Kabanata 28
Katatapos lang naming mag-usap ni Tita Gelly, she's getting better na rin. Hindi pa siya pinayagan to work. Hindi ko na rin sinabi kay Tita iyong mga nangyari dito.
"By December na lang tayo pumuntang Japan. Let's celebrate our Christmas and New Year doon," ani Ice.
"How 'bout 'yong kambal? They're excited pa naman din."
"In-explain na ni Mommy sa kanila, baby. Don't worry, maiintindihan nila."
Nag-aayos si Ice ng grocery ko rito sa apartment. Busy naman din ako to check my bank account, I need to pay my bills na rin next week. Kulang ito, since ilang araw akong 'di nakapag-work.
"Love?" Nahihiyang pagtawag ko.
"Yes, baby? Do you need help po?"
I shyly nodded. "K-Kulang kasi iyong savings ko, need ko mag-pay ng bills and rent. I'll pay you agad if may extra money na ako."
"No need to pay, baby. Settle na natin need mong bayaran. Ganyan nga, gusto ko 'yan, magsabi ka lang sa akin." Iniabot niya sa akin iyong phone niya. "Pay online ka na lang, baby. Iyong sa rent, ako na magbabayad later bago ako umuwi."
"Thank y-you."
Hinalikan niya ang noo ko at ipinagpatuloy ang pag-aayos.
Sa sobrang gulo ng isip ko noon, naging magulo rin iyong apartment. Kaya tinulungan niya akong mag-clean.
"Baby, may naisip ako." Naupo siya sa harapan ko. "What if sa condo ka na tumira?"
"H-Ha?! C-Condo mo? Nakakahiya, love."
"Para wala ka nang iisipin na bills, baby. Para iyong pera mo, for you na talaga, 'di na mahahati-hati." Mas lumapit siya sa akin. "Look, baby. By next semester, I only have three subjects, by next year, graduating and thesis na lang problem ko. Mas mababantayan kita rito, ihahatid-sundo pa rin kita."
"Nahihiya ako, baka kung anong sabihin sa akin ni Lola mo."
"Baby, wala akong pakialam sa sasabihin niya. Hindi siya ang nagbabayad para sa akin. Si Mommy? Mas okay pa iyon para sa kaniya."
Napaiwas ako ng tingin. Medyo may kalayuan lang ang condo niya rito sa SanLo. Baka mahirapan naman siya sa akin.
"Ang layo ng school sa condo mo, love. Baka mapagod ka nama."
"Never mapapagod kapag ikaw ang kasama."
Ayan na naman siya.
"You want to talk with Mommy?"
Tumango ako at mabilis na tinawagan ni Ice si Tita Isabela.
[Hello! Napatawag kayong dalawa? May problem ba?]
"Hello, Mommy. Remember what you told me last night? Iyong paglipat ni Amari sa condo?"
[Oh, right! You want ba, anak? Mas safe ka sa unit ni Isaac. Wala kang ibang iisipin. You just need to focus on your studies. Don't worry, mas pabor pa sa akin na andoon ka. Para alam naming safe ka.]
Napatingin ako kay Ice. "Hindi po ba nakakahiya, Tita?"
[No, anak. Walang nakakahiya roon. Mas panatag ako kapag alam kong magkasama kayo. Don't worry about the bills, Isaac's can pay. Iyong money mo? Save it for yourself. Go, anak.]
Napangiti ako nang marinig iyon kay Tita Isabela.
Matagal na pag-uusap at napapayag din ako. Nagpaalam na rin ako kay Kuya na kadarating dito sa apartment.
Ayos na rin kami ni Kuya at ni Kuya Lucas, na mga nagdala pa ng peace offering.
"Isaac, men, gago ka. Baka next na ipapaalam niyo sa akin, magkakaroon na ako ng pamangkin, ha?"
"K-Kuya!" pagsusuway ko at mahina siyang hinampas sa braso.
"Malay mo," pagdugtong naman ni Ice.
Sinamaan ko siya ng tingin at niyakap lang ako.
"Pero seryoso, bantayan mo kapatid ko roon, ha? Huwag mong pababayaan."
"I will, Vin. Iingatan ko siya."
At dahil excited si Isaac, ngayon niya naisipang ilipat ako ng condo niya. Kaya raw niya tinawagan si Kuya ay para tumulong sa pagliligpit.
Natatawa nga lang ako dahil katatapos lang niyang ayusin ang grocery, pero ngayon aalis na kami.
Inilagay ko sa dalawang box iyong mga gamit ko. May nagpunta rin dito na driver nila Ice. Mukhang 'di kaya ng isang sasakyan ito.
After naming magligpit, at siniguradong walang maiiwan, lumabas din ako para makapagpaalam sa mga kasama ko rito sa floor.
Isa-isa nang ibinaba ang mga boxes. Nagpatulong na rin kami sa security ng condo.
"Andyaan si Ivy?"
"She's waiting on you, baby. Inaway kamo ako nyan noong nalamang 'di tayo okay."
Nakahawak ako sa braso ni Ice habang naglalakad papunta sa unit niya.
"Welcome home, my sister-in-law!"
"Jusko, Ivy. Kapag na-report tayo sa ingay mo."
"Shut up, Kuya Isaac." Nilingon ako ni Ivy. "Miss you, bes! Hayaan mo si Kuya Isaac mag-ayos ng kwarto mo, here ka sa amin ni Ate Ishy."
"Ivy, napagod si Amari, pagpahingahin mo muna."
Napatingin ako sa kapatid kong natatawa sa tabi ni Ice.
"Eh! She'll rest naman sa unit ni Ate Ishy. And, wala pa si Ate Ishy, I need someone to talk to."
"I'm fine, don't worry." I gave Ice an reassuring smile.
Pagkapasok namin ng unit ni Ate Ishy, sad opm ang playing.
"Broken hearted ako, pero wait, omg girl! I miss you!" Niyakap niya ako nang mahigpit. "Alam mo, inaway ko si Isaac, sabi ko 'wag na siyang magpapakita sa akin kapag naghiwalay kayo. Ikaw na gusto kong maging wife niya. Ayoko sa iba."
"H-Hindi naman kami maghihiwalay, nagpalamig lang ako. But I'm okay na. Actually, na-miss din kita. Na-miss ko energy mo for real."
"Good to know na you guys are okay na." Umayos siya sa pagkakaupo. "So, may sikat na volleyball player sa university namin, tapos 'di naman niya ako kilala. Na-broken hearted lang ako kasi crush ko siya."
Hindi ko alam ang sasabihin ko, kaya mahina akong natawa.
Hindi kasi ako maka-relate, si Ice naman kasi nagkagusto sa akin.
"Try mo kaya i-mention siya sa mga ig story, na sinusupport mo siya."
"Okay lang ba 'yon?"
"Yes naman. Malay mo from fangirl to lover kayo niyan. Wala namang masama, normal naman iyan. Kapag napansin ka niya, you're lucky. Kapag hindi, better luck next time."
"Ginawa mo siguro 'yan kay Kuya Isaac?"
"Ha? Hindi, ah. Siya nga 'yong nagpapapansin sa fb story at fb post."
Natawa kaming dalawa ni Ivy. Nag-order siya ng food naming dalawa, ayaw niya talaga akong pakawalan.
"Si Ate Ishy, bukas pa ang uwi. She's kinda busy today."
"Tutulog ka mag-isa rito?"
"Uuwi si Kuya Ishmael later, sana umuwi siya kapag tulog na ako. Ayaw niya sa maingay, pagagalitan tayo, ay ako pala."
"Girl, in-add ko siya sa facebook!"
"Good luck. Lilibre mo ako kapag in-accept ka niya today."
"Omg, sure! Whatever you like, Amari!"
Ibinaba niya ang phone sa coffee table, naka cross finger pa siya. Tumunog ang cellphone niya, pikit mata niyang kinuha iyon at inabot sa akin.
"Can you check the notification for me? Timothy ang name niya."
Timothy Alvaro accepted your friend request.
"Accepted."
Iniabot ko ang phone niya at nagsisitalon siya habang hawak ang kaniyang cellphone.
"Living so good na ako nito, Amari! What do you want? Just tell me, I'll buy."
Pinsan nga 'to ni Ice.
"Wala biro lang iyon."
"I'll give you a make up set. Bawal tumanggi!" Humarap siya ulit sa akin. "Should I post my selfie? Ipapakita ko sa iyo, susundin ko kung anong gusto mo."
Pinili ko iyong isang selfie niya. Na naka pout siya, ang cute niya kasi roon.
"Kapag nag heart react siya rito, ikakasal na agad kayo ni Kuya Isaac."
Bago pa siya maupo sa tabi ko nagsisisigaw na naman siya.
"What the fuck! Nag-heart react siya!"
"Baka crush ka na niyan next!"
"Girl, tama na, magiging delulu na ako nito!"
Buong gabi iyon lang ang inatupag namin. Ramdam ko na rin ang antok kaya nagpasundo na rin ako kay Ice.
"Byebye, Amari! See you tomorrow! Thank you for tonight."
"You should sleep na, bukas na 'yan."
Pagkarating ko sa unit ni Ice, naabutan ko si Kuya nanatulog sa sofa.
"May duty ba si Kuya bukas?"
"Meron. Sinabi ko rito na siya matulog. Kumain na rin naman siya. Baby, 'yong mini-ref mo need mo ba here? Or iuwi na sa inyo?"
Inilibot ko ang mga mata ko at nakita iyong malaking ref ni Ice. "Iuwi na lang, gamitin ni Kuya para 'di masira."
"Ayan nga plano ni Vin kanina, gusto niya hingiin sa iyo. Reklamo siya, e. Dami mo raw plushies, akala niya raw iniwan mo sa bahay niyo."
"Ayoko, wala akong kayakap, ayaw mo namang tumabi."
Nanlaki ang mga mata ni Ice sa sinabi ko, napaiwas bigla ng tingin. Hindi alam kung uunahin ang kumain or uminom ng tubig.
"Baby, ang kuya mo natutulog lang. Isusumbong pa ako nyan kay Lucas kapag narinig."
"Si Kuya Harold? Nagkakausap ba kayo?"
"Hindi, baby. Hayaan na natin, naka-block na ako sa kaniya, e."
Mabuti at nawala naman na rin iyong pasa niya.
"I'll work na ulit next day, love."
"Sure, baby. Sasabihan ko si Marga. Hinahanap ka na nga nila sa akin."
"May new team member na roon?"
"Yes, baby. May limang bago."
Tumabi ako sa kaniya at isinadal ang ulo sa kaniyant balikat. "I'm just recharging. Na-miss ko 'to."
Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin. "I miss you so much."
"Be honest na next time, ha? Mas maging open pa tayo. Ayokong sinasarili mo ulit problema mo, gano'n din ako. Palagi na akong magsasabi. Kasi magkakampi tayo, right?"
"I will, baby. Lesson learned na rin sa akin iyong nangyari. It won't happen again, I promise."
"We'll protect each other, tutulungan ko kayong maprotektahan si Ian. Hindi ako sasama sa kanila."
"Thank you so much, baby. And still, sorry for the pain."
Hinawakan ko ang kamay niya at pumikit. Ang kalmado ng isip at puso ko tuwing kasama ko si Ice.
"Love, ayaw mo ba talaga?"
"Ang alin, baby?"
"Tabi tayong matulog?" mahinang tanong ko.
"Baby, next time, ha? Nasa kabilang kwarto lang nama ako."
Nilingon ko siya, and I pouted. Nilingon muna niya si Kuya before giving me a kiss.
"Angas-angas kanina, tiklop naman ngayon." Pagyayabang niya sa akin, dahilan para mahina ko siyang kagatin.
Kagigil.
Kinaumagahan, naabutan ko sa dining area si Kuya Lucas, Gabby, and si Kuya.
"Kainis 'tong si Kuya Isaac, saan na tayo tatambay kapag may mahabang vacant hours?"
"Sa Library," mapang-asar na sagot ni Ice kay Gabby.
Nag-ayos muna ako bago humarap sa kanila. Si Kuya Lucas naririnig kong excited sa ojt niya.
"Can't relate. Sabay kami ng year ni Isaac."
Dito muna nag-stay sila Kuya Lucas. Si Gabby andito sa kwarto, nakahiga.
"Ang comfy naman dito. Andami niyong pictures ni Kuya Isaac, parang kapag naghiwalay kayo 'di siya makaka-move on."
"Siya naman naglagay nyan dyan!" Naupo ako ibaba, at may ibinigay kay Gabby. "He made it for me, for us, oh."
Nakangiti si Gabby habang tinitignan ang mga pictures.
"Hays, to be loved by Kuya Isaac." Ibinalik niya iyon sa akin. "Ayoko na, naiinggit na ako."
"Dito ka na for good? Baka next na malaman ko ikakasal na kayo, ha?"
"Malay mo pagka-graduate namin."
"Okay lang, graduate naman na kayo. May plano naman na si Kuya Isaac para sa inyo. Financially stable na rin naman siya."
"Ako rin, gusto ko ring maging financially stable, nakakahiya naman kung iaasa ko lahat kay Ice."
"For sure, mag-apply ka na agad sa company niya. Para nagtutulungan kayong dalawa, tinutulungan ka rin niya to grow sa path na gusto mo. Lalo ngayon, ang ganda ng reputation ng mga restaurants niya."
"Ayan balak ko, wala rin akong balak lumipat ng company. Especially now, malapit na niyang ialis iyong mga restaurants sa name ni lola niya. Malapit na siyang magkaroon sarili niyang company."
"Re-branding ba? Sa kaniya na kaya tayo mag-ojt?"
Napatingin ako kay Gabby. "Oo, mag-rebranding siya. Sabihan ko siya agad, depende kasi kung makakakuha siya partnership sa SanLo pagkaalis ng mga restaurant niya sa company ni Lola niya."
Ilang oras din itinagal nila rito, bago sila umuwi na tatlo. May date rin kasi si Kuya at Ate Daisy today, bihira na lang din kasi sila magkita.
"Love, if may sariling company ka, ikaw ba mag-a-apply for partnership sa SanLo?"
"No, baby. Sila ang need mag-a-apply for partnership, e. Pero baka pwede rin ako. Why?"
"Eh, kasi 'di ba sa SanLo? Pwede lang mag-ojt sa mga business partners nila? B-Balak ko kasi na sa company mo if ever mag-ojt."
"By May, wala na ako kay Lola. I'll apply that agad sa SanLo, baby. Sa Department niyo. I got you. Para 'di na rin kayo mahirapan, and 'di lang naman SanLo ang hawak ng ibang company, mauubusan pa kayo ng slot. If nagustuhan pa, ipapa-absorb ko kayo sa company."
"Hindi ka ba mahihirapan?"
Ngumiti lang siya sa akin. "Hindi, basta para sa iyo."
"Saan ka mag-ojt nyan?"
"I'll try to talk sa Dean namin, may offer kasi ang Department namin sa akin. Ic-consider ko siya, para nagwo-work ako sa sarili ko, and nakakatulong ako. Aayusin ko agad papers, actually tumutulong naman na si Mommy."
"Sana magkaroon kayo partnership ng SanLo, gusto ko mag-work sa company mo, gusto kong mag-ambag 'no. Ayoko maging pabigat sa iyo. I wanna help you."
"Don't say that, baby. Never naman naging ganyan tingin ko sa iyo. Don't worry, andito lang ako sa likod mo to support and help you sa kung anong mahal mo."
Pabiro akong lumingon sa likod ko. "Wala naman, love, e!"
Inaaya niya ako para gumala, pero ayaw ko namang umalis. Gusto ko rito na lang.
"Alam ba ni Ate Ishy na andito ako? Wala ba siyang nasabi na andito ako?"
"Ang kambal, laking ibang bansa. Sanay na sila, baby. Tsaka, 'di ka naman pag-iisipan nang masama nila Ate Ishy. Believe me, inaway nila ako. Kung si lola iniisip mo, 'yaan mo siya."
Nanahimik kaming dalawa, bahagya ko siyang nilingon. Nakapikit siya, alam kong umiidlip na siya kapag ganito kaya 'di ko na siya kinukulit.
~
Time just flies so fast. Katatapos ng awarding namin ni Ice for Dean's Lister. Natapos niya ang third year na siya pa rin ang Top 1, and ako ang Top 1 ng buong department namin.
Naging magaan para sa aming dalawa sa nakalipas na mga buwan. Sila Kuya Lucas, pa-graduate na sa susunod na week. Parang kailan lang aligaga silang maghanap ng University, ngayon workplace na hinahanap nila.
Iyong birthday namin ni Ice, sabay na naming cinilebrate. Bali nakadalawang birthday celebration kaming dalawa.
"Diretso ka work, baby?"
"Yes, love. Sayang 'yong ilang oras."
May ipinakita siya sa akin na message, nawala sa isip kong ni-rent nga pala ni Kuya Lucas for three hours iyong restau ni Ice para makapag-celebrate.
Natatawa akong nagsusuklay ng buhok ko. Napatingin si Ice roon.
"Ang ganda ng buhok mo. Wala kang planong paputulan 'to, baby?"
Napatingin ako sa salaming nasa harapan namin. Naalala ko bigla si Mommy sa buhok ko. Ayaw niya kasing paputulan ito, at minsan nag-uuwi pa siya ng hair ribbons na gusto ko.
"Papa hair cut ako kapag naghiwalay tayo."
"Sus, edi naapakan ko na buhok mo rito." Naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko. "Walang maghihiwalay, baby."
Nanatili kami sa gano'ng posisyon ng ilang minuto bago ako humiwalay at humarap sa kaniya.
"Pogi mo. Kainis."
Natatawa siyang pinisil ang ilong ko.
Nag-ayos lang kami bago pumunta sa party ni Kuya Lucas. Nag matchy clothes na nga lang kami ni Ice.
"Excited ka na ba mag fourth year?" Out of nowhere na tanong ko.
"Sakto lang, baby. Bakit? Thesis na lang and internship."
"Hindi ba may internship din kami now? Two hundred hours daw, e."
Saglit siyang napatingin sa akin. "Bago ba 'yan? New curriculum ba ng SanLo? Patingin ako school portal mo, baby."
Agad akong ibinigay sa kaniyang iyong phone ko. Itinabi niya nga muna iyong sasakyan para tignan iyong sinasab ko.
"Tataas ng grades mo, baby. Pang Summa or Magna Cum Laude."
Nahihiya akong tumango sa kaniya. "Ang hirap i-maintain pero kakayanin."
Humarap siya sa akin, and he gently patted my head. "New curriculum nga 'to, baby. Hindi bale, under approval na iyong proposal ko sa SanLo, hindi ka na mahihirapang maghanap ng company."
I saw him struggling sa schedule niya noong mga nakaraang buwan, school, inaayos iyong itatayo niyang company niya, iyong pag-aalis ng mga restaurant niya sa company ni Lola niya, iyong pag-aasikaso ng arrangements with other universities.
Nakita ko lahat iyong mga pagod at puyat niya, pero kahit gano'n never pa rin siyang nawalan ng time sa akin. Lagi niya akong nailalagay sa schedule niya kahit sinasabi ko na ayos lang naman, naiintindihan ko.
"Why are you smiling, baby?"
"You're the best. I am so proud of you!"
Pagkarating namin doon, kami na lang ulit ang wala. Buti 'di na manenermon si Kuya Lucas, pa-graduate na, e.
"Inangyan! Akala mo sila ang may celebration," si Kuya Elijah.
"Sus! Kapag ikaw natanggal sa list of honors."
Nakaka-proud sila, lahat sila may award. Si Kuya Lucas ang may pinakamataas na award, Magna Cum Laude, and Cum Laude naman na ang iba. Ang kapatid ko rin, running for Magna Cum Laude by next year. Itong si Isaac? Summa Cum Laude pa yata ang isang 'to.
Napatingin ako kay Kuya Harold na nakatingin na pala sa akin, agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko makalimutan iyong pananakit niya kay Ice. Wala ring natanggap na sorry si Ice galing kay Kuya Harold.
Nakikipag-usap si Ice kay Kuya Lucas, nakahawak siya sa bewang ko at mas inilapit pa ako sa kaniya.
Pasimple akong napayuko at napangiti sa ginawa niya.
"Kuya Isaac, pahiram si Amari!"
"Eh, ayoko." Pabirong sagot ni Ice. "Joke, ibabalik niyong buo, ha?"
"Very oa! Nasa iisang place lang tayo!"
Nasa kabilang table lang kami nagpunta. May iniabot na paper bag si Lorraine sa akin, 'di kasi siya nakahabol noong birthday ko, may reporting kasi sila.
"Iinom kayo?" tanong ko.
"Huh?! Anong kayo? Iinom tayo!"
Agad hinanap ng mga mata ko si Ice, nakatingin na pala siya sa akin. Wala pa man akong sinasabi, agad na siyang tumango sa akin. Gets na talaga namin ang isa't isa.
Malayo ang pagitan nila ni Kuya Harold, knowing Ice, hindi iyan gagawa ng eksena rito. Hindi naman nakikipag-away boyfriend ko.
"Saan kayo sa vacation?"
"Work," sagot ko kasi iyon naman talaga gagawin ko. "Kasama ko na sila Gabby sa work, e."
"Oh, really? Buti pinayagan ka na ni Kuya Lucas?" tanong ni Bianca.
Ayaw pa kasi ni Kuya Lucas noong una dahil baka mahirapan si Gabby pagsabayin school and work.
"Jusko! Noong una ayaw niya, pero siya rin naman nagpasok sa akin! Wala na raw akong ginawang tama," pagtataray ni Gabby na akala mo naman kaharap namin ang kuya niya.
"Totoo naman, teh!" si Angelica sabay apir nilang dalawa ni Lorraine.
"Okay, may point."
Natawa na lang ako sa naging reaksyon ni Gabby. Para siyang palaging talo.
"Amari!"
Napalingon ako nang makita si Ate Margarette, andito na siya kanina, umalis lang dahil may pinuntahan.
Tumakbo siya at niyakap agad ako.
"Hala! Nakaka-miss kayo!"
"Miss na rin kita, ate. Busy ka na, e. Hindi na tayo nagpapang-abot sa restau."
"Totoo! Dami rin kasing applicants, e."
Huling pumasok si Kuya Uno, nakipag-fist bump pa talaga sa lahat.
Tumabi si Kuya Uno kay Ice.
"Shot na!" ani Ate Margarette at naunang uminom.
Inabutan niya agad ako, mabuti at hindi iyon kasing dami tulad ng kaniya.
"Saan ka mag ojt, Ariane?"
"Sa Makati Med. siguro ako, wala pang final, e. Ikaw? Stay ka sa company ni Ice?"
"Oo, teh! Sayang 'yong sahod,'no! Ginagandahan o nga performance roon, para makuha ako after graduation."
"Ganda nga raw doon."
"Free meal po yata kayo, ate?" tanong ko.
Tumango-tango si Ate Marga. "Totoo! Tignan niyo, tumataba na ako kaka-interview ng applicants."
Kahit naman sa amin, may free lunch kami.
Hindi ako masyadong umiinom, ayokong sumakit ulo ko kinabukasan.
Nakita kong busy makipag-usap si Ice, kaya kinuha ko ang phone ko para i-message siya.
Amari Gracey
hi, miss u
Pagka-send ko, agad siyang tumigil sa pakikipag-usap at agarang kinuha ang cellphone niya. Nong naramdaman kong titingin na siya sa akin ay nagmamaang-maangan ako, kunwari ay nakikipag-usap ako sa mga katabi ko.
Ilang saglit lang nakatanggap na rin ako ng reply.
Ice Miguel
hello, baby. i miss you more. uwi na tayo.
Amari Gracey
HAHAHAHA ayoko pa! :D
Ice Miguel
Okay, baby. Message me agad kung gusto mo nang umuwi. I love you.
Amari Gracey
I love you moreeee!
Itinaas ko ang tingin ko, nakakunot din ang noo ni Ice na nilingon ako. Ilang saglit lang, tumayo siya at lumapit sa pwesto namin.
Naramdaman ko ang pagtayo niya sa likod ko kaya agad akong napatango para makita siya. Hinawakan niya ang mukha ko. "Are you drunk, baby?" Malumanay na tanong niya.
Umiling ako, kasi hindi naman talaga. "Eh? Bakit? Hindi po, I swear."
"Huwag masyado, ha? Sasakit na naman ulo mo."
I smiled. Pinisil niya ang ilong ko bago siya bumalik sa pwesto niya.
Kinikilig na sinisiko na naman ako ni Gabby.
"Minsan, gusto ko na i-cut off si Amari, lalo tuwing kasama si Kuya Isaac. Bigla-bigla ba namang nagbebebetime sa harapan namin!"
"Totoo! Namamatay na nga ako sa inggit, pinapamukhang single ako, e."
Tinawanan sila ni Ate Margarette. "Masanay na kayo. Jusko! Baby ni Isaac, e."
"Gagi, hayaan niyo na. Lagi rin namang may bitbit na pagkain para sa atin," ani Lorraine.
Very spoiled friends din naman talaga.
May ilang friends lang din si Kuya Lucas na dumating, unfamiliar faces. Hindi siya mahilig ipaghalo friends niya, today lang nangyari.
Nagulat ako sa tuloy-tuloy na pagtunog ng cellphone ko at message iyon galing kay Ice.
Ice Miguel sent a photo.
Baby, cute ka rito. Pero bakit naman titig na titig ka?
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa chat niya.
"Napano ka?"tanong ni Ate Margarette sa akin.
Hindi ako sumagot agad, ipinakita ko ang phone ko. "Napatingin lang saglit kasi unfamiliar faces, ate. Oa talaga 'tong si Ice, akala e, titig na titig ako."
"Seselos 'yan si loko. Akin ako magr-reply." Natatawang kinuha niya ang phone ko at mabilis na nag-reply. Tinignan muna niya kung nakatingin si Ice bago mag-reply.
Amari Gracey
hehe medyo pogi 'yong naka white.
Nanlaki mga mata ko dahil sa reply ni Ate Margarette.
Nilingon ko si Ice, pansin ko ang pag-ayos niya sa pagkakaupo at pagtaas ng isang kilay niya. Agad siyang lumingon sa amin bago tumayo.
Tawang-tawa si Ate Margarette sa tabi ko.
"Uwi na tayo," tipid na aniya. "Badtrip 'tong si Margarette, oh. Alam ko ikaw 'yon, 'di naman naglalagay ng period si Amari sa dulo ng message niya. Maglalagay lang ng period 'yan kapag galit."
Napatingin ako sa kaniya, napansin niya pa talaga kung papaano ako mag-type?
Tinawanan siya ni Ate Margarette. "Hayop ka! Pati period sa message, pansin mo! Oh, ba't uwing-uwi ka kung alam mo pala?"
"Baby time," ngumisi siya.
Napangiti na lang ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Not yet drunk, gusto ko lang sumandal."
"Marga, alam mo ba?"
"Ano, Isaac Miguel? Ituloy mo 'yan?"
"Si Uno?"
"Heh! Hayaan mo siya kung mambabae siya, buhay niya iyan."
"Huh? Anong pinagsasasabi mo? Wala pa nga, may sagot ko na."
Parang binawian tuloy ni Ice si Ate Marga. Inirapan siya ni Ate Marga, at tuwang-tuwa naman si Ice.
"Inaway mo pa," bulong ko.
"Sweet revenge tawag doon, baby."
Nag-asaran pa sila bago umalis dito si Ice.
"Bwisit talaga 'yang boyfriend mo. Wala akong mahanap na igaganti, kainis!"
"Kahit ako, ate, wala rin akong maisip na pang ganti sa kaniya."
"Right? Feeling perfect 'yang tao na 'yan." Sabay kaming natawa sa sinabi niya.
Nagtuloy-tuloy lang ang celebration namin, hindi na rin ako masiyadong umiinom, dahil medyo nakakaramdam na rin ako ng hilo.
Si Ice, hindi na umiinom mula pagbalik sa table nila.
Natigil ako sa pakikipagkwentuhan nang marinig ko ang You'll Be Safe Here. Napatingin ako at si Ice ang may hawak ng microphone, nilingon niya rin ako. Hindi ko mapigilang mapangiti.
Put your heart in my hands
You'll be safe here ~
Natapos niya ang buong kanta na nakatingin sa akin. I really love that song, lalo kapag siya ang kumakanta. I feel safe everytime I'm with him, no doubt. I love this man, so much.
"Aalis din kasi si Kuya. Na kwento naman niya sa inyo, 'di ba?" ani Gabby.
Medyo naiiyak pa siya kanina ayaw lang niyang ipahalata.
"For good ba siya?" tanong ni Ate Amy.
Umiling si Gabby, pero nakayuko. Iniiwasang magtama mga mata namin sa kaniya, dahil maiiyak siya. "Two years lang. Pero ang haba ng two years na 'yon. Eh, ako nasa province noon, pwedeng mabisita kahit every month." Napaangat siya ng tingin at tumingin sa kung nasaan ang Kuya niya. "Kapag nasa Canada na siya hindi naman agad-agad makakapunta roon."
"Knowing Lucas, alam kong sad din siya, pero need din, e. And hindi naman mawawala communication."
"Nilalambing ko nga 'yan, tapos minsan nagpapasaway ako para may sermon palagi. K-Kasi k-kapag andoon na siya, wala nang magagalit sa akin..." Umiiyak na aniya. Hindi na niya napigilan.
Close silang magkapatid, kaya mahihirapan si Gabby nito.
Iyak nang iyak si Gabby habang nakayakap sa akin.
"N-Nakakainis, s-sabi ko hindi ako iiyak..."
"That's okay, you can cry. Valid naman 'yan kasi kapatid mo siya, matagal mong 'di makakasama." I gently patted her back.
"Gabby?"
Sabay-sabay kaming napalingon kay Kuya Lucas. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala nang makitang naiyak si Gabby.
"I'm n-not crying! N-Napuwing lang ako."
"Wala naman akong sinasabi." Iniharap ni Kuya Lucas si Gabby. "Tahan na, lalo kang pumapangit sa paningin ko, e."
Lalo lang umiyak si Gabby sa sinabi ni Kuya Lucas.
"Excuse us." Dinala ni Kuya Lucas si Gabby sa kabilang dulo. Kitang-kita ang lungkot sa mukha ni Kuya Lucas, alam niya kung bakit malungkot ang kapatid niya.
Hindi ko sila naririnig, pero nakatitig lang ako sa kanila. Nakikinig nang mabuti si Kuya Lucas kay Gabby. Pinunasan niya ang luha ng kapatid.
Agad na hinanap ng mga mata ko si Kuya. And yes, he's already looking at me. Sumenyas siya sa akin na lumapit doon, at agad ko ring ginawa.
Hindi na ako nagsalita, yinakap ko na siya kaagad. "Huwag mo akong iiwan, ha?"
Ramdam ko ang pag gulo ni Kuya sa buhok ko. "Never iiwan ang bunso na 'to. Kahit mukhang ikaw pa unang mag-aasawa sa ating dalaw- Aray!"
Mahina ko siyang kinagat dahil sa sinabi niya.
"Hindi kita iiwan, dito lang si Kuya."
Parang napanatag ako sa sinabi ni Kuya. Parang 'di ko na kaya kung pati si Kuya mawawala sa akin, kung pati si Kuya mapapalayo.
After the celebration, si Ice ang naghatid sa mga kaibigan ko bago kami makauwi.
"Rest muna, then wash up na baby," aniya at inabutan ako ng sleepwear. Itinali niya ang buhok ko bago tumabi sa akin. "Nag-message si Chef Ramos sa akin."
Chef Ramos, iyong Senior Chef ng restaurant ni Ice.
"Gusto mo raw ba sa kitchen ka bukas? Siya magtuturo sa iyo."
Excited akong napatango. "Sure, sure! Magaling siya, sinasabihan niya na rin ako noon."
"May dalawa kang makakasama from other branch. May visit si Mommy bukas, kasama ako, ikaw magluluto for us."
"T-Teka! Nakaka-pressure naman. P-Papaano kung 'di masarap? Papaano kung 'di magustuhan? Papaano kung pumalpa-"
I never got to finish my sentence. Ice's arms wrapped around me, pinning me against the back of the sofa. His lips found mine, a hungry, desperate kiss that left me breathless. He deepened the kiss, his body pressing hard against mine, his hands moving to cup my face, his fingers tangling in my hair.
His lips left mine, trailing a burning path down my neck; each touch ignited a wildfire within me. He paused, his breath hot against my skin, his eyes dark and intense. "Can I...?" he breathed.
A moan escaped my lips.
I nodded, "Please...but no marks," my fingers burying themselves in his hair, pulling him closer, urging him on.
Slowly, we pulled away, our foreheads resting against each other. "I love you."
"I love you more."
Itinayo niya ako. "Don't you dare doubt yourself, baby. Magaling ka. Sure, cooking isn't your forte, but the fact that you even attempted it, that you bravely stepped outside your comfort zone, that's something to be really proud of." He cupped my face. "Please, never doubt yourself. Antataas ng grades mo sa practical subjects mo. I am always proud of you. Iyong bukas? Kayang-kaya mo 'yon."
"Thank you. Sorry, na-pressure lang ako kasi andoon si Tita Isabela, baka mapahiya ako."
"Baby, ilang beses mo na ring naipagluto si Mommy, nakalimutan mo na ba?"
Napasapo ako sa noo ko. He playfully flicked my forehead.
"I've never doubted you or your abilities, not for a single day, baby."
~
Maaga akong nagising kinabukasan, mas nauna pa nga ako kay Ice. Na-excite yata ako. Ako na ang nagluto ng breakfast naming dalawa.
"G-Good morning, baby. Late ba ako nagising? Sorry."
"Good morning! No, maaga lang talaga akong nagising kaya nagluto na rin me breakfast natin."
"My baby's excited."
I nodded. Para akong 'di nakatulog, dahil sa kitchen na ako magw-work. I'm so excited!
Madali lang naging pagkilos naming dalawa.
I looked in the mirror. There was a tiny kiss mark! "Love, look!" I playfully hit his arm. My cheeks flushed red.
He came closer. "Oh, sorry. It's not really noticeable, is it? Dagdagan ko na lang." He grinned, teasingly. "Medyo maaga pa naman." Tumingin siya sa sofa.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag ka na nanakaw ng kiss next time talaga, Isaac Miguel Rivera! Pinutol mo sinasabi ko kagabi para sa kiss!"
Tuwang-tuwa siya sa naging reaksyon ko, para akong batang pinanggigilan niya sa yakap.
"Kapag ikaw nilagyan ko!" Matapang na sambit ko na alam kong pagsisisihan ko.
"Go ahead, baby, I don't mind, kahit ngayon pa..." Napatingin siya sa akin. "Naka-uniform ka, magugusot."
"Bwisit ka talaga!" Inihagis ko ang tissue na nasa side ng mirror.
Buong byahe niya akong inaasar dahil doon. Magagantihan ko rin talaga 'tong tao na 'to.
Amaze talaga ako kung papaanong parang ibang tao na siya tuwing nasa work. Si Ice siya kapag kaming dalawa, si Isaac Miguel siya sa work.
"Baby, maiiwan muna kita, ha? Pupunta lang akong Quezon City, may aasikasuhin lang ako. Si Mommy, on the way na rin dito may dalawa siyang kasama. You can do it, okay? Date tayo after duty mo." He kissed the top of my head. "I love you. Good luck, Chef Guanzon."
Bago siya umalis, may inilagay siyang customized name plate sa suot kong uniform. Color pink iyon at may nakalagay na Chef Guanzon. Napatingin ako sa name tag ng mga andito, black ang kanila, akin ang naiiba, color pink. Halatang pinasadya niya pa ito.
Dumating na rin si Chef Ramos, at iyong dalawa ko pang makakasama. In-orient lang kami, ibinigay sa amin ang list ng orders nila Tita Isabela for later.
Mahilig si Tita Isabela sa creamy na pasta and soup, maraming sauce na pizza, and favorite niya ang caesar salad. Ako na ang kumuha ng order ni Tita Isabela for later.
Maaga pa lang marami ng customer dito, maganda rito dahil may sapat na team member sila rito to accommodate customers kahit peak hours.
Parang naging specialty ko na ang pasta, dahil na rin kay Ice.
"Chef Guanzon, may Spicy Tuna Pasta, gusto mo ikaw gumawa?"
"Yes, Chef!"
He smiled. "Labas ka, kakausapin ka raw ng custoner."
Madali akong lumabas.
"Good day, Ma'am. I'm your Chef for today."
"Hello, good morning. Loyal customer na ako rito, so please sana 'di ako ma-disappoint. Its my first time to order spicy tuna pasta, that's for take out and dine in. May I ask how many minutes?"
"Twenty to twenty five minutes, Ma'am."
She just nodded. Nong sinabi niyang wala na siyang ibang request, naisipan ko nang bumalik sa kitchen pero nakita ko pa si Zephanie, ngumiti lang ako sa kaniya.
"May iba siyang request?" tanong sa akin ni Chef Ramos pagkabalik ko sa kitchen. "Loyal customer 'yan, mahirap i-please. Nagagalit kapag 'di nagustuhan."
"Wala naman po."
"Sige, andito lang naman ako sa likod niyo, nakaalalay. Magtanong lang kayo kung may 'di kayo alam."
Inumpisahan ko nang gawin ang order niya, inabot sa akin ni Chef Ramos ang spicy tuna can. May katandaan na 'yong um-order, kaya I know mas sensitive sila.
"Add ka lang kahit kaunting salt and pepper para lumasa, Chef Guanzon."
"Noted, Chef." Agad ko ring ginawa iyon.
Nang matapos ako, kumuha ako ng extra plate at naglagay roon.
"Taste test first." Naunang tumikim si Chef Ramos. "Oh, perfect! Sakto lang iyong anghang and 'yong pagiging creamy niya. Good job, Chef Guanzon."
Tumikim din ang ibang kasama namin sa loob, at masarap nga raw iyong gawa ko.
Tinulungan ako ni Chef Ramos para sa plating, ako na rin ang lumabas para mag-serve.
"Here's your order, Ma'am. Thank you for waiting."
"Thanks."
I stepped backward nang kinuha niya na ang utensils niya.
Sa unang kuha niya, wala siyang naging reaksyon. Pero nagulat ako nang padabog niyang ibinaba ang utensils na hawak.
"Hindi masarap!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Agad niya akong nilingon, may galit sa mga mata niya.
"What kind of food is that?! Masyadong maanghang for me. Spicy lang ang natikman ko. Sayang lang ibinayad ko!" Inihulog niya ang plato.
Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
"I'm sorry, Ma'am. P-Papalitan na lang po. I'll give you complimentary food na lang din po."
"Hindi na! Nakakawalang gana! Ano? Paghihintayin niyo na naman ako? Naghintay na nga ako ng ilang minuto para sa walang lasang pagkain na 'yan. Stupid!"
Napayuko ako dahil sa hiya.
"Hello, good morning! What's happening here?"
Mukhang wala akong mukhang maihaharap kay Tita Isabela.
"Hello, Ms. Soriano, what happened?"
"Sino 'tong chef na 'to? Walang lasa iyong isinerve niya sa akin. Naghintay ako ng ilang minuto, such a waste of time."
"I'm sorry for what happened, Ma'am. We can give you complimentary food. We have cupcakes, cakes, and pizza. Ready to eat na siya."
"No, I'm fine. Nasayang lang oras ko rito. Its my first time na ma-disappoint sa fold niyo."
Kinuha niya ang bag niya at umalis, hindi niya rin kinuha iyong take out order niya.
Pagkaalis ng matanda, agad kong pinulot iyong nagkalat na basag na plate.
No, hindi ka iiyak, Amari. Hindi ka iiyak.
"Amari, stand up, anak ko."
"S-Sorry, Ma'am."
"No, no. It's okay, anak. Sige na, pumasok ka na sa loob, ipapalinis ko 'to. Susunod ako sa loob."
Nakayuko lang akong naglalakad papasok ng kitchen.
"Scandalosa talaga 'yan, ganiyan din siya sa isang bagong Chef noon dito."
Dumating si Tita Isabela, bitbit iyong take out order ng matanda. Binuksan niya iyon at inilipat sa clean plate, bago tikman.
"Oh... it's perfect naman! Baka hindi lang niya kinaya iyong lasa, pero overall, masarap."
"Right, Ma'am? Matanda na kasi," hirit ni Chef Ramos. "Gusto pa nga namin bawasan kanina, dahil nasarapan talaga kami."
"You did well, Chef Guanzon."
Napaangat ang tingin ko kay Tita Isabela.
"Sorry po, Ma'am."
"You don't need to say sorry. If may mag-order nito ulit, ask mo na lang spicy level. But overall, masarap iyong gawa mo."
Pilit na ngiti lang naisagot ko.
Para akong nanghina, parang nawalan ako ng lakas para sa buong araw, naubos bigla iyong energy ko pati excitement ko.
Nagpaalam ako para mag cr break at doon ako napaiyak, pero agad ko ring pinunasan iyong luha ko..
Mahaba pa ang araw na 'to, Amari, kaya mo 'to. Kapag magpapaapekto ka, papangit lahat ng performance mo hanggang mamaya. Mamaya ka na umiyak.
Napatingin ako sa ring finger ko na may sugat, mabuti at andito na ako. Hindi ko man lang naramdaman iyong sakit nito.
Ilang oras din ang lumipas, may isang customer na nag-complain din kanina. Nakapag-serve na rin kami kina Tita Isabela at puro compliment ang natanggap ko sa kanila.
Nang matapos na ang duty ko, andito na lang ako sa likod, pagod na nakaupo sa pinakasiksik, parang batang naagawan ng pagkain at naghihintay ng sundo.
"Baby..." His soft whisper made me lift my head.
He offered his hand, at tinanggap ko iyon para tumayo.
Exhaustion hit me like a wave. My performance hadn't been my best, and a wave of self-doubt washed over me. I threw my arms around him, needing the comfort of his embrace.
His hand was in my hair, a gentle pat that somehow calmed the storm within me.
"You did well, Chef Guanzon," he murmured, his voice low. "You really did. I am so proud of you. I love you."
~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro