Kabanata 3
Nagising ako dahil sa ingay mula sa labas. Andito kasi ako sa guest room natulog kagabi dahil tinamad akong umakyat sa room ko.
"Good morning, Amari." Si mommy pagkapasok sa kwarto. "Nasa labas mga kaibigan ng kuya mo. Nag-jogging, dito na dumiretso. Inaantok ka pa? You can sleep pa naman. Your assignments, don't forget."
Kakagising ko pa lang, assignment agad! Sana 'di na lang muna ako nagising.
Hindi pa agad ako sumagot dahil antok na antok pa talaga ako. "Kinda, mommy. Anong oras po duty niyo ni Daddy today?"
"Nauna na si Daddy mo dahil opening to closing siya today, ako after lunch pa until closing."
Naghilamos na muna ako at inayos ang sarili ko bago pumunta sa dining area para kumain. Nanlaki mga mata ko nang may inilapag na bento cake at cupcakes si Manang.
"Nag-bake po si Mommy?" tanong ko habang kumukuha ng cupcake.
"Ay, nako! Hindi anak. Bitbit ng mga pogi sa labas."
Hindi ko natuloy na kagatin ang cupcake dahil sa sinabi ni Manang. "So, andyan po limang kaibigan ni Kuya?"
"Apat lang ang nakita ko. Wala si pogi." Kumuha si Manang ng cupcake. "Ang sarap nga nito. Tatlong box ng cupcakes andito sa loob, iba pa 'yong nasa labas."
"Sino raw po nagbigay?" mahinang tanong ko kahit pakiramdam ko ay kay Kuya Ice 'to galing.
"Ipinadala lang daw ni pogi, dahil may training sa school, pero sabi ay mamaya andito rin daw."
Nagluto si Mommy ng spaghetti and chicken fillet. Kumain na rin daw mga kaibigan ni Kuya dito.
"Kumusta school, Amari?" tanong ni Mommy pagkaupo niya sa tapat ko habang umiinom ng kanyang coffee. "Kailan card day ninyo? Si Daddy mo raw ang pupunta."
Ngumiti ako kay Mommy kahit kinakabahan na ako. "Wala pa pong announcement, Mommy." bakas sa tono ng boses ko ang kaba.
"Do you want ba na ako na lang ang pipirma kaysa kay Daddy mo?"
Mabilis ang naging pag-iling ko. Kung si Mommy ang papupuntahin ko, iisipin ni Daddy na may itinatago ako, na baka bumaba grades ko. "Si Daddy na lang po. I'll update you po agad kapag nagsabi na sila sa amin."
I think wala naman akong mababa na grades, halos lahat ng exam at quizzes ko ay perfect. Pati nga attendance ko, perfect.
Rinig na rinig ko rito sa loob ang kantahan at ingay nila Kuya. Magkakaibigan na kami simula isinilang kami sa mundong 'to dahil magkakaibigan mga magulang namin.
Kating-kati mga paa ko na sa labas ng bahay tumambay. Weekend ngayon, madalas nasa garden ako. Pero nahihiya akong lumabas dahil andyan mga kaibigan ni Kuya, kahit sanay naman akong andito sila.
Kaaalis lang din ni Mommy. Kaya pala opening to closing si Daddy ay dahil onboarding ng mga new employees sa kanila.
"Anak, 'di ka ba lalabas ngayon?" tanong ni Manang sa akin. "Napakainit dito sa loob." Pinapaypayan pa ang sarili.
Umiling lang ako bilang sagot.
Tahimik nga lang gc naming tatlo ng mga kaibigan ko ngayon, busy kasi sila sa mga group project nila. Natapos ko na kasi 'yong amin noong kailan pa, kaya chill na ako today. Nagawa ko na rin ibang assignments ko kagabi. Sana pala nagtira ako para may pagkakaabalahan ako ngayon.
Sa sobrang bored ko ay naisipan kong magpalit ng profile picture. Nakita ko lang 'tong picture na si Bianca ang may kuha. Magaling siyang mag-take ng photo. Kayalang hindi niya itinuloy photo journalism.
Bahagya akong natawa dahil last year pa pala 'tong gamit kong profile ngayon.
Amari Gracey Guanzon updated her profile picture.
- so in love with the golden hour.
Nakita kong tuloy-tuloy ang notifications na natatanggap ko. Chineck ko 'yon, tuloy-tuloy lang ang likes ng mga kakilala ko.
Pinag-isipan ko pa kung naka friends only or public. Pero dahil minsan lang naman ako magpalit, ginawa kong public.
Nakahiga ako rito sa sofa. Nakita ko sa notification kong nag-comment ilan sa mga kakilala ko.
Arvin Gab Guanzon: pinapili mo pa ako. 'di mo naman ginamit pinili ko. buti na lang kapatid kita.
Kapal talaga ng mukha ng kapatid ko. Hindi ko nga siya chinat. Comment lang niya ang nireact-an ko ng angry. Epal 'yan, e.
Nakita kong nag-comment din iba kong classmate at ibang mga friend ni kuya.
Lumabas ako ng bahay. Magpapaalam ako kay kuya dahil bored na bored ako rito ngayon.
"Kuya, aalis ako." Hindi ko na pinatagal na sabihin. "I'm bored, wala akong gagawin. W-Wag mo ako ulit isumbong kasi 'di na naman ako papayagan. Uuwi rin ako agad."
"Sinong kasama mo?"
Tumango ako. "Me only. Dyan lang sa malapit na mall. I'll be back din naman agad po. Magtitingin lang din kung may kailangan ako."
Hindi naman mahirap magpaalam kay kuya, dahil alam niyang gusto ko rin sanayin sarili ko mag-isa dahil hindi naman palagi o araw-araw makakasama ko sila. Ito nga ang gusto ko dahil nakakaalis ako kapag wala parents namin.
Madalas, ay hindi, palagi pala, palagi namang hindi sila papayag na aalis ako. Gusto nila nakakulong lang ako sa bahay. Literal na school-bahay lang ang ganap ko sa buhay. Baka raw kasi kapag nasanay akong gumala, mapabayaan ko pag-aaral ko. Lol.
Nahirapan lang akong pilitin si kuya ngayon na 'wag na ako ihatid dahil kaya ko namang mag-isa. May walking distance naman na mall sa amin, kaya roon ko lang naman balak pumunta.
Dumaan na lang muna ako sa National Book Store para bumili ibang school supplies. Balak ko lang din talagang bumili ng ibang ballpen, para akong supplier ng ballpen sa room. Lagi na lang akong nawawalan. Kahit may pangalan pa 'yon, hindi na naisasauli sa akin. Gano'n na rin ginawa ko pa, kumuha pa ng papers.
Bumili rin ako ng coloring books. Pang tanggal bagot ko siya minsan, nasanay na rin akong may coloring books, pakiramdam ko kumakalma ako kapag nakakapagkulay ako.
Inaaral ko na nga rin mag-paint. Nawawala stress ko, pero kapag nakita kong may lagpas sa ginagawa ko, mas nai-stress ako.
Naupo ako sa isang bench para mag-isip kung saan kakain.
Patayo na sana ako nang may makita akong isang pamilyar na mukha. Bahagya akong yumuko, may kausap siya sa kanyang phone kaya siguro ay 'di naman niya ako napansin dito. Nagulat ako dahil bigla siyang umupo sa kung saan ako nakaupo, buti ay may tao sa kabilang gilid ko na ngayon ay napag gitnaan na namin. Amoy na amoy ko ang bango niya.
"Yes baby. I'll be there tomorrow. What do you want? Ipapadala ko r'yan."
Napa-ohh ako sa narinig ko. Sila pa rin pala.
"Okay, okay. Noted po. Huwag mo na ako hintayin tonight, okay? Sleep early. See you tomorrow."
Napaka soft spoken talaga niyang tao. Pasimple akong lumingon sa gawi niya, nakasuot pa nga ito ng jersey niya, pero parang 'di naman siya pinagpapawisan.
Bigla akong nagpasalamat sa desisyon ko sa buhay na 'di magsuot ng ribbon today. Dahil baka nakita na ako ng isang ito.
Ramdam ko ang pagtayo niya. Bahagya na siyang nakatalikod sa akin. May bitbit pala siyang dalawang gym bag. May kausap siyang lalaking may malaking katawan.
"You can use the car po. Maglalakad na lang ako, walking distance na lang po mula rito," saad ni Kuya Ice.
"Sigurado po ba kayo, Sir? Hindi po ba delikado?"
"Hindi naman, kuya. Malapit na lang po rito 'yon."
Iniabot na lang niya ang isang bitbit na gym bag, at mukhang walang nagawa ang lalaki niya kaya nagpaalam na sila sa isa't isa. Naunang naglakad papalayo si Kuya Ice, mukhang hinintay muna siyang makaalis ng kanyang kasama.
Para akong nakahinga nang maluwag. Iyong amoy niya ay naiwan dito. Napailing na lang ako.
Buong hapon nandito lang ako sa mall, nanood pa nga ako ng cine mag-isa, pero 'di ko na tinapos dahil para akong aantukin kahit nagtatawanan ibang nanonood. Weird!
Nang chineck ko mga hawak ko at nabili ko naman na mga gusto ko, umuwi na ako.
Mula rito sa labas dinig ko ang kantahan nila kuya sa loob. Nag-rent na naman ng videoke ang mga 'to, at pakiramdam ko naman dito ulit sila matutulog.
Diretso lang ako papasok. Kumaway na lang ako kay kuya. Papasok na ako sa loob nang makasalubong ko si Kuya Ice na bagong ligo.
"Hi, good evening!" bati niya sa akin habang pinupunasan ang kanyang buhok.
Nagulat pa ako nang makita ko siya. Naka sando black at white short siya. Kitang-kita ganda ng katawan niya dahil sa sando.
No, no pala. Bigla akong umiling dito.
"Napano ka?" tanong niya nang natatawa.
"Wala po. S-Sumakit lang ulo ko," sagot ko bago agad tumalikod at naglakad papasok ng kwarto.
Agad akong naligo para makapagpalit ng damit. Ayoko kasi talaga 'yong humihiga sa higaan ko gamit outside clothes nila.
Pahiga na sana ako nang kinatok ako ni Manang para pababain dahil may mga ipinadalang pagkain si Daddy. Kaya 'di na rin nagluluto minsan si Manang for dinner namin dahil laging nagpapadala sila mommy at daddy ng pagkain dito.
Nakaayos na pala rito sa baba.
"Kuya, don't drink too much po, ha?" pagpapaalala ko. "Drink moderately po."
"Yes, 'di siya maglalasing. Ako ang bahala!" si Kuya Ice ang sumagot na nang aasar pa. "Ay, teka. Nakalimutan ko. Parang I saw you kanina sa mall?"
Nagkibit balikat ako. Maang-maangan. "That's not me." Nag-iwas tingin ako.
"Doon sa mall malapit dito, parang ikaw 'yong nakita ko sa bench doon."
"Baka siya nga, pre. Galing mall 'yan si Amari kanin-"
Agad kong pinutol si Kuya Arvin. "W-Wala. Sa kabilang mall ako. Sa tapat, yung mga may mura lang."
Hindi ko rin alam. Eh ano naman kung nakita niya ako? At bakit naman mukhang takot ako rito.
Swerte ko, 'di ako allergic sa seafood. At itong kapatid ko nagtitira agad ng pulutan, napakasama talaga ng ugali, kaya tinitigan ko siya nang masama. Nag peace sign lang siya sa akin.
"Kain lang nang kain," si manang. "Matanong ko pala kayo, papaano kayo nagkakilala?"
"Si Arvin, manang. Siya lang po talaga tropa ni Ice noon, ipinakilala na lang sa amin," si Kuya Lucas na natatawa pa. "Pero nakakasama at nakakausap ko si Ice noon sa mga meetings malapit sa SanLo. Sa mga coffee shops, right, Ice?" he grinned.
"Kwento mo nga!" sabay na kantyaw ni Kuya Benj at Kuya Elijah.
Dahil tapos naman na akong kumain, ready na akong makinig sa kapatid ko. Hindi ko rin talaga alam papaano sila nagkakilala.
"Nagkaayaan kami ng mga ka-team ko noon mag bar, pero 'di kami makapasok. Resto-bar bagsak namin sa Makati." Panimula ni Kuya. "April or May yata iyon."
Nanliit naman mga mata kong tumingin sa kanya. Wala akong naalalang nagpaalam si kuya para mag-bar nitong mga nakaraang buwan. Papayagan naman siya, basta magpaalam lang nang maayos.
"Ako na magkwento," putol ni Kuya Ice. "Lasing na lasing pinuntahan ako sa gilid. Inaaya ba naman ako suntukan sa labas. Sabi ko 'di ako napatol sa lasing. Aba'y kulang na lang ihagis mga papel na inaasikaso ko, eh."
"Sabi ko 'wag na lang pala. Inaya ko na lang inuman, mag-isa, e. Niyabangan ko pa, sabi ko kuha lang si Ice kahit mahal, ako magbabayad. Tanginang 'yan."
"Tanginamo," si Kuya Elijah na mukhang ngayon lang din nalaman 'to dahil kanina pa tawang-tawa. "Tapos nalaman mong kanino 'yong bar?"
"Hayop, nalaman ko sa ka-team ko na sa Rivera family pala. Ikwinento na kay Ice na nakapangalan 'yong bar na 'yon."
Ang daming kwento ni Kuya Arvin, kinaumagahan na raw niya nalaman tungkol doon kay Kuya Ice. At nong umagang 'yon daw ay nalaman lang din niya na varsity player ng San Lorenzo University - kung saan sila nag-aaral. Nag-sorry daw, hanggang naging magkaibigan.
"Nagulat na lang kami isang araw may kasama si Arvin, e. Akala namin nakautang kay Ice. Siniko-siko ko pa si Benj noon. Tangina, bitbit ba naman ni Arvin si Ice." Napailing na natatawa si Kuya Lucas.
"Hanggang sa nakasanayan na rin namin si Ice, tapos na-kwentong nakapasok na varity ng SanLo at first year college pa lang."
"Kapal ng mukha, kuya!" sita ko sa kapatid ko.
"At least may awa siya sa akin, hindi umorder nong mga mamahalin na alak."
"Mukha ka raw kasing broke," sagot ko na ikinatawa nilang lahat.
Nanatili muna ako rito sa labas. Male-late naman daw ng uwi parents namin, nasanay na rin kami lalo tuwing weekends and holidays, late na talaga silang nakakauwi.
Hindi ko mapigilang hindi mapansin si Kuya Ice. Mula kaninang bago kumain ay tumutulong na siya kay Manang, hanggang sa pagkatapos naming kumain.
Nasa tapat ko si Kuya Ice, Kuya Lucas at Kuya Benjie. Nasa tabi ko si Kuya Arvin at Kuya Elijah, pero ako ang nasa gilid.
Tumayo si Kuya Ice, para pumasok sa bahay. Naiwan ang kanyang phone sa table. Nagulat ako dahil biglang umilaw. Nakita ko ang kanyang lockscreen. Silang apat lang - mother niya, mga kapatid niya, and siya. Napakunot noo ako, dahil base sa picture, walang na crop doon. Sadyang silang apat lang.
Napatingin ako sa phone ko, tatayo na sana ako para matulog nang narinig kong si Kuya Ice ang kakanta. Hindi ko alam pero 'di muna ako tumayo, para akong pinigilan ng sarili kong katawan na gumalaw.
Inayos niya muna ang kanyang buhok. Tutok lang siya sa screen.
I'll Be by Edward McCain
And I'll be your cryin' shoulder
I'll be love's suicide
And I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life ~
Jusko! Ang ganda ng boses niya! Napatingin ako sa kanya, nakapikit siya habang kumakanta.
"Matunaw," bulong ni Kuya sa akin at mahina akong siniko.
Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa na naman niya. Hindi ako tumayo mula sa kinauupuan ko, ang ganda lang pakinggan ng boses ni Kuya Ice.
~
Halos nasanay na akong nakikita si Kuya Ice sa bahay. Minsan nga ay siya lang ang kasama ng kapatid ko. Parang ayaw maghiwalay ng dalawang 'yon. Parang halos kada hapon ay nakikita ko siya sa bahay. Minsan nga sabay pa kaming umuwi dahil ipinasundo ako ng magaling kong kapatid sa kanya.
"Ma'am, pwede po malaman kung sinong Top 1?" tanong ng isang classmate ko.
Biglang kumalabog ang puso ko. Kinakabahan ako.
"Kahit clue lang po, Ma'am. Sige na po." Pamimilit nila.
Nagkatinginan kaming tatlong magkakaibigan. "Ikaw pa rin Top 1." Si Bianca. Ramdam niya yatang kinakabahan ako.
Kakabahan talaga ako, dahil paniguradong pagagalitan ako kapag bumaba ako or kapag 'di ako ang Top 1. Kay mommy ayos lang, pero si daddy? Magagalit na naman.
"Okay, babae ang Top 1. Ayan lang kaya kong ibigay na clue. Huwag na makulit, para exciting sa Monday." Biglang lumingon sa aking gawi si Ma'am at ngumiti.
"May group pa bang hindi nakakapag-perform ng task performance nila? Para maihabol ko ang grades kung meron pa." Dahil mukhang wala naman ay abala si Ma'am sa kanyang laptop. "Gusto niyo bang makita grades niyo?"
"Yes, Ma'am!" isang malakas at nakakabingi na sagot ng mga classmate ko.
Isa-isang tatawagin sa harap at ipapakita ang grades. Ganito talaga 'to si Ma'am. Kahit sa dalawang naunang quarter namin ay pinapakita niya grades namin.
Malalaki ang ngiti sa labi ng mga classmate ko. Mukhang mataas na naman ang ibinigay ni Ma'am.
"Guanzon, Amari. Come in front, anak."
Ibinubulong ko na hindi ganon kataas, dahil natatakot ako na baka pagalitan na naman ako kapag bumaba sa mga susunod.
Uhh, nevermind, sanay naman na akong pagalitan. Kahit sa maliliit na bagay.
"Ohhh," ito na lamang lumabas sa labi ko pagkakita ko ng grade ko. I got 93. Okay na 'yan, 'di na masama. I smiled at her bago bumalik sa pwesto ko.
Para akong nabunutan ng tinik sa grade ko. Mataas naman na 'yon. Patataasin ko na lang sa mga susunod pa.
Tuwang-tuwa pa rin mga classmate ko sa grades nila. I mean, kahit ako rin naman. Hindi lang talaga mawala ang kaba ko sa ibang subjects ko.
Ibinigay ni Ma'am ang guide sa amin para sa gagawing video project. Hindi naman siya literal na interview, para lang dapat nag-uusap, na hindi kailangan ng literal na question and answer habang nagluluto.
"Sabay ka na sa akin," pag-aaya ni Lorraine sa akin dahil madaraanan naman subdivision namin bago sa kanila.
Umiling ako. "Thank you! Pero una na kayo, si kuya raw yata magsusundo sa akin ngayon or si daddy."
Nagpaalam na sila sa akin. Naupo muna ako sa bench habang naghihintay ng sundo. Marunong naman ako mag-commute pero sinusundo pa rin ako, para mas safe raw.
Mayamaya lang nakita ko ang sasakyan ni Daddy. Alam kong si Daddy ito, sasakyan kasi ni Mommy ang ginagamit ni Kuya tuwing siya ang susundo sa akin. Tumigil ang sasakyan sa harap ko, kaya sumakay na ako.
"Good afternoon po, Daddy."
Tumango siya sa akin. "Good afternoon. Nakausap ko adviser mo kanina."
Parang nahulog salamin ko sa sinabi ni Daddy kaya inayos ko ito. "A-Ano pong napag-usapan niyo?"
Malakas na pakiramdam ko tungkol ito sa grades ko. Inunahan niya na ang card day para malaman niya kung pupunta siya sa Monday or hindi. A man of his words, lol. Kapag sinabi niya, sinabi niya.
"Good job, Amari. Top 1 ka." Nilingon niya ako at ngumiti sa akin. "Galingan mo pa lalo."
Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "I will, Daddy." Pagkasabi ko nito ay nag-iwas tingin ako.
Gusto kong itanong if he's proud of me. Pero wala akong lakas ng loob na itanong 'yon.
It's always 'galingan mo pa lalo, dapat mas matataas pa sa susunod', never 'ang galing mo, proud ako sa iyo'.
Sinubukan kong magpaalam para mamasyal para makagala ako bukas, pero hindi ako pinayagan. So, saan ako magc-celebrate? Sa bahay? Yes. Mag-isa ko? Super yes!
"Hindi pwedeng bumaba mga marka mo. Unahin mo mga importante. Magiging masaya ka naman sa bahay."
Saturday naman bukas. Bukas ko plan gawin activity ko sa TLE, pero naisipan kong i-Sunday na lang kasi gusto ko nga mag-celebrate, tapos hindi na naman ako papayagan.
Pagkarating namin sa bahay, nakayuko lang ako dahil pinagagalitan ako ni Daddy habang nagpapaalam ako. Nagbabakasakali lang naman sana ako, pero sermon inabot ko buong byahe.
"Kailan ka pa natutong gumala?! Hindi ka na naman nakakaintindi. Walang-wala ka talaga sa kapatid mo! Ipagpipilitan mo na naman ang gusto mo, sinabing hindi nga pwede!"
Phew! Wala pa pala talaga akong napapatunayan kahit ilang awards na ibinibigay ko para kanila. Great! So, great!
"N-Nagpapaalam naman po ako nang maayos. Minsan lang naman po."
"Gabby, tama na 'yan. Kawawa naman ang bata."
"Ay, hindi! Kaya lumalaking bastos 'tong batang 'to dahil kinokonsinte ninyo. Hayaan niyo siyang mag-aral."
"Kahit bukas lang po. K-Katatapos lang naman ng mga exam ko. Gusto ko lang mag-relax, Daddy, kahit papaano."
"Mag-relax?!" Napasapo si Daddy sa noo niya dahil sa inis. "Eh, kung mag-aral ka?! Uunahin mo pang gumala kaysa mag-aral?! College ka na next school year, gala pa rin nasa isip mo!"
Hindi na ako umimik.
"Daddy, stop na." Mahinahong sambit ni Kuya.
"Ewan ko r'yan sa kapatid mo. Pagsabihan mo 'yan!"
Napaiktad ako dahil sa malakas na sigaw at malakas na pagkakasarado ng pinto sa guest room.
"I'm f-fine."
Kitang-kita ko ang awa sa mata ni Kuya at Manang.
Ayan na naman. Kaya ayokong nakikita nilang pinagagalitan ako dahil ayokong kinakaawaan ako.
Nagulat ako nang makita ko si Kuya Ice sa may pinto. He gave me an apologetic smile. I smiled back, but with pain.
Haha, great! Talagang may iba pang nakakita kung papaano ako mapagalitan. Nakakahiya.
Naramdaman kong lalapitan ako ni kuya. Pero sumenyas ako ng stop sa kanya.
I'm fine! I'm always fine.
Anong mapapala ko kung umiyak ako sa harap nila?Masasabihan na naman akong nag-iinarte, haha. No freaking way.
Ikinulong ko ang sarili ko sa kwarto at doon umiyak.
Dumating pa si Mommy, at sinabing makinig na lang ako kay Daddy, dahil para naman din daw sa akin. Para sa akin ang alin?
"Amara! Lumabas ka r'yan! Huwag mong bine-baby ang anak mo! Natututo nang sumagot at gumala. Hindi mo alam baka 'di na pumapasok ang batang 'yan!""
Tumayo si Mommy. "H-Hindi pa kumakain ang anak mo, Gabby!"
"Pabayaan mo siyang magutom! Matuto siyang lumabas para kumain. Ano? Susuyuin mo pa 'yang batang 'yan?! Kaya lumalaking pasaway. Palaging ganyan 'yan, pagsasabihan akala mo palaging aping-api!"
Bakit hindi pa ba?
Ramdam na ramdam ko ang galit ni Daddy, pero sanay na ako. Sanay na sanay na ako, pero ang sakit pa rin sa puso.
Walang nagawa si Mommy kaya lumabas na rin siya. Mabilis akong lumapit para i-lock ang pinto at patayin ang ilaw sa buong kwarto.
I love to isolate myself everytime ganito ang ginagawa nila sa akin. Nasanay na rin na tuwing mapagagalitan ako, kwarto ko agad ang lugar na takbuhan ko. Wala silang pakialam kahit hindi ako kumain, hindi nila ako dadalhan ng kahit ano rito sa kwarto, dahil kung sino ang magdadala, papagalitan ni Daddy.
Noon, bago ako mag Grade 10, lumayas pa ako rito sa bahay ng tatlong gabi dahil sa kanila. Pagbalik ko, sampal ang inabot ko.
They can't trust me, just like how they trust Kuya.
I'm about to sleep nang makita kong may message request ako sa messenger.
From: Isaac Miguel Rivera
Hi! Still up? Ice cream might help hehe. Binilhan kita. Baba ka rito kapag gutom ka na, ha? May food ka rito. :))
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatawa sa balat ko. Sa lapag na pala ako nakatulog dahil sa sobrang pag-iyak.
Naghilamos muna ako bago bumaba. Kitang-kita ko sa salamin ang pamamaga ng mga mata ko.
"That's okay, maganda ka pa rin." Winisikan ko ang mukha ko.
Sumilip ako sa labas, andito pa mga sasakyan nila Daddy. At andito pa rin ang sasakyan ni Kuya Ice.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ni Reign. Kinarga ko siya at ibinaba.
Salubong ang kilay ni Daddy.
Nagkatinginan kami ni Kuya Ice, nginitian niya ako kaya ganoon din ang aking ginawa.
"Buti lumabas ka na?"
"Gabby! Huwag mong pagalitan sa harap ng pagkain!"
Napailing si Daddy. Halatang bad mood pa rin siya.
"Kaya nasasanay 'yang batang 'yan dahil pinapabayaan niyo. Masyado niyo binaby! Wala pang napapatunayan pero kung makapagsalita na."
Narinig ko ang mahinang pag-tsk ni Kuya Ice sa gilid ko dahilan para lingunin ko siya. Bahagya akong umiling para senyasan siya.
Hindi ko pinapansin si Daddy dahil ramdam na ramdam ko na ang gutom ko. Nanghihina na ako sa gutom at kumakalam na rin ang sikmura ko.
"No phones until next week. Iiwan mo ang phone mo rito sa bahay. Susunduin ka ng kuya mo." Matigas na aniya.
"Paano po kapag may emergency, Daddy?" si Kuya ang nagtanong? "Kailangan niya rin po ng phone para sa school."
"I don't care, Arvin. Hayaan mong magtanda ang kapatid mo. Palagi na lang ganyan ang batang 'yan! Anong ginawa niya noon? Naglayas, hindi ba?! Kung gusto mong lumayas, halika at sasamahan kitang mag-impake!"
Tuloy lang ako sa pagkain, gustong-gusto ko nang makabalik sa kwarto ko. Rinding-rindi na ako sa sigawan dito.
"I'll talk to Gelly. Ipapa-cut ko muna pagbibigay niya ng allowance kay Amari. Daily lang ang pagbibigay niyo ng pera sa kanya, para hindi makagala. Ipagbabaon din siya for lunch."
"Nasisiraan ka ba?!" sigaw ni Mommy.
"Puro gala na lang nasa isip niya. Paano pag nag-College pa 'yan?! Baka mamoroblema pa tayo sa kanya! Malaman-laman ko buntis na yan! Baka kaya gustong-gustong gumala, para makipagkita sa boyfriend niya."
"Wala na akong gana." Napalakas ang pagtulak ko sa plato dahil sa narinig ko. "Kung ano-anong pinagsasasabi niyo."
Napatayo si Daddy at sinampal ako.
"Tito!"
"Daddy!"
"Oh my gosh, Gabby!"
Halos matumba ako dahil sa lakas nang pagkakasampal niya mabuti at nahawakan ako ni Kuya Ice.
"Bastos kang bata ka! Wala kaming ibang inisip kundi ikabubuti mo! Wala ka pang napapatunayan, tandaan mo 'yan!"
Napahawak ako sa pisngi ko. Ramdam ko 'yong bigat ng palad niya na parang namanhid ako.
Fuck all of you!
"G-Ganito g-gagawin niyo... sa akin dahil nagpapaalam lang ako?" pumipiyok na ang boses ko. "Na g-gusto ko lang i-enjoy pagkabata ko? A-Ang layo na ng narating n-niyo! B-Buntis agad? You guys are so f-funny! G-Ganyan kababa tingin niyo... sa akin?!" sarkastiko akong natawa habang tuloy sa pag-agos ang luha ko.
"Nakita mo 'yang anak mo?! Lumalaking bastos!"
"Sinong may kasalanan?!" sigaw ko na nakapagpatahimik sa kanila.
"M-Minsan lang, k-kahit minsan lang... pinagbigyan niyo ba ako?! Hindi! Minsan lang sa libo-libo niyong gusto niyong gawin ko, ginawa ko!"
Hinang-hina ang buong katawan ko, pero nakaalalay sa likod ko si Kuya Ice.
Hindi ko alam kung papaanong pag-iyak pa ang gagawin ko para mailabas 'yong bigat na dala-dala ko.
"Hindi ko man lang magawang ma-enjoy m-maging teenager... Bahay-school-bahay na lang ako. Palagi ko kayong sinusunod kahit hindi ko na kaya, kahit h-hindi na ako... masaya! Ginagawa ko gusto niyo, pero 'di niyo ako mapagbigyan sa gusto ko. I-Iyong gusto kong... minsan ko lang hilingin sa inyo."
"Huwag mo akong aartehan ng ganyan, Amari!"
"Inggit na inggit ako sa kapatid ko, pero k-kinimkim ko 'yon. Kasi... kasi 'di ba, naalala niyo? S-Sinubukan ko... sinubukan kong sabihin na sana mabilhan din ako... ng bagong gamit. Kasi p-puro pinaglumaan natatanggap ko. G-Gusto ko rin noon ng bagong gamit..." Nilingon ko si kuya. "Na kagaya kay K-Kuya. Pero p-pinagalitan niyo ako! S-Sinabi niyong lumalaki a-akong inggitera!"
"Amari... bunso."
I gave him a smile.
"T-Tuwing may c-contest ako sa ibang school, m-may isa bang sumasama sa inyo? M-Mommy? D-Daddy? Wala! Pero... pero kapag kay Kuya, d-dalawa pa kayong pumupunta. T-Tuwing awarding ko, nagtuturuan pa kayo kung sinong kasama kong aakyat sa stage, pero g-grabe niyo ako pigain makakuha lang ng matataas na grades!"
Ramdam kong mahigpit na paghawak ni Kuya Ice sa akin na para bang sinasabi niyang "andito lang ako".
"A-Ang dami kong tampo na hindi ko masabi sa inyo."
"Edi lumayas ka ulit! Dyan ka magaling, hindi ba?! Magpunta ka kung saan mo gust-"
"I hate you!"
Sasampalin na naman sana ako ni Daddy ngunit naging mabilis ang pagkilos ni Kuya Ice para iharang ang sarili niya sa akin at ang pagpigil ni Mommy kay Daddy.
"Bastos ka talagang bata ka! Sana hindi ka na lang binuhay! Para wala akong ibang problema!"
Those words na paulit-ulit nilang sinasabi sa akin tuwing galit sila sa akin.
My vision blurred as tears cascaded down my cheeks, the ache in my heart unbearable. "It's too much," I whispered, the pain seeping into every breath I took.
Sana nga hindi niyo na lang ako binuhay kung ganitong buhay rin lang ibibigay niyo sa akin.
Nagising akong nasa kwarto na. Ramdam ko pa rin ang bigat ng puso ko. Pagmulat na pagmulat ko pa lang gustong-gusto ko na ulit maiyak, na para bang hindi ako napapagod at nauubusan ng luha.
The pain is unbearable, and the tears seem to be my only solace in this moment of despair.
"Bunso..." Agad lumapit si Kuya sa akin para yakapin ako.
"I'm s-sorry, Kuya. I'm sorry."
I feel a gentle hand on my shoulders, trying to calm me down amidst my tears, "I'm not mad. I'm here for you. Magkakampi tayo."
"Ubos na vitamins mo para sa dugo. Kailan pa ubos 'to?"
"I don't know. Last last week pa ako... huling uminom."
Pagkatapos kong kumain, agad akong uminom ng gamot. Sinabi ni kuya na umalis na raw sila mommy.
"Si Ice nasa baba. Dito ko pinatulog kagabi, tinulungan niya ako sa project ko."
Nakakahiya, nakita niya 'yong gulo ng buhay ko. Nakita niya kung papaano ako sumagot.
Inayos ko muna ang sarili ko. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.
"Nasa labas ang alaga mo, nilalaro ni pogi." Manang gave me a smile. "Kumusta ka na? May masakit pa ba sa iyo?"
"I'm okay na po. Medyo nahihilo lang."
Agad din akong lumabas. Kalaro nga ni Kuya Ice si Reign.
"Andyan na si mommy mo, baby!" Itinuro niya ako kay Reign.
Lumapit ako sa kanya.
"How are you feeling?"
"Si Kuya?"
Sabay na tanong naming dalawa. Sinagot ko ang tanong niya, at ganoon din siya. Sinabi niyang may pinuntahan daw si Kuya.
Naupo ako sa upuan dito at naupos siya sa harapan ko.
"They're so cruel." He whispered.
Nilingon ko siya. "A hundred percent. N-Nakakahiya. Nakita mo lahat 'yon."
"Palaging gano'n?"
Agad akong nag-iwas ng tingin. "Oo... I'm used to it. Sanay na sanay na ako. Palakasan na lang ng loob. Normal na sa akin 'yon. Kahit mag-rant ako sa kanila, wala lang ulit 'yon. Nauubos na boses ko kakapaliwanag. Ubos na boses mo, 'di ka pa rin rinig. Minsan mas maganda na lang manahimik. Para lang akong nakikipag-usap sa pader."
Nilingon ko siya muli, blanko lang ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa kung anong naiisip niya.
"Nakakahiya... Nakita mo 'yon lahat simula kagabi. Sorry."
"Sorry that you have to experience all of that."
I smiled.
"A-Amari..." Itinuro niya ang nasa mukha ko. "May pasa ka malapit sa labi mo."
Napahawak ako roon at naramdaman ang sakit. Ipapagamot ko na lang mamaya kay Manang.
"Nakaya mo lahat 'yon na ikaw lang mag-isa? Bakit hindi ka nagsasabi? Why you don't ask for help?"
"I am f-fine. I can manage. Sabi ko nga sa 'yo, bata pa lang ako, sanay na sanay na ako. Ayaw kong magsabi, dahil ayokong makaabala. Hindi lang ako ang may problema, ayaw kong dagdagan problema ng mga tao sa paligid ko." I sighed. "Mag-isa akong umiiyak, mag-isa ko ring pinapatahan ang sarili ko. Tinitiis ko lahat, pero, nakakapagod na rin pala. Ipon na ipon ang sama ng loob ko sa kanila."
"You can count on me, Amari. Don't keep your feelings bottled up. You can vent on me."
Pabiro kong ihinagis sa kanya ang box ng tissue. "Hindi naman tayo close. Hindi pa nga tayo friend." I raised my eyebrow.
But, gustong-gusto kong magpasalamat sa kanya. Kung papaano niya ako inalalayan kanina.
"Ayaw kong makaabala sa inyo. Kayang-kaya ko 'to. Basic na lang 'to sa akin. Iyak saglit, laban ulit."
Huminga ako nang malalim. Pinipigilan ang pag-iyak. Nakakapagod umiyak.
"I know it's hard to open up, but I'm here to listen to you. When you're ready to talk, I'm also ready to listen."
~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro