Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22

Unti-unti ko nang nagagamay ang trabaho. Actually, nagulat pa mga kaibigan ko na andito ako. Hindi ko kasi sinabi noon ang tungkol dito. Even si Ice ay nagulat na hindi pala alam ng mga kaibigan namin.

"I'm going to SanLo today, baby."

He's been so busy rin lately. Basketball training, job interviews, and he once again participated in a rubik's cube competition.

"Susunduin kita, opo yes po, madam."

"Nasa loob ka ng sarili mong restaurant pero ako pa rin pala masusunod sa ating dalawa? Bawal po special treatment."

"Okay, call me Sir." Ngumisi siya sa akin.

"Okay, Sir. Ingat po!" I waved and turned my back.

Nang muli ko siyang nilingon, he's pouting na parang baby. Imagine, nakikita siyang clingy ng mga employees niya. Mabuti at naka lunch break ako, andito lang kami malapit sa kitchen.

My gosh, Isaac Miguel.

"Aalis na ako..."

"Ingat?"

Tumaas ang kilay niya. "Matagal nang tapos pagiging tropa natin, baby. Baka nakakalimutan mo? Ipinapaalala ko lang."

"This is noted, Sir. What else po?"

He stamped his foot like a child. "I need my daily medicine."

"Pinagsasasabi mo?" kumunot ang noo ko.

"Is that how you talk with you boss?" ganti niya sa akin.

"You're taking meds? Anong gamot? Seryoso."

"I love you."

"Ano munang medicine nga? For what?"

Umiling siya. "I love you, baby. Iyan 'yong medicine ko. Sorry na."

"Alam mo? Ang pangit ng joke mo talaga. Naiinis ako sa iyo." Pagsusungit ko sa kanya.

"Oh, tamo! Asar talo!" Mahigpit niya akong niyakap. "Ayon nga 'yon, baby. Sorry na."

"Anong gusto para bati na?"

"Kapag nanalo sa competition."

He smirked. "Baby, wala na bang mas ihihirap 'yan?"

Sabagay? May point. Nanalo nga iyan sa ibang bansa.

"Yabang, kainis!" Napatawa na lang ako. "Until evening ka?"

"Nope, baby. One to two hours lang kami everyday. Diretso agad ako rito."

Natapos na ang lunch break ko, at he decided to leave na rin para daw makabalik kaagad. Practice pa lang naman sila today, and by next week daw ang competition. After that, by University na raw ang next, and sinong mananalo, ilalabam ulit sa ibang bansa.

Well, I know my boyfriend, he can do it.

"Matagal na kayo ni Sir Iaac?" Ate Lily asked. She's from San Lorenzo rin daw noon. After she graduated, tinanggap niya ang offer ng company nila Ice para mag-work dito.

"Six months, Ma'am." sagot ko.

"He's outgoing, 'no? Gustong-gusto siya ng mga managers dito. Ang gaan sa pakiramdam kapag siya iyong andito sa office. Si Ma'am Isabela, bihira siya rito. Si Lola nila...masungit. Very perfectionist."

"Totoo. Kaya gusto namin kung si Sir Isaac ang andito. Minsan tumutulong din siya, e. Hindi rin kamo sila madamot sa leave. Kaya kapag may biglaang leave, nakakahiram siya sa ibang branch. Very hands on din siya. Gulat nga ako na mas bata siya sa amin." Si Kuya Fred.

Napapatango ako. I'm so happy na puro positive talaga ang alam nila tungkol sa kanya.

"He's so considerate. Ang haba ng patience niya," I answered. "He's the best."

Mahina akong sinisiko ni Ate Lily. Kinikilig daw siya tuwing nakikita kami ni Ice.

Ako rin kinikilig tuwing nakikita ko boyfriend ko.

"Malinis ang comfort room? Check the tables baka may alikabok. May visit si Madam Ivina today."

Biglang kumalabog ang puso ko pagkarinig sa pangalan ng Lola niya.

Tuwing naririnig ko pangalan ng lola nila, bigla akong nanlalambot sa hina. Parang anytime, babagsak ako.

"Amari, smile." Pagpapaalala sa akin ng Shift Leader. 

Napansin kong 'di siya mapakali. "Hindi ko ma-contact si Sir ."

Hindi ko sigurado kung tama ang pagkakarinig ko.

As soon as the door opened, napangiti ako, pilit, nang makita ko si Ma'am Ivina kasama si Zephanie.

Breathe in, breathe out. You can do it, Amari. Kalma.

Nakangiti nang pumasok si Ma'am Ivina sa restaurant. Inilibot niya ang mga mata niya. I smiled nang nagtama ang mga mata naming dalawa, pero hindi niya ako pinansin.

Napatingin ako kay Zephanie, and to my surprised she's already looking at me. Kaya mabilis siyang sumunod kung nasaan si Ma'am Ivina.

"Amari, can you do it?"

"Yes, Sir."

Kinuha ko ang menu, at lumapit sa kanila.

"Good afternoon, Ma'am. Here's our menu."

"When did you start working here?" she asked while looking at the menu. "Did you use your relationship with my apo to work here?"

I smiled. "I started last month, Ma'am. And no po. I also take the exam before the interview. And I passed, that's why I'm here po."

Andami niyang itinanong sa akin about the menu. Luckily, nasagot ko lahat. Pinag-aralan ko kasi iyon mabuti at may digital copy.

"Zephanie, nakausap mo si Isaac, right? I heard ipapasok ka niya sa resto-bar niya?" Pagpaparining ng matanda pagka-serve ko ng inorder niya.

Nahihiya siyang tumango. "But nagdadalawang isip po si Miguel if doon or sa isang restaurant po niya. He'll keep me updated daw po."

Don't mind them, Amari. Palagi nilang sinisiraan si Ice. Huwag kang makikinig sa kanila.

"Really? Hay. My Isaac, he really loves you. I can feel that. Siguro nangungulila siya sa iyo that time kaya humanap ng iba."

Hindi ko na sila pinansin at bumalik na sa pwesto ko.

"You good?" tanong ng Shift Leader namin.

I smile genuinely. "Yes, Sir. A hundred percent."

Para akong nakahinga nang maluwag nang makita kong papaalis na sila. Binibigyan niya ng ngiti ang mga kasama ko pero iwas na iwas palagi sa akin.

Para kaming nakahinga nang maluwag pagkalabas nila. Kahit iyong matagal nang employee rito, parang nahimasmasan.

Hindi pa gano'n katagal na umalis si Ice, pero bumalik na rin siya kaagad.

"Good afternoon, Sir."

"Good afternoon." Agad niya akong nilingon. "Hindi pala natuloy practice, 'di lang kami pinauwi kaagad para di raw sayang pagpunta namin."

"Huwag mo akong dinadaldal, Sir. Busy po ako mag-work."

Mahina siyang natawa at pumunta sa sulok. Nagtataka siya habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Automatic na nagpunta roon ang Shift Leader and iyong Restaurant Manager.

Hindi ko marining kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Sabay-sabay nila akong nilingon na tatlo kaya agad akong tumalikod.

"Nakatigin pa ba sila?" bulong na tanong ko kay Ate Lily.

"Lagi namang nakatingin sa iyo si Sir Isaac."

Dapat lang.

After duty, magkasama na naman kami ni Ice. Hindi ba siya nagsasawa sa akin? Palagi niya akong nakikita.

"May sinabi na naman ba sa iyong hindi maganda si Lola?"

"Wala po."

"Bakit matagal ka raw na nasa harap nila kanina?"

Ang seryoso pero ang soft pa rin kung papaano siya magtanong.

"Ahh! About sa Menu! Puro tungkol sa menu iyong in-ask, love. Mabuti prepared ako. Inaaral ko iyon."

"Si Zephanie?"

"Hmmm? Why?"

"May mga sinabi rin ba siya kanina?"

"Wala n-naman. Promise, about sa menu lang."

Nakarating na kami sa apartment. Andito pala si Kuya, hindi raw kayang umuwi sa bahay dahil pagod na pagod na.

"Sakto day-off ko bukas, Kuya."

"Kasakit ng buong katawan ko. Para kaming nakipagbugbugan sa court, e."

"Baby?"

"Tangina naman Isaac. Sa harap ko pa kayo maglalambingan? Kitang broken hearted iyong tao."

"Gago ka, e. Kasalanan mo 'yon, pre."

"Tangina mo, 'wag mo ipamukha sa akin. Nagawa na nga paraan para makipag-ayos."

"Wala, pre. Hahanap na 'yon ng iba."

Jusko, kapag 'to pinatulan talo naman.

Ipinagluto kami ni Ice. Ayaw pa ngang tigilan ang kapatid ko.

"Dito ka tutulog, Isaac?"

"Uwi ako mamaya. Bakit? Gusto mo ba ihatid kita pauwi tapos dito ako matulog?" ngumisi siya kay Kuya.

"Tangina mo. Sana 'di kita pinayagan makilala pa kapatid ko, e. Ganyan ka pala kayabang."

Malakas na tumawa si Ice at inakbayan si Kuya. "Thank you, brother in law."

Sanay na sanay na silang dalawa. Mabuti walang na-o-offend. Lalo puro mura itong kapatid ko ngayon.

Pumasok muna ako sa kwarto para kumuha ng extra pillow para kay Kuya. Hindi nakakatulog ng iisa lang ang unan niya.

"Hay! Hindi makapag-baby time tonight."

Sinamaan siya ng tingin ni Kuya. "Palagi na nga kayo nagkikita sa restaurant mo."

"Hindi naman kami pwedeng maglambingan doon, kuya."

Sabay silang napatingin sa akin. Tuwang-tuwa si Ice sa narinig.

"Jusko! Isaac Miguel Rivera anong ginawa mo sa kapatid ko, pre?"

"Ga, shot?"

"Uuwi nga ako, Arvin Gabb Guanzon. Iinom tayo pero ikaw ang uuwi at ako ang matutulog dito?"

"What if lumayas kayong dalawa rito?"

Sabay silang napaayos mula sa pagkakaupo. "Dito na kayo matulog na dalawa. But please, 'wag masyadong maingay. Nagbabawi ako ng tulog. Okay?"

Silang dalawa lang naman. At pakiramdam ko hindi talaga iinom dalawang iyan, gusto lang siguro ni Kuya nang makakausap.

Pumasok ako at nag-umpisang mag-check ng email or facebook ko. Nagkaroon na rin ako ng ibang friends dahil sa work. Pero kapag may klase na, hindi na six days a week ang pasok ko.

I checked my payroll account, dumating na pala iyong salary namin, and may service charge na siya kasi end na ng month.

I transfered half ng salary sa savings account ko. Just in case lang.

Similip ko silang dalawa sa salas, they're not drinking. Magkatapat lang silang nag-uusap habang inuubos iyong tirang pizza na inorder. Napangiti ako nang makita silang dalawa.

"I'm going to sleep na. Off the lights if matutulog na kayo, ha?"

Tumango si kuya. Si Ice naman lumapit sa akin.

"Good night, baby." He kissed my forehead. "I love you."

"I love you more!"

"Please, naririnig ko kayo. Respeto sana."

Epal talaga 'tong kapatid ko kahit kailan.

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog. Nakarinig ako ng ingay sa salas. Lights off na pero dinig ko pa rin sila. Hindi yata naisarado iyong door ko kanina. Naglakad ako dahan-dahan at gising pa pala talaga silang dalawa.

"Paano mo nalaman?" mahinang tanong ni Kuya.

"I heard.. I was there, Vin. He keeps on repeating it."

"Inamo, nag-English ka na naman. Sige, kapag ganyan seryoso ka, e. Continue."

Napailing si Ice. "I think he's drunk that time, I don't know. And he's about to cry. Ramdam ko sa boses niya. He's full of regrets daw, cause he wasn't able to confess. Kasi takot sa iyo."

"Gago. Eh, sabi niya hindi niya gusto. Nagustuhan siya ni Amari."

"Ha?" Napataas ang isang kilay ni Ice.

"Anong, ha? Hindi mo ba alam?"

"Na ano? Wala akong alam."

"Gago. Akala ko kwinento ni Lucas? Akala ko rin alam mo?"

"Na ano nga?"

"Gusto ni Amari noon si Harold. Sabi niya happy crush."

Teka, pati ako nagugulan.

"Kaya tama iyong narinig ko? Na nagsisisi siya kasi 'di niya kayang maiparamdam noon na gusto niya rin si Amari?"

"Tangina niya. Ilang beses kong tinanong si Harold tungkol sa kapatid ko. Hindi raw niya gusto, at kapatid lang ang turing niya."

"Happy c-crush lang iyon!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Gulat at sabay na napatingin sila sa akin.

"He's just my happy crush lang naman. Hanggang doon lang."

"Kanina ka pa?"

"Nagising ako, tapos narinig ko kayo. So, t-tama pakiramdam ko noong magkakasama tayo? And kaya ba umiiwas siya ngayon?"

"Let's just talk about it tomorrow. We need to take a rest na."

Nagkatinginan kami ni Ice. Halata ko nang puno siya ng katanungan na kailangan talaga ng kasagutan.

"B-Bakit hindi ngayon?"

"It's already late. You need to take a rest."

He sounds so serious.

"He's right, bunso. Para makabawi ka rin ng tulog mo."

Kinaumagahan, nadatnan ko si Ice, preparing foods in the table.

"Good morning, baby."

"Good morning, love. Where's Kuya?"

"Hmmm.. Kaaalis lang niya."

"About last night?"

Nilingon niya ako. "Hmmm? Hindi ko nakwento lahat kay Vin."

"That's true. Happy crush ko siya noon. Kasi nasanay ako na lagi niya akong pinapansin, lagi niyang na-appreciate efforts ko. Hanggang doon lang."

"I heard him nagkwekwento kay Ariane. I can feel na he's drunk... but the emotions, 'yong words na sinasabi niya I can feel na totoo. You know? Drunk words are sober thoughts."

"Natatakot siya kay Vin, na baka 'di siya payagan. Na baka ayaw sa kanya."

Wala naman na akong pakialam about that.

"I don't care naman na. I'm happy na sa iyo."

"I heard him. Na baka pwede pa raw. Doon na ako sumagot. Gulat siya pagkakita niya sa akin."

"Wala naman na akong gusto sa kanya noong nagugustuhan kita. Normal na happy crush lang iyon."

"I warned him, baby. I told him na huwag gagawa ng mga bagay na ikakasira natin at ng pagkakaibigan natin. Pero minasama niya. He's out of his mind. Pinagsabihan ni Lucas 'yan, and you know? Nagalit siya kay Lucas."

Napakunot ang noo ko sa mga naririnig ko. "Eh, bakit mukhang ayos naman kayo last December?"

"Not totally. He was there kasi gusto ka niyang makita."

Gosh! He's out of his mind nga. Literal.

"Listen to me, okay? I know he's a good friend, but what he want to do? It's a big no."

"Hindi ba alam nila Kuya 'yan noon?"

"No. Sinabi ko lang na hindi kami okay ni Harold. Hindi nila alam ang reason."

"You're so brave."

Napalingon muli siya sa akin. "Thank you for being honest sa nararamdaman mo sa akin. Thank y-you for taking the risk."

"You're the risk I am willing to take. And look, it's all worth it."

I can't imagine mapunta sa taong hindi kayang ilaban ang nararamdaman niya. Ice was so brave to take risk, para maging vocal sa akin.

"It is. Thank you."

"And thank you for trusting your heart with me. What's your plan for today, baby?"

"Here lang. Ops! Saan mo na naman balak pumunta Mr. Rivera?"

Nakangiti kasi siya. Halatang gusto akong ialis dito. Okay lang naman. Hindi naman ako nakukulangan sa tulog.

"Gusto mo ba ako mapanood?"

"Na ano?"

"Sumayaw."

"Kadiri, love. Pass. Itutulog ko na lang pala."

Inirapan niya ako. Parehas talaga sila ni Ian.

"May carting ako today. Wanna watch? Isinakto ko talaga sa day off mo para makasama ka."

Omg! Palagi naman niya akong inaaya, nagkakataon lang noon na 'di ako pinapayagan at super busy ko lang talaga.

"Now na ba?"

"Hindi, baby. Bukas pa," sarkastiko niyang sagot.

"Tamo 'tong lalaking 'to, nagtatanong nang maayos, e. Ayoko na, pumunta ka mag-isa mo, ha?"

Malakas siyang tumawa at tuwang-tuwa sa kalokohan.

"Baliw! Bahala ka. Go by yourself." humalukipkip ako.

Tumayo siya at naupo sa baba ko, dahil nakaupo ako  sa dining chair. He's smiling, hindi iyong nakakaloko, he's smiling sweetly.

"Cute mo. Opo, today po."

"Pangit mo."

"Nakaka-offend."

Agad akong gumayak. I'm wearing jeans and syempre jersey tshirt niya na may name niya sa likod.

Pinatuyo ko na lang din ang buhok ko. Nag-apply lang din ako ng light make up.

Napatayo ako nang marinig ko ang kapatid ko. Ang ingay talaga!

"Dito ka uli?"

"Aba, ayos ka bunso? Wala ka na bang ibang damit bunso? Puro damit ni Isaac 'yan."

Tumalikod ako at ipinakita pa lalo sa kanya. "Bagay naman sa akin."

"Sama ka, Vin?"

"Karting? Aba, sasama talaga ako! Bilis-bilisan niyo namang kumilos na dalawa."

Sa kakapamadali ng kapatid ko, ang aga naming umalis ng apartment.

Pagkarating namin sa karting place, agad akong napahinto sa paglalakad. Napapa-wow na lang ako sa mga nakikita ko, ang aangas.

"Vin, dito kayo banda sa baba. Reserved na iyan. Magpapalit lang ako."

"Sumasama ka kay Ice rito?" tanong ko sa kapatid kong feel at home lang sa pagkakaupo.

"Isang beses lang. Naglabas lang siya nang hinanakit. Matagal na 'yon. Na-offend nga siya. Nakipusta ako sa kalaban niya, eh siya panalo. Kapal daw ng mukha ko."

"Totoo naman."

Habang tumitingin sa ibang nag-k-karting, napaisip akong delikado rin pala.

"Safe naman sila, 'di ba?"

"Safe naman iyan, bunso. Professional talaga mga sumasali sa event nilang ganito. Kinakabahan ka ba para kay Ice? Nako! Angas niya 'yan, baka mamaya i-request mong umisang lap pa siya."

Excited and at the same time kinakabahan ako. Natapos ang mga naunang players. Hinahanap kaagad ng mga mata ko si Ice.

He's looking at me already, he's waving his hand para makita ko siya. He's wearing a black and white karting suit and hawak niya ang helmet niya. Angas.

Nakipag-fist bump siya sa mga makakalaban niya. Napatingin ako sa katabi kong pumupusta na pala.

"Kinakabahan ako tapos ikaw pumupusta lang d'yan."

"Triple balik ng pera ko kapag nanalo si Isaac."

Hindi ko na lang pinansin si Kuya. Nakatutok lang ang mga mata ko kay Ice.

He prayed before putting his helmet.

Nakalagay sa isang malaking screen na ten lapses ang gagawin nila.

"Kita mo 'yang nasa right side ni Isaac? Maduga maglaro 'yan."

"Huwag ka nga, pinapakaba mo ako lalo."

The roar of the engines filled the air, and the race started. Naging smooth ang pag-drive ni Ice. Nasa pangalawa siya sa first and second laps.

"Wow, angas!" Napatayo ako at napapalakpak nang makitang mabilis na nalagpasan ni Ice ang nangungunan.

I feel so relaxed nang biglang humataw iyong isa sa mga kalaban ni Ice, at ilang saglit nasa unahan na siya. Sinubukan niyang harangan ang right side kung nasaan si Ice, mabuti at naging mabilis ang pag-iwas ni Ice. Muntik na silang magbanggaan doon.

"T-That was so close!" I said, my voice trembling.

"He's okay, bunso. He got this."

In the last lap, Ice did something really risky. He turned really fast, almost losing his grip on the track. His kart made a loud noise, and the wheels were spinning fast.  It was a crazy move, and he could have easily crashed. But it worked! Naging malayo ang agwat niya.

"Go, Ice, go!" I yelled, my voice hoarse with excitement.

And then, just like that, it was over. Ice crossed the finish line, a champion.

"Lakas, tangina!"

Napatayo na rin si Kuya at pumapalakpak pa.

Sus! Tuwang-tuwa lang 'to kasi triple balik ng pera niya.

Tumayo na si Ice mula sa kanyang kart at kasabay ng pagtanggal sa kanyang helmet. He's brushing his hair habang papalapit siya sa stage.

He got prize almost half a million. Wow?

Mabilis kong inaya si Kuya pababa. Nang makita kami ni Ice, tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako.

"Congrats! Nasugatan ka ba?"

"Wala, baby. Thank you!"

"Kinakabahan na 'yan kanina. Kulang na lang ilabas ko rito at parang iiyak na, e."

Siniko ko si Kuya dahil sa sinabi.

"Ayos! May pang date na tayo!"

"Luh? Bakit? Wala ka na bang pera?"

Ngumisi si Ice. "Meron, marami. Eh, ikaw? Kanino ka na naman pumusta?"

"Sayo, pre! Easy triple money."

Napairap ako sa dalawang 'to. Puro kalokohan nakakainis.

After makapagpalit ni Ice, dumiretso kami sa bahay nila, kasama si Kuya.

Ako na ang nag message kay Kuya Lucas, at papunta na rin daw sila ni Gabby.

"Kinabahan ka ba kanina?" tanong ko.

"Hindi, baby. Pag kakabahan ako, 'di ako makakapag-isip nang ayos, baka lalo akong napahamak."

"Ang scary and risky nong ginawa mo."

"Gano'n talaga ro'n, baby. Patalinuhan mag-isip. Pero don't worry, I'm fine naman."

"Hi, ate Amari!"

"Hello, baby. Saan ka galing?"

"Acting workshop po. I have acting workshop today, and every weekend."

"Wow! That's good. Where's Ian?"

Itinuro niya ang bahay nila.

"Hmm? Why you're not answering, Isabel?"

"I'm chewing, Kuya!" she pouted kaya agad akong natawa.

Nagsidatingan na rin iba naming kaibigan. They invited Kuya Harold naman din but he declined.

"Anong meron? Baka ikakasal na kayo?" bungad na tanong ni Kuya Elijah.

"Nanalo aports natin sa karting."

"Walang duda!" Nag-apir silang dalawa ni Ice.

Dumating si Kuya Lucas kasama sila Lorraine. Inutusan na 'to ni Gabby na sumundo.

Napatingin ako kay Kuya Elijah, he's looking at Gabby. Mahina kong siniko si Ice at sumenyas.

"Kapag 'yan natunaw, pre."

Napatingin si Kuya Lucas sa amin at tumaas ang isang kilay niya.

"Wala! Gago talaga 'tong si Isaac." Nagpipigil si Kuya Elijah ng tawa at bahagyang tumalikod para 'di kaharap si Gabby.

"Kumusta ka? Kumusta workplace?" tanong agad ni Bianca pagkatabi sa akin.

"I'm good, I'm fine. So healthy ng environment namin doon."

"Good to know na hindi ka napunta sa toxic workplace."

"Nag-visit ako roon last time. Eksakto naman na day off mo pala. Mali ko dapat nag-ask ako."

Andaming kwento talaga nitong si Kuya Elijah. Parang 'di talaga siya nauubusan ng sasabihin.

"Nagugutom ako," bulong ko kay Ice.

"Rice meal or nope?"

"Rice meal tapos cupcakes."

Inask niya rin kung anong gusto ng mga kasama namin. Sumama ako sa kanya sa loob ng bahay nila. Nadatnan ko si Isabel na nakikipaglaro sa kambal niya.

"Kuya, Ate Ishy will go there later. She messaged me."

"Ang gara. Saan mo ginugulo ang Ate Ishy?"

"Instagram. Isabel's keep on messaging Ate Ishy."

"Sabi ni Kuya, don't disturb Ate Amari, that's why si Ate Ishy minemessage ko po."

Napatikom ako sa bibig ko para hindi matawa. Napailing na lang si Ice.

Pinapanood ko lang siyang magluto habang kumakain ako ng cupcakes. Wala pa si Tita Isabela dahil pauwi pa lang from Tagaytay.

"Baby." Nilingon niya ako. "Hinay-hinay sa sweets, ha?"

Tumango-tango lang ako sa kaniya.

After magluto, lumabas na rin kami agad para kumain.

"Nakita ko pala si Kuya Harold noong nakaraan," pag-umpisa ni Lorraine. "He's so wasted."

"Sinong kasama niya?" tanong ni Kuya Lucas.

She shrugged her shoulders. "I dunno. Boys, probably his classmates? He's literally wasted." Napatingin siya sa akin. "Parang narinig ko pangalan mo."

"Misheard mo lang siguro si Amari." si Ice ang sumagot. He's busy eating.

"Sabagay. Ah, basta! Check niyo kaya siya?"

"I am checking him, always. Pumupunta rin naman ako sa kanila. Pero palagi raw wala roon."

"Let's give him time. Alone time."

Nagkatinginan kami ni Kuya Elijah. Hindi talaga siya bumibitaw kaya napataas ako ng kilay, at doon siya umiling.

May alam 'to, panigurado.

Nagkibit-balikat na lang ako, dahil wala naman akong kasalanan. Wala kaming kasalanan.

I know Kuya Harold, he's a good person. I hope matauhan din siya sa ginagawa niya. Pinapahirapan lang niya sarili niya. Pero wala akong magagawa, if that's his only way to cope from the pain.

Dumating na rin si Tita Isabela. Hindi na siya nagulat na andito kami. Andami niyang bitbit na paperbags, kaya agad siyang tinulungan ni Ice. I just now na puro bags ito. Mahilig mag-collect si Tita ng bags.

"Nag shopping spree na naman si Mommy ng bags. Deserve naman niya."

"Kailan enrollment mo, bunso?"

"Next week, then uwi me sa bahay. Sama ako sa iyo." Patango-tango lang si Kuya. "Sabay ata kayo ni Isaac, e?"

"Hindi ko alam. Matanda naman na siya, napatol sa bata." Pagbibiro ko at mukhang na-offend siya. "Joke lang."

Bigla na lang tuloy siyang nanahimik. Kaninang patawa-tawa biglang nanahimik.

"Ayan, walang matutulog na masaya ngayong araw."

Napairap ako kay Kuya. At nakatingin lang kay Ice. Mas lumapit ako sa kanya.

"Joke lang 'yon. Bati na," bulong ko. Mas inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "I love you."

"I love you more."

"Bati na? Hindi na ikaw galit?"

Umiling siya. Hindi pa rin nakatingin sa akin.

"Why you're not looking at me pala?"

"Because you're too close, baby."

I giggled. "Sorry."

Mahina niyang pinitik ang noo ko. Wow, favorite niya talagang gawin iyan sa akin.

Nagpaalam na rin sila sa amin. Sumabay si Kuya kay Kuya Lucas at Kuya Elijah. Gamit naman nila ay van, kaya kasya sila.

"Bati talaga tayo? Sorry na. Joke lang iyon, promise."

"Ayoko."

"Biro lang iyon, promise. Eh, ako nga nagustuhan din naman kita kahit minor pa lang ako. One year lang naman age gap natin!"

"Why are you shouting, baby? Magkaharap lang tayo."

I leaned in his shoulders. Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin.

"Busy ka na next month. Everyday training mo na naman. Will surely miss you."

"I will miss you more, baby. Don't worry, hahanap pa rin ako ng time for you."

"Masyado ka nang mapapagod."

"Then? Nakakapagpahinga naman ako, tuwing magkasama tayo."

"Alagaan mo sarili mo, ha?"

"Don't worry about me."  He leaned in and kissed my forehead. "I'll be okay as long as you're okay."

"Sa sobrang pag-aalaga mo sa akin, baka nakakalimutan mo nang alagaan din sarili mo."

He chuckled. "No, baby. Don't worry, I'm fine as long as you're fine.  Nakakapag-rest pa naman ako nang mabuti."

Yumakap ako sa kanya. "Thank you! Babawi ako sa iyo."

"Bawing-bawi ka na, baby. I will always love you until my last breathe."

~

"What's your schedule, baby?" Katatapos lang ng enrollment ko for second year today. Naglalakad kami pauwi ng apartment.

Andoon na kasi si Kuya, at ihahatid ako sa bahay.

"Tuesday to Thursday, love."

"Wednesday to Friday ako."

Pagkarating namin sa apartment, busy siya sa phone niya para mag-ayos ng schedule ko.

"Do you still want to work, baby? You might get too tired. Halos major subjects na ito and more practical." His voice filled with concern.

"Kaya ko, love. Promise."

"Bunso, iyang pera andiyan lang 'yan. Baka naman mapagod ka nga nang sobra. Pinayagan ka namin mag-work, pero 'di ibig sabihin uubusin mo sarili mo."

"I promise, kaya ko. Magsasabi agad ako if need ko na mag-focus sa study."

Thankful ako kay Ice, kasi hindi niya ako pinipigilan mag-explore, mag-try ng mga bagay na bago sa akin. Noong una talaga, ayaw niyang mag-work na agad ako, pero I assured him na I'll be fine.

"That's a promise? Magsasabi sa akin if hindi na kaya?"

"Promise, love. If need ko na talaga mag-focus, if hindi na kaya ng time ko, magsasabi ako sa iyo."

Nakikipagtitigan pa siya sa akin na parang hinuhuli ako.

"Two days lang pasok mo sa restaurant," aniya.

I scooted closer to him, my hand reaching for his.  "Make it three, please?  Friday to Sunday, then Monday is my rest day.  It feels awkward to only work two days."

"They'll understand it naman baby. Beside, part-timer ka pa lang naman. Hindi ka pa full-time."

I remained silent, my gaze fixed on the floor. 

"I'm just thinking about you, baby.  You'll be exhausted. Your subjects are getting more demanding, and I ayaw lang kitang mapagod nang sobra."  His voice was laced with concern.

Nakayuko lang ako at nilalaro ang mga daliri ko. "Kaya ko naman, e." I said in a low voice.

"Yes, baby, I know kaya mo. We are just worried sa health mo. School is already tiring, and then you'll be tired from work too. Ikaw naman ang kawawa niyan."

Tumango na lang ako. "Okay."

Lumabas si Kuya para makapag-usap kami ni Ice.

"I'm just worried, baby. I don't want you to burn yourself out."

"Sige na, iyon na lang. Two days." Pilit akong ngumiti sa kanya.

"You really want to work?"

"Huwag na po. Okay na po iyong two days."

"Sorry. I'm just really worried." He squeezed my hand. "Okay, I'll make it three days. But, half day lang iyong Sunday."

Hindi pa rin ako umiimik. Kaya ko naman, e. Magsasabi naman ako kung hindi na kaya.

Napatingin ako sa kanya. Kunot ang noo niyang nakatingin sa schedule ko.

Bigla akong nakaramdam ng guilt. He's tired from his training, and he supposed to take a rest during his break time but sinamahan niya ako rito.

"S-Sorry. I'm fine with two days, love."

"Why are you saying sorry, baby?" He hold my hands.

"Nagiging pasaway ako. I know gusto mo lang iyong best for me."

"It's okay, baby. I know kung gaano mo kagusto mag-work, kapag nagkaroon ka mas maayos na schedule, I promise, papayagan kita kahit three days. Ayaw ko lang i-risk mo studies mo. Lalo working in a restaurant is physically, mentally, and emotionally draining."

I nodded. "Sorry. Thank you for your patience."

Lumapit siya at niyakap ako. "I got you, baby."

We agreed na kapag wala akong masyadong gagawin, pwede akong mag half day sa work.

"Kailan balik mo here?"

Naka leave kaming mga working students sa work namin to prepare for new academic year.

"Baka next week na, before start ng class."

"Ingat kayo, Vin. Message me, ha?"

"Ingat ka rin. Uwi na agad after training, ha? You can stay here naman if hindi na kaya mag-drive."

"Yes, miss ma'am."

Mabuti at naging mabilis ang naging byahe namin pauwi sa bahay. Si Manang nadatnan kong pinapaliguan ang aso kong si Reign. Ang cute dahil she's pregnant again.

"Good afternoon, Daddy."

"When did you start working?"

"L-Last March po."

"Huwag ko lang makitang magkaroon ka ng mababang grades, Amari."

"Don't worry, Daddy. I will work two days a week when start na ng classes namin."

Hinanap ko si Mommy pero hindi sumagot si Daddy.

Inayos ko lang ang kwarto, tho malinis naman. Na-miss ko rin itong study table ko, dito ako umiiyak noon. Dito ako nagpupuyat noon.

Maaga akong natulog kagabi, nakalimutan ko na nga iupdate si Ice. Kinaumagahan, isang message lang galing kay Ice ang natanggap ko, iyon ang nakakapagpakunot ng noo ko.

From: Lovey ♡
Baby, sa labas me mag-dinner, malapit sa apartment mo. Sa apartment mo muna ako matutulog, maaga training ko bukas, e. I love you!

Ito lang ang message niya, at kagabi pa ito.

Hindi ito normal, dahil lagi siyang may five messages pataas everytime nakakatulog agad ako. Even sa facebook and instagram, wala siyang message.

I tried to call his numbers, unable to reach. Nagmadali akong lumabas para gisingin si Kuya, fortunately kalalabas niya rin ng kwarto niya.

"B-Bakit?" tanong niya habang nagkukusot ng kanyang mata.

"Can you call Ice? I'm worried, iisa lang message niya sa akin. Hindi ko siya ma-contact, e. His last message was last night, at 8 pm. After that, w-wala na."

Agad kumilos si Kuya. Hindi rin niya matawagan si Ice. Hindi rin ma-contact.

I immediately call Kuya Adrian, iyong teammate ni Ice. And wala pa rin daw roon si Ice.

"Tumawag ako sa mga iba niyang teammates, wala raw siya roon."

Minessage namin iyong gc namin na baka nakita nila si Ice to update us agad.

"What's his last message?"

"Kakain lang daw siya malapit sa apartment. Hindi siya uuwi kasi maaga raw ang training niya."

I am already crying. Huwag naman sana, wala naman sanang masamang nangyari sa kaniya.

Mabilis na pinaharurot ng kapatid ko ang sasakyan pauwi sa apartment. Agad akong pumunta sa apartment ko, wala siya roon.

Chineck namin ang cctv footage. Nakitang umalis si Ice, pero hindi na siya nakitang bumalik. Pina-check namin sa back gate ng apartment, pero wala talagang Ice na bumalik.

I am now shaking because of fear. Natatakot ako na kung baka ano na ang nangyari sa kanya.

"Ako guard na naka-duty kagabi. Kaka-in ko noong palabas siya. Wala naman akong nakitang kakaiba sa kanya. Inaaya pa nga niya akong kumain, sa may 24/7 tapsilogan malapit dito. Check niyo cctv doon."

"Be positive, bunso. Okay lang si Ice, okay lang siya."

Pilit pinapatatag ni Kuya ang loob ko dahil uniiyak na ako sa kaba. I know Ice, kahit na gaano kaaga ang training niya, palagi siyang nag-iiwan ng message, mag-s-send siya ng pictures to update kung nasaan na siya, pero today wala akong natanggap. Ramdam kong may hindi magandang nangyayari.

We checked the tapsilogan near here, pero under maintenance raw ang cctv nila simula kahapon. At wala na iyong mga naka-duty rito kagabi.

Ilang oras na pero wala pa rin siya.

Please, be safe, love.

Tinawagan na namin si Tita Isabela, nagbabakasakali na he's there.

"T-Tita, good morning po." My voice trembling.

"Hello, anak ko. Are you crying? May ginawa ba si Ice?"

Umiiling ako na parang nakikita naman ako ni Tita Isabela. "N-No po, Tita. I j-just wanna ask po if he's there?"

"Akala ko kung inaway ka na ng anak ko. No, anak. Wala siya rito. Galing din akong condo niya, andoon ako kagabi. Bakit?" Mahinahon na pagkakatanong ni Tita sa akin.

"T-Tita, h-hindi ko po mahanap si Ice. He's last update was last night. We already checked the cctv here po sa apartment, hindi po siya nakita na bumalik."

Natulala si Tita Isabela sa narinig. Hindi nag-process ang sinabi ko sa kanya.

"W-What do you mean, anak? M-My son's missing?"

Ramdam ko ang takot sa boses ni Tita Isabela.

"Where are you? I'll message our security. Wait for me there, Amari."

Napaupo na ako dahil sa pag-iyak. Ramdam ko ang pagkalamig ng buong katawan ko.

Sinubukan pa rin naming tawagan nang tawagan pero wala talaga.

Ilang saglit dumating si Tita Isabela, andami niyang kasama na security.

"Can you please check around the area?"

"What's his last message, anak?" Tita Isabela trying to stay calm.

Ipinakita ko ang cellphone ko. "After this, wala na pong update."

Bumalik kami ng apartment. Ipinahanap din siy malapit dito. Tita Isabela was so busy to contact some of their connections para makatulong sa paghahanap.

Dumating si Kuya Lucas at Kuya Elijah.

"Wala pa rin ba?" tanong ni Kuya Lucas.

"Negative. Kahit cctv malapit sa area kung saan siya kumain, wala."

May mga dumating na security palapit sa amin.

"Any news, please?"

"Nakita po nila si Sir Ice, and positive na roon po siya kumain. Nagmadali raw pong umalis."

Hindi na rin mapakali si Tita Isabela, pero pinipilit niya na ikalma ang sarili niya.

Dumating na rin ang coach nila rito, at kinausap si Tita.

"Amari, anak, go home muna, ha? I'll update you guys, kapag nahanap ko si Isaac."

"I can't, Tita. I'll help po.

Hindi ako mapapanatag kapag nasa bahay lang ako.

Please, love, please I hope you're safe. I hope you're okay.

Buong maghapon na ang lumipas, at wala kaming Ice na nakita. Wala pang kain, pero hindi ko na maramdaman ang pagod, ang gusto ko na lang ay mahanap si Ice.

Umuwi kami saglit, susunduin daw kami ni Tita Isabela rito mamaya.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang, dinig na naman ang sigawan ng mga magulang ko.

"Ang kakapal ng mga mukha niyo!"

Isang malakas na sampal ang dumapo kay Mommy.

"Hayop kayo! Mga walang hiya!"

Hawak-hawak ni Mommy ang pisngi niya habang tuloy sa pag-iyak.

"Daddy, ano ba?! Ano na naman ba 'to?!"

Ngumisi si Daddy. "Ask your Mom, Arvin. Tanungin niyo magaling niyong ina!"

"Hayop kayo. Hindi na kayo nahiya sa mga pinag gagagawa niyo! Nakakadiri kayo." Mariin na ani ni Daddy.

"Pagod na ako, Gabby!"

"I am also tired, Amara! Pagod na pagod na ako sa kagaguhan niyo!" malakas na sigaw ni Daddy at ramdam ang galit.

Inihagis niya ang flower vase. "Putang ina! Alam mo pinagsisisihan ko?! Iyong pinakasalan kita! Kasi putang ina! Simula noong pinakasalan kita? Nagkanda gulo-gulo ang buhay ko!"

Sobrang sakit na marinig ang mga 'yon kay Daddy.

"Daddy, please, stop." Lumapit ako sa kanila.

"You know anong ginawa ng magaling na babae na 'yan?!"

"Stop, Gabby!" Sinubukang awatin ni Mommy si Daddy pero nakatikim lang ulit siya ng malakas na sampal.

Napaatras agad ako.

"She's a mistress! She's a home wrecker!"

Nanigas ako mula sa pagkakatayo.

Hindi umiimik si Mommy, but she's crying. At wala na rin akong maiiyak.

Hindi ma-process sa akin iyong sinabi ni Daddy. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman ko.

I'm completely drained from everything that's happened in just one day.

What do you mean? My mom is a home wrecker? My boyfriend is missing?"

I'm so... lost.

~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro