Kabanata 23
A day have been passed. No trace of Ice.
Hinang-hina na ako kakaiyak. Putol or malalabo iyong mga footage na nahahanap namin. Ang ilang kuha ay pag ikot-ikot lang ng sasakyan ni Ice around the area.
"Magpahinga ka na muna, bunso."
Pagod na ako, pero 'di kayang magpahinga ng katawan ko. Gusto ko gising ako pag nakita siya, gusto kong gising ako kapag bumalik siya.
It hurts more nang makita ko si Tita Isabela, breaking down at wala akong ibang magawa.
Hindi ko na alam kung anong uunahin kong iiyakan.
Hanggang ngayon hindi pa ma-process iyong mga sinabi ni Daddy. Umuwi siya ngayon sa province nila. While nasa bahay si Mommy, hindi lumalabas.
"S-Si Mommy? T-Totoo ba talaga 'yon?" I asked while crying.
Pagod na talaga utak ko kakaisip sa mga nangyayari.
Nag-iwas ng tingin si Kuya. "Iyong galit ni Daddy? I t-think it's true. Hindi magagalit nang sobra si Daddy, if hindi totoo. Iyon na lang ang pinag-aawayan nila every fucking day."
"She's too old to do such thing. Sila nang other guy. Oh my gosh. I can't even say it." Nakakahiya.
I feel so sorry sa family na nasira dahil sa kasalanan ni mommy at ng lalaki. Nakakahiya.
"Any updates?"
Napalingon ako kay Tita Isabela, mugtong-mugto na ang mga mata niya dahil sa pag-iyak. Hindi na rin siya halos umuuwi.
"Let's go home, Isabela. You need to rest." Pilit siyang inaalalayan ni Ma'am Ivina. Napalingon siya sa akin. "Kapag may nangyaring hindi maganda sa apo ko, pagsisisihan mo."
"Ma, can you please stop?! You're not helping, please! Walang kasalanan si Amari, she's innocent! Sa tingin mo kapag nalaman ni Isaac na tinatakot mo girlfriend niya, matutuwa siya?! No! Please, stop threatening her. Walang alam ang bata, wala siyang kasalanan!"
I wanna hug Tita Isabela, pero pinigilan ako ng guards ni Ma'am Ivina. Hinila ako pabalik ni Kuya.
Nakita kong nakatingin lang sa akin si Zephanie.
Kinuha ko ang phone ko, hindi ako nawawalan ng pag-asa. I know babalik siya, I know he's safe. Please.
To: Lovey ♡
I miss you, love. :( Come home, please. I love you so much.
To: Lovey ♡
I hope you're safe wherever you are. Please, be safe. I'm here, hinihintay ka na umuwi. :(
Tuloy-tuloy ako sa pag-iyak habang nakayakap kay Kuya.
Just like me, puyat at pagod na rin si Kuya. Sumasama siya sa paghahanap. Kung sino-sino na rin tinatawagan nila.
Sa bahay kami umuwi ni Kuya. Nadatnan namin si Mommy, tulala.
"Where's y-your Dad?"
"Nakakahiya ka."
Hindi ko na naiwasang sabihin. Halo-halong lungkot, pagkadismaya at galit na ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Wala kang alam, Amari!"
"Kailangan ba malaman ko? And then what do you want me to do kapag nalaman ko ang reason? Should I clap? Should I praise you for being a home wrecker?"
Isang malakas na sampal ang isinagot ni Mommy sa akin. "Bastos kang bata ka!"
"Mommy, ano ba?!" Hinila ako ni Kuya papalayo kay Mommy. "Nakakahiya naman talaga! Bakit ka nagagalit? Masakit ba na marinig?"
"Nanira kayo ng pamilya. N-Nakakahiya kayo. Ang tatanda niyo na kumakabit pa kayo."
I'm not yet done. Hindi ko maimagine 'yong sakit na nararamdaman ng other family na alam nilang may mistress ang Daddy nila.
"I hate you so much. I hate you for ruing not just our family! A fucking cheaters!"
"Amari, stop! Please!"
"No! Why should I stop?! Masaya bang makasira ng pamilya?! Hindi lang isa, two families ang sinira niyo! Mga makasarili kayo! Cheating is a choice, it was your choice!"
"N-Nagmahal lang ako!"
"Tanginang pagmamahal 'yan?! What are you willing to do for that fucking love? Makasira ng pamilya?! Aba, ayos kayo!"
"I don't need your explanations. There is never a valid reason to cheat. Where's your self-respect?"
Hinayaan ako ng kapatid kong makatakbo papuntang kwarto. Wala akong ibang narinig kay Mommy habang paalis ako. Hindi siya sumagot, as she should.
Love, I need you. I miss your presence. I miss your hugs. Please, come back.
I was in the corner of my room, crying. I love my Mom, but what she did? Unforgivable. I won't tolerate such actions. I won't listening to her explanations. Because cheating is cheating. No valid reasons and excuses for that.
Yes, she's still my Mother, but I can't imagine the pain of the other family right now, and I can't imagine the pain of my Dad right now.
Marami silang pagkukulang sa akin, pero I still love them.
Pero wala akong pagsisisihan sa mga sinabi ko kay Mommy.
Isang araw pa ang lumipas. Ina-update ako time to time ni Tita Isabela, and as of today, wala pa ring may alam kung nasaan si Ice.
To: Lovey ♡
Kumusta ka na? Did you eat na? It's raining, love. I hope nasa mabuti kang kalagayan ngayon. :(
To: Lovey ♡
Miss na miss na kita, love. I love you so much! Balik ka na please. :( Umiiyak na baby mo rito, pero sabi mo ayaw mong nakikita akong umiiyak, kaya nagpapaka strong ako rito. :(
Lalo lang akong naiyak nang makita ko ang pictures naming dalawa. I am really hoping na he's fine.
Bumalik ako ng apartment kinagabihan. Hindi ko na hinintay magising si Kuya, nakatulog na siya sa sobrang pagod.
"W-Wala pa rin bang update?" tanong ko kay Kuya Lucas.
His gazed softened pagkakita sa akin. "Sorry, negative pa rin."
"He'll be fine. I know he's safe." Niyakap ako nang mahigpit ni Gabby. "Stop crying na. Magagalit iyon kapag nakita ka niyang ganiyan, oh. Sasabihin niya pinabayaan ka namin. Tahan na, mahahanap din siya, ha?"
I nodded habang pinupunasan niya ang mga luha ko.
I appreciate our friends efforts. May mga facebook post din sila.
Kuya Lucas gently patted my head. "Stop crying muna, ha? Please, be strong. Huwag mong pababayaan sarili mo. Kapag balik niya at nakita ka niyang ganiyan, magagalit iyon sa amin."
"Pagagalitan ko rin siya, Kuya." I tried to make a joke.
Kuya Lucas just smiled.
Lumabas ako ng apartment, may isang kasama akong security personnel ni Tita Isabela.
Naupo ako rito sa labas, nagbabakasakali na uuwi na siya.
"Ma'am, tayo po kayo r'yan. Pasok po muna tayo sa loob. Medyo maulan, baka kayo'y magkasakit."
Hindi ako nakikinig. Ayokong makinig, kay Ice lang ako nakikinig. I don't care if they're mad, si Ice nga hindi nagagalit sa akin. Hindi iyon magagalit sa akin.
"Kuya, he's fine naman right?"
"He's fine. Uuwi rin po siya."
"Kailan po, Kuya?" Napaiyak na naman ako.
Sobrang bigat ng puso ko. Hinang-hina na ako, pero kailangan kong magpakatatag.
"May kaaway ba si Isaac, Kuya? May galit po ba sa kaniya? Hindi naman po siguro na kidnap? Kasi wala pong tumatawag para humingi ng ransom, 'di ba, Kuya?"
"Opo, Ma'am. Mabait si Sir Isaac. Ngayon, kailangan na lang po nating magtiwala na babalik siya at walang masamang nangyari sa kaniya."
Babalik siya. Naniniwala akong babalik siya.
Naglalakad-lakad ako baka makasalubong ko siya rito. Baka andito lang siya ulit, kumakain. Nasa likuran ko lang iyong security.
"Ma'am, kumain ka po muna. Mapapagalitan ako ni Madam Isabela at ni Sir Isaac kapag may nangyaring hindi maganda sa inyo."
Napatingin ako sa kaniya, at dahan-dahang tumatango.
Kumain kami sa huling pinagkainan ni Ice.
"Hindi niyo pa ba nahanap?" tanong ng server sa amin.
"Negative pa po. Hindi po ba siya lasing noong nagpunta rito? Wala ba siyang kasama?" tanong ng security na kasama.
"Nako! Hindi po lasing 'yon. Kumakain lang talaga siya. Ang pwesto niya ay roon sa gilid, nakapaharap sa labas. Mga sampung minuto na siyang kumakain, tapos nagmamadaling umalis. Sobra pa nga po ang ibinayad niya dahil sa pagmamadali."
"Kulay itim ba na sasakyan ang gamit?"
"Opo, kulay itim po. Mabilis po pag-drive niya, e. Mukhang may hinahabol. Sana nga mahanap na siya, kawawa naman."
Hindi naman na raw nakita ng server iyong sasakyan na hinahabol ni Ice.
Bago kami umuwi sa apartment, naglalakad-lakad pa rin kami. Napapalingon, napapahinto na lang ako tuwing nakakakita ako ng black car. Nagbabakasakali na sa kaniya ang isa sa mga dumaraan.
"Magpahinga na po muna kayo, Ma'am. Gigisingin ko po kayo kaagad kung nakatanggap ako ng updates."
Nakita ko ang wallet ni Ice. Hindi niya pala dinala ito. Kinuha ko ito at nilagay sa bulsa ko.
"Salamat, Kuya. Kayo rin po, magpahinga na muna," ani Kuya Lucas.
Nakatanggap naman ako ng message galing kay Tita Isabela.
From: Tita Isabela
Anak, please be strong, okay? Wag mong pababayaan ang sarili mo. I am so sorry sa sinabi ni Mama, wala kang kasalanan. Don't forget to eat and take a rest din, ha? I'll update you agad if may natanggap na akong updates.
Maaga akong nagising, andito pa rin si Kuya Lucas and Gabby. Ilang araw na lang start na ng klase sa SanLorenzo.
Habang kumakain kami kasama ang security, mabilis siyang tumayo habang may kausap sa kaniyang cellphone.
"Copied. Paaalis na kami."
Nilingon ko siya. Kahit sa mga mata niya ay parang nabigyan ng pag-asa.
"May update na kay Sir Ice. He's in the hospital, nakita siya sa Laguna."
Kahit andami kong tanong, hindi ko na nagawa. Pinagbaon ako ni Kuya Lucas ng maraming face mask at kinuha ang liniment roll on oil ko. Nagtataka naman si Gabby.
"Nahihilo si Amari tuwing nakakapasok sa hospital dahil sa amoy."
Eksaktong kadarating ng kapatid ko kaya sumama na rin siya sa amin.
Please, please, sana walang ibang nangyari sa kaniya.
Dumaan muna kami sa bahay nila Tita Isabela, andaming sasakyan, pinagitnaan kami. Naka convoy kami papuntang Laguna.
May seryoso bang nangyari kay Ice kaya ganito karami ang bantay? Wala naman sana.
"Wala kasing idea si Madam Isabela kaya kailangang maraming bantay. May tumawag lang from the hospital."
Mabilis ang naging pagdating namin sa Laguna. Ang layo. Papaano siya napunta rito?
Hindi kami agad pinapasok. Family lang ang pinapasok sa loob. Hindi rin muna kami pinalabas ni Tita Isabela rito sa sasakyan.
"Bakit napunta rito? Ang layo." Pati si Kuya Lucas ay takang-taka na.
Andami ring katanunga sa akin, pero ang isang mahalaga ay nakita na siya.
"Suot mo face mask mo." Pagpapaalala ni Kuya sa akin.
Halos kalahating oras na rin ang nakakalipas. May mga lumabas na guards na kasama ni Tita Isabela kanina. Ilang minuto lumabas si Tita Isabela, she's crying. Nakasunod sa kaniya si Tito Manuel.
Hindi namin marinig kung anong pinag-uusapan nila, pero kitang-kitang galit na galit si Tita Isabela.
Pagkapasok ni Tita Isabela, nakasunod pa rin si Tito Manuel. Hindi ko alam pero iba ang kutob ko ngayon, pakiramdam ko may hindi magandang nangyari kay Ice kaya ganito kagalit si Tita Isabela.
"Copy, Ma'am." Napalingon ako sa security na kasama namin. "Pwede natin siyang makita, pero hindi pa pwedeng pumasok sa kwarto."
Nanghihina na agad ako. Inalalayan ako ng kapatid ko.
"Be strong. Base sa body language ng mga tao rito, hindi maganda ang kondisyon ni Isaac. Help yourself, Amari."
I saw Tita Isabela outside the room, she's crying. Nakatingin lang siya sa maliit na window kung saan pwedeng makita si Ice.
Naunang lumapit sila Kuya. Parang hindi ko kakayanin. Pangalawang beses niya na 'tong nasa hospital.
"He's peacefully sleeping, r-right? Ang bait bait ng panganay ko na 'yan. He's willing to sacrifice his own life." Her voice trembled.
I am already crying habang naririnig ang mga sinasabi ni Tita Isabela.
"Sabi ko sa kaniya, hayaan na lang niya, pero ayaw makinig sa akin. Ang anak ko, sumobra sa tapang." Nilingon ako ni Tita Isabela. Halata ang pagod sa kanya. "Come, Amari. Baka kapag alam niyang andito ka, magising na siya." She smiled sweetly, but kitang-kita sa mga mata niya ang takot at pagod.
I walked slowly. Natatakot ako sa makikita ko.
"He is alive, but we don't know when he will wake up..."
My heart shattered into a million pieces when I saw Ice. He was so pale. The bandage on his head, the bruises on his face and hand, the oxygen mask...
Tears streamed down my face as I pressed my hand against the small window pane.
Ang hina-hina niyang tignan. He's sleeping, pero ramdam ko ang hirap sa kanya.
Hold on, love. Don't leave us.
Naunang nagpaalam sila Kuya. Naiwan ako rito sa labas kasama si Tita Isabela.
"You're not feeling well, anak?"
Naitanong yata dahil naka face mask ako. "N-Nahihilo po ako Tita sa amoy ng hospital. That's why I'm using face mask po."
"We'll transfer him sa Makati. Inaayos lang papers niya, but hindi pa rin pwede sa room niya. Amari, wait for me here. May pupuntahan lang ako."
I nodded. Nakatitig lang ako kay Ice. He looks so helpless. I wanna hug him so bad.
"Hinding-hindi ko kayo mapapatawad! I will sue the both of you kapag n-nawala ang anak ko!"
Napalingon ako sa gulat dahil sa malakas na sigaw ni Tita Isabela. Bahagya akong naglakad papunta roon.
"Isabela, calm down!"
Isang malakas na sampal ang isinagot niya.
"Who are you to say that to me?! Ako kakalma? Iyong anak ko walang kasiguraduhan ang pag gising niya dahil sa kawalang hiyaan ninyo! Kita mo 'yong pasa sa katawan niya? Hindi niya deserve iyon! Napakawalang hiya niyo!"
"Sinabihan ko na siya!"
"Valid reason 'yan to hurt him? I will sue the both of you. Mananagot ang dapat managot sa ginawa niyo sa anak ko. Nakaya mong gawin iyon? Hindi ka naawa? You punched him, right?! Sinipa mo pa! Malakas! Kaya natumba siya sa kalsada at tumama ang ulo niya. Sinubukan niya kayong habulin, pero anong ginawa mo?! Sa pangalawang pagkakataon, sinuntok mo 'yong anak mo!"
I can't hindi ko kaya iyong naririnig ko. Ang bigat bigat sa puso.
"Tinakasan niyo siya. My son's tried to chase you pa, pero sa sobrang hilo hindi niya na kayang i-drive iyong sasakyan niya, iginilid niya pero anong nangyari? Napagdiskitahan ng mga tambay 'yong anak mo!" Napasabunot si Tita Isabela sa kanyang buhok. "Hayop kayo! S-Sinubukang tumakas ng anak ko, pero nadali siya ng motor. Did they help him? No!"
Tangina?! Nangyari kay Ice 'yon sa isang gabi lang? I can't imagine his pain.
"S-Sorry..."
"Kinaya ng anak kong alalayan ang sarili niya papunta rito sa hospital. Na siya lang mag-isa! I fucking hate you!"
"H-Hindi ko alam. S-Sorry."
"Mabuti na lang may dash camera, na pwedeng magamit laban sa inyo. Sinira nila iyong sasakyan niya roon. Pero I don't care. I can buy him new car again. A-Alam mo ang hindi ko kaya? Iyong mawalan ako ng anak. I love my son so much! He's too kind. Hindi niya deserve iyan." Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ni Tita Isabela.
Sinubukang yakapin ni Tito Manuel si Tita pero mabilis itong umiwas.
Tulala akong napabalik sa kwarto. Dahan-dahan akong napaupo sa harapan ng pintuan ni Ice.
I'm so sorry at kailangan mong maranasan lahat ng 'to. Please, wake up, love. Huwag mo akong iiwan.
Gustong-gusto kong buksan ang pintuan at yakapin siya. Hindi niya deserve iyon.
"Excuse me?"
Iniangat ko ang tingin ko at may nurse sa harapan ko. Mabuti na lang din at dumating na si Tita Isabela.
"Family of Mr. Rivera?"
"Kami po."
May iniabot na zip lock plastic sa amin ang nurse. "Andito po ang mga gamit niya. We are so sorry kung natagalan kami, nakikiusap siya sa amin na 'wag magsabi kahit kanino. Hindi agad siya nakatulog. Isang araw din siyang tulala, hindi nakakausap. Malaki ang sugat na natamo niya sa ulo. Marami din siyang pasa sa legs."
"Thank you for taking care of him."
Napalingon siya sa akin. "You're Amira? Amari? Hindi ko na tanda. Pero nakiusap siya na hindi mo dapat malaman, kasi takot ka sa hospital. At ayaw niyang mag-alala ka. Hirap na siya magsalita noong nakapunta siya rito. Ang sabi nong nakakita sa kanya, napag-trip-an pa siya habang papunta siya rito sa hospital."
"G-Gigising po siya, right?"
"He's a strong person. I am hoping also na magising siya. Please, be strong also. Una na po ako."
Siya na ang nasasaktan, ako pa rin iniisip niya.
Love, I'm here na! Wake up!
Nakarating na kami sa Metro Manila. Nabigyan ng permit na ilipat si Ice rito sa Makati. Sa ngayon, hawak na ng mga police ang mga nanakit sa kanya. Hindi pa rin nahahanap iyong naka motor dahil walang plate number.
"Gigising na rin po siya, Tita."
"I hope so. Iyong kambal sa bahay, iyak nang iyak. They want to go here, pero hindi ko kaya na makikita nila ang Kuya nila na ganyan."
"Mine-message nga po ako ni Isabel kagabi, asking if pwede kami mag video call para makita si Ice."
"May pasok ka na pala sa susunod na araw. Nakabili ka na ba supplies mo? If not yet pa, if okay lang sa iyo? Bili ka today, and isama mo si Isabel? You the card of Isaac."
"N-Nakakahiya po, Tita. Tsaka wala po kayong kasama rito."
"No, no, darling. It's fine. Wala rin kasing kasama si Isabel na bibili. I'll message you agad if he's awake na. And on the way na rito mga pinsan niya to visit him."
Agad dumating iyong service at sinundo namin si Isabel. Hindi na kasama si Ian, since home schooling siya and marami pa siyang extra school supplies.
"Hi, baby."
"Hello, Ate." Tipid siyang ngumiti sa akin. "How's my Kuya? Is he still sleeping?"
"Yes, baby. But don't worry, gigising na rin siya. Nagpapahinga lang siya, nagpapagaling."
"I miss him. I want to visit him. I want my kuya back."
Lumapit ako at niyakap siya. No, I can't cry here, bata itong kasama ko.
Nakarating kami sa mall, mahigpit ang hawak niya sa amin. May nakasunod na driver sa likod namin.
"What's your favorite color?"
"I want pink po, ate. Hmmm, this one!"
Kinuha ko iyong trolley bag na itinuturo niya. Mas malaki pa sa kaniya ito, baka naman mahirapan siya masyado.
"This is so pretty, but masyadong malaki for you, baby. Can you pick another?"
"No problem, ate!"
Mas maliit na itong nakuha niya. She's good, actually. She's checking the bag, mula loob, zippers and all.
"I think I found the perfect one, ate!"
Kinuha na namin iyon at bumili kami ng notebooks niya.
"How about you, ate?"
"I just need two notebooks, pens, and papers, baby."
Lagay lang siya nang lagay sa cart namin. Pasikreto ko siyang kinuhanan ng video at sinend iyon kay Tita Isabela.
"Are we using my brother's card?" bulong niya sa akin noong naupo ako.
Tumango ako bilang sagot.
"Good! Ubusin natin pera ni Kuya. That's his consequence for making us worried." She rolled her eyes.
Mukhang tinotoo niya nga, at sige ang lagay niya a cart. Ang iba nga'y ibinabalik ko dahil wala naman siyang pag gagamitan.
Mabuti na lang at sinamahan kami ng driver papasok, dahil iyong mga pinamili namin mas mabigat pa sa akin.
After naming mamili, inaya ko siya na maglaro. Pero ayaw raw niya hangga't 'di nakikita ang kaniyang Kuya.
"Ate? I am not allowed to visit my kuya po talaga? I am so worried po, e."
"I will call Tita Isabela, I'll ask her, okay? Strict kasi sila sa hospital."
Naupo na lang siya sa gilid. Naghihintay kung ano ang magiging desisyon ni Tita Isabela.
After minutes, pumayag si Tita Isabela. Bumili na rin muna ako ng pagkain namin doon.
"Mommy!"
Agad siyang sinalubong ni Tita Isabela nang yakap. "Hello, baby. Nagpasaway ka ba kay Ate Amari kanina?"
"No po. I was behave po. But I bought everything I want using my brother's card." she giggled.
Nilapitan ako ni Ivy and Ate Ishy.
"You look so tired, Amari. Get some rest also."
"I'm okay po, ate. H-Hindi lang po talaga ako masyadong nakakatulog dahil sa pag-iisip."
"I understand. But take care of yourself also."
"Baka mamaya pagkagising ni Isaac, ikaw naman ma hospital. Lagot ka!" Panakot ni Ivy sa akin.
"Why are you here lang po sa labas, Mommy? Let's go inside. I want to see my kuya." Isabel pouted.
"Baby, we still can't go inside. Your Kuya is currently sleeping, he's still recovering. You can see him naman."
Lumapit si Kuya Ivan para kargahin si Isabel.
"K-Kuya... wake up."
Napaiwas ako ng tingin. Ansakit marinig kung papaano pinipigilan ni Isabel ang pag-iyak.
Naramdaman ko ang paghawak ni Ate Ishy sa kamay ko. "Go on, you can cry. Let it out."
"Why siya may bandage po sa head? May sugat po si Kuya? Is that an oxygen? Why?"
"He needs it to breathe properly, baby," Tita Isabela explained gently, her voice soft.
"When will he wake up?"
"We still don't know, baby. Let's pray for his fast recovery."
Muling sumilip si Isabel sa kwarto. "Hey, Kuya! Wake up now. I need playmate na. Wake up! You're sleeping too much. Duh!"
Nagpababa si Isabel at doon umiyak nang umiyak.
"H-He will wake up right?"
"Of course he will, baby." Ako na ang naupo sa harap niya at mahigpit akong niyakap.
Naunang umuwi sila Tita Isabela, naiwan ako rito kasama ang mga pinsan niya.
Sila raw muna magbabantay sa mga susunod na araw, hindi pa kasi start ng classes university nila.
"You're working pala? Buti pinayagan ka ni Isaac?"
"Na no choice po siya ate, gulat na lang siya ako next for interview. Noong una po, medyo ayaw pa po niya, pero I explained nang maayos naman po. Sayang din po kasi vacation kung nasa apartment lang po ako. That's why I applied po."
"How about now? You have classes na ulit." Si Kuya Ivan ang nagtanong.
"Every Friday and Saturday po. Then if wala po akong gagawin masyado, I can work din po ng Sunday. Ayaw po niya na busy ako for the whole week, dahil baka mapagod naman daw po ako nang sobra."
"He's right. Lalo second year ka na. Pahirap na nang pahirap. You know? Nag-work din si Ivy kay Isaac. Hindi nagtagal. Kainis, hindi kinaya 'yong sakit ng katawan niya for two days."
"Hey, hey! Don't exposed me, Ate Ishy!"
"Ewan ko kay Isaac. Ganiyan na talaga siya simula noon, he's too busy. Akala mo may pamilya na siyang binubuhay."
I nodded. "Kayanga po, e. Kaya minsan nagtataka rin po ako kung papaano pa siya nakakasali sa mga extra curricular."
"And one call away rin 'yan. Kahit busy 'yan, kapag need namin ng help, pupunta at pupunta 'yan."
Lalo ko lang na-miss si Ice. I hope gumising na siya.
~
Its our first day. Si Kuya Lucas ang sumundo sa akin dito sa apartment.
"Kumain kayong dalawa. Message niyo ako agad if you need help."
Wala na masiyadong gagawin si Kuya Lucas. Graduating na kasi siya. Thesis na ang inaasikaso niya, next semester naman for internship na siya.
Sinalubong kami agad ni Pau and Angelica.
"Everything will be alright," ani Angelica.
Hinanap muna namin ang room namin. Hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa building nina Ice. Alam kong kasama ko siya ngayon kung walang nangyaring masama sa kaniya. Alam kong ihahatid niya ako sa room.
Naabutan namin tropa ni Zarm sa room, sila ang nasa likuran. Nakatitig lang siya sa akin, hindi ko mabasa ang emosyon sa kaniyang mga mata.
"Haynako!" ani Zarm.
"Don't start." si Gabby.
I hold her hand to make her calm. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa kaniya kaya umayos siya nang pagkakaupo.
"Maganda ba mag-work sa restaurant nila Kuya Ice? Gusto ko rin, dagdag ipon ko," sabi ni Pau.
"Yep yep. Two days lang akong papasok now na may classes na ulit. But I can work naman daw every Sunday, half day."
"I'll check na nga palagi page nila, I want to have my own money rin."
I just smiled.
Typical first day of classes, walang Professors. Free cut halos lahat. Puro sulat ng names sa index card.
Lumabas ako para lang magpahangin. Wala naman kaming Prof. Nakasalubong ko pa si Kuya Elijah. Ayaw pang umamin na gusto si Gabby.
Dumaan ako ng gym, andaming students ngayon.
Pabalik na ako nang may natanggap akong message galing kay Tita Isabela.
From: Tita Isabela
Hi, anak ko. Do you have classes pa? He's awake. Nailipat na rin namin siya sa normal room. He's looking for you. Andyan sa restau ni Ice iyong driver namin. He's waiting for you.
Hindi na ako agad nagdalawang isip agad akong tumakbo papunta sa restaurant.
Gulat na gulat pa ang staffs nang makita ako, dahil naka Set A uniform pa ako.
"Are you okay, Amari? Pawis na pawis ka," sabi ng Shift Leader sa akin.
"He's awake na raw po. I need to see him na po, Kuya."
Mabilis na tumayo si Kuya Driver. "Nako! Tara, Ma'am!"
I messaged my friends at ipinaalam ko sa kanilang umalis na ako ng university. Sila na bahala sa gamit ko.
Pagkarating namin ng hospital, may sumalubong sa akin. Secretary yata ni Tita Isabela.
"Only Ma'am Isabela ang nasa room. On the way pa ang ilang family ni Isaac."
Dahan-dahang binuksan ang room ni Isaac.
"Love..."
I walked slowly palapit sa kaniya. Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako.
"B-Baby, come here." Nahihirapan niyang sambit. "S-Stop crying," he said in a low voice.
Naupo ako malapit sa kanya. I want to hold him pero baka masaktan pa siya dahil sa sugat niya.
"How are you?"
"I am okay na, cause you're awake na. Ikaw ang kumusta?"
"Actually, last night pa siya gumising. Hindi ko agad nasabi because may mga pinaasikaso sa akin and gabi na rin kasi baka tulog ka."
Nakatitig sa akin si Ice. "Are you getting enough sleep, baby? You looked so tired."
"I am worried sa iyo. A-Akala ko hindi ka na babalik, akala ko hindi ka na gigising."
"Palagi akong babalik. Stop crying na, ha? I'm here na, I'm awake na. You don't need to worry too much."
Inihiga ko ang ulo ko sa tabi niya, hinawakan naman niya ang kamay ko. "I'm sorry, baby. I'm here na. I will never leave you. It won't happen again. I love you. I missed you, baby."
"I love you so much. And I miss you more!"
Andami niyang kwento, ang daldal pa rin talaga. I miss hearing his voice, pero kasi baka mapagod na siya.
"Inihatid ako ni Kuya Lucas kanina. Tamo love, naka school uniform pa ako."
"Do you want to change your clothes, Amari? I have extra here."
Nagkatinginan kami ni Ice at tumango siya sa akin.
Nakasuot ako ng trouser ni Tita Isabela and hoodie ni Ice.
"Laki ng eyebags mo, baby. Mukha na ikaw panda. Naalala mo favorite emoji ko sa iyo? Kamukha mo na 'yon."
I pouted. "Dami mong pasa. Gusto mo dagdagan ko kakaasar mo sa akin?" Biro ko.
Hirap man, mahina pa rin siyang tumawa.
"I miss you," I mouthed. "Super miss."
"I miss my baby more. Pagkalabas ko, babawi ako."
Bahagya siyang bumangon para mayakap ako.
Dumating na rin ang ibang family members nila kaya napunta ako sa likod. Sabay na dumating ang lola nila at si Zephanie.
"Finally, you're awake, apo."
"How are you, Miguel? Pinag-alala mo kaming lahat."
"I'm fine. Wala lang 'to."
Naramdaman ko ang pagtabi sa akin nila Ate Ishy. "Kanina ka pa rito?"
"Opo, ate."
Ilang saglit biglang tumaas ang left hand ni Ice. Sinubukang hawakan ni Zephanie iyon pero mabilis iniwas ni Ice.
"Hold his hand, Amari. He's looking for you. Go," bulong sa akin ni Ate Ishy.
I stepped forward at humawak sa kamay ni Ice. Naramdaman ko ang dahan-dahang paghila niya sa akin.
Sa lakas niya parang wala siyang pasa o sugat.
"Excuse me po," nahihiyang ani ko.
Nang magtama ang tingin namin ni Ice, he smiled sweetly.
"Akala ko umalis ka na."
I gave him a side eye. Mukhang gets niya naman ako dahil bahagya siyang napangiti.
Naupo ako sa gilid niya, kahit nakakahiya dahil andito pamilya niya. Kinakausap siya, pero ang tipid kung sumagot. Kung wala lang 'tong sugat, nasiko ko na 'to.
"I'm kinda sleepy."
Iyon lang ang sinabi niya at unti-unting nagsialisan mga tao sa paligid niya. Hindi ako makakaalis dahil hawak niya ang kamay ko.
"Stay here muna. Mamaya ka na umuwi," he said as he closed his eyes.
Hindi ko alam kung natutulog ba talaga siya or nagpapanggap. Nakatitig ako sa kanya, nang bigla siyang nagmulat.
"Baby, kapag ako natunaw."
"Kainis ka. Akala ko you're sleeping, e."
Nakatitig siya sa mga pasa niya. Napapailing na lang siya.
"Is he awake?"
Sabay-sabay kaming napalingon sa ngayo'y kadarating na si Sir Manuel. Mukha siyang nakahinga nang maluwag nang makita si Ice.
"What are you doing here?" ani Ma'am Ivina. "How dare you?"
"I'm just checking him."
"You and your mistress were the reason why he's here. And you'll tell me that you're just checking him? Ang kapal ng mukha mo."
"Just leave." Matigas na ani Ice. "I want to live longer. If you're here? Mapapadali buhay ko."
Hindi umiimik si Tita Isabela sa gilid. Napatingin ako kay Ma'am Ivina, nakikipagpatalasan siya ng titig kay Tito Manuel.
"Leave!" sigaw niya at walang nagawa si Tito Manuel kundi ang sundin ang matanda.
"Kayo rin, you can leave now. I am tired."
Tumayo ako. "See you tom-"
"Stay here first, baby."
"Sabi mo pagod ka?" mahinahong tanong ko.
Ipinakita niya ang kamay naming dalawa na magkahawak. "Recharging."
Nahihiya ako, nakikita nila kaming ganito. Pero itong boyfriend ko nga hindi nahihiya.
"Mommy, take a rest din. Ako naman magbabantay."
"I'm fine, darling. Katatapos ko kausapin si Isabel, and they will go there tomorrow."
Nag-message sila Ate Margarette, she's on her way na rin daw with Kuya Uno and Kuya Elijah. Sila lang tatlo nagtugma ng schedule.
"Good afternoon."
At nakarating na nga silang tatlo, at may kasamang ibang unfamiliar face sa akin.
"Baka ex mo 'yan, ha? Ex fling? Ex crush?"
"Hindi ko rin kilala, baby."
Pumunta silang tatlo sa tabi ni Ice. Kaya umatras lang din ako.
"He got bruises, but he's pogi."
Halos mabulunan ako sa sinabi niya. I know from Senior High School siya. Obviously, first batch, dahil kasali ako sa last batch.
"Hehe. You are the girlfriend? Sorry, ate. Napogian lang ako sa boyfriend mo."
She's pretty. I love her face, and her wavy hair. Ang light ng skin niya.
"Si Ate Margarette friend mo?"
She nodded. "Crush ko kasi si Kuya Juan."
Agad lumingon si Ate Margarette at tinaasan ng kilay ang babaeng katabi ko.
"I am Wynona. How 'bout you?" She offered her hand for a shake hands.
Tinanggap ko iyon. "I'm Amari. Nice meeting you, Wynona."
"What happened to your boyfie, ate?"
"Accident."
Tumango lang siya sa akin. Ang bango naman ng batang 'to.
Maka-bata naman ako, isang taon lang naman agwat namin.
Naririnig kong binibiro-biro ni Ate Margarette si Ice na bagsak dahil 'di siya nakapasok ng first day. And I heard kanina, for a week or two before makapasok si Ice.
"What's your strand?"
"TVL po. Tourism focus."
"You're so pretty."
"Thank you. You also. But did I heard it right? Pretty? Baka ma-in love na sa akin si Kuya Juan." Pang-aasar na naman niya.
Sa pangalawang pagkakataon, sinamaan siya ng tingin ni Ate Margarette.
Nagsidatingan na rin sila Kuya. Syempre, I know Kuya Harold hindi pupunta rito, pero laking gulat ko nang makita siyang huling pumasok.
Mas nagulat ako nang hindi magulat si Ice nang makita si Kuya Harold. Nagkangitian sila at nag fist bump.
"Hello. For a while, ha? May aasikasuhing papers lang ako." Nagpaalam si Tita Isabela sa amin.
"Kumusta?"
"Buhay pa naman."
"Iba kapag masamang damo," ani Kuya Elijah.
"Kapal mo. Lucas oh!" Parang batang pagsusumbong ni Ice. "Kapag ikaw 'di pinayagan ni Lucas."
"Na ano?" tanong ni Kuya Lucas.
"Wala, bro. Huwag kang maniwala sa nakahiga sa hospital bed."
"They're so chaotic," sambit ni Wynona na ikinangiti ko.
Lumapit sa akin si Gabby. "Bwisit talaga 'tong si Kuya Ice. May sakit o wala, sadyang siraulo."
At dahil may dalawang extra beds dito and sofa, dumiretso na roon ang iba. Feel at home na naman.
"Una na muna kami Ice. Ihahatid ko pa kasi 'tong batang 'to."
"Bata pa ako, kasi baby ako ni Kuya Juan."
Nagpipigil sa pagtawa si Ice.
"Wynona, kapag ako 'di kinausap ni Margarette hanggang bukas? Tayo na lang mag-usap."
Siniko siya ni Ate Margarette.
Pagkaalis nila, naupo ako sa tabi ni Ice.
"Sakit ng ulo ko," aniya. "Parang gusto kong matulog nang matulog."
"Gigising ka, ha?"
His gaze softened. "I will, baby. Why are you crying?" Napaupo siya bigla.
"I'm j-just afraid... baka 'di ka na gumising. N-Natatakot ako."
He gently wiped my tears. "That will never happen, baby. Andito lang ako palagi."
"H-Hindi mo ako iiwan?"
Nakatitig siya sa mga mata ko. "Never, baby. I love you. I'm sorry."
~
Nakalabas na si Ice kahapon. Doon muna siya sa bahay nila tumutuloy, kahit ipinipilit na kaya na raw niyang mag-isa sa condo.
"What are we going to cook tomorrow pala?" I asked Michael.
Napakamot siya sa kanyang batok. "Hindi ko rin alam. Nauubusan na rin ako," aniya at bahagyang natawa.
Si Zarm ang isa naming kasama. "Spicy Tuna Pasta? Ayaw niyo ba?"
Nagkatinginan kami ni Michael at tumango na lang.
May event sa San Lorenzo bukas at sa makalawa, kami ang magluluto para sa guests.. At nahati-hati ang klase namin. Iyong tatlo kong kaibigan naman ang magkakasama.
"How's Kuya Miguel?"
"He's getting better, Zarm. Tho, visible pa rin ibang bruises niya, and may head bandage pa siya because of the sugat. But tatanggalin din next visit ng Doctor sa kanila."
"Good to know. Where is he? Condo or in Alabang?"
"Alabang. Maybe next week babalik na siya ng condo, pero baka kasama si Kuya Ivan."
Hindi na siya sumagot. Nauna na siyang maglakad.
Binili na namin lahat ng mga kailangan namin. In fairness, maaasahan si Zarm sa ganito.
"Sa apartment mo na lang, Amari. Then si Michael na lang kukuha tomorrow, less hassle."
Tumango na lang ako. Gusto ko na lang matapos ito at makauwi ng apartment. Antok na antok na rin talaga ako dahil andami kong ginawa kagabi.
Inihatid ako ni Michael sa apartment ay siya ulit ang nagpasok umalis na rin siya kaagad.
Agad kong tinignan ang phone ko. On going kasi video call namin ni Ice, ako ang tumawag sa kaniya.
"What's with the long face, baby?" he gently asked.
I pouted. "Nagugutom ako. Hindi ko alam kung anong gusto ko."
"Padalhan kita later. If you want to buy something, use my card lang, ha? Huwag na ikaw lalabas mag-isa, gabi na. Pa-deliver ikaw kapag may gusto ka."
Tumatango-tango lang ako na parang bata. I saw him smiling.
Papasok na ako ng kwarto nang may kumatok. Napatingin tuloy ako sa screen ng phone ko.
"Ask mo muna, before you open the door, ha? Be careful."
"Ms. Amari? Food delivery po!"
Madali akong lumabas, at food delivery nga. Kilala ko itong rider, dahil halos lagi siya ang taga-deliver dito sa apartment."
Pagka-receive ko ng food, itinapat ko ang camera ng phone ko roon.
"Ang bilis naman, love? Thank you!"
"That's not from me, baby." Bakas sa tono ng boses niya ang pagtataka.
Eh, kanino galing 'to?!
Natigil ako sa pagbubukas ng pizza box. "For real, love? Eh, k-kanino galing 'tong mga 'to?"
"Wala rin akong idea, baby. I'm just about to order kanina. Can you check the boxes, baby? Baka may notes or something?"
I immediately check the boxes. "Nothing po, love, e. Look, andami."
"Share the food with your neighbors, baby. I'm gonna order your food."
Nagtataka pa rin ako kung kanino galing ang mga 'to. I know hindi siya wrong address, kasi hindi na nag-message 'yong rider. So, para sa akin talaga ito.
Kinaumagahan, maaga akong sinundo ni Michael, para sa gagawin namin.
Mabuti at maaga rin na andito si Zarm.
"Sila Ma'am Ivina ang guest."
Maglaho na lang sana ako.
"We can do it, Amari. Don't pressure yourself too much, andito ako," si Michael.
Tumango na lang ako. Wala akong time na tanungin si Zarm.
Napalingon ako sa ibang mga classmates ko na naka-assign for rice meals and desserts.
After an hour natapos na rin kami. Buti at never dumaldal 'tong si Zarm kaya nakapag-focus din ako sa ginagawa ko.
May proposal pala ang San Lorenzo University sa The Legacy Table and Bar para sa mga students. Actually, they send pala sa iba't ibang company, and sila Tita Isabela ang mabilis na nakapag-reply.
Wala naman kaming ibang gagawin after mag-serve ng food.
After that, dumiretso ako sa work ko. Wala naman akong work today, next week na lang daw ako bumalik pero ewan ko kay Ice at pinapapunta ako rito.
"Hay, ang tagal."
"What are you doing here?" tanong ko pagkalapit bago yumakap sa kanya.
"Baby? Sa akin yata 'tong business?"
I know naman! Kainis na Ice 'to.
I rolled my eyes. "I know. I mean, nagpapagaling ka pero andito ka?"
Hindi halata mga pasa niya dahil nakasuot siya ng hoodie.
Umayos siya sa kanyang pagkakaupo at seryosong tumingin sa akin, kaya bigla akong kinabahan.
"I terminated your contract here, and I am also coordinating with San Lorenzo."
Napatayo ako dahil sa gulat. "H-Huh?! Totoo ba? No joke? B-Bakit? Anong ginawa ko?"
I need to work. Nakakahiya na palaging si Tita Gelly ang nasagot para sa akin.
"I received a cctv footage last night. And nakita roon that you stole something, Amari." Napapailing siya.
"Can I see the footage? Hindi ba siya edited?" Bumagsak ang mga balikat ko. Pero diretso pa rin ang tingin ko kay Ice.
Napaiwas lang ako nang maramdaman kong naiiyak na ako. Wala akong ninakaw, never kong gagawin iyon. Never sumagi sa isip kong gawin iyon.
"Please? Let me know, let me see. Anong ninakaw ko?"
"You stole my heart." Nag peace sign at hinila niya ang upuan ko palapit sa kaniya bago niya ako niyakap. "I'm sorry."
"Kainis ka naman. Kampante naman ako na wala akong kinukuha rito, pero ewan ko kinakabahan ako kasi I need to work, e. Don't do it again, please? Mukha akong aatakihin sa puso."
"Ang funny ng prank na 'yon sa isip ko kanina. Sorry, 'di na po uulitin."
Biglang ako naman ang may naisip.
Never pa akong nagpatalo, Rivera.
"What if mag-resign na ako rito?"
"Sus! Ang baby, naganti."
Umiling ako at kunwaring pinunasan ang mga mata ko. "I don't feel comfortable na rin dito, e. Delayed pa salary."
Lol, not true. Morning pa lang may salary na kami.
"Really? I'll talk to our payroll. I'll schedule a meeting today. What else, baby?" He's looking straight into my eyes.
Gago, ang pogi.
Umiling ako. Wala akon maisip dahil napakabait at maganda ang paghawak ng business niya.
He's busy with his laptop. Nakatanggap ako ng message sa gc namin sa branch na ito.
LA BELLA CUCINA - SAN LORENZO BRANCH
Isaac Miguel Rivera
@everyone early closing. emergency meeting later at 8 pm. thank you.
Teka! Nakakakonsensya pala. May apat na naka rest day pa man din today.
"Pag-usapan muna natin nang maayos later, if its okay, baby?"
I sighed heavily. "I am resigning as your girlfriend. Ready to apply to be your wife." I smiled sweetly.
Hindi ko na kaya! Nakakakonsensya.
"Baby?" Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig.
He lean and gave me a forehead kiss.
Na-miss ko 'yan.
Agad niyang binawi ang chat niya sa gc at ang meeting niya with their payroll.
"Okay, baby. I'll give you the contract later." Pang-aasar niya sa akin. "What if totohanin ko 'yon? What if magpakasal tayo on the spot?"
Ako naman ang pumitik sa noo niya.
Hindi niya matiis na nasa bahay lang siya. And may interview daw siya with Ate Margarette today, kaya siya andito.
"Stay here muna, baby. Sabay tayong uuwi. Uuwi ka sa akin."
~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro