Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24

"Aga mo today."

Napaupo ako sa area kung saan kami nag-s-stay tuwing breaktime.

"Inaway ko kasi si Ice."

Napahawak si Ate Lily sa balikat ko. "At ba't naman? Tamo mamaya nakasimangot 'yon."

"Nakasimangot na talaga. Hindi ako nagsabi na maaga ako today."

Inaway ko siya kagabi kasi wala akong magawa. Inaway ko kasi akala ko magagalit, pero hindi. Kaya ako na lang ang nagalit.

Nag early in na lang ako, Wala naman akong gagawin dito sa labas.

"Team, until four pm lang daw tayo today sabi ni Sir Isaac."

Ano na namang naisip ng boyfriend ko?

"Bakit daw po, Sir?"

"Walang sinabing reason, e. Nilalaro na naman tayo si Sir Isaac." Natatawang aniya. "Pero lahat daw ng branch, e."

Ilang saglit lang dumating si Ice. Bigla tuloy akong napatalikod at pumunta sa Bar area.

Naupo siya sa may sulok at dumating sila Ate Margarette at hindi ko kilala ang iba.

"Amari, give them the menu. Baka gusto mag-order ni Sir Isaac."

Hindi na ako nakaangal dahil baka mapagalitan naman din ako.

Dalawang menu lang ang kinuha ko.

"Good morning, Ma'am. Here's our menu. You can call me if you're ready to order."

"Where's my menu?" si Ice na nakatingin sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya bago tumalikod. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ate Margarette.

Gulat ko nang tinawag ni Ice iyong Shift Leader namin at itinuturo ako. Mukhang seryoso pa ang sinasabi niya.

"Amari, Sir Isaac was complaining. Hindi mo raw siya binigyan ng menu. You shouldn't repeat that. Mapagagalitan tayong lahat dito."

Napayuko ako. "Sorry, Sir. It won't happen again."

He tapped my shoulder before siya umalis.

Bumalik ako sa harap, nakitang busy makipag-usap si Ice sa mga nasa harap niya, may nakatabi rin sa kaniyang isang babae na 'di ko kilala.

"Go, Amari. Give them two more menu."

"Good morning. Here's our menu. You can call me if you're ready to order."

Ngiting-ngiti naman 'tong si Ice, pero hindi ko siya pinansin.

After ko mag-take ng orders, agad kong finorward iyon sa kitchen.

Nang mapatingin ako kay Ice, nauna na siyang nakatingin sa akin, while smiling. Inirapan ko na lang siya.

Nakita ko ang paglapit niya rito kaya dumikit ako sa Shift Leader namin, pero umalis naman siya.

Luh?!

"Hindi ka ba mag-s-sorry sa akin?" he asked softly, his voice barely a whisper as he stirred her coffee.

"Ayaw. Pinagalitan na nga ako."

Bahagya siyang humarap sa akin. "Sinong nagalit sa baby ko? Para makampihan ko?"

Agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. "Ah, talaga? Huwag na magbati habang buhay, ha?"

Nagpipigil siya sa pagtawa.

He move closer to me. "Baby, ikaw lang naman nang aaway bigla sa akin. Hindi mo pa ako hinintay kaninang morning, sabi ko ihahatid kita."

"Nye nye," I retorted, rolling my eyes playfully.

Nilayasan ko siya roon at nakipagpalit kay Ate Lily sa Receptionist area.

Naunang umalis sila Ate Margarette na binabati pa ako bago siya lumabas.

At dahil early out kami ngayon, hinintay lang talaga ako ni Ice rito.

"Una na kami. Ingat kayo sa pag-uwi."

Hawak niya ang kamay ko. "Baka takasan na naman ako."

"Epal."

"Baby, hindi mo pa naman monthly period."

"Pinagsasasabi mo?"

"Naka-note sa akin dates, e."

Hindi, Amari. Hindi kayo bati, 'wag kang tatawa.

"Saan tayo pupunta?"

"MoA Arena. Manonood, NCAC Season na, right? May laro San Lorenzo ngayon."

"Maglalaro ka? Gusto mo bang ikaw gawin kong bola?"

"Baby, chill." Hinila niya ako palapit sa kanya. "Manonood lang po tayo."

Player pa rin siya, pero baka next round na siya paglalaruin.

He said he didn't want to use his I.D. as a player to get into the venue right away, but he needed to because there were a lot of people, the line was long, and he knew I couldn't handle being in such a crowded place.

Nakaupo kami malapit sa bench ng SanLo players, binili raw niya iyong ticket namin.

"Kaya ba ang aga ng closing today kasi manonood ka ng laro?"

"Hindi, baby." Ginulo niya ang buhok ko. "Anong oras na nakauwi iyong mga nasa dalawang branch kagabi dahil may event at anong oras natapos. Kinausap ko naman sila, I told them na kahit mag closed muna for a day, pero kaya raw nila. Pero 'di ako mapanatag kanina, kaya sabi ko early closing muna, and before lunch ang opening bukas."

We saw Kuya Adrian, itinuro niya kami sa ibang ka team nila.

Crystal Valley Academy pala ang kalaban nila, ang lalaking drums ang bitbit nila. At kaya pala nasa malaking venue rin kami.

Magagaling ang sa kalaban, pero iba ang laruan ng mga taga SanLo.

"If andyan ako, tapos ang laban," pagyayabang na naman ng isang ito sa akin.

"Feeling ka. Hanggang fourth quarter 'yan."

Natapos ang first half ng game, at dikit ang laban. Lamang lang ng limang puntos ang kabila. Nakiki-cheer na nga rin ako rito.

"Ganyan ka pala kaingay mag-cheer, ha? Next week pala lalaro na ako."

"Kita mong nagpapagaling ka pa."

He pouted. "Eh chine-cheer mo sila, e."

"Aba, syempre school natin 'yan, love?"

Minsan talaga nakakalimutan niyang siya ang mas matanda sa aming dalawa.

"Kapag nanalo SanLo, bati na tayo."

"Aba? Oh, sige sige. Paano naman kung talo?"

"Edi walang magbabati," sagot ko habang nakatingin pa rin sa mga naglalaro.

Last quarter na, and time out pa. Nag-iba ang laruan ng kalaban, at bahagyang lumaki pa ang lamang.

Lumapit si Ice sa kanila at parang may sinasabi, tinuturo pa ako. Tawang-tawa ang mga teammates niya bago siya bumalik dito.

"Ano na namang sinabi mo?"

"Sabi ko next year kukuhanin kang muse kasi grabe ka mag-cheer."

Napairap na lang ako sa kaniya.

Ang haba talaga ng pasensya niya, 'di siya mabilis magalit. Kaya ako na lang talaga ang nagagalit.

Sa pag-uumpisa ng last quarter, may mga bagong pasok na players galing sa bench. At tuloy-tuloy ang pagkakaroon nila ng points.

"Yes. It looks like someone will be saying sorry later."

I turned to him. He was grinning at me now.

"Okay, sorry."

"That's not enough. Baby, you sound like you're asking for an apology from your friends," he teased.

"Okay, I'm so sorry, love. Wala kasing akong magawa last night, tapos sinusubukan ko kung magagalit ka, pero hindi ka naman nagagalit."

"Why would I? Alam ko namang tinotopak baby ko."

"I love you."

"I love you more."

At dito pa namin sa arena naisipang magbati, huh? Ayos.

Bumaba kami para i-congratulate ang SanLo Team. Para iwas na rin sa siksikan ng tao palabas.

"Abangan ka namin sa round two. Inangyan, hirap kami sa kanila."

"Lakas ng defense nila."

"Kaya niyo naman 'yon. Kung papayagan na ako ni Doc and ni coach, ipapasok na raw ako for round two." Napalingon siya sa akin. "Si Amari, best cheerer kanina."

"Hi!" sabay nilang bati sa akin.

"H-Hello po! Congrats, ang gagaling niyo."

"Thank you!" sabi ng isa sa kanila at makikipag shake hands pa pero si Ice ang tumanggap non.

"You're welcome, pre!"

Nagpaalam na rin kaming dalawa, iba kasi ang pupuntahan ng team. Inaaya nga kami ni Ice pero ayaw ni Ice dahil wala naman daw siyang naiambag.

Abala siya sa pagmamaneho habang gamit ko ang cellphone niya.

Nanliit mga mata ko sa nakita kong bagong post niya sa dump account.

Ice Miguel with Amari Gracey Guanzon

nakakita na ba kayo ng dragon na nononood ng basketball? kung hindi pa, ito may kasama ako. lakas pa mag-cheer. :D

Pictures ko iyon kanina sa arena. Apat iyon, 'yong nasa dulo ay selfie ni Ice habang nasa background ako.

Andaming haha reactions ng post niya.

"Alam mo, kagabi wala akong galit. Pero today, parang magkakaroon na, love! Ano 'tong post mo?"

"Ang cute mo kasi kanina, baby." Malakas siyang tumawa. "Kinakausap talaga kita kanina pero 'di ka namamansin."

Kulang na lang igilid niya ang sasakyan dahil sa sobrang pagtawa niya.

Dumaan muna kami sa bahay, nagpapasundo ang Kuya pero wala pa naman siya rito. May saltik yata mga tao ngayon.

Nawalan ng trabaho si Mommy. Si Daddy umuuwi lang dito tuwing weekend.

Natigil si Mommy sa paglilinis nang makita niya si Ice. She can't even look directly to Isaac's eyes.

"Good afternoon po."

"G-Good afternoon." Ibinaling ni Mommy ang tingin sa akin. "Hindi ako nakapagluto, hindi m-mo sinabing paparito kayo ni I-Isaac."

"Hindi po kami magtatagal dito," si Ice ang sumagot.

Naupo kami ni Ice habang hinihintay si Kuya.

"Walang pasok si Tita?"

"Tinanggal siya sa work. Terminated contract, marami na rin daw kasing nalabag si Mommy. May binabayaran din daw siya sabi ni Tita Gelly. Hindi rin daw makatulog tubig gabi."

"Anong binabayaran niya."

"Iyong kasalanan niya. Hindi siya pinapatulog ng konsensya niya sa ginawa nila ng lalaki niya."

"Kilala mo ba family? Kailan mo nalaman?"

Umiling ako. "The day nang pagkawala mo, umuwi ako rito. And narinig ko lahat. Then, lumayas si Daddy. Sabi ni Kuya every weekend na lang nauwi si Daddy rito."

Nilingon ko muli si Ice. "Kaya ayokong umuwi rito sa bahay. Ang bigat-bigat sa pakiramdam."

"Magsabi ka sa akin palagi. Kung may mga araw na kailangan mong umuwi rito, magsabi ka, sasamahan kita."

I nodded.

"Kanina pa kayo?"

Sabay kaming lumingon kay Kuya na kasama si Ate Daisy.

"Buti 'di ako si Lucas. Susunduin daw, e wala pala rito."

"Pasaan ba tayo?"

"Kayo na lang. May pagbabago sa isip namin ni Daisy."

"Puro ba mga may saltik mga tao ngayon?" tanong ko sa kanila.

"Sandali, kumain na muna kayo rito, Isaac at Amari." 

"Thank you for the offer po, but may important lakad kami ni Amari. Mauuna na po kami. Thank you."

Hindi na niya hinintay makasagot si Mommy, at agad na kaming naglakad palabas.

Ipinagbukas muna niya ako ng pinto ng sasakyan, bago bahagyang pumasok sa bahay dahil may sinasabi si Kuya sa kaniya. Wala akong maintindihan, ang nakikita ko lang ay ang pag-iling ni Ice.

"Anong sinabi ni Kuya?"

"Tinanong niya kung saan tayo pupunta."

"Saan nga ba?"

"Sa Tagaytay," he smirked.

"Okay. Sa Tagaytay lang pala..." Bigla akong napalingon sa kaniya na may gulat. "Tagaytay?! Omg! Yes, please?! Eksakto wala na me work bukas. Pero wait, wala me damit."

"Sleep over pala ang gusto ng baby." He smiled.

Ang genuine talaga palagi ng smile niya, kaya kahit wala ako sa mood, nahahawa ako tuwing nakangiti na siya.

"Ay, hind ba dapat sleep over? Sige, okay lang naman, love."

"No, baby. What my baby wants, my baby gets."

Dumaan kami saglit ng apartment para kumuha ng damit namin. Nag drive thru na lang din kami since parehas pa kaming walang kain.

Napalingon siya sa akin, at saglit na iginilid ang sasakyan. I think he saw me yawning.

"Baby, you can sleep. I'll wake you up kapag andoon na tayo," aniya habang may kinukuha sa back seat. "Use this neck pillow, para hindi ka mahirapan."

May iniabot din siyang blanket.

"How about you?"

"I'm fine, don't worry. Baby, you can't drive, pero you're driving me crazy."

Biglang banat niya.

"Bakit sinasakyan ba kita?"

"H-Huh? Baby, sige na sleep na. Kung ano-ano na nasasabi mo," pang-aasar niya. "Sleep well."

Hindi ko naman gets kung anong sinasabi niya. Bigla na lang siyang nag-iwas tingin.

Nagising akong nasa harap kami ng isang napakalaking bahay.

"Here na tayo, baby."

"Kaninong bahay 'to? A-Akala ko sa hotel tayo." Nakatitig lang ako sa labas ng bahay.  "Asaan tayo banda?"

"Tagaytay Highlands, baby. Rest house namin. Let's go?"

Tumango ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago kinuha ang mga gamit namin sa likod.

Anlaki ng bahay. Kahit dito na ako tumira, ayos lang.

"Kuya Isaac?! Amari?!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ang mga pinsan ni Ice na natutulog. At si Ivy ang sumalubong.

"What are you doing here?" kalmadong tanong ni Ice.

Inalalayan niya ako papasok. Anlaki ng sofa na andito, may chandelier din sila. Ang calming ng vibes dito sa bahay.

"Where's Ate Ishy?"

"Upstairs. Anong oras kayo dumating?"

"Halos kadarating lang."

Inalalayan niya ako sa pag-upo, nagising na rin mga pinsan niya. Gulat sila nang makita si Isaac.

"Good evening," bati ni Ate Ishy habang pababa ng hagdan.

Mahina kong siniko si Ice. "She's so pretty talaga," bulong ko.

"You're prettier."

"Did you eat?"

"Nag drive thru kami before kami umalis."

Bumaba si Kuya Ishmael na may kasamang dalawang kainigan niya.

"Yo, Isaac. Kadarating?"

"Yes, Kuya."

Ipinakilala ni Kuya Ishmael mga kaibigan niya.

Hinawakan niya ang kamay ko, bago siya tumayo kaya napatayo na rin ako.

"Baba kami agad. Punta lang kami sa kwarto."

Ilang rooms din ang andito sa second floor, and may dalawang rooms din sa baba.

"Ang calming dito sa rest house niyo."

"You can go anytime you want, baby. You're welcome here."

May malaking kama si Ice rito, sa gilid ay may study table. Kakaunti lang ang laman ng room niya.

"Wala pang room ang kambal at si Ianna rito."

"Papaano kapag malalaki na rin sila?"

"Bibili na lang ng bagong bahay."

My jaw nearly dropped. It seemed like buying a new house was just another ordinary thing for them.

Bibili na LANG?! Parang bumibili ng laruang bahay-bahayan.

"You okay, baby?"

"H-Ha? O-Opo."

"Are you scared to sleep alone ba here? Ayokong itabi ka kay Ivy, hindi ka patutulugin kakadaldal."

"Eh bakit ikaw?"

"Baby, we can't sleep together in a same bed yet."

Tinap ko ang sofa na kinauupuan ko. "Here, you can sleep here. Basta ikaw kasama ko rito, please?"

"Hmm, baby?"

"Please? Its okay, if you don't want to off the lights, just stay here, love. Please?" I smiled sweetly. "Remember your line? What my baby wants, my baby gets."

"You got me there, baby. Okay, okay, I'll sleep here with you. Change your clothes first, I have extra jackets here, baby."

Ako na ang nagpalit sa cr niya. Itinali ko na lang din ang buhok ko.

Pagkababa namin, may kadarating lang na order nila.

"Oy, Isaac! Shot?"

Napatingin sa akin si Ice. "Hindi pwede. Sa kwarto ako tutulog. Ayaw ng girlfriend ko may amoy alak."

"O-Okay lang..."

He leaned closer to me. "Hmmm, baby?"

"Ayos lang, basta 'wag lang sobra. Minsan lang naman mag-aya sila Kuya Ivan."

They decided na sa labas sila iinom. Ayaw kong sumama sa labas kahit inaaya ako ni Ivy. Hindi ko naman kasi kilala ang iba roon.

Nasa akin isang phone ni Ice. Palagi namang nasa akin.

"What are you doing?" tanong ni Ivy sa akin. "Tara sa labas?"

"Later me, pagka-check out ko." I smiled.

Lumabas na rin si Ivy. Ako naman busy mag check out sa cart ni Ice. Itong shopping cart niya puro ako ang naglagay.

After ko mag-check out. Napatingin ako nang biglang pumasok si Ice.

"Bakit isang bag lang kinuha mo, baby? Told you check out all you want."

"Wala naman akong pag gagamitan, love. Pero thank you!"

"Deserve mo 'yan. You wanna go outside? Nasa labas si Ate Ishy, Ivanna at Ivy."

"Tabi tayo?"

"Of course, baby." Ginulo niya ang buhok ko bago kami tumayo.

Nahihiya akong makipag-usap. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko, kung anong ikwekwento ko. Kaya tumatawa na lang din ako or nakikitango.

I leaned on Ice's shoulder, naramdaman ko ang pagpatong ng right hand niya sa legs ko. Not in a sensual way naman.

"Ilang months na kayo ni Isaac?"

Napaayos ako bigla dahil sa tanong ni Kuya Ishmael. "Going ten months po, Kuya."

"Sino nauna nagkagusto?"

"Ako." Mabilis na sagot ni Ice. "Pero 'di agad ako umamin, kapatid ng kaibigan ko, e. Kaya niligawan ko muna ang Kuya."

Palihim akong napangiti. Hindi naman sila nagtanong pa ng iba.

"Akala ko talaga si Ariane gusto ni Isaac noon."

"Hindi. Friend lang talaga."

"I don't think so. I never got the feeling that Isaac had feelings for Ariane. The way he looks at Ariane and Amari?  Totally different. He was just too friendly back then..." Ate Ishy turned to us. "Good to know Ice has set boundaries since he confessed to Amari."

"Ba't halos lahat alam mo?" tanong ng kambal niya.

"Duh? I am an observer, and kwinekwento sa akin ni Isabel. Lagi raw nakangiti si Isaac."

"Please, 'wag niyo akong ilaglag."

Andaming kwento nila Ate Ishy, lalo na ni Ivy at si Kuya Ivan. Lahat iyon tungkol kay Ice. Nakakatuwa ring marinig dahil mas nakikilala ko pa talaga siya.

"Anong food or drinks ang ayaw ni Isaac?"

"Chicken Adobo." I answered confidently.

"Eh sa drinks? What flavor?"

Napailing ako. "Sorry, wala po akong idea. Kasi halos lahat naman po iniinom niya."

"Ayaw niya ng matcha. Kahit ano basta matcha. Lasang damo raw."

Napataas kilay ko sa narinig ko.

Ang sabi niya favorite niya rin ang matcha?!

"Pag-aawayin niyo ba kami bago matulog?" tanong niya sa mga pinsan.

Pero hindi naman ako gano'n kababaw para awayin siya. Okay, slight.

"I always saw you with your matcha drinks. I assumed it was your favorite. I wanted to surprise you when you asked me about my favorite drink flavor—I'd say matcha, so we could have something in common."

"Hindi pa lasing 'yan, ha?" Pang-aasar ni Kuya Ivan.

"What are you willing to do ang atake," si Ivy.

"I never thought I'd be a matcha enthusiast, but for you, I'd gladly drink it every day." He held my hand. "I love you so matcha."

He move closer to me and kissed the top of my head.

"What now? Edi pare-parehas tayong nainggit?" Si Ivanna. "Please, I'm not ready pa na makita si Kuya Isaac na masyadong corny."

"I love you," he murmured pero sapat na iyon para marinig ko.

Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan nila, pero para na naman kaming may sariling mundo ni Ice. Kung ano-anong kwento niya, pero ang sarap pakinggan ng boses niya.

"Are you drunk?" I asked.

"Not yet, baby. But I'll stop na rin."

"Nah! I won't drink, Ishmael. I think you should stop na rin."

"Not yet drunk, Ishy."

"Amari?"

Napalingon ako sa kasama ni Kuya Ishmael. Nakalimutan ko na ang pangalan niya.

"You're familiar. Galing ka bang SanLo Science High?"

"Opo, Kuya. Bakit po?"

"Did you join some Mathematics contest and Debate? I think ikaw iyong champion sa Tower Of Hanoi, and Quiz Bee."

"For National Level po ba sa Mathematics competition? Yes po, ako po iyan."

"N-National Level?! You're so smart! I can't even shoot the disk properly, laging nahuhulog." Ivy pouted.

Nahihiya akong napangiti.

"Paano ba 'yan? Edi ang yabang ko na naman bilang boyfriend?" He smirked.

Inirapan siya ng mga pinsan niya. Alam kong matibay si Ice sa inuman, 'di ko alam na pati mga pinsan niya.

Nauna na kaming nagpaalam, sumunod din sa amin si Ate Ishy.

"Wash up ka muna before going to sleep, love."

"Yes, Ma'am."

Nakatingin lang ako sa labas, ang hangin, talagang nakaka fresh ng mind dito. Para kang tumakas sa ingay ng syudad.

"You want to stay here for another night pa?"

I nodded, a sense of calm washing over me. It felt like I'd escaped my problems, even if just for a moment. Ang gaan sa pakiramdam.

"It's so peaceful here," I sighed, leaning against the railing. "When we're finally financially stable, we'll build our own house here."

He chuckled, "Where would you want it?"

"Gusto ko malapit lang sa gate. Ayoko masiyadong malayo, love. I think okay rin sa bandang gitna.

"Do you want a second floor?"

"Yes! And I want a balcony with a sliding glass door," I added, my voice brimming with excitement. "Imagine waking up to the sunrise every morning, having our breakfast in the balcony... I can't wait!"

He smiled, his eyes twinkling with shared dreams. "Sounds perfect. We'll have a big garden too, cause I know you love flowers. We'll have a big, happy family here."

I chuckled. "Family agad? Nag-aaral pa lang tayo! Mag-iipon muna tayo."

"Just dreaming, baby. " He turned back to me, his gaze warm and reassuring. "But, you know we already have a big, happy family," he said, squeezing my hand. "You, me, and our dreams."

The night air was alive with the chirping of crickets and the distant hum of the city.  The moon, a luminous disc in the inky sky, cast a silvery glow on the balcony, illuminating the scene before us.  Ice leaned against the railing, his gaze fixed on the twinkling lights of the city below.

"It's funny," he began, his voice a low murmur, "how life can take unexpected turns.  I never thought I'd be here, on this balcony, talking about the future with you."

I moved closer to him, my head resting on his shoulder.  "Life is full of surprises, love," I whispered, my voice soft as the night breeze. "But I'm glad the surprise led me to you."

He turned to me, his eyes searching mine.  "Me too, baby. Me too."

A comfortable silence settled between us, broken only by the gentle rustle of leaves and the occasional distant car horn.

"Do you ever think about what our future holds?" he asked, his voice laced with a hint of apprehension.  "I mean, beyond this moment, beyond this balcony?"

My smile was warm and reassuring.  "Of course, love.  I think about it all the time.  But I don't dwell on the 'what ifs' or the 'maybes'.  Mas gusto ko na munang mag-focus sa ngayon, sa kung ano tayo ngayon."

He nodded. "You're right.  We can't control the future, but we can choose how we face it, together."

He took my hand, his touch warm and comforting.  "I want to face it with you, baby.  I want to build a future with you."

I squeezed his hand, nakatitig ako sa mga mata niya. "And I want to build it with you, love."

As the night deepened, our conversation flowed like the gentle breeze.

The city lights continued to twinkle below, a silent witness to the love blossoming on the balcony.

~

"Ate Marga!" sigaw ko mula sa building namin.

Agad siyang lumapit sa akin. She's busy na rin cause she's also working as an HR Assistant sa company nila Ice.

"Hello, bebe! Why? Hanap mo ba si Ice?"

"Opo, ate. Nasa akin po kasi dalawang phone niya. Ayoko naman pong i-open facebook account niya."

"I think nasa Library siya, may reporting yata siya after lunch. Sa main library."

"Thankie, ate! Ingat!"

Mabuti na lang at hindi masiyadong mainit papuntang Main Library. Himala rin na wala kaming klase sa last subject namin.

Pagkapasok ko, agad hinanap ng mga mata ko si Ice. I know, nakapwesto siya malapit sa mga aircon, ayaw na ayaw niyang naiinitan, namumula rin kasi siya.

I saw him with Zarm and Zephanie. It seems like Ice isn't interested in what they're saying because I can see he's still busy with the PowerPoint presentation he's working on.

Zephanie was about to hold Ice's hand, but he quickly pulled away. I leaned in a little closer to hear what they were talking about.

"You can apply, Zephanie. Don't involve Amari. She applied fairly; I didn't even know she was going to be there."

"What if hindi ako tanggapin ng HR mo?"

"That's not my fault. Either naibagsak mo ang exam or hindi siya satisfied sa answers mo."

"Eh bakit kasi kaibigan mo mag-i-interview?"

"Stop, Zarm. Marga's too professional para ibagsak si Zephanie. Pero you know? Attitude is so important."

"Love..."

Agad silang napalingon sa akin. Mabilis na tumayo si Ice para kuhanin ang aking bag.

"What are they doing here?"

"Asking for help."

Naupo ako sa tapat ni Zephanie, she immediately avoided my gaze.

"Wala na ba kayong ibang sasabihin? I'm busy."

"Pati ako pinapaalis mo?" Pagbibiro ko na parang walang tao sa harap namin.

"No, baby. Stay here."

"Thank you. I'll apply today."

"Apply raw saan, love?"

"Restaurant daw. I told them na if they want, they can go there sa branch, because on the way si Margarette para mag-interview ng applicants."

"Hindi siya babalik ibang bansa?"

Umiling siya. "She needs to work daw here muna. Hirap daw sila roon, because of medicines maintenance ni Tita. I am helping them, but hindi naman pwedeng ipasok na lang siya kaagad."

"That would be unfair..."

"So unfair. Anyway, wala kang klase? Na-move reporting ko. Sama ka sa akin sa room or you'll wait for me here?"

"I think I should wait for you here na lang, love. I'm kinda sleepy."

May mga inalis siya sa bag niya at inilagay niya sa loob ang coat ng kaniyang uniform. "Use this muna as your pillow. Bibilisan ko lang para makauwi tayo kaagad."

Gano'n nga ang nangyari. Nakatulog ako sa library. Mabuti at nakauwi na kami sa apartment.

Kagigising ko nga lang din ulit sa apartment, mabuti at wala na kaming pasok bukas.

"What are you doing?"

"I'm talking with Mommy. I'm asking her kung ilan pa ang vacant position for part-timers sa company. Naghahanap mga classmate ko, sayang daw kasi iyong araw na walang class."

"Anong department?"

"Marketing, Financial, Sales, and Customer Service Department. Okay na sa Human Resources Department, nakapasok na si Margarette and Marie."

"Anong Department ka, love?"

"Hmmm..." Itinago niya na ang kaniyang laptop. "Operations Management, baby."

Nakatitig lang ako sa kaniya. Napansin niya iyon kaya ginantihan niya ako.

"You okay?" he gently asked.

I nodded. "Ang sipag mo."

"I need to. Para sa future. Baby, I need to tell you something."

"You're scaring me. About what?"

He chuckled. "I'm sorry. About business. I am planning to have my own company."

Muli niyang in-open ang laptop niya. "Look baby, its called ISAAC HOLDINGS. I planned to have restaurants, wellness spa, and do you have anything in your mind?"

Hindi agad ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa laptop niya.

"You're amazing." Habang binabasa ko ang mga nakalagay sa powerpoint na ginawa niya.

"I will remove my restaurant from Lola's company and transfer it to my own. Inaayos lang iyong paper."

"By next year, papagawa ako ng model. I need to make ipon pa talaga. Iyong building, I have na, e. Iyong pagtatayuan na lang and other needs."

"I am so proud of you."

"Thank you. I am so proud of you too. Hindi lang para sa akin ito, para na rin sa iyo. Para sa future natin."

Anong ginawa ko sa past life ko at ang swerte ko sa boyfriend ko?

"You know why ko naisip itong spa? Mommy loves to go sa mga spa. Para 'di na siya lalayo palagi. I'm still thinking pa, e."

"Iyong restaurants? Hindi ko kayang bitawan. I know magiging magaling na chef ka, e. Magiging head chef ka."

Buong gabing pinag-usapan namin magiging career paths namin. Hindi ko siya pinauwi dahil kinakabahan pa rin ako tuwing mag-isa lang siya.

Maaga akong nagising kinaumagahan. I have work pa today, at nakapag-prepare na si Ice ng breakfast namin.

"Good morning, baby. How's your sleep?"

"Good morning, love. Good. Aalis ka today?"

He nodded. "Yes, baby. May site visit ako today sa Quezon City, iyong itinatayong resto-bar ko roon. Then by afteroon, sasamahan ko si Mommy sa Batangas. Baka 'di kita masundo, baby. Pero ipapasundo kita."

Pagkarating namin doon, may kinuha lang si Ice before siya umalis.

"May mga bagong team members. Sila iyong last week, pero ang narinig ko may idinagdag from yesterday's interview."

Ilang oras dumating ang service ng company. Unang lumabas si Ate Margarette, wearing her company uniform.

"Good afteroon!"

"Good afternoon, Amari."

Kumpara noon, mas kakaunti ang mga andito ngayon, at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Zephanie. I won't deny talaga, she's so pretty. Ibang-iba talaga on how she walks.

Kahapon lang interview niya. Andito siya kaagad?

Ang uncomfortable, bigla akong parang naiinitan na ewan. Hindi ko ma-explain.

Sana naman hindi siya rito na branch.

"Kainis. Ang arte, biglang ipinasok ni Ma'am Ivina." Ate Margarette whispered.

Dahil wala si Ice and Tita Isabela, si Ma'am Ivina ang andito for on-boarding ng new team members.

We served the foods after their menu knowledge.

"Can you give me another set of utensils? Thank you." Zephanie requested.

"Sure, Ma'am."

Agad kong ibinigay sa kaniya ang request niya. Naiwan sila to observe us. Naunang umalis si Ma'am Ivina.

Sa halos buong araw na andito sila, andami nilang request. Mas malala pa sila sa mga customers.

After my shift, nag-commute ako pauwi. Ayoko na abalahin driver ni Ice, mas matagal pa byahe niya papunta rito kaysa sa workplace hanggang apartment.

I opened my phone pagkarating na pagkarating ko.?

From: Lovey ♡
Baby, eat your lunch. On our way na rin kami ni Mommy sa Batangas. I love you.

From: Lovey ♡
Wait, andiyan si Zephanie? Same branch ba kayo? Tell me agad if may ginawa siyang 'di maganda.

Marami pa iyon. Halatang nag-aalala siya sa akin, but I'm okay naman.

I checked other group chats, wala naman akong need isubmit bukas and sa Sunday, so I decided to work pa rin. Sayang 'yong day.

Kinaumagahan, opening shift ako that's why maaga ako.

"Good morning, Sir."

"Good morning, Ma'am."

She's not familiar sa akin. Borrowed siguro from the other branch.

"Did you eat na, Amari? Kumain ka rin muna." Si Sir. He's so nice talaga.

Inamin din niya sa akin na biro-biro lang iyong pinagsabihan niya ako, inutusan daw siya ni Ice. Ang galing.

Medyo strict iyong shift leader na andito. She's not even talking. Nagsasalita lang kung may iniuutos. Ganito pala kapag opening, mukhang mas gusto ko opening kaysa closing na andaming nililinis at nililigpit.

Parang palagi na lang akong nagugulat tuwing nakikita si Zephanie, tulad ngayon, same branch pa talaga kami.

Ako at si Ate Lily lang for today morning. Afternoon shift pa ang iba.

"Amari, ikaw muna bahala kay Zeph."

"Hello."

"Uhm... hi? I think na orient naman kayo yesterday, right? Since you're n-new, you can't take orders pa. Just serve them water carafe. Y-You can observe us muna, or you can be the receptionist. If they h-have questions regarding the menu, you can ask me or Ma'am Lily."

She nodded at pumunta kaagad ng reception area.

At dahil Saturday, weekend, marami ang customers. Ang iba pa ay may reservations. I checked the reservation para malagyan ng reservation sign iyong tables.

"What can I help?" Lumapit si Zephanie sa akin.

"Uhm... Pwedeng pakilagay ito sa table five, seven, and nine? Naituro na ba iyong table numbers?"

She nodded pero itinuro ko pa rin para matandaan niya.

As expected, maaga pa lang marami ng tao. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga customers.

"Ma'am Zephanie, pa refill po ng water carafes," sambit ko pagkakita ko sa kaniya.

"Kaya pa, Amari?" Ate Lily asked.

"Kaya pa po."

Ramdam ko na rin talaga ang pagod, parang isang minutong pahinga, may new customer ulit. Mas okay na ito, kaysa walang customer.

I can feel the ngalay sa likod and paa. Gusto ko na maupo. Gusto kong mag cr break ng isang oras.

Nakarating na rin ang iba naming kasama, kaya nakapag-break kaming tatlo.

"Diba you've been here since March? Going five months ka na, pero hirap ka pa rin?"

Napakunot ang noo ko sa narinig ko. "Yes. Hindi ba ako pwedeng mapagod kasi sanay na ako? Tao ako, hindi robot, fyi."

Tinapos ko na lang kaagad ang pagkain ko at nag-rest. Minasahe pa nga ako ni Ate Lily. Ngawit lang talaga sa pagtayo, paglakad-lakad, at pagbibitbit ng food tray.

"Dami niyo customer, ha?"  Si Kuya Rio pagkakita niya sa amin. "Manifesting tayo may pinakamataas na monthly sales. Rest muna kayo, kami na muna roon."

Pagkabalik namin kakaunti na ang tao, lalo tuwing after lunch. Pero dadagsa na ulit before dinner.

"Hello, bago ka rito or borrow ka from other branch? Ohhh, Zephanie, nice name."

"Hello, I'm new here. Thank you."

After so many hours, nagsidatingan na ulit ang mga tao and mga may reservations.

"Pabigay naman nitong menu, Zephanie. Ako mag-t-take ng orders."

Sumunod naman din siya kaagad. Andito pa kasi ako sa bar area, naipon na ang huhugasan.

Sa kamamadali ko nabasag ko pa ang isang baso. Dumulas na siya sa kamay ko.

"Anong ginagawa mo? Be careful." Masungit at halos pagalit na ani Ma'am Lee, iyong borrow from other branch. "Hindi basta-basta nabibili 'yan."

"Sorry po." Mabilis ko ring nilinis ang mga nagkalat.

"Nasaktan ka ba, Amari? Be careful, ha?" tanong naman ni Sir sa akin.

Halos kakaunti na ang tao rito, malapit na rin kasi ang closing.

"Turuan na rin si Zephanie mag-serve kahit iyong drinks muna. Kakaunti naman na rin ang customers."

After ko gawin iyong coffee, iniutos kong i-serve iyon kay Zephanie. Ako na sana ang gagawa pero pakiramdam ko namamanhid ang mga kamay ko.

"Bakit kay Zeph mo ipinagawa? Hindi ba ang usapan hindi pa mag-s-serve kapag bago?" galit na ani Ma'am Lee.

"Sorry po."

Gumawa ng panibagong drinks para sa ibang customer si Ma'am Lee.

Iniinda ko na kamay kong namamanhid, at sa 'di ko inaasahang pangyayari, nasagi ng paa ko ang chair at dumulas ang hawak kong drinks.

"Oh my gosh! I'm sorry, Sir, I'm sorry."

Agad tumayo ang customer. Akala ko pagagalitan niya ako or sisigawan pero inabutan niya ako ng tissue.

"It's okay, it's okay. How about you? Are you alright?"

"Y-Yes, Sir. I'm really sorry po." Nahihiya kong pinulot ang mga basag na baso. Hindi ko na ramdam kung may sugat o wala.

"I am really sorry, Sir. I'll be back, ibibigay ko po orders niyo."

"That's okay, just be careful next time."

Nakakahiya. Ang clumsy ko sa part na 'yon. Ready na akong makarinig ng sermon. Buong duty ko rito, ngayon lang ako nagkaganito. Parang pagod na pagod buong katawan ko.

Hindi na ako pinalabas ni Ma'am Lee kanina.

"What are you doing, Amari?" pagalit na tanong niya sa akin. Bakas sa boses niya ang disappointment.

Closed na kami, hinintay naming lahat itong oras na ito para makauwi, pero andito sila nakikinig sa sermon na para sa akin lang.

"Ang poor ng performance mo."

"No, sorry but excuse me, Ms. Lee? Amari's doing well." Pagtatanggol sa akin ni Sir. "This is the first time na nagkamali siya nang ganiyan. Buong stay niya rito, perfect."

"And? What happened earlier? Nakabasag ng glasses."

Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Parang naglaho bigla 'yong pagod ko mula umaga, napalitan lahat ng  kahihiyan. Mahigpit ang hawak ko sa right hand kong nasugat dahil sa pagpulot ko sa basag na baso.

"And ano ang pinag-usapan every onboarding? Answer me, Ms. Guanzon."

"New comers are not allowed to serve yet."

"But what did you do? Pinag-serve mo si Zephanie."

"Tinuruan din namin si Amari noon to serve drinks even on her first day. Paunti-unti, hanggang sa masanay."

Tumaas ang kilay niya sa akin. "And what happened earlier? Can you explain."

"Explain, now!" Matigas na aniya at bahagyang tumaas ang kaniyang boses. "Nakakahiya iyong ginawa mo. You're so careless."

"That's an accident po. I p-promise h-hindi na po mauulit."

"What's going on here?"

Hindi ako lumingon. Alam kong si Ice iyan. Nahihiya ako.

"Why are you shouting? Anong nangyayari dito? Sir Mark? Ma'am Lee?"

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Nanatili akong nakayuko na parang walang mukhang maihaharap.

"What happened, baby?" he softly asked.

Umiling ako. Pumunta siya sa harap ko na parang prino-protektahan ako.

"What happened here? Care to explain?"

"Pinagsasabihan po si Amari."

"Pinagsasabihan or sinisigawan? I can hear your loud voices."

"I am not satisfied with Amari's performance. First, she broke glass. Second, pinag-serve niya si Zephanie. Lastly, she's careless, natapon and nabasag niya 'yong glasses of coffee."

Walang umiimik. Nakatayo si Ice sa harap ko pero hawak-hawak niya ang kamay ko.

"What am I doing if I am not satisfied with your performance? What do I do when you make mistakes?" he asked. "Do I talk to you in front of everyone? Do I yell at you? Answer me."

"No, Sir."

"No, right? Kasi ayokong may mapapahiya sa inyo. Alam kong everyone here kaya pang i-improve ang performance. Kinakausap ko kayo nicely and in private tuwing 'di ko gusto ipinapakita niyo every duty. Kinakausap ko lang kayo as a team, tuwing may mali akong nakikita AS A TEAM. But sumigaw ba ako? No."

"I just want to teach her."

"Teach her from what? What poor performance are you talking about? I'm not physically here all day, but I am observing you all."

"It's not just for Amari, it's for everyone. Talk to them nicely and in private. You don't have to embarrass your co-team members. You've all been in her position, in their position, so you should know how hard it is. You're supposed to guide them to improve, not drag them down. As soon as I opened the door, I heard your yelling. And you're telling me you're just teaching her?" he asked, his voice tight with frustration. "We'll talk tomorrow. We need to go."

He turned to me, his expression softening. "Come on, baby, let's get out of here."

Pagkasakay na pagkasakay namin, siya na ang naglagay ng seatbelt ko.

"How are you?"

"I'm fine, love."

"I know you're not okay, baby." He moved closer to me. Slowly, he lifted my chin. "You're doing good, baby. I wouldn't judge your performance based on one mistake. You're doing great."

"T-Thank you, and sorry." I answered, trying to swallow the lump in my throat.

He pulled me into a hug. "I'm so sorry, baby. I should have been here. I'll take care of this." He kissed my forehead,"I'll make sure this doesn't happen again."

Mabilis kaming nakarating sa apartment. Ramdam ko pa rin iyong sugat sa right palm ko.

"What happened with that, baby?"

"P-Pinulot ko 'yong basag kanina. Kakamadali kasi nahihiya ako, hindi ko na namamalayang nasusugat na."

Maingat niyang hinawakan ang kamay ko at nililinis ang sugat. Bakas sa mukha niya ang inis, kanina pa kasi nakakunot ang noo niya. Tuwing ganito, he's not in the mood talaga.

"I love you. Thank you so much, love.

"I love you more, baby."

"Don't be mad na. I'm okay na. Mag-iingat na ako, promise."

He sighed.

"Tangina naman kasi. Hindi ko nga kayang magalit sa iyo, tapos may gana naman silang sigawan ka sa harap ko?"

~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro