Kabanata 31
"Pressured lang, baby. Andaming need tapusin, andaming need na documents to update, training, and school papers pa."
Pag-amin niya sa akin. Nahihirapan daw siyang makatulog at makakain nitong mga nakaraang weeks.
In his young age, natuto na siya sa business. Nagkaroon sarili niyang restobar, and restaurants. Ngayon may sariling company. But still, tinutulungan pa rin siya ni Tita Isabela, mas naging mabigat na nga lang talaga ang responsibility ni Ice.
Kilala ko na si Ice, ayaw niyang umaasa masyado sa iba. He's just like me, hangga't kaya ko, 'di ako hihingi ng tulong sa iba. Pero, magpapasalamat ako sa mga kusang-loob na tulong.
"May maitutulong ba ako? Baka kaya kong makatulong sa mga documents na need mo, love. Mabawasan man lang iisipin mo."
He gently patted my head. "I'm fine, baby. Matatapos ko rin 'yan. Asikasuhin mo lang need mong asikasuhin, don't worry about me."
"If you need help, andito ako, ha?"
"Yes, madam."
"Promise? Hindi magsasarili ng problem, ha? Kakampi tayo, right? We'll help each other, okay? W-Wala akong alam sa business, pero mapag-aaralan ko 'yan to help you."
"I promise, baby. Magsasabi ako palagi. I'll teach you soon, kasi magiging co-owner ka rin naman. I'm doing this not just for my future, it's for our future." Tinititigan niya ako, at mahinang pinitik ang noo ko. "Yes, baby. Sa iyo ko nakikita ang sarili ko sa future, tingin mo pa lang alam ko na itatanong mo, e."
"Na-e-enjoy mo pa ba teenage years mo?"
He slightly nodded. "Oo naman. Nakakapaglaro pa naman ako ng sports na gusto ko, nakakapag-travel pa ako, nakakapagpahinga pa ako, in love rin ako tulad ng ibang teenagers."
"Treat yourself din, love."
"Okay na akong ma-treat kayo, baby. I'm so happy na tuwing masaya kayo, 'wag niyo ako masiyadong intindihin."
"Deserve mo ring i-treat sarili mo. Huwag mong pagdadamutan sarili mo. Baka mamaya, bigay ka nang bigay, pero wala para sa sarili mo."
"Promise, baby, may sine-save rin ako para sa sarili ko. Wala lang talaga akong maisip ngayon na bilhin."
Sus, lagi na lang siyang walang naiisip bilhin para sa sarili niya.
"Lagi mong sinasabi sa aking 'wag tipirin ang sarili, pero di mo ma-apply sa sarili mo, ha?"
Napaka-selfless ng tao na ito. No wonder bakit napaka-blessed niya. Andami niyang blessings.
"Don't forget to celebrate your wins, love. You've done a great job, and I am always so proud of you."
He's kinda tearing up, kaya napaiwas siya ng tingin at kunwari napuwing.
Lumapit ako sa kaniya to give him a hug. "I'm always here, love. I also got your back."
Hindi siya sumasagot, nananatili siyang nakayakap sa akin. Ramdam ko ang pagod at bigat ng responsibility na bitbit niya. Hindi niya man masabi, pero ramdam ko. Just like him, gusto ko rin siyang tulungan mapagaan 'yong problemang bitbit niya.
Minsan ko lang siyang makitang maging mahina, sa bawat araw lagi siyang malakas, palagi siyang masaya, pero I know hirap lang siyang magsabi.
Kinaumagahan, wala akong work and class, si Ice naman may game today kaya sabay kaming pumunta ng Araneta. Kasama ko tatlong kaibigan ko.
"Hahanap lang kayo ng pogi, e."
"Ay, talaga! Gusto ko na rin naming ma-baby kahit third year college na ako."
Tawang-tawa si Ice sa narinig niya. "Hanap kayong tatlo, sabihin niyo sa akin last name, lakad ko kayo."
"Good luck!" I gave him a kiss. Good luck kiss daw sabi niya kanina.
"Panalo na naman!" asar ng mga tropa ni Ice.
He just shrugged his shoulders.
Iniwan niya sa akin iyong warmer niya.
Nagulat sila Gabby nang may ilang nakakakilala sa akin.
"Gagi! Sikat pala 'to!"
Mahina ko siyang hinampas. "Huwag nga, nahihiya nga ako kapag may lumalapit. Taga-support lang din naman ako rito."
"Sikat ang boyfriend, e. Tapos ang pretty mo pa. Nakita mo ba iyong facebook post ng isang sports page about basketball? Andoon si Amari sa post! Hindi sikat iyong page, pero 'yong engagement sa post na 'yon ang taas," ani Angelica.
Parang iyon nga ata 'yong sinend ni Lorraine and Bianca sa akin noong nakaraan, medyo nakakahiya nga. Ang spotlight lang naman na sanay ako noon, kapag nananalo ako sa mga contest na sinasalihan ko.
Naka-cap ako ngayon, nahihiya na akong lumabas sa big screen na 'yan. Kalat na kalat na mukha ko.
Nag-umpisa ang laro nila. Minsan gusto ko na lang lagyan ng face mask 'tong si Ice, grabe hatak niya. Kahit hawak lang niya 'yong bola, grabe na ang sigawan.
Chill na lang akong manood dito, 'di na kagaya noon na palagi akong kinakabahan everytime may laro siya, ngayon sanay na sanay na ako.
Itong mga katabi ko, ibang school ang chine-cheer, pero naka SanLo T-shirt?!
Maganda ang game dahil laging may bawi, halatang hirap din SanLo, mga seniors kasi itong kalaban.
"Kailan kaya laban nila sa CVA? Maraming pogi roon."
"Ewan ko, sis! Basta pogi 'yong number ten!"
Pogi, kasi may resemblance kay Kuya Elijah. Napailing na natatawa na lang ako kay Gabby. Nasabi ko na 'yan noon kay Ice, na hawig nga nito si Kuya Elijah, parehas pang may tattoo sa left arm.
Hindi nagrereklamo si Ice sa dami niyang video rito sa phone niya, kuha ko iyon everytime naglalaro siya.
Natapos ang laro, talo sila ng apat na puntos. That's part of the game, 'di naman lagi silang panalo. Nagkataon na malakas ang kalaban ngayon.
Nakangiti pa rin silang nakikipag-shakehands. Apektado siya dahil makakaapekto rin ito sa rankings nila.
"Olats," aniya pagkalapit.
"Bounce back! I manifest na kayo ang champion!" Inabutan ko siya ng gatorade and towel.
"Sana, sana. Gusto ko mag-champion bago maka-graduate."
"Kuya Isaac!" pagtawag ni Gabby. "Tawagin mo nga 'yong naka jersey number ten sa kabila, pogi siya! Mukhang crush ko siya."
"Sus! Kamukha ni Elijah, eh!"
See? Hawig talaga ni Kuya Elijah iyong nasa kabilang team.
"Sumbong kita kay Kuya, binabanggit mo 'yon!"
Nakahawak ako sa braso ni Ice habang palabas kami ng venue, kasama namin ibang ka-team niya, nag-aya kumain, libre daw niya. Ayaw niya panghinaan ng loob mga kasama niya.
"Baby, nga pala, okay lang borrow ka muna sa isang branch tomorrow and next duty mo?" mahinang tanong ni Ice sa akin.
"Sure, no problem naman iyan. Saan pala?"
Inayos niya iyong suot kong cap. "Sa Mandaluyong, baby. Ihahatid kita, si Mommy andoon din. Sa kitchen ka ulit, ha?"
Tumango ako dahil pinapanood ko siya habang nababalat ng shrimp, napansin niya iyon at bahagya siyang natawa.
Si Pau and Angelica, working na rin kay Ice. Ibang restautant nga lang sila.
Masaya kasama itong teammates ni Ice, kaya magkakasundo, e. Pare-parehas ng humor. Pero nauubos na social battery ko, nananahimik na lang ako rito sa gilid at nilalaro ang kamay ni Ice.
Napahawak siya sa braso niya nang mahina kong kinagat 'yon.
"Napunta ka ba ulit ng gym?"
"Hindi, baby. Gawa lang ng training 'yan." Mas lumapit siya sa akin. "Sleepy na?" Malambing na tanong niya sa akin. "Need to recharge ng social battery na."
I nodded. "Pero later na, they're enjoying pa. Kaya pa naman."
After naming ihatid iyong tatlo, umuwi na rin naman kami ni Ice.
"Aalis si Ate Ishy?" tanong ko.
"Yes, baby. Uuwi ng US, pero babalik siya. Bakasyon lang silang kambal. Nauna na si Kuya Ishmael, kahapon."
"Sino titira sa unit nila? Don't tell me si Ivy?"
"Ano pa nga ba? Bukas andiyan na 'yon bago umalis ang ate."
Nag-ayos lang ako ng mga gamit ko para sa duty bukas. Cute na cute talaga ako sa customized name plate ko. Nakakahiya lang kasi akin lang 'yong pink doon.
"Baby, look. May ini-edit ako, for apron niyo sa store."
Siya naman ang lumapit sa akin. Customized apron iyon for dining crew and chef.
"I like this one, lovey. Itong parang denim style siya then brown 'yong strap, then nasa center itong name ng restaurant. Change mo rin font baby, 'di masyadong readable, e."
Agad niyang in-edit iyong mga sinasabi ko.
"Perfect!"
"Thank you, baby! Baka by next week new apron na kayo. What time schedule mo bukas? Lag 'yong sa website, e. Na-change schedule na ikaw?"
"Na-change na ni Ate Marga kanina, closing schedule ako, e. Lunch to closing."
"Sunduin kita bukas, 'wag ka mag-commute pauwi. Delikado nga kasi baby mag-motor. Ikaw itinatago mo pa sa akin nag-c-commute ka, pero nadudulas ka rin na motor ang gamit."
"Eh, mas madaling makakasingit-singit kapag naka motor, love."
Inirapan niya ako. "No, baby. May grab or taxi naman, iyon na lang."
Napa-oo na lang ako. Aba, kung makiki-debate pa ako sa kaniya, bukas pa ang tapos naming dalawa.
Kapapasok ko sa work, ang aga kong andito, naabutan ko na rin sila Tita Isabela na kumakain.
First time ko rito mag-duty sa Mandaluyong branch niya, kaya wala akong kakilala.
Nag-ayos lang ako bago lumabas.
"Hala! Bakit color pink po name plate mo, Ma'am? Baka pagalitan ka po ni Sir Isaac."
Hehe, ano, siya po may gawa nito.
Natigil ako sa pag-aayos ng plato nang marinig ko ang isang chef dito.
"N-Nawawala ko po 'yong bigay ng company. Nagpapagawa po ako ng bago."
"Alam na ba ni Sir Isaac 'yan? Nako! Baka magalit 'yon. Tsaka, ngayon lang kita nakita, borrowed ka ba?"
"Yes, Chef. Nasabi ko na po kay Sir Isaac. Borrowed po ako, sa San Lorenzo at Makati po ako palagi."
"Mukhang bata ka pa? College graduate ka na?"
"Working student po. Nag-start po ako as dining staff, then nag kitchen na po ako wala pang year. Si Chef Ramos po ang kasama ko."
"Oh! Matagal ka na rin pala kay Sir Isaac. Oh, sige, ikaw next order, tulungan kita, Chef..." Nanliit ang mga mata niyang binabasa ang name plate ko. "Guanzon, Chef Guanzon. Magandag umaga."
Marami ding tao, pero 'di kagaya sa San Lorenzo and Makati branch ni Ice. Ganitong oras kasi aligaga na kami sa SanLo branch, dito mangilan lang.
Dahil na rin siguro maraming fine dining restaurant na competitors around the area. I think need ni Ice mag level up. Pwedeng sa store appearance, marketing strategy or promos.
May ilang reservations lang din for tomorrow.
Ako na rin halos nagluto, nakaalalay sa akin si Chef Ventura.
"Magaling ka, mabilis kang matuto. Sana pagka-graduate mo ituloy-tuloy mo rito sa company ni Sir Isaac, magaganda benefits, e."
"Yes, Chef. Dito na rin ako tatanda." Tatanda kasama si Ice.
"Linisin mo na lang muna banda r'yan sa area mo, pupunta yata rito si Sir Isaac."
Agad kong sinunod iyon. After that, sila naman ang abala sa pagluluto, dahil naka-break na ako.
Lumabas ako saglit at nakita roon si Tita Isabela, ang ganda niya talaga.
"Hello, Tita. Pauwi na po kayo?"
"Hello, anak. Oo, e. Gabi pa out mo? Susunduin ka naman ni Isaac, 'di ba?"
"Yes po, Tita. Baka mamaya po andito na siya, may inaasikaso lang din po."
"Galingan mo, ha? Una muna ako." Bumeso sa akin si Tita bago umalis.
After ilang oras, marami na ring nagsidatingan na customer. Mas masaya iyong ganito, pagod pero alam mong kumikita 'yong business.
"Amari, paabot ng knife."
Sa kakamadali ko nasugat ako, mali ang pagkakagawak ko. Matulis iyong kutsilyo kaya may kalakihan iyong sugat.
"A-Aray..." Andaming dugo.
Agad kong hinugasan iyong sugat, pero hirap akong lingunin dahil sa dugo. Takot nga ako sa dugo. Para tuloy umiikot sikmura ko.
"Baby?"
Napamulat ako nang marinig ko si Ice.
"What happened?" Alalang tanong niya.
I can't answer him agad, natatakot ako dahil baka may dugo pa sa daliri ko.
Lumapit siya sa akin, isinandal ko ulo ko sa dibdib niya, para akong nahihilo na hindi ko maipaliwanag.
"It's okay na, baby."
Nilinis at nilagyan niya ng bandage iyong sugat ko.
"Ano pong nangyari?"
"Ipinapaabot ko po iyong knife, Sir."
"Nagmamadali ako, namali ako sa hawak," sagot ko.
Nagpapabalik-balik ang tingin ni Chef Ventura sa amin ni Ice.
"Be careful next time, baby. Masakit pa?"
Umiling ako. Mahapdi pero kaya namang kumilos.
"Kumusta po baby ko rito, Chef?"
"B-Baby?"
Mahinang tumawa si Ice bago ako nilingon. "Girlfriend ko po si Chef Guanzon."
"Ha?! N-Nako! Pasensya na po, 'di ko po alam. Ako'y bago lang dito."
"Ayos lang po 'yon. Wala naman pong problema," nahihiyang sagot ko.
"Kumusta po siya?"
"Madali siyang matuto, Sir. Ayon lang, tahimik talaga siya."
Napatikom ang bibig ko. Totoo naman, 'di ko rin naman alam anong unang sasabihin ko.
Nag-usap sila ni Ice at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Ipinakita rin niya mga stock ng foods sa kitchen.
"Bukas po may delivery na ulit, pa-message agad ako Chef if meron bukas."
"No problem, Sir."
Nagpaalam din si Ice sa akin, sa labas lang naman siya.
"Boyfriend mo pala si Sir. Iyang name plate mo, siya siguro nagpagawa?"
"Opo, Chef. Pero magkakaroon na rin po kayo ny bago, nagpagawa po siya."
Natapos ang araw ko na pagod. Ibinagsak na lang din ni Ice iyong sarili niya sa sofa.
"Kapagod!" sabay na imik naming dalawa.
"Nakakapagod 'yong araw na 'to, pero okay na ako, kasama ko na 'yong pahinga ko."
Sumandal ako sa kaniya, walang umiimik sa aming dalawa. Ganito kami tuwing pagod, tahimik lang.
"I love you," biglang sabi niya.
Hinarap ko siya, nakapikit siya nang sinabi niya iyon.
"Stop looking at me like that, baby. Baka matunaw ako."
Sumiksik ako sa kaniya, yumakap siya pabalik sa akin. "I love you more."
Maaga kaming pumasok kinabukasan, si Ivy nga sumama rin dito.
"Hindi ka pwedeng pumasok sa room, wala kang id. Mapapagalitan tayo," sambit ko.
"Sa library ka na muna, Ivy."
She pouted. "Wala rin naman akong id, papapasukin ako roon?"
"Oo, you have visitor's pass naman. You can stay there."
"Ihatid mo, para alam natin mamaya saan siya kikitain."
Pagkahatid nila sa akin, inihatid ni Ice si Ivy sa library.
"Sino 'yon?" tanong ni Pau.
"Ivy, pinsan niya. Walang klase, bored sa bahay."
Puro na naman contribution dahil sa mga need lutuin, may event daw kasi kami next next week. Kaming third year students ang in charge, busy na kasi graduating students.
At kung sinuswerte, nakasama ko pa si Zarm.
"Ayaw rin kitang kasama," biglang sambit niya.
Napailing na lang ako.
"Amari and Zarm, kayo na lang bibili ng ingredients, ha?"
Para namang may choice pa kaming dalawa.
Napalingon ako sa kaniya, she's using her phone. May ka-chat, at nakita ang profile ni Zephanie.
"Where's Kuya Miguel?"
"Nasa room nila, bakit?"
May ipinakita siya sa akin. "Nasa hospital si Ate Zephanie."
Napakunot ang noo ko. "Uh, a-anong need niya kay Ice? Anong magagawa ni Ice?"
"Can't you see? Si Kuya Miguel lang kayang magpakalma sa tao."
"K-Kayanga nasa hospital siya para mabigyan siya ng medicine na kailangan niya. Wala namang magagawa si Ice."
"Hindi mo kasi naiintindihan. Masyado kang maksarili. Fyi, magkakilala na sila bago ka umeksena."
"Then ipaintindi mo!" Bahagyang tumaas ang boses ko dahil sa pagkairita. "Lagi niyo na lang sinasabi 'yan. Kapag tinatanong kayo 'di naman kayo nagsasalita."
Padabog akong umalis doon. Napatingin sa akin halos lahat ng classmate ko. First time nilang marinig na malakas ang boses ko at dahil pa sa pagka-frustrate.
"Ano na namang ginawa sa iyo?"
"Kainis, e. Nasa hospital daw si Zephanie, tapos gustong papuntahin doon si Ice. Doctor ba 'yon? Parang ewan, tapos sasabihin nang sasabihin sa akin umeksena lang daw ako."
"Ewan ko, need yata talaga nilang uminom ng gamot."
Nauna nang umuwi iyong tatlo, si Ivy, sinundo ni Timothy kanina. I'm waiting for Ice na rin. Ilang minuto na nga rin ako rito malapit sa gym. Hindi ko siya ma-message, naiwan ko phone ko sa unit niya.
"Amari?"
Napalingon ako.
"What are you doing here? Uwian mo na? Akala ni Ice may last subject ka pa, kaya may pinuntahan pa saglit."
"Vacant po last subject ko, kaya maaga po uwian ko ngayon."
Tumango-tango siya sa akin. "Nagmamadaling umalis si Ice kanina, pero ang sabi babalik dito."
"Pasaan daw po siya?"
"Hindi niya sinabi, e. Pero ayun ang sabi babalik dito para sunduin ka. Teka, tawagan ko."
Nakailang beses siyang tumawag pero puro ring lang.
Kinakabahan ako, sana mali ang hinala ko. Sana mali ako, 'wag mo akong bibiguin, Ice, please.
"Okay na po, Kuya. Maaga pa rin naman po, I'll wait for him na lang sa library. Can you message na lang po na nasa main library ako? I forgot my phone po kasi kaya 'di ko siya ma-message."
"Sige, sige. Ingat ka!"
Nauna akong naglakad papalayo. Tumambay ako sa library para gawin ang ibang activities namin.
Isang oras na ang lumipas pero wala pa ring Ice. Naabutan na nga ako nang malakas na ulan dito.
Mabuti na lang at may dala akong payong. Pero, gagi, anlakas talaga ng ulan. Parang pati payong ko tatangayin na lang din ng hangin.
Nakalabas na ako ng university, naghihintay na lang ako nang masasakyan at basang-basa na ako.
"Miss, sabay ka na sa amin!" Nagtinginan silang tatlo bago tumawa.
Hindi ko sila pinansin. Napakamalas naman kasi! Ngayon pa makakalimutan 'yong phone, naulan pa!
Ako na lang ang naghihintay rito sa labas nang bumaba ang isa sa mga lalaki. Napaatras naman ako at humigpit ang hawak sa strap ng bag ko.
"Tara na. Ihahatid ka lang namin, libre lang!" Mas lumapit siya sa akin at hinila ako.
"Bitaw, kuya! May sundo po ako!" Pasigaw kong sambit para marinig ako.
Tumawa siya at mas inilapit niya ang katawan sa akin. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya. Nakakasuka ang amoy, ang tapang!
Pumunta siya sa likod ko at niyakap ako, pilit akong binubuhat para maisama sa kanila.
"Bastos ka! Ibaba mo ako!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya.
Napagod siya at ibinaba ako, marahas niya akong sinampal. "Napakaarte mo! Ikaw na nga iuuwi, ayaw-ayaw ka pa!"
May bumabang dalawang lalaki, pilit akong hinahatak papasok sa sasakyan. Ang isa sa kanila kung saan saan na dumadapo ang kamay. At naramdaman ko ang labi niya sa balat ko.
Wala na akong magawa kundi ang umiyak. Para akong naubusan ng lakas sa pagsigaw, nagbabakasakaling may makakarinig sa akin, kahit malabo.
"Halatang fresh pa ang isang 'to."
Malakas silang tumawa.
Ilang saglit may tumigil na van sa harapan namin. Natigil ang tatlong lalaki sa ginagawa nila.
Iniluwa no'n si Felix and Liam.
"Amari?"
"Tangina niyo, bitaw."
Malakas na sinuntok ng dalawa ang tatlong lalaki, napasiksik ang sa gilid habang yakap ang katawan ko.
Mabilis na nakatakas ang tatlo. Pagbalalik ni Liam, may iniabot siyang makapal na towel at ibinalot ni Felix iyon sa akin, at kinuha rin niya ang bag ko.
Pagkapasok namin sa sasakyan, agad nilang pinatay ang aircon.
"Amari? Amari?"
Nakatulala lang ako habang tumutulo ang mga luha ko. Nangingilabot at nandidiri ako.
"Tangina," ani Felix.
Iniuwi nila ako sa bahay, mabuti at andoon si Kuya. Ikwinento nila ang nangyari sa akin.
"T-Thank you, Felix, Liam. K-Kung 'di kayo dumating, baka may kung ano na ang nangyari sa akin d-doon."
Nakatitig sa akin si Felix, alam kong may gusto siyang itanong pero 'di niya magawa.
"Uminom ka ng gamot, magpahinga ka na rin, ha?"
Tumango ako sa kaniya. "Mamaya na kayo umuwi, k-kapag tila na ang ulan. Dito na muna kayo."
Pinasalamatan sila ni Kuya, at may mga iba pang sinabi na 'di ko na rin naman masyadong narinig.
Nang makakain sila at tila na ang ulan, nagpaalam na sila para umalis.
"Salamat, mga tol. Baka napaano na 'tong kapatid ko kung wala kayo roon."
"Wala 'yon." Nilingon nila akong dalawa. "Amari, una na kami, ha? Magpahinga ka na rin, para 'di ka magkasakit."
"I will, thank you so much. Drive safely, ha? Message niyo ako kapag nakauwi na kayo."
Pagkaalis nila, halata ang badtrip sa itsura ni Kuya.
"Saan si Isaac?"
Nagkibit-balikat ako.
"Tangina naman."
Nakailang beses niyang tinawagan si Ice bago sumagot.
"Tangina naman, Isaac. Sabi ko iingatan mo kapatid ko."
[Papunta na ako r'yan, let me explain, please.]
Pinatayan siya ni Kuya ng tawag.
"Don't hurt him, please? Pagalitan mo siya kasi alam kong gagawin mo 'yon, just please, don't hurt him. Huwag mong sasaktan si Ice." Hiling ko kay Kuya. Hindi siya agad kumibo, pero tumango na lang din siya.
Ilang minuto lang dumating na rin si Ice, may kalayuan ang bahay namin sa kanila, kaya alam kong mabilis ang pagmamaneho niya.
Bago pa siya makarating dito sa loob, pumasok na agad ako sa guest room.
Wala akong marinig sa labas, 'di naman siguro sila nag-aaway ni Kuya.
Sumilip ako at doon ko nakitang nakaupo lang si Ice sa isang sulok. Napaangat ang tingin niya sa akin.
"Saan ka galing?" malamig na tanong ko sa kaniya.
Niyakap niya ako. "Sorry, sorry."
"Sorry na naman, Ice?"
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. "Magpapaliwanag ako."
"Saan ka galing?"
Please, sabihin mong 'di ka galing sa hospital, please.
"Sa H-Hospital."
Tangina.
"A-Anong ginawa mo roon? Sinong pinuntahan mo?"
Wala pang sagot pero umiiyak na ako. Tangina, Ice, bakit?
"Si Zephanie ba?"
Napaangat ang tingin niya sa akin. "Magpapaliwanag ak-"
Hindi ko siya pinatapos, isang sampal ang isinagot ko sa kaniya.
"I-Iniwan mo ako roon, para sa kaniya? A-Alam mo ba nangyari sa akin habang wala ka? Alam mo ba nangyari sa akin habang hinihintay kita?! I feel so helpless kanina, while ikaw? Nasa hospital kasama si Zephanie? Tangina naman."
"Hindi, baby, hindi. Please, please, magpapaliwanag ako. Hindi gano'n yun."
"Palagi na lang akong sinasabihan na umeksena lang ako sa buhay niyong dalawa, mana pa nga raw alo kay Mommy, hindi ko alam pati pala sa iyo mararamdaman ko 'yon."
"No, baby. Tinawagan ako, kasi ang sabi nasa hospital si Lol-"
"Let's break up."
"No, baby. Hindi, please? Hayaan mo akong magpaliwanag."
"A-Ayoko na! Pagod na pagod na ako sa mga salitang narinig ko sa pamilya mo, sa mga taong nakapaligid sa iyo. Tangina, alam mo kung gaano ako ka insecure sa ex mo, pero ano? Malalaman ko andoon ka kanina. I hate you!"
Hindi siya sumagot, mabilis siyang lumapit para yakapin ako, habang umiiyak lang ako sa dibdib niya. "I'm sorry, baby. Last chance, magpapaliwanag ako. W-Walang maghihiwalay, right? Baby, please. Hindi ko kaya."
"Pagod na ako, Isaac. Pagod na akong makatanggap nang pangmamaliit nila sa akin, pagod na ako. Pagod na akong ikumpara sarili ko sa ex mo, t-tangina naman, tapos malalaman ko andoon ka? P-Paano na lang ako? Kanina b-binastos ako habang hinihintay ka, k-kanina muntik akong kuhanin ng tatlong lalaki habang hinihintay ka sa labas ng school, k-kung saan saan ako hinawakan, ni wala akong lakas kanina."
"Ano? Anong ginawa sa iyo?" ramdam ko ang galit sa tono ng boses niya.
"Binastos ako habang andoon ka kay Zephanie. Iyong boyfriend ko na inaasahan kong proprotekta sa akin? Andoon binabantayan iyong ex niya. I hate you, Isaac. I hate you!"
Napayuko siya, hawak ang mga kamay ko. "Sorry, pero hindi gano'n 'yong nangyari, please, baby?"
"Ayoko na, Ice. Nakakapagod na rin. Bukas na bukas, ipapakuha ko na ulit mga gamit doon. Dito na ako ulit. Titiisin ko na lang ulit makasama si Mommy rito, kaysa tiisin pa pangmamaliit sa akin doon, kaysa makasama ko pa 'yong ex kong mas inuna 'yong ex niya, kaysa sa girlfriend niya."
Tumalikod ako, nagulat ako nang hinila niya ako paharap at nakita siyang nakaluhod, umiiyak.
Ang sakit na makita siyang ganito, pero nasasaktan din ako.
"Baby, please, 'wag ganito. P-Pakinggan mo ako, hindi ko siya pinuntahan doon, maniwala ka sa akin."
"Tama na, Ice. Ayaw muna kitang makita."
Tatlong araw ang lumipas, at sa mga araw na 'yon wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Nakaalis na ako sa unit ni Ice, I unfriended him sa lahat ng social media accounts niya.
Nalaman ko rin kay Gabby na ipinahanap ni Ice iyong mga lalaking nambastos sa akin, at nahanap niya ang mga 'yon dahil sa plate number ng sasakyan. Nakakulong na sila simula kahapon.
"Kuya, may barya ka ba? Pamasahe ko sana, buo 'yong bills ko."
Hindi umimik si Kuya, iniangat niya ang mukha ko. "Mata na may kaunting eyebags, parehas kayo ng boyfriend mo."
"No! Ex boyfriend."
Hindi na siya umimik. Pagkapasok ko, si Ice ang naabutan ko sa labas ng room.
"What are you doing here?"
"I miss you."
"Ganiyan ka ba sa lahat ng ex mo? If yes, hindi ko kailangan niyan."
Tama si Kuya, mukhang 'di na natutulog 'tong si Ice.
Dumating si Zarm, napayuko siya, hindi makatingin nang diretso sa akin.
Happy naman na siguro siya? Hiwalay na kami ni Ice.
"Umalis ka na, please. Ayaw muna kitang makita."
Pagkapasok ko sa room, doon na naman ako umiyak. Weak, Amari, weak.
"Go on, babe, you can cry." Nakayakap ako kay Angelica.
"Masaya na ba 'yong mga gustong manira? Hiwalay na sila, oh. Siguro titigilan niyo na si Amari. Mga bullshit."
I can't focus, puro discussion pero wala akong maintindihan, walang pumapasok sa isip ko.
"Are you with us, Ms. Guanzon?"
"S-Sorry, Sir. H-Hindi lang po maganda ang pakiramdam ko."
"You can go sa clinic muna and rest there."
"I'm okay here po, Sir. Sorry po."
Lumapit siya sa akin at may ibinigay na gamot. Ito 'yong professor namin na laging may gamot sa bag niya.
Natapos ang klase namin. Si Gabby ang naghatid sa akin.
"Sunduin kita bukas, ha? Aagahan ko na lang para 'di tayo maipit sa traffic."
"Gabby, nakakahiya, malayo ito sa inyo."
"Gega! Keri lang, kaysa mag commute ka pa. Akong bahala! Love you, rest well, okay? Call us if you need someone to talk to, 'wag mahihiya, 'wag sasarilihin masyado 'yong problem."
Pagkaalis ni Gabby, nakita ko si Mommy.
"Break na kami, okay na? Magiging masaya ka na?"
"H-Hindi."
Sinungaling. Hindi ko kayang tumira dito sa bahay na ito na may kasamang cheater and home wrecker.
Puro message ni Ice ang nababasa ko. Hindi rin siya naglaro ngayon.
From: Lovey ♡
Baby, I miss you so much. Ang hirap, balik ka na sa akin. Uwi ka na ulit sa akin.
From: Lovey ♡
Did you eat na ba? Huwag kang magpapalipas ng gutom, ha? Drink your meds and vitamins. I love you so much, baby.
From: Lovey ♡
Hindi ko na kaya hahaha miss na miss na kita. Last chance, baby. I'll explain.
Umiiyak ako habang binabasa pa ang ilang message niya. May explanation siyang sinend pero binura ko, ayaw kong mabasa kung puro kasinungalingan din lang.
Nagising ako sa tawag ni Kuya Lucas, akala ko nga'y namamalik-mata lang ako.
Nagkamustahan lang kami ni Kuya Lucas sa unang mga minuto.
[Katatapos ko lang din kausapin si Isaac, e. Parehas kayo, mukha kayong wasted. Nag-usap na kayo?]
Umiling ako. "Ayoko na, Kuya. Masiyado akong nasaktan sa nangyari."
[Wala na ba talaga?]
Wala na nga ba talaga? Hindi ko alam.
[Kung kaya pang ayusin, pag-usapan niya, ha? Communication and understanding. Una muna ako, may work pa ako.]
I stalked his main account, dahil 'di ko naman ma-stalk ang Ice Miguel niyang naka locked ang profile.
Nakita kong naka-post sa fb story niya iyong cute na selfie naming dalawa, may caption iyon na - i'm still here, baby. i love you.
Napahawak ako sa necklace niya na suot ko pa rin.
Amari Gracey
Hello, Kuya Ice. Are you busy today? May ibibigay lang ako. Thank you po.
Isaac Miguel Rivera
Baby, walang balikan ng gamit, please. Ayoko niyan. But I'll pick you up, I'm on my way na.
Amari Gracey
Okay po.
Pagkarating na pagkarating niya, pinagbuksan niya ako ng pinto pero 'di ako roon sa harapan naupo. Doon ako sa likod.
"Sa coffee shop po tayo."
"I miss you."
"B-Bilisan lang po natin, m-marami pa kasi akong gagawin."
Pagkarating namin sa coffee shop, mabilisang kilos ang ginawa ko para 'di na siya ang gagawa para sa akin.
Nauna akong nag-order and nagbayad. Ngayon ko lang napansin, matchy color pa iyong suot namin ngayon.
He ordered two drinks, parehas na favorite ko, and pasta.
"That's for you."
"Iuwi mo na lang, ibigay mo kay Zephanie."
"I love y-"
"Let's eat, Kuya Ice. Marami pa akong need gawin."
Ibinigay niya sa akin iyong garlic bread, that's one of our favorites.
Hindi ko alam kung kumakain ba siya or pinapanood lang ako.
Tumaas ang isang kilay ko. "Why are you looking at me like that?"
"I miss you so much, baby." Nanghihinang aniya.
"Just eat, Kuya Ice. I told you naman, marami pa akong gagawin."
Napapaiwas ako ng tingin, nakakainis na makita siyang ganito. Galit dapat ako, pero ansakit ng puso kong nakikita siyang ganito. Halatang puro din iyak.
Nagulat siya nang makita niya akong inaalis iyong necklace na ibinigay niya sa akin.
"B-Baby, please, walang ganiyan."
Kinuha ko ang kamay niya, anlamig ng katawan niya.
"Thank you for loving me, thank you for almost two years of relationship with you, and also, thank you for the friendship, and thank you for saving me."
"No, baby, stop that, p-please?" Lumapit siya at lumuhod sa gilid ko habang hawak ang mga kamay ko. "Babawi ako, huwag ganito, please? Hindi ko kaya. H-Hindi ko kakayanin."
Inilagay ko roon ang necklace niya. "I love you, but this hurts. It's over."
~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro