Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 26

I am alone here apartment, first anniversary namin today ni Ice. Nasa SanLo siya today, busy kahit katatapos ng Sports Fest.

Sinabi kong umuwi ako sa amin, iniisip ko lang baka bigla siyang pumunta rito para matulog.

Habang naglilinis, nakatanggap ako ng tawag galing sa kaniya.

[Baby, punta me sa Tagaytay today after ko here sa SanLo. Baka gabihin ako, I'll update you asap. I love you.]

Aba?! At anong gagawin ng taong 'to sa Tagaytay? Don't tell me 'di niya alam na Anniversary namin today?

Napasimangot ako. Sa sobrang busy niya ba nakalimutan niya na kung anong meron today?

"Uuwi ka ba tonight?"

[Baka madaling araw na ako makabalik, baby. Why? Papasundo ka ba pauwi sa apartment? I-message ko si Kuya Alex. Sorry, baby. Biglaan kasing pinapatingin ni Mommy iyong site, and may meeting.]

Napabuntong hininga ako. "A-Ayos lang, love. Diretso ka sa a-apartment pagkauwi mo, ha? I love you." Happy anniversary.

[I will, baby. See you! I love you so much!]

Narinig kong sa kabilang line ang pagsakay niya sa sasakyan. Bagsak ang balikat kong napaupo sa couch.

"That's okay, Amari. Dito naman siya after niya sa Tagaytay, so magkakasama pa rin kayo."

Tumayo na ako at sinimulang linisin ulit ang apartment. Bumili ako ng decorations na ilalagay ko rito mamaya. Hindi ako magaling sa ganito, pero I will try my best.

Duh, kahit naman anong gawin kong magugustuhan ni Ice. Ako na 'to, e.

I ordered bouquet of flowers din. A man like him deserves flowers, too.

Nagtitingin ako sa cook book kung anong pwedeng iluto, nag-bake rin ako ng cake pero andoon kina Kuya Lucas dahil doon ko ginawa.

Oras ang lumipas, madilim na rin. Katatapos lang naming mag-usap ni Ice. Mukhang hindi talaga niya naaalala. Nahihiya rin akong itanong sa kaniya.

Inaayos ko ang mga polaroid pictures na ipinagawa ko, isasabit ko kasi ito mamaya.

Napansin ko ang blue circle sa profile ni Ice, kaya agad kong binuksan iyon. Napangiti ako nang makita ko 'yon. Picture naming dalawa noong huling kita namin, nilagyan niya ng caption na - i miss my baby.

Ang pangalawa ay picture kung nasaan siya. Nag-reply ako roon pero 'di na siya online.

Jusko naman, Isaac Miguel Rivera.

Inihatid ni Kuya Lucas ang mga ginawa kong cake, at siya na rin nagdala rito ng flowers.

"Ano oras uwi ni Isaac?"

Ayaw pumasok ni Kuya sa loob, para 'di raw niya maunahan si Ice na makita ang ginawa ko.

"Baka madaling araw pa raw, Kuya. Nagkausap naman kami kanina."

He nodded. "Una na ako. Happy anniversary sa inyo. Pagpasensyahan mo na ang businessman."

Natapos ko na rin iyong niluto ko. Pagod na ako, pero ayokong matulog, gusto ko gising ako pagkauwi ni Isaac dito.

Tumayo ako at tinitignan ang mga polaroid pictures naming dalawa kada buwan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

It's already nine in the evening. May ilang oras pa naman, pero nagpalit na ako ng damit. Nakasuot ako ng red dress, naglagay lang din ako ng make up.

I sent him a message.

To: Lovey ♡
Love, miss u! :(

Agad-agad naman siyang nag-seen at nag-reply.

From: Lovey ♡
I miss you more, baby. I'm sorry, pauwi na ako.

Parang nawala iyong pagod ko nang mabasa ko ang message na iyon.

Nag-scroll lang ako sa facebook, nang nakatanggap ako ng message galing sa mga kapitbahay ko rito sa apartment.

Apartment Girlies

Judy
@Amari bebe, andito kami sa rooftop! May pa fireworks, tara dito, shot na rin tayo.

Bev
@Amari tara girl! Andito na kami. Ingat lang papuntang rooftop, naka off ang lights.

Napakunot ang noo ko. Wala naman akong naririnig na may fireworks tonight.

Sumilip ako sa labas, halatang wala nga rito mga kapitbahay ko. Kumuha muna ako ng jacket dahil masiyadong malamig.

Dahan-dahan akong naglalakad papuntang rooftop.

Kainis, ba't kasi nasira lights dito papuntang rooftop.

I opened the gate to the rooftop and saw Ice standing there, smiling and holding a bouquet of flowers. He's wearing a casual attire - a white pants and a black polo shirt.

It's a candlelight dinner. There were rose petals on the ground and little candles leading up to him. The sound of a violin playing softly in the background made it even more romantic.

"Happy anniversary, baby."

Naglakad ako, at sinalubong niya ako sa gitna.

"N-Nakakainis ka. Akala ko kinalimutan mo na 'to."

"Pwede ba 'yon?" Mahigpit ang naging pagyakap niya sa akin. "Happy anniversary, baby. I love you."

Mahina kong kinagat ang braso niya kaya siya natawa.

"Happy anniversary. I love you so much."

Naupo kaming dalawa. "Akala ko ba nasa Tagaytay ka?"

"Eh ikaw baby? Akala ko ba andoon ka sa bahay niyo?" Ginaya niya ang pagtataas ko ng kilay.

I pouted. "E-Eh, wala! Kakauwi ko lang dito, okay? Kasi nga 'di ba sabi ko uuwi ka rito."

After naming kumain, inaya niya ako para sa sweet dance. Nahihiya pa nga ako noong una dahil may makakanood sa amin.

Naramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa akin bewang, at marahan akong inilapit sa kaniya. Habang nakalagay naman ang dalawang kamay ko sa kaniyang balikat.

Nagkatinginan kaming dalawa. He smiled genuinely, at naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking pisngi. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon.

Ramdam ko ang paglapit ng mukha niya sa akin, at ang pagtama ng tip ng nose namin sa isa't isa. "You'll always be worth the risk, Amari Gracey."

I chuckled pagkarinig ko sa pagbanggit niya ng pangalan ko.

He kissed the top of my head. "One year down, forever to go."

Bigla siyang lumuhod sa harap ko na ikinagulat ko.

"H-Hoy! Love, tumayo ka r'yan!" Pilit ko siyang itinatayo. "H-Hindi pa ako ready."

Nginitian niya ako at may inilabas na ring box.  "It's a promise ring, baby."

Kinuha niya ang right hand ko, inalis niya ang singsing na ibinigay niya sa akin noon, at ipinalit ang promise ring. "I promise to love you everyday. Huwag ka munang kakabahan sa engagement ring, baby. Baka by next year." Pagbibiro niya bago hinalikan ang aking kamay.

Ipinakita rin niya sa akin ang sa kaniya. "Walang magtatanggal, ha?"

Napatingin ako sa singsing. Halatang mahal na naman ito.

"Thank you."

"Anything for my baby."

Mahigpit ang naging pagyakap ko sa kaniya.

"May ipapakita ako." Itinuro niya ang langit. "You can take videos or pictures, remembrance na rin."

Nakatingin siya sa itaas habang ako nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung papaano ako makakabawi sa lahat ng mga ginagawa niya para sa akin. Sa one year namin, never siyang nagkulang, palagi niyang ipinaparamdam sa akin ang soft and gentle love na 'di ko naranasan noon sa ibang tao.

Hinawakan niya ang kamay ko, at napatingin na rin ako sa itaas.

May drone show pala, at ang-form ito ng A ♡ I

"Wow!" Iyon na lang ang nabanggit ko habang nakatingin doon. Dali-dali kong kinuhanan ng litrato at video. "Ang astig, love!"

Ilang drone show pa. Nakita ko sa kabilang apartment na nanonood din sila. Sunod na na-form ang I L Y.

At ang huli ay ilang fireworks display. I took a video of us gamit ang isang phone niya habang nanonood ng drone show and fireworks display.

"I hope you like my surprise."

"I love it so much, love! Thank you!"

"Hmmm?" Tumaas ang kilay niya.

Bahagya akong natawa sa reaksyon niya. "I love you!"

"And I love my baby more."

Bumaba kaming dalawa, parang nahiya tuloy ako sa pakulo ko. Pero I know him, super appreciative niyang tao.

"C-Can you close your eyes? Huwag kang madaya, ha?"

"Okay, okay, baby." He immediately closed his eyes. Hinawakan ko ang kamay niya at inalalayan siya papasok ng apartment.

I turned off the lights para magsindi ang mga inilagay ko sa floor.

"O-Open your eyes na po."

Napaatras ako nang iminulat niya ang mga mata niya sabay nang paglibot ng kanyang tingin sa apartment.

Dahan-dahan siyang naglalakad habang tinitignan ang mga nakasabit naming polaroid pictures.

"You're so good, baby. Complete pictures since last year."

"S-Sorry, ang simple lang."

"Baby, don't say that nga. I love it. I really love it." Abala siyang kumukuha ng litrato. "

Iniabot ko sa kaniya ang flowers. "Flowers for the best boyfriend in the world."

He was so shocked. "E-Eh? Baby?"

I smiled, sweetly. "Lagi kang nagbibigay ng flowers, ako rin tonight. Deserve mo 'yan."

Hindi pa siya makapaniwala na ang hawak niyang bulaklak ngayon ay para na sa kaniya.

"K-Kakain pa ba tayo? B-Baka busog ka na."

"Let's eat again, baby. Sabay tayong tataba."

While kumakain kami, inilabas ko na rin iyong cake. Nilagyan ko lang ng design na - Happy Anniversary.

"Ako nag-bake niyan!" I proudly said.

Tumikim naman siya at sumimangot. Napaupo tuloy ako. "E-Eh? H-Hindi masarap? Sorry... akin na, papalitan ko na lang."

"Hindi masarap. . . dahil sobrang sarap!"

Mahina ko siyang hinampas. "Be honest kasi."

"Masarap nga, baby. Sakto lang iyong tamis niya, hindi nakakaumay."

Tumango na lang ako at naki-share sa plate niya.

Bago matapos ang gabi ay may ibibigay ako sa kanya. Sana 'wag niya akong tawanan.

"Love," pagtawag atensyon ko sa kaniya. "I have a gift for you."

"What is it baby?" Napaayos siya sa kaniyang pagkakaupo.

Hinila niya ang upuan ko palapit sa kaniya.

"Basta don't laugh, ha? Palalayasin kita rito."

"I promise."

Ibinigay ko sa kaniya ang paper bag, may gift doon na naka gift wrap pa kaya agad niyang binuksan.

Namilog ang mga mata niya nang makita ang gift ko for him, ewan ko nga kung matatawa ako sa sarili kong regalo.

"Kung ganito lang pala edi ito na palagi kong isusuot."

Napaiwas ako ng tingin. Its a t-shirt. May maliit na pangalan ko sa harap, left side, nakatapat sa heart. And ang back design ay pictures ko. Dalawang gano'n ang ipinagawa ko, isang black and isang white.

Nakita ko lang iyong gano'ng idea sa TikTok, kaya ginaya ko.

"H-Huwag kang tatawa!"

"I love it baby."

Napatingin ako sa kaniya. He patted his lap, signaling me to sit on his lap. Napakagat ako sa ibabang labi ko, pero mabilis ko ring sinunod iyon.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking bewang, bago niya ako niyakap.

"I love you so much, Isaac Miguel."

"I love you more, Amari Gracey."

Pinilit ko siyang dito na matulog, pupunta rin naman kami ng school bukas para mag-review, dahil finals next week.

"Ayaw mo ba sa kwarto?"

"I'm fine here baby."

"Sus! Lagi ka ngang humihingi ng kiss, e." Pang-aasar ko sa kaniya.

Napaiwas siya ng tingin sa akin dahilan upang matawa ako. "T-That's different, baby."

Pakiramdam ko'y namumula na siya. "Okay, hindi ko na lang isadarado ang pinto."

Bago ako matulog naisipan kong mag-post sa Instagram, pero nakita kong may follow request.

@iceonamari requested to follow you

Agad kong in-accept iyon, at nag-send din ng follow request mabuti at in-accept niya iyon.

Lumabas ako at nadatnan siyang nakahiga habang tutok sa kaniyang cellphone.

"Ikaw gumawa?"

Ibinaling niya ang tingin niya sa akin. "Yes, baby. Ilalagay ko r'yan exclusive photos natin."

Ibinato ko ang throw pillow sa kaniya bago ako pumasok.

@iceonme tagged you in a post.
1st. i love you always and in all ways.

Tatlong post iyon, ang nasa gitna ay solo pictures ko lang kanina na kuha niya lahat, ang nasa una ay habang hawak niya ang kamay ko na suot ang singsing.

@iceonme tagged you in a post.
ang aking nag-iisang tinatangi. mahal kita lagi't lagi.

@heyitsgracey_ : i love you so much, mahal.

Maaga akong nagising kinaumagahan, nadatnan ko pang natutulog si Ice, napuyat siguro to kakaharot sa akin sa comment section. May food pa naman kami rito from last night, i-reheat na lang later.

Napatitig ako sa kaniya. Ang softy talaga niyang tignan, para siyang iyong isang kpop artist na sinusuportahan ni Gabby. He's so pretty-handsome.

Ayoko siyang gisingin, pero gusto ko ng atensyon niya. Habang nakaupo ako sa sahig, inihiga ko naman ang ulo ko sa braso niya.

"Kapag 'di 'to nagising, 'di niya na ako mahal."

"G-Gising po ako. . ." aniya sa mahinang boses. Halatang inaantok pa. "Good morning po,"

I giggled nang makita siyang nagkukusot ng mata, gulo-gulo pa ang buhok. He pouted, tumayo ako.

Naalala ko, ayaw niya talagang magsalita tuwing bagong gising, kaya agad siyang naghilamos at nag-ayos ng sarili.

He gently patted my head pagkalapit sa akin. "Did you eat? Himala, aga mo nagising today?"

"Ay, talaga. Iyong iba kasi napuyat kakaharot sa comment section."

"No kaya. Iniinggit ko nga sila Elijah, e."

Kalokohan talaga ng taong 'to.

After namin, gumayak na rin kami papuntang school. Nakita ko siyang suot iyong t-shirt na ibinigay ko sa kaniya, at naka black pants siya and white shirt from me.

"Love, n-nakakahiya pala. Hubarin mo 'yan, please?"

Napatingin siya sa akin, at sa suot niya. "It looks so nice, baby. What do you mean?" He's checking his self sa mirror. "Para alam nilang may maganda akong girlfriend."

Wala akong nagawa. Bagay naman, pero nahihiya talaga ako. Ang yabang-yabang ko pa noong nakaraan.

"Baby, sana nilakihan mo pa kaunti 'tong name mo rito. Pero ayos lang maganda naman pictures mo sa likod."

Napahinto ako, hindi ko alam kung inaasar niya ako or what. "Inaasar mo ba ako?"

"Huh? Hindi, ah. Napapatingin kasi ako sa name mo, medyo maliit siya."

Hinila ko na lang ang kamay niya, at naglakad kami papunta sa building muna namin.

"Amari!"

Sabay kaming lumingon kay Kuya Lucas, Kuya Elijah, at kay Gabby.

Nagkatinginan kami ni Ice. Pakiramdam ko, iisa ang nasa isip namin.

"Kasama nila si Elijah, himala," bulong niya kaya siniko ko siya dahil baka mapagsabihan na naman ni Kuya Lucas.

Nag-fist bump silang tatlo at tinabihan ako ni Gabby.

"Angas ng t-shirt mo! Papagawa rin ako ng ganito."

"Angas talaga, mas maangas kung may girlfriend ka."

"Ulol! Wait niyo lang."

Nakakalokong tinitigan ni Ice si Gabby at Kuya Elijah. "May hindi ba kami nalalaman? Pinayagan mo na 'to manligaw?"

"We just saw Elijah. Kaya tinawag namin," agad na sagot ni Kuya Lucas.

Pinandilatan ko ng mata si Ice. Ayaw na ayaw pa naman ni Kuya Lucas na inaasar si Gabby kay Kuya Elijah.

Umalis na si Kuya Elijah at Kuya Lucas, dahil sa kabila pa ang building nila.

"Papansin ka talaga Isaac Rivera!"

"Aba? Tinatanong ko lang naman. Pero seryoso, ayaw ni Lucas?"

Napatingin ako kay Gabby na nakahawak sa mga braso ko. "Ayaw nga kasi babaero daw si Kuya Elijah, baka saktan ako sa huli."

"Sa huli pa naman, 'di ba?" Pagbibiro ni Ice. "De tamo, kilala ko 'yan si Elijah, kapag seryoso na siya, seryoso na."

"Takot ako sa kapatid ko. Magagalit siya for sure."

"Of course magagalit siya, cause he's protecting you. Pero as if may magagawa pa siya if mahal niyo na ni Elijah ang isa't isa? Maiintindihan niya kayo. Strikto lang siya pero malawak pag-unawa ni Lucas."

Wala akong masabi dahil nasabi na ni Ice. Tumatango-tango na lang tuloy ako.

"Right, baby?" biglang tanong niya sa akin.

"Ha? Yes!"

Ginulo niya ang buhok ko bago kami inihatid sa room, may kukuhanin lang naman ako rito at may isang kalahating oras lang akong klase. Pinapapasok ko nga si Ice pero ayaw raw niya, hindi raw niya kasi kilala ang prof.

Ang sama na naman ng tingin ni Zarm sa akin. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob?

"Subukan mong awayin 'to, nasa labas lang ng room si Kuya Ice."

"Oh, good! Eksakto, magkikita at magkakausap sila ng ate ko sa labas, cause andyan din siya."

Sa tabi ako ni Angelica na nasa gilid. "Musta date niyo?"

"Ayos lang, masaya. I'm always happy naman basta kasama siya, kahit 'di kami mag-date."

"Oo na, ako na single. Sino pa ba single sa mga tropa ni Kuya Ice?"

Pinigilan ko ang matawa, sabi ko irereto ko siya kay Kuya Benj, pero ayaw naman ni Kuya Benj sa masyadong bata.

"Mahirap ang exam ninyo, hindi ako ang gumawa. More on identifications, enumerations and modified true or false. Review your notes from Midterms lang. Marami pala rito ang for dean's lister, by next semester may awarding noong first year kayo." Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto at nagtama ang mga mata namin. "Nasabihan ka na ba, Amari? Ang alam ko ikaw ang nasa top one for overall ranking for first year."

Para akong nakahinga nang maluwag.

"But Ma'am, 'di ba po ililipat si Amari ni Daddy niya? Counted pa rin po ba? I saw his Dad last time, may kausap na Professor."

Gulat silang napatingin sa akin. Nakahinga ako nang maluwag kanina dahil akala ko kapag may mataas akong top, baka magbago ang ihip ng hangin at hindi na ako ilipat ni Daddy.

"That's not true po. I'll stay here po sa SanLo."

"Good to know. Check your email guys, check niyo sa spam. Galingan niyo sa exam. Good bye!"

Napatingin ako sa gawi ni Zarm, wala talagang pagpipigil 'tong tao na 'to. Nakakainis.

"Lilipat ka?" tanong ni Gabby.

"Hind-"

"Ililipat siya ni Daddy niya sa State University, wala na kasing work si Daddy at Mommy niya, so need siyang ilipat."

"You're crossing the line, Zarm. That's not your story to tell." Hindi ko naiwasang sumagot.

"Why? I'm right naman. I heard it from your Dad."

"Wala kang karapatang i-broadcast kung anong narinig mo. That's my problem, not yours."

"Pakialamera ka talagang babae ka!" bulyaw ni Pau sa kaniya.

Nakatitig lang ako kay Zarm, ni hindi ko kayang lumabas dito sa room.

"For sure, 'di pa alam ni Kuya Miguel 'to, right?"

"Ang alin?" Sabay-sabay kaming napalingon kay Ice na kapapasok dito sa room.

Sarkastikong tumawa si Zarm. "Alin daw, Amari. Kailan mo balak sabihin kay Kuya Miguel? Kapag wala ka na?"

"Please, shut up!"

It's my first time to shout dito sa room, mabuti at wala ng tao.

Agad lumapit sa akin si Ice, kinuha niya ang bag ko. He gently caressed my cheeks. "Let's go, baby," aniya at hinawakan ang aking kamay.

"Ang sama ng ugali mo. Papaano kapag sinabi ko sa iyong may nalaman din ako tungkol sa 'yo?" Nilapitan ni Gabby si Zarm.

"Gabby, let's go," pagtawag ni Kuya Ice kay Gabby. Ako wala ng pakialam, ayaw ko nang pigilan mga kaibigan ko.

"As if may malalaman ka?"

"Papaano kung nalaman kon-"

"Kuya Miguel, ililipat ng Daddy niya si Amari sa province."

I let out a heavy sighed at napayuko na lang ako.

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak, akala ko'y bibitawan niya pero mali ako, mas humigpit ang hawak niya sa akin.

"Then? Susunda ko kung nasaan siya."

"You're out of your mind."

"And you're sick, Zarm. Labas ka sa kung anong problema nila, you don't need to broadcast that. You did that for what? For attention? Congrats, you got the attention that you want."

Naglakad kami palabas ng kwarto. Nakasalubong pa namin si Zephanie, sinubukan niyang kausapin si Ice pero 'di siya pinansin.

Dumiretso kami sa library, papunta nga rito'y walang umiimik sa amin. Naupo sa kabilang table ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung papaano kakausapin si Ice.

"Baby. . ." pagtawag niya sa akin. Dahan-dahan niyang itinaas ang ulo ko hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa. "I'm not mad, I just want to know bakit 'di mo sinabi sa akin?" Mahinahon niyang tanong sa akin.

"S-Sorry, h-hindi ko sinabi kasi ayokong isipin pa nang isipin iyon. I'm sorry kung ang lame ng reason ko, hindi rin naman ako papayag kay Daddy."

He's looking directly in my arms. "I understand, baby. Just tell me next time, para I know kung papaano kita tutulungan. Huwag mong sasarilihin iyan."

"K-Kapag ililipat ak-"

"Hindi mangyayari 'yan. We'll talk to your Dad."

"Ayoko rin, ayoko. Gusto ko rito. Wala naman akong tuition na binabayaran dito, iyong need bayaran kaya ko namang mag-work para doon."

"I will cover your school expenses."

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "N-Nakakahiya, baka masyadong malaki ang bayaran ko sa mga susunod."

"I don't care, baby. Keep your salary for yourself and save it.  I'll handle your school fees na. Kapag nalaman ni Tito na nahihirapan ka sa expenses, I know mas magiging reason iyon para iuwi ka sa province."

Napayuko ako.

"I'll talk to him pag-uwi ko sa bahay."

"We'll talk to him, I will help you to convince him. Kasama mo ako." He leaned closer to kiss the top of my head.

Natahimik na akong nag-r-review habang nakasandal ang ulo sa balikat niya.

Napansin ko ang pananahimik niya habang gamit ang kaniyang phone. Nilingon ko siya at tutok na tutok siya roon.

"May kabit ka ba?"

Gulat siyang napatingin sa akin at mabilis na binitawan ang kaniyang cellphone. "Wala po. At ba't naman ako magkakaroon niyan?"

"Kanina ka pa kasi tutok sa phone mo," I pouted.

Agad niyang kinuha muli ang kaniyang cellphone. "Sorry, baby. I'm just. . . I'm just checking out a suitcase for our trip to Japan and thinking about what to wear since Isabel wants a jacket, but it’s usually not that cold in October."

Lumapit siya at ipinakita ang cellphone. "Maganda 'tong pink for you. Meron daw sila niyan sa mismong store, free customized, ipapalagay natin name natin. I'll buy rin 'yong medyo maliit."

"After exam week, right? Wala pa akong isusuot."

"We'll buy later, I need to buy rin. Are you excited?"

I nodded. "It's my first international flight and tour."

"I think one week is not enough? What do you think? Mag-extend tayong dalawa." Desisyon niya kaagad.

Three weeks ang semestral break namin, tapos ang balak niya two weeks kami sa Japan.

Inihatid namin iyong tatlo, inaya namin sa pupuntahan namin pero nahihiya raw silang makaabala sa date namin, kaya si Ice na lang ang naghatid sa kanila.

Hindi kami nag-heavy meal, gaya-gaya kasi masyado 'tong kasama ko.

"Love, 'wag iyong sobrag laki, ha?"

"Ako naman bahala magdala ng gamit mo, baby."

"Eh, wala naman ako masyadong ilalagay."

"That's why bibili tayo today, baby. And para may extra space ka rin if you want to buy some pasalubong."

Nananalo naman ako sa debate noon, pero kapag siya na para akong nauubusan nang sasabihin. Kasi sabagay, kaysa bumili na naman ako another bag para sa pasalubong.

"Amari? Kuya Ice?"

Sabay kaming napalingon kay Felix. Gulat at mukhang 'di siya makapaniwalang nakita niya kami.

"Oy, hello!"

"Long time no see!"

Nakipag-fist bump siya kay Ice. Naramdaman ko naman ang pasimpleng paglapit sa akin ni Ice.

"Sobrang busy na rin kasi, and nag-w-work din ako para 'di sayang 'yong araw."

"Glad you're okay." Napatingin siya sa hawak ni Ice na dalawang suitcase. "Suitcase? Aalis kayo?"

Napatingin ako kay Ice, ngumiti naman siya sa akin. Pogi.

"Vacation sa Japan, masyado na raw kasing toxic dito sa Pinas."

Bahagyang natawa si Felix sa isinagot ko. "Oh, sige. Una na rin ako. Ingat kayo." He smiled before siya umalis.

After naming makuha iyong suitcases, ipinaiwan muna namin para sa customized names. Sunod kaming naghanap ng mga damit.

Mukha namang may tiwala siya sa akin, hinahayaan niya akong maglagay ng damit niya sa cart.

"You have white pants naman, right?"

"Yes, baby."

Tumango ako, gusto ko kasi same iyong color outfit namin, para magandang tignan.

After naming bumili, binalikan namin iyong suitcases, mabuti at natapos na rin. Nireplyan ko lang din si Kuya Elijah, ini-invite niya kami sa bahay nila dahil trip lang daw niya.

Pabalik kami sa apartment nang tumawag si Kuya Elijah kay Ice.

"What? Bilis mag-d-drive ako, Elijah."

[Papunta na ba kayo rito sa bahay? Bili ka inumin.]

"What do you mean? Wala ka namang sinasabi sa akin at anong inumin?"

Tumawa si Kuya Elijah sa kabilang linya kaya natawa na rin ako. [Pupunta kayo rito. On the way na sila Harold dito, sila Lucas, pati sila Arriane.]

"Ba't ngayon mo lang sinabi sa akin? Ayoko, mag-date na lang kami ni Amari."

[Men, nauna na akong nagsabi kay Amari para wala kang kawala. See you there!]

Hindi na nakasagot si Ice. Tumingin ako sa kaniya at nag peace sign.

"Don't drink too much, ha?" Pagpapaalala ko sa kaniya habang bumibili siya ng iinumin. "Pero parang I want din. Iyong light lang?"

Tumingin siya sa akin. "Do you have classes ba tomorrow?"

Umiling ako. "Wednesday start ng finals ko."

"Ikaw pala ang wag maglalasing." Kumuha rin siya ng light drinks para sa amin.

Bago kami bumaba ng sasakyan, nagsuot na ako ng jacket, medyo madilim na rin. Si Ice rin ang nag-ayos ng buhok ko. Oo, maayos 'to kahit messy bun.

Nauna siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. "Andyan si Lorraine and Bianca. Be careful, ha?"

Tumakbo agad ako para salubungin ang dalawang nakaabang na sa akin.

"I miss you both!"

"Miss ka na rin namin. Ampangit kasi schedule natin," reklamo ni Lorraine.

"Saan kayo galing? Umalis daw kayo sabi ni Kuya Elijah."

"Namili kami ni Ice, isasama nila ako sa family vacation nila sa Japan. Sinundo ba kayo?"

"Sinundo kami ni Kuya Lucas, si Gabby nga nag-drive, pinayagan ng kuya."

"Eh saan si Gabby?"

Sabay nilang itinuro ang sasakyan ni Kuya Lucas, natutulog daw roon si Gabby. Andito na rin sila Ate Ariane.

Lumapit kami sa pwesto nila Ice. He pull me closer to him, he's holding my waist.

"You should eat first before you drink, okay?" Pagpapaalala ko.

"Yes, madam. Pero feel ko dapat sa iyo ko sabihin 'yan. Huwag sosobrahan, ha?"

Tumango ako sa kaniya. Nakita ko si Kuya kasama rin si Ate Daisy, nakapag-start na si Kuya sa company nila Ice, nasa office ang work niya. Malayo sa program niya, pero sabi niya'y okay na rin daw ito.

After namin mag-dinner pinag dikit lang namin iyong mga table. Bukod sa bitbit ni Ice na drinks, may dinala rin pala si Kuya DJ.

Hindi na kami humiwalay, pero nasa dulo kaming mga babae, lahat sila'y excited uminom.

"Pau, nagpaalam ka naman, right?" tanong ko sa kaniya.

Tumango siya sa akin. "Sabi ko sleepover sa apartment mo. Gano'n din ipinaalam ni Angelica."

"Go lang, sa apartment na kayo matulog. Sa salas naman natutulog si Ice. Hindi ko na papauwiin sa condo niya tonight."

"Hindi naman siya mag-iinom nang sobra? May trauma na kasi ako."

I gave Angelica a reassuring smile. "Don't worry, hindi iyan maglalasing."

"Hindi iinom nang sobra yang si Kuya Isaac lalo at kasama si Amari niya sa sasakyan," si Gabby at inunahan ang pag-inom. "Hindi malalasing si Kuya Isaac dahil si Amari ang lalasingin natin."

Agad niya akong inabutan at agad ko ring ininom iyon.

"Ayan, shot puno agad!"

Napapikit ako dahil mapaiit iyong ibinigay niya sa akin, hindi 'yong binili namin ni Ice.

Kababalik lang ni Ice sa tabi ko dahil tumawag si Tita Isabela.

"Baby, huwag magpapasobra," bulong niya sa akin.

Naririnig ko ang kwentuhan nila. Napapangiti ako dahil noon lang naririnig ko silang excited mag-college, pero sa susunod na taon they'll graduate na.

"Maiiwan si Arvin, five years program niya, e."

Sabay tuloy si Kuya at si Ice next next year.

"What's your plan, Ate Ariane?"

"After ko grumaduate? I'll take a rest muna siguro, 'di muna ako mag-e-exam, I think deserve ko rin naman ng rest, dahil masyadong mahirap 'tong college."

"Yes naman, I know naman na you'll be a successful nurse," sambit ni Ate Amy. "Life after college is so different, take a rest lang, kasi kapag nag-work ka na baka 'di ka na makapag-rest."

"Ikaw, Amari? Pupunta ka sa Canada, right?"

"A-Ah, pinag-iisipan ko pa po. Now habang may work and may magandang offer naman po sa akin, I'll stay muna rito."

"Ayang si Isaac mo magtatayo sariling company niya, right?"

"Opo, ate. May plan na po siya about that, and by next year po yata siya mag-uumpisa."

I felt Ice's hand gently rest on my thigh.

Ambilis nilang uminom, ginagawa ba nilang palamig 'yong alak?

Lumalalim na rin ang gabi, nakakailang bote na rin kami at medyo ramdam ko na rin ang hilo. Pakiramdam ko nga'y umiikot na sila sa paningin ko, pero act cool muna ako, kaysa mapagalitan ni Ice.

"You okay?"

"Opo."

"You wanna go home?" malambing na tanong niya sa akin.

"Not yet, I'm o-okay pa naman."

"Stop drinking na."

Tumingin ako sa kanya, I pouted. "I'm not d-drunk pa naman."

"Namumula ka na, baby. You should stop na." Inaayos niya ang buhok ko habang diretsong nakatingin sa akin. "Huwag pasaway." Pinunasan niya ng tissue ang mukha ko.

"Ikaw? Are you drunk?"

"No po, kaya stop drinking na rin."

Hindi ako sumagot. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Pakiramdam ko may isinesenyas siya sa mga kaibigan ko pero 'di ko alam kung ano iyon.

Naglalaro sila ng walang katapusang truth or dare. Nakikinig lang ako sa kanila. Tuwing nakatalikod si Ice pasimple akong umiinom sa iniaabot ni Ate Amy sa akin.

"Amari, truth or dare?" tanong ni Ate Ariane sa akin.

"Baby, stop na."

"I am not lasing pa, right?"

"Oh, gosh, she's not lasing pa." Pang gagaya ni Lorraine sa akin kaya parehas kaming tumawa.

"Okay, truth!"

Inabot ko pa rin iyong hawak ni Ate Ariane kahit na for dare lang sana iyon.

"Lasing na 'yan, Isaac." Narinig kong ani Kuya.

"Truth? Okay, what's the most expensive gift na ibinigay sa iyo ni Isaac?"

"What kind of question is that?" reklamo ni Isaac.

I fell silent. The ring, watch, bracelet, and necklace—all expensive gifts—caught my eye.

"The most expensive gift he ever gave me?" I said, turning to look at Ice.

Surprise was evident on Ice's face. Bakas sa kaniya ang gulat sa narinig na isinagot ko.

"You guys know gaano siya ka busy, right? But he always prioritizes me, h-he always makes time for me. Iyong saglitan niyang pagpunta sa apartment para i-check kung okay lang ako, ipagluluto pa ako niyan k-kahit a-anong oras na just to make sure na kumakain ako. Taking care of me even when he himself needs care? I am s-so lucky."

I closed my eyes. Tahimik lang din silang nakikinig sa akin. "That means more to me than all the expensive gifts he's given me." I paused, then added, "Besides, these things are replaceable. But his time… his time with me… that's priceless.. He's the best person I could ever wish for."

He kissed the top of my head. "I love you."

"I love you s-so much, my Isaac."

May bumato sa akin ng tissue kaya natawa ako, ramdam kong si Gabby iyon dahil siya ang katapat ko.

"Pau, Angelica, sa apartment kayo tutulog?" Ice asked my two friend.

"Opo, Kuya. Hindi pa po kami lasing."

"W-Why? I am not l-lasing din naman? Later na tayo umuwi, if I am lasing na." Tumayo ako at tinanggap iyong iniaabot ni Gabby na para kay Bianca.

"Amari Gracey, matulog ka na. Lasing ka na," si Kuya Elijah na nasa kabilang dulo. Pinanliitan ko siya ng mata dahil tinatawanan niya ako.

"Love, inaaway ako ni Kuya Elijah," pagsusumbong ko at itinuturo pa si Kuya Elijah.

"Stop it, Elijah."

"Luh?!"

"Kuya Lucas," pagtawag ko.

"You're drunk, you should go home and rest na, Amari."

"H-Hindi pa, I swear. N-Nahihilo lang ako, but I'm fine."

Nakatingin ako sa kaniya, at nakalimutan ko na ang sasabihin ko.

"Baby, uuwi na rin sila, mauna na tayo, please?"

Nagkatinginan kami ni Ice, at napapikit ako. Agad niya akong sinalo. Nahihilo lang talaga ako, pero pakiramdam ko naman hindi pa ako lasing.

Naririnig kong nag-aayos na rin sila. Ang ilan ay dito na tutulog dahil 'di na kaya mag-drive pauwi.

Inalalayan ako ni Ice sa comfort room. Siya ang naghihilamos sa akin.

"Are you mad?" I asked habang nakapikit pa rin.

Hindi siya umiimik, hanggang sa makarating kami sa sasakyan.

"Pau, pwede pakiabot iyong travel pillow? Thank you."

Nakarating kami sa apartment na 'di niya ako iniimik masiyado. Nagalit na yata siya.

"Pwedeng pakibihisan si Amari? May kukuhanin lang ako saglit sa labas."

"Sige po, kuya."

"Is he mad?" tanong ko sa mga kaibigan ko.

"Hindi, pasaway ka lang kasi."

"I am not lasing pa naman kasi, e."

Ilang minuto lang bumalik si Ice. May bitbit na siyang soup.

Nasa labas ang mga kaibigan ko at kami lang ni Ice ang andito sa kwarto.

"Need mo ito then drink ka ng meds later."

Nakatatlong subo lang ako bago niya ako bigyan ng gamot. Inayos niya ang higaan naming tatlo.

"You should sleep na, we'll talk tomorrow morning."

"You mad?"

Umiling siya, pinupunasan niya pa rin ang mukha ko.

"You need to rest na, ha? I'll call your friends na rin."

"Where's my good night kiss?"

Natigil siya sa pagtayo at tinignan ako. Lumapit siya sa akin, hinawakan niya ang kamay ko, he gave me a smack kiss.

"Iyon lang?"

"Oo, ganyan kapag pasaway. Sige na, matulog na, ha? I love you."

Late na akong nagising, at kagigising lang din ng mga kaibigam ko. Napatingin ako sa phone ko at puro message iyon ni Gabby. Magtatanghali na rin pala.

Dumiretso ako sa labas at nakita si Ice na may ginagawa sa kaniyang laptop.

Naghilamos muna ako bago tumabi sa kaniya. "Good morning."

"Good morning, how's your sleep? Masakit pa ulo mo?"

"Galit ka ba sa akin?"

"No po, pero ayaw ko iyong ginagawa mo kagabi. Tuwing 'di ako nakatingin, umiinom ka pa rin kahit pinahinto na kita, kitang lasing ka na kagabi." Striktong aniya.

"Sorry, hindi ko na uulitin."

Tumayo siya at itinayo rin niya ako. "You should eat na, para 'di na kita pagalitan."

Nauna na ring nagpaalam ang dalawa, ipinahatid sila ni Ice kay Kuya Alex.

Nakahiga ngayon si Ice.

"Napagod ba kita kagabi?"

"Baby, ba't ganyan mga tanong mo?" Bigla siyang nagtakip ng mukha.

I'm clueless. May mali ba sa tanong ko? Huh?

Isiniksik ko ang sarili ko sa kaniya.

"Baby, try not to do that again, okay? I won't stop you, but please don't overdo it if you're not feeling up to it, you'll just end up hurting yourself.  See? You've got a headache."

"Hindi ko na po uulitin. Nadala lang ng excitement."

"Bakit ka nanlalambing?" natatawang tanong niya.

"Kulang iyong kiss ko kagabi."

"Walang kiss sa pasaway na baby today, sorry."

Nakatingin ako sa labi niya. Ewan ko, palagi ko na lang din tuloy gusto ng kiss niya.

Well, he's a good kisser.

Pinanindigan talaga niyang walang kiss? Aba ayos!

"Kapag na-perfect ko exam ko, may kiss ba ako?"

Inayos niya ang pwesto naming dalawa. "Baby, kahit 'di mo i-perfect may kiss pa rin, 'di lang talaga today. At bakit naman puro kiss na request mo?"

"Nagsimula noong kiniss mo ako."

Mahina niyang pinitik ang noo ko.

Bago gumabi, nagpaalam na siya para umuwi. Ipinagluto rin muna niya ako, at inilagay sa table ang mga meds.

Nasa school ako ngayon para mag-review. Si Ice may dalawang exam today. Kahapon nga 'di na niya ako pinapasok sa work, para makapag-rest daw ako. Si Gabby ang kasama ko rito, si Pau kasi nilalagnat, si Angelica nasa bahay nila.

"Napanood mo na ba videos mo?"

"Hindi na mauulit 'yon. Pinagsabihan na ako," sabi ko pero natatawa nang maalala ko iyong video.

"Corny mo rin pala malasing, 'no? Sa kilig yata namumula si Kuya Isaac noon, e."

"Palagi namang kinikilig sa akin 'yon."

"Angas mo naman."

I shrugged my shoulders.

Itinuloy ko ang pagbabasa, nagpapatulong din sa akin si Gabby.

"Hindi ka ba hirap? Hanga talaga ako sa sipag mo magsulat ng notes."

"Mas nadadalian talaga ako kapag sarili kong sulat, I mean kapag ako talaga gumawa. Nahihirapan ako sa mga soft copies, andami masyadong explanation. I've been doing it since elementary, and effective naman siya for me."

Nakatingin pa rin siya sa mga notes ko. Hindi ko na rin kasi binago iyong nakasanayan kong way nang pag-aaral, mahihirapan ako mag-adjust.

While I'm busy reviewing, may nahagip ang mga mata ko sa kabilang banda ng library. I saw Zephanie here, she's busy using her phone.

Nasa akin ang dalawang phone ni Ice, ibinigay niya sa akin kanina. Napapaabang tuloy ako kung i-m-message niya si Ice.

Ilang oras na rin akong andito, nauna nang umuwi s Gabby dahil sumabay kay Kuya Lucas.

Wala pa si Ice, hindi ko pa rin nakitang dumating si Ate Marga, kaya mukhang hindi pa sila tapos sa exam.

Nagulat ako nang may uknown number ang nag-message.

Fr: Unknown Number
where are you? we need to talk.

Ang pakiramdam ko si Zephanie ito.

To: Unknown Number
who are you?

Napatingin ako sa gawi ni Zephanie, bigla siyang napatingin sa kaniyang cellphone.

Fr: Unknown Number
Zeph. I'm here na at SanLo. See u.

May communication pa rin ba silang dalawa? May mga hindi ba sinasabi sa akin si Ice?

Iba na bigla ang pakiramdam ko. Bakit ganito ang message ni Zeph? I'm here na at SanLo. Magkikita ba sila today? Mag-uusap ba sila ngayon?

May hindi maipaliwanag na kaba at sakit sa puso ang nararamdaman ko ngayon. Sana mali ako.

Maya-maya lang nagmamadaling umalis si Zephanie, inayos ko ang gamit ko at pasimpleng sinundan siya.

Papunta siya ngayon sa building nila Ice, at saktong nakasalubong niya si Ice kasama si ate Marga, at iba nilang classmate. Lahat sila nagulat nang hinila niya si Ice.

Nakita kong mabilis na bumitaw roon si Ice, at kinakausap nila si Zephanie, pero ayaw pa rin niyang magpaawat. Mabuti at nakakatago ako rito sa likod ng sasakyan.

Kinausap ni Ice sila Ate Marga, at bumitaw naman doon si Zephanie. Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari, pero nakita kong nakasunod na si Ice kay Zephanie papasok ng CABA Building.

Mula rito sa labas, tanaw kong dumiretso sila sa pinakataas ng building na ikinakunot ng noo ko.

Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko. May tiwala ako sa iyo, Ice, please, alam kong 'di ka gagawa ng mga bagay na ikakasakit ko, ng ikakasira natin.

Maingat kong tinignan ang bawat classroom na andito, at andito sila sa pinakadulo.

"What now, Zephanie? Ano bang sasabihin mo?"

"I know you still love me, Miguel."

Sarkastikong tumawa si Ice. "What are you talking about? Matagal na tayong tapos. Mahal ko si Amari."

Hinawakan niya ang kamay ni Ice at mabilis na binawi iyon ni Ice.

"Please, Zeph, stop bothering us, stop bothering Amari. Huwag niyong idadamay si Amari, tigilan niyo na siya ni Zarm."

"I know you still love me, I'll stop bothering her if you'll come back to me."

"Mahirap bang intindihin? Hindi na kita mahal. Please, stop. You know me, mabait pa ako sa inyo, but once na ginalaw niyo si Amari, pasensyahan na lang tayo." Tumalikod si Ice para umalis.

"Oh, you really love her, huh? Pero hanggang kailan?  Hanggang kailan mo itatago sa kaniya?"

"Shut up."

"Natitiis mo ba 'yon? Naisesekreto mo sa kaniya 'yon or may gusto kang gawin kaya mo itinatago iyon? Ano na lang kapag nalaman ni Amari?"

"Ang alin?" Mabilis akong pumasok, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Bakas ang gulat sa kanila nang makitang andito ako sa harapan nila.

"A-Ano ang dapat kong malaman?"

"A-Amari. . ."

"Please? Sabihin niyo sa akin kung ano iyon?" Pagmamakaawa ko sa kanila. Hinawakan ni Ice ang kamay ko.

"She's here na Miguel, narinig na niya. Why not tell to her na?"

"Pwede ba?! Sabihin niyo na please! Huwag niyo nang paikot-ikutin!"

Sinubukan akong ilabas doon ni Ice. Nanlalamig na ang buong katawan ko.

"Not here, baby, please. S-Sasabihin ko sa iyo, 'wag dito."

"Bakit? Andito na ako, anong pagkakaiba no'n?"

"Why are you so afraid, Miguel?" Lumapit si Zephanie sa amin. "Tell her or ako ang magsasabi sa kaniya."

"Are you playing with me?"

"No, baby."

Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko, nanlalamig na ako dahil sa mga naririnig ko.

"W-Walang aalis dito hangga't hindi niyo sinasabi sa akin."

Napayuko na lang si Ice, mas humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

"Ano na?! Hindi niyo pa rin ba sasabihin sa akin?! Maawa na kayo, gusto niyo ba lumuhod ba ako sa harap niyo? Gusto niyo bang magmakaawa ako? Kasi kung oo, sige gagawin ko!"

Lumuhod ako sa harapan nila, mabilis na kumilos si Ice para itayo ako pero hindi ako nagpapatinag. Gustong-gusto ko nang malaman kung ano iyong hindi sinasabi sa akin ni Ice.

"Baby, please, s-stand up."

"No!"

"You want to know? Your mother is Tito Manuel's mistress! They're the only ones who destroyed Tita Isabela's family!" sigaw ni Zephanie sa akin. "Sila iyong reason bakit nagkakaroon ng pasa si Miguel, sila 'yong reason bakit na hospital si Miguel. Are you happy now?!"

"Stop, Zephanie, please?!"

I was desperately crying here. Para akong pinapatay sa mga narinig ko.

"Please," I whispered, my voice breaking, "Please say that's not true."

"Itinago sa iyo ni Miguel for how many years, Amari!"

"Please, Zephanie, shut up!"

It's my first time na marinig si Ice na sumigaw. He's always gentle, pero not today. At hindi naman ako ang sinisigawan niya.

"B-Bakit? Bakit 'di mo sinabi sa akin? B-Bakit?"

Wala akong ibang alam gawin kundi umiyak nang umiyak. Ang bigat sa puso, masyadong mahirap.

"Please, answer me!" sigaw ko habang pinagsususuntok ang braso niya. Hindi niya ako pinipigilan, nakayuko lang siya.

I am in pain, hindi ko alam kung papaano ko tatanggapin iyong nalaman ko, at parang nabingi na lang ako.

"I-Ilang taon mong i-itinago sa akin? Papaano mo nakaya 'yon? Mommy ko. . .  M-Mommy ko rin 'yong involved doon, Isaac!"

"I'm sorry, baby."

"Ano pang itinatago mo sa akin? Sabihin mo na! Ilang taon mong itinago sa akin, wala ba akong karapatan na malaman, Isaac? Until when mo balak itago?!"

Umiiling lang siya, at hindi kayang tumingin sa akin.

"I hate you! H-Huwag kayong magpapakita sa akin!"

Agad akong tumayo at mabilis na tumakbo palabas ng silid. Narinig ko ang pagsigaw ni Ice sa pangalan ko pero wala akong pakialam.

Muntik pa akong mahulog sa hagdan, kakamadali. Pinagtitinginan na ako ng mga tao, pero again wala akong pakialam.

Dumiretso ako ng bahay at nakita ko si Mommy sa garden, she's eating alone.

"I hate you!"

Gulat siya nang makita ako. "What happened to you?"

"I-Ikaw 'yong first love ni Tito Manuel na ikwinekwento ni Isaac na 'di niya makakalimutan. You're the mistress of Tito Manuel!"

Sinubukan niya akong yakapin pero agad ko siyang tinulak.

"H-Hindi lang isang pamilya ang sinira niyo, dalawang pamilya. I hate you so much, I hate you!"

"Bunso!"

Niyakap ako ni Kuya na papasok sa work niya ngayon.

Para akong batang nagsusumbong sa kapatid ko,pero mabilis ang naging pag-iwas niya ng tingin sa akin.

"Kuya... don't tell me you knew about this?"

Napayuko siya. "Sorry."

"Nakakainis kayong lahat! Wala kayong balak sabihin sa akin? Ano 'di ba ako part ng pamilyang 'to?!"

Hindi ko na hinintay makasagot si Kuya. Ibinigay ko sa kanya ang phone ni Ice na naiuwi ko, at dumiretso na sa kwarto.

How many years, 'di man lang ba nila naisip na sabihin sa akin? Wala man lang bang nagbalak?

Gulong-gulo ako, andami kong iniisip dumagdag pa talaga 'to.

Pakiramdam ko nilaro ako ng mga tao sa paligid ko. Sino pa ang may alam? Sino pa naglihim sa akin?

Gabi nang magising ako. Babalik ako sa apartment, ayokong matulog dito. I have exams pa sa Wednesday, pero hindi ko na alam papaano ako makakapag-focus.

Late na rin, pero siguro akong may taxi pa akong masasakyan.

Laking gulat ko nang makita si Ice dito sa living area. Binilisan ko ang paglalakad palabas ng bahay.

"Baby, ihahatid na kita."

"Don't call me that. Hindi ko kailangan, kaya ko mag-isa."

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Ramdam kong umiiyak siya, at 'di ko na rin napigilan ang sarili ko.

"Baby, let me e-explain, please?" his voice broke.

Bahagya ko siyang itinutulak papalayo sa akin. "Let go of me! Ayaw kitang makita, ayaw ko kayong makita!"

"I'm sorry, I'm sorry, just give me a chance to explain, baby, please," namamaos na ang boses niya.

"Let go of me, or we're breaking up," I said firmly.

He didn't answer, but slowly released me from his embrace. "I love you so much. Please, let me explain."

I laughed sarcastically. "You call that love? You kept it from me for years. You never intended to tell me, did you? Anak din ako ng taong involved, I have the right to know. But what did you do? What did you all do? You hid it from me! Itinago ninyo sa akin!"

He was crying.  Seeing him cry weakened me, pero sa oras na 'to mas nangingibabaw sa akin ang sakit at galit.

His tears fell silently onto his shirt, ako wala na akong pakialam sa mga luhang tuloy pa rin sa pagbagsak. 

"I will explain, baby." Nanghihina niyang sambit.

"Explain?" I repeated, my voice barely a whisper, laced with disbelief and a chilling coldness. "I don't need your freaking explanation."

"I. . . I didn’t know how to tell you," he stammered, his voice choked with emotion. "It was so... complicated."

"Complicated?" I scoffed, "Our lives are complicated now. Our family's life is complicated.  And you think that's an excuse?"

I turned and walked away.

Pagod na pagod na ang isip ko. Gusto ko na magpahinga.

I guess this is how Fate plays its forbidden game. My mother... the mistress of my boyfriend's father. What else can I endure?

~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro