Kabanata 2
Si Daddy ang naghatid sa akin ngayon dito sa school. Nasa hindi kalayuan lang naman dito ang university nila Kuya.
Inayos ko ang uniform ko bago naglakad. Hindi naman kami mahilig maghintayan ng mga kaibigan ko. I checked my phone. Maaga-aga pa naman. Wala pa naman akong gagawin dahil tapos na akong mag-report. Nang may makita akong vacant bench, umupo na muna ako roon.
Napatingin lang ako sa mga nagsidatingan na estudyante at mga sasakyan dito sa loob.
Paalis na sana ako nang makita ko si Kuya Ice na kakababa ng isang sasakyan. Umikot ito para pagbuksan ang isang estudyante na Grade 8 student.
"Ohh... iba naman dala niyang sasakyan ngayon." Wala sa sariling bulong ko. "Kapatid niya kaya 'yan?"
Umiling-iling na lang ako at kinuha ang aking bag. Inayos ko lang din ang buhok ko bago nag-umpisang maglakad papunta sa aming building.
"Cheerleader!"
Napairap ako mula sa kawalan. Alam kong boses ni Kuya Ice 'yon at at alam kong ako ang tinatawag niya.
Tuloy-tuloy ako sa paglalakad at tuloy siya sa pagtawag sa akin, hinabol pa ako ng loko.
"What?" tanong ko pagkaharap ko sa kanya.
"Sabi ko na ikaw si Amari. Ribbon pa lang sa buhok, alam ko na agad." Tinaas-taasan niya ako ng kilay. "Pero teka, junior high school ka pa lang? Akala ko first year college ka na!"
Tumingin ako sa uniform na suot ko. "Hindi ba obvious?" Masungit na tanong ko. "Doon ka na. Bawal outsider dito."
"Hindi ka ba napapagod magsungit? Mas magandang walang kagalit, Amari. Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo sa akin?"
Natatawang aniya.
Gosh, ang oa, ha?!
Pigil na pigil ang pagtawa niya. "Hatid na kita sa room mo, Amari."
"H-Ha?! N-Nope. Just stay here. Ano akala mo sa akin maliligaw? Punta ka na nga sa school niyo!" Nag-umpisa akong maglakad papalayo.
Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin, kaya tumigil ako at hinarap siya. "Isusumbong talaga kita kay kuya."
"Matutuwa pa si Arvin pagnalaman na inihatid kita."
Aba, ang kapal ng mukha?! Ang yabang naman ng isang 'to. Lakas ng hangin!
Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka maubusan pa ako ng energy at naglakad na lang ulit. Ang room ko ay nasa bandang dulo pa.
Napansin kong pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante rito. Ay, mali, si Kuya Ice lang pala ang pinagtitinginan dito.
"Hala! Ang pogi!"
"Kuya, ang pogi mo po!"
"Kuya anong pangalan mo?"
"Pogi mo ya!"
"Baka transferee student! Ang pogi!"
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Ang isang 'to ay di talaga ako iniwan. Humarap ako sa kanya. "Kita mo ba 'tong building na 'to? Dito na room ko kaya alis ka na." Inirapan ko siya.
"Ganda pala rito!" Tanging sagot niya habang iniikot ang tingin sa school.
"Sus! Natawag ka lang na pogi ng mga estudyante, biglang nagandahan ka na rito?" sagot ko pabalik sa kanya.
"Kahit naman 'di nila sabihin 'yon, alam ko namang pogi ako. Tsaka... wag ka ng magselos."
Ang hangin! Sobrang hangin pala ngayon!
Hindi ko alam saan siya nakakahugot ng gan'yang kakapalan.
Pinagsabihan ko na siyang wag na siyang sumunod sa akin sa taas, at mukhang di naman na siya susunod. Magkagulo pa mga classmate ko roon dahil sa isang 'to.
Wala nga pala si Bianca ngayon dahil nilalagnat. Reporting niya pa man din ngayon, kaya ang ginawa niya ay nag-send ng recording video niya at papanoorin na lang mamaya.
"Bruha ka!" salubong sa akin ni Lorraine. "Sino 'yong pogi na 'yon?"
Ohh, 'di pa pala nila nakita si Kuya Ice noong birthday celebration ni kuya.
"Kaibigan ng kapatid ko."
"Hmm, so anong name? Add ko sa facebook!" Mabilis pa sa alas kwatro niyang inilabas ang kanyang phone.
"Ask my kuya na lang. Tropa niya 'yon. At Ice lang ang alam kong name niya," sagot ko. Tinignan ko si Lorraine. Hindi ko alam kung narinig niya ba ako dahil busy ito sa phone na siguro ay hinahanap fb account ni Kuya Ice.
"Got it!" Itinaas ni Lorraine ang kanyang cellphone. "Wow! Marami siyang followers, ha? Facebook pa lang 'to! Mukhang papi. Pogi niya, gagi!"
Inayos ko ang salamin ko.
Not gonna deny, pogi si Kuya Ice. He looks approachable, ang ganda ng mga mata niya, nangungusap. Pointed nose. He has a unique charisma. Everyone he passes by can't help but look at him, parang kanina lang. Yung pangalan niya hindi tugma sa personality niya. Hindi siya 'cold' na person.
"Guys! Absent si Sir Cruz! Attendance lang daw muna tayo. Pero bawal labas nang labas dito sa room dahil iche-check daw tayo ni Ma'am Joy mamaya, at kapag wala raw dito ay absent."
Wow! Kung sineswerte nga naman si Bianca, absent pa teacher namin.
"Amari, 'di ba may copy ka ng list ng names natin? Yung parang log book ba 'yon?"
Close naman ako sa kanilang lahat, pero minsan talaga ay ang hirap nilang pakiusapan lalo kapag walang teacher.
Naalala ko last week may isang classmate akong nakipag-away sa kabilang section. Reason? Tinitigan daw nang masama. Jusko! Ang petty.
Ang kaibigan ko ay abala pa rin sa cellphone niya. Kung ganitong vacant namin noon ay magmamadali na 'tong lumabas para magpunta sa canteen.
"They're rich rich, ate ko!" saad niya habang tuloy pa rin sa ginagawa niya sa kanyang phone. "Cojuangco ang middle name niya. Cojuangco Family na old money. Hotel and restaurant and many more. Old money rin sila. Hindi lang basta hotel, five-star hotels here in the Philippines."
Para kaming ewan na nag-stalk dito. Tutok na tutok siya sa cellphone niya.
Ayokong itanong 'to kay kuya, aasarin ako. Sasabihin bakit ako interesado.
"Ahh, Isaac Miguel C. Rivera pala true name niya. Pogi, ang papi. A basketball and badminton player, academic achiever pa. Kung may favorite si Lord, kasama siya!"
"Alam mo Lorraine, tigil mo na 'yan, baliw."
Tumawa ito nang malakas. "Pogi kasi kainis. Kailan ka niya ulit ihahatid?"
"Ha?! Hindi niya ako hinatid."
"We? Eh bakit andito siya? Eh, college na 'yon!"
Ayan, mage-explain pa tuloy ako. "He saw me kanina. Kilala niyang ako raw ito because of my ribbon. Sabi kong 'wag na siyang sumama sa akin, pero ang kulit niya. Sunod nang sunod. Pinagtitinginan nga kami kanina."
Pumalakpak siya. "Pogi niya talaga. First year college pala siya, BSBA sa SanLo. Papaano kaya siya naging tropa ni Kuya Arvin, 'no? Close ba kayo?"
"Hindi." Mabilis kong sagot. "Wala akong balak makipag-close sa kanya."
"Sus! Baka kainin mo 'yang sinasabi mo, ha?"
Hindi na huminto kaka-stalk 'tong kaibigan ko. Nababagot na rin ako rito sa room kaya hinila ko na siya. "Tara sa canteen. Nagugutom na ako, mamaya na 'yang si Kuya Ice."
Wala nang nagawa ang kaibigan ko kundi sumama sa akin. "Saan ka pala mag-apply for college? Same school ba kay Kuya Arvin?" tanong niya sa akin. Andito kami ngayon sa canteen, kumakain. Matagal pa naman next subject namin.
"I'll try also. And naghahanap din ako ibang University. I'm still undecided what program ang kukuhanin ko."
"Business Administration daw kuhanin ko. Yung pwede akong maging HR." Nanlaki mga mata niya, lumapit siya sa akin para alugin ako. "Omg! Magiging ka-Department ko si Kuya Ice?!"
Napailing ako sa kanya.
"Ohh. Business Administration major in Human Resources Management. That's nice, ha?" I smiled at her. I know ayaw niya 'yang program. Pero wala siyang magagawa kapag si Tita na nagsabi. Since nasa HR world din naman si Tita. "I wanna challenge myself! I know naman na hindi lang puro luto-luto sa HM, since broad ang program na 'yon. Gusto kong mag-HM. Pero, I think, Culinary Arts ang kukuhanin ko. Magkaiba naman ang Hospitality Management and Culinary Arts sa SanLo."
"Hoy, nice 'yan! May thrill kasi bago ka palang d'yan."" Nakipag-apir pa siya sa akin. "May second choice ka pa bukod doon?"
"Wala. Ayokong may iba, gusto ko isa lang."
"Luh, si ante!" Sabay kaming tumawa dahil sa mga pinagsasasabi naming dalawa.
Bumalik na rin kami sa room. Chineck ko muna kung kumpleto kami rito.
Nasa kabilang building pa next subject namin. Hindi naman kalayuan pero mainit dahil inaayos yung bubong sa hallway.
Pagkapasok namin sa room, blanko ang mukha ng teacher namin habang hawak ang ilang mga papers. Bigla akong kinabahan, ito yata 'yong quizzes namin noong last week. Marami siguro ang bagsak sa amin. Sana pasado ako.
"You're not reading the instructions na ibinigay ko sa inyo." Biglang napatingin si Ms. Joy sa akin. Bagsak ba ako? Kasama ba ako sa mali? "Si Ms. Amari and Ms. Lorraine lang ang nakakuha."
Nakahinga ako nang maluwag, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib pagkarinig ko kay Ma'am. Nilingon ako ng nasa harap kong kaibigan at binigyan ko siya ng thumbs up.
"Mahirap bang intindihin ang Modified True or False, class? Nakalagay ba sa instructions na only write the letter of the correct answer?"
Tahimik lang ang buong klase. "Ms. Lorraine, doon ka muna sa tabi ni Ms. Amari. The rest, retake. I'll give you 3 minutes to review."
Agad lumipat si Lorraine sa tabi ko. Nilapitan kami ni Ms. Joy para iabot ang papers namin. "I forgot, pati pala si Bianca pasado. She's absent pala. Ibigay niyo na lang paper niya. Keep up the good work."
"Ma'am, pwede po kaming lumabas?"
Parang siraulo talaga 'tong si Lorraine. Iyon agad ang tanong niya.
"Yeah, sure. Pwede niyo na rin bitbitin bag ninyo, that's fine. Na-check ko na rin attendance niyo. Basta, hindi pwedeng lumabas ng campus."
Pagkalabas namin ay para naman kaming batang naliligaw. Hindi naman din namin alam kung saan kami pupunta. Pero ang ganda lang bigla ng panahon. Hindi na mainit tulad kanina. Mahangin na ngayon.
"Ms. Amari Gracey?" may lumapit sa aming school guard. "Kayo po ba si Ms. Guanzon?"
"Ahh, opo. Ako nga po. Ano po 'yon?"
May iniabot siya sa aking dalawang paper bag. "May nagpapadeliver po para sa inyo."
"H-Ha? Hala, wala naman po akong order, Sir. Binayaran niyo po ba?" akmang kukuhanin ko na ang wallet ko nang bigla siya ulit sumagot.
"Nako! Wala po, Ma'am. Para sa inyo raw po talaga ito bigay ni pogi. For lunch po yata ito. Binigyan din po kami ng mga kasama ko."
Napatingin ako kay Lorraine na ngayon ay nakatitig nang nakakaloko sa akin.
"May note po sa loob, Ma'am. Hindi po namin binasa. Tsaka baka nagtataka po kayo Ma'am kung bakit ko kayo nahanap. Ang sabi po sa amin ni pogi, kapag may nakita kaming babae na may ribbon sa ulo, ayon na raw po si Amari. Eh sakto pong nakita ko kayo." Nagkakamot ulo na saad ni kuya. "Nagbakasali akong kayo po si Amari, at mukhang tama naman po ako."
Alam ko na kung kanino 'to galing. Siraulo talaga!
"S-Sige po. Salamat po."
Nakuha pa talaga mang-asar ng lalaki na 'yon!
"Baka crush ka niya!"
Mahina kong binatukan si Lorraine. "Jusko! Lahat na lang ate ko!"
Ang dami naman nito. Jusko!
Kinuha ko ang notes na nakadikit sa loob ng paper bag.
To: Cheerleader Amari,
Hope you'll like it ulit. Dinamihan ko talaga para ma-share mo sa friends mo. Happy eating, Amari. :)
PS: Walang gayuma o lason 'yan. Enjoy your food! :)
Itinabi ko iyon. Isa-isa naming inopen yung mga lagayan. Nagulat ako dahil may mini cupcakes pa rito. May sisig, chicken adobo, fish fillet, lumpiang shanghai, and chicken afritada. Ang dami! Daig pa naman nito handaan tuwing may birthday.
Pero iuuwi ko ang iba para ipatikim sa kapatid ko.
"Grabe naman ang Kuya Ice! Pogi na masarap pang magluto. Feel ko. . . masarap siya."
"Bruha ka! Kapag may nakarinig sa 'yo!"
Natapos ang nakakapagod na araw. Si Kuya Arvin nga maaga akong sinundo. Kanina pa ako inaasar habang nasa daan.
"Dami niyan, ah! Masarap talaga luto ni Ice. Kanina rin may dala siyang chicken sisig."
"I'm not asking, kuya!" Napairap na lang ako. "Meron pa naman, hindi namin naubos. Reheat mo na lang."
"Chat ko nga, sabihin ko pa-deliver ulit." Pang-aasar niya pa rin sa akin.
Mahina kong hinampas si Kuya. "Mahiya ka naman, kuya! Baka iba na isipin ni Kuya Ice. Pero, you know ba?"
Tumingin siya sa akin na parang naghihintay kung ano ang sunod kong sasabihin. Nakataas pa ang isang kilay.
"They're rich rich pala."
"Freaking rich, Amari. Hotel and Restaurants owners and may private resort sila sa Batangas. May dalawang resort din sila na puro mayayaman lahat naka book. May resto-bar din na inilipat na sa pangalan niya. Old money."
"Mayaman 'yon. Pero down to earth, 'di mo makikitaan ng yabang sa katawan. Trust me, he's nice, Amari. Kayanga kasundo namin, mayabang lang sa laro 'yon, pero kapag sa buhay nila, 'di 'yon ganon."
Nagkibit balikat na lang ako at ipinunta sa kusina mga natirang pagkain para ipareheat. Inihiwalay ko mini cupcakes, ang sarap.
Nasa salas pa rin si kuya, tutok sa cellphone niya, 'di niya ako nakitang bitbit isang tub ng mini cupcakes, kaya nagmadali akong umakyat, dahil aasarin na naman niya ako kapag nakita niya.
Ginawa ko na muna lahat ng assignments ko after ko maghilamos habang nilalantakan ang cupcakes. I'm a fan of cakes and cupcakes talaga.
I checked my notes na rin na nakadikit sa wall ko. "Hmmm, okay! No more pending task performance for this week. Yehey!" Napapalakpak pa ako. Nagawa ko na 'yong iba last week kahit matagal pa ang pasahan. Ginagawa ko agad para may time pa ako mag-chill.
Hihiga na sana ako nang nakita kong may notification ako.
Isaac Miguel Rivera added you.
Confirm Delete
Tinitigan ko lang 'yon. Hindi ko muna in-accept. I tried to stalk 'yong mismong account niya.
He's politically and socially aware and active, too! I was completely drawn to his fiery spirit for advocating change, his tireless commitment to societal causes, and his fierce advocacy for justice, all before he even had the right to vote.
Isaac Miguel Rivera posted a status.
Kung walang aalma, sama-sama tayong mabubulok sa maling sistema.
Isaac Miguel Rivera posted a photo.
Lagi't lagi para sa bayan.
Picture niya ito noong May sa isang meeting de avance, habang may hawak na maliit na watawat ng Pilipinas.
Andito rin kami nila Kuya, siguro ay 'di pa sila magkakilala noon kaya 'di nagkasama.
Sa tuloy kong pag-stalk, nakita kong sumasama rin siya sa Grand Rally at nagiging Volunteer ng iba't ibang grupo sa Pilipinas para makatulong sa mga nangangailangan.
Kung tutuusin, mayaman sila, pwedeng-pwede siyang lumipat sa ibang bansa na may maayos na pamamahala. Pero mas pinili niyang magsalita para sa iba.
Sinearch ko lang account niya sa mismong facebook. Maraming tagged photos. Karamihan sa mga tagged post and photos ay si Kuya Isaac habang naglalaro ng badminton and basketball. He's a varsity player. Ang iba roon ay tungkol sa Academics. Inilaban din pala siya sa ibang bansa para sa Rubik's Nations Cup.
Wow?! This man.
May nakita akong family picture nila. Kamukhang-kamukha niya ang kanyang Daddy, mas mukhang gentle lang 'tong si Kuya Ice dahil mukhang masungit ang kanyang Daddy. While his mom, so pretty! Mukhang bata pa si Mommy niya. Sa tabi ni Kuya Ice ay may maliit na bata, probably his sister and brother. Mukhang kambal sila. Marami pa akong nakitang ibang naka-tagged.
Maglo-log out na sana ako nang may nakita pa akong pahabol na picture.
Zephanie Delos Santos with Isaac Miguel Rivera
- In your arms, I've found my forever happiness. i love you, my constant. <3
It's a stolen picture of them. Nakasandal si Zephanie kay Kuya Ice.
"Omg! Ang pretty ng girlfriend niya! Ay, teka nga. Sila pa ba?" Tinignan ko kung kailan pa iyon naka-post. At magdadalawang taon na rin ang nakalipas.
Bumaba ako para kumuha pa ng pagkain.
"Amari, accept mo raw friend request ng tropa ko."
Halos mapatalon ako sa gulat dahil hindi ko naman napansin si kuya.
"Hmmmm. . ." Kunwaring pag-iisip ko. "Pag-isipan ko muna."
"Dali, accept mo na!"
"Aba, at bakit kuya? May kapalit siguro? Ibinebenta mo kapatid mo para sa friend request ng tropa mo? Aray, ha?!"
"Ay, ang oa bunso? I accept mo lang para di na ako ang ichat." Hindi mapigilang tumawa nang malakas si Kuya. "Hehe, para magbitbit daw ulit siya bukas ng chicken sisig."
Jusko! Sabi ko na may kapalit talaga 'yan. Itong si kuya talaga!
"Okay, I'll accept later if 'di ko makalimutan. Ay, kuya, can I borrow your laptop?"
"Sure! Kuhanin mo na lang sa study table ko. Iyong bagong bili ko na lang gamitin mo."
Yabang! Bumili na naman ng laptop niya. Parang noong nakaraang buwan ay iPad binili niya. Mas convenient daw kasi kapag iPad gamit niya lalo sa school.
"Kuya?" tawag ko ulit. Wala, sinusubok ko lang talaga pasensya ni kuya sa akin. "Kailan punta ni Kuya Harold dito?"
"At talagang crush na crush mo kaibigan ko, 'no?"
Para akong batang kinikilig dito. Lol, bata pa naman ako. "Hmm, happy crush lang! He's pogi and mabait kasi. Hanggang doon lang, 'di naman ako masasaktan kapag may iba siyang gusto."
"Ganyan din ako noon, happy crush kuno tapos na trauma."
"Trauma from your cheater ex girlfriend. Ugh!" Napailing ako. Naalala ko na naman kung papaano halos mabaliw si kuya nang nalaman niyang nag-cheat ex niya. I mean, kahit sino naman.
"Ayoko na maalala."
"Lol, ako rin. I fucking loathe cheaters. I can't imagine na nagkaroon tayo ng connections sa isang cheater. Never again, please please."
Until now, naaalala ko kung papaano halos bumagsak si kuya noong 1st year college niya because of his cheater ex-girlfriend. I'm close with her. Pumupunta siya rito sa bahay noon kahit nasa school or busy sa training si Kuya.
Hindi man sabihin ni Kuya pero ramdam ko. Ramdam kong may mga gabing umiiyak pa rin siya dahil sa nangyari. Alam kong nahihirapan pa rin siya pero kinakaya niya. Mahirap naman talagang kalimutan. Alam kong nasa isip niya na dahil lalaki siya, ay 'di na siya pwedeng maging mahina. Pero I'm so proud of my kuya for still fighting.
"Talented naman ex mo."
Parang lumiwanag mukha ni Kuya. Siraulo talaga 'to. "Ay, oo! Singer, dancer, baker."
"Hoy, paawat ka naman. May iba pa naman siyang talent! Mas malupit." Ngumisi ako kay Kuya. "You wanna know?"
"Ano?"
"Acting in love while cheating."
Ugh! People nowadays, nakakatakot. Kung makaasta mahal na mahal ka, pero may kagaguhan palang ginagawa behind your back. Like, if they are unhappy, if hindi na nila nakikita future nila, makipag break sila. Hindi 'yong magche-cheat sila. Grabeng trauma ang iniiwan ng cheating. The betrayal, questioning their worth, and insecurities.
Lol. I hope what they did to my kuya will haunt them forever. I loathe cheaters.
Napaupo si kuya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "I am trying to be okay now but sometimes I'm still wondering do I really deserve that pain? Am I not worth it?"
Naupo ako sa tabi niya at isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Ramdam ko ang mabigat na paghinga niya.
Napapikit ako. Pinapakiramdaman si kuya. "Cheating is a choice she made, and it says more about her character than yours. Her actions don't define your worth. You are absolutely worth it, kuya. Take your time to heal, kuya. Andito lang kami palagi."
Katahimikan ang bumalat sa amin. Ginulo ni Kuya ang buhok ko. "Ikaw talaga! Salamat, Amari. Palagi mong pinapagaan loob ko. Thank you for existing, bunso. My Ama-ray of sunshine."
Same routine, bahay-school-bahay-school. Wala akong choice, hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay.
Pakiramdam ko minsan, mas mauuna pang matapos buhay ko kaysa sa activities namin.
Pagkadating ko sa bahay, andito agad mga tropa ni Kuya. Syempre, mawawala pa ba 'yong pet peeve ko rito?
Busy siya sa nasa harap niya. Nagd-drawing siya, focus na focus sa goal.
Kinawayan ako ni Kuya Harold nang makita niya ako.
Bahagya pa akong lumapit sa kanila. "Si Kuya?"
"Asa loob, naliligo." si Kuya Ice ang sumagot. Tinignan lang niya ako saglit sabay ngiti.
Nagpaalam ako para pumasok muna, nanlalagkit ako dahil sa pawis.
Nakaterno lang ako nang bumaba.
"Sungit," pagtawag ni Kuya Ice sa akin.
Iritable akong niligon siya. Ang laki ng mga ngiti niya. Iniabot niya sa akin 'yong papel.
"Ako gumawa niyan!" he exclaimed excitedly.
Ako itong nasa paper. Ako 'yong iginuguhit niya kanina.
"Ganda ba? Hindi pa ako marunong masiyado, practice pa lang 'yan."
"So pretty naman."
Ang ganda para sa first timer o para sa practice. Nakakaasar lang kasi nakasimangot ako sa drawing.
"Ay... Akin na muna." Inilahad niya ang kamay niya. Hinihintay na ibalik ko ang bigay niya. "Eh, ipa-frame ko para 'di mawala."
"Hindi naman ako burara." Mabilis na depensa ko.
"Luh?! Nag-suggest lang, nang-aaway ka na naman." He threw his hands up in surrender. "Kalma!"
Naglakad na siya palabas.
"Thank you."
Nahinto siya at nilingon ako. Bahagya pa siyang lumapit sa akin. Mukhang hindi makapaniwala sa narinig niya sa akin.
Ngumiti pa siya nang nakakaloko. Mang aasar na naman 'yan, panigurado.
"Marunong ka rin pala magsabi ng thank you. Akala ko magiging masungit ka na lang palagi."
Sumunod ako sa kanya, dahil tatambay nga ako sa labas.
"Ayan ba 'yong gift ko? Bagay sa 'yo!" bungad ni Kuya Harold.
Agaw eksena dahil napatingin ang iba sa akin. Hindi naman ako nahihiya noon, pero ngayon parang gusto ko na lang tumakbo papasok ng bahay.
"Uhmm... Y-Yes! Thank you again!"
Nakita kong suma side eye itong si Kuya Ice.
"Kumusta naman studies mo, Amari?"
Pakiramdam ko may nakatingin ulit sa akin, at nang sinubukan kong iangat ang tingin ko, nakita kong nakatitig ulit siya.
"Hmmm... okay naman po. K-Keribells pa naman."
"Lahat kaya mo!" pagbibiro ni Kuya Harold sa akin.
Napailing ako. "Hindi naman. Napapagod din ako, ah! Robot nga humihinto rin kapag hindi na kaya."
"Kapatid ko na naman!" sita ni kuya habang papalapit sa amin.
Abala si Kuya Lucas sa phone niya, iuuwi niya raw dito sa Metro ang kapatid niya para sa college, para magbagong buhay raw at hindi puro barkada.
Nag-uusap sila about sa sports. Gusto ko rin sanang maglaro ng Volleyball, pero kapag padating na 'yong bola iniiwasan ko. Bwisit!
"Ikaw, Ice? Nag try out ka rin daw sa Basketball?"
"Oo. Nababadtrip na talaga ako sa Badminton. Baka lipat ako sa Basketball kapag nakuha ako."
"Basketball para maraming taga-cheer."
Saglit akong napahinto dahil sa nasabi ko.
Gago! Nasa isip ko lang 'yon, ba't naman lumabas sa bibig ko?!
Gusto kong magpalamon sa lupa. Dahil lahat sila napatingin sa akin.
"Sige. Basta i-cheer mo 'ko?" Pang-aasar niya sa akin.
"Pass, baka puro pasa ka lang doon."
"Aba, sya! Hinahamon ako."
Nagtawanan mga kaibigan ni Kuya.
"Dyan nagsimula si Mama at Papa!" dagdag na pang-aasar ni Kuya Elijah.
"Next kami ni Amari."
Pabiro pa niya akong tinataas-taasan ng kilay.
Sinumbong ko kay kuya, pero tinawanan lang niya ako. Sadyang mapagbiro lang daw talaga si Kuya Ice.
Katatapos ko lang mag-quiz, ako unang natapos. Pakiramdam ko tuloy mali mga ginawa ko, normally kasi ako laging huli. Ngayon ako ang una.
Lumapit ako para i-check ang paper ko pero tama naman. Sadyang nauna lang ako.
Nasa canteen kaming tatlo, busy 'tong si Lorraine.
"Damot naman mag-accept ni Kuya Ice!" Ipinakita niya sa amin ang friend request niya na hindi pa ina-accept ni Kuya Ice. "Kapag 'to sinabing gusto ka niya, Amari, dedma lang."
"The more you hate, the more you love!" Dagdag naman ni Bianca.
Itong dalawang 'to, hindi ko alam kung kakampi ko o kalaban pagdating kay Kuya Ice.
Pagkadating sa bahay, may iniabot na paper bag sa akin si kuya.
Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Bigay ni yelo. Baka hindi mo raw tanggapin kapag siya nagbigay."
Yelo? Ice? Oh... okay?
Binuksan ko 'to. Ito 'yong plushie na nakita namin noon sa mall! Binili niya talaga!
Kinaumagahan, inaya ko mga groupmates ko sa library sa may Makati. Doon ko balak gawin assignments namin sa Araling Panlipunan. Pinauna ko na nga sila para makahanap sila magandang spot.
Kailangan kasi namin ng presentation abou kay Dr. Jose Rizal. Maghahanap kami iba pang information sa kanya.
Tinext ako ni Lorraine na nasa second floor sila kaya agad nagpunta roon.
Nakita kong nakapatong sa mesa ang mga ulo nila.
Natatawa ako dahil ramdam ko ang antok nila.
"Wake up, sleepy heads," mahinang saad ko pagkalagay ng bag ko.
Napag-usapan na namin kung ano ang gagawin. Kumuha na sila ng mg librong kakailanganin.
Pabalik na ako sa pwesto namin ng may nakita akong pamilyar.
It's Kuya Ice. May laptop, at iPad sa harap niya. Naka airpods din. He's wearing blue hoodie and a khaki pants. Gulo-gulo rin ang buhok niya. Napakaseryoso niya habang nagbabasa.
Iniwas ko na ang tingin ko dahil baka makahalatang may tumitingin sa kanya.
"Si pogi oh." Itinuturo pa ni Bianca si Kuya Ice gamit nguso niya.
Hindi ko na lang pinansin, pero napapalingon ako sa pwesto kung nasaan si Kuya Ice na ngayo'y nakapatong na ang ulo sa mesa. Mukhang nakatulog na.
Ilang minuto ang lumipas, tapos ko na gawin ang part ko. Napalingon na naman ako sa kanya, nagkasalubong mga mata namin. Hindi siya bumibitaw sa titigan naming dalawa.
"Amari, ilang works gagawin k- Ay! Bongga, nakikipagtitigan!" malakas akong siniko ni Lorraine. "Bawal landian sa Library, hoy!"
Agad na akong umiwas at sinamaan ng tingin si Lorraine.
Habang busy ako mag-type pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Agad kong nilingon 'yon. He's looking at me while playing with his pen sa kanyang right hand.
"Amari, lunch muna tayo?" napunta sa harap ko si Josh.
Isa siya sa nagsabi noong Grade 9 na gusto niya ako, until now nga raw. He's pogi naman and matalino. Pero ewan ko, kahit minsan talaga pogi 'yong isang tao 'di ko pa rin gusto.
"A-Ah... y-yes y-es right!"
Bahagya siyang natawa.
"Ba't ga pawis na pawis ka?" Inilabas niya ang panyo niya at pinunasan ang noo ko. "Malamig naman dito."
"Tara na sa labas pareng Josh!" Hinawi ni Bianca ang kamay ni Josh. "Baka sa susunod na araw wanted ka na." Natatawang aniya.
Inakbayan ni Bianca si Josh. "Tara na, pare ko!"
Inayos ko gamit ko. Nauna na sila pababa.
"Manliligaw mo 'yon?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang lumapit si Kuya Ice sa pwesto ko.
Mahina lang ang tanong niya pero sapat na 'yon para marinig ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "So, what?"
"Aba?! Bawal ka pa. Bata ka pa."
"Duh, sabi nga ni Kuya okay lang." Kinuha ko na ang panyo ko. "Kakain kami, 'di ka ba kakain?"
Umiling siya. "Mas pogi naman ako ron."
I saw him side eyeing!
Mabilis lang kaming kumain dahil gusto rin naman naming makauwi kaagad.
"U-Una na kayo..."
Hindi na sila nagtanong, dahil tapat lang naman ng restaurant 'yong library.
"Ms. Excuse me? Bawal kumain malapit sa mga books, ha? May designated area for foods." Mabait na sambit ng Librarian sa akin.
Hindi ako agad dumiretso sa table namin. Dumiretso ako sa table ni Kuya Ice.
"Here." Iniaabot ko sa kanya 'yong paper bag na dala ko.
Nagpabalik-balik tingin niya sa akin at sa paper bag. "Nananaginip ba ako? Si Amari ba 'to?"
Napairap ako. "Ayaw mo ba?"
Kinuha niya agad iyon. "Thank you! Nag-abala ka pa, Amari."
"You're welcome." I gave him a small smile bago bumalik sa pwesto.
Hindi ko pinansin mga nakakalokong tingin ng dalawang kaibigan ko. Nakita ko pagtayo ni Kuya Ice para pumunta sa place kung saan pwedeng kumain.
"Hala, pogi. Ang bango pa, gagi!"
Narinig kong sambi ng isa sa classmate ko kaya napairap ako.
Itinuloy namin ang ginagawa namin. Si Bianca dito niya na ginawa assignment namin sa English dahil may resources naman.
Natapos ang araw namin. Nagsiuwian na sila. Si Josh na lang kasama ko rito. Lumalakas na rin 'yong ulan. Hindi pa naman din ako nakapagdala ng payong. Balak ko lang mag-commute kasi isang sakay lang kapag jeep papuntang Subdivision namin.
Hindi rin sumasagot sa tawag si Kuya, baka kasi busy rin sa training.
"Sabay ka na sa akin, Amari."
Sabay kaming napalingon ni Josh kay Kuya Ice.
"Ikaw rin," sambit niya kay Josh bago tumalikod at nagpunta sa parking lot.
Hindi man lang kami hinayaang sumagot?!
Bumaba siya sa sasakyan para payungan ako, at abot ng isang payong kay Josh. Sa shotgun seat ako at nasa likod si Josh.
Pinahinaan ni Kuya Ice ang aircon.
"Tanginang 'yan, lamig."
"Language, please."
"Sorry."
"Saan ka, tol?" tanong niya kay Josh habang ini-start ang sasakyan.
"Sa Glorietta 2 - Landmark, Kuya."
Mahina akong natawa at nilingon si Josh dahil nahihiya siya.
"A-Ah... A-Amari, 'yong Math notebook ko pala?"
Napalingon ako kay Kuya Ice na suma-side eye na naman.
Napasapo ako sa noo ko. "Shoot! Sabi ko na may nakalimutan ako. Sorry, need mo ba? Picturean ko mamaya notes mo, then send ko sa 'yo." I sincerely apologized.
Napapreno bigla si Kuya Ice ng may sumingit sa lane namin, at muntik niyang mabangga.
"Bobo naman neto!" Asar niyang binusihan ang nasa harap. "Sorry, okay lang ba kayo? Tangina kasing driver 'yan, kitang madulas daan. Pare-parehas tayong mapapahamak sa ginawa, eh. Kainis, eh. Sorry."
"Kalma." I said. "Huwag mo na pairalin init ng ulo mo."
Mahirap din kasi talaga 'yong kahit anong ingat mo sa pagmamaneho, may mga kamote drivers na mang papahamak sa 'yo.
He pouted.
Pagkadating namin, agad na nagpasalamat si Josh kay Kuya Ice.
"Ynah!"
Napasilip din ako sa tinawag niya.
"Uuwi ka na? Sabay ka na sa amin."
Nilingon ako ng babae bago siya sumakay.
"Si Amari, sister ni Arvin." Pagpapakilala niya sa akin.
"Hi, I'm Ynah! Nice meeting you, Amari!" She smiled. "Oh, wait, Arvin? The poging volleyball player sa SanLo? Anyway, sa Rockwell lang ako."
Nagkwekwentuhan silang dalawa, hindi naman ako makasabay.
"Saan mo binili ibinigay mo kanina? Ang sarap," bulong ni Kuya Ice sa akin.
"Sa t-tapat ng Library." Tumingin ako sa kanya.
"Amari, paano mo naging friend 'to?"
"Ayaw niya nga akong maging kaibigan." Parang batang sagot ni Kuya Ice. "Nakakasakit kaya."
Hinampas siya ni Ynah bago tumawa. "Well, kahit naman kami, ayaw ka naming kaibigan!" Pang-aasar niya at sinamaan siya ng tingin ni Kuya Ice.
Pagkahatid namin, dumiretso na kami pauwing bahay. Medyo tila na rin ang ulan.
"Oh, w-wait!" Napahawak ako sa kamay niyang nagmamaneho habang nakatingin ako sa labas.
Pagkahinto agad akong lumabas.
"Omg!"
Binuhat ko ang puppy na ngayo'y nanginginig dahil sa lamig.
"You love d-dogs?"
Tumango ako habang hawak pa rin ang tuta. Mukhang basang sisiw. Tumingin ako sa paligid, mukhang wala siyang kasama at naligaw lang dito.
I decided na iuwi 'yong tuta.
Pagkarating sa bahay, pinababa ko muna si Kuya Ice.
"Jusko! Saan galing alaga mo, Amari?" gulat na tanong ni Manang sa akin.
I giggled. "Sa tapat po! Look po, oh. Mukha siyang takot. Kawawa naman."
Inilabas ni Manang ang maliit na cage. Para maging tulugan ng aso.
Binigyan din muna ng coffee ni manang si Kuya Ice.
After kong maligo, nagpunta ako sa kwarto ni Kuya para kuhanan ng damit si Kuya Ice.
Inabot ko sa kanya 'yon.
Nakatitig siya sa damit na hawak ko.
"Eh... m-may ano ba 'yan?" Nahihiya pa siyang sabihin.
Pero mukhang gets ko. "Nahiya ka pa!"
Umakyat ako ulit para kuhanan ng underwear, mabuti at may bago rito.
"Hello, baby. Anong name mo kaya?" Nilalaro ko ang puppy habang busy si Kuya Ice maligo.
"You're so cutie! I'll take care of you."
Pinaalalahanan din ako ni Manang dahil baka makagat ako. Kaya sa Monday, after class, magpapasama alo kay Manang para mapabakunahan ang tuta.
"Reign..."
Nilingon ko si Kuya Ice. "Bagay sa kanya 'yong name na Reign."
Nagustuhan ko 'yon at iyon na ang ipinangalan ko.
Kinagabihan, nagising ako sa malalakas na tahol ni Reign. Nakatulog na pala ako rito sa guest room.
"Kauuwi lang din ni Ice, nakaidlip dyan sa salas."
Nanlaki mga mata ko. Akala ko joke lang niya 'yon, edi sana dito ko siya pinatulog sa guest room.
Busy si Kuya sa phone niya. Ako naman, nakaupo lang sa tabi.
Nagulat ako nang bigla niya akong siniko.
"Nangyan." Tumawa siya nang malakas. "Binigyan mo ng matcha drink si Ice?"
Matcha drink ibinigay ko kasi favorite ko and cheesecake. Kaya ayon din ibinigay ko sa kanya.
"Oo. Nasa library naman din siya kanina, hindi siya kumakin."
"Pinopormahan mo siguro tropa ko?"
"Kapal niyo! Magkakaibigan nga kayo, eh, 'no?"
Inakbayan pa ako ni Kuya. "Harold or Isaac?"
Isinandal ko ulo ko sa balikat niya. "None of the above. Parang timang ka kuya, 'no?"
I know ganito lang si kuya, pero mahal niya ako.
Maaga akong nagising kinaumagahan dahil magsisimba kami ni Kuya.
I'm wearing a white dress. Hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko. Isinuot ko rin ang white pearl earrings ko, and naglagay ng silver watch.
Pababa na ako nang marinig ko ang mga boses nila na muntik ko pang ikahulog.
At anong ginagawa ng mga 'to rito? Don't tell me sasama sila?!
"Tara na. Andito na si Amari."
At talagang sasama pala sila. Buti na lang wala ang pet peeve ko ritom
"Eyy, tara!"
Bigla siyang sumulpot galing kusina kasama si Manang. May bitbit na cupcake. Napailing na lang ako.
He's wearing a white polo and black pants.
Pagkaharap niya sa akin, agad niya akong nginitian.
Late ko lang din na-realize na wala si Kuya Harold.
Sasakyan ni Kuya Ice ang ginamit namin. He opened the door for us.
Pagkarating namin sa church, medyo marami na ang tao kaya hindi kami magkakatabi. Si Kuya Benjie at Kuya Elijah nasa bandang likod. Si Kuya Lucas at Kuya ay nasa nasa kabilang side. Naupo si Kuya Ice sa may harapan ko.
Nakita ko pang kinilig 'yong dalawang babae pagkatabi sa kanila ni Kuya Ice.
Nilingon ako ni Kuya Ice at iniabot ang mini-fan niyang dala.
"How about you?"
"Go na."
Kinuha ko na rin iyon dahil mainit nga at nagsimula na rin ang misa.
"Peace be with you."
Hinanap ng mga mata ko sila kuya.
"Peace be with you."
Humarap sa akin si Kuya Ice na naka sign peace pa. Pinigilan kong hindi matawa sa kanya.
"P-Peace be with you." Bahagya pa akong yumuko at ngumiti.
Pagkatapos ng misa, nagpasama ako sa bandang likod dahil may area kung saan pwede magtirik ng kandila.
Pagkatapos namin dumiretso agad kami para kumain. Gusto nila ay unli, pero ayaw raw nila mag Samgy. Kaya andito kami ngayon sa unli wings. Prinoproblema ko dahil nakaputi ako.
Tumayo si Kuya Ice palabas, at pagbalik may bitbit na siyang jacket. Nagpalit din siya ng black t-shirt.
"Gamitin mo na muna, para 'di marumihan dress mo."
I gave him a smile bago tinanggap iyon at nagpasalamat.
Naupo siya sa may tapat ko magkatabi sila ni Kuya Lucas at Kuya Benjie. Katabi ko si Kuya at Kuya Elijah.
"Paano mo nga alam dito?" Sinilip ko sa kabilang dulo si Kuy Elijah.
Muntik pa siyang mabulunan. Pag-aari kasi 'to ng ex-girlfriend niya. Hindi alam nila Kuya na sa ex ni Kuya Elijah ito.
"Muling ibalik." Pang-aasar ko sa kanya. "Feel ko I saw her kanina, ha? Sa may cashier!"
Nanlaki mga mata niya at namumula. Hindi ma-gets ng mga kaibigan niya ang sinasabi ko kaya natawa na lang ako. Si Kuya Elijah tuloy ang kinukulit nila.
"Kay Daph itong store." Pati siya ay natawa na lang. "Eh! Kumain na kayo! Baka hanapin niyo, wala nasa loob, nasa kitchen. Please, ililibre ko kayo 'wag niyo lang tawagin."
Tawang-tawa ako rito nang biglang si Kuya Elijah ay nilingon ako.
"Ay, ay! Teka!" Ngumisi pa siya sa akin. "Sino nga ulit 'yong kasama mo noong nakita mo kami rito ni Daph?"
Nanlaki mga mata ko sa tanong niya. Habang hawak niya ang chicken wings nakangisi siyang nakatingin sa akin. Lahat tuloy sila nakatingin.
"S-Si... Josh! Eh tapos si Bianca at Lorraine!"
Hinarap ako ni Kuya. "Si Josh? Iyong manliligaw mo o 'yong sumubok manligaw? Nag-date kayo? Ba't hindi ko alam? Naglilihim ka na sa akin?" Madramang tanong niya sa akin.
Naisip kong asarin sila. "Hmmm... secret! Stay curious."
Kwinekwento ni Kuya Elijah mga nakita niya noon nakita niya kami. Unexpected naman 'yon, dahil nakita lang namin si Josh na nasa labas.
Mukhang mali palang nag-umpisa ako dahil 'di na niya ako tinantanan.
Napatingin ako kay Kuya Ice. Blanko lang ang mukha niya habang nakikinig kay Kuya Elijah.
Bigla niya akong nilingon na ikinagulat ko. He pursed his lips.
"Hays! Peace be with you all!" Napatayo pa si Kuya Lucas.
Nag-stay na naman sila sa bahay. Hapon na rin kami nakauwi dahil gumala at naglaro pa kami.
"Shot!"
Rinig kong sigaw ni Kuya Ice. Natatawa pa habang cupcake naman at softdrink ang hawak.
Nakita kong kinausap siya ni Kuya Lucas. Tumatango-tango lang siya rito. Kahit tropa niya, mas matanda pa rin naman sila kay Kuya Ice.
Nag fist bump sila at inalok pa si Kuya Lucas sa bitbit niyang cupcake.
"Ako, pahingi!" Hindi ko na siya hinintay makasagot dahil nakakuha na ako.
"Oh iyo na, iyo na!" Pabiro niyang inaabot-abot sa akin ang box. "Joke, andoon iyo kay manang."
Naiwan kaming dalawa rito.
"Ikaw gumagawa nito?"
"Mmmm. Hindi ba masarap?"
"Hindi..."
"Eh!" Bigla siyang napunta sa harap ko. "Totoo ba? Eh, balik mo muna rito baka 'di magustuhan ng tyan mo."
"Hindi lang masarap, sobrang sarap!"
Natameme siya sa harap ko.
Iniwan ko tuloy siya roon at pumasok sa kwarto.
Inayos ko mga kailangan ko para bukas, nag double check ng mga activity or assignment.
"Tandaan mo, hindi ako nagkaroon ng anak na mahina. Gawin mo ang best mo para maging magaling sa lahat ng bagay."
I sighed in annoyance nang maalala ko 'yan sinabi ni Daddy.
Actually, I don't need to be good at everything naman. As long as I do my best and enjoy what I'm doing, that's good enough for me. Ito ang laging paalala ko sa sarili ko dahil sa pressure na ibinibigay nila sa akin.
Pero tuwing ikinukumpara ako, nanliliit ako sa sarili ko. Na para bang kailangan kong maging magaling sa lahat para maipagmalaki at mapuri naman din ako.
~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro