Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30

"Marami pa ba?"

Kinakabahan ako, manonood kasi ako ng laro ni Ice ngayon. Nakapag-promise pa man din ako, dahil two games na akong 'di nakakanood.

Tho sinasabi niyang okay lang iyon, sa akin hindi. Gusto ko siya panoorin, last playing year niya na rin kasi ito, and tinanggap niya pagiging Team Captain.

"Tapos na!"

Agad-agad akong pumuntang comfort room para makapagpalit.

Inayos ko lang din ang buhok ko.

"Ingat ka, Amari!" sigaw ni Ate Lily, dahil sabay kami ng out.

Siya nga ang nag-book ng angkas ko papunta sa venue.

"Nako, Ma'am! Buti ganitong oras kayo manonood, mahaba ang pila kanina sa labas, delayed twenty minutes 'yong game kanina."

Hindi ko na alam anong isasagot ko.

Pagkarating ko sa venue, may ilang pila pa rin, pero dahil VIP ang ticket ko nakapasok na agad ako. Kakastart pa lang ng third quarter, pero may kalakihan ang lamang ng kalaban.

"Amara? Amira?"

Ako ba tawag niya? Gagi, 'di ko naman kasi name 'yan.

"Ate na girlfriend ni Kuya Isaac?"

"Pwede pong magpa-picture? Ano nga po ulit name niyo?"

"H-Hello, sure po." Nahihiyang tugon ko. "Amari po."

Hindi pa rin ako sanay kapag may nakakakilala sa akin na girlfriend ni Ice, lalo kapag magpapa-picture.

"Thank you so much po! Buti nakita ka na namin."

"Busy lang kasi sa school and work. Thank you for supporting my boyfriend and his team."

"Kasali ka sa sinusuportahan namin, ate!"

Natawa na lang ako sa kanila. Bumalik na rin sila sa pwesto nila dahil start na ulit ng game.

He's talking to his teammates, kailangan din kasi nilang makahabol.

Nakikisali na ako sa sigawan ng mga tao sa paligid ko, binigyan pa nila ng clapper balloon.

"Go, love!"

Hindi naman niya rinig, pero sige pa rin ako sa pagsigaw. Napapa-cross fingers na lang ako everytime siya ang may hawak ng bola at nakapaligid sa kaniya opponent team.

Ang masasabi ko lang ang effective niya as a leader.

Hindi ko naiintindihan mga senyas na ibinibigay niya pero sumusunod mga ka team niya sa kaniya, anlaki ng tiwala nila kay Ice. Same.

Hirap siyang makaalis, kaya nang may nakita siyang opportunity, ipinasa niya ang bola sa kasama, at lumipat ng pwesto, gulat ako nang ipinasa muli sa kaniya ang bola, at nakapag-dunk pa si Ice.

"Teh, galing ng boyfriend natin!"

"Nino?" Halos mabingi ako sa sinabi ng babaeng katabi ko, from SanLo rin sila, lower year.

"Chariz lang, teh! Boyfriend mo, nakiki boyfriend lang ako."

While naka water break sila, nakarinig na naman ako ng sigawan, tumitili itong katabi ko at itinuro ako sa bigscreen na nasa gitnang itaas ng court.

Nahihiya akong ngumiti at kumaway, ipinakita ko ang lockscreen ko na picture namin ni Ice. Nag-split screen iyong big screen at ipinakita si Ice na nakaupong itinutulak-tulak ng mga  ka-team niya.

Antagal ng camera sa akin, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Favorite ka ng camera man, teh!"

The game continues, dumidikit na ang score ng SanLo.

"Teh, ganadong-ganado si Kuya Isaac, love it!"

Natatawa na lang ako sa mga side comments ng katabi ko.

Natapos ang game nila, panalo ang SanLo, nakapasok 'yong huling three-point ni Ice.

Tumatakbo si Ice palapit sa akin, may hawak pang energy drink.

"Hello, baby!" Ginulo niya ang buhok ko. "Basa pa ako ng pawis, mamaya muna hug."

Pero dahil makulit ako, ako ang yumakap sa kaniya. "Congrats!"

Ramdam ko ang pagyakap niya pabalik. "Thank you, baby! Akala ko 'di ka makakapunta, gulat ako nong sinabi ni Coach na ikaw nasa big screen."

"Nakakahiya kaya!"

May ilang lumapit para makapagpapicture sa kaniya at sa aming dalawa.

Tinawag siya dahil siya ang player of the game. Binuhat niya ako para maisama sa loob ng court, may harang kasi ayaw niyang umikot pa kaming dalawa.

Hawak niya ang kamay ko habang iniinterview siya.

"Nakikita namin na you're doing good as a team captain. How was it?"

"To be honest, hindi ako nahihirapan sa kanila, kita niyo naman apat na lang kaming seniors dito, halos lahat bago sa team, pero they know how to listen, and also pinapakinggan ko rin suggestions nila lalo kapag alam na ikabubuti ng team."

"You played so well! Is the pretty girl beside you the reason?"

"She is. Kahit matalo sa game, panalo naman sa girlfriend!"

Mahina ko siyang pinalo, tinawanan naman siya ng mga ka-team niya.

After that, umuwi na rin kaming dalawa. Parehas pagod, pero parehas pahinga ang isa't isa.

"Baby, tamo 'tong mga tagged stories sa akin sa IG, ewan ko kung matatawa ako or what."

@user 1: pumunta para suportahan si Isaac ng SLU, umuwing in love sa girlfriend niya.
@user 2: manifesting i-public ni ate girl ig niya hahaha ganda!
@user 3: tatlong milyon, layuan mo kami ng girlfriend mo, isaac! hahahaha
@user 4: tanginang mukha 'yan, ang ganda!!

Ang iba roon ay candid shots ko lang.

"I-public ko ba ig account ko?"

"Baby, kung saan ka magiging comfortable. Huwag kang ma-pressure sa kanila."

"Ang harmless naman ng fangirls mo, walang unaatake."

"Katuwa nga, sana palaging gano'n. You can use my account naman, baby. Basta, ha? Huwag kang ma-pressure sa kanila, protect your peace of mind and privacy pa rin. Hayaan mo na ako, exposed na exposed naman na rin."

Sa huli napagdesisyunan kong gumawa ng bagong ig account.

Sinagot ni Ice iyong tagged stories sa kaniya, at minention niya ang new ig account ko.

I posted pictures din, pictures namin ni Ice, and mirror shots ko 'yong iba.

Ilang minuto lang dumarami na agad ang followers.

"Love, look! May nag-follow sa akin, basketball player din, kalaban niyo yata kanina." Iniabot ko ang phone ko kay Ice.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Lol, Huwag mo i-followback 'yan."

May inayos din siya sa account ko bago niya ibinalik sa akin.

"Womanizer 'yon, kilala ni Ivy 'yon, nakausap niya noon."

Kinaumagahan, maaga kaming pumasok. May classes din siya pero mamayang hapon pa. Inihatid niya ako sa room, palagi naman.

"Baby, 'yong pinag-usapan natin, ha? Magsasabi sa akin kung may ginawa sa iyo, 'wag kang matakot."

"Okay, Kuya."

Tumalikod ako at marahan niya akong hinila pabalik sa kaniya.

"What did you say, baby?"

"Kuya, I said, okay, kuya."

Pang-aasar ko sa kaniya.

"Hmmm. Go inside na, message me if you need help, Amari."

Ganti niya sa akin. Nawala bigla ngiti sa labi ko. Ako dapat mang iinis, pero parang ako 'yong maiinis.

"Ah, talaga? Talagang-talaga ba, Kuya Ice?"

Tinawanan niya ako. Hindi ito titigil, palibhasa maganda gising namin parehas.

"Oo, talagang-talaga, Amari. Sige na, Amari, pumasok ka na sa loob, parating na rin Professor niyo."

I pouted. Lakas talaga mang-asar.

Hinila niya ako palapit sa kaniya. "Joke lang, baby. Nanghina ako bigla sa pag-pout mo."

Bumalik ako sa room, napalingon ako kay Zarm at mabilis siyang umiwas ng tingin. Oh, kay Ice pala talaga sila takot.

"Good morning, class! Kumusta kayo? Sa second sem pa naman 'yong internship niyo for two hundred hours. Pero may nahanap na ba kayong company?" Agad niya akong tinawag. "Saang company ka, Ms. Guanzon?"

"Kay Isaac Rivera po, Sir."

"Ah! Magandang opportunity 'yan. Iyong company nila tatanggap ng forty students from SanLo, iyong isang company naman na nakausap namin kaya lang nilang mag-accommodate ng five students. Nakausap mo ba mismo si Mr. Rivera about that, Ms. Guanzon?"

Opo, boyfriend ko po siya, e. Bago lang kasi itong si Sir.

Nagtilian ang mga classmate ko.

"Why? Are you in a relationship with him?"

"Y-Yes po."

Pati si Sir, nakikiasar na lang din sa amin. "Can you help your classmates?"

"I will po, Sir."

Our class continues, puro discussion about different cuisine. Nalibot na namin ang mundo.

Sa last subject namin, diniscuss labg about field trip namin. May international and domestic. Masyadong mahal sa international, baka mag domestic na kami nila Pau.

"Domestic tayo, maganda naman sa Palawan," sambit ni Angelica.

"Totoo! Gusto ko rin mag Thailand, pero mahal pa, marami pang need bayaran," si Gabby. "Ikaw? Gusto mo mag International?"

"Gusto, pero marami pang mas kailangang unahin. Lamang lang sila sa ilang plus points ng exam, pero kaya natin iyon. Mag domestic tayo."

Nasa condo na kami ni Ice ngayon. Kagigising ko lang, si Ice umalis kanina para may saglitin sa restaurant niya.

Nagulat ako sa tuloy-tuloy na tunog ng messenger ko, napatayo ako dahil doon.

May issue ba ako? May kasalanan ba ako?

Group chat? Mukha namin ni Ice ang gc photo! At bakit may IceMari

I tried to back read.

IceMari

Jelly
Only for Isaac and Amari

Ria sent a photo.
Me and ate Amari last time! supeeer bangooo niya!! ^___^

Ice Miguel
Hahaha hello, thank you for supporting me and Amari. But please, kindly respect her privacy. Hindi siya mahilig mag-reply, kaya please, if ever 'wag niyo siya i-mention nang i-mention.

Ice Miguel
Na-appreciate niya kayo, sobra. Nahihiya kasi siya, and baka ma overwhelmed pagkabasa niya rito. Be kind to her, ha? :)

Amari Gracey
Hala, hello! Thank youuu po :D I hope we can be friends, nice meeting y'all.

Bear with me, hindi po ako sanay sa ganito, if 'di ako makapag-reply, sorry po.

Ice Miguel
Guys, gising na baby ko. Hiramin ko muna hahaha.

Mas nahiya ako sa reply ni Ice. Kahit kailan talaga 'to.

"Hello, 'di ka pa uuwi?" tanong ko.

Tumawa siya at parang may nakakatawa sa tanong ko. [Baby, mukha kang asawa ko na nagpapauwi ng asawang nasa inuman. Pero I'm on my way na, baby. May gusto ikaw ipabili?]

"You're driving pala ta's nagamit ka phone."

In-open niya ang camera ng phone niya. [Nag-stop muna ako, baby. Don't worry. Nag-iingat ako kasi may asawa akong naghihintay sa pag-uwi ko.]

Naputol pag-uusap namin nang may narinig akong katok mula sa labas. Sinasabihan ako ni Ice na 'wag buksan hangga't wala siya.

In-open ko ang laptop ni Ice, naka-connect din kasi roon 'yong sa CCTV sa labas ng unit niya, and dito sa living area.

Nakita ko roon si Ma'am Ivina, kaya kahit sinabing 'wag kong buksan, nagmadali akong lumabas.

"What keeps you so long to open the door?"

"Sorry po, may i-inaayos lang po sa loob. Good evening po."

Hindi niya ako pinansin. "I want some coffee, no sugar."

Agad kong ginawa ang gusto niya.

"Nagluto ka na ba ng dinner niyo? Galing sa work 'yong apo ko, don't tell me siya pa paglulutuin mo?"

"N-Nakapagluto na po ako, Ma'am. Hinihintay ko na lang po siya para makakain kami."

"Magkatabi ba kayong natutulog? Akala mo natutuwa ako noong nalaman kong andito ka? Wala ka bang delikadesa tulad ng nanay mo?"

Masiyadong tagos sa puso iyong sinabi niya. Wala akong ibang magawa kundi ang mapayuko dahil sa kahihiyan.

"Hindi po, h-hindi po ako gano'n."

"Baka pati bills dito inaasa mo sa apo ko? Mahiya ka naman. Gold digger ka rin ba?"

"Hindi po, nags-share po ako kay Ice ng bills namin."

"As you should." Inirapan niya ako. "Hindi ko alam bakit pumayag si Isabela na patirahin ka rito, eh nanay mo may kasalanan kung bakit hirap ang anak at mga apo ko."

"Sorry po, pero w-wala po akong kasalanan sa kasalanan ni Mommy. Katulad po nila Tita Isabela, biktima lang din po kami ng pamilya ko."

Sarkastiko siyang tumawa. "Sana 'di ka na lang nakilala ng apo ko. Alam kong naaalala ng anak ko kahayupan ng magaling mong nanay at ni Manuel. Doble-doble 'yong sakit na nararamdaman niya."

"S-Sorry po, Ma'am Ivina. P-Pero kung may dapat sisihin dito, ay kayo lang po." Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko. "Kung 'di po dahil sa inyo, kayo po nagpumilit ikasal si Tita Isabela kay Tito Manuel. K-Kung 'di niyo po 'yon ginawa, wala po sanang trauma si T-Tita Isabela."

Isang malakas na sampal ang iginanti niya sa akin."Shit ka! Sino ka para sagot-sagutin ako ng ganiyan?!"

Masakit din para sa akin iyong sinabi ko. Kung 'di ipinakasal si Tita Isabela kay Tito Manuel, walang Ice at Isabela at Ian. Wala rin ako sa mundong 'to, pero 'yong kapalit? Trauma ng bawat isa sa amin. Life is so cruel.

"Walang hiya ka! Wala kang alam, dahil umpisa pa lang sila na dapat talaga pero inagaw ng nanay mo si Manuel!" Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko, napapadaing ako sa sakit. "Manang-mana ka nga sa nanay mo, mang-aagaw, gold digger!"

Itinulak pa niya ako dahilan para mapaupo ako sa sofa, bago siya lumabas ng unit.

Hindi ko alam kung anong masakit, iyong pisikal na pananakit niya o yung mga salitang ibinato niya sa akin.

Tawag nang tawag si Ice, pero wala akong lakas para sagutin iyon.

Wala akong pasok bukas, hindi totoo 'yong sinabi ni Ma'am Ivina pero tagos na tagos sa akin. Naisipan kong umalis muna rito, wala naman akong dadalhing gamit. Ayoko lang maabutan ako ni Ice na ganito.

Pagkarating ko ng bahay, gulat na gulat si Mommy nang makita ako.

"Bakit? Napauwi ka?"

"M-Masaya ka na? Pati ako nadadamay sa mga kasalanan mo."

Umakyat ako at hindi na siya pinansin.

Ngayon ko na-realize, mas masakit iyong mga salitang binitawan ni Ma'am Ivina sa akin, kaysa sa pisikal na pananakit na ginawa niya.

I wanna cry, gusto kong isigaw lahat ng sakit sa puso ko. Bakit kasi ganito? Napakaliit nga naman talaga ng mundo.

Nagising ako kinaumagahan na maga ang mga mata.

"Bunso?" tawag ni Kuya sa akin sa labas. "Bunso nasa baba si Isaac."

"P-Pasok, Kuya."

Pagkapasok niya, awa ang nakita ko sa kaniya.

"Hindi ko alam na andito ka, gabi na ako nakarating, tulog na si Mommy no'n." Inayos ni Kuya ang buhok ko. "Nasa ibaba si Isaac. Nag-away ba kayo?"

Umiling ako. Inaway ako ni Lola niya. "Sunod ako, Kuya. Magbibihis lang muna ako."

Bumaba na rin ako pagkatapos. Sinalubong agad ako ni Ice ng yakap.

"I'm sorry... sorry."

"Why? W-Wala ka namang kasalanan," sagot ko at pinipigilan ang pag-iyak.

Hinarap niya ako. Ramdam ko ang lungkot sa kaniya, mabilis mabasa emosyon ni Ice.

"Uuwi ka pa rin ba sa akin?"

"A-Ayos lang ba?" Napaiwas ako ng tingin. "N-Natatakot na ako. M-Maghanap na lang ulit ako, k-kahit bedspace na, mas mura 'yon kaysa buong apartment."

Hindi agad umimik si Ice. "Mas safe ka sa akin. Hindi na mauulit 'yon. Hindi na siya makakapunta roon, wala nang pwedeng gumawa sa'yo non. Sorry."

"S-Sigurado ka ba? Takot na ako, e."

"Sorry, baby, sorry." Hinawi niya ang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko. "Hindi na mauulit 'yon, hindi na ako papayag na gaganunin ka nila, kahit pamilya ko sila."

"Lola mo pa rin 'yon."

"Oo, baby, pero sana marunong siyang irespeto mga desisyon ko. Hindi ako magpapa-control sa kanila, hindi nila kaya. At wala silang karapatan pagsalitaan ka ng ganon."

"Wala naman akong kasalanan, 'di ba? H-Hindi ko naman ginusto 'yong nangyayari. Hindi rin ako gold digger, I'm working, Ice, 'di ba?" I started crying. Masakit masabihan ng gold digger kahit hindi ako gano'n.

Hindi ko minahal si Ice dahil sa yaman niya, hindi ako gano'n. That's why I'm working, para may sarili akong pera, para hindi ako umaasa sa iba.

Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko. "You're not like that, baby. I'm so sorry."

"Maghahanap na lang ako bedspace, kaya naman na siguro ng savings ko 'yong down payment. Natatakot na ako, baka sa susunod ano na naman sabihin sa akin."

"Wala nang ibang pwedeng magsabi sa iyo ng gano'n. Hindi ako papayag. I'm so sorry, do'n ka muna sa akin, mas mababantayan kita roon."

Ilang minutong pakiusapan pa bago ako napapayag. Tahimik ako buong byahe, inihatid din namin si Kuya sa company nila Ice, may work siya today, and mamayang three p.m may isang class siya.

"Amari!"

Niyakap ako ni Ivy na kalalabas galing unit ni Ate Ishy.

"I heard what happened. Don't mind her. Love ka namin," bulong ni Ivy.

"Thank you, Ivy."

"Sige na, you should take a rest muna. Smile, pretty! You're the most brave girl that I know. Thank you for existing, thank you for bringing light in our life." Napaiwas siya ng tingin. "Pumasok na nga kayong dalawa, naiiyak ako! Nakakainis!"

Ilang araw din ang lumipas, minsan busy sa work, minsan sa school.

"Miss ko na kuya ko! Napapagod na ako magluto!" daing ni Gabby.

Inilipat ni Ice si Gabby ng branch, iyong medyo mas malapit na sa kanila.

"Kumusta si Kuya Lucas? Ka-call namin siya ni Ice noong nakaraang gabi. Mukhang hiyang siya sa Canada."

"He's doing good! Miss ko na siya. Minsan nga tinatawagan ko siya para ikwento kapalpakan ko, para mapagalitan ako."

"Amats ka rin, 'no?" sagot ni Pau sa kaniya. "Wala talagang social media presence si Kuya Lucas, tignan niyo huling post niya noong graduation niya pa, tapos sumunod doon, last last year pa."

"More on instagram 'yon! Tambay siya roon, bes!"

"Ay, na-trauma ako mag instagram, may nag-send sa akin ng bastos doon!"

Napailing na lang ako.

"Magbayad na tayo sa fieldtrip, nakuha ko na sahod ko," sambit ko. "Para ma-save ko na rin para sa ibang bills."

"Nakiki-share ka bills kay Kuya Isaac?"

Tumungo ako. "Actually, ayaw niya. Kilala niyo siya, ayaw niyang gumagastos ako. Pero ayaw kong makitira ng libre doon. Mas malaki lang share niya, pero nagbibigay rin ako. Sabi ko kapag 'di niya ako papayagan mag-share, maghahanap ako lilipatan."

"Ewan ko kay Isaac na 'yan, takot kay Amari!"

After naming magbayad, kinita kami ni Ice, may practice siya ngayon pero ihahatid pa niya ako pauwi.

"Mag-commute na lang ako, love. Para 'di ka pabalik-balik, mapapagod ka lang."

"Kailan pa ako napagod sa iyo? Ayoko, mas kampante ako kapag ako ang maghahatid."

"Corny, bwisit!" Pagpaparinig ni Gabby. "Pero pasabay na ako! Sumbong kita sa Kuya ko!"

"Oo na, parang may magagawa pa ako. Kahit nasa Canada kuya mo, pinapagalitan pa rin ako."

Bitbit ni Ice ang black sling bag ko, suot ko naman ang jacket niya, nilalamig kasi ako.

Mabilis lang naging byahe namin pauwi, walang traffic, sana palaging ganito.

"What time ikaw uuwi?"

"Around nine or ten na, baby. Just sleep na, ha? May work ka yata bukas? Rest na, okay? May food na rin doon."

"Uwi ikaw agad, ha?"

"I will, baby. Don't wait for me na, mapupuyat ka na naman, uuwi at uuwi ako."

Pinisil niya pisngi ko bago siya tuluyang makaalis. Naglinis muna ako.

Inaya ako ni Ate Ishy sa baba ng condo, may mini mart kasi rito, and coffee shop. Iniwan niya ako saglit sa coffee shop habang may binibili siya sa mini mart.

"Amari?"

Napaangat ang tingin ko. Nakita ko si Zephanie, hindi ko kilala kung sino ang kasama niya. Kinausap niya iyon bago siya umalis.

"Who's with you?"

"Si Ate Ishy, may binili lang saglit," sagot ko.

"Alam mo na ba nangyari?"

Napalingon ako sa kaniya. "Saan? About?"

"Isaac and his lola. They're not talking because of you. Because of what you did."

Napakunot ang noo ko sa narinig. "Because of me? Because of what I did? Bakit? Anong ginawa ko? W-Wala akong ginawa, si Ma'am Ivina ang nanakit sa akin, Zephanie."

"Ngayon lang nasira relationship nila, at dahil pa sa isang babaeng kagaya mo lang. Ewan ko kung anong nagustuhan sa iyo ni Miguel. He's not into younger girls naman," napangisi siya. "Siguro nabilog ka niya."

"Bakit? Ganiyan ba tingin mo kay Ice? Hindi genuine na tao? Kung gano'n, mabuti at nakawala siya sa katulad mo. Imagine, mas matagal mo siyang nakasama, pero tingin mo naglalaro lang siya ng feelings."

Hindi siya agad umimik. "We're still friends, he can't let me go easily, Amari. Maniwala ka sa akin, may communication pa rin kami. Sa huli? Ako pa rin ang mananalo."

"Stop talking nonsense, Zephanie."

Napaayos siya sa pagkakaupo nang marinig si Ate Ishy.

"What are you doing here? Stop bothering, Amari."

"Hindi naman. Ipinaalam ko lang sa kaniya na siya 'yong reason kung baki-"

"She's not. Kung may kasalanan dito? Si Lola 'yon. Can you please get out of here? Nakikisali ka na naman. Tama na pang gugulo, kahit anong gawin mo, 'di ka na babalikan ni Isaac. So, stop bothering her. Will you?"

Omg! Tama si Ivy, maldita nga si Ate Ishy. Wala siyang pakialam sa sasabihin niya.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi sa akin sinabi pero ako 'yong nasaktan.

Pagkaalis na pagkaalis ni Zephanie, nakahinga ako nang maluwag.

"He's hella mad..." Ate Ishy started. "Galit na galit si Isaac that night. That's first time saw him like that. Napanood niya iyong ginawa sa iyo ni Lola."

"S-Sorry, ate."

"No! Please stop saying sorry, wala kang kasalanan. Kung ako nasa posisyon ni Isaac, magagalit din ako. Sinaktan ka pa niya physically. Nagalit din si Tita Isabela."

Napayuko ako, hindi alam ang sasabihin. Si Mommy na ang isa sa rason bakit nagkagulo sa pamilya nila, ayokong pati ako maging rason.

"Lola crossed the line. Maling-mali siya roon, wala kang dapat ika-sorry. Ikaw ang dapat makatanggap ng sorry, 'di mo deserve bastusin ng ganoon. Hindi mo deserve iyong disrespect na natanggap mo."

"T-Thank you, ate. Thank you for accepting me, thank you for being good to me."

Ate Ishy hold my hand. "Ang gaan-gaan ng pakiramdam namin sa iyo. Kwento pa lang ng pinsan namin about sa iyo noon, alam kong napakabuti mong tao. Wala pa kayo noon, 'di pa siya umaamin, kwinekwento ka na niya sa amin." Mahina siyang napatawa. "Minsan sapilitan na lang, baka raw ma-jinx. It's really so nice meeting you, Amari."

Nag-stay pa kami ni At Ishy rito ng ilang oras, nakita na nga lang din namin sasakyan ni Ice na parating.

"Ambilis ng oras. Sabi pa man din niya, matulog na ako."

"Hala! You have classes or work for tomorrow?"

"Work po, ate. Pero okay lang po. Makakatulog din ako kaagad."

Sinalubong namin si Ice. Gulat pa siya nang makita ako, napatingin siya sa watch niya.

"I told to you to sleep early, baby." Bungad niya bago ako niyakap. "Mahihirapan ka na namang makatulog nyan."

"Hindi siya nag-coffee, don't worry. By the way, pagsabihan mo 'yang si Zephanie."

"Anong ginawa na naman? Ilang beses ko nang pinagsasabihan 'yon."

"She's bothering her. Ipilit pang si Amari may kasalanan."

Hinarap ako ni Ice. "Don't listen to them. Akyat na tayo, ayokong dito pag-usapan 'to."

Nakasandal ako kay Ice. Pagod siya pero parang mas pagod ako.

"I'm gonna go first, I'm kinda sleepy. Isaac, ikaw na bahala kay Amari." Nilingon ako ni Ate Ishy. "Good night, Amari."

"Let's sleep na!" sinubukan kong takasan si Ice.

Mas malakas siya sa akin, hinila niya ako paupo sa tabi niya.

"Anong sinabi niya?"

Ikwinento ko lahat nang nangyari kanina. Kwinento ko rin pati pagsagot ni Ate Ishy.

"Communication my ass. Kinakausap ko lang siya para tigilan na pang gugulo sa iyo. Ewan ko, mabait naman si Zephanie at Zarm noon, hindi ko alam ano nangyayari." Nilingon niya ako. Akala niya siguro nagseselos ako, pero wala lang naman iyon. Normal reaction kapag may kakilala kang biglang nagbago.

"Iyong kay Lola, matagal ko nang sinasabi na mag-sorry siya, pero ayaw niya. At talagang dito ka pa niya sasaktan sa lugar ko. Ay hindi, kahit saan, wala siyang karapatang saktan ka."

"Sorry, ako na lang iiwas sa kanila."

"Ayokong i-limit mo na naman sarili mo dahil sa kanila. Ikaw na naman mag-a-adjust? No, baby."

"Itakas mo na nga ako rito," pagbibiro ko.

"I will, maka-graduate lang tayo, baby. Ilalayo kita sa kanila."

~

Naglalagay ako sa maleta ng mga dadalhin ko para sa fieldtrip namin. Mas mauuna pala kaming domestic, at mamayang madaling araw ang alis.

"Ilang araw kayo roon, 'no? Isang week pala akong mangungulila."

Pabiro kong inihampas sa kaniya 'yong dress na hawak ko. "One week lang iyon."

"Anong lang? Para niyo na rin akong pinatay niyan sa tagal."

"Baka mag-uwi ka ng babae rito, ha?"

"Sa bahay ako uuwi, wala ka rito, e."

May saltik pala talaga siya minsan.

"Use my card, baby. Gamitin mo iyon para mabili mo gusto mo, 'wag mong titipirin sarili mo roon, minsan lang 'yan."

"I have my money pa naman here, love. Kasiya pa ito."

"Dalhin mo lang card ko, baby. Para may extra ka rin. I-enjoy mo lang doon."

"S-Sure ka? Eh, nakakahiya!"

"Anong nakakahiya? Para 'di mo na gagalawin savings mo. Baka mamaya mabalitaan ko nagtitipid ka, gugutumin mo na naman sarili mo."

"Anong pasalubong gusto mo?"

"Iyong makauwi kang safe, baby. At 'yong malaman kong nag-e-enjoy ka roon. The best na iyon."

May iniabot siyang wallet sa akin. "May extra cash ka here and 'yong card ko. Huwag kang mahiyang gumastos. Kaya nga nagtatrabaho ako para sa 'yo."

"Kainis 'to! Thank you!"

"Ako maghahatid sa iyo sa airport. Huwag ka na sumabay sa school bus," parang batang pagmamaktol niya. "Tagal, one week."

Nasa airport na kami, sumabay kami sa school bus namin, kinausap niya Professor ko na siya maghahatid sa akin pa-airport.

"Kiss ko?" aniya bago kami bumaba ng sasakyan.

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya. "I love you! Ingat ikaw, ha?"

"I love you more, baby. Update me pag-andoon na kayo, ha? Sleep ka lang sa flight, ingatan mo sarili mo."

Napayakap ako sa kaniya. "I'm gonna miss you, love!"

"Ngayon pa lang miss na kita, baby."

Kinatok na kami ng Professor ko. Mabilis na bumaba si Ice at pinagbuksan ako ng pinto. Gamit ko ang hoodie niya, naka t-shirt din kami ng departmental shirt namin.

Niyakap ako ni Ice nang mahigpit. "Enjoy your field trip, baby. I love you."

"I will, I love you more! Drive safely, ha?"

Nakapasok na kami sa loob, may pictorial pa nga. Halos galing ibang block kasama namin. May makakasam rin pala kaming graduating, pero tanghali ang flight nila.

Pagkarating namin ng Palawan, si Ice agad ang in-update ko. Andami niyang messages. Nag-send ako ng picture ko sa kaniya.

Amari Gracey sent a photo.
here na kami, lovey!

Ice Miguel
Mas maganda ka pa sa Palawan. Enjoy your trip, baby!

Pagkarating namin sa hotel, ibinagsak ko agad ang katawan ko sa kama. Antok na antok pa ako.

"Mamayang hapon na tayo lumabas," sambit ni Gabby na tulad ko, antok na antok din.

Magkakasama kaming apat sa iisang kwarto, two queen sized bed, si Pau ang katabi ko.

Mabuti nga at pahinga lang namin buong araw ngayon, bukas pa kami maglilibot.

Sa dalawang sumunod na araw, may training kaming pinuntahan. Sayang din ang certificate.

"Who wants to be a chef here?"

Aba, sino bang may ayaw?

"Nakaka-pressure, lalo kapag nasa kitchen na tapos tuloy-tuloy ang order. Nakakapagod pero masaya. Iyan lagi kong sinasabi sa sarili ko after ng duty ko. Lalo kapag nasa magandang working environment din kayo."

Tuloy-tuloy lang siya sa pagtuturo sa amin. Si Isaac may laro ngayong umaga, kaya 'di rin kami makapag-usap.

After a long day, naglilibot na kami rito. Hindi nga namin pwedeng tanggalin school id namin.

Bumibili ako ng t-shirt, sabi ni Ice gusto raw niya ng ganitong t-shirt na galing talagang Palawan.

"Hi, Miss?"

Hindi ako lumilingon. Hindi ko alam kung sinong tinatawag dahil apat kaming magkakasama.

Sinisiko ako ni Angelica. "Beh, tawag ka!"

Nilingon ko ang tatlong lalaki, from different university sila base na rin sa ID.

"A-Ako po ba? Hello, bakit po?"

May iniabot siyang bracelet sa akin. "For you. Ilang araw na kitang napapansin, you catch my attention."

Napatingin ako sa tatlong kasama ko bago ko ulit nilingon iyong tatlo. "Thank you!" Kinuha ko iyong bracelet.

"You're Amari, right?"

I nodded.

"I'm Dustine. Nice meeting you."

Tinanggap ko ang pakikipag-shake hands niya. "Nice meeting you rin po."

"Are you single?"

"Engaged na po ako."

Halata ang gulat sa mga mata nila. "Sige po, una na po kami!"

Hindi makapaniwala ang tatlo sa isinagot ko. Pinipilit kung kailan nag proposed si Isaac. Sinabi ko lang naman 'yon para wala nang maraming tanong, pero maraming tanong pala makukuha ko sa tatlong 'to. Nag-open lang ako ng messenger.

BASTA GC

Gabriela Luisa sent a video.
Engaged na pala kayo, Kuya @Ice?

Amari Gracey
hahahaha ba't naman may video ka?

Gabriela Luisa
akala ko magseselos si Kuya Isaac, pero mukhang kikiligin pa yata.

Ice Miguel
married na kami
panalo na sa game, panalo pa sa asawa

Tinawagan niya kaagad ako.

"Natutulog ka ba?" tanong ko pagka-open niya ng camera.

[I don't have enough sleep, baby. Bukod sa miss ka, andami kong tinatapos, then 'yong training pa.]

"You should sleep na pala para makapag-rest ka na rin."

[I'm good, baby. How's your Palawan trip? Did you eat na? Baka tinitipid mo sarili mo r'yan, ha?]

Talaga umuuwi siya sa bahay nila habang wala ako. Mas napapalayo pa tuloy siya sa SanLo.

"I'm fine, love! Okay naman here, marami kaming natututuhan. Then, before daw kami umalis, may pa cooking show rin. I miss you."

Lumiwanag ang mukha niya, napabangon pa nga. [I miss you more, baby. Anong ibinigay sa iyo kanina?]

"Bracelet, pero ibinigay ko kay Angelica. May angel na pendant kasi iyong bracelet."

[Mukha ka kasing angel. Miss na talaga kita!]

Ilang araw din ang lumipas, bukas uuwi na kami. Nasa isang resort kami ngayon. Hindi pa ako nakakapagpalit, pinayagan naman ako ni Ice magsuot ng swimwear, pero pakiramdam ko need ko pa rin magpaalam sa kaniya.

Amari Gracey sent a photo.
Can I wear this, love? Hindi ba pangit? Maganda ba sa akin?

Ice Miguel
Wear whatever you want, baby! You look so damn hot!

Amari Gracey
okay! thankie! ^___^

At dahil may approval naman talaga niya, isinuot ko na rin talaga 'to. Naka swimwear din naman mga kaibigan ko.

Itong si Gabby, g na g akong kuhanan ng picture.

Ayaw ko rin naman masyadong magbabad.

Nagpakuha rin kaming tatlo ng picture namin, andami na nga naming pictures simula first day namin dito. Akala mo naman talaga mai-p-post lahat sa social media.

"Hindi talaga strict si Kuya Isaac sa isusuot mo, 'no? Katuwa. Kung iba 'yan, pagbabawalan pa kasi 'di kasama."

I smiled. "Hindi naman niya ako pinagbabawalan sa mga isusuot ko." Tinignan ko ang swimwear na gamit ko. "Siya pa nag check out nito for me, kasama mga dress na ginamit ko."

"Wow, may taste siya!" si Angelica. "Sana magkaroon din ako boyfriend, motivation!"

"Sus! Motivation, mamaya distraction mo na naman!" si Pau at pabiro pang sinabunutan si Angelica.

Nanahimik si Gabby, 'di na kasi sila nag-uusap ni Kuya Elijah, wala na silang kahit anong communication, pinutol na lahat ni Gabby.

~

Since last day namin ngayon, pero gabi pa flight namin, nakahiga na lang kami.  Iyong cooking show, naganap kagabi. Panalo si Gabby and Angelica sa block namin.

Hindi ko ma-contact si Ice.

"Nakabusangot ka?"

"Hindi nag-r-reply si Ice. Wala pa siyang update, maliban sa good morning!"

"Pero delivered ba?"

Umiling ako.

"Ay, baka wala lang signal, beh!"

Sana nga. Hindi tuloy ako mapakali. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam, e. Naalala ko lang pagkakaaksidente niya noon, iyong na hospital siya sa Laguna.

Sana walang masamang nangyari sa kaniya.

Nag-aayos na ako ng gamit, buti napagkasya pa lahat ng pasalubong.

"Wala pa rin?" tanong ni Pau sa akin. Pansin kasi nilang 'di ako mapakali.

Ramdam ako ni Gabby, dahil halos samahan nila ako sa apartment noon ni Kuya Lucas.

"Baka may meeting or laro siya or training? Baka nawalan lang signal."

"Minessage ko si Tita Isabela, ang sabi before five or six a.m umalis si Ice, e. Ang sabi may importanteng pupuntahan. Bakit super aga naman? Gano'n ba kaimportante 'yon at 'di nagpapaalam? Nakakainis!" Napaupo na lang ako dahil sa pagka-frustrate. Hindi ko alam papaano pa siya ma-c-contact, gusto ko na lang umuwi agad ng Metro Manila.

"Kain muna raw tayo sa baba, may breakfast!"

"Una na kayo, susunod agad ako. Try ko lang tawagan ulit."

Tumango sila, alam ko namang hihintayin din lang nila ako sa labas.

Ayaw pa rin talaga. Nag-aalala ako sa kaniya, sinabi ko namang ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

Bagsak ang mga balikat ko habang nasa restaurant kami.

Nasa huli ako ng pila.

"Hello, Amari. Good morning," bati ni Dustine and his friends na katatapos lang kumuha ng pagkain.

"Oy, morning din." Walang good sa morning hangga't 'di ko alam nasaan boyfriend ko.

"You okay?"

"Yep, kulang lang sa tulog," walang ganang sagot ko.

"Can we join you, guys?" tanong nila.

"Ask my frien-"

"Baby..."

Para akong nabingi, alam kong boses ni Ice 'yon, hindi ako pwedeng magkamali.

Agad kong nilingon iyong pinang galingan ng boses. I saw him standing near our table, may hawak siyang bouquet of flowers.

Patakbo akong lumapit sa kaniya. Sinalubong niya ako ng yakap.

"Nakakainis ka! Bakit 'di ka nagsasabi? 'Di kita ma-contact!"

"Pagkaalis ko ng bahay, hindi gumagana data ko. Nakisama sa surprise ko for you. I miss you."

"I miss you more!" Isiniksik ko ang sarili ko sa kaniya nang may katagalan bago ako bumitaw. "Sabi ni Tita Isabela may pupuntahan ka raw na importante kaya maaga kang umalis."

"Opo, baby. That's why I'm here, kasi may pinuntahan akong importante, and that's you, baby." He gave me forehead kisses.

"Kainis ka! Pinag-alala mo ako," pagmamaktol ko.

"Sorry na, I swear wala sa plano kong 'di mag-online kasi ayaw na kitang mag-alala, pero pag-alis ko ng bahay, nawalan ako ng signal." Iniabot niya sa akin dalawang phone niya, wala ngang signal.

Ikwinento niyang tinanong niya sa Prof namin about sa flight details ko, mabuti at nakaabot pa raw siya dahil may mga available seats pa noong bumili siya ng roundtrip ticket.

"Jusko! Umabot ka pa talaga ng Palawan, Isaac Miguel Rivera!" Hindi makapaniwalang turan ni Gabby.

"Bini-basic na lang ni Kuya Isaac iyong byahe from Metro Manila to Palawan. Partida may laro pa 'yan bukas."

Ano na lang kaya magiging reaksyon nila kapag nalaman din nilang iyong five days rest nila sa Japan noon, ay ginamit niya para uwian ako rito sa Pilipinas.

"Ganiyan kapag in love," sagot nitong katabi ko.

Yabang talaga nitong si Ice. Okay, may point din naman.

Pagkarating naming Metro Manila, siya na naghatid sa tatlo kong kaibigan gamit SUV niya, hindi na kami sumabay sa school service.

"Tagal ng one week, para akong pinarusahan," aniya. "Ngayon pa lang din ako nakauwi ulit dito."

Nagkatinginan kami bago tumawa. "Baliw ka kasi! Sino ba may sabing 'wag kang matulog dito?"

Hindi siya sumagot. Niyakap lang niya ako. "I miss you so much."

Hindi agad ako nakapagsalita. Napakunot ang noo ko hindi dahil sa iritasyon, kundi dahil nagulat ako. Ewan ko, pero parang may iba sa tono ng boses niya. Ang bigat ng bawat paghinga niya, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

Ramdam ko ang pagod sa boses niya.

"I love you, and I miss you more, love. I'm here na."

~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro