Kabanata 21
I am attending Ice's recognition. Dean's lister siya noong first year, and today iyong ceremony. I am with Tita Isabela.
"You have classes after this?"
"Wala po. But, may plan po kami ni Ice to celebrate our...monthsarry."
"Second right? Ang bilis talaga. Saan ka raw dadalhin?"
"Actually po, nag-suggest po ako na sa condo niya or sa apartment ko po. Ayaw pa po niya noong una, pero pinilit ko po siya."
"Haynako! Pagastusin mo lang si Isaac, maraming pera ang batang iyan, dahil 'di naman siya mahilig bumili nang para sa kanya."
Iyon nga ang napansin ko kay Ice, hindi niya in-i-spoil ang sarili niya, pero iyong mga mahal niya ang in-i-spoil niya.
"Where is he pala?"
Inilibot ko ang mata ko sa buong Auditorium. "Andoon po sa section niya."
"You wanna go with him? Ikaw aakyat kasama siya?"
"N-Nakakahiya po, Tita."
"No, no! Its fine naman sa akin."
Nahihiya na akong tumanggi dahil pinilit ako ni Tita. Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang Mommy or Mama.
Mahigit isang oras na rin ang lumipas. Si Tita Isabela, nakatapos na ng ilang level sa candy crush niya.
"For Business Administration. Overall Top 1 for First and Second Semester, Rivera Isaac Miguel."
Napangiti ako nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan niya. Para na naman akong proud parent na pumapalakpak. Nakita ko ang pagtayo niya.
"Go, honey. Ikaw na sumama kay Isaac. I'll take a picture."
Sabay kaming tumayo ni Tita, pero ako ang sumalubong kay Ice.
Nakangiti siya sa akin, ngiting parang nang-aasar pa.
"Ms. Guanzon from Culinary, huh? Good job to the both of you, and congrats Mr. Rivera."
Dalawang medal ang ibinigay kay Ice, and dalawang certificates.
"Congrats. I'm so proud of you," bulong ko habang isinusuot ang medal sa kaniya.
"Thank you, baby. I believe, makakatanggap ka rin."
After the recognition, agad kaming dumiretso sa restaurant nila. Hindi kasi sanay si Tita Isabela na kumain sa ibang restaurant, lalo kung hindi sa kanila.
"Christmas break niyo ba muna before mag-exam?"
"Yes, Mommy. January na po exam namin." Agad akong nilingon ni Ice. "Ikaw, baby? May activity ulit kayo bukas?"
"Hmm... wala. Kapag iyong sa pagluluto, wala. More on written activity lang kami until Thursday, and then Christmas break na."
Naunang umalis si Tita, may site visit pala siya today sa ginagawang hotel and resort sa Batangas. And malapit na raw matapos iyon.
"Photobooth tayo," pag-aaya niya sa akin. May photobooth kasi sila rito sa isang restaurant nila.
Umiling ako. "Ayoko. Sabi nila may sumpa raw iyan, love. Mag-b-break daw."
Ginulo niya ang buhok ko. "May instagram ka?"
"Yep! Pero 'di ko ginagamit, naka-uninstall nga iyan sa akin."
Iniabot niya ang kaniyang phone. "Kaka-install ko lang din. Wanna know why? Si Isabel. Gumawa ba naman ng Instagram account niya. Andoon mga pictures niya."
Natawa naman ako.
I installed ulit iyong instagram. "What's your username?"
"Check your follow request, baby."
Napairap ako nang makita ang username niya. And at the same time napangiti dahil ang witty.
@iceonme_ requested to follow you
Isaac Miguel Rivera
@iceonme_
12 posts 10,029 followers 10 followings
@iceonme_ parang eyes on me ang dating. Sa kaniya lang ang tingin. Ang linis din ng feed niya.
"Sino nakaisip ng username mo?"
"Pangit ba, baby? Palitan ko na lang. Actually, sabi ng kuya mo, ang harot daw ng username ko."
"Oh? Sinabi ni Kuya iyon?" Tumawa ako. "Magkapatid nga kami."
Pabiro niya akong sinamaan ng tingin. Pero agad ko rin namang sinabi na maganda and witty iyong username niya, at 'wag niya nang papalitan.
After kong asarin nang asarin, nag-grocery kami, at umuwi na sa condo niya. I'll sleep here, and doon siya kay Ate Ishy makikitulog.
"Love..."
"Hmm, baby?" Mabilis na sagot niya sabay tingin sa akin.
"Ivy messaged me. Andoon daw siya sa condo ni Ate Ishy, and doon daw muna ako. Is it okay lang sa iyo?"
He chuckled. "Sure, baby. Mag-s-send lang din me ng email sa mga applicants, then pupunta na ako roon."
"What are you doing here, Ivy?" Ice asked, puno nang pagtataka nang makita si Ivy na nasa lobby ng condo.
"I'm waiting for Amari!" Kinuha niya ang kamay ko at dahan-dahang hinila kay Ice. "Una na kami. Si Ivan ay Ishmael nasa unit mo na. Babush, Kuya Isaac!"
Nahila ako dahil sa pagtakbo ni Ivy.
"Sorry. Na-excite lang. Ipinahiram sa akin ni Ate Ishy 'yong instax niya. Uubusin ko 'yong films niya."
She's so excited. Pero she can buy naman for herself talaga. Baka gusto lang niyang asarin si Ate Ishy?
"I can buy for myself naman, but minsan lang magpahiram si Ate Ishy ng gamit niya. Maganda yata ang gising niya today."
Nakarating kami sa unit ni Ate Ishy. Ang calming ng unit niya. May isang malaking television siya, and color sky blue na sofa. May bookshelf din siya sa gilid, and shelf na puro medals and certificates.
"Sorry, it's a little messy. I just finished reviewing. Feel at home, Amari. If you need anything just let me know..." Ate Ishy paused, glancing at Ivy who was busy with her Instax. "Don't ask Ivy."
Ate Ishy is so pretty. Mukha siyang model, for real, idagdag pa 'yong height niya. I just really don't know how to approach her sometimes. Ang intimidating ng aura niya. And minsan lang siya magsalita pero palaging may laman na kahit si Ice minsan hindi na sumasagot.
"Did you eat? I ordered some foods. Me kasi hindi pa kumakain, Ivy can't cook." Napairap si Ate Ishy, Ivy just laughed. Sanay na talaga siya kay Ate Ishy.
"Ate Ishy?" pagtatawag ko.
Agad siyang lumingon sa akin. Walang emosyon na mabasa sa kanya.
"You're so pretty. Are you a model?"
Bigla siyang ngumiti sa akin. Very rare! Sana nakuhanan ko ng picture iyon.
"She is!" Ivy answered at tumakbo palapit sa amin. "Hindi ba nakwento ni Kuya Isaac? Sabagay, nahihiya si Ate Ishy about dyan noon."
"Daldal mo."
Si Ate Ishy pala iyong cover ng magazine na naka-display sa shelf niya. Ayaw raw niyang sumali sa Beauty Pageant kahit may mga camp or management na gusto siyang kuhanin.
Nakaidlip ako sa kwarto ni Ate Ishy, dahil naubos ni Ivy ang energy ko. Medyo madilim na rin nang nagising ako.
Paglabas ko ng kwarto ni Ate Ishy, I saw Ice, nakaupo, habang busy sa rubik's cube niya.
"Love..."
Mabilis niyang binitawan ang hawak at nilingon ako. "You're awake na. Hello, baby." Lumapit siya sa akin. "Inubos ba ni Ivy energy mo? Lumabas sila, pero pabalik na rin."
Nakarating na rin sila Ate Ishy.
"Una na kami."
"Thank you, Ate Ishy."
"Babush! Huwag munang gagawa ng pamangkin, ha?!"
Agad binatukan ni Kuya Ishmael si Ivy. Bigla yatang nagsiakyatan lahat ng dugo ko papuntang mukha ko. Ramdam ko ang hiya.
"Don't mind her."
Hinintay muna namin silang makapasok.
"Let's go. Baliw 'yan si Ivy."
Pagkapasok namin sa condo niya, naka lights off. Pero may kung ano siyang inopen, at bahagyang lumiwanag ang condo.
May candle light dinner na naka set-up sa dining area niya. Nagkalat ang petals ng roses sa sahig.
"Happy second month."
Lumapit siya sa akin habang may hawak na bouquet of roses.
"Kainis ka! Happy second month."
He kissed the top of my head.
May romantic music din. Ang gaan sa pakiramdam.
We started eating. Lagi siyang gumagawa ng way para mapasaya ako, para maging memorable bawat araw.
"Baby, I have a gift for you."
May inilapag siyang maliit na paper bag. From the brand pa lang, I know na mamahalin na ito.
Dalawang jewelry box ang andito. Agad kong kinuha ang isa, and it's a customized watch. May nakalagay na maliit na name ko sa gitna. At ang isa nama'y earrings.
"T-Thank you, love. Ang m-mahahal nito."
"Don't mind the prices. You deserve that. Look, same tayo ng watch." Nakangiting aniya.
After nang pagkain namin, we decided to watch movie. Ang loko nag-suggest pa ng horror.
"Ganiyan mga movie, 'no? Magkakakilala, break up, magkikita ulit, then magkakabalikan."
"Hmm... as long as they still love each other and there's no cheating. Why not, baby?"
"What if mangyari din sa atin iyan? What if may isang mag-cheat sa atin?"
"That will never happen, baby. At sinong mag-c-cheat sa atin, baby? I trust you, wholeheartedly. I know hindi mo gagawin iyon. And, ako rin, hindi ko rin gagawin iyon sa iyo. Never."
Hindi namin alam kung anong magiging plano ng tadhana sa amin. Pero I know this man will do everything to protect me. And I'll do the same. I'll never do something na ikakasira naming dalawa.
Nasa kalagitnaan na kami nang pinapanood namin. Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig dahil may sex scene iyon.
Napatikom ako sa bibig ko, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
"You looked so tense, baby." Ice stated.
Pero naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim.
Ako pala ang tense, huh?
"I didn't expect that... sana nag-horror movie na lang tayo," aniya, pero bakas sa boses niya ang kaba.
Naramdaman kong pinapaypayan niya ang kaniyang sarili.
As we continue watching the movie, ramdam kong bigla akong naiinitan kahit naka on naman aircon dito.
"I t-think maybe we need to s-sleep na. Something a little less...intense." he murmured, a touch of shyness in his voice.
I nodded, a soft laugh escaping my lips. "Ahm... yes. I t-think, you should s-sleep here na lang?"
"We can't sleep in the same bed yet, baby."
"Here..." Itinuro ko ang sofa bed niya.
"Oh, right!"
"I thought ako 'yong tense sa ating dalawa, love?" Pang-aasar ko, para 'di maging awkward.
"I love you."
"I love you more, my Isaac. Thank you for tonight."
Tinulungan ko muna siyang ayusin iyong sofa bed niya.
I roamed my eyes in his room. May mga photo albums ang andito sa side table niya, and mukhang bago ang mga 'to.
My Amari ang isang name naka naka-imprint sa photo album. Just Amari and Isaac naman ang nasa pangalawang photo album.
The first photo album he made for me was full of my pictures. Most of them were candid shots. There were selfies too, some goofy, some serious, each one reflecting a different side of me. And at the back, he had written - My favorite view is always you.
The second photo album was a celebration of us. It was a treasure of selfies we took together. There were mirror shots. And at the back of this album, he wrote - Smiling because life is good with you.
Oh, to be loved by you, Isaac.
I ran out of the room, I found him praying. His eyes widened when he saw me, tears streaming down my face. He quickly rushed over, at niyakap ako nang nahigpit.
"Baby, what happened? Go on, you can cry," he said soothingly, his voice filled with concern.
He pulled away slightly, gently wiping away the tears on my cheeks with her thumb. "What's wrong, baby? Tell me, please? Nag-aalala ako." His eyes, filled with concern.
"I was looking at the photo albums... the ones you made for me, and for us."
"The ones with all your pictures? And the ones with me?" he asked, his voice soft.
I nodded at napayuko. "I was so happy... and I felt so loved. Thank you."
"Those photo albums... they're just a small reflection of how much I love you, baby. You're worth so much more than pictures. Stop crying na."
Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa tabi niya, bago niya ako inihatid sa kwarto.
Masiyado na siyang maraming nagagawa para sa akin. Gusto ko rin maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal kahit sa simpleng way lang.
I opened my instagram account, and naisipan ko to post our pictures kanina.
@heyitsgracey_
two months down. forever to go. thank you for everything, love. te amo, @iceonme_ ♡
@iceonme_ liked your post.
@iceonme_ commented : will do everything to make you happy and feel love. anything for you, miss ma'am. i love you. ♡
~
Nag-aayos ako today ng gamit. Christmas break na namin. Ihahatid ako ni Ice sa bahay today.
"Done na baby?"
"Minamadali mo ba ako?" I asked.
Hindi siya na-offend, mahina siyang natawa kaya napairap ako. "Okay, bawal galitin. Red days."
"Do you want to eat something?"
"Nope."
Tahimik ako buong byahe. Na-b-badtrip ako dahil dito.
Pagkarating namin sa bahay naabutan namin si Kuya and Ate Daisy sa mau garden.
"Ba't nakabusangot 'yan, Isaac?"
"Red days."
Pumasok ako sa kwarto para magpalit. Sobrang sakit lang talaga ng puson ko.
"Anak ko?"
"Manang!" Agad akong napayakap kay Manang. "Aalis ka po?"
"Mag-g-grocery ako. May gusto ka bang ipabili?"
Umiling ako bago nagpaalam.
Nakatanggap ako ng text message mula kay Ice.
From: Lovey ♡
Baby, andito si Lorraine and Bianca. Sinabi ko you're sleeping.
Agad akong tumakbo palabas.
"Lorraine! Bianca!"
Hindi na sila nakasagot dahil agad akong yumakap sa kanila.
"Missed you both!"
"Grabe! Bet ko katawan mo now, omg!"
"Hoy, baka mabati," sagot naman ni Bianca. "Miss ka rin namin. Nakasalubong ko nga lang tong si Lorraine, hinila ko papunta rito."
"I think, here kayo matulog."
"Agree! Papayagan ako."
Agad silang nagpaalam sa guardians nila, mabuti at pinayagan sila.
Nagsidatingan bigla ibang tropa ni Kuya. ?
Wow, reunion.
Tumabi sa akin si Ice. Sus, mga galawan. Magpapaalam 'to kung pwede siyang uminom.
"Hindi." Pinangunahan ko agad kahit wala pa siyang sinasabi.
"Hindi, ang alin, baby?" He asked curiously.
I look at him. "I know you, love. Magpalaalam kang iinom."
Mahina siyang tumawa at ginulo ang buhok ko. "I won't drink, baby. I need to drive pauwi."
Nakipag-fist bump ako sa kanila. Wala palang aalis sa kanila. Pare-parehas kaming walang ibang pupuntahan ngayong break.
Busy makipag-chismisan si Gabby kay Lorraine and Bianca. I invited Pau and Angelica, I explained na biglaan lang ito. Mabuti at nakarating sila.
"Miss ko si Ate Margarette. Wala tuloy Ate Marga and Kuya Uno na nag-aaway sa gilid."
"Umuwi ng Japan. Si Uno, nilalagnat. Pinuntahan ni Lucas, mataas nga raw lagnat. Kumusta ka? Masakit pa?" he gently asked.
Tumango ako. "I'm kinda sleepy. But minsan na lang ulit ito." Isinandal ko ulo ko sa balikat niya. "
"Take a nap. Hindi ka naman guguluhin kapag nakita ka nilang nagpapahinga."
Naririnig kong balak nilang matulog dito dahil wala sila Mommy and Daddy. Si Daddy wala talaga, umuwi sa province dahil may sakit ang Lolo. Si Mommy? Hindi namin alam kung bakit 'di siya makakauwi.
Ilang oras din silang nagkakasiyahan.
"Uwi ka na?" I pouted.
Gusto ko pa sanang mag-stay siya pero may family dinner din kasi sila.
"Yes, baby." Inaayos niya ang buhok ko. "I'll be there tomorrow morning. Anong breakfast gusto ng baby na 'yan?"
"Cupcakes."
"Ayon lang?" tanong niya sa akin. I nodded. "Noted, baby."
"Yes, sa wakas! Wala na akong makikitang nagbebebetime," pagpaparinig ni Gabby sa amin.
Nakipag-fist bump siya kina Kuya.
"Sleep early, okay? Don't forget to eat dinner. Message me agad if you need something." He kissed my forehead. "I love you."
Pagkaalis niya tumabi ako kay Ate Daisy. "Tara sa pwesto nila Gabby, ate."
Wala na siyang nagawa. Hindi na rin nakaangal sa akin si Kuya.
"Hi, teh! Huwag ka na talagang mahiya sa amin," si Lorraine.
"Paano wala kang hiya," si Bianca.
"Ewan ko ba't tumagal pagiging magkaibigan nating dalawa," sagot ni Lorraine.
Ganyan-ganyan lang si Bianca, pero she's softhearted.
"Gabi ng pangungulila ang atake mo."
"Gabing kay lungkot, kay sakit."
Inaaya naman talaga ako ni Tita Isabela, but hindi ko talaga kaya 'yong sakit ng puson ko.
Busy lang silang nagkwe-kwentuhan. Nakatingin ako kay Lorraine and Bianca. I really missed them both.
"Nauubos na naman energy ko kay Lorraine." Tumabi sa akin si Bianca. "Ang healthy mo tignan ngayon. I mean, do you still remember? Junior high tayo, sinasabi mo gusto mo mag gain ng weight kasi feel mo mas bagay sa iyo? Tama ka. Ang ganda mo lalo. Love your glow, bff!"
"Thanks to him. Really, after class, dumidiretso pa siya ng apartment, ipinagluluto pa ako for dinner. May pa grocery din si Tita Isabela sa akin. Minsan may pa food delivery pa si Isaac."
"Beside sa food, kaya ka nag glow ng ganyan, because you're happy. He's treating you right, as he should."
I smiled. "He's so consistent, B."
Nagtayo ng tent sila Kuya sa labas. Magkakasama sa guest room si Ate Daisy, Gabby, Pau, and Angelica. Mas maluwag kasi roon. Kaming tatlo nila Bianca ang nasa kwarto. Nauna na silang natulog. I was about to close my phone nang may nakita ako.
Post ng Lola nila Ice, and she's there.
Ivina Cojuangco posted a photos
family dinner with our beautiful Zephanie.
And dahil sikat at isa sila sa pinakamayamang company owners, marami agad likes iyon. Nagbasa ako ng ilang comments, tinatanong kung si Zephanie raw ang future grand daughter in law, she replied a heart emoji. Naka turn off na rin ang comment section.
Andaming photos, nakikita ko dahil friend kami ni Tita Isabela.
Magkatabi silang dalawa, they looked so good together.
Hindi ko namalayang may tumutulong luha na pala sa akin. Ang sakit na makita silang magkasama.
Nag-react ako ng heart sa bawat pictures, para aware silang nakikita ko, kahit na alam kong walang pakialam si Lola niya.
After just a minute, nakatanggap ako ng call kay Ice. Hindi ko sinagot iyon, lahat ng call niya, declined. I off my phone para 'di niya ako matawagan.
Late na ako nagising, wala na nga rito si Lorraine and Bianca sa tabi ko. Sumilip agad ako sa labas, at nakitang andito na ang sasakya ni Ice.
After kong maligo, agad akong bumaba, and I saw him. Hinihintay ako sa living area. Napatayo siya agad nang makita ako.
"Stop. I'm not in the mood right now."
Sinundan niya ako hanggang sa paglabas.?
"Ang puffy ng eyes mo. Did you cry?" Gabby asked at napatingin silang lahat sa akin.
"M-May napanood lang akong movie kagabi. Masakit lang, k-kaya nadala ako."
Napatingin ako kay Kuya Lucas na nakatigin ngayon kay Ice na nasa gilid ko.
Nakatabi lang siya sa akin, tahimik. Ginamit ko na lang ang phone ko. I blocked him before ako matulog.
"Baby..." he whispered. He tried pa na hawakan ang kamay ko pero mabilis ang naging pag-iwas ko.
Binigyan ako ni Kuya Harold ng pagkain, at tumabi siya sa akin.
"What's with the long face, Amari?" he asked. "May gift ulit ako for you."
Napatingin ako sa kanya at inabutan niya ako ng paper bag. "I think alam ko na kung ano ito."
Ngumiti lang siya sa akin. "Hindi na kita nakikitang nagsusuot ng ribbon ponytail mo, kasi lagi ka ng naka bun. Pero I bought that pa rin, kasi ikaw ang naaalala ko."
"Thank you, Kuya!" Nakipag fist bump ako sa kanya.
He's looking at me, matagal. At nakangiti. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang dumating si Kuya Lucas para tawagin ako.
Sa halos buong morning, hindi ko kinakausap si Ice. I know I need to hear his explanation first, pero masyado akong napapangunahan ng pain.
"Amari, tara dito!" Pagtawag sa akin ni Kuya Harold.
"Dito ka lang sa tabi ko," seryosong aniya.
I don't know pero napasunod na lang ako.
"Did you eat na?"
Lumingon ako sa kaniya. "Why you didn't tell me?"
"I didn't know also. Hindi ko alam na andoon siya. I was there because nag-t-tantrums si Isabel. Ayaw niyang kumain kapag 'di ako ang katabi niya. As you can see sa mga posted photos, I'm not looking, because naka-focused ako sa kapatid ko. Hindi ako kumain doon. Umalis ako kaagad."
Nakatitig lang ako sa kanya, gano'n din siya sa akin.
"I don't know kung papaano ko sasabihin sa iyo 'yon kagabi because masaya tayong nag-uusap, and I decided na sabihin na lang kapag nagkita tayo. Wala akong alam sa pinost ni Lola noong gabi, tumatawag ako dahil gusto kang makausap ni Isabel."
Napatikom ako ng bibig ko.
"You blocked me, and wala akong idea kung anong nagawa ko. Until kaninang morning, sinend sa akin ni Lucas iyong pictures. Wala akong idea about the post because I blocked my Lola."
"H-Hindi ka sumabay sa kanila?"
"No, baby. Mas kaya kong tiisin gutom ko kaysa makipag-plastican sa kanilang dalawa roon. I'm sorry, hindi ko agad sinabi. My fault. Kung 'di lang umiiyak si Isabel, bumalik na ako rito."
"I am sorry. Napangunahan ako ng pain, and selos. N-Nakita ko kasi na magkatabi kayo. And, bagay kay-"
"Ssshhh. Mas bagay tayo. Trust me, baby. I am also hurt, because I know that you're hurting. Nakita ko lahat ng screenshots na naka-react ka sa lahat ng photos. I am so sorry."
Mas dumikit siya sa akin. Kulang na lang yakapin ako. "Unblock mo na ako." Natatawang aniya.
Agad ko namang ginawa iyon at bumungad sa akin iyong shared post niya.
Isaac Miguel Rivera shared Ivina Cojuangco's post.
I am already in a happy relationship with my girlfriend Amari. Zephanie was just my childhood friend. Kindly respect my girl. Thanks. :)
"I unblocked her kanina. Nabasa ko comment sections, naiinis lang ako."
"Sorry ulit."
"Your feelings are always valid, baby."
Inaya ko siya para sumama sa mga kaibigan namin.
"Sa akin ka tatabi." Pagpapaalala niya kaya tumango ako.
May sinasabi si Kuya Lucas kay Ice na hindi ko maintindihan. Masyado silang seryoso.
And parang ang awkward ng atmosphere dito.
"May magkakagalit ba rito?" Hindi ko maiwasang itanong.
Mabigat kasi dibdib ko pagkaupo namin dito. Pakiramdam ko may magkagalit or may hindi okay rito.
Lahat sila napatingin sa akin, may halong pagtataka sa kanila.
"Ang awkward."
"Ganyan yan si Amari, kapag may na-feel iyan, malamang totoo iyon. So, sino magkagalit dito?" si Lorraine.
"Baka naninibago ka lang Amari, dahil ngayon lang ulit tayo nagsama-sama," si Kuya Lucas bago siya ngumiti sa akin.
Seryoso akong tumingin kay Ice.
He threw his hands up in surrender. "I'm innocent, baby. Kanino naman ako magagalit sa kanila?"
"Defensive?"
"Guys, kung may magkaaway rito sabihin niyo na please. Ako aawayin ng girlfriend ko magdamag. Awa na lang, guys." Pagbibiro niya pero agad siyang lumapit sa akin. "Naninibago ka lang, baby."
Tumango na lang ako. Nilingon ko si Kuya Harold, at napansing nakatingin siya sa akin. I looked at my back dahil baka may tinitignan siya roon, at natawa akong napatingin ulit sa kanya, ganoon din siya.
Ilang oras din ang lumipas at nagsiuwian na sila. Ang natira na lang dito ay si Kuya Lucas, Gabby, and si Ice.
"Tamo kapatid mo, nalungkot umalis si Elijah."
"Bwisit ka talaga, Isaac Miguel Rivera!" Agad na pagbawi ni Gabby. "Hindi naman, Kuya! Nananahimik ako rito, e! Awayin mo 'yan Amari."
~
I celebrated Christmas and New Year with them, second time ko na ito. Hindi nakauwi si Daddy, si Kuya and Ate Daisy naman ang kasama ni Mommy sa bahay.
Ang bilis lang din nitong second semester namin. We are almost done na rin sa second semester, and today's my birthday. Legal age na ako, but ayoko i-celebrate nang masyadong maraming magagastos. Okay na iyong lumabas ako kasama closed friends and loved ones ko.
Kauuwi ko nga lang sa apartment. Bitbit namin ni Ice lahat ng gift ng mga kaibigan ko sa akin.
"Hindi na siya baby. Legal age na siya, matanda na." Kanina niya pa ako inaasar ng ganyan.
"Whatever, palibhasa matanda ka na."
"Joke lang. You're still my baby." Paglalambing niya sa akin.
Yumakap ako sa kaniya. "Napagod ako."
Mas yumakap siya nang mahigpit sa akin. "What do you want, baby?"
"Kiss," pagbibiro ko sa kaniya.
Natahimik siya at mahinang pinitik ang noo ko. "Nag legal age lang, tumatapang na."
I felt a wave of heat rise up my neck, and I looked up at him, his face inches from mine. His eyes held mine. The silence stretched.
He leaned closer, his gaze lowered to my lips. "Can I?" He whispered, his voice husky.
My heart was pounding. I nodded, my gaze fixed on his lips.
Mas naging malapit siya sa akin. His face slowly approaching mine.
His lips brushed against mine. I slowly closed my eyes, feeling his soft kiss. He tasted of mint.
His hands cupped my face, his thumbs gently stroking my cheeks. The kiss deepened, his lips moving against mine with a growing intensity. My fingers digging into his shirt, pulling him closer.
He pulled back slightly. I met his gaze. I can feel his love through his eyes. "I love you," he whispered.
He leaned in again, his lips brushing against mine. The kiss was tender and passionate.
When he finally pulled back, a light blush colored his cheeks. He kissed the tip of my nose, a playful gesture that brought a smile to my lips.
I giggled. "May interview sa restaurant mo tomorrow? Eksakto, may importante rin akong pupuntahan."
"Where are going, baby? Sinong kasama mo?"
"Sila Gabby."
"So, where are you going nga?" malumanay na tanong niya.
"May need kaming isubmit na papers. Magpupunta kami sa library. Pero, huwag mo na kami ihatid. I'll update you naman agad."
Hindi niya ako pwedeng ihatid. Malalaman niya, baka makahalata.
"Pero I can sundo you naman, right?"
"Yes, love. You can sundo me after."
Kinaumagahan, maagang nag-message sa akin si Ice. Sinabi ko rin sa kaniya na paalis na kami. Pero ang totoo, ako lang naman.
Naka-formal wear ako, at itinali ang buhok ko. Kinuha ko ang envelope, dahil andoon ang mga requirements. Nag-book ako ng Grab papunta roon.
Naging mabilis lang ang biyahe. Kinakabahan ako dahil baka nakaharap siya sa door ng restaurant nila, makikita ako. Pero mabuti na lang at hindi.
May partnership ang Restaurants and Hotels nila a San Lorenzo University. Tumatanggap sila ng Part timers from SanLo, and iyong mga hindi kayang mag OJT sa ibang bansa, rito sila pwede. Kaya kaming mga taga SanLo talaga ang andito, dahil nag-open ang company nila for Part Timers.
Nakita kong nakasuot siya ng glasses niya. May pa-exam pa bago mag-proceed sa mismong interview.
"Taga SanLo ka rin ba?" may isang babae ang lumapit sa akin.
I nodded. "First year. BS Culinary."
Hindi ako pwedeng maging maingay, baka makilala niya ang boses ko.
"For back kitchen ba ina-apply-an mo?"
Umiling ako. "Dining Staff." Tumango na lang siya sa akin.
Makalipas ang halos dalawang oras kong paghihintay. Nauna na ang apat na pumunta sa harap.
"Last applicants na ba kayo?"
"I am here po. Sorry."
Naibaba niya ang suot na salamin pagkakita sa akin. Hindi agad nakaimik. Ngumiti ako sa kanya.
"Let's start with a quiz. You need to get at least thirty points. If you failed you can go home already. Kailangan mabilis maka-memorize, since Front of House kayo. Don't worry, madadali lang ang words. I'll give you thirty seconds to memorize, and thirty seconds to answer. Let's start."
After naming mag-quiz, pinabalik niya kami sa likod para i-check ang papers namin.
Nagulat ako dahil tag-iisa na siyang nag-i-interview, pero kanina nama ay by group.
"Ms. Guanzon."
Pagtatawag niya kaya pumunta na ako sa tapat niya.
Suot niya ang salamin at binabasa ang resume ko.
"Why you didn't tell me?" mahinang tanong niya.
"Magagalit ka."
"Let's talk about that later." Ibinaba niya ang resume ko at tumingin nang diretso sa akin.
I smiled sweetly. Nahiya yata at biglang itinakip sa mukha ang resume ko.
"Okay. Ms. Guanzon, tell me about yourself."
I answered agad-agad. Mabuti na-practice ko ito kanina.
"Are you willing to start immediately?"
"Yes, Sir."
"Since apos na ang second semester sa San Lorenzo, okay lang ba sa iyo na six days a week ang pasok mo? And aayusin na lang ulit iyon kapag may klase na."
"Yes, Sir. It's fine po."
Pabiro niya akong inirapan. "If you passed the interview, i-explain lahat ng salary na matatanggap niyo sa Job Offer Discussion. But today sasabihin ko na, minimum siya for now, then kapag tumagal na, magiging above minimum. May centralized tip din."
Tango-tango lang ako.
Nakipag shake hands siya sa akin."Did you eat?" biglang ang boyfriend ko agad ito. Kanina kasi mukhang si Isaac Miguel iyong kausap ko, ngayon si Ice na.
Umiling ako.
"Sabay tayong uuwi. Stay here muna. Order anything you want."
"Thank you, Sir."
Naupo lang muna ako. At may lumapit na Dining Staff sa akin. "Here's the menu, Ma'am. You can call me if ready to order."
Napatingin ako. I think matatagalan pa si Ice dahil may ilan pa ring nakapila. Hindi ko pa nga siya nakikitang kumain.
Kinuha ko ang phone ko para i-message siya.
To: Lovey ♡
Kain ka muna, kahit cake lang if ayaw mo pa mag heavy meal. Marami pang nakapila rito, baka mahilo ka na.
Nakita kong kinuha niya ang phone niya. Agad siyang tumayo at nagpaalam muna sa mga nasa harap niya.
May kausap siyang mga employee, at itinuro ako kaya agad akong yumuko.
Ilang saglit lang, pabalik na siya at may bitbit na cake and iced tea.
I started eating na rin nang may dumating na food sa table ko.
Halos dalawang oras din ang nakalipas at natapos na siya. Inaayos na niya ang mga resume at inilagay lahat iyon sa isang envelope.
Napangiti ako. Ang sipag niya. Naisasabay niya pa ito kahit nagiging busy na ulit siya sa training. But, unfortunately, hindi natuloy ang NCAC nong February. Mag-uumpisa na raw iyon sa July, because of some problems.
Agad niya akong pinuntahan. "Kaya pala excited ka kagabi, ha?"
"Sorry na. Kumain ka na."
Saglit siyang nagpaalam para kumuha ng pagkain niya, at binigyan niya rin ako.
"Kailan malalaman result?"
"Tomorrow morning. Iyong HR ang mag-s-send ng results. If siya nag-interview, ako ang mag-s-send ng results."
Umuwi na rin kami, sa condo niya dahil mas malapit dito.
"Baby, are you sure ba talaga?"
"Yes, love. Gusto ko rin magkaroon ng sarili kong pera. And para masanay na rin ako. Sayang naman kung nasa bahay lang ako nitong vacation."
"Mapapagod ka."
Tumabi ako sa kaniya. "Walang work na hindi nakakapagod, love. Wala ka bang tiwala sa girlfriend mo?"
"Of course meron. Maninibago ka lang, lalo kapag first day."
"Kaya ko, kakayanin ko. Promise! Nagpaalam din ako kay Tita Gelly, pumayag naman siya. Para if ever daw na matuloy ako roon, may record na ako ng work."
"Pupunta ka pa rin ng Canada?" humina ang boses niya.
"Siguro? Depende, love. Huwag mo na muna isipin iyon. Excited na nga ako mag-work sa iyo."
Nakatanggap na ako ng email na nakapasa ako. At katatapos lang din ng Job Offer Discussion namin ng kanilang HR.
Agad akong dumiretso sa school para tapusin ang clearance ko. More on written exam kami nitong Finals.
Nauna na nga ako sa mga kaibigan ko. Dumiretso ako sa gym dahil andoon si Ice.
Nakita ko siyang katatapos maglaro, water break yata nila.
"Love!" sigaw ko at patakbong pumunta sa kanya.
Sinalubong niya kaagad ako. "Hello, baby. Hindi pa kami makakalabas, e."
"No, love. Okay lang. I'm done na sa clearance ko. And I passed the inteview! Nag job offer discussion na kami kanina."
"Congrats!" He kissed the top of my head. "Medical mo today or bukas na lang?"
"Today, love. Para asikasuhin ko ibang requirements ko tomorrow."
"Hindi kita masasamahan today. Ayaw talaga kaming paalisin. I'll message Kuya Mando, para ihatid ka."
Hindi siya pinalabas ng campus, kaya hanggang parking area niya ako sinamahan.
"Hintayin ko na po kayo, Ma'am. Bilin po ni Sir Isaac."
"Okay po. Kain po muna kayo para 'di po kayo magutom."
Agad akong pumasok sa isang clinic. Wala kaming babayaran dito.
Ipinakita ko lang ang email from the company kaya nakapasok agad ako. Andaming tao, nakita ko rin dito iyong mga nakasabayan ko sa interview.
Naging mabilis lang ako, natagalan lang ako sa eye test. Hindi kasi ako agad pumila dahil kinakabahan ako.
"Done na, Ma'am. Direct to the company na po iyong results."
Tumango ako. Nakita ko si Kuya Mando na kumakain ng street foods sa labas.
Pabalik na kami ng SanLo. Nakwento ni Kuya Mando na nasa clinic pala kanina si Tita Isabela.
Dumiretso agad ako ng Gym, katatapos lang ng training nila.
"You done na baby?"
"Yes! Then, kailan ang on boarding if ever?"
"By next week Monday, baby. Did you check your email na? Ang alam ko nag-send na HR kaninang lunch."
Agad kong kinuha ang phone ko. At yes, may email na nga for onboarding.
"Excited ka na?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Yes, love! Super!"
~
On boarding namin ngayon. Andito kami sa isang parang office nila sa Quezon City.
THE LEGACY TABLE AND BAR ang name ng buong Restaurant Businesses nila under COJUANGCO GROUP OF COMPANIES
Pagkapasok, sinalubong kami ng mga Admin Staff. Nag-register and sumagot ng form.
Dumiretso kami ng second floor. Ilang saglit langumating ang HR, at inumpisahan na ang Orientation.
"Good morning! Welcome to The Legacy Table and Bar under the company of Cojuangco Group of Companies. How are you? Nakatulog ba kayo nang mahimbing? Later lunch, pupunta tayo sa isa sa mga restaurant. Since you're under the management of Mr. Isaac Miguel Rivera, ang deployment ninyo ay sa Italian Restaurant."
Tuloy-tuloy lang siya. Napa-wow kami sa service charge. Halos kapantay na niya iyong minimum salary namin kada month. Pero makukuha namin iyon after a month.
Nag break kami. Ang ibinigay nila sa amin ay tag three slices of cake and coffee. Galing din sa company nila.
"Hello, good morning."
Dumating si Ice. Kapag naka-corporate attire siya, si Isaac Miguel siya. Para talaga siyang ibang tao. Hindi ko maitago ang ngiti ko. Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto at nagtama ang mga mata namin bago siya ngumiti.
He discussed about the company's policy and about the contract.
Ang seryoso niya. Ang pogi niya tuwing sinusubukan niyang ayusin iyong salamin niya.
Ibinigay niya na ang contract sa amin. "Please, read and understand. If may question, don't hesitate to ask. In a few minutes, darating na rin iyong apron niyo and name badge na gagamitin sa Restaurant."
After namin mag contract signing, ipinasa na namin iyong requirements. Dumating na rin iyong Name Badges at Apron namin na nakalagay sa isang clear envelope na may business name nila.
"Mayroon kaming dalawang Italian Restaurants here in the Philippines. Namely, La Bella Cucina and Cielo Di Pasta. We have different branches here in the Phililpines. And I decided to deploy you sa La Bella Cucina. We have different branches around Metro Manila, and doon kami nag-base kung saang area kayo i-d-deploy."
Oh! Eksakto malapit lang iyan sa San Lorenzo, malapit sa apartment!
After discussion. May service na naghatid sa amin sa La Bella Cucina - San Lorenzo Branch. Pumasok kami sa isang private room, pero kita namin ang mga nasa labas.
"Don't worry, hindi kayo kita ng mga tao sa labas."
He discussed about the sequence of serving. "Watch them how the welcome the guest, how they present the menu."
After that, idiniscuss niya iyong menu, and dito kami nag-lunch.
"Sarap now, hirap tomorrow," sabi niya nang nakangiti. "Basta isa lang gusto ko. If nasa work, work lang. Kilala ko iba sa inyo, familiar faces. If nasa university tayo, tropa tropa tayo. Pero kapag about work, please i set aside muna pagiging tropa."
Natapos ang araw namin dito. May pa welcome gift sila sa amin na tote bag, t-shirt, cap, and also cup cakes.
"Wait for me, baby. May tatapusin lang ako sandali."
Hindi ko naman siya iiwan. Naghanap lang ako ng magandang spot. Dito ang assigned branch ko tomorrow. Excited and at the same time, kinakabahan ako.
Nakapagbihis na si Ice nang tumabi sa akin. "Excited for tomorrow?" he gently asked.
I nodded habang pinapanood ang mga dining staff. "At kinakabahan din."
"That's normal. Don't worry, sa pagtayo ka pa lang mapapagod bukas. You'll observe them muna. You can't take orders muna, ha? Just serve them water."
May lumapit sa amin, nagpakilala na Shift Leader dito. "You're assigned here for tomorrow?"
"Yes, Sir."
Tumingin siya kay Ice at ngumiti. "See you and good luck. I'll add you sa groupchat later."
Pagkaalis namin, sinamahan niya akong bumili ng white polo and khaki pants. After a week ibibigay ang uniform namin.
"You should buy five or six na baby, para hindi ka wash and wear."
"Pero sayang, kasi sabi mo kanina by next week may uniform na kami. Three na lang, love." Wala na siyang nagawa. Three pants din ang binili ko ang white shoes.
Nag-grocery na rin kami, para sa kanya at para sa akin.
~
Maaga akong nagising kinaumagahan. Mas maaga pa sa alarm clock ko.
Nakatanggap agad ako ng good luck message galing kay Ice. Ang aga naman nagising ng isang ito or 'di pa natutulog?
To: Lovey ♡
Good morning, love. Ang aga mo today? Natulog ka na ba?
From: Lovey ♡
I'm sick, baby. Pero don't worry, ipapahinga ko lang 'to. I'll see you later. Nag-pa-deliver na ako ng breakfast mo. Eat first, okay?
To: Lovey ♡
You should rest na lang muna :(
Masyado na kasing overworked ang isang ito. Hindi ko nga alam kung nakakatulog pa talaga siya.
Mapilit talaga siya at pupunta pa rin daw siya later.
Pinatuyo ko muna buhok ko bago ko i-bun. Sinabihan kami na 'wag masyado sa perfume dahil may ibang customers daw na nagrereklamo.
Nakarating ako sa Restaurant. Nine hours shift ako, kasama na ang lunch break.
"Good morning, Sir."
"Amari... you can observe muna. If you have questions, you can ask me. Don't take orders first. You need to memorize or learn the menu first. For now, you can stay as a receptionist, you can serve water, but not yet for taking orders. Gets? Don't worry, our team members won't judge you."
"Yes, Sir."
Inilagay ko na ang apron and name badge ko.
"Amari, help them muna to clean the area, the table. Make sure, may laman iyong chiller ng cakes. FIFO."
First In, First Out.
"Ma'am Isabela will be here later. Schedule niya today to inspect and observe."
Bigla akong kinabahan.
Ilang oras din ang nakalipas. Totoo nga, maraming tao tuwing lunch break.
Nakapag-break na rin ako, at eksaktong dumating na rin iyong kasama kong taga SanLo. Dalawa sila Graduating.
Ramdam ko ang ngalay sa mga paa ko at sa likod dahil sa matagal na pagtayo.
"Ma'am Isabela is here."
Napaayos ako ng upo ko.
Nanlaki ang mga mata ni Ian nang makita ako, at kinalabit niya si Tita Isabela sabay turo sa akin.
Tita Isabela smile. "Hello! How's your first day?"
Bakas ang gulat sa mga mata ng mga emplyedo rito, kaya bahagyang natawa si Tita Isabela.
"Ay, sorry. She's Isaac's girlfriend."
Napa-ohh sila habang nakatingin sa akin.
Nako! Nakakahiya, baka biglang mag-iba treatment nila sa akin.
"P-Pero 'wag niyo po akong i-treat na like special, ha?"
May mga gano'n kasi, kapag nalaman nilang may connection ka sa mga nasa higher positions, nag-iiba treatment nila.
Naglibot si Tita Isabela sa buong restaurant, hanggang comfort rooms. She's kinda strict din. Si Ivan, pinapanood lang ako.
"Nilalagnat si Isaac. Pero he's going here daw later." Tita Isabela tapped my shoulder bago sila umalis.
Halatang mayayaman talaga kumakain dito, nakikita ko kung magkano ibinibigay nilang tip.
Makakaipon talaga ako rito. Free meal, tapos isang sakayan lang papuntang apartment, plus iyong tip pa.
Isang oras bago ang out ko nang dumating si Ice. Mukha siyang bata na bagong gising. He's wearing a pajama and sweater. Gulo-gulo ang buhok at may suot na glasses.
"Good evening, Sir."
"Good evening, baby." Bati niya pabalik kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
Dumiretso siya sa isang sulok at kinuha ang cellphone. Pakiramdam ko he's taking a picture.
Lumapit ako sa kaniya para bigyan siya ng water.
"Pa order ng isang yakapsule galing kay Amari."
"Hindi ka pa uminom ng gamot?"
"Not yet, baby."
Saglit ko siyang iniwan para mag CLAYGO sa naging area ko kanina dahil pa out na rin ako. Tumulong na rin ako sa bar area para maghugas.
Nang matapos ako tumabi ako kay Ice. Mainit nga siya. "Did you eat na?"
Tumango siya sa akin. Mabuti at may gamot ako sa bag ko kaya napainom ko siya.
"Mukha kang bata sa suot mo."
Napatingin siya sa suot niya at natawa. "I'm in a rush. Hindi ako nagising sa alarm ko kanina. I thought wala ka na here. Did you saw Mommy kanina?"
"Yep. She's with Ian. Para akong jinu-judge ni Ian kanina. Like, literal na nakatitig siya sa akin."
"He's always like that. But don't worry, he's not judging you. He's zoning out. How 'bout you? How's your first day?"
Masakit buong katawan ko. Pero I don't want to tell him. Nilalagnat kasi siya, baka mamaya ako na naman alagaan niya kahit may masakit din sa kanya.
"I'm fine! Sumakit lang paa ko."
He stand up and pinisil ang ilong ko. "Liar, baby. I know masakit sa katawan. Come on, let's go. You need to rest na."
Nakarating kami agad sa apartment, nag-take out na lang kami kanina.
Inabutan ko siya ng t-shirt. Pinagpapawisan na rin kasi siya.
Nasa likod niya ako, napakunot ang noo ko nang may nakita akong pasa sa likuran niya. Mukhang fresh pa ang pasa na iyon.
"A-Anong nangyari sa likod mo? Bakit k-ka may sugat?" Naupo ako sa tapat niya.
I'm worried.
Napatingin siya sa likod niya, at nakita ko ang mahinang pag-inda niya. "May hinihila ako sa kwarto kagabi. Tumama likod ko sa study table. Don't worry, baby. Hindi masakit."
Tahimik lang ako at napansin niya iyon. "Promise, baby. Masama na kasi pakiramdam ko kagabi, inaayos ko iyong sa kama ko, 'di ko nabalanse sarili ko, that's why may pasa."
"Ingatan mo sarili mo."
He nodded, slowly. "Ikaw rin. Aalagaan mo palagi sarili mo. Kasi papaano kung nawala ako?"
"What are you talking about?!"
"Joke lang, baby!" Sumiksik siya sa akin.
"Not a good joke. Pangalawang joke na 'yan. Not even funny, love."
"Sorry po, miss ma'am. Can I sleep here? I can't drive na, e."
Tumango ako. At wala rin naman akong balak pauwiin siya.
Nang makita ko siyang natutulog, napansin kong parang ang lungkot. Hindi siya ganito tuwing natutulog. Alam kong ang peaceful niyang tignan tuwing natutulog siya. Pero ngayon, ibang-iba. Dahil ba sa sakit niya? Or may iba pang dahilan?
Nakahiga siya sa sofa, at nakaupo ako sa lapag. Dahan-dahan kong inihaga ang ulo ko malapit sa balikat niya.
"Please, don't burden it all by yourself, love. If you have some problems, tell it to me." I whispered. "You're always there for me. Let me be there for you too, during the times you need someone to lean on."
~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro