Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27

Ikinulong ko ang sarili ko sa apartment kahapon. Nakakatanggap ako ng message at calls galing kay Ice, pero wala ni isa roon ang nireplyan ko. Sinabihan ko rin ang guard na 'wag siyang papapasukin dito.

Medyo na late ako ngayon, mabuti at wala pa ang prof na magpapa-exam sa amin.

Hindi ako nakapag-review nang maayos. Halos buong araw akong umiyak nang umiyak. Hindi ko nga alam paano pa ako nagkaroon ng lakas na pumasok ngayon.

"What happened? Your eyes... ang puffy," si Angelica pagkatabi niya sa akin. Niyakap niya ako. "We are here. You can share if you are ready."

"Thank you," I mouthed.

Dumating ang Professor namin at ibinigay ang test paper. Napapapikit na lang ako at pilit inaalala lahat ng mga inaral ko.

Nagulat ako nang pasimpleng ipinakita ni Angelica ang test paper niya. Nasa likod kasi si Pau at Gabby.

Nang makita ko mga sagot niya, parang doon ko lang naalala mga nireview ko, pero hirap pa rin ako. Ngayon lang yata ako nahirapan nang ganito.

Isang oras ang lumipas, ay katatapos ko pa lang. Halos ako ang huling nagpasa ng test paper.

Kinuha ko ang bag ko at ginawang unan. Abala sila mag-review pero ako bahala na mamaya.

Naramdaman kong si Gabby ang nakayakap sa akin ngayon.

"Anong nangyari? Hindi ka raw ma-contact nila Kuya?"

Tinignan ko siya at pinipigilan ang pag-iyak. "W-Wala naman." I smiled, sadly.

"Andito lang kami kung need mo makakausap, ha? Huwag mong sasarilihin 'yan."

Dumating si Kuya Lucas, agad siyang napatingin kung nasaan ako. Tama rin ako, alam din ni Kuya Lucas pero 'di rin siya nagsabi sa akin. Naiintindihan ko, kasi labas siya roon. Masakit lang talaga kasi pakiramdam ko lahat sila pinagtaguan ako. Pakiramdam ko nawalan ako bigla ng kakampi.

Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kaniya. Ibinigay niya na ang test paper. Naglalakad-lakad siya para mabantayan kami.

"He's outside," aniya pagkadaan sa tabi ko.

Hindi ko na pinansin iyon, nanikip na lang ulit ang dibdib ko.

At doon na naman ako napaiyak.

"Oh, Amari's crying? Mahirap ba ang exam? Akala ko ikaw pinakamatalino?" sambit ng isa sa mga kaibigan ni Zarm.

Hindi ko na iyon pinansin kahit may ilang natawa. Agad silang nilapitan ni Kuya Lucas, at kinausap.

"Mind your own papers. Bago ninyo pansinin ang iba, double check your answers."

I can't really concentrate, occupied ang isip ko. Gusto ko na lang matapos ang araw na 'to para makapagpahinga na ako.

After ko i-submit iyong test paper ko, kinuha ko ang bag ko at dumiretso sa comfort room.

Nakita ko ang sarili ko, I feel so weak. Halatang 'di ako nakakatulog nang maayos, halatang galing ako sa pag-iyak, ni wala nga akong kaayos-ayos na pumasok.

I have an hour vacant, lumabas ako ng comfort room at nakita si Ice sa labas, he's obviously waiting for me. Hindi ko siya pinansin.

"Baby, let's eat. May isang oras ka pa para makapag-rest."

Dumiretso ako sa library na 'di masyadong pinupuntahan, medyo malapit ito sa building namin.

Sinubukan niyang kuhanin ang bag ko pero mabilis kong kinuha iyon. Walang emosyon ko lang siyang tinignan.

"Did you eat? Kain ka na muna, major exam 'yong exam mo later."

"Nah." Kumuha lang ako ng libro at iyon ang ginawa kong unan.

Inayos niya ang buhok na tumatakip sa aking mukha. "I'll wake you up before your exam."

"Nope, I won't sleep."

"Let's eat after your exam," aniya sa mahinang boses. "I miss you."

Nanghina ako sa huling sinabi niya.

"Ayoko, I need to sleep, I need to review. I have foods pa sa apartment. Kaya ko sarili ko."

"How may I help you?"

"Just leave me alone."

"I can't and I won't."

Isinubsob ko ang mukha ko sa libro. Hindi, hindi ako iiyak. May exam pa ako.

"Ihahatid kita, ha? Para sigurado akong safe ka makakauwi."

Hindi na ako umimik, hawak niya ang kamay ko.

Ilang minuto lang tumayo na rin ako para bumalik sa room. Hindi ko kaya na kami lang ang magkasama. Baka may kung anong masabi ako.

Palabas na ako nang hinila ako palapit ni Ice sa kaniya, at niyakap ako.

"L-Let me go, Ice."

"Just a minute, baby. I fucking miss you."

Naramdaman kong ayaw niyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Pero buong lakas pa rin akong kumawala sa yakap niya at iniwan siya roon.

Pagkabalik ko sa room, doon bumuhos ang mga luha ko. Sobrang bigat ng dibdib ko, ang sakit ng puso ko. Para akong mawawalan ng malay any moment.

Natapos ko pa rin ang exam na wala sa sarili. Hinintay ko ang mga kaibigan ko para sila ang kasama ko sa paglabas, at maihatid ako sa apartment.

"Thank you," ani Ice pagkakita sa mga kaibigan ko.

"Hindi pa siya kumakain," bulong ni Gabby.

"Ako na maghahatid sa kaniya. Ingat kayo pauwi."

Sa pangalawang pagkakataon, sinubukan niyang kuhanin ang bag ko pero 'di siya nagtagumpay.

Nakasunod lang siya sa akin. Kinakausap niya ako pero wala ni isang sagot ang nakuha niya sa akin.

Huminto ako at bumili sa malapit na convenience store. Nakapasok na siya sa apartment dahil nakasunod na siya sa akin.

"Can you just please leave me alone?"

"Gusto ko lang i-sure na you're okay here."

"After nang mga nalaman ko, sa tingin mo okay ako?"

"Magpapaliwanag ako, trust me hindi ko ginustong itago sa iyo nang gano'n katagal."

"Andaming chances na pwede mong sabihin, pero hindi mo ginawa."

"Nahihirapan din ako, hindi ko alam kung papaano ko sisimulan. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Naiipit din ako."

"Sarili niyo lang iniisip niyo. Pare-parehas kayo. Ano ako? Hangin ba? Please, umalis ka na. Ayaw kitang makita, ayaw ko kayong makita."

Nagmamakaawa siya sa harap ko na pakinggan ko siya, pero hindi ako nakikinig sa kaniya. Naaalala ko lang kung papaano nila itinago sa akin.

"Please, baby, please? Magpapaliwanag ako," he said while crying, hawak-hawak niya ako.

"Leave, please! Ayaw kong makarinig ng kahit ano galing sa iyo, galing sa inyo!"

Itinutulak ko siya palabas ng apartment. Hinang-hina na rin siguro siya dahil 'di na siya nanlaban nang maitulak ko siya palabas, at padabog na isinarado ang pinto.

Rinig ko pa ang pagmamakaawa niya sa labas, habang napaupo ako dahil sa pag-iyak, pero pinipigilan kong marinig niya iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil may natanggap akong ilang missed calls, international number ito. Hindi ko alam pero nanlalamig agad ang mga kamay ko, kaya nang tumawag ay mabilis kong sinagot.

[Hello, is this Amari? I'm Belen, your Tita Gelly's friend. I just want you to know na she's hospitalized. Hindi siya kumakain, hindi rin nakakatulog. Nahimatay siya kanina.]

Nanginginig ako sa narinig ko. "H-Hello po. Kumusta po siya ngayon? Do you have facebook po? Para mas madali po ang communication natin?"

[Hindi pa rin siya nagigising. Huwag kang mabibigla, ha? Ilang beses na nag-attempt ang Tita mo. I'll message you on facebook.]

Nabitawan ko kaagad ang cellphone ko dahil sa narinig kong balita. Hindi ganitong balita ang ini-expect kong matanggap.

Tita Gelly, please 'wag mo akong iiwan. Hindi ko kakayanin.

Tuloy-tuloy ang pagtunog ng messenger ko, akala ko naman iyong friend na ni Tita Gelly iyon.

BASTA GC

Margarette
@Isaac @Ice asaan ka?

@Ice where da fck are you?!

Juan Gio
bakit?

Margarette
may exam siya sa major subject, hinahanap siya ni Sir Rojan. major subject niya 'to, sinabi na 30 minutes na lang daw niya need tapusin 'tong exam.

@Ice kapag wala ka pa raw within five minutes, zero ka na rito.

Ice Miguel
fuck i forgot
teka
pakisabi otw na ako

Ilang minuto lang nag-send si Ate Belen ng picture ni Tita Gelly na nakahiga sa hospital bed. Anglaki nang ipinayat niya. I feel so bad.

Napatingin ako sa profile ni Ate Margarette, at naisipan kong i-message siya.

Amari Gracey:
Hello po, ate. Nakapag-exam po ba si Isaac? Please, 'wag niyo na lang pong sabihin na ipinapatanong ko.

Margarette sent a photo.
Yes, bebe. Pinapagalitan siya ngayon ni Sir. Pero natapos naman niya exam niya.

Chineck ko ang picture, si Ice iyon habang nakayuko. Pinapagalitan ng Prof niya.

Kausap ko ngayon si Ate Belen, nalaman kong kaibigan na siya ni Tita Gelly simula noong nasa Pilipinas pa sila. Isa rin si Tita Gelly sa tumulong sa kaniya na makarating ng Canada.

I accidentally opened iyong message ni Ice. He's begging pa rin na kausapin ko siya, to give him a chance to explain. Pero wala akong gana to reply. I unfriended him sa dalawang facebook account niya, I unfollowed him sa instagram.

Isaac Miguel Rivera
Baby, I'm outside. Hindi ulit ako pinapapasok ng guard. May iniwan akong food dito. Uuwi ako kapagg nakita na kita, para alam kong makakakain ka. I miss you.

Isaac Miguel Rivera
I love you so much, baby. Uuwi ka pa rin sa akin, ha?

Napansin kong medyo paulan na, kaya kahit ayoko pa siyang makita bumaba ako para kuhanin iyong iniwan niya. Nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng guard.

"Baby. . . kagigising mo ba?"

"Umuwi ka na. Thank you rito."

He smiled. Alam kong pilit na ngiti iyon pero sinubukan niya pa rin. "Hintayin muna kitang makapasok."

Tumalikod na ako. Pati si Kuya ay hindi ko pa rin kinakausap. Kahit si Kuya Lucas na gustong makinig ako ay hindi ko magawa. Parang hindi pa ako ready sa mga malalaman ko. Iyong utak ko, sukong-suko na rin sa mga nangyayari. Gusto ko na lang lumipad pa Canada para makasama si Tita Gelly.

Kinaumagahan, maaga ako dahil practical exam namin ito. Magluluto kami ng isang international cuisine. Kami ni Gabby ang partner. Ayokong i-fail 'to, kaya need kong i-let go muna lahat nang problema ko. Ayokong madamay si Gabby.

"Gabby, pwedeng pakiayos 'tong apron ko?" nahihiyang tanong ko. Hindi ko kasi maitali nang maayos.

"Chill, Amari. We got this. Huwag mo i-pressure masyado sarili mo, ha? Got your back, bessy ko!"

Joint final exam na naman 'to dahil need na naman ito ng mga Marketing Students. Ibang klase talaga 'tong SanLo. Since marami kami sa klase, hinati kami sa dalawang batch, mas pinili na namin mag first batch para walang iisipin.

Our time already started, nakaalalay pa rin sa akin si Gabby, pero hinahayaan niya rin naman akong kumilos.

I am preparing the chili paste-brown sugar sauce. Since nakapag-marinate na kami before pa official i-start, si Gabby na ang nagluluto para doon.

After minutes, gumawa na rin kami ng chao fan para  partner sa Kung Pao Chicken. Ako nga ang nagtuloy roon.

"Hindi pa maalat?" Gabby asked bago tinikman iyong niluto ko. "Ayan, perfect!"

After nang napakahabang oras, nakapag-plating na rin kami, at ibinigay iyon sa Professor namin. Ibinaba na rin namin ang iniluto namin sa gym dahil doon gaganapin ang pag-m-market ng product.

Naki-share kami ni Gabby sa gastos para sa food container na gagamitin.

Nilapitan kami ni Pau and Angelica. Nag-exchange kami sa ginawa namin. Mabuti at magkatabi iyong food stall namin. Naupo lang kami sa gilid.

Tanaw ko mula rito si Ice na kinakausap ang mga marketing students isa-isa, at huminto siya nang matagal sa amin.

Itinuro kami ng mga marketing students, agad na tumango si Ice. Papalapit na siya ngayon dito at biglang parang bula na nawala ang mga katabi ko.

"Hi, kumusta?" Inabutan niya ako ng bottled of water. "Can I? Pawis na pawis ka na."

Kinuha ko ang tissue na hawak niya at pinunasan ang sarili. Kinuha niya ang blouse na hinubad ko at inayos iyon sa aking bag.

"What are you doing here? Baka may exam ka pa."

"Wala na po, natapos ko na kanina. Tapos na ako sa finals. You have two major exams pa bukas, right?" malambing na tanong niya sa akin.

Tumango na lang ako. Kinuha ko ang cellphone ko, kumunot ang noo ko nang makita kong inaaya ako ni Kuya Harold lumabas next week after ng clearance.

"Why?"

"Inaaya ako ni Kuya Harold next week," sagot ko at itinago ang cellphone ko.

"Saan? Bakit? Are you going with him?"

"Nawp."

Kahit naman may galit ako kay Ice ngayon, hindi ko gagawin iyong mga ipinagbabawal niya sa akin noon. Lalo nang nalaman kong 'di sila naging okay ni Kuya Harold.

Para siyang nakahinga nang maluwag sa sinabi ko. Napatayo na lang ako dahil ang haba ng pila sa iniluto namin.

Sa sobrang excite ko napatakbo ako papunta sa kung nasaan si Gabby. Need 'to masold out agad, at magkaroon ng positive feedbacks.

Napalingon ako sa likod ko at nakitang nakasunod si Ice bitbit ang bag ko.

"Maraming may gusto nang niluto niyo. Saktong-sakto lang iyong lasa, hindi raw nakakaumay."

"Kukuhanin mo na ba 'yong sa iyo, Kuya Isaac?"

"Hmm, later na lang, since 'di pa naman ako uuwi."

Nakita ko sila Kuya rito kasama si Kuya Elijah and Kuya Lucas. Kinuha ko ang bag ko kay Ice.

"Una na ako, Gabby. I need to sleep and review pa for tomorrow. Update mo ako, ha?" Bumeso ako sa kanilang tatlo bago mabilis na naglakad palabas ng gym.

Ramdam kong nakasunod sa akin si Ice, at tama nga ako. May dala-dala pa siyang payong.

"Asaan payong mo? Napakainit maglakad, baby."

"Ano ba? Sabing ayaw nga kitang makasama, e. Mahirap ba 'yon? Hindi niyo ba ako bibigyan ng peace of mind? Kahit ilang araw lang sana."

"Sorry, I just want to make sure na makakauwi ka ng safe."

Inihatid lang niya ako hanggang sa may labas ng apartment.

Tuwing nakikita ko siya, sila, naaalala ko lang lahat.

Finals done, after last exam ko noong nakaraang araw dumiretso agad ako sa apartment. Hindi rin ako nagbubukas ng mga social media accounts ko. Kung may update man, tinatawagan ako ni Gabby.

On the way ako sa La Bella Cucina today, not to work, para mag file ng leave. Hindi naman sila strict, need lang talaga ibigay iyong letter sa HR.

Siya ang nagbukas ng pinto para sa akin. Gulat siya nang hindi ako naka uniform. Ngayon ko lang ulit siya nakita.

Naupo ako sa pinakadulo, rito ko hihintayin si Ate Margarette.

"Good morning, baby. I miss you."

I miss you also, but the pain is still there.

"How are you? Kumakain ka ba nang maayos? Natutulog ka nang maayos."

"Yes, I'm just here meet Ma'am Margarette."

May dumating na breakfast meal sa table namin.

I need to eat na rin, since wala pa akong kain since last night.

"Are you busy tomorrow?"

"Yes."

"The day after tomorrow?"

"Magiging busy ako buong semestral break."

"I miss you, just let me explain. Give me kahit ilang minuto lang."

Nakatitig ako sa kanya. "Kapag ready na ako kasi for now? Hindi pa. Hindi pa kaya mag sink in sa akin lahat."

"I'm really sorry, nahirapan din akong hindi sabihin ito nang gano'n katagaln"

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. "Let's eat. Aalis pa ako."

"I love you. I love you so much."

Sabi ko sa sarili ko 'di na muna ako iiyak, pero napakahirap palang pigilan.

"Do you still love me?"

Hindi ako umiimik. Mabuti na lang at dumating si Ate Margarette.

"S-Sorry, good morning. Wala akong narinig."

"No, no po. Its okay. P-Paalis na rin po ako."

Hindi ko kayang tignan si Ice, nakikita ko sa kaniya si Daddy niya. Hindi sa ugali, pero sa physical appearance.

Iniabot ko ang isang paper kay Ate Margarette. "I'll be back po after five or seven days."

"Just take your time, Amari." She said in a gentle voice.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at nagpaalam paalis, mabuti at may jeep agad kaya hindi na ako nahabol ni Ice.

Sa bahay ko muna naisipang bumalik. At unang bumungad sa akin si Mommy.

"What? Hindi ka hahanap ng work mo? You'll just stay here 'cause someone's supporting you?"

"N-Naghahanap ako ng trabaho ko."

"With the help of Tito Manuel? N-Nakakahiya kayo, ang tatanda niyo na. Naisipan niyo pa rin magloko? Hindi niyo ba naisip 'yong trauma na naiiwan? Hindi lang sa asawa, pati na rin sa mga anak. Sumira kayo ng dalawang pamilya."

"Pamilya ni Isabela ang sumira sa amin ni Manuel!" humahagulgol na sigaw ni Mommy. "M-Maayos kami ni Manuel noon, pero dahil sa lintek na utang na 'yan, si Manuel ang ginawang bayad. Hindi man lang tumutol si Isabela!"

"That's why itinutuloy niyo 'yong naudlot niyong love story kahit may masasaktan kayo? Taking the risk to the highest level pala."

Galit ako sa kanila, pero to be honest, natatakot ako. Mabait si Tita Isabela, pero pwede niyang makasuhan si Mommy at Tito Manuel, lalo noong na-hospital si Ice. Halo-halong emosyon na lang ang nararamdaman ko.

"Kung hindi lang nanggulo ang pamilya nila noon, masaya sana kami. "

"Wala sanang Isaac and Amari? Magiging masaya ka pala talaga kung wala ako 'no?"

Hindi siya umimik, parang pinipiga ang puso ko. Sana pala 'di na ako pumunta rito.

Naglalakad ako at 'di ko alam saan ako dadalhin nang paglalakad ko. I miss my Tita Gelly, how I wish na andito na lang siya kasama ko.

Nakarating ako sa isang park malayo sa subdivision namin at doon naupo. Mabuti at hindi mainit ngayong araw.

I finally decided to open my social media accounts. Bungad na bungad sa akin ang messages ni Ice sa dalawa niyang account. Nagtataka ako ano itong messages ni Bianca  at Lorraine sa GC naming tatlo. Nagtataka sila kung 'di ba kami okay ni Ice at sinend ang mga screenshot sa ig and fb story ni Ice.

Puro pictures ko at pictures naming dalawa.

Hindi ko itatanggi na miss na miss ko na siya, sobra. Pero wala, 'yong galit at sakit nangingibabaw sa akin.

"Ate Amari?"

Napaangat ako nang makita si Isabel kasama ang isang Yaya niya.

Mabilis kong pinunasan ang aking mukha.

"Hello, Isabel."

Yumakap agad siya sa akin, very Ice.

"I miss you, ate! Are you crying po ba?"

Umiling ako. "I miss you more, baby. No po, napasukan lang ng dirt 'yong eyes ko."

Tumayo siya sa kinauupuan namin. "Let me see po?"

Napangiti ako. Parang si Ice lang talaga.

Nagulat ako nang nag-blow siya sa mata ko. "Ayan, masakit pa po?"

"Thank you! Hindi na po."

"What are you doing here, ate? You're alone."

"Trying to have some fresh air."

"Hindi na po ikaw nag-go sa house. Miss na kita."

Napatingin ako sa kaniya, abala siya sa laruan na hawak niya. "I'll go there next time. How's your Kuya?"

Natigilan siya sa kaniyang ginagawa at tumingin sa akin. She forced a smile. "Actually. . . he's not fine. Nag-aaway sila ni Daddy, every night. I once heard him crying. Then go out to his room like nothing happened."

"M-May sugat ba si Kuya mo?"

"He have bruises here." Itinuro ni Isabel ang kaniyang braso. "Its not that big, pero that still hurts. Ginagamot po ni Mommy."

"Ate, you and my kuya are the same. You have the same alibi whenever someone caught them crying. You'll always say may something in your eyes. Both of you are not good in lying, I guess." She giggled. "You should visit next time, ha? My kuya misses you so much!"

Inabutan niya ako ng kaniyang candy at sinabing 'wag ko siyang isusumbong.

Sila na rin ang naghatid sa akin.

Nag-aabang ako ng update about sa situation ni Tita Gelly, unfortunately, wala pang update since morning. I am just hoping na she's okay na.

Nahiga ako rito sa salas, sa ilang gabi kong umiiyak, minsan dito na lang din talaga ako nakakatulog.

Napatingin ako sa picture frame namin na naka-display.

I miss you so much.

Ilang araw ang nakalipas, literal na andito lang ako sa apartment, nakakulong. Nitong mga nakaraang araw, isinusulat ko mga nangyayari, iyong nalaman ko, iyong mga tanong na gusto ko na ng kasagutan. Pakiramdam ko, kailangan ko na rin silang pakinggan, kailangan ko rin nang kasagutan.

Walang araw na 'di nila ako mine-message, si Ice minsan nasa labas ng apartment. Lumalabas naman ako tuwing may dala siyang pagkain, pero minsan ipinapadala ko na lang dito sa guard.

Gumawa ako ng dump account ko sa facebook, walang may ibang alam nito. Ginawa ko lang para i-release 'yong pain na nararamdaman ko since ayoko magkwento.

I stalked his account, pinalitan niya pala ang profile niya sa second account niya ng picture naming dalawa. Sa main account niya may story siya na something pink. I can't help but to smile.

Napatingin ako sa oras, I just decided to go outside para naman sa fresh air. Wala naman si Ice today, nasa SanLo, iyon ang sabi niya sa message.

Nagpunta ako sa isang Ramen Restaurant malapit sa SanLo. I'm using my phone while waiting for my order, napadaan ang facebook account ni Tita Isabela sa akin. I stumbled upon her facebook post last night. And she changed her facebook name.

Isabela Cojuangco posted a photo.
blessed.

It was a family pictures without Tito Manuel. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako or ano. Ang dalawang pinakahuling pictures ay kasama ako. Ibang group photo na ito, noong birthday ito ni Tita Isabela. May caption din ang photo na iyon - and of course, with our Amari, my daughter-in-law.

Nabasa ko ang comment ni Ice roon.

Ice Miguel: for sure mahihiya si Amari, Mommy, kapag nakita ito.
Isabela Cojuangco replied to Ice Miguel's comment: I can literally hear her voice saying 'tita, nakakahiya naman po.'

Ilang saglit lang, nakatanggap ako ng call galing kay Tita. Nakaramdam ako ng hiya, naiisip ko kung gaano sila naging kabuti sa akin, pero si Mommy pala ang isa sa dahilan kung bakit nangyayari iyon sa kanila.

"H-Hello po, Tita."

[Hi, darling. How are you? I can't contact you kasi sa social media accounts mo, so tinawagan na kita. Are you busy tonight or tomorrow night?]

Ilang segundo rin bago ako nakasagot. "T-Tomorrow night po, Tita, wala po akong gagawin."

[Good! Can you go here? Family dinner, its just us, don't worry. If its okay sa iyo?]

Siguro need ko na rin silang makita at makausap. Nakaramdam talaga ako ng hiya sa buong pagkatao ko. Hindi ko ma-imagine 'yong pain, 'yong trauma na dinaranas ng family nila dahil kay Tito Manuel and Mommy.

"S-Sure po, Tita."

As soon as I ended the call, I can't help myself but to cry. Napakabuti nila, andami nilang naitulong sa akin, nahihiya akong humarap sa kanila bukas, pero kailangan ko ng gawin.

"Amari?"

Gulat akong napatingin kay Kuya Harold. Mukhang kapapasok lang din niya rito.

"Oy! Hello, Kuya." Tumayo ako para batiin siya.

Mukha siyang may hinahanap sa likuran ko. "Asaan si Ice?"

"Ah, nasa SanLo, Kuya."

"Hindi ba kayo okay? Hindi ko na kayo nakikitang magkasama, e."

Napaiwas na lang ako ng tingin, bago ulit naupo. "May misunderstanding lang po."

"That's why you're crying? It's been a week simula nong 'di kayo okay, right? Hindi man lang ba siya gumagawa ng way para magkaayos kayo? Alam ba 'to ni Arvin?"

"He's talking to me, ako po iyong 'di nakikipag-communicate sa kaniya. Palagi siyang nasa labas ng apartment para makipag-ayos."

Hindi na siya umimik, inabutan niya ako ng panyo.

Tahimik lang kaming kumakain na magkatabi.

"May pupuntahan ka ba after mong kumain?"

"Wala po, lumabas lang ako to eat."

"Ayaw mo ba maglakad-lakad?"

Bahagya akong napatingin sa kamiya bago umiling. Gusto ko maglakad-lakad, pero dapat ako lang mag-isa.

"Maybe next time, Kuya. Lumabas lang po talaga ako to eat, and I'll sleep na rin."

Naglalakad kami pauwi sa apartment may nadaanan kaming nagtitinda ng cotton candy, kaya agad akong lumapit doon.

"Kuya, bilhin ko na po lahat ng pink."

"Ha?! Huwag na Kuya, h-hindi ko mauubos 'yan. Baka masayang lang."?

Bahagya siyang tumawa at ginulo ang buhok ko. "Sige na, hati na lang tayo."

Isa lang naman dapat bibilhin ko, sana talaga hinintay ko munang makaalis si Kuya Harold.

Ang awkward tuloy na andami kong bitbit na plastic ng cotton candy.

"T-Thank you po, Kuya. Ingat!" I awkwardly smiled before ako pumasok sa apartment.

Iyon lang ang ginawa ko pero parang naubusan ako ng energy.

Madilim na nang magising ako dahil sa katok sa labas.

"Ipinabibigay ni pogi kanina. Hindi rin siya masiyadong nagtagal."

"Salamat po."

"Teka, may kaaway ba boyfriend mo? Mukhang mabait naman si pogi, kasi nakakakwentuhan ko tuwing naghahatid ng pagkain mo."

"Bakit po? Wala naman po akong kilala na kaaway niya."

Kumunot ang noo ni Manong. "Ah! Baka namamalikmata lang ako. Sige, una na ako!"

Hindi na ako nakapagtanong dahil ang bilis makaalis si Manong.

I opened my facebook account na. I instantly sent a message to my Kuya na we'll talk next day. Siguro naka-duty pa siya.

I opened the messages of Ice.

Isaac Miguel Rivera
Baby, akala ko hindi ka makikipagkita kay Harold? Bakit magkasama kayo kanina? I know you're mad, pero kasi sinabi mo sa akin 'di ba?
Hahaha ako pa rin naman, 'di ba? Sa akin ka pa rin naman uuwi, right?
I love you so much.

Oh my gosh! Baka isipin niya nakikipagkita talaga ako kay Kuya Harold.

I tried to call him pero hindi nag-r-ring, hindi ko rin ma-contact iyong dalawang phone. Hindi rin delivered iyong messages ko.

Medyo maaga pa, agad kong kinuha iyong jacket ko at mabilis na pumunta sa kanila.

I tried asking Kuya Lucas, pero wala raw sa kanila si Ice.

I am worried. Galit ako, pero hindi ako gagawa ng reason para mag-doubt si Ice sa akin. Siya lang palagi. Sa kaniya lang ako uuwi.

Ilang minuto rin bago ako makarating sa kanila dahil na rin sa traffic.

Kauuwi lang din pala ni Tita Isabela, gulat siya nang makita niya ako.

"Oh, Amari?" Lumapit siya sa akin para bumeso. "I thought bukas ka pa hindi busy? Hindi tuloy ako nakauwi agad to prepare foods."

Pumasok kaming dalawa sa loob ng bahay nila.

"I need to see Ice po, Tita."

"I don't know if he's here na, e. Hindi ko nakita car niya sa labas."

"Andito na po si Sir Isaac, Ma'am. Inihatid po ni Sir Ishmael at Ma'am Ishy kanina."

"Why? Is he okay?"

"Nakainom daw po, may sugat din po, e."

Napansin ko ang biglang paglungkot ni Tita Isabela. "Ginamot niyo na ba?"

"Ginamot po ni Ma'am Ishy bago po sila umuwi. Sumama rin po si Isabel sa kanila, si Ian po natutulog."

"Napaano na naman kaya si Isaac." She left out a heavy sighed. "You wanna see him first?"

Tumango ako. Hindi maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko. Ilang araw, ilang gabi kaming 'di nag-usap. Hindi ko in-expect na ganitong way pa kami mag-uusap.

Ayokong gantihan siya, never sumagi sa isip ko na gantihan 'yong pain.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng kwarto niya. Dahan-dahan kong isinarado ang kaniyang pinto. I saw him peacefully sleeping at may pasa nga siya sa lips niya.

Kinuha ko iyong phone niya, naka turn off pala.

"Wake up, l-love."

"Who are you? Why are you calling me that? Galit na sa akin 'yong baby ko, ayaw ko nang dagdagan."

"Do you miss your baby?"

Hinila niya ang kaniyang kumot. "So much. So get out of my room, please. Ayoko nang masaktan siya."

Tumabi ako sa kaniya, habang umiiyak. "It's me! Wake up!" Iyak ako nang iyak habang nakasiksik sa kaniya.

"B-Baby? Oh fuck."

Agad niya akong niyakap nang mahigpit. "I am not dreaming, right?"

Hindi ako umiimik, iyak lang ako nang iyak sa dibdib niya. Mukha akong batang nagsusumbong.

I can feel his hand on my head, he's gently patting my head.

Maingat siyang tumayo. Ang loko naka sando lang pala.

"I'm sorry, trust me, ilang beses kong binalak, pero 'di ko alam kung papaano sisimulan."

"Let's just talk about that downstairs, since I need to talk also kay Tita Isabela."

"I love you, I always do. I'm so sorry kung 'di ako agad nakasagot sa iyo noong tinanong mo ako, 'cause I'm mad, I know that's not a valid reason." Napayuko ako.

Sa pagkukulong ko, andami ko lang realization sa mga nangyayari.

"Hindi ako nakipagkita kay Kuya Harold. I was supposed to eat alone, but then he saw me. I was crying, because katatapos namin mag-usap ni Tita Isabela. Hanggang sa pag-uwi nasa likod ko si Kuya Harold kahit sinabi ko namang okay lang ako."

"I was scared a while ago, Amari. When I saw you both, gustong-gusto kong lumapit pero 'di ko magawa. Nablanko ako kanina, bumalik na lang ako ng school. Natakot ako kasi ilang araw na tayong 'di nagkakausap, you're mad, akala ko ipagpapalit mo na ako."

"I'm just mad, but it doesn't mean na ipagpapalit kita. I will never do that, never. Pero mad pa rin ako sa iyo. I just really need to hear your side, and I wanna say sorry also kay Tita Isabela. Can we talk about this later?  I feel like there's a lot we need to clear up."

He came closer to me and kissed my forehead. "We will, baby."

His face was so close to me, at napako ang tingin ko sa sugat niya sa labi.

"Is it because of your dad?"

Napakagat siya sa ibabang labi niya."N-No, baby. But don't worry, it doesn't hurt."

"Magtatago ka na naman sa akin? Hindi pa nga tayo okay, e. Who did this to you?"

Umiiwas siya ng tingin sa akin.

Bahagyang napataas ang kilay ko, at umaktong aalis na rito, ngunit mabilis niya akong hinila, at napahiga ako. He's now on top of me, pero nahiga siy sa tabi ko.

"Please? T-Tell me?"

"Harold, but hayaan mo na, gets ko naman siya."

"H-Huh?! Alam ba 'to nila Kuya Lucas?" si Kuya Lucas ang binanggit ko dahil wala naman si Kuya sa SanLo kanina.

Tumango siya sa akin. "Si Lucas, nakita niya. Umawat naman siya."

"Let me see." Iniharap ko ang mukha niya sa akin. "Puro sugat ka na. Nakakainis ka naman, e."

"If it means of protecting you? The pain was worth it."

Inirapan ko siya, narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Hinila na naman niya ako kaya napahiga ako sa itaas niya.

"Stay here. I miss you so bad."

"I miss you more," sagot ko sa mahinang boses. Isiniksik ko ang ulo ko sa leeg niya.

"Are you sleepy?"

Hindi ako sumagot.

"Are you hungry?"

Nope.

"Anong gusto ng baby ko?"

Mahina kong kinagat ang leeg niya bago bumangon. "Let's go downstairs. Para makakain ka na rin."

Mabilis siyang sumunod sa akin, mabuti at naisipan na rin niyang mag t-shirt.

"I ordered cooked food na lang, 'di na kaya magluto, hindi ako nakapag-grocery." Nahihiyang sambit ni Tita. "You guys okay na?"

"Yes, Mommy." Nagkatinginan kami ni Ice. Pasimple ko siyang inirapan.

We started eating na kaming tatlo lang.

"Hindi na siya umuuwi rito tuwing andito ako. He's not welcome here, he's just going here for my twins," sambit ni Tita Isabela, nahalata niya siguro ang pagtataka ko.

"I am sorry po."

"No, no. Don't say sorry. Wala kang kasalanan. Like us, you're also a victim."

"Baby, uunahan na kita, don't invalidate your feelings. Your reactions? They are all valid, naiintindihan ko kung saan galing 'yong galit. Hindi lang basta galit, I know may pain doon."

They gave me a genuine smile. They are so pure soul, papaano nila nasasaktan itong mabubuting tao.

They look at each other, parang nanghingi si Ice nang permission kay Tita Isabela to speak first.

"When I realized I had feelings for you, and when it became clear that your Mom was Daddy's first love, si Mommy agad ang una kong sinabihan, kasi alam ko mas maapektuhan siya. I always asked Mommy if I should still pursue you. But she never stopped me. She said I should go for it because wala kang kasalanan. Isang taon na rin nang nagkaroon ulit ng communication si Mommy mo at si Daddy. Umiiwas na si Mommy mo noon, pero 'di niya pa rin kaya. Mahal niya pa rin si Daddy."

"It's so hard for me, too. Especially since Mommy remembers you every time she sees Daddy. It makes me question everything—my feelings for you, whether I should confess, my loyalty to my family, the whole complicated mess of it all. Ang hirap."

I saw how Tita Isabela trying to stop herself from crying.

"But I always encouraged my Isaac to go just pursue you. The moment I met you, I felt nothing but warm. I felt no bitterness or hate, Amari." She held my hand. "So I always reassured Isaac that I was okay with him na lialgawan o mahalin ka. Besides, Isaac has done so much for us, it's his time to be happy, to know how to love and be loved."

Wala akong ibang sinasabi, tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

"I won't deny, nasasaktan ako noon everytime naririnig ko ang pangalan ni Amara at Manuel, it pains me to see them trying to find ways to be together. But seeing Isaac happy with you... it's a kind of healing. It heals me." Tita Isabela gently caressed my cheeks. "I know I made a right decision to allow him. I am so happy tuwing nakikita ko kayong magkasama. Never akong tututol sa makakapagpasaya sa mga anak ko."

"Thank you so much, Tita. I genuinely appreciate your kindness. Inaalagaan niyo ako na 'di ko maramdaman sa tunay kong magulang. Palagi niyo akong inaalala. That means so much to me. Nakaka-guilty po na ang bait niyo sa akin, sa amin ni Kuya."

"Hindi ko kayang magalit sa mga taong wala namang kasalanan sa akin. Like what I just said earlier, you and your kuya ay biktima lang din. I want to help you, because tinutulungan mo rin kami."

I slightly bowed my head. "I owe you so much, Tita, and Ice. I know thank you is not enough sa lahat po nang mga naitulong niyo sa akin. Hindi ko alam kung kaya kong i-survive itong life without your help. But I just wanna know why? Bakit 'di mo agad sinabi sa akin?"

Hinawakan ni Ice ang kamay ko. "Baby, I know you're angry, and I deserve it. I lied, and I'm so sorry. I j-"

Tita Isabela cut Ice off. "Amari, it's my f-fault," Tita Isabela sobbed, her voice cracking. Kulang na lang ay lumuhod si Tita sa harap ko. She was truly begging for forgiveness. "I begged Isaac not to tell you. Natatakot ako para sa mga anak ko, lalo kay Ian. He has a heart problem, and he loves his Daddy so much. I couldn't bear the thought of Ian suffering the stress of losing his dad. P-Patawarin mo ako," she choked out, tears streaming down her face. "I was selfish, I know. I just couldn't face the possibility of losing Ian."  Seeing her like that, so vulnerable and remorseful, made the anger melt away.

Seeing Tita Isabela cry breaks my heart. She's right, pare-parehas lang kaming bikitima rito.

"I also found out about Daddy and Tita Amara's plan to keep it from you," he confessed, his voice trembling slightly.  "They threatened me paulit-ulit, saying they'd force you away and take you out of the country if you found out.  Their plan was to give you a ticket for a vacation abroad, but once you were there, itatakas ka na nila. Daddy even rented a private plane. And if you found out nang maaga, itatakas ka na kaagad nila."  He paused, his eyes welling up. "They want to start a new life abroad with you, baby."

"I tried many times to tell you, maniwala ka sa akin," he pleaded, his voice cracking with emotion. "But I couldn't bring myself to do it. I didn't want to ruin our happy times together.  When I was in Laguna, I saw them—they were running away. Nalaman kong they were meeting with the people who would help them."  A single tear rolled down his cheek.

"I was terrified of losing you, and terrified of losing my brother," he whispered, his voice thick with unshed tears. "It was so difficult, baby. It felt like I was choosing between my brother's life and telling you the truth. Baby, that's the impossible choice that's haunted me: my brother's life versus my honesty with you."  His shoulders shook as he finally broke down, sobbing softly. "Naipit ako, Amari. Ipit na ipit ako sa gitna."

Wala akong masabi, nakatulala lang ako.

"I'm still trying to process everything you just told me," I admitted, wiping a stray tear from my cheek. "Part of me is furious that you kept this from me for so long.  Honestly," I whispered, my voice choked with emotion. "If you'd told me earlier, maybe I could have helped. But the other part of me understands. You were protecting Ian, protecting me from the hurt. That doesn't erase the confusion, but it helps me understand."

"Patawarin mo ako."

"Forgive me, Amari. Forgive us. We intended to tell you before the year ended, but we never imagined things would turn out this way.  We never wanted to cause you this distress."

I am hurting, so much, but I'm also starting to understand Ice's decision. The pain of discovering this is something I can bear, but the pain of losing someone I love... that's unbearable.

Part of me still rages—how could he keep this from me? But another part understands, sees the impossible choice he faced. Iyong takot at sakit sa mga mata niya habang nagsasabi siya, hindi mawala sa isip ko.

I've become close to Ice's family, to his siblings, who I consider my own brother and sister. I couldn't bear to know that one of them might be lost dahil sa padalos-dalos na desisyon —a decision made out of love, but a decision that still feels wrong.

"Mommy..."

Our heads turned towards Ian. He was in his white sleepwear, rubbing sleep from his eyes, leaving smudges on his cheek. We'd watched him grow, almost as if in a dream.  But this dream felt different, tinged with a chilling premonition.

"Why are you crying?" he asked, his voice thick with sleep. He shuffled closer, his small body radiating a warmth that felt both comforting and heartbreaking.  His hand instinctively went to his chest, a small, almost imperceptible tremor running through his fingers. "I'm sleepy. I love you, Mommy."

A wave of anxiety, sharp and cold, pierced me. His words, so simple, yet so laden with unspoken meaning.  The unspoken knowledge of his heart condition hung heavy in the air.

"He's been like this all night, don't worry," Ice's said with small voice, a shaky reassurance.  But his words did little to calm the storm brewing inside me.

"Where's Daddy? He said he'd pick me up." His voice was a fragile whisper, barely audible above the rhythmic thump-thump-thump of my own frantic heart.

My throat tightened. "Baby, listen to me, okay? You won't go with Daddy alone, okay? Promise you'll tell Mommy or Kuya immediately if he tries."  The fear clawed at me, a raw, visceral terror that threatened to consume me.

He nodded slowly, his gaze distant, unfocused. "He gave me toys earlier."  He clutched a small, worn teddy bear to his chest, his fingers tightening around it as if it were a lifeline.

"What else?"

"Hmmm, he promised we'd go to Disneyland." The words hung in the air, a fragile, heartbreaking promise.

"I'll take you to Disneyland, okay? We'll go together."

Ian looked at me, his eyes reflecting a profound sadness that belied his small smile. I felt the ache in his gaze, the unspoken weight of his illness, the constant, underlying fear that lived in his small heart.

He moved closer, wrapping his arms around my waist, his small body trembling slightly.  Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Thank you, Ate," he whispered, his breath warm against my side.  His small hand instinctively went to his chest again, lightly touching the area where his heart beat relentlessly.

Tears welled in my eyes, hot and heavy. I gently patted his back, feeling the fragility of his small frame, the delicate pulse of life beneath my touch.  They had become so precious to me, sila ni Isabel.

"You'll get better, okay? We'll play nonstop, just you and me." My voice cracked, betraying the tremor in my hands. 

"What if I don't get better?" His voice was barely a breath, a whisper lost in the vast emptiness of my fear.

"No, Ian, don't say that, baby." I tightened my embrace, my heart clenching with a pain that was both physical and emotional. 

He offered a bitter smile, "I can feel my body getting weaker, Mommy. But promise, I won't leave you. I'll get better."

But in his eyes, I saw the unspoken truth:  he knew.  He knew the battle he was fighting, and he knew the odds.

Hinawakan ko ang kamay ni Tita Isabela at yinakap siya. "Masakit pa po sa akin, pero naiintindihan ko na po."

Sunod kong niyakap si Ice. "I won't leave you, sabay nating haharapin 'to. Hindi ako mawawala. I love you so much."

"Thank you, thank y-you. I love you more."

Pinunasan ni Ice ang mga mata ko. "Babawi ako."

Sa halos buong gabi, nag-iyakan lang kami. Ang sabi pa ni Ian mabuti at wala si Isabel dito dahil siya ang pinaka oa na umiyak.

"Uuwi ka, anak?"

"No po, Tita. Gabi na rin po kasi masyado."

Pagkarating na pagkarating namin sa kwarto ni Ice, hinila na agad niya ako para humiga.

"I miss you."

"I miss you more. I'll talk to Kuya Harold din."

"Ayoko, 'wag na. Magkakausap pa kayo, ayoko. Hayaan mo siya."

Parang batang pagrereklamo niya.

How I miss being hugged by him, how I miss resting on his arms, how I missed being babied by him. Oh, I miss you so much, my Isaac.

I can feel his kisses on my head.

Ilang minuto rin kami sa ganitong posisyon bago kami umayos.

"Baby, pa-accept na friend request ko."

Natatawa akong tumango, mutual na ulit kami sa lahat.

May notification agad akon natanggap pagka-open ko ng facebook. Picture iyon, habang nakayakap siya sa akin, ngayon lang din ito.

Ice Miguel tagged you in a post.
Finally, I'm home.

~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro