot sa akin ni Isaac."
Hindi mawala sa isip ko 'yong sabi ng babae pero hindi mawala sa mga mata ko ang panonood sa kanya habang naglalaro.
Ramdam na ramdam ang tension sa pagitan nilang dalawa. Bawat puntos ay mahalaga.
His forehead creased with intensity as he leaped to return a shot, his muscles tightening with each movement. The sweat appeared on his forehead, sign kung gaano kainit ang laro nila sa court. Sa kabilang banda, his opponent matched every move he made with equal eagerness, their competitive spirits forcing them to test their boundaries.
"Isaac, you're not as good as you think you are," his opponent said as he scored a point with a deceptive drop shot. "Marami ka pang kakaining bigas."
Kuya Ice's jaw clenched. "Tsamba," he shot back, his voice laced with confidence.
Nagtuloy-tuloy pa ulit ang rally.
With a final powerful smash, Kuya Ice secured the winning point.
Tumayo lang siya at tinitignan ang kalaban sa kabila. "Easy-peasy! Hindi man lang ako kinabahan sa 'yo." Ngumisi pa siya.
Akmang lalapitan siya ng kalaban niya ngunit mabilis ang naging pagsita ng coach nila.
"Rivera! Manalo! Tama na 'yan!"
Biglang nag-iba ang mood niya pagkalapit niya sa akin. Ibinato ko sa kanya ang towel niya.
"Galing, congrats!"
"Thank you! Uwi na tayo!"
Nawala ang mga babae sa gilid ko. Sila na yata ang susunod.
"Tangina mo, Rivera. Panalo ka ngayon."
Hindi na siya pinapansin ni Kuya Ice.
Nagulat ako sa lalaking kalaban niya na lumapit malapit sa amin bitbit ang kanyang raketa. Nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Ngumisi siya sa akin.
"Laro tayo, price 'yang babae."
Pero dahil dito biglang natigil sa pagpupunas ng pawis si Kuya Ice.
"Bobo ampota. Tangina mo, hanap ka kalaro mo."
"You think naman mananalo ka against him? Hindi ka nga makalamang ng score kanina. Parang pinag practisan ka lang, eh. And excuse me, kahit manalo ka, kung mananalo ka, 'di ako sasama sa loser like you. Patola!"
Hinawakan ni Kuya Ice ang kamay ko habang nagpipigil tumawa.
May mga sinabi pa 'yong lalaki pero hindi ko na inintindi.
Bumalik lang siya sa shower room, pagbalik niya naka tshirt at shorts na siya. Bitbit ang isang black duffle bag.
"Cute ng jersey mo kanina."
"Marami nga akong gano'n, eh ang sabi mo 'Edi, congrats'. Ano kaya 'yon?"
Natawa ako. "Eh, anong gusto mong sabihin ko pala?"
"Akala ko hihingiin mo. Humingi ka ng kay Josh, eh."
"Bigay niya 'yon."
"Okay, bibigyan din kita."
Ngumiti ako sa kanya. Hinihintay namin si Kuya rito sa parking area, sabay-sabay na kaming uuwi.
Ilang saglit ay dumating na rin siya kasama si Kuya Benj.
Nag fist bump sila. Si Kuya na raw ang magmamaneho ng sasakyan ni Kuya Ice.
Pagkarating namin sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto para maligo at makapagpahinga.
Nagising akong gabi na, saktong kumatok si Manang para pababain na ako.
"How's school, Amari?"
Iyon agad bungad sa akin kahit kakaupo ko pa lang.
"Balita ko nag tree planting kayo kanina? Saan?"
Tumango ako. "Sa Muntinlupa po."
"Baka sa sobrang busy mo r'yan, hindi ka na nakakapag-aral nang maayos. Kailan mo pa ring mag Top 1. Hindi pwedeng masira magandang grades mo."
Bumaba ang tingin ko sa kinakain ko. Sila nga nagpumilit sa akin sumali ng SSG kahit ayoko dahil baka mawala ako sa focus. Ang dami ko pang sinalihan na mga club sa school.
Hindi pa pala nila alam 'yong tungkol sa pag retake namin ng quiz, at wala rin akong planong sabihin.
Kinaumagahan, maaga akong inihatid ni Kuya sa school. Gumawa na ako ng letter at isinend iyon sa fb page ng Midnight Echo.
Agad naman silang nakapag-reply. At napag-usapan naming magkikita kami mamaya para ma discuss ang talent fee at kung kailan gaganapin, para ma free sa schedule nila.
Nagmadali akong nagpunta sa building namin dahil ngayon 'yong retake for our quiz. Biglaan, hindi sinabi sa amin. Surprise!
Napangiwi ako nang makita kong kinakabahan lahat. Eh kung 'di sana nag-cheat edi wala kaming problema ngayon.
Naupo ako sa gitna ng dalawang kaibigan ko. "Nag-review kayo?"
"Bahala na si batman, teh. Wala akong naaral."
Ibinigay na ang quiz papers, twenty items. Nahugot pati mga napag-aralan namin noong first quarter.
Low scores won't determine my future... pero it can determine yung galit ng tatay ko kapag nalaman na may mababa akong score.
Kahit anong focus ko, hindi ko talaga matandaan 'yong iba. Kapag ako umiyak dito!
"Times up."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon. Kalahating oras lang kami nag quiz. May isa akong hindi nasagutan, at hindi nga ako sigurado sa iba kong sagot.
Naibalik ang papel namin. Naka times two pala, so forty points! Thirty points ang passing score.
Ibinalik ang papel namin. Hindi ko muna tinignan ang score ko.
Rinig na rinig kong na disappoint mga classmate ko sa scores nila.
"Gago, twenty ako." Si Lorraine.
"Ngi, same. Hala! Bagsak," si Bianca na hindi ko alam kung paiyak na.
Pikit mata kong iniharap ang quiz papers namin.
Bumagsak ang mga balikat ko nang makita ko ang scores ko.
"26."
Tangina, 'di pa umabot ng passing score! Nirecord ang mga scores namin. At lahat sila gulat nang marinig ang score ko.
Punyeta kasi kayo kung 'di kayo nag-cheat hindi ganito score ko. Bwisit!
Itinago ko sa folder itong paper ko, baka makita ni Daddy. Mahilig pa naman siya mag-check ng quizzes ko.
Buong hapon akong bothered sa score ko. First time ko yata hindi makaabot sa passing score.
Siniko-siko ako ni Bianca habang hinihintay niya sundo nila. "Ikaw ha? Napapadalas pagsasama niyo ni pogi!"
"Ayan na sinasabi ko. Ka-ibigan na next nyan!" Kiniliti naman ako ni Lorraine. "Bagay kayo."
"Baliw! Friend ko lang siya."
"Ahh! Kaya pala, inaccept niya na friend request ko!" si Lorraine.
"Crush mo?" tanong ko.
"Oh, chill! Seselos ka naman, bff! Hindi ko na siya magiging crush kasi crush niya bff ko! Pogi lang, crush ko agad?! Eh, si Bianca 'yong ganon!"
"Tangina mo, ako na naman! Pero add ko nga rin."
Tinulak-tulak ko pa silang dalawa nang makita ang mga sundo nila, pero isinabay ako ni Bianca dahil pupunta ako para i-meet ang Midnight Echo.
Habang papunta roon ay minessage ako ni Kuya Ice.
Isaac
Saan u, ssob?
Amari
Ssob?
Isaac
Boss 'yan. Ginaya ko 'yong eabab mo😎
Amari
Mall sa Makati, may date ako.
Isaac
Ha? May date ba tayo ngayon? 😱
Amari
Bwisit. Ka-meet ko Midnight Echo.
Isaac
Ge, ssob. Punta rin ako r'yan hehe. Send live location. 😎
Pagkapasok ko ng mall, sinend ko na lang din location ko. Baka hanapin pa ako sa buong Makati ng isang ito.
Pagkarating ko sa restau kung saan sinabi ng Midnight Echo, nakita ko na sila roon. Mga naka school uniform pa.
"H-Hello po."
Sabay-sabay nila akong nilingon.
"Amira?"
Binatukan siya ng isang kasama. "Bobo, Amari 'yon!"
Nag peace sign naman sa akin ang lalaki. Tumayo sila para paupuin ako.
Nagkukulitan sila, maliban sa Vocalist nilang si Felix yata 'to sabi ni Kuya Ice.
"Order muna tayo."
Tinawag ni Felix ang isang dining staff. Nag-order na sila ng pang maramihan.
"So, bakit kami napili niyo?"
"Liam, 'wag mong takutin." sita ni Felix at sinamaan ng tingin ang lalaki.
"Nagtanong lang naman!" he pouted.
"Suntukan na lang kayo mamaya. Ako kakain lang sa gedli!"
"Suntukan? Eh, natutulog agad 'yang si Felix. Maglalaro na lang zombie tsunami si Liam."
Nagtawanan silang magkakaibigan.
Dumating ang order namin at kumain kami. Jusko! Nahihiya akong kumain, 'di ako sanay.
"Eat, 'wag kang mahiya, walang hiya nga 'tong mga kasama ko."
Napatingin kaming lahat kay Felix na chill pa rin sa pagkain.
Mabilis kaming natapos sa pagkain. Late ko na-realize na 'di pa sila nakakapagpakilala.
"I'm Felix, the Vocalist."
"Hey! I'm Liam, the poging drummer!"
"Bwisit. Jacob, ang hot guitarist." Kumindat pa sa akin. "Pero kapag wala ako nagiging Vocalist at Guitarist si Felix. Kaya rin niyang maging bass player. All in one siya." Pagbibiro niya.
"Axel, ang cutie bass player."
"Daniel, pianist. Simpleng tao."
"Nice meeting you all. Amari, from SanLo Science High." Pagpapakilala ko at nakipag shake hands sa kanila.
"Single?" tanong ni Jacob.
"W-What?"
"Hehe, joke!" Nag peace sign siya sa akin at malokong kinagat ang kanyang ibabang labi. "Shoot your shot kasi nakita ko sa facebook."
"So unprofessional, Jacob. Stop that." si Felix bago binigyan ng warning look ang kaibigan. "Sorry, he's always like that."
Inilabas ni Felix ang papers, at diniscuss sa amin.
"Next month, almost full schedule kami. May I know your target date?"
"September 15."
Chineck niya ang kanyang iPad. "Evening event ba 'to?"
"Hmmm. Yep."
"Ohh. Wait."
Dinaldal ako ng mga kasama niya sa band habang busy si Felix mag-check ng schedule nila.
"Gusto ko rin dyan noong Junior High, ligwak ako sa entrance exam dyan, men!" Napasapo sa kanyang noo si Jacob.
May College naman na rin kasi sa school kung saan sila nag-aaral ngayon kaya itutuloy-tuloy na raw nila.
"Ako hindi ko na sinubukan mag exam noon dyan, alam ko na kapalaran ko," pagsingit ni Liam habang naglalaro.
"Inamo, zombie tsunami na naman ampota."
Ibinaba ni Liam ang kanyang phone at tinignan nang masama si Axel. "Ulol! Dedma sa basher."
"Ah, Amari?" tawag atensyon ni Felix. "Nice, free sched kami ng date na 'yan."
"Omg! Good to know. Gustong-gusto kayo ng mga schoolmate ko."
"Gusto na rin yata kita, Amari." Si Jacob habang nakatingin sa akin.
"Fuck you, Jacob."
Tinawanan nila si Felix pagkasabi niya non.
"Halata. Iyong notifications at messages namin punong-puno ng mga taga SanLo Science High." si Daniel habang nilalaro ang ballpen.
I smiled. "Thank you. Uhh, may I know your talent fee?"
"Libre kapag ikaw, Amari."
"What the fuck ka talaga, Jacob. Ialis niyo nga 'yan sa harap ko."
Tuwang-tuwa naman si Jacob na nakikitang naiinis si Felix sa kanya.
"Name your price, Amari."
Nagkatinginan kami ni Felix pero agad siyang umiwas.
"Tangina," halos mamatay kakatawa si Liam. "Hina ampota ka Felix."
"Bobo kasi 'yan," dagdag ni Jacob.
"Shut up."
"Hmmm. 30k per song?"
"Hala? Yayaman kami agad nyan!"
Ngumisi si Felix. "Taas masyado. 15k will do since students pa lang naman din kayo. How many songs?"
"Uhh, three?"
Sulat lang nang sulat si Felix.
"Kami na bahala sa transpo and food ninyo."
"Ikaw na rin bahala sa akin, Ms."
Napakakulit nitong si Jacob. Gosh!
Binato siya ni Jacob ng scratch paper. "Maya ka sa akin."
"Hindi pa ako ready for that, daddy!" Pang-aasar niya.
Nag sign ako ng contract na dala nila. Ten percent ng talent fee nila ay babayaran a week before ng performance nila.
Ipinagpaalam pa kung pwede nila akong i-add sa facebook. Nakakahiya namang tumanggi! Nag picture taking din kami, and they'll post it daw later sa account nila.
Kapag nakita ng mga schoolmates ko iyon, paniguradong kikiligin na sila.
Patayo na ako nang nakatanggap ako message kay Kuya Ice.
Isaac
You guys done na? Kadarating ko lang here.
Amari
Yep. Kita tayo sa Jollibee.
Itinago ko ang cellphone ko. "Ahm, thank you so much sa pag-accept ng offer namin. See you, guys!"
"Thank you rin for trusting us. See you, Ms. Guanzon."
Napaka-formal.
Nagpaalam na ako sa kanila at agad pinuntahan si Kuya Ice sa Jollibee.
Malayo pa lang kitang-kita ko na si Kuya Ice. May kausap. Ano ba 'to? Daming kakilala.
Nang maramdaman niya ako ay agad niya akong nilingon. Nagpaalam na rin siya sa kausap niya.
"How was it?" tanong niya.
"Perfect. Mababait silang kausap."
"Kahit si Felix? Suplado 'yon."
"How did you know him pala? He's pogi!"
"Luh?!" Tumaas ang isang kilay niya. "Tapos ako pangit? Kapag ako umiyak."
"Kailan ko sinabing pangit ka?"
"Ay, hindi ba? Hehe. Sige sabihin mo nga na pogi rin ako."
"Hmmmm, you're so. . . " Huminto ako at tinignan ang reaksyon niya habang naghihintay. "Pogi!"
Napahawak siya sa puso niya. "Shet! Tara na nga!"
Tumatawa ako habang naglalakad kami.
Sa paglalakad namin, hindi ko man lang napansin na andito na kami sa Apple store.
"Bibili ako bagong phone."
"Bakit? Nasira ba phone mo?" takang tanong ko.
Mahina siyang tumawa. "Hindi. Need ko extra phone for you."
Huh?
Wala akong na-gets.
Out of stock 'yong iPhone 14 na gusto niya. Ayaw naman niyang bumili sa ibang store, kaya iPhone 13 pro max na ang binili niya. Agad niyang inabot ang card para makapagbayad.
Ang bilis, hindi man lang naghanap ibang pagpipilian.
Nagpunta kaming dalawa sa food court.
"Hindi kita gets."
Napatigil siya sa pag-aayos ng phone niya. Inopen niya ang messenger app sa una niyang phone. "Message mo ako."
Naguguluhan man ay kinuha ko ang phone ko at minessage siya.
Ipinakita niya sa akin iyong messenger niya. Tatlong segundo lang ang itinagal ko sa unahan ng messenger niya nang biglang sunod-sunod ang messages sa group chat na kasali siya. Ang dami!
"Hindi kita narereplyan kaagad. Natatabunan message mo."
"Huh? Eh ang bilis mo ngang mag-reply?"
"Hindi ko bina-back 'yong convo natin tuwing magkausap tayo, para makapag reply ako sa iyo kaagad."
Pakiramdam ko ay namumula ako. "E-Eh, bakit ka bumili ng bagong phone? Para saan?"
He pouted. "In add kita last week pa yata sa second account ko. Hindi mo ako ina-accept."
"H-Huh?! Walang nag notif sa akin. Anong name?"
Nakasimangot pa rin siya sa akin.
"I'm sorry. Hindi ko talaga alam."
"Ice Miguel. Hindi ko sinasabi kasi gusto ko ikaw makapansin."
Sinearch ko iyon at nakitang in-add nga niya ako. "Accepted na. Sorry, hindi ko talaga nakita!"
Ini-stalk ko siya. Ang profile picture niya ay mirror shot niya habang naka jersey.
Parang gusto kong matawa dahil sa sobrang kalat ng account niyang ito. Kung gaano ka formal ang main account niya, kabaliktaran dito.
"Hala! Makalat dyan!" Pati siya ay biglang natawa sa sarili niya. "Trusted people lang andyan sa account kong 'yan. Hindi nila ma-add 'yong account na 'yan, kaya ako 'yong nag-a-add. Dyan kita kakausapin, para mabilis akong makapag-reply."
"Pang kabit," pagbibiro ko sa kanya. Pero wala namang kaso sa akin iyon. Kung ako tatanungin, gagawa rin ako ng account ko dahil puro gc ang nasa messenger ko.
"Hala! Hindi! Pwede pa rin naman tayo mag-usap doon."
"Joke lang! Wag kang magulo, nagbabasa ako mga post mo. May ganitong side ka pala talaga."
Ang funny kasi literal na post niya iyon, hindi shared post!
Ice Miguel posted a status
Hello, crush ko 'yong may letter A sa pangalan.
Iyan ang latest post niya. In-open ko ang comment section niya. Andito rin pala sila Kuya. Puro naka-mention iyong Ariane. Binack ko rin agad iyon.
Ice Miguel posted a photo
Eating cabbage, because nainlove sa 'di ko ka age.
Lucas Torres
tabang!!
Nakalimit ang comment section at si Kuya Lucas lang ang nakita kong comment.
Ice Miguel posted a photo
Eating ramen because takot akong umamin. :D
"Grabe, may ganitong personality ka pala?" tawang tawa pa rin ako. "Talagang naka post pa, ha?"
Mamaya ko babalikan mga shared post niya.
"Magbubura ako!"
"Unfriend kita!" paghahamon ko bigla naman siyang sumimangot sa akin.
Nagpaalam siya para mag cr. Hiniram ko ang bagong phone niya. Nag selfie ako roon na mata lang ang kita, at naisipang i-post sa second account niya.
Ice Miguel posted a photo
eyes on me haha juk lng, pa post lang sa bagong phone xD :D <3
Kapo-post pa lang may mga wow reactions na agad. May isang naka heart react din, hindi ko kilala. In-off ko ang comment section.
Inihatid niya na ako, nagkasabay pa nga kami ni Kuya ng uwi. May kasama siyang isang ka-team niya na classmate niya, dito raw tutulog dahil ka-pair ni Kuya sa isang activity.
Mabuti wala kami masyadong activity ngayon.
Nahiga ako para manood ng movie, nakita kong may message si Kuya Ice, hindi ko agad nabasa.
Ice Miguel
Hahaha cutie ng post mo.
Amari
Sus, waiting ako sa bagong post mo.
Ice Miguel
Okie, wait. Iisip muna ako.
Ayan meron na! Hahaha :D
Ice Miguel posted a photo
Eating halo-halo kasi miss ko na ang crush ko. </3
Lahat ng post niyang ganyan, ay may mukha niya habang kumakain talaga ng pagkaing binabanggit niya sa mga post niya.
Nag-haha react agad ako sa post niya. Nakita kong andoon na rin mga kaibigan niya para mag-comment.
DJ Roque: Lala ampota
Amy Dump: Sino ba? Puro parinig.
Lucas Torres: tangina??
Arvin Gabb Guanzon: tangina?? (2)
Harold Garcia: Ariane Ventura, kakikita niyo lang yata??
Biglang nawala ngiti sa mga labi ko pagkabasa ko sa dalawang huling comment.
Wews.
Ice Miguel
Sabay tayo uwi bukaaaas! :D
Amari
Hmkay. Good night. :)
Nang makita kong typing na siya kaya agad akong nag log out at nag dnd.
Ano ba naman 'to? Bakit naman nababadtrip ako nang wala sa oras!
Buong araw akong tahimik lang sa klase.
"Excited ako sa Students' Night!" Sumasayaw pang wika ni Bianca sa harapan ko.
"Laswa, sis!" sita ko sa kanya.
At ang loko nag twerk pa sa harapan ko. "Pwede na ba ako mag-audition?" Inulit niya pang nag twerk.
Tuwang-tuwa naman si Lorraine. "Hayop ka, Bianca!"
"Oh, gagi, wala pang asin 'yan!" sabat ko naman.
Pero biro biro lang iyon, dahil dancer itong si Bianca.
"Tama na mga gago!" pati siya ay natawa na sa sarili niya.
Free cut kami, walang teachers, busy. Pero tinatamad naman akong gumala rito.
"Waaaaaaah! Oh my gosh!" Napatayo si Lorraine habang hawak ang cellphone.
Kung kailan ka kakasandal ko ng ulo ko kay Bianca para matulog, tsaka naman mag-iingay 'tong isang 'to!
Nagulat ako nang inalog-alog niya ako. "A-Ano?! Hayop ka, Lorraine!"
Ipinakita niya sa akin ang phone niya.
Nanlaki mga mata ko nang chinat siya ni Kuya Ice.
Isaac Miguel Rivera
Hi? Hehe. Ikaw 'yong friend ni Amari, right?
"Sabihin mo, hindi," sagot ko at isinandal ulit ang ulo ko kay Bianca.
Lorraine Esteves
Sabihin ko raw po hindi hehe.
Ipinakita na naman sa akin ni Lorraine ang phone niya. Humagalpak sa tawa si Bianca.
"Hala! Tinawanan ako!"
Isaac Miguel
HAHAHAHAHA dala ba niya phone niya? Hindi kasi siya nags-seen.
Lorraine Esteves
Sabihin ko raw po hindi hehe. (2)
Kinikilig na si Lorraine sa mga sumunod na pag-uusap nila. Ayaw niya nang ipakita sa amin ang next na convo nila.
"Me so kinikilig! Iadd niya raw tayo sa second account niya! Sheeesh!"
"Hala! Baka may thirst trap siya ro'n!"
"Wala, bwisit kayo!" napailing ako habang natatawa.
Nagdadalawang isip ako kung kukuhanin ko phone ko or hindi. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako umiiwas!
Nakakainis!
"Ayan, in-add na tayo!"
Napatingin ako sa phone ni Lorraine nang makitang ini-stalk niya ang account ni Kuya Ice.
Nawala na 'yong post kagabi?! Burado na?!
"What the fuck! Account ba talaga 'to ni Kuya Ice?! Baka poser 'to? Ba't ganito mga post?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Lorraine habang react nang react ng haha sa mga post ni Kuya Ice.
"That's his account."
"Eating siomai because gusto kong ma-meet ang iyong nanay." Pagbabasa ni Bianca sa post ni Kuya Ice sabay tawa. "Kingina! Magamit nga mga pinagpo-post ni Kuya."
Mukhang ang layo nang narating nila kaka-stalk.
Kinuha ko ang phone ko at nag-online. Bungad agad ang messages ni Kuya Ice.
Amari
bk8 mo 'ko hanap? 🧐
Ice Miguel
sabay tayo uwi? hindi ka raw maihahatid pauwi ni Vin, may training hanggang 7pm.
Amari
ayoko.😛
jk. cge. 4:30 uwian q today, pero 5pm ako lalabas. may need akong tapusin sa office. 🤓
Ice Miguel
hmmkay, boss! 👍🏻
wait kita sa coffee shop tapat ng school niyo. 🤙🏻
Nag-like ako sa huling message dahil dumating na last subject teacher namin para ibigay ang mga notebook namin.
After class, dumiretso ako sa SSG Office. Ipapapirma ko pa kasi letters na ginawa ko para makapag-start na kami for donations and fund raising events.
"Napaka hands on mo naman dito, Amari. Baka naman hindi ka na nakakapagpahinga," ani Sir Dela Cruz - our school principal, habang pumipirma sa mga letter.
"Ay, ayos lang po. Time management is the key!"
Mahina siyang napatawa sa akin at iniabot na pabalik sa akin ang letters.
Bumalik na rin ako sa office para itago ang mga iyon. Hinihintay ko muna ang official post ng Midnight Echo bago ako makapag-post for donations.
"Ma'am, uwi na po ako!" Pagpapaalam ko.
"Okay, President. Ingat ka!"
Pagkalabas ko ng room, may nag notif sa akin.
Felix sent you a friend request
Huminto ako sa paglalakad at chineck kung sa kanya nga ang account na iyon. Nagdududa ako dahil naka one name lang.
Hindi ko muna in-accept, later na lang pagkauwi.
Pagkadating ko sa coffee shop, wala pa si Kuya Ice. Baka may ginawa lang saglit. Ito lang naman din coffee shop sa tapat ng school.
Nag-order muna ako ng iced coffee, at inilabas ang libro ko para magbasa.
20 minutes. . .
30 minutes. . .
40 minutes. . .
1 hour. . .
1 hour and 30 minutes. . .
Walang dumating na Isaac Miguel. Tinignan ko muli ang phone ko, walang update.
Napangiwi ako. Lol, kung hindi naman pala siya makakapunta sana nagsabi man lang siya maiintindihan ko iyon, pero 'yong walang paramdam? Lol, mukha akong tanga na naghintay sa wala.
I hate you, Isaac Miguel.
Sa sobrang badtrip ko, nag-booked na lang ako ng Grab pauwi.
Pakiramdam ko'y maiiyak na ako sa sobrang inis.
Tumunog ang phone ko, notification ko. Nakita kong messages iyon galing sa kanya.
Nope. Hindi ko bubuksan kahit anong messages 'yan. Nakikita kong iyong dalawang account na niya ang nagm-message sa akin.
Ilang araw na ang lumipas. Pumupunta siya rito kasama ibang kaibigan ni Kuya, pero tuwing andito siya hindi ako lumalabas ng kwarto. Hindi ko pa rin sine-seen ang messages niya, lahat 'yon. Nagdadala rin daw siya ng cookies or cupcakes. Noong nakaraang araw, may ipinadala siyang flowers.
Sabado ngayon, maaga akong gumising para makapag breakfast.
"How's school?"
"Okay naman po."
"Balita ko busy kayo for Students' Night?
"Opo. Tinatapos lang po namin 'yong Mathematics Festival."
Kumunot noo ni Daddy. "Hindi ka kasali? That's your favorite subject."
Pilit akong ngumiti. "Hindi na po kasali ang mga graduating. Tumutulong na lang po kami roon."
Tumango lang si Daddy at itinuloy ang pagkain.
After kumain, ginawa ko na ang morning routine ko. Umakyat sa kwarto, at naglinis ng kwarto.
Ikinulong ko rin ang sarili ko halos maghapon. Hindi ako sigurado kung andito siya, hindi ako sumisilip sa ibaba.
Nakaidlip na nga ako kaka-color sa mga coloring books ko, 'di ko na rin napansin na madilim na.
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-ilaw ng phone ko. Mula sa notification bar nakita ko ang ilang message niya.
Isaac Miguel
I'm here sa bahay niyo. Let's talk? Sorry.
Wala ka rito sa inyo? Nasaan ka? Ang dilim ng kwarto mo. Are you crying? Sleeping?
Napatayo ako para isindi ang ilaw sa kwarto ko.
Bungad na bungad sa akin shared post niya kagabi sa second account niya.
Ice Miguel shared a post from qwyshsshy page.
haha, naiiyak ako sa happenings ng life q
Binasa ko ang comment section. Napairap ako nang makita ko mga kaibigan ko rito!
Lorraine Esteves: hmmm, eating popcorn because gutom ako. don't expect. 😛
Bianca Corpuz: kuya ice be like "eating tissue because imissu" 💔💔💔
Tangina mo, Bianca. Natawa ako pagkabasa ng comment nilang dalawa.
Lucas Torres: ??
Amy Dump: uso mag-reply, anue?
Margarette: anyare? tanginamo, kaya pala tahimik kang loko ka. basted ka ba? 😝😝
Juan Gio: basted amp. wala pa ngang nauumpisahan, natapos na. 💔😝🤧
Bumaba na ako para kumuha ng pagkain.
"Sa wakas bumaba ka na!" sigaw ni Kuya Benj pagkakita sa akin.
"Gising na ang disney princess," sabi naman ni Kuya Elijah.
Mukhang wala na siya rito.
"Kain ka na."
Tumango ako kay Kuya. Kumuha ako ng pagkain at lumabas para mahanginan man lang ako.
"Amari."
Hindi ko 'yon pinansin. Tuloy lang ako sa pagkain ko.
"Can we talk? No, kahit ako lang, I'll explain."
"I'm sorry." Bakas sa mukha niya 'yong sakit at guilt. "That da-" Sinubukan pa niyang magpaliwanag pero agad ko ring pinutol iyon.
"I'm eating. Pwedeng tahimik lang? I don't even know you."
"S-Sorry."
Padabog akong tumayo. "Ayoko na. Sa loob na lang ako kakain." Kinuha ko ang plato ko at tumingin sa kanya. "Masakit ba? Ganyan din pakiramdam ko noong araw na 'yon, na parang hindi kakilala."
Hindi siya sumagot sa akin. Nakatingin lang siya.
Tangina.
Dalawang araw pa ang lumipas, nakakainis, nakakamiss din pala siya. Pero kasalanan naman niya. Hindi pa rin naman siya tumitigil mag-message.
Tinatanong na rin ako ng mga kaibigan ko kung ba't 'di ko na nakakasama si Kuya Ice.
Para naman ding may kurot sa puso ko. Mag iisang linggo nang walang Ice na makulit, pero anong gagawin ko? Nasaktan ako sa ginawa niya.
Ang tahimik ng social media accounts niya. Walang post or shared post.
Buong hapon naging abala ako sa room. Na-post na rin ng Midnight Echo ang pagpunta nila sa school namin. In-accept ko na rin friend request ni Felix.
Nag iwan na rin ako ng comment doon, for appreciation na rin.
Amari Gracey Guanzon
Yey! Thank you! You guys are the best! See you, can't wait! ♡
Felix replied to your comment
Thank you, Amari. And we can't wait to see you too. :) Pa-accept daw si Jacob. :)
Amari
Hala?! Accepted na hahaha. Thank you ulit!
Lumabas lang name ni Kuya Ice sa mga nag-heart ng mismong post ng Midnight Echo. Wala rin akong ibang balita sa kanya, sobrang tahimik ng dalawang facebook accounts niya.
Speaking of! May post 'yong Juan Gio. Hindi ko siya facebook friend, pero dahil public post iyon at naka-tagged si Kuya Ice nakita ko ang post.
Juan Gio tagged Ice Miguel in a post
get well, men.
Ang daming comments, lahat nag-aalala at nagtatanong kung napaano si Kuya Ice. Pero natutok lang ang mata ko sa comment niya.
Ice Miguel: stfu, uno. kita mong umiiyak ako rito sa gilid.
~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro