Kabanata 32
"He keeps himself busy, Amari. Hindi na nga umaalis sa office niya 'yon kung 'di pa susunduin ni Tita Isabela."
Napaiwas ako ng tingin. Mahigit isang linggo simula noong nangyari sa coffee shop, isang linggo pero araw-araw niya pa rin akong nakakatanggap ng messages sa kaniya.
"Huwag mo na lang pong sabihin na ina-ask ko siya, Ate."
"Wala na ba talaga? Nasasaktan kami para sa inyong dalawa, almost two weeks na rin, 'no?"
Two weeks na rin pala? Ang bigat pa rin kasi, ang sakit pa rin.
Umalis na rin si Ate Margarette, nagpunta lang siya rito para sa interview.
"Pakilinis buong area niyo, on the way si Sir Isaac dito ngayon."
Ngayon ko na lang ulit siya makikita. Hindi siya pumupunta rito dahil sinabi ko noon na kapag pumunta siya rito para makipagbalikan, mag-r-resign ako.
I need to work pa rin, naghahanap ako ng bedspace near our university and sa work. I need to work because I have bills to pay.
"Ayos ka lang?" tanong ni Ate Lily sa akin. "Dito ka lang sa likod ko kapag uncomfortable ka."
I smiled, and nodded slightly. Nasa labas ako now, bumalik muna ako for dining staff.
Ilang minuto lang nakita ko ang sasakyan niya. Hindi siya agad bumaba roon.
"Good afteroon, Sir." Nakayukong pagbati ko pagkapasok niya.
"Good afternoon, bab- Amari."
"Galing po ba rito si Ms. Margarette?" tanong niya sa Restaurant Manager. "How was it? Sabi niya marami raw siyang napansin sa mga team members dito. Monthly meeting tayo, Ma'am, by next week. I'll message you pagkauwi ko, and forward agad sa team."
Pagkauwi, 'di ka na nga raw umuuwi.
Hindi ko maiwasang hindi siya lingunin, nangayayat nga siya. Bukas maglalaro pa siya, pero 'di nagbababad sa court. Halos ilang game na ang talo nila.
Naupo siya sa sulok, pero nakapaharap siya sa amin. Inilabas niya lang laptop niya, panigurado nagawa ng thesis 'yan dahil may ilang books siyang inilabas.
"Amari, kuhanin mo order ni Sir Isaac."
Okay, Amari, be professional.
Lumapit ako at inilapag lang ang menu sa table niya. Iniangat niya ang tingin niya sa akin, iyong mga mata niya, para na naman akong kinakausap, ang lungkot.
"You can call me if ready to order na, Sir."
"Amari."
Inilabas ko ang tickler ko at naghihintay nang sunod na sasabihin niya. Nilingon ko siya, at nakitang nakatitig siya sa akin.
"Ano? If wala, ililipat ko sa ibang team member."
"S-Sorry, iyong best seller niyo rito and water lang, 'wag cold, please. Thank you."
Hindi na ako umimik, isinulat ko na lang kung ano ang madalas niyang ino-order, bago ko finorward iyon sa kitchen.
Pasimple ko siyang pinapanood, may sakit ba 'to? Inuubo kasi siya, at nagsuot ng hoodie niya.
Ilang minuto lang isinerve ko na rin iyon sa kaniya. "Enjoy your meal, Sir."
Pagkatalikod ko, eksaktong bumukas ang door at nakita si Felix and Liam.
"Hello, good afternoon, Sir!" Masaya kong bati sa kanila.
"Good afternoon, Amari. Taas ng energy, ha?"
"Syempre! Table for four ba?"
"Kitang dalawa lang kami," sagot ni Liam.
Natawa ako sa kaniya. "Aba! What if kasama niyo ka-date niyo?"
"Tsaka na, busy pa iyong type ni Felix, naka-duty.. Aray, men!"
Siniko siya ni Felix. "Table for two, Ms. Amari."
Ang may vacant na lang for two iyong malapit kay Ice.
"Just call me if you need something or if you're readu to order na."
Nagtama ang mga mata namin ni Ice, ako na ang unang bumitaw.
"Pogi ng customer mo, teh!" Kinikilig na sambit ni Ate Lara.
"Silang dalawa? Oo naman! They're both good at music pa, haranahin kayong dalawa niyan."
Napatili sila, kaya napatingin sa amin si Ice. Napabalik tuloy kami sa ginagawa namin.
After they ordered, ibinigay ko na rin naman iyong order nila.
"How 'bout you? Did you eat na? Pwede ka bang sumabay kapag naka-break ka?"
"No," sambit ni Ice. Mahina iyon, alam kong ako lang ang nakarinig.
"Yes naman. Na-try na namin nila Lorraine. Magtatanggal lang me apron and t-shirt na uniform namin. I have extra shirt naman here, pero later pa break ko."
"Good to know. That's okay, willing to wait kami sa break mo, and we'll order another meal na lang later."
Pagkapasok ko sa loob, ramdam kong nakasunod sa akin si Ice.
"Why are you following me?"
"Bakit sa kanila ka sasabay? Bakit hindi sa akin?"
"Bakit ako sasabay sa 'yo? Ano ba kita?"
Hurt flashed into his eyes. Napalunok siya sa sinabi ko at napaiwas ng tingin. "Sorry."
Bumalik na siya sa loob para ipagpatuloy ang ginagawa.
Nang dumating na ang break ko, nakangiti akong lumapit sa kanila. Ipinaghila ako ni Felix ng upuan, magkatabi kaming dalawa, at talagag nakapaharap kami kay Ice.
"What do you want?"
"Hmmm, gusto ko mag heavy meal, 'di ako kumain before umalis sa bahay."
"Bakit 'di ka kumain? Dapat kumakain ka lalo nakakapagod mag-work."
"Na-late gising ko, pero minsan kumakain ako."
Andaming in-order nitong si Felix. Sana maubos namin.
"Kumusta ka naman? I heard what happened."
"A-Ayos lang ako. Busy sa work and sa studies, you know, I need to grind, maraming need bayaran."
"If you need help, you can message me. Naalala ko, looking for bedspace ka pa rin ba or may nahanap ka na? I saw your post last night."
"Currently looking pa, bedspace 'yong iba pero medyo pricey pa rin for me. May kilala ka ba?"
"Yes, yes. Kay Tita Judy, malapit siya sa SanLo. Here's her facebook account, message her."
"Oy, thank you! Price range niya? Hindi ba aabot ng three thousand?"
"Nope, andiyan na rin lahat ng bills. Noong nakaraan nakita ko post niya looking siya ng dalawang tenant, e."
Minessage ko na kaagad, mahirap na baka maunahan.
"Can you please tell her na I messaged her? Baka 'di niya mapansin."
Felix chuckled. "Done, baka naglilinis sila kaya 'di pa napapansin."
Hindi ako makakain nang maayos, ramdam kong nakatingin sa amin si Ice.
Pasimple akong lumingon sa kaniya, tama akong nakatingin siya sa akin. Kita kong nasasaktan siya, kitang-kita sa mga mata niya.
After duty, naghihintay ako ng sasakyan. Ito lang ayaw ko kapag opening, mahirap sumakay pauwi.
Huminto ang sasakyan ni Ice sa tapat ko.
"Halika na, sabay ka na sa akin. Gabi na, mapaano ka pa,"
"Sana naisip mo rin 'yan noon. Pero thank you, Sir Ice. Okay lang ako rito."
Bumaba siya sa sasakyan niya. "Please, hayaan mong ihatid kita. H-Hindi kita kukulitin, wala akong sasabihin."
Hindi ako umiimik, eksaktong tumunog ang phone ko. "Nag-book ako ng ride,"
Iniwan ko siya roon at sumakay na sa motor.
"K-Kuya, be careful, ha? Huwag masyadong mabilis."
"Opo, Ma'am."
While on our way, mas bumagal ang takbo ni Kuya.
"Ma'am, kanina pa po nakasunod iyang magandang kotse sa atin,"
Alam kong si Ice iyon, dahil nakatatlong busina rin siya sa amin.
Nang makarating kami sa bahay, mas nagtaka ako dahil diretso iyong sasakyan niya sa amin.
"Anong gagawin mo rito?"
"Matutulog," casual na sagot lang niya. "Sabi ko sa iyo 'wag kang mag-m-motor, hindi safe."
"Sinong may sabi sa iyo?"
"Need ko pa ba ipaalam? Matic na 'yan kay Vin. Tara na sa loob."
"Ayoko."
"Baby, 'wag makulit."
"What are you talking about?"
"You're still my baby, Amari."
Hindi ko siya pinansin at pumasok sa loob. Naupo lang muna ako at nagtitingin pa rin ng bed space.
Naramdaman ko ang pagtabi niya kaya bahagya akong lumayo.
"Hindi ka ba takot kapag ganiyan? Baka kasi 'di safe, lalo 'di mo kakilala makakasama mo."
"Okay na 'to, makapag-ipon lang muna ako."
"Hanapan kita apartment mo, don't worry about the bills na, ako na bahala roon."
"Then, what? Ipapamukha na naman sa akin na gold digger ako? Hindi totoo, pero masakit."
"S-Sorry, balik ka na lang sa unit, uuwi ako sa bahay."
"Para ano rin? Ipapamukha na namang pabigat ako, walang delikadesada." Humarap ako sa kaniya. "Look, na-appreciate ko lahat nang ginawa mo for me, sobra-sobra na iyon. Pero pagod na ako, Ice, pagod na ako sa mga tao sa paligid mo. Na-trigger 'yong pain dahil sa ginawa mo, lalo mo lang ipinamukha sa akin na tama sila, umeksena lang ako sa inyo ng ex mo."
"Hindi, baby. Hindi gano'n."
"Pero gano'n ipinaramdam nila sa akn. And you? Isang beses mo lang ginawa pero iyong sakit? Triple pa sa lahat nang ginawa nila sa akin. N-Noong araw na iyon, nakasagutan ko si Zarm. Malaki tiwala ko na 'di ka pupunta roon, pero mali pala ako." Sobrang bigat ng puso ko. Tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko.
Hinang-hina na rin ako, pero pinipilit ko na lang maging matapang sa harap niya, kahit durog na durog ako sa sitwasyon naming dalawa.
"T-Tuwing nakikita ko si Zephanie, wala akong ma-feel na hatred towards her, p-pero na-i-insecure ako. Kasi tama sila, perfect kayo together. Isa ako sa napapa-second look everytime dumaraan siya." Bahagya akong umatras. "Iyong taon na magkakilala tayo, hindi pa kumalahati sa taon nang pagkakakilala niyo. Kaya siguro mas pinili mong puntahan siya."
"Wala sa taon 'yon, baby. Hinding-hindi niya mapapantayan 'yong saya na kasama kita."
"Then, why? Bakit mas pinili mo akong iwanan doon at puntahan siya? Umalis ka nang walang paalam man lang. Magkatabi building natin, iyong gym ilang minutes lang ang layo, pero 'di ka nag-effort magsabi. Akala ko you'll be the one to protect me from them? Bakit parang kagaya ka na nila? Sinasaktan na rin ako."
"Please, please, listen to me." Lumapit siya sa akin. Hawak niya ang mukha ko at pinupunasan ang luha ko. "Baby, listen to me, ha? Hindi ko siya pinuntahan doon. I don't have any idea na andoon siya, maniwala ka sa akin. Hindi ko alam kung papaano kita mapapaniwala, dahil wala akong evidence."
I can't stop myself from crying, sobrang bigat sa puso. Paulit-ulit kong naaalala iyong mga sinasabi nila sa akin.
"Ginamit nila si Ian, nag-panicked ako, that time si Mommy wala rito sa Pilipinas, ako lang malapit sa kanila. Pero pagdating ko ro'n, I saw Zephanie, nagalit ako sa kanila roon, pero ipinipilit nila sa akin na mali ako nang pagkakaintindi."
"I messaged you, baby. Sinabi ko na babalikan kita kaagad, I just need to check Ian. Bumalik ako kaagad, pero naabutan ako nang malakas na ulan. I tried to call our drivers, na-stuck din sila sa Alabang. Hindi kita kayang saktan para kay Zephanie, baby. Maniwala ka sa akin. I don't care sa years na 'yan, masaya ako sa iyo, ikaw 'yong mahal ko."
Umiiling ako. "Ayoko na. P-Pagod na ako."
"I'm willing to wait, baby. Kahit gaano katagal, hihintayin kita."
"S-Stop, wala akong maibibigay na assurance sa iyo."
"Andito pa rin ako." He kissed the top of my head. "Ikaw lang palagi, lagi't lagi, Amari."
Pagkagising ko, naabutan ko si Ice. Bagong ligo rin siya, naka-hoodie 'to simula kahapon, 'di ba siya naiinitan?
"Good morning, baby."
"Why are you still here?"
"Hinintay kitang magising, para makakain ka. Narinig ko kahapong 'di ka kumain before working."
Hindi ako umimik. Hindi ko siya tinitignan, pero nakikinig ako sa bawat sinasabi niya.
"Uuwi na ako kapag alam kong kumain ka na. Sabay ka sa akin papuntang work."
"Sasabay ako ni Kuya."
"Maaga po siyang pumasok sa work."
Sabay kaming papasok, sa harapan ako naupo.
Inaantok ako, 'di ako nakatulog kakaisip.
"Pwede kang umabsent today, sasabihan ko si Margarette."
"No, I need money, may mga kailangan akong bayaran. You don't need to pay my own billis." Napatingin ako sa loob ng sasakyan niya. Nakalagay pa rin iyong pink ribbon tie ko sa gearshift knob ng sasakyan niya. Bawat sasakyang gamit niya, may hair tie ko. "Good luck sa game niyo later."
"Wala na, ipapanalo ko na 'to."
Lol, tatlong magkakasunod na talo pa nila, laglag na sila.
Diretso akong bumaba at pumasok sa restaurant.
"Good morning, you guys okay na?"
"Sa bahay siya natulog," tanging sagot ko. "Tropa ng kapatid ko si Sir Isaac."
Umalis na rin siya para makapag-ready sa game, late na nga 'yan. Mapapagalitan pa 'yan.
Ito maganda sa branch na 'to, nakakalimutan kong maging malungkot sa daming customer. Anlalaki pa ng tip nila, kahit minsan drinks lang binibili nila.
Naalala kong half day lang ang operation ng restaurant ngayon dahil sa daily cleaning nila.
"May ticket ako! Nood tayo!"
"Ayoko, matutulog na lang ako."
"Dali na! Kapag natalo sila ngayon, alanganin na talaga silang makapasok. And kapag nalaglag sila, first time ng SanLo na 'di makakaabot ng finals."
Naalala ko kung gaano kagusto ni Ice na mabigyan ng panibagong championship title ang SanLo.
Napilit nila ako, basta bigyan ako ng cap and shades. Nakasuot ako ng shorts, and white polo. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko.
Medyo may kalapitan din kami sa court.
Agaw pansin si Ice, may inner shirt kasi siya na long sleeve. Napaano 'to? May pasa na naman ba siya?
Nakatingin siya sa scoreboard habang hawak ang bola, napatingin din ako roon. Hindi masyadong nagkakalayo ang score. Bumalik ang tingin niya sa mga kasama at sa opponent team. Para niyang tinatantya kung gaano kalayo, at anong atake ang gagawin niya.
Nag fake move siya to the left, and nakalusot siya sa right. I'm crossing my fingers now, sana manalo sila.
"Rivera for three!"
Nagsigawan ang fangirls niya, para akong nakahinga nang maluwag. Naging maganda ang sunod na mga minuto dahil halos lahat, pasok.
One more point, and they'll win this game. Please, please, give this to them.
Tahimik ang lahat nang nanonood. Malayo si Ice sa ka-team niyang may hawak ng bola, pero may dalawang nakabantay sa kaniya.
Nagtinginan sila ng ka-team niya, Ice gave him a nod.
Patapos na ang oras, at sa huling limang segundo, naipasa ang bola kay Ice, naging mabilis ang pag galaw niya, at buzzer beater!
Palihim akong napapalakpak. Buhay pa, may pag-asa pa sila, igagapang pa nila 'to.
Tumakbo mg ka-team niya sa kaniya at niyakap siya. Isa-isa silang binigyan ni Ice ng head pat. Favorite thing to do niya 'yan.
Inilibot ni Ice ang mata sa buong venue.
"Galing niya! Pero look, siguro hinahanap ka niya?"
"Baliw, alam niyang 'di ako manonood."
Hinawakan ako ni Ate Lily habang palabas kami ng Arena. "I know, Amari, I know."
Napangiti ako, alam kong si Ice nagsabi sa kaniya about d'yan noon.
~
Hindi na ako ginugulo nila Zarm, wala na akong naririnig na kahit ano sa kanila ng mga kaibigan niya.
"Good job, Guanzon's team!"
Nakakuha kami ng flat uno sa italian dish presentation namin. Nahirapan lang din ako kanina sa pan na gamit namin. Non-sticky raw pero halos madurog na 'yong pasta ko.
Nakalipat na rin ako kagabi sa bedspace na recommended ni Felix. Maganda nga dahil may sarili kaming privacy curtain.
Nahiga lang ako sa kama ko, busy mag-tingin ng picture.
I miss you.
Iyon na lang nasabi ko pagkakita ko ng pictures namin ni Ice. Ilang araw ko na rin siyang 'di nakikita, pero sa kada araw na iyon, palagi siyang may message sa akin. Halos everyday rin akong may food and flower delivery galing sa kaniya.
Speaking of, nakatanggap ako ng text message sa kaniya. Gagi, 'di ko pa pala napapalitan name niya sa contacts ko.
From: Lovey ♡
Baby, let's eat na hahaha. Fuck, I miss you so bad and it's killing me.
From: Lovey ♡
It's been almost a month, baby. And I'm still here, crying. Please know that, you'll be the last girl. Kung 'di ikaw, 'di na lang.
Lasing ba siya? Hindi, e. Ang ayos ng typings niya.
From: Lovey ♡
I miss everything about you. I miss you, balik ka na. Hindi ko na kaya. I love you always, and in all ways.
Doon ako napaiyak. Walang gabing 'di ko siya iniisip, walang gabing 'di ako umiiyak. Kung alam lang niya gaano ko siya ka-miss.
To: Lovey ♡
drunk? baka 'di para sa akin 'yan.
From: Lovey ♡
I'm outside your boarding house, nilalamok na ako hahaha. Para sa iyo lahat 'yan, para sa iyo lang din ako.
Napabangon ako at pasimpleng sumilip, nakita ko siya roon. Nakaupo siya sa hood ng sasakyan niya.
Inayos ko muna ang sarili ko bago siya babain.
"It's too late, what are you doing here?"
Napaalis siya at tumingin sa akin. "Na-miss kita kaya gusto kitang makita."
"Nakita mo ako, you can now leave." No, please, I miss you more.
Hindi siya umimik, bahagya siyang lumapit sa akin at pagod na isinandal ang ulo sa balikat ko.
"Kaya ko pa kaya?" mahinang tanong niya.
Ang bigat nang bawat paghinga niya.
"I told you to just give up on me, wala kang mapapala sa akin."
"Shut up, baby. What are you talking about? Ikaw lang 'yong 'di ko susukuan. Let me just recharge for a minute."
Gusto ko siyang yakapin, gusto kong sabihin na miss ko na rin siya.
Iniangat niya ang tingin sa akin. "I love you."
"Umuwi ka na Kuya Ice."
"Huh? What do you mean?" Bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "Eh, nakauwi na ako."
Pumikit ako at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa mga labi ko.
"U-Umuwi ka na. Matutulog na rin ako."
Pagkapasok ko ng bahay, rinig ko ang pagbusina niya ng tatlong beses.
Miss ko na rin si Ian and Isabel, nakakausap ko si Tita Isabela minsan. Minsan nga, kausap ko tuwing gabi si Isabel, kaya nagtataka si Ice bakit daw naka in another call ako, 'di ko sinasabing kapatid niya kausap ko.
"Ate Amari? May food delivery po kayo sa baba."
Napatingin ako sa phone ko, ang aga naman magpadala ni Ice.
Nireceive ko iyon at tinext si Ice. Napabalik ang tingin ko dahil wala pa rin siyang reply hanggang sa makaidlip na ako ulit.
Una kong binuksa ang message niya habang kumakain ng pizza na galing sa kaniya.
From: Lovey ♡
Good morning, baby. What food delivery po? Kagigising ko. That's not from me.
To: Lovey ♡
Are u for real? Kanino galing galing 'to?
Nag-send siya nang picture na nagluluto siya. Napangiti ako, mas pinipili niyang magluto kaysa mag-order.
From: Lovey ♡
Wait mo na ako, patapos na rin ito.
Naligo ako, shinare ko iyong dalawang malalaking box ng pizza aa mga kasama ko.
Hindi ko alam pero inaabangan ko rin ang pagdating ni Ice. Napapairap na lang ako sa sarili ko.
Nang makita ko ang sasakyan niya, nagkunwari akong abala, nakadalawang tawag siya bago ako sumagot.
[I'm outside, baby.]
"Good morning, baby. How's your sleep?"
"Ayos."
Hinawakan niya ako papasok sa loob. May pwesto roon kung saan kami pwedeng kumain. Buttered shrimp and garlic rice ang dala niya.
Ipinag-p-peel niya pa rin ako ng shrimp. Kahit walang mailagay sa kaniya, ma make sure lang niyang meron sa akin.
"Makakanood ka later?"
"May mga need akong tapusin."
"Bukas?"
Best of three sila ngayon ng isang team, kung sinong mananalo, siya ang aabante.
"If nanalo kayo today, I'll go watch you tomorrow."
Parang nagliwanag ang mga mata niya. "Easy peasy! Panalo agad kami tomorrow. Nasa iyo pa ba mga jersey ko? Isuot mo jersey ko bukas."
Inirapan ko siya. "Kung lamang kayo ng sampung puntos ngayon, go."
"Baby, napaka basic niyan."
I know, basic lang talaga 'yan for him.
After naming kumain, binigyan ko siya ng pizza.
"Galing sa manliligaw ko."
Tumaas ang kilay niya. "Wala naman akong pinadalang ganito."
"Hindi naman ikaw."
"Okay lang kahit ilan kaming nanliligaw sa iyo, ako naman favorite mo."
"Kumain ka na, matutulog pa ako."
Uuwi lang naman talaga ako ng bahay ngayon.
Pagkaalis ni Ice, dumiretso na rin ako sa bahay.
Nakita ko si Mommy, gulat nga nang makita ako.
"Kumain ka muna, 'di ka nagsabing uuwi ka. Hindi ako nakapagluto, pero may kanin diyan."
"I'm done eating."
"I heard mga ginagawa sa iyo ng family ni Ice." Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi sila makakabuti sa iyo."
"Sinong makakabuti sa akin? Kayo? Kayo ni Tito Manuel? Anong kabutihan pala ginawa niyong dalawa? Hindi ba nanira kayo ng pamilya?"
"H-hindi ka namin sasaktan, anak. Sa akin ka na lang sumama."
"Are you really out of your mind? Hindi niyo malalason utak ko, I'm not coming with you! Hindi rin kayo aalis, pagbabayaran niyo mga kasalanan niyo rito."
"Mas magiging maayos buhay mo roon, 'di mo kailangang magtrabaho."
"Mas gugustuhin ko pang mapagod sa trabaho, kaysa makasama kayo."
Sinubukan niyang lumapit at hawakan ako, pero mabilis akong nakaiwas sa kaniya. "Kahit anong sabihin mo, kahit anong mangyari sa amin ni Ice, 'di ako sasama sa inyo. Nagdurusa ako rito dahil sa pamilya niya? Go, sama-sama tayong tatlo."
"Walang mananakit sa iyo, anak, kapag sumama ka sa akin."
Sarkastiko akong tumawa. "Naririnig mo ba sarili mo? Tama na! Kahit anong sabihin mo, 'di ako sasama sa inyo, hindi, never! Sama-sama tayong magdudusa rito!"
Wala na akong maiiyak, pagod na pagod na rin ako sa mga nangyayari. Parang tinanggap ko na lang.
Noong hapon na, nanonood ako ng fb live sa laro ni Ice. Sana walang kaibigan ko ang nanonood.
Busy ako sa pagkain at panonood nang bumukas ang pinto ko.
"Amari Gracey!"
Bigla kong naibaba ang cp ko nang makita si Lorraine at Bianca.
"Gega, 'wag mo na itaob! Kita ka naming nanonood, lumabas sa screen Amari Gracey Guanzon is watching with you."
Napairap ako kay Lorraine. "N-Nanonood lang, wala akong magawa, e."
"Bakit ka ba nag-e-explain? Baliw, you can watch naman," sambit ni Bianca. "Kumusta ka naman?"
Itinuloy ko ulit ang panonood ko. "Okay naman, masakit pa rin, pero kinakaya naman."
"Wala na ba talagang chance? Hindi mo na ba siya mahal?"
"Mahal ko 'yon, mahal na mahal." Walang pagdadalawang isip kong sagot. "Palagi ko namang mahal 'yan. Nasasaktan lang ako, narinig ko na rin naman explanation niya."
"Nanliligaw siya? Binigyan mo ulit ng chance. After naming marinig explanation niya, I think deserve naman niya ng second chance, but up to you pa rin naman."
"Sinabi ko wala siyang mapapala sa akin, 'di ko siya mabibigyan ng assurance, pero he's willing to wait naman daw."
Tumabi si Lorraine sa akin. "Are you scared pa rin ba?"
Tumango ako. "Kay Ice? Wala akong problema. Sa mga tao sa paligid niya? Andami. Napagod ako intindihin sila, napagod lang din akong tanggapin nang tanggapin na lang pang mamaliit nila sa akin. Iyong pinsan ng ex niya, simula noong naghiwalay kami ni Ice, 'di na niya ako pinagsasabihan nang masasakit na salita.
"Wala bang ginagawa si Kuya Ice? Nag-message siya sa akin noon, kamustahin daw kita, samahan ka raw namin palagi."
"Marami, palagi niya akon prinoprotektahan laban sa kanila. Nakakatakot lang, tahimik na buhay ko ngayon, e."
"Tahimik nga, 'di ka naman masaya. I mean, syempre nadamay kung anong meron kayo ni Kuya Ice."
Napalingon ako kay Bianca, totoo naman. Tahimik kasi wala akong natatanggap na masasakit na salita, pero 'di masaya dahil naging apektado iyong kung anong meron kami ni Ice.
"M-Masaya naman ako."
"Wow, fake it till you make it ang atake."
"Halata namang iba iyong saya niyong dalawa kapag magkasama kayo. Pero siguro nga, give niyo lang ng time ang isa't isa."
Sumama sila sa panonood sa akin, may bitbit palang pagkain mga 'to, dito balak matulog.
"May extra ticket ba si Kuya Ice? Ubos na ticket sa SanLo. Gusto kong manood."
"May ibinigay siyang tickets kanina bago siya umalis, five ata 'yon."
SanLo won, 'di rin maitago ang ngiti sa akin. I saw Ice, napaupo na lang after the game, he looks so tired. Napatingin siya sa score board, lamang sila ng twelve points, nakita ko ang pagngisi niya, napairap ako, alam ko naman kung bakit.
Kinaubukasan, suot ko ang jersey ni Ice, pero sinabi ko kaninang tumawag na 'di na ako gagamit ng mga gamit niya, biniro ko lang naman. Naka
On the way na kami sa venue, naka pants and jersey ako na katulad ng kay Ice kaya nagbitbit ako ng jacket dahil sleeveless type ito.
Ang haba na agad ng pila, anim kaming magkakasama ngayon.
Nakapasok kaming wala pa mga players, pero rinig na agad ang ingay. Kapag nanalo ang SanLo ngayon, laglag na kabilang team, pero malaki raw chance ng kabila ngayon dahil nakabalik iyong pinakamagaling na player nila.
Dedma, mas magaling si Ice.
Busy ako mag-scroll ng messages nang makita ang gc namin na IceMari.
Jelly sent a photo.
Kapit lang guys! Nasa bandang baba lang si Ate Amari, suot niya pa jersey ni Kuya Ice!
Reanne
hoy, gago! teka! walang maghihiwalay sa pamilyang 'to!
Jelly
kinikilig akoooo! panalo 'to, panalo si Kuya Ice!
Napangiti na lang ako hanggang sa lumabas na players ng SanLo. Unang-unang lumabas si Ice na may hawak na bola. Hinubad niya iyong warmer niya.
The game started, ramdam ang kaba sa bawat pagpasa ng bola. Or ako lang kinakabahan?
"Hoy, teh! Baka 'di ka na humihinga r'yan!" si Gabby sa akin.
Mukhang hindi na, dahil sobrang dikit ng laban. Iyong sinasabi nilang best player ng kabila, magaling talaga. Pero mas magaling pa rin siya.
During their break, lumapit sa akin si Jelly na nasa gc, may iniabot siyang paper bag sa akin, ay bubble headband na mukha ni Ice. Nag-picture din kaming dalawa.
During break, ipinagdarasal ng mga katabi ko na lumabas ako sa big screen, at mukhng malakas sila dahil eksaktong pagkatingin ko sa big screen, andoon na naman ako.
Kinikilig na itinutulak tulak ako ng mga kaibigan ko, mga taksil. Itinuturo pa nila ang suot kong bubble headband. Nahihiy na lang akong kumakaway rito. Napatingin ako kay Ice, Nakapamewang siyang pinapanood ako sa bigscreen, nakangiti pa
The game ends with a bang. Nanalo ang SanLo dahil sa last three points ni Ice. Sinalubong siya ng yakap ng ka team niya. Napatingin ako sa picture niyang kinuha ko. My mvp.
Iniinterview siya ngayon, naigapang nila lahat ng remaining games nila. Kaunti na lang for championship title na ulit.
"Lapit tayo, pa-picture."
"Dami-dami na naming picture ni Ice."
"Bruha! Iba pa rin kapag galing game, post mo proud ex here."
Pabiro ko siyang sinabunutan. Nang kakaunti na ang tao, lumapit kami sa kanila, halata namang hinihintay rin kami ng isang ito.
"Congrats!"
"Thank you!"
Nagpapicture kami sa kaniya. Ito si Lorraine at Gabby, itinulak ako palapit kay Ice.
"Congrats," mahinang bati ko.
Hinawakan niya ang bewang ko and he kissed the top of my head. "Thank you for coming. Bagay talaga sa iyo last name ko," aniya habang nakatingin sa suot ko.
Mahina ko siyang siniko at inirapan. Nag-picture din kaming dalawa.
Sa kaniya ako sumabay, ayaw niya akong pasabayin kay Gabby.
"Where are we going? Hindi naman 'to daan pauwi sa boarding house?"
"Daan 'to pabalik sa dating tayo."
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Natatawa naman siya sa naging reaksyon ko.
"Kidnapping 'to."
"Kidnapped? Hindi ka naman na bat- ay, baby ka pa pala, baby ko."
"Shut up, Isaac Miguel."
Tumalikod ako sa kaniya. Binagalan niya ang pagmamaneho, papansin.
Narinig ko ang pagtawa niya sa gilid.
"Sungit, dadaan lang tayo saglit sa bahay. May kukuhanin lang ako."
"Andoon sina kambal?"
"Yes, hinihintay ka nila."
"Bilisan mo pala, ba't mo binabagalan?"
"Para mas matagal kitang kasama, mamaya uuwi ka na naman."
"Pangit ng trip mo."
"Ayos lang, pogi naman ako," bulong niyang sagot sa akin.
Pagkarating namin sa bahay, hindi ko na nahintay si Ice na pagbuksan ako ng car door. Nakita ko kasing nakaupo sa labas ng bahay nila si Isabel, nakahalumbaba pa.
"Ate Amari!" Sinalubong niya ako ng yakap at nagpabuhat sa akin. Naramdaman kong unti-unti nababasa ang balikay ko. "I m-missed you, ate."
My baby's crying.
"Why are you crying? I'm here naman na." Pang-aalo ko sa kaniya. "Stop crying na."
"Miss po kita, e. Now lang kita ulit nakita," she pouted. "Bati na kayo ni Kuya? Kayo na po ulit."
"L-Let's go inside muna, baby," sambit ko, bago siya ibinaba.
Pumasok si Ice sa kwarto niya.
"Dito ba umuuwi si Kuya mo?"
"Yes, ate. Sometimes nasa condo po siya, pero mas lagi po siyang umuuwi rito."
"Sinusundo po ni Mommy or ni Kuya Ivan minsan," sagot ni Ian sa akin at inabutan ako ng chocolates. "That's for you, ate."
"Kumakain ba siya?"
"Uhm... minsan."
Hindi na ako nakapagtanong ulit dahil dumating na si Ice, may buhat na box.
Ohh, for donation yata ito.
"For donation?"
"Yes, baby."
"Baby?! Why you're calling my Ate Amari like that? Are you two together again?"
"Secret," sagot ni Ice sa kapatid.
Kumain muna kaming apat, wala pa si Tita Isabela, malapit na rin kasi opening ng coffee shop niya sa Tagaytay.
"Ate Amari, call ulit tayo later?"
"Sure, baby. Just call me lang ulit," sagot ko at pumapalakpak naman siya.
"Call? Kayo?" Pabalik-balik ang tingin niya sa amin. "Si Isabel kausap mo every night na 'di kita matawagan?"
"Yes! Call mate ko si Ate Amari. You can't relate."
Inirapan ko si Ice, hindi pa rin siya makapaniwala. "Sinong akala mong kausap ko every night?"
Umiling siya, napangiti na lang siya. Nakatambay ako sa garden nila.
May inilagay na gift box si Ice sa harapan ko.
"What's this?"
"Open it, baby."
Napabalik ang tingin ko sa bag at kay Ice. Masiyadong mahal ito, tinitignan ko ito noong nakaraang araw na napadaan ako sa Mall. Nagandahan kasi ako, perfect siya for event. Masyado lang mahal dahil galing sa sikat na brand.
"Masyadong mahal 'to. Tsaka, papaano mo alam 'to?"
"Price doesn't matter, as long as you're happy. I saw you sa mall noong nakaraang araw. Gusto kitang lapitan kasi antagal mong nakatingin sa bag, pagkaalis mo binili ko na. I hope you like it."
Nakatingin ako sa kaniya. "T-Thank you. I told you naman 'di mo kailangang gumastos nang malaki for me."
"You're always welcome. Glad you like it."
Napansin kong may customized name ko sa may dulo ng strap ng bag. Pa-customized pa lang mahal na masiyado.
Pagkauwi ko I used his instagram account. Connected ito sa facebook account niya. Sinave niya kasi itong account niya sa phone ko.
Expected ko nang puro about the game earlier ang nasa story niya, pero mali ako, puro mukha ko ang andito. Iyong last picture niya, alam kong kay Gabby na naman galing dahil siya ang kumuha ng picture na iyon sa akin kanina.
@iceonme_
prettiest girl
@iceonme_
loml. <3
@iceonme_
my shirt looks so perfect on my baby, it makes me think... maybe I should give her my last name too. ;)
Nakita kong naka-heart react doon mga kaibigan ko. Nakita kong naka-share na rin ito sa facebook. Napakaharot palagi maglagay ng caption.
I decided to changed account na. I posted a photo of him, pero naka-closed friends lang.
@heyitsgracey_
my mvp. i'm always here, watching you from the sidelines. i am so proud of you. ily and imy.
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. May dalawang missed calls from Ice. Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkabukas ko ng Instagram. I forgot to remove our private account sa closed friends ko, and he replied sa story ko.
@iceonamari_ replied to your story
i love you so much, baby. i miss you more.
@iceonamari_
fuck baby, i wanna hug you rn
@iceonamari_
sorry for cursing, i'm outside.
Ilang minuto bago ako lumabas.
Nakaabang na agad siya sa gate namin while holding a bouquet of flowers.
"Kainis, hindi ako 'yon," sambit ko kaagad.
"Pakibuo nga 'yong ily and imy roon."
Nag-iwas tingin ako sa kaniya. Rinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"I love you and I miss you," sambit ko. Hindi pa rin makatingin sa kaniya.
"Sabi nila 'di raw genuine kapag 'di kayang tumingin."
"I love you and I miss you!" I pouted pagkaharap sa kaniya.
Lumapit siya para yakapin ako. "I love you more and I miss you so bad, baby."
Antagal niyang nakayakap sa akin, and I'm not even complaining. Gumaan iyong dibdib ko ngayong magkayakap kaming dalawa.
Finally, I'm home...
~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro