Kabanata 25
"What time ba laro ni Kuya Ice?" Gabby asked.
Pinayagan na si Ice makapaglaro ulit. Napaaga ang pagbabalik niya sa court.
"Five pm pa naman. I hope makaabot ako."
I keep on looking at my watch. I have an hour pa, sana matapos agad itong klase naming na-move ng hapon. Minor subject ito pero daig pa ang Major subjects.
Inilabas ko ang phone ko to update him. Hindi ko rin kasi agad nareplyan kanina.
To: Lovey ♡
Love, I have classes pa rn. Habol ako agad pagkatapos. Be careful, ha? Good luck, I love you!
Tinapos ng professor namin ang discussion, para next week daw hindi niya kami i-m-meet.
After that mabilis akong lumabas, nakasalubong ko pa nga si Kuya Lucas.
"Manonood ka game ni Isaac?"
I nodded. "Late na ako almost an hour, pero kaya pa naman po ito."
"Ihahatid na kita."
"Nag-book na po ako kuya."
Ilang minuto lang dumating na rin ang naibook ko. Okay na ito kasi mas makakasingit sa daan.
"Siguro, Ma'am, may boyfriend kayong player kaya nagmamadali kayo?" pagbibiro sa akin ng driver.
"Meron nga po. Iniisip ko baka super late na po ako."
"Nako! Hindi po, nanonood ako live kanina. Halos kauumpisa lang ng laro ng SanLo dahil nagkaaberya sa unang teams na naglaro."
Para akong nakahinga nang maluwag sa sinabi ni Kuya. Nalaman ko na may anak pala siyang Senior High sa SanLo na dream maging part ng varsity team.
Pagkarating na pagkarating ko, hinanap ko kaagad ang entrance. Nang makapasok ako kauumpisa pa lang ng second quarter.
Sa tapat ng bench nila ako nakaupo, nasa kabilang side ako. He's not yet playing, ang ganda ng upo niya na akala mo talagang panalo na sila kahit may kalakihan ang lamang ng kalaban.
Ayokong sumigaw, wala naman siya r'yan, baka mamaya magtampo pa. Nakaabang lang tuloy ako na tumingin siya sa akin. And finally tumingin na siya sa akin, palakasan na lang talaga ng loob na isigaw ang love.
Kumaway siya sa akin.
"Omg! Kumaway sa atin si Isaac!"
"Gago, ang pogi. Teka hindi mo ba na-record?"
Mga ate, ako po kinawayan ng boyfriend ko. Akin po 'yan.
"Lalaro na 'yan for sure. Nagtanggal na ng warmer niya, e."
After breaktime, he's now playing. Kinuha ko sa bag ang ginawa kong bubble head headband. Nakita ko lang ito sa selfie ni Gabby, kaya ginaya ko.
Nakita iyon ni Ice at ngiting-ngiti siya. He's really good sa lahat ng sports.
Gagawan ko 'to compilation lahat ng points niya. Dahil halos walang mintis tuwing siya ang may hawak ng bola.
"Rivera for three!"
"Rivera tumira ng tres laglag aking matres!"
Nagtawanan ang mga babae sa likod ko, hindi ko alam kung anong magiging reaction ko.
Ipinagpahinga na muna si Ice dahil nakakahabol-habol na sila sa points.
Pa fourth quarter na at lamang na ang San Lorenzo.
I was startled by the shouts of my schoolmates. Looking up, I saw myself on the huge LED screen above the basketball court. I shyly smiled and made a heart sign next to Ice's picture on the headband I was wearing.
Moments later, the screen split; on the left was Ice, gazing at the screen, smiling and mirroring my heart sign as he watched me.
"That's my girl," he mouthed while pointing at me.
Napatingin ang mga katabi ko sa akin.
"Omg! Amari! That's why you're familiar omg!"
"Ang Amari ni Isaac."
"Kaya pala ganado si Isaac maglaro, andito pala ang inspiration niya."
May humawak sa balikat ko mula sa likod, kaya napalingon ako.
"Omg! Sorry girl! Naririnig mo ba cheer namin kanina? Ano, joke joke lang 'yon."
"No, no, its okay po." Nahihiya kong sambit.
"Can we take a picture? Ayaw na pala namin kay Isaac, sa girlfriend na lang niya."
Nakakahiyang mag-p-picture, pero mas nakakahiyang tumanggi. Hindi ko alam kung papaano tatanggi.
After minutes, SanLo won. Hindi muna ako umalis dito. I was watching my boyfriend doing his interview, because he's the player of the game.
May ilang lumapit sa akin at binabati ako. Crush daw kasi nila si Isaac simula noong badminton player pa lang siya. He's popular talaga. Well, bukod sa looks, he's friendly, maganda kasi talaga personality niya.
Tumakbo siya palapit sa kung nasaan ako, bahagya akong bumaba para salubungin siya.
"Yey! Congrats!"
"Thank you, baby! Cutie cutie sa screen kanina." Natatawang aniya at napatingin sa suot ko. "Who made this?"
"Me! I saw it kasi kay Gabby, sa mga kpop na hubby raw niya. I find it cute, kaya ginaya ko."
Nagpapicture kami sa ibang kakilala niya.
"You know kanina, may nag-p-picture sa akin kasi crush ka raw nila. Nakakahiya kaya."
Napatingin siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Anong sabi mo?"
"Okay po, tapos nag-smile. Nakakahiya naman kasi, baka sabihin feeling relevant."
"You're relevant naman talaga. Baby, gulat ako kanina bakit biglang umingay, pagtingin ko nasa screen ka. Inaasar ako, e."
"Me too! I was looking at you kasi kanina. Kulang na lang itulak-tulak ako ng mga katabi ko."
Nakarating kami sa bahay nila Ice. Gusto lang daw kaming makita ni Tita Isabela.
"Mommy, 'di ba we watched Kuya kanina?"
Agad kinarga ni Ice si Isabel. "What can you say about my game?"
"Hmm... Good! You're blushing when you saw Ate Amari!"
Totoong nanood pala talaga sila.
"Amari? I know matagal pa, pero sa term break ninyo may gagawin ka ba?"
Napatingin ako kay Ice, bago ibinaling ang tingin kay Tita Isabela. "Will work po, Tita."
"Baka naman masyado ka nang nahihirapan sa work. You know, need mo rin ng rest." Nakangiting aniya. "I mean, plano ko kasing mag Japan kahit one week lang. Para makapag-rest naman tayo, lalo kayo. Don't worry about the expenses, its on me."
"N-Nakakahiya naman po, Tita."?
"You're part of our family, Amari. Gusto ko included ka rin sa kung saan kami pupunta."
"Let's go, baby. You wanna go to Japan din, right?"
I nodded, shyly. They're literally taking care of me. Palagi akong pinapadalhan ni Tita n stocks ko sa Apartment, para wala na raw ako masyadong iisipin.
Para akong spoiled child na never kong na-experience sa totoong pamilya ko.
"I am so excited! Window seat ako, Ian, ha?"
"There she goes again, Mommy." Ian rolled his eyes. "Whatever you want, Isabel."
"Kuya, inaaway ako ni Ian!"
Hindi na pala umuuwi rito si Tito Manuel. Parang bumibisita na lang siya pero hindi raw siya pinapayagang dito matulog.
"Anak, dito na kayo matulog. Masyadong malakas ang ulan."
Hindi na ako nagsalita. Parang wala naman din kasi balak tumila ang ulan.
"Sa kwarto ka na matulog. Under maintenance aircon sa guest rooms."
"Okie. Pahiram ako pajama mo, love."
Umakyat kami sa kwarto niya. Itong kwarto niya doble sa laki ng kwarto ko. May malaking cabinet sa gilid.
Agaw pansin sa akin ang isang malaking picture frame. Picture niya ito while holding the Philippine flag. Andaming medal ang nakasabit sa kaniya at may dalawang trophy sa unahan niya.
"Love, what competition ito?"
"International Science Olympiad, baby. And ipinagsabay na rin that time 'yong sa Rubik's Cube Competition. That's why I have two trophies."
"You're so galing! Napagsasabay-sabay mo pala talaga, 'no?"
"Babae lang 'di ko kayang pagsabayin."
"Aba dapat lang! Feel ko malaki napanalunan mo? International Competition na 'yan, e."
"Coming from my baby na nanalo rin sa National Competition? Pero, yep, malaki, pwede na bumuhay ng pamilya."
"Anong ginawa mo?"
"Sinave ko forty percent, then I donated the rest."
"Ba't 'di ka nag-donate sa akin?" I jokingly asked.
Hindi siya sumagot, at nang nilingon ko siya gamit niya ang kaniyang phone.
Ilang saglit lang ipinakita niya sa akin ang online receipt.
Nag-transfer siya sa bank account ko?!
"Sorry, baby. Pero 'di 'yan donation. Gift of love 'yan."
"O-One hundred thousand?! Isaac Miguel Rivera?!"
He chuckled. "Hindi pwedeng ibalik. Just keep that, pero you can use my card pa rin naman. Don't yah worry."
"Anong don't yah worry, love?! Ang laking amount ng money 'to."
"Save that baby, for future." Nahiga siya sa kama niya. "You'll sleep here, I'll sleep sa couch."
"Let's sleep later. Hindi pa ako inaantok."
Napatingin siya sa kaniyang watch. "Okay, baby. What do you want to do?" Malambing na tanong niya.
"Facebook live! Pampaantok lang."
"Alright. Dito na sa account ko."
Buti dalawa ang chair niya rito kaya sinet up niya iyong phone niya sa may study table.
Since naka public iyong live niya, nagsidatingan agad fangirls niya na humihingi ng shout out kay Ice.
"Hi Ate Amira, pwede po magpa-picture kay Kuya Isaac next game?"
"Hello! Its Amari po, and yes po! Pwede naman kayong mag-p-picture kay Ice. No problem naman po iyon sa akin. Hindi po ako mang aaway ng fangirls ng boyfriend ko."
"Wow! Kumikidlat na naka live pa kayong dalawa?"
"Inggit pikit, Elijah."
"Hi, Amari! For me, ikaw pinakamaganda na girlfriend from SanLo MBT! Saw u kanina! Ang angelic ng face mo."
"Oy, thank you! We're all pretty, babe."
"She is. My girlfriend is the prettiest."
"Isaac sana may laro ka everyday. Para everyday makita si Amari."
Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Ice, pero natawa rin pagkatapos. "She's busy rin with her studies. She knows her priorities."
"I'm going to cook. Don't say anything bad or throw some hateful comments to my baby."
He kissed my forehead before leaving the room.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagbabasa ng comments.
"What if Ice cheated?"
"I don't think he'll do that po. I trust him so much. But if he did? Syempre I'll break up with him. Pero ako, naniniwala akong 'di niya gagawin iyon."
Natawa ako nang makita kong nag-comment si Ice gamit ang isa niyang account.
Ice Miguel: Anong cheat? oa na kung oa, pero umiiyak na nga ako tuwing 'di ako na-r-reply-an ng baby na 'yan.
Ice Miguel: won't do that. I love my baby so much. I won't hurt her. :)
Iisang account lang nagtatanong about cheating, about sa past ni Ice. And ang uncomfortable. Ayaw ko i-end hanggang wala rito si Ice.
"What if secretly nagkikita si Ice and ex niya?"
"Para kasing I saw Ice with someone just last night."
"Kung sisiraan mo po si Ice, sorry, 'di ako maniniwala. Malaki tiwala ko sa boyfriend ko."
I saw Isaac's comment. Sinasagot niya rin talaga iyong account na iyon.
Tumatakbo pa nga siyang bumalik dito sa kwarto.
"You okay?"
I nodded. "Don't worry, 'di ako naniniwala."
"My girl wants to do some facebook live lang sana to interact. But you guys, kung ano-anong sinasabi niyo. No more fb live. Bye bye, thank you."
Nakita kong badtrip na badtrip siya nang in-end niya ang live. Salubong pa ang kilay niya habang may tinitignan sa comment section.
"Lol, new account. Nakaka-badtrip."
"Let me see?" Pagkakita ko ng account, kinda sus dahil new account nga ito. "Hayaan mo na. I'm not overthinking about it naman. Mas naniniwala ako sa iyo kaysa kahit na kanino."
"That's not okay, baby. Never naging okay makasira ng peace of mind."
Nagkatitigan kaming dalawa. I leaned closer to him and give him a smack kiss on his lips.
"Don't be mad na."
He chuckled. "I guess I'll always be mad, so I can always get a kiss."
I laughed and leaned in again, this time for a longer kiss. His hands found my waist, pulling me closer. It felt good. I felt his tongue brush against mine, and it sent a shiver down my spine.
We kissed for a long time, our bodies pressed together. It felt so good, so right. I felt like I could kiss him forever.
We finally broke apart, breathless and flushed. I looked into his eyes, and I could see the same intensity mirrored back at me.
"I love you," he whispered. He leaned down and gently kissed my forehead. "Let's sleep na?"
I nodded while smiling, kaya napangiti na rin siya.
Kinaumagahan late akong nakapasok sa work. Late kaming nagising ni Ice.
"You're late," bati ni Ate Margarette sa akin.
Inside work, I need to call her Ma'am. Kahit iyong mga team members dito Ma'am or Sir talaga itinatawag namin.
"Sorry, Ma'am. Until closing na lang po ako."
"Dapat si Ice nababawasan ng pera dito. Saan pala siya?"
"Hinatid po si Isabel, wala po kasi si Tita Isabela."
Kasama ko na naman sa duty si Zephanie. Buti naman pinapayagan na siya mag-serve at kumilos. Mabuti rin madali niyang nakuha pag gamit ng POS.
"Ma'am Zeph, nag bar area ka po ba kahapon?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. She's taller than me.
Umiling siya. "Why?"
"Rotation po kasi tayo r'yan. Ikaw po today sa bar area, then ako po rito sa reception area."
Nakatitig siya sa akin. "Sabi kasi dito lang ako."
"P-Pero kasi..." I heavily sighed. "Okay." Iniwan ko na siya roon. Ayoko namang makipag-away pa.
Gustong-gusto kong tanungin kung sinong nagsabi, pero baka ako na naman ang mapagalitan.
"Amari, pagawa si Ma'am Margarette ng coffee."
Hindi mahilig si Ate Margarette sa hot drinks. Kaya laging iced coffee ang ibinibili sa kaniya.
Eksaktong pagka-serve ko, dumating si Ice.
"Good morning, Sir."
"Good morning, baby."
"Looks like maganda ang gising ni Isaac. Feel ko ililibre mo ako pasta."
Bumalik na ako sa bar area. Maganda naman dito sa bar area, more on drinks and cakes. Nakaka-rattle lang tuwing nagkakasabay ang orders.
Napatingin ako sa gawi nila Ice at Ate Margarette. May ipinapabasa si Ate kay Ice, at tumatango sabay pumipirma naman si Ice.
I'm busy cleaning the glasses habang wala pang customers.
"Why you're here again? Hindi ba rotation kayo? Ikaw sa reception area, baby." Mahinang aniya.
"Ayos lang. Sinabihan ko na siya kanina."
"Walang ayos doon. Hindi siya matututo kung siya ang susunduin. I'm the owner here, ako ang masusunod."
"Eh bakit parang galit ka sa akin?"
"No, baby, sorry. I'm not mad po."
Mahina ko siyang kinurot sa tagiliran. Nagpaalam na siya para bumalik sa pwesto nila. Pero ilang saglit lang tumayo siya at nilapitan si Zephanie.
Umiiling si Zephanie na parang bata, while seryosong nakikipag-usap si Ice.
Napaiwas ako ng tingin nang sabay nila akong lingunin.
"Baby, sa reception area na ikaw."
Napatingin ako kay Ice, at nasa likod niya si Zephanie.
"A-Alam mo ba rito? Kung hindi, tuturuan kita."
"Baby." Pagtawag sa akin ni Ice. "Iba ang magtuturo kay Zephanie."
Nag-aalinlangan ako, pero wala na akong magawa. Ice slightly nodded, assuring me na okay lang.
Tinawag si Ate Via para siya ang mag-g-guide kay Zephanie.
Inayos ko na ang reservations, mabuti at dalawa lang iyon ngayon, at nakapag send na rin sila ng foods para to serve na lang later.
During my break time, nag-open ako ng facebook. Nakita kong need naming pumunta ng SanLo bukas, may activity raw kami.
Lumabas ako para ipaalam iyon kay Sir.
Natapos ang duty ko, inihatid na rin ako ni Ice. Wala raw siyang gagawin bukas kaya andito siya, tumatambay.
"Bakit antagal niyo ring nag-usap ni Zephanie kanina?" tanong ko kaagad.
"Nag-e-explain siya na si Lola raw ang nagsabi na 'wag siya sa bar area kasi nakakapagod. Sabi ko ililipat ko siya as an office staff pero ayaw niya. Kaya sinabi ko kanina, ako ang masusunod doon at hindi si Lola."
"O-Okay lang naman na kahit ako lang sa bar area. Mas sanay ako roon."
"Baby, you're too kind. Hindi siya nag-work para i-spoil. I'm the owner, I call the shots. If she can't handle it, why is she even here? Hindi siya matututo kung palaging siya ang masusunod."
Tumatango-tango na lang ako.
"Don't mind her. Tuturuan naman din siya roon. Kapag may nagalit na naman sa iyo, sabihin mo kaagad sa akin. Kung may gusto akong i-spoil doon, ikaw 'yon."
"Eh! Paano ako matututo?"
"Baby, I talked to the managers and shift leaders, lahat sila pinupuri ka. I told them to be honest with me if they weren't happy with your work, but they only had good things to say. They love that you're so proactive. Iyong first two to three days mo lang daw medyo nahihiya ka pa, but that's okay."
"So, am I doing great sa work ba?"
"You're doing great, baby." He's looking at me. "Alam mo noong nakita kita sa interview, naisip ko na hindi pwede, ayaw pa kitang mapagod at mahirapan. Kasi kaya ko namang ibigay lahat ng gusto mo. But then I remembered how strict your parents were, you barely got to enjoy your teenage years. You couldn't even make your own decisions because they controlled you so much. That's why hinihingi ko ang schedule mo para makagawa ako ng schedule mo na may araw ka pa rin para sa sarili mo."
Napatikom ako sa bibig ko habang diretsong nakatingin sa kaniya.
"Sabi ko, no 'di ako gagaya sa kanila. I want you to be free, I want you to have your own decisions in life. And at the same time, andito ako sa likod mo nakaalalay. I am so proud of you for always taking the risk."
I looked up at him, my eyes welling up with tears. "Thank you," I whispered.
Maaga akong pumasok today. Inilipat for today P.E namin dahil wala raw si Sir next week.
"Amari, pahiram ako notes mo sa Major. Mas naiintindihan ko sulat mo."
"Naneto! Nanghihiram na nga lang?!" si Pau.
"Wala naman akong ibang sinasabi?!" Natatawang sagot pabalik ni Gabby.
"Iniwan ko sa apartment iyong mga notes ko. You can go there later. Sakto may iniluto si Ice."
"Pwede bang lumipat ako sa apartment mo? Kahit sa sala na ako matulog, marami namang foods," sabat ni Angelica habang itinatali ang kaniyang buhok.
"Pwede naman. Pero baka maabala mo kami tuwing baby time."
Nagkatinginan kaming apat bago natawa. Alam kong kapag naririnig nila akong ganiyan, tumatawa sila na parang 'di makapaniwala sa naririnig.
Nagkatinginan kami ni Zarm. Ang talim ng mga tingin niya sa akin na parang may kung anong kasalanan na naman akong nagawa.
"Huwag mong pansinin. Kanina ka pa hinahanap ng bruha na 'yan."
"Nasisira araw ko tuwing nakikita ko mukha ng babaeng 'yan."
Sinita ko sila. Baka marinig kami, mag cause pa ng fight. "Hayaan niyo na, hindi natin siya papansinin. Protect your peace of mind."
"Ang bait, teh. Minsan ako na lang talaga napipikon d'yan."
I chuckled at bahagyag nilingon si Zarm. "Wala namang magandang mangyayari kung papatulan ko siya. Ayoko lang talaga ng away, kaya as much as possible iiwas tayo. Chill, okay? Hindi tayo bababa sa ganiyang level."
Labag sa loob ang naging pagtango ng tatlo. Talagang 'di sila nauubusan nang sasabihin.
Sasayaw kami ng ballroom. Mabuti at by group pa rin ang performance.
"Amari, may ka partner ka na?" tanong ni Michael sa akin.
I nodded. "Nasa restaurant niya, walang klase, walang training."
Si Ice ang tinutukoy kong partner ko.
Malakas na tumawa ang mga kaibigan kong may kasama pang hampas.
"Gago, Amari! Sige ayain mo si Kuya Ice mag ballroom."
"Joke lang, wala pa."
"Tayo na lang?"
"Tayo na lang? Ayoko, mahal ko boyfriend ko."
Kulang na lang takpan ni Gabby ang bibig ko.
"Pasensyahan mo na, Michael. Ganiyan kapag in love."
Nanonood kami ng mga videos sa YouTube, kumukuha lang ng inspiration.
"Amari, kayo rito sa gitna. Okay lang ba?"
"Sige." Sabay na sagot namin ni Michael.
"Huwag naman masyadong mahihirap, parehas kaliwa paa ko," pagbibiro ni Michael na ikinatawa naming magkakaibigan.
Si Gabby at Pau ang nagtuturo sa amin. By Monday na lang daw kami palagi mag-practice or uwian tuwing may school days kami.
"Uuwi ba kayo agad? Tara sa bahay?" Pag-aaya ni Gabby sa amin.
Nagpaalam din ako kay Ice, pumayag naman siya kaagad.
Pumayag na lang din kaming tatlo dahil wala naman kaming gagawin.
Nagpaalam muna ako para mag-cr. I need to change my shirt na rin dahil nabasa na ng pawis.
"Yes, Ate Zeph?" Natigil ang paglabas ko ng cubicle nang may marinig ako. "Oh, Kuya Miguel?" Bakas sa tono ng boses niya ang pagtataka.
"Why are you using my ate's phone?" Saglit na katahimikan. "W-What?! I'll go there."
Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero dinig ko ang pagkataranta sa boses niya.
Palabas ako ng cubicle nang makatanggap ako ng message galing kay Kuya, pinapauwi ako sa bahay.
Bago ako lumabas ng cr, tinawagan ko agad si Ice. Mabuti at sinagot niya kaagad.
"Where are you?"
"I'm in the hospital, baby. Isinugod ko si Zephanie rito. Uwian mo na? Wait, I'll pick you up."
Kumunot ang noo ko, pero 'di dahil sa galit o selos. I am worried.
Hindi agad ako nakasagot. Is it because of work ba?
"Baby? I'll you still there?"
"Kumusta s-siya? I-Is she o-okay?"
"She's sleeping. Hinihintay ko lang si Zarm, 'di raw pwedeng iwanan mag-isa 'yong patient. I'm outside her room."
Tumatango ako na para namang nakikita niya.
"You don't need to go here na. Uuwi ako sa amin today."
"I'll pick you up, baby. Ihahatid kita."
"Kuya's here, so don't worry." Napakagat ako sa aking ibabang labi. "Ice?"
"Yes, baby?" malumanay nyang sagot.
"Update mo ako sa lagay niya, ha? Nag-aalala ako." Pag-amin ko.
Kahit naman naiinis ako sa kanilang magpinsan, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala.
"She's going to be fine, baby. You don't need to worry too much. Uuwi ka rin ba today? If yes, I'll pick you up."
Natapos ang usapan namin. Hindi naman talaga ako susunduin ni Kuya, sinabi ko lang iyon para 'di na mag-abala si Ice pumarito.
Nagpaalam ako kila Gabby na 'di ako makakasama, pero inihatid ako nila Kuya Lucas. Buong byahe nga'y tulala lang ako.
Pagkarating ko ng bahay, nakita kong may mga maleta sa labas.
"A-Amari, anak..." Sinalubong ako ni Manang na umiiyak.
"B-Bakit po? M-May nangyari po bang hindi maganda? Why are you crying?"
Hindi niya agad ako sinagot, mas pinili niyang yakapin ako.
Naramdaman ko na lang din ang pagtulo ng mga luha ko. Bigla akong nakaramdam ng bigat sa puso.
"Kailangan ko nang umalis dito." Hinarap niya ako at pinupunasan ang luha sa mga mata ko. "Hirap na ako, anak ko. H-Hindi ako nahihirapan sa trabaho. Pero hirap na ako sa mga nangyayari sa bahay na 'to."
Mahigpit ang naging paghawak ko sa kamay ni Manang.
"Hindi ko pa nakukuha ang sahod ko sa dalawang buwan, h-hindi na ako halos nakakatulog. Napapagod na ako sa araw-araw na sigawan, anak ko. Sana 'wag kang magagalit sa akin."
Niyakap ko si Manang. "No, I'm not mad. Mag-iingat ka pauwi, ha? Mag-uusap pa rin po tayo, ha? Huwag mo akong kakalimutan."
"Kaya ko bang kalimutan ang napakaganda kong alaga? Palagi mong gagalingan sa pag-aaral mo. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Ikamusta mo ako kay pogi, ha?"
Tumango-tango ako. Lumabas na si Kuya habang hawak ang susi ng sasakyan. Malungkot ang mga mata niyang ngumiti sa akin.
Habang isinasakay ni Kuya ang mga gamit ni Manang sa sasakyan, agad kong hinanap ang wallet ko.
Inabutan ko ng pera si Manang.
"N-Nako! Masiyadong malaking halaga 'to, anak."
"Kulang na kulang pa po ito sa lahat ng sakripisyo niyo para sa amin. Tanggapin niyo na po."
Muli niyakap niya ako. "Maraming-maraming salamat, Amari." Napatingin siya kay Kuya. "Una na a-ako, baka maiwan ako ng bus. Mag-iingat ka palagi, anak."
Pagkaalis na pagkaalis nila, tumalikod ako at napaupo. Doon tuloy-tuloy ang naging pagtulo ng mga luha ko.
Parang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko. Wala na si Manang na sasalubong sa akin, wala nang gagawa ng paborito kong pagkain, wala nang magsasabi na proud siya sa akin.
Natigil ako sa pag-iyak nang nakita ko si Daddy na nakatayo sa harapan ko.
"Ayusin mo requirements mo."
Napatayo ako at diretso ang tingin kay Daddy. "Requirements ng alin po?"
"School requirements, your school papers. Iuuwi kita ng province."
"No!" mabilis kong sagot.
"Yes. Inaasikaso ko na ibang requirements mo."
"I said no!" Hindi ko naiwasang magtaas ng boses. "Why? Maayos na ako rito. Masaya ako rito!"
"Hayaan mo na siya rito," pagsingit ni Mommy.
Napansin ko ang pamamayat niya.
Nilingon siya ni Daddy. "Bakit? Susuportahan niyo ba siya ng kabit mo? Ng lalaki mo?"
Napasapo ako sa noo ko dahil sa inis.
"Nawalan ng trabaho ang Tita Gelly mo sa Canada, nagkasakit din siya at na-scam sa investment. Wala siyang maipapadalang pera sa iyo."
Nabigla ako sa nalaman ko. Hindi ko alam 'yan, kasi kahit papaano noong mga nakaraang linggo may ipinapadala siyang pera pero mas mababa ito sa dati.
"I know..." Pagsisinungaling ko. "I am working. Nagta-trabaho ako para ma-support financial needs ko. H-Hindi ko kailangang lumipat."
"Is that enough for you to live?"
"Y-Yes."
He smirked. "Bakit? Sinusuportahan ka pa rin ba ni Rivera? Hindi ka ba nahihiya?"
Hindi agad ako nakasagot. Kasi nakakahiya naman talaga, pero never naman nilang isinumbat iyon sa akin, at sila mismo ang kusang tumutulong sa akin.
"Nakakahiya 'no? Gusto mong mahiya pa lalo? Baka kapag may nalaman k-"
"Shut the fuck up, Gabby!"
Mabilis siyang nilapitan ni Daddy at sinampal. "Ang kapal ng mukha mo?! Bakit? Nakakahiya naman talaga 'di ba? Lalo na ginawa mo, nakakahiya! Pati trabaho ko nadamay dahil sa kalandian niyo ng lalaki mo!"
"W-Wala kang alam!"
"Hindi ako ipinanganak kahapon, Amara. Alam ko lahat. Sana hindi mag file ng annulment ang tunay niyang asawa, para habang buhay kang kabit."
Bago tuluyang umalis si Daddy, sinabihan niya akong ayusin ang requirements sa school.
"Hindi pa rin kayo tumitigil ng l-lalaki mo?"
Nag-iwas ng tingin si Mommy.
"You're not working, hindi ka lumalabas ng bahay. What are you even thinking?"
"I'm fine."
"She's fine dahil sinusuportahan siya ng lalaki niya." Muling pumasok si Daddy sa bahay. "Malaki ang ibinibigay sa kaniya ng lalaki niya."
"What?! Pumapayag ka?! Ano ba?! Alam niyo ba gulong pinapasok niyo?"
"Alam nila 'yan. Pumayag nga siyang maging mistress."
Kinuha ni Daddy ang gamit niya. Kinuha rin niya ang necklace sa suot ni Mommy.
"Andami-daming lalaki sa mundo, Mommy? Bakit pumayag kang maging kabit? Kung 'di na kayo masaya ni Daddy, naghiwalay kayo nang maayos. Pero anong ginawa mo? Mas pinili mong makipagrelasyon sa lalaking pamilyado na rin? N-Nakakahiya kayo!"
"Hindi mo ako naiintindihan, Amari." Tumalikod na siya sa akin at pumunta sa kwarto.
Hiyang-hiya ako. Kilala kaya kami ng pamilya ng lalaki niya? Dahil napaka imposible na hindi kami kilala lalo kung kilala nila si Mommy.
Hindi na talaga ako nagkakaroon ng peace of mind. At isa pa, iyong nalaman ko about kay Tita Gelly. Nagkaroon siya ng problema roon, pero 'di niya ako pinapabayaan dito.
Tuwing nakakausap ko siya, palagi niyang sinasabi na ayos lang siya.
Pagkaakyat ko sa kwarto, nakatanggap agad ako ng message galing kay Ice na nakauwi na siya. Ilang minuto lang ay tumawag na rin siya.
"Hello, baby." Malambing na bungad niya. "How are you there? Uuwi ka ba today? I'll pick you up."
"I'm fine."
"Baby, you're not okay. Want me to go there? What happened?"
"Umalis na si Manang dito."
Ikwinento ko rin sa kaniya ang nangyari. He's on his way na rin daw rito.
Iyak ako nang iyak habang andito sa kwarto. Pagod na pagod na rin ako kakaisip. Gusto ko na lang nang mahabang pahinga.
Halos magkasunod ang naging pagdating ni Kuya at ni Ice. Agad akong bumaba pagkakita.
Hindi umimik si Ice. Agad niya akong sinalubong nang mahigpit na yakap. He gently patted my head.
"Everything's going to be okay."
Halos ayaw ko nang bumitaw sa yakap niya. I feel safe around his arm everytime.
"I'm okay now."
He cupped my face. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. "It's okay to cry, okay? Don't bottle up your emotions. I love you."
"I love you more."
Kumakain kaming tatlo rito sa labas.
"Hiring ba kayo, Ice? Pwede ba akong maging body guard mo?"
"Gago." Diretsong sagot ni Ice. "I'll message you later. Ipapa-check ko, since wala si Mommy sa office niya today."
Napayuko si Kuya at hindi na naituloy ang pagkain. "Nakakahiya pero kailangan, e. Nawalan din si Daddy ng work. Walang work ang Mommy."
"Walang hiya-hiya rito. Tayo-tayo lang din naman magtutulungan dito. I-m-message kita agad mamaya. Kaysa maghanap pa kayo ng iba, eh meron naman sa amin. Tsaka may interview naman kayo, kaya 'wag kayong mag-alala."
Nahihiyang ngumiti si Kuya. "Salamat, men."
Tumango si Ice at nag fist bump ang dalawa.
"Uuwi ka apartment today?" he asked.
Tumango ako. "Uuwi na lang ako." Napalingon ako kay Kuya. "Ikaw, Kuya?"
"Dito na lang ako. Walang kasama si Mommy, baka ano rin gawin, e. Huwag kayong masyadong mag-alala sa akin, ayos lang ako rito." He smiled, genuinely.
Napasarap na nga kwentuhan namin dito at lumabas si Mommy. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kami rito.
"D-Dito ka ba matutulog, Amari? Dito na kayo matulog ni Ice. Aayusin ko ang kwarto."
"Thank you po, Tita. Pero uuwi po si Amari."
Hindi makatingin si Mommy sa amin, marahil nahihiya siya.
"Ipagluluto ko na lang kayo bago kayo umalis."
"Busog na po kami," ako ang sumagot.
"G-Ganoon ba? Osige. Maiiwan ko muna kayo." Mabilis ang naging pagtalikod niya.
Hindi na rin kami nagtagal ni Ice sa bahay. Hindi ko na rin kasi talaga kayang magtagal sa bahay na puro may mapapait na alaala. Masiyado nang mabigat sa puso.
"Love?"
"Yes, baby?" Mabilis na sagot niya.
"Kumusta si Z-Zephanie?"
"She's fine naman na ro'n baby. I'm sorry, late ko na nasabi. Nagulat na lang din ako kanina. Kabababa ko lang ng sasakyan bigla siyang nahimatay sa harapan ko."
"No, no. Okay lang. Hindi ko na para pagselosan ganiyang bagay lalo na life ang at risk. Mas okay na iyan for me kaysa sa nakita mo na hindi ka pa tumulong."
Hindi ako nakatingin sa kaniya, pero ramdam ko ang pagtingin niya sa gawi ko.
Ilang araw din ang lumipas. Andito ako nagpupuyat dahil sa napakaraming reporting ko bukas. I was busy doing our powerpoint presentation.
"Ang lapit mo masyado sa monitor, baby."
I pouted. "Pagod na ako. Ay wait, did you eat? Nagluto me dinner natin!"
"You should rest muna. I'll help you with that later. What did my baby cook?"
"Chicken Adobo, iyan kasi madaling lutiin."
Mahina siyang natawa bago ginulo ang buhok ko. Siya na ang naghain para sa aming dalawa.
"What time game mo bukas?"
"Ten am, baby. Huwag na mag-sorry kung 'di makakanood dahil makakanood ka sa championship game. Ganiyan sa SanLo, kapag championship game, walang pasok."
"Aba? Papaano ka naman nakakasigurado na mapapasama kayo sa championship game?"
Pabirong tumaas ang kilay niya sa akin. "Aba, Ms. Amari Gracey, nakakalimutan mo yatang player ako roon?" Pagyayabang niya sa akin.
After kong kumain, itinuloy ko ang ginagawa ko, pero ramdam kong unti-unting pagbigat ng talukap ng aking mga mata.
"Iidlip muna ako, love. Pagising ako before mag ten pm." Mahinang ani ko, hindi ako sigurado kong naririnig niya ako.
Nagising akong umaga na at andito na sa higaan ko. Nagmadali akong bumangon at lumabas ng kwarto.
Ba't 'di ako ginising ni Ice? or hindi niya narinig iyong sinabi ko?
Agad-agad kong in-open ang laptop. Nagtataka ako dahil may nakadikit na sticky notes sa bag ng laptop, hindi ko napansin kanina.
Baby ~ I'm done with all of your PowerPoint Presentation. May printed notes na rin. Best of luck! I love you! ^_^
In-open ko ang laptop at nakitang nasa iisang folder lahat ng reportings ko for today. Tinignan ko rin isa-isa, ang daling intindihin, ang daling basahin.
Habang nasa kitchen may nakita akong nakalagay na naman sa dining table.
Baby ~ May food ka na, hindi na kita ginising para makabawi ka ng tulog. Ingat pagpasok. I love you! ^_^
Agad kong kinuha ang cellphone ko to message him.
To: Lovey ♡
Love, thank you! Bawi ako next time. Good luck sa game, I love you! mwa mwa xoxo
I thought hindi niya mababasa iyon, pero nagulat ako nang makatanggap ako ng reply galing sa kaniya.
From: Lovey ♡
No problem, baby. Good luck din later. I love you more, boss.
Sinundo ako ni Gabby rito sa apartment.
"Kailan ka bibili another set uniform natin? Magpapalit daw, e."
Napatingin ako kay Gabby. "Hindi ko alam. Pwede pa ba next month? Magkano nga ulit 'yon?"
"Two pairs na 'yon. Six thousand yata."
Napatango na lang ako. Gamitin ko na lang ulit iyong extra na pera ko. Nagbigay rin kasi ako kay Kuya, dahil walang iniwan sa kaniya si Daddy, nakuha ang card na gamit niya.
Sinabihan ko si Kuya na 'wag munang magsabi kay Tita Gelly, ako muna habang hindi pa siya hired.
"May tatlong books din tayo need bilhin para sa major, 'no? Andami namang need bayaran," sambit ko.
"Oo, kaya gusto ko na lang maging bayaran."
Nakita na namin si Pau at Angelica, agad naman nilang kinuha ang laptop sa akin para makapag-review.
"Very corporate ang atake naman ng reporting natin, ante!" si Angelica habang nagsusulat ng notes niya. "Wala pang tumatalbog na transition."
"Boyfriend ko gumawa niyan. N-Nakatulog agad ako kagabi."
Sabay-sabay nila akong nilingon habang nakangisi.
Iniisip ko saan pa ako kukuha ng pambayad ko sa bills sa apartment, sa uniform, and sa books.
"May alam ba kayong need ng tutor?" I suddenly asked.
"Ako, pero ako ang i-t-tutor. Bakit?" sagot ni Pau sa akin.
"H-Ha? W-Wala naman. May friend akong naghahanap extra income." Pagsisinungaling ko.
Nakaka-pressure ibang classmate namin, nakikita kong nakabili na sila ng need na books. Kailangan talaga iyon dahil may mga activity kami roon.
Magkakasabay na kaming pumasok sa room. Nanood muna ako ng facebook live, nakita kong ang laki ng lamang ng kalaban. Naglalaro si Ice, pero mukhang 'di nila kaya.
Ibinaba ko na ang phone ko para sa reporting.
Nasanay na rin talaga akong walang notes na dinadala everytime ako ang reporter. Mabuti at natapos nang maayos.
"Do you have any questions?" I asked.
"Guys, please, second year college na kayo. If magdadala kayo ng notes for guide lang sana, hindi iyong babasahin niyo lahat." Napatingin siya sa akin. "I know magkakaiba tayo ng intellectual capacity, that's why tinutulungan ko rin kayo, pero sana tulungan din ninyo sarili niyo. Very good, Amari's group."
Natapos ang dalawang buong klase namin na puro reporting.
Naunang umuwi sila Gabby, nakatambay lang muna ako sa library para hintayin sila Ice.
I was about to check my wallet para i-budget natitira kong pera doon, pero laking gulat ko na wala iyong wallet ko. Alam kong hindi ko naiwan 'yon, dahil nagbayad pa ako kay Gabby ng one hundred kanina.
Kinalkal ko na ang bag ko pero wala talaga. Napahilamos ako sa mukha ko, dahil hindi ko talaga mahanap iyong wallet ko.
Nakabalik na rin ako galing room, pero wala rin doon. Hindi ko alam kung saan ko inilagay.
"Baby, what's wrong?"
Napalingon ako sa kadarating na si Ice.
"H-Hinahanap ko p-phone ko, love."
Ilang beses na akong nagsisinungaling sa araw na 'to. Patawarin.
Lumapit siya at iniangat ang mga notebook ko sa table. "Here, baby."
"A-Ah!" Nagkunwari akong nakahinga nang maluwag. "Thank you, love! A-Akala ko nawala na."
Tinaasan na naman niya ako ng kilay, at lumapit sa akin. "How are you today?"
"Good! Kami ulit nakakuha highest mark sa reporting. How 'bout you? How's the game?"
"Olats."
Agad ko siyang niyakap. "You still did a good job. Babawi next game. Ganiyan naman, e. Minsan panalo, minsan talo."
"Pero palagi kang ipapanalo."
Mahina ko siyang siniko. Niligpit niya ang mga gamit ko, at siya nagbuhat ng aking bag, habang nasa kabilang balikat niya ang duffle bag. At hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami.
"Grocery tayo, wala ka ng stocks, pa-end na ng month, e."
"H-Ha? Marami pa, love."
"Halos wala na, baby. Gumawa ako checklist kanina. And halos doon na rin ako natutulog."
Wala naman na rin akong nagawa. Ipinakita niya pa checklist niya.
Kumain muna kaming dalawa. Napatingin ako sa wrist niya, ginagamit niya pa rin iyong bracelet.
"Baby, you're not eating po."
Napaayos ako sa aking pagkakaupo nang marinig ko siyang magsalita.
"N-Nakatingin ako sa bracelet, g-ginagamit mo pa rin pala?" Hinawakan ko ang necklace na bigay niya. "Me, too! Palagi kong gamit."
"We're each other's lucky charm."
After naming kumain, agad kaming dumiretso sa supermarket.
Ganitong pagiging financially stable ang gusto ko, hindi na tinitignan basta lagay lang nang lagay sa cart.
"Baby, maglagay ka lang kung anong gusto mo."
"Lagay mo sarili mo r'yan."
"Tumatapang ka na rin talaga, baby." Natatawa niyang sambit.
After naming mag-grocery, dumiretso na kami rito sa aprtment.
Nakita niya ang isang letter na nahulog dito sa loob. Bill yata ito.
Napakunot ang noo niya habang binabasa iyon. Kahit ako, hindi ko rin alam kung ano iyon.
"Two months unpaid?"
Napaiwas ako ng tingin. "N-Nawala lang sa isip ko. Pero magbabayad ako today."
Nahirapan din talaga akong mag-budget, lalo andaming gastos sa school, magastos ang program ko.
"Look in my eyes, baby," aniya at marahang hinawakan ang mukha ko. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?"
"Promise, magbabayad naman talaga ako today."
Tumango siya sa akin pero 'di pa rin inaalis ang tingin. "Use my wallet, use my card. Huwag mong babawasan pera mo. Save that in case of emergency."
Napayuko na naman ako. "Puro ikaw na ang gumagastos para sa akin, lalo rito sa apartment. N-Nahihiya na ako."
"Don't care about the money, baby. Babalik at babalik iyan, huwag mong isipin 'yon. What matters to me is you, your comfort. I hate seeing you struggle."
"S-Sorry, babawi ako."
"Makita lang kitang masaya, bawing-bawi ka na. Don't worry about the money. It sounds arrogant, but yup, the money will come back. Kikitain agad 'yon. But if something bad happens to you, if I can't take care of you, that's what I can't handle. I want to give you a light, a happy life, baby."
"S-Sorry and thank you."
"Anything for you. Don't use your money muna since malaking amount ito, use my card, okay? Don't say sorry na. Don't be shy, don't say sorry, wala kang need bayaran, just take care of yourself, okay?" He pull me closer.
"Thank you."
Ilang araw na rin ang nakakalipas, kakukuha ko lang din kahapon ng sweldo ko, pero kulang pa rin iyon dahil sa bayarin.
Kahit nasa akin card ni Ice, kahit sinabihan niya na ako, nahihiya pa rin ako. Ilang araw na rin kaming 'di masyadong nagkikita.
Due na next week ng ilang bills ko sa apartment, 'di pa ako nakakabili ulit ng bagong set ng uniform, at ilang books.
May five thousand pa akong nasa sarili kong card,at natatakot akong bawasan iyon. Hindi ko na rin kasi nahanap iyong wallet ko.
"Amari, kailan ka bibili uniform?"
"Next week na. Need na ba talaga 'yon?"
Tumango si Gabby. "Dalawang pair naman 'yon. Hiramin mo muna 'yong sa akin. Two days lang naman gagamitin every week."
Nagbabaon na rin ako ng lunch minsan tuwing 'di kami magkakasama ni Ice.
Nilingon ko si Gabby. "A-Are you done answering our first activity ba sa major?"
"Iyong nasa book? Hindi pa, bes. Bukas pa naman submission. Bakit? Pero may klase tayo later doon, right?"
I nodded. "Pahiram ako? Ako na bahalang sumagot, ipapa-photo copy ko lang."
Bigla siyang sumeryoso, bakas sa kaniya ang gulat at pagtataka.
"Gagi, 'di ka pa rin nakakabili? Hahanapin na naman ni Sir 'yong book number mamaya."
"Kakausapin ko na lang siya."
Iniabot niya ang libro sa akin habang nakatitig pa rin. Nagmadali na akong umalis bago pa siya magtanong.
Ipinaphoto copy ko na ang tatlong activity na andoon.
"Sinong wala pang book?" tanong ng Professor namin.
Walang nagtataas ng kamay, bigla akong nahiya na magtaas ng kamay na ako lang mag-isa.
He's checking his class record. "Oh, Ms. Guanzon? Did you buy your book na?"
Halos mapatingin ang buong klase sa akin.
"Not yet, Sir."
"You need to buy na, may activity kayo roon. Ipa-photo copy mo muna if wala ka pa. But please, next meeting sana meron na."
Mabuti na lang at mabait si Sir.
May ambagan na naman. Parang nagtatrabaho na lang ako para may pang-ambag sa walang katapusan naming pagluluto. At sa sobrang swerte ko talaga nakagrupo ko na naman si Zarm.
"Hey." Pagtatawag niya sa akin. "Nagbigay ka na ba?"
Tumango ako. "But may kulang pa ako."
"Huwag mo nang bayaran. But, ikaw na lang bibili."
Nilingon ko siya. "Ako lang mag-isa? Andami kong need bilhin, e."
"Kulang na nga ibinayad mo, magrereklamo ka pa."
"I'll go with her," ani Michael. "Hindi mo kailangang sabihin iyang mga ganiyan."
Ngumisi sa amin si Zarm, at 'di na umimik.
Nang nakarating kami ni Michael, agad kaming bumili ng mga need namin.
"Ang mamahal naman ng mga bilihin ngayon."
Napalingon sa akin si Michael. "Sobra, isabay pa ang gastos ng program natin."
Napabuntong hininga ako. May binayaran pa ako kanina para sa kabilang group activity.
Ang gastos naman mag-aral. Hindi ba pwedeng yumaman na lang ako kaagad?
Bago ako umuwi, nag withdraw muna ako. Para ma-budget ko iyong pera ko. Dahil part time na nga lang ako, mas mababa na iyong sahod ko. Minsan di pa ako pumapasok ng Sunday.
Kulang na kulang pa rin iyong pera ko. Napakamahal naman kasi ng libro, kulang isang libo ang isa.
Kinaumagan, pumasok ako nang maaga para tumambay sa library. Miss ko na rin si Ice, sobrang busy niya na rin kasi talaga, minsan patulog na ako tuwing nakakauwi siya kaya 'di kami nakakapag-usap nang matagal.
Tinignan ko ang schedule ko, maaga ang uwian ko ngayon. What if mag-duty ako? Sayang iyong kalahating araw na masasahod ko. Pero full sila ngayon doon, e.
Nang nag-message si Gabby agad akong tumakbo papuntang room.
Halatang wala sa mood si Ma'am. Nakaupo lang siya sa chair niya, at busy sa records.
"Where's Ms. Guanzon?"
Agad akong tumayo. "Present po."
"Hindi ka pa ba nakakabili ng book? Palagi akong nagsasabi sa gc. Can you buy today? Pinapagalitan na kasi kami sa office, alam niyo namang may activity kayo roon."
"B-Bibili na po, Ma'am."
Nakasimangot siyang tumango sa akin.
Bagsak ang balikat kong naglakad papunta sa book store, at mas lalong sumama ang timpla ko nang iniabot ko ang pera.
"Kulang pa ng two hundred pesos, Miss."
What do you mean?! One thousand two hundred pesos sa isang book?
Napapikit akong nagbayad. Ang bigat sa bulsa. Budget ko na sana iyan para sa ilang weeks.
Nang makabalik ako sa room, naka by group na sila, mabuti at mga kaibigan ko ang kasama ko.
"Ayos ka lang?"
Tumango ako. "Andaming babayaran, ubos na pera ko." Hindi ko na naiwasang sabihin.
"I have extra here, kahit bayaran mo kapag may money ka na."
"Thank you, Gabby. But okay lang, keep mo na 'yan. Gagawa me paraan."
"Are you sure?" bakas sa boses niya ang pag-aalala. "Kaya pala puro ka na baon for lunch, nagtitipid ka pala."
Mukhang may need na namang bayaran dito dahil nagluluto na naman kami.
"How much babayaran ko?" tanong ko sa kanila.
"Wala namang babayaran," mabilis na sagot ni Gabby at inibahan ang topic.
Alam kong may babayaran, pero halatang ayaw sabihin ng mga kasama ko, lalo nitong si Gabby.
After class, nag-check ako ng phone ko, may message si Kuya if pwede siyang makahiram at ibabalik niya rin sa susunod na week. May need lang siyang requirements na kukuhanin before siya mag-start mag-work.
"Ibabalik ko rin kaagad," nahihiyang sambit niya. "B-Baka wala na para sa iyo, ha?"
"Ano ka ba? Huwag mo ako masyadong isipin, may pera pa ako. Sige na pasok ka na! Ikamusta mo ako kay Ate Daisy!"
Niyakap muna ako ni Kuya bago siya tumakbo palayo sa akin.
Naka-three thousand pesos na gastos agad ako ngayong araw.
"May need tayong damit para sa P.E costume natin sa ballroom. Ise-send ko sa gc iyong convo namin ng nakausap ko."
Bayad na naman.
Tango na lang ako nang tango, iniisip saan kukuha nang ipambabayad ko.
"Kailan deadline of payment?"
"Saturday, next week. Pero if mag-agree na kayo, need niya ng down payment para maka-pag-start."
Ilang araw din ang nakalipas, kakauwi ko lang ngayon galing sa work. Nag-visit lang si Ice kanina sa restaurant, pero umalis din siya dahil sa work.
Sa totoo lang, naubos na rjn iyong pera ko. Hiniram ko na nga lang muna iyong uniform ni Gabby. Iyong mga bills ko rito, hindi pa bayad. Nakahiram na lang din ako kay Bianca nang ipambabayad ko.
Dito ang diretso ni Ice ngayon, kaya nagluto na ako for dinner namin.
Ilang minuto lang din andito na siya.
"Hello! How's the game." Pagsalubong ko sa kaniya.
Yumakap siya pabalik sa akin. "We won."
Antahimik naman niya tonight. Hindi siya masiyadong kumikibo.
May problema ba kami? or baka pagod siya?
"You'll s-sleep here ba?"
Tumango siya sa akin. Inilabas niya ang cellphone niya.
Tumabi ako sa kaniya. Naninibago ako kapag masyado siyang tahimik.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Recharging, andaming tao kanina. Andaming reservations."
He gently patted my head. "Baby?" mahinang pagtawag niya sa akin."
"Hmm?"
"Bakit hindi ka nagsasabi sa akin?"
Napamulat ako sa tanong niya. Hindi agad ako nakakilos. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya.
"Why?"
"S-Sorry. . . nakakahiya kasi."
"Nakakahiya, ang alin? I told you naman, baby, you can use my card, my money."
"Andami mo nang naitulong sa akin, Ice."
"Bakit mo binibilang? Kayanga andito ako para tulungan ka, e. Magtutulungan tayong dalawa."
"Nakakahiya na, please lang. K-Kaya ko naman, e. Magagawan ko naman nang paraan."
"I know na kaya mo, never naman akong nag-doubt sa iyo, pero sana taggapin mo iyong ibinibigay ko. Tinutulungan kita para 'di ka na masiyadong mahirapan."
Gumugulo na bigla ang utak ko. Parang any moment sasabog na lang ako dahil sa pagod at sa daming iisipin.
"Ano ba?! Kaya ko naman, e! Mababayaran ko rin naman iyon. Magwowork ako bukas hanggang Monday. Susuportahan ko sarili ko, please, Ice, kaya ko. Hayaan mo akong i-solve 'to ng ako lang."
"How much need mong bayaran? Ako na ang bahala."
"Stop, please?!" Pangalawang pagkakataaon, nataasan ko siya ng boses.
"Please, calm down, baby. I'm just trying to support you, to help you."
"Support? This feels more like pity! Para naman na 'tong charity, e."
Ice stared at me, his face a mixture of confusion and hurt.
"Charity? Amari, that's not what I'm doing. I'm not trying to pity you. I just want to help you," he said, his voice laced with a hint of frustration. "I'm not doing this out of obligation or because I feel sorry for you. I'm doing it because I care about you."
"It feels like I'm begging for scraps. Para namang hindi ko kaya ang sarili ko." I said, trying my best na hindi maiyak.
"That's not true. You are capable, and I know that. But I'm not asking you to beg. I'm offering you a hand, a way to make things easier," he insisted, his eyes pleading. "I just want to be there for you, to support you in any way I can."
"I grew up without help. So I know I can do this. Magagawan ko ito nang paraan."
Ice let out a heavy sigh. "That was before. I'm here to help lighten everything for you."
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naiinis ng ganito.
Nage-gets ko naman siya, pero kasi ayokong habangbuhay naka-depende lang sa tulong niya, gusto ko rin namang ipakita na kaya ko.
"Ayaw muna kitang makita, kung 'di mo ako naiintindihan. Lalo 'di naman ikaw ang nasa sitwasyon ko."
I immediately regretted it, my heart pounding in my chest. I hadn't meant to say it like that, to accuse him of being insensitive.
I felt a pang of guilt, but I couldn't take back my words.
"N-No, s-sorry. Hindi gano'n ang ibig kong s-sabihin." My voice trembled, my words coming out in a rush. Sinubukan kong lumapit sa kaniya.
His expression remained blank, his gaze fixed on me. I felt the touch of his lips on my forehead.
"Maybe let's just talk kapag 'di ka na galit. Good night, I love you."
Noon, nililingon niya ako bago siya tuluyang lumabas ng apartment, pero ngayon, hindi. Alam kong masyadong masakit iyong sinabi ko.
Naglakad ako, at nakitang ang bouquet at paper bag sa kabilang couch. Agad kong binuksan ang notes na andoon.
Happy 10th months, baby. I love you.
Napaupo ako at doon umiyak nang umiyak na parang may magagawa ang pag-iyak ko rito. In-open ko ang paper bag, its a ring.
Kinaumagahan, wala pa akong natatanggap na message galing sa kaniya. Kung tama ang pagkakaalala ko, wala siyang training today.
Hindi ko rin alam kung papaano siya i-m-message, nahihiya ako sa nasabi ko. Masyado akong nagpadala sa emosyon, natalo ako.
Kagabi na lang sana ulit kami magsasama after ilang araw na 'di kami halos nakakapagkita, pero ganoon pa ang nangyari.
Agad akong kumilos, at dumiretso sa bahay nila, pero wala raw siya rito, pero hinatid ako ng driver nila.
"A-Amari?"
I saw Kuya Ishmael and Ate Ishy na palabas ng condo.
"You're so aga." Nagkatinginan sila ng kambal niya. "Did you cry? Same with Isaac, but don't worry, wala naman siyang sinabi. He's in his unit, kakapasok lang din niya, sa unit ko natulog."
"He's sleeping. Uminom kami kagabi."
Nagmadali akong tumakbo papunta sa unit niya. Mabuti at may key card ako rito.
Pagbukas ko, sumalubong sa akin ang lamig sa buong unit niya. Hindi talaga dapat naiinitan 'to, pero grabe naman ang lamig sa unit niya.
Puro folders ng company, at ibang school works ang nasa coffee table niya.
Kumirot ang puso ko, sobrang busy niya pero nagawa niya akong puntahan kagabi pero nasabihan ko lang nang masasakit na salita.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto niya. I saw him peacefully sleeping, pero bakas nga sa mata niya na umiyak din siya.
Ang sama-sama ko, pinangunahan ako ng pride ko.
Naglakad ako palapit sa kaniya, I brush his hair. I miss you.
Hindi ko namalayang unti-unting tumutulo ang mga luha ko.
Kagabi, bago ako makatulog, doon lang nag sink in sa akin mga sinasabi ko. Alam kong gusto niyang tumulong, lalo at nalaman niyang sabay-sabay ang mga need kong bayaran pero wala akong extra pera. Alam kong naniniwala siya sa akin, palagi naman, alam kong kailangan ko na talaga ng tulong pero masyado akong naging ma-pride at ipinipilit na kaya ko kahit alam kong hindi na.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinila ako patabi sa kaniya.
Ikinulong niya ako sa yakap. "Sssshhh. Stop crying. Ayokong nakikita kang umiiyak." He said in a low voice.
Hindi ako nakasagot. Iyak pa rin ako nang iyak.
"Don't cry. Matulog na lang tayo." I heard him chuckled.
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa aking ulo. "I love you."
Yumakap ako nang mahigpit sa kaniya. "S-Sorry, h-hindi na mauulit. S-Sorry."
Dahan-dahan siyang bumangon. "Kasalanan ko rin. Ayaw ko lang talagang nahihirapan ka pa nang sobra, ako iyong nasasaktan, e. If you need help, magsasabi ka, ha?"
Hindi ako nakaimik, napayuko ako dahil sa hiya. Lahat nang tulog ginagawa niya sa akin na bukal sa loob niya, na walang halong pagdadalawang isip, pero gano'n lang ang isinukli ko.
"Ini-invalidate mo na naman feelings mo? Stop that. Did you eat? I'll cook lang saglit."
"Iiwan mo na ba ako?"
"No, hindi. Why would I do that? Anong reason bakit kita iiwan?"
"Nagkasagutan tayo kagabi, inaway kita, nasabihan kita nang masasakit na salita, n-nakalimutan kong ten months natin kahapon."
"Ang babaw ng rason para iwanan ka, at wala akong balak na iwan ka."
Napatango ako para tignan siya. "P-Pero k-kasi..."
"Can I?" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa tanong niya. Nakatitig siya sa akin.
He leaned closer, he's kissing me, at dahan-dahan akong inihiga ulit sa kama.
Hindi agad ako nakakilos nong una, at napahawak ako sa kaniya.
His kiss deepened, his tongue tracing the seam of my lips, asking for entrance. I parted my lips, a silent invitation, and his tongue met mine, a playful dance that ignited a fire within me.
His hand moved from my cheek to the back of my neck, pulling me closer, his body molding against mine.
He groaned softly against my lips, his voice a low rumble that vibrated through my body. I was no longer in control, and I didn't want to be. I wanted to be lost in him, consumed by him.
"I love you." His thumb brushed against my cheek, and I felt a wave of heat flush through me. Gusto kong sumagot, pero parang nauubusan ako ng sasabihin. "I need to stop," he said, his voice rough.
I pouted. "O-Okay..."
Buong lakas niya akong binuhat papunta sa dining area niya. Inaasar pa nga ako dahil daw sumimangot ako after ng kiss.
Kainis.
"We should eat. Pupunta tayo sa school, bibili tayo ng gamit mo, okay?"
I nodded.
"Sorry about last night. Hindi dapat ako nagpapadala sa emosyon ko. S-Sorry."
"I understand, baby. I'm not mad. Huwag kang mahihiyang magsabi next time, ha? Palagi akong naniniwalang kaya mo, pero 'wag mo naman abusuhin ang sarili mo.(
"H-How did you know?"
"Zarm and friends. Narinig ko sila kagabi, and alam din nilang nakahiram ka kay Bianca."
"S-Sorry talaga. Nakakahiya, hindi ko alam na aabot ako sa ganitong point."
Ikwinento ko sa kaniya ang nangyari kay Tita Gelly sa Canada.
"Na-transfer ko na kay Bianca iyong pera. Who else have you borrowed money from, baby?"
"Wala na po."
Umalis kaming dalawa today. Pumunta kami ng SanLo para bilhin pa ang ibang mga libro na kailangan ko, pati na rin ang uniform.
Nasa mall naman kami ngayon. Hindi ko alam bakit kami andito.
Pumasok kami sa bilihan ng make up. May kinuha siyang basket.
"What are we doing here? Mukha na ba akong haggard, Isaac Miguel Rivera?"
Tumingin siya sa akin na parang ini-exam-in ang mukha ko. Dahan-dahan siyang tumatango.
"Hindi ka naman mukhang haggard. Mukha kang nanay."
Sinamaan ko siya ng tingin. Siguro gano'n na katanda sa paningin niya.
"I'm still a baby, duh?"
"Nanay ng magiging anak ko."
Mahina ko siyang siniko.
"Baby, look, I think bagay itong shade na 'to sa iyo. Or wait, ito yata shade mo, e."
Agad kong kinuha iyon at napatingin sa kaniya. Tama ang color ng lipstick na kinuha niya, iyon ang shade ko.
"How did you know?"
"Syempre lagi akong nakatingin sa labi mo."
"Love, ang landi!" Natawa na lang kaming dalawa.
After kong bumili, iniabot niya ang card niya sa akin, at tumango siya. Nasa tabi ko naman siya, pero ako ang pinagbayad niya.
Namili rin kami ng iba pa naming gamit. Bumili siya ng damit na terno kami. Ibinili na naman niya ako ng plushies.
May isinuot siya sa aking hair clip na color pink. "I haven't seen you using something like this in a while, but every time I see pink or a ribbon, I think of you."
"You're so damn pretty, baby."
~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro