Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

"T-Thank you sa pagpayag, Kuya Ice."

Walang pagdadalawang isip siyang pumayag na tulungan ako para sa video project ko.

Ang gaan, ang gaan niyang kasama at kausap. Tinuturuan niya ako sa pamimili rito para sa susunod marunong na raw ako kapag gusto kong magluto.

Abala siyang chine-check ang cart namin kung may kulang pa ba sa mga ipinamili namin. Ang dami nga nito kahit dalawang dish lang naman lulutuin namin.

"Isaac?"

Sabay kaming napalingon ni Kuya Ice kung saan galing ang boses na 'yon.

"Gago! Si Isaac nga." Sila na ang lumapit sa amin. Tatlong lalaki mga 'to. Schoolmate yata nila dahil nakasuot sila ng t-shirt from SLU.

Nakipag fist bump silang tatlo kay Kuya Ice at sabay-sabay tumingin sa akin.

Nagkatinginan kami ni Kuya Ice. Siya na pumutol sa katahimikan. "Musta?" tanong niya sa tatlo.

"Ayos lang, tol. Tune up game next week, g?"

"Ayos, ayos. Tignan ko muna schedule ko, baka busy next week. Sino kasama niyong tatlo?"

"Me!" Biglang may lumitaw na magandang babae sa harap namin. Nagulat pa nga siya nang makita ako. "Hi, sino ka?" walang anong tanong niya sa akin. "Babae ka ba nitong tropa ko?"

Para akong batang nawawala dahil napahawak agad ako sa laylayan ng damit ni Kuya Ice. "A-Amari po."

"She's my friend. Little sister ni Arvin." sagot ni Kuya Ice. "Huwag mo siyang takutin, Amy!"

"Sus, Isaac Miguel! Babaero ka naman sadya!" pang-aasar ng mga lalaki.

"Ulol!" tanging sagot ni Kuya Ice sa kanila.

Nagkamustahan at nagkakaayaan sila mag badminton. Pero puro hindi pa sigurado ang sagot sa kanila dahil may mga aasikasuhin daw siya sa susunod na week.

"Hi, Amari!" halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot sa harap ko 'tong kaibigan ni Kuya Ice at naglahad ng kanyang palad. "I'm DJ nga pala. Nice meeting you."

Nag-alinlangan ma'y tinanggap ko pa rin 'yon. "Nice meeting you rin po, Kuya DJ." I smiled at him.

"Pwede ko bang makuha facebook account mo?"

"Hindi pwede. Bata pa 'to," si Kuya Ice na ang sumagot. "Bawal. Kung gusto mo facebook account ng kapatid niya or facebook account ko."

Mahina ko siyang siniko sa tagiliran.

Napasimangot naman ang lalaki, mukhang wala siyang magagawa kapag si Kuya Ice na ang sumagot.

"Oh, sya! Sige na, mauuna na kami." Ibinaling ng babae ang tingin niya sa akin. "Amari, ingat ka rito sa tropa kong 'to. Babaero 'yan. Mukha lang mabait tignan, pero matinik sa babae 'yan!"

Pabirong itinulak papalayo ni Kuya Ice ang kanyang mga kaibigan. Si DJ nga ay nangungulit pa para sa facebook account ko.

"Pag pasensyahan mo na mga 'yan. Maiingay talaga."

Tumango lang ako. Ipinagpatuloy ni Kuya Ice ang paglalagay sa cart namin, kahit parang ang ibang inilalagay niya'y hindi naman namin kailangan para mamaya.

"May gusto ka pa ba?"

Umiling na lang ako bilang sagot, kaya dumiretso na kami sa counter. Pinagtitinginan talaga 'tong kasama ko.

Akmang ilalabas ko na card namin nang pinigilan niya ako.

"It's on me na." Iniabot niya ang card niya sa cashier.

"Hala!" Agad ko siyang nilingon. "T-Teka! Nakakahiya!"

Nakakahiya naman talaga. Ako na nga tutulungan niya para sa project ko, siya pa gagastos.

"That's okay. Kakain din naman ako," sinubukan niya pang pagaanin loob ko pagkasabi niya nito.

Hanggang makalabas kami ay pinipilit ko siyang babayaran ko.

"Saan mo gustong kumain? Dito na tayo mag-lunch. Anong oras na rin, e."

"Basta ako magbabayad," sagot ko pagkaharap ko sa kanya.

Umiling siya sa akin. "I won't let girls pay for the bill."

"So, palagi kang lumalabas kasama iba-ibang babae?"

I heard him chuckled. "Oo. Magkakaiba kasi groupings ko ngayon. Kaya sa labas talaga kami gumagawa ng projects."

Tumango-tango ako. Akala ko naman kung literal na idini-date niya.

"Gusto mo magbayad?"

"Hindi siya monetary payment. Accept mo ako sa facebook."

Nagkatitigan kaming dalawa. Parang mas madali pang magbayad ng pera kaysa i-accept ko itong si Kuya Ice.

Nakatayo lang kami rito sa gitna, mukhang hinihintay niya sunod kong gagawin. Wala naman ding masama kung i-accept ko siya.

Kinuha ko ang phone ko para makapag-open. Narinig ko pa ang mahinang 'finally' ni Kuya Ice. Tumabi ako sa kanya, at ipinakitang in-accept ko na ang kanyang friend request.

"Hindi naman labag sa loob mo, 'yan?" Nakasilip pa rin siya sa phone ko. "Thanks! Ayan bayad ka na. Tara kain na tayo."

Nagpunta kami sa Nono's. Dito raw siya lagi nagpupunta tuwing pagod siya at gustong kumain nang marami.

Tama nga siya, masarap dito. Mukhang pati ako ay nakahanap na rin ng bagong restaurant na pupuntahan ko.

Ngayon, hindi namin alam kung papaano bibitbitin 'to lahat. Kaya tinawagan ni Kuya Ice si Kuya para sunduin kami rito. Buti na lang daw iniwan niyang sadya car keys niya kanina.

Mayamaya lang dumating na rin si Kuya. Gulat na gulat pa ito dahil sa dami naming pinamili.

"Good for one week na supply ba binili niyong dalawa?" tanong niya habang tinutulungan si Kuya Ice ipasok sa loob ng sasakyan mga ipinamili. "Dapat binili niyo na lahat."

Napakadaldal na naman po ng kapatid ko. Jusko! Hindi talaga siya napapagod magsalita nang magsalita. Kahit yata ilang oras ay hindi siya mapapagod.

Sa likod na ako sumakay, si Kuya Arvin pa rin magda-drive dahil naawa raw siya kay Kuya Ice, dahil baka pinagod ko raw.

Nag-ayos na muna ako ng sarili ko rito sa kwarto. Naligo na lang ako ulit dahil pakiramdam ko'y nilalagkit ako dahil sa init at pawis. Nag tshirt lang ako at inilabas ang dalawang apron ko. Customized pa ito, binili ko sa online shop noong nakaraang week lang.

Kinuha ko na rin camera ko na gagamitin bago ako bumaba. At naabutan ko si Kuya Ice na kausap si Kuya Arvin. Mukhang seryoso naman 'tong dalawa na 'to dahil tango lang nang tango si kuya habang nakikinig sa sinasabi ni Kuya Ice.

Biglang lumingon sa gawi ko si Kuya Ice, kaya natigil din kung ano man ang pinag-uusapan nila.

Iniabot ko sa kanya ang isang apron, bago pinalabas si kuya. Hindi ako makakapag-focus kapag andito siyang manonood dahil lahat mapapansin niya.

Si Kuya Ice na ang nag set up ng camera.

Naging maayos at mabilis lang ang naging paggawa namin ng video. Halos siya na nga lang ang nagsasalita dahil takam na takam ako sa niluto namin.

"Anong program ang balak mong kuhanin sa college?" tanong ni Kuya Ice sa akin.

"Culinary Arts. Pero, still, undecided kung saang University ako. Nakapag-apply na po ako, waiting na lang po sa mga entrance exam. Sana nga po hindi magsabay-sabay."

"Nag-try ka na sa SanLo?" si Kuya nagtanong sa akin.

Tumango ako bilang sagot. Wala pang inilalabas na examination date. Pero sa pagkakaalam namin may limit na lang kung ilang students pwedeng makapag-apply. Kaya ubusan talaga ng slot.

Inihatid ko na sa labas ng bahay si Kuya Ice. "T-Thank you, Kuya."

"No problem, Amari." he smiled at me. "Huwag kang mahiyang magsabi sa akin. Tropa na rin tayo?" tanong niya habang nilalaro car key niya.

"Hmmm, sige!" Nakipag-fist bump pa ako sa kanya. Nagulat pa nga siya nong una.

Gano'n din ako sa ibang tropa ni Kuya, nakikipag fist bump.

Dahil card day namin ngayon, medyo maaga kami ni Daddy. Ayaw na ayaw niyang late tuwing card day. Papunta nga rito ay 'di kami nagkikibuan.

"Congrats, Amari!"
"Amari, oy, congrats!"
"Ang galing talaga!"

Ilan lang sa naging salubong sa akin ng mga classmates ko. Malalaking ngiti ang isinalubong nila sa akin. Nilingon ko si Daddy, nguminguti siya sa mga classmates ko.

"Congrats, dear." Sinalubong kami ng adviser ko. "Pasok po kayo."

Naupo muna si Daddy, dahil pinauna muna niya ang mga naunang dumating sa amin.

"Congrats, teh!" si Lorraine at Bianca.

Katuwa 'tong dalawang kaibigan ko, nag-tie, parehas silang Top 4.5.

"Oy, congrats din! Napirmahan na ba card niyo?"

"Yes! Umuwi na rin sila. Naiwan lang talaga kami para hintayin ka." Nilingon ni Bianca si Daddy.

"Tara po sa harap, Sir Guanzon."

Sumunod ako kay Daddy. Kahit Top 1 ako, kinakabahan pa rin ako sa mga grades ko per subject.

"She's very attentive sa class, Sir. Palagi siyang nakikipag-participate. At ang laging sinasabi ng subject teachers nila, si Amari ay hindi natatakot tulungan mga classmate niya. Ang ganda na, napakabait at talinong bata pa. Nakaka-proud naman ang batang 'to."

Napayuko ako dahil sa hiya pero 'di rin matago ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko ang salitang 'proud'. Lagi naman akong pinupuri pero nahihiya pa rin ako, parang hindi nga ako nasasanay.

Tahimik lang si Daddy habang pumipirma ng card ko.

Iniabot sa akin ang ibang certificate ko, para sa picture taking namin.

Top 1
Best in Mathematics
Best in MAPEH
Best in ESP
Best in Filipino

Ganito sa school namin, kada quarter ang dami ring mga pa-awards. Nakaka-motivate rin lalo mag-aral.

"Can I ask you a question, Ms.?" tanong ni Daddy habang hawak ang mga certificates ko dahil paalis na siya. "May chance ba si Amari para maging Class Valedictorian?" diretsong tanong ni Daddy.

"D-Daddy."

This is soooo embarrasing!

Nilingon ako ng adviser ko. Nakakahiya, pero nginitian niya ako. "Yes, Sir. Malaki ang chance ni Amari."

"Good to know. Thank you, mauuna na ako."

Iyon lang ang sinabi niya bago umalis na wala man lang sinasabi sa akin.

Wala man lang 'I'm proud of you' or 'Congrats!'

Sanay naman na ako na walang matanggap, pero kahit ganon umaasa pa rin akom

"Ma'am, pasensya na po sa itinanong ni D-Daddy. Nakakahiya po." Napayuko na lang ako. Parang hindi ko kayang titigan sa mga mata si Ma'am.

Andito lang kami ngayon sa canteen. Ang dami pa ring students ngayon dito sa school, kahit card day lang. Siguro nga busy ang iba rito, maraming ginagawa.

"Tara SanLo!" biglang aya ni Bianca sa amin. "Pwede pumasok doon ngayon."

"Gorabells ako!" mabilis na sagot ni Lorraine. Nilingon niya ako. "G? Para makita mo si Harold the love of your life!"

"Happy crush nga lang! Pero s-sige, tara!"

Pagkarating namin doon, mabilis lang kaming nakapasok kahit visitors. Inabutan lang kami ng Visitors Pass ID, at iniwan namin School ID namin.

"Gagi, lawak talaga rito!"

Hindi ko rin maiwasan na hindi mamangha rito. Sa gitna ay may isang malaking statue.

Napaka-welcoming ng vibes dito sa University. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit marami ang gustong makapasok dito. Sa naririnig ko kay Kuya, nakikinig ang admin o mga may matataas na posisiyon sa mga hinaing ng mga students dito.

Lakad lang kami nang lakad. Parang ipinagdarasal ko na hindi makasalubong si Kuya o kahit sino sa mga kaibigan niya. Malawak naman 'to, kaya sana hindi talaga.

"Wag!" Pinigilan ko si Bianca mag-picture sa tabi ng statue.

"Ha? Bakit?"

Natawa na lang din ako sa sarili ko, kasi naalala ko 'yong sinabi ng kapatid ko. "Sabi ni kuya, kung gusto mo raw makapasa rito at maka-graduate on time, 'wag ka raw mag-picture sa statue na 'to. Wala namang masama kung maniniwala tayo sa mga pamahiin nila. Ayoko rin mag-take ng risk 'no!"

"Ay, sabagay!" Napalingon siya sa kabilang gilid. May fountain doon. "Siguro pwede maghulog ng barya doon, sabay wish. Tara!" Tumakbo silang dalawa ni Lorraine.

"Amari!"

"Oy, Kuya Ice! Hello!"

Parang 'di pa ako tuloy sanay na friend na kami. Parang mas madali ko pa siyang sungitan. Pero, he's nice pala talaga. Base na rin sa kwento sa akin ng kapatid ko.

"Pupuntahan mo ba kuya mo?" tanong niya sa akin. "Balita ko card day mo ngayon? Kumusta? Congrats na agad and proud of you."

Ngumiti ako sa kanya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para biglang may karera na kung anong 'di ko maintindihan.

"Hmmm, abangan mo na lang later!"

"Ay, mayabang porke fb friend na kami!"

"Eh kung i unfriend kita?" pagbibiro ko sabay taas ng aking kilay.

Pabiro niya rin akong tinaasan ng kilay. "Huwag. Kawawa ka, mawawalan ka ng poging fb friend."

Jusko! Walang duda, kaibigan nga 'to ng kapatid ko, parehas na mahangin.

"Wala ka po bang class?"

"Actually, kadarating ko lang. Papasok na rin ako, nakita lang kita."

"Agoi! Pasok ka na, parang magiging kasalanan ko pa kapag na-late ka!"

Tawang-tawa siya bago ginulo ang buhok ko at nagpaalam sa akin.

"Una na muna ako. Enjoy kayo rito! Message mo 'ko kung may need ka."

Nagpaalam siya at sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko alam ba't ako nakangiti rito.

Nilingon ko ang dalawang kaibigan kong nakatingin na pala sa akin. Sumenyas silang lumapit ako sa kanila, kaya ginawa ko.

"Ano 'yon teh? Close na ba kayo ni kuya pogi?" tanong ni Lorraine sa akin. "Pogi niya, 'no? Sana i-accept na niya friend request ko." humagikhik pa ito.

"Yeah. He's my friend now. Hindi niyo pa ba napanood 'yong video ko? Nakapag-upload na ako sa google drive na ibinigay ni Ma'am."

Nanlaki mga mata nilang dalawa. "S-Siya kasama mo sa video?"

Tanging pagtango ang isinagot ko.

Nagkasalubong pa kami ng kapatid ko kanina, kaya isinabay na niya ako papauwi. Kami na rin naghatid sa dalawa kong kaibigan.

Katatapos ko lang maligo, naupo lang muna ako sa couch dito sa kwarto habang nag-i-scroll sa facebook. Nakita ko na ang mga post ng ilang classmates and schoolmates ko kasama certificates nila. Halos puro achievements ko lang naman ang laman ng facebook ko.

I decided to post na rin.

Amari Gracey Guanzon

- Grateful for all the hardwork paying off. A job well done, Amari! ^___^ More to go.

Mabilis ang pagdami ng likes and comments sa post ko na puro 'Congrats!' and 'Proud of you!' sana matanggap ko rin 'yan mula kay Daddy. Dahil kahit ano namang gawin ko, kahit anong achievement ko parang kulang pa rin kay Daddy.

Isaac Miguel Rivera commented on your post.

- Kaya pala ayaw sabihin kanina. Congraaats and keep shining bright, Amari! (⁠*⁠'⁠ω⁠`⁠*⁠)

Itinabi ko muna ang cellphone ko, kinuha ko mula sa drawer ng study table ko ang aking certificate albums. Dito ko inilalagay lahat ng hindi naka-frame na certificates ko. Inilagay ko na rin dito 'yong natanggap kong certificates kanina. Nakalimang album na ako simula Elementary, bukod pa 'yong mga naka frame at medals. Ang dami na rin pala.

Nakatitig lang ako sa mga achievements na natanggap ko simula nong nag-aral ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y naiiyak ako.

I can't afford to fail.

Who am I without my academic achievements? Who am I without my high grades? Who would be proud of me without those? Without those awards, I am no one.

Maaga akong nagising ngayon. May biglang announcement sa group chat namin na may long quiz kami sa Araling Panlipunan. Pinagpuyatan ko talaga dahil kailangan kong mag-review nang sobra.

"Amari, may food delivery ka," si kuya.

Inaayos ko namang ang necktie ng aking school uniform. "Wala akong order, kuya."

"Hindi, anak ko," si Manang ang sumagot sa akin habang iniaabot ang isang may katamtamang laki na cake box. "Si pogi nagbigay nito kanina, idinaan niya rito. May tuna pasta rin dyan, kainin mo na. Masarap siya magluto."

"Si Kuya Ice po?"

Napa-aray ako nang naramdaman kong may kumurot nang mahina sa tagiliran ko.

"Sows! Pogi lang nabanggit, si Ice agad? Parang noon si Harold ha?" tawang ani Kuya at tumabi kay Daddy. "Ikaw ha?" Pang-aasar niya pa.

"S-Syempre hindi naman nagawa si Kuya Harold ng ganito, kaya si Kuya Ice na agad naisip ko."

Pero si Kuya Ice talaga agad ang naisip ko pagkasabi ni Manang kung kanino galing ang cake.

"Sige, sabi mo, e. Crush mo mga tropa ko, ha? Pagbawalan ko kaya sila pumunta rito? Lalo si Ice?"

Nag make face ako kay Kuya. Inilapag ko ang hawak ko, at inopen ko. Fondant cake ito na may tulips design sa gitna. May nakalagay roon na 'Keep shining, Amari!'.

Meron ding walo na cupcakes doon at may isang box na cookies ang laman.. Hindi ko maitago ang mga ngiti ko na para bang ayaw kong kainin or galawin man lang 'to.

Kinuha ko ang phone ko at pinicturean ito. Balak kong i-post sa facebook story ko. Pag-iisipan ko kung ime-mention ko pa siya, baka marami kasing makakita. Pero pwede ko naman siyang imention siguro, paliitan at takpan ko na lang ng sticker 'yong name niya.

"Ilan na na-apply-an mo?" seryosong tanong sa akin ni Daddy.

"Apat na po."

"How about SanLo?"

"Wala pa pong update," tipid na sagot ko.

"Good to know. Ace all your entrance exam, para mas marami kang mapagpiliang university. Kung may time ka, check mo rin university sa province, magaganda rin state university nila."

Kumuha lang ako ng tatlong cupcakes, at ipinatago na ulit kay Manang ang iba. Pinalo ko pa nga kamay ni kuya kaninang kukuha siya.

Mabilis akong naglakad papunta sa room namin habangmay bitbit pang reviewer. Pagkapasok ko sa room, maingay ang lahat dahil abala mag-review dahil nga sa biglaan lang ang long quiz namin.

Siguro kapag hindi lumabas 'yong mga ni-review ko para sa quiz na 'to, ako na lang ang lalabas.

Napatingin ako sa pinto, kararating lang ni Bianca. "Gago, 'di ako nakapag-review!" bungad niya habang may bitbit na reviewer.

Araling Panlipunan ang favorite subject ni Bianca. Simula Grade 7 yata kami ay nabibigyan siya ng award na Best in Araling Panlipunan. Batak 'yan sa history.

"Wala pa akong naaral!" sigaw ng isa naming classmate na ngayon ay kadarating lang din.

"Nako! Ayos lang 'yan, nag-share ka naman manifesting post sa facebook! Pasado ka na r'yan, bes!" patolang si Lorraine talaga.

Natatawang napailing na lang ako. Tumayo ako para i-check kung kumpleto na kami. Sinabihan ko na mga classmates kong susunduin ko na si Ma'am, dahil iyon ang sabi niya sa akin kagabi. Pagka-check ko, nagpunta na ako sa Araling Panlipunan Department.

Mabilis na natapos ang araw. Mukhang wala pa ako sa sarili ko habang nagliligpit dito sa SSG Office. Nalaman kanina na may nag-cheat sa quiz namin. Retake tuloy kaming lahat. Wala akong idea sa kung sino 'yon.

"President, 'di ka pa uuwi?" tanong ni Leigh, secretary.

"Linisin ko lang dito."

Tumango siya at nagpaalam sa akin. Inayos ko mga envelope at tatlong letters na gagamitin namin. For donation and activities ito next week. Tree-planting activity ang isusunod namin.

Inilabas ko ang phone ko, at nag-update sa messenger note.

Amari Gracey Guanzon shared a note.
kabad3p mabohai. bosit!! inez ah!🙄

Itinabi ko rin agad at ipinagpatuloy ang pag-aasikaso.

"What time ang nasa letter for tree-planting, Amari?" tanong ni Ms. Garcia. Student Council Adviser.

Hindi na ako nakasagot dahil nasa table niya ang sample letter. "Oh, nice! I-send mo na lang din sa akin ibang project proposal mo."

"Noted, Ma'am."

Palabas na ako nang umilaw ang phone ko.

Isaac Miguel Rivera replied to your note.
aNueng prob5? uS2 moE iCe cReam tAu? LibR3 q!!

Agad akong nag-haha react sa message niyang iyon. Mabuti nga at naintindihan ko agad 'yon. Hindi ko alam na marunong din pala siya sa jeje typings. Ang formal niya kasi palagi.

Amari
school pa po aq.
palabas pa lang.

Isaac
hmkay! i'm outside hehe. :D

Agad akong nagmadali pababa ng building pagkabasa ko sa message niya.

"Amari!"

Napatalon ako sa gulat nang makita si Kuya Ice. "Tumatakbo ka? Anyare sa 'yo?"

The fuck! Labas ng building ba sinasabi niya? at hindi labas ng school?

"W-Wala! Hindi naman ako tumatakbo. Anong ginagawa mo rito?"

"Sabi sa iyo nasa labas ako, eh. Labas ng building." he smiled at me. "Akin na bag mo."

"H-Huh?! Anong bag?!"

"Bag? Iyang school bag mo. Ba't ka nasigaw? Ayos ka lang?"

Peke akong tumawa. "Hehe, oo naman!"

"Bag? Ang dami mong bitbit."

Nakipag-debate pa ako sa kanya. Sa huli? Nakuha niya bag ko. Tote bag pa man din iyon na may pangalan ko.

Pagkarating namin sa isang ice cream parlor, napagilid pa ako nang may biglang lumapit kay Kuya Ice.

"Hala! Omg! Isaac Miguel? Pwede pa-picture?!"

Hindi alam ni Kuya Ice kung ano ang ire-react niya, pero napa-oo na lang din siya.

"Pwede mo kami picture-an?" tanong sa akin ng babae.

Hindi man lang sinabi nang maayos.

"Wag na. Sa iba na lan-"

"Akin na." Pinutol ko agad ang sasabihin ni Kuya Ice bago siya inirapan.

Hindi lumalapat ang kamay niya sa mga babae, walang akbay. Nakalagay sa likod ang dalawa niyang kamay. Nagpe-peace sign lang siya kapag request.

Pagkaalis nila, napairap na naman ako sa kasama ko.

"Hindi ba marunong makisuyo mga ea mo?" Pagkaganitong badtrip ako!

"Ea?"

"Eabab! Babae!"

Tawa siya nang tawa nang marinig niya ang sinabi ko.

Anong nakakatawa?

"Eabab, amp! Hindi ko in-expect 'yon."

"Totoo naman."

"Eh, hindi ko naman mga babae mga 'yon. Gulat nga lang din ako. Ayoko rin ganon, pero 'di maiwasan. Pogi problems."

Naupo na ako at humalumbaba sa mesa. Nagpaalam siyang oorder na.

Hindi man lang niya tinanong gusto ko?!

Ilang saglit lang bumalik na siya. Pinagtitinginan talaga siya rito, ang iba'y pasimple pa siyang kinukuhanan ng picture. Aba! Baka mamaya ma issue pa ako.

"Kumusta ka? Kumusta araw mo?"

Naputol ang pag-iisip ko nang maupo siya sa harap ko at seryosong tinanong ako.

First time. Ito yata unang beses na may taong nagtanong sa akin kung kumusta ako at ang araw ko. Hindi kung kumusta ang grades ko.

"Alam mo ba?"

Hinila niya papalapit ang upuan niya sa akin. "Sige lang. Makikinig ako," he said with a gentle smile in his eyes.

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Nag-quiz kami kanina. Guess what?"

"What?" tanong niya habang diretso ang tingin sa akin.

"Someone cheated on our quiz."

Napailing siya sa narinig. "Ngi. Anyare? Papaano nalaman? Ano na sabi?"

"Nalaman sa kabilang section. Nakakainis nga eh, lahat tuloy ng efforts namin napunta sa wala. Kaduga, eh."

"Have you considered discussing this with your teacher?"

Napabuntong hininga ako. "Retake sa quiz lahat kami. Sinubukan kong kausapin kanina, pero hindi na raw mababago isip ni Ma'am, iibahin niya lahat. We need to be ready, dahil baka humugot si Ma'am sa ibang chapters."

"Lol, kawawa lang 'yong mga nag-aral nang mabuti, eh. Imagine nagpuyat kayo para sa wala? Damn. Sana 'di lang 'yan makuha nong nag-cheat, sana ipatawag parents niya and community service."

Napabuntong hininga ako. He's right. Kulang 'yong retake ng quiz para doon sa nag-cheat. Nang abala pa siya.

"Here's your order, Sir."

Nagulat ako nang makita ang dalawang favorite ko.

Matcha and Cheese Ice Cream!

Nanlaki mga mata ko habang nakangiti. Inilagay na rin ng dining staff ang ibang inorder ni Kuya Ice. May fruit tea and croissant.

"How did you know my favorite?"

"Well. Baka Isaac 'to?"

I smiled at him. Pero gusto kong malaman papaano niya nalaman.

Kinuha ko ang phone ko at pinicture-an ang mga pagkain. Kumuha rin ako ng video.

"Hindi mo ako isasali sa picture?" tanong niya.

"Luh?! Kapal. Baka isipin magkadate tayo."

Tinawanan niya ako. Inilabas niya ang phone niya at kumuha ng mga picture.

"Kuya Ice."

"Hmmm?" mabilis niyang sagot.

"Thank you." I said, sincerely.

"Oh. You're always welcome, Amari."

"You love matcha rin?"

Tinignan muna niya ang bowl na hawak niya at tumingin sa akin. "Y-Yes!"

"Parehas tayo. Ewan ko sa mga kaibigan, lasang damo raw. Pero masarap naman siya for me!"

"Masarap naman talaga ang matcha, mapait lang sa part na we can't force someone to choose us." He dramatically said habang nakahawak sa dibdib niya.

Napairap ako sa ginawa niyang 'yon bago natawa.

"Ang ganda mo."

Saglit akong natahimik sa sinabi niyang iyon. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, ramdam kong namumula ako. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha.

He reached out to brush a stray strand of hair away from my face.

"You look even more beautiful when you're smiling, Amari."

His words caught me off guard, and I felt my cheeks grow warm. "You think so?" I asked, a shy smile tugging at my lips. "I'll remember to smile more, then. Thanks for noticing."

Saglit pa kaming nag-stay rito. Tumunog ang alarm ng phone niya.

"Inangyan. Sinet 'yong alarm ko." Natatawang aniya at ipinakita sa akin ang kanyang phone.

5:30 PM
uwi ni Amari
-Arvin pogi.

Napairap na lang ako kay Kuya.

Pagkarating ko sa bahay, si Kuya naman ang wala pa. Inaasar pa nga ako ni Manang nang nakita niyang si Kuya Ice ang naghatid sa akin.

Ginawa ko lahat ng mga kailangan kong tapusin, bago ko kinuha ang phone ko.

Chineck ko ang facebook ko dahil tuloy-tuloy ang friend request at napakadaming notifications.

Isaac Miguel Rivera tagged you in a story.
2 hours ago.
- ice cream + you = perfect combo! joke, baka iunfriend ako. ><

It's a photo collage. Iyong tatlo ay ang place at kinain namin kanina, 'yong unang picture ay ako. Kitang-kita ako roon habang bawak ang ice cream bowl ko.

I replied to his facebook story.

Amari
kaya pala dami kong notifs.

funny ng caption mo. kapag ako sinugod ng mga ea mo, friendship over talaga.

Agad naman siyang nag-seen.

Isaac
sorry, sorry. delete ko na agad.
minemessage ka ba? sorry.

Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Hindi naman kasi ako mame-message basta-basta ng mga hindi ko facebook friends. Inayos ko 'yon noon sa Privacy.

Amari
nah! ios lng...👍🏻 'di nila aq mame-message. #efas

Isaac
good2know hehe. sori kung ang uncomfortable.
us2 q lng talaga i-post. cutie mo rin kasi naka-smile ka.
anak,,, smile ka dali. :D

Amari
kain tau bukas jeje.

Isaac
okie👍🏻sak2 wla aq class bukas... sundo kiTa after class mo?

Tawang-tawa ako sa way nang pagta-type naming dalawa.

Amari
Umayos na. Parang tanga naman hahahaha. Sige, early dismissal kami bukas, Friday. Chat kita?

Isaac
Hahaha, sige sige. What are you doing? Hindi ka pa matutulog? Kumain ka na?

Amari
I'm about to sleep. Yes, I ate na. How 'bout you?

Isaac
Good. I'm about to sleep na rin. Don't reply na. You should sleep na. Good night, Amari. Sweet dreams. See you tomorrow. :)

Kinaumagahan, maaga akong inihatid sa school. Nag-aasikaso ng papers dito sa office.

Naka-schedule na kami by next week for tree planting, and by next week friday naman ang fun run namin. Inorganized 'yon kasama ang Mathematics Department.

Mabuti nga at may mga donations din kami, may free food na sa lahat para sa mga sasama sa fun run and tree planting activity.

In-open ko 'yong page ng SanLo Science High School Student Council sa computer. Nag-post kasi kagabi kung anong gusto nila para sa student's night. Binasa ko ang mga comments doon.

Bianca Corpuz: Please, sana may band!

Eljhay Facun: Banda sana! Madam President @Amari baka naman!

Daphy: Sana this year may band! Pinaasa kami ng president last academic year!

Yena Dump: Last year ko na rito, sana may band then party party! please po pretty President @Amari

Halos lahat nagre-request ng band. Minemention na nga nila kung anong banda ang gusto nila, ang Midnight Echo from Crystal Valley Academy. Sikat na sila dahil bukod sa napaka-charismatic nila on stage, and sa vocals nila, grabe din ang visuals nila.

Isinulat ko lang lahat 'yon at idinikit sa table ko. Reminder lang para 'di ako mahirapang alalahanin sa susunod.

Mabilis na natapos ang araw. Nagpaalam ako kay Kuya na si Kuya Ice ang kasama ko. Sinabi niyang alam niya, dahil ipinaalam na raw ni Kuya Ice kagabi.

Sa labas ako hinintay ni Kuya Ice dahil hindi siya pinapasok ng guard.

He opened his car door for me. "Good afternoon!"

"Walang good, ikaw nakita ko, eh."

Pabiro niya akong inirapan.

"Unli wings tayo. G?"

"Sus! Unli wings, porke doon kayo nag-date ni Josh, doon mo rin ako id-date." Parang batang nagtatampo niyang sagot.

"Hindi nga date 'yon. Saan mo gusto?"

Parehas naming hindi alam, ayaw raw niya sa unli wings dahil kay Josh. May sira yata 'tong lalaking 'to.

"Unli seafoods!"

Sabay naming sambit.

At sa wakas, parehas din kami ng gusto.

Nag-drive siya pa Makati. May alam daw siya roon. Dahil inaasar niya ako kay Josh, ako naman mang aasar sa kanya.

"Sus, bakit mo alam doon? Siguro doon kayo nagd-date ng babae mo?"

"Iyong boses mo hindi ko alam kung nang aasar ka or nagseselos ka, e."

Bakit ako magseselos?!

Kinurot ko naman siya. "Totoo, eh! Hindi masagot. Sino kaya dinadala roon?"

"Wala po. Nakita ko lang sa tiktok, opening nila last week. Mukhang masarap!"

Naging mabilis ang byahe namin. Buti at wala gaanong tao kaya nakapasok agad kami.

Unli seafoods, and unli pasta sila rito.

Isinuot ni Kuya Ice sa akin ang bib na ibinibigay rito. Ang lapit niya sa akin, iba na naman kalabog ng puso ko.

"Ponytail mo?"

Kunot noo akong tumingin sa kanya at itinuro ang bag ko.

Ngi, hindi ko pala naayos buhok ko! Nakasuot na ako ng gloves.

Pagkakuha niya'y agad siyang nagpunta sa aking likod upang itali ang buhok ko.

"T-Thank you!"

Sinamaan ko rin siya ng tingin dahil ang bilis niyang kuhanin mga hipon.

Ilang saglit lang, ibinibigay niya sa akin mga nabalatan niyang hipon.

I smiled.

"Tell me about yourself! Gano'n kapag friends, 'di ba? Dapat kinikilala pa natin isa't isa."

Mahina siyang natawa sa sinabi ko. "Okay. I'm Isaac Miguel C. Rivera. First year Business Ad major in Corporate Management, student at SanLo University. I play badminton and basketball. I am student leader and a volunteer. Ano pa ba?"

"Your favorites!"

"Hmmm. Favorite color, light blue. Favorite food, pasta. Favorite enemy? Amari."

Halos mabulunan ako sa sinabi niya kaya mabilis niya akong inabutan ng tubig.

"Family?"

"Hmm. They own a company. Uhh, hotel, resorts, restaurants. Kaya ako nag Business Ad., para marunong na mag-manage ng business. Hindi nila ako pinilit, personal choice ko iyon. May kapatid ako, kambal. Girl and boy. Isabel and Ian. Six years old. Home schooling si Ian, may sakit siya sa puso. Isabel, Kinder na."

"Aww. Kumusta naman si Ian?"

"He's good naman. Bawal lang mapagod. Sa susunod, makikilala mo sila."

"Yaman ng family mo. Pero bakit ang bait mo? I mean ang humble mo. Iba kasi hindi na sasama sa mga kagaya namin. Grabe ka pa makipag-bonding kina Kuya!"

"My mom's teachings were centered on integrity and humility. She raised me to value people for who they are, not for what they have," he shared. "Kung may palagi man siyang ipinapaalala sa akin noon, iyon ay ang i-value palagi ang character over status, kindness over wealth."

"Your Mom sounds an incredible woman! Parang gusto kong ma-meet si Mrs. Rivera."

"She is. Gusto ka rin niyang ma-meet, actually. Tuwing umuuwi ako roon, hinahanap ka niya sa akin. Akala eh, may ipinatagong Amari sa akin." Tinitigan niya ako. "Alam ko namang maliit ka, pero 'di naman kita kayang ibulsa."

"Excuse me po?"

Hindi ko tuloy nagantihan si Kuya Ice nang lapitan kami ng isang staff dito para kuhanan ng picture. Abangan na lang daw namin sa facebook nila. Huh?

Natapos kaming kumain, maaga pa naman kaya andito kami sa Salcedo Park Makati. Mabuti nga ang ganda ng panahon ngayon, at mabuti na lang din marami pa ang puno rito.

"Ikaw? Tell me about yourself?"

"Hmm, what if hulaan mo?"

"Okay. Amari Gracey Z. Guanzon. A student leader and achiever! Mahilig sa color pink and ribbons. Mahilig sa sweets, like ice cream, cookies, cupcakes. Pero mahilig din siya sa matcha. Ayaw sa crowded place."

Napatulala lang ako sa kanya. Basic lang naman mga 'yon, pero parang alam na alam niya lahat.

"Nilalaro niya buhok niya tuwing kinakabahan siya or 'di siya komportable."

"Napansin mo pa 'yon?" Hindi makapaniwalang tugon ko, at ngukiti lang siya sa akin. "Pero wait, may napansin din ako. Mahilig kang mang side eye! Napapansin ko 'yon."

Napakagat siya sa ibabang labi niya at nag-iwas ng tingin. "W-When I'm annoyed."

Pinanliitan ko siya ng mata. So, annoyed ba siya sa akin?! Mukhang nabasa niya ang iniisip ko, mahina siyang tumawa at ginulo ang buhok ko bago umalis para bumili ng tubig."

Pinanood ko siyang naglalakad. Lakad pa lang niya alam mong galing na siya sa mayamang pamilya. Pero hindi ka maiintimidate sa kanya, napaka-welcoming ng aura niya. Kaya hindi rin takot lumapit at bumati sa kanya ang mga nakakakilala sa kanya.

"My one and only you."

Napalingon ako sa narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang vocalist ng Midnight Echo rito. He's alone, tanging gitara niya ang bitbit niya.

Crush ko talaga mga marunong mag gitara. Ang astig kasi, para akong hinaharana. Pero hindi ko crush 'to.

Ang lamig lamig talaga ng boses niya. Gusto ko siyang lapitan, pero 'di ko siya kilala, nakalimutan ko pangalan niya! Atsaka, baka masabihan pa akong creepy. I'll message their fb page na lang for inquiry.

"Matunaw naman 'yang si Felix."

Oh, right! Felix!

Pero, huh? Nilingon ko si Kuya Ice.

"You know him?!"

"Oo. Crush mo? Mahilig ka pala sa vocalist at guitarist, ha?" Pang-aasar niya sa akin.

"I like someone who knows how to play a guitar," I said. "Pero, no! Hindi ko siya crush no. Marami kasing may gusto sa band nila for our Students Night."

Pagkahatid niya sa akin, nakita na naman kami ni Manang.

"Napapadalas pagsasama niyo ni pogi!"

"Manang, bff ko na po siya."

Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo at gumawa ng assignments.

Kumuha lang ako ng cookies at gatas bago ipagpatuloy ang mga ginagawa ko.

Pinirmahan ko na rin 'yong letters na ipinasa sa akin.

Gumawa na ako ng proposal letter para Students' Night. Hoping ma-approve ito, bago ko i-message ang Midnight Echo. Pakiramdam ko kasi need din ng malaking budget for them, sumisikat na sila, tumataas na ang talent fee nila.

Nang matapos ko lahat, kinuha ko ang phone ko, chineck ko agad ang messages.

Isaac
Thank you for today, Amari!

Magta-type na sana ako ng reply ko nang may new message na naman siya.

Isaac
Rest ka na. Nagpupuyat ka na naman. Huwag ka na mag-reply. Rest na, okay? Good night, Amari. Sweet dreams. :)

~

Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro