Kabanata 19
"Nakauwi na kami."
Naupo agad ako sa sofa pagkarating na pagkarating namin.
Isang buwan din akong hindi umuwi rito, kaya si Manang ang bumibisita sa akin doon.
"How's your grades?"
Wala pa rin talagang pagbabago kay Daddy. Iyong grades ko from prelim to pre finals, palaging si Daddy ang unang nakakatanggap.
"Kauuwi lang ayan agad tanong niyo. Why don't you ask first kung kumusta siya?"
"Mukha namang ayos siya kasama 'yong Rivera na 'yon."
Ngumisi si Kuya. "As she should. Amari should enjoy her life. Mabuti nga si Isaac, ibinibigay niya 'yong happiness na hindi mahanap ni Amari sa inyo. She knows how to express herself more. Thanks to Isaac, by the way."
Tinitigan lang siya ni Daddy. Hindi ko alam bakit parang hindi kayang sumagot ni Daddy kapag si Kuya na ang nagsalita.
Napayuko akong dumaan sa harap niya nang hinila ako ni Kuya paakyat sa kwarto.
Ano ba 'tong mga tao na 'to? Hilig mang hila.
"Nilinis ko kwarto mo at ang magaling kong kaibigan na boyfriend mo binantaan ako, friendship over daw. Sabi ba naman, dapat pag-uwi ng baby ko walang kagat ng lamok o kahit anong sugat." Pang gagaya niya sa kung papaano iyon sinabi ni Ice.
"Nasaan si Mommy, kuya?"
He shrugged his shoulders. "Busy. Palaging busy. Hayaan mo na. Hindi ka nga nila makamusta."
That's true naman din.
"Eh, si Manang?"
"One week umuwi sa probinsya nila. Birthday ng asawa niya. Kakauwi lang kahapon. Sayang nga at hindi kayo nagpang-abot. Si Ice saan ang lakad ngayon?"
"Ay, baka nasa apartment ko siya today. Natutulog or naglilinis or nagluluto."
"Naglilinis, amp. Bakit unso? Makalat ba sa apartment mo? Ayaw na ayaw pa naman ni Ice kapag makalat."
"Excuse me?! Kahit walang kalat, kahit walang alikabok, nagwawalis siya. Kahit manipis na papel lang na makita niyang nasa floor, pinagsasabihan niya na akong 'wag magkalat!"
Tinawanan ako ni Kuya. Mukhang sanay rin talaga siyang sinesermonan sila ni Ice tuwing may kalat sa paligid niya.
"Masanay ka na. Kawawa sa sermon kamo si Benjie at Elijah. Kulang na lang sila 'yong itapon ni Ice palabas, eh."
"Miss ko na siya." Napaupo ako sa kama ko.
Nanlaki ang mga mata ni Kuya sa nirinig niya. "Corny niyong dalawa. Minsan bawasan niyo nga magsama."
Itinulak ko siya palabas ng kwarto. I grabbed my phone. Isang message iyon kanin ni Ice na nagpaalam matulog at na sa apartment ko nga siya.
I replied na rin. Its been an hour, siguro he's awake na rin.
To: Lovey ♡
Sleep well! I love you more! Message ka pagkagising mo and before ka umuwi. But its raining hard, you can stay there naman.
After two mimutes, biglang umilaw ang phone ko. Nag-reply na siya.
From: Lovey ♡
I'm cooking. I can't go home yata tonight, malakas ang ulan. Uwi ako bukas morning. Kumusta ka r'yan?
To: Lovey ♡
Anong name ko sa contacts mo?
From: Lovey ♡
My baby ᡣ𐭩
Nag-send din siya ng screenshot.
From: Lovey ♡
I wanna call sana, pero ang bagal signal ngayon. Tumawag si Mommy kanina, hindi raw niya ako naiintindihan.
To: Lovey ♡
Call tayo bukas. ^__^
Tumagal ang pag-uusap namin. Sinubukan niyang tumawag, pero wala nga talaga akong maintindihan sa line niya.
Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil na rin kay Kuya na ginising ako rito sa kwarto.
"Morning."
Nagkatinginan kami ni Kuya nang makita namin si Mommy roon sa dining area. Andito na rin si Daddy, pero 'di sila nagkikibuan.
"Anong oras ka umuwi?" tanong ni Daddy. "Saan ka galing?"
"Nag overtime kami."
"Overtime? Pumunta ako roon before midnight, sarado na store. So, saan ka galing?" Ibinaba ni Daddy ang hawak na newspaper. "Nakipagkita ka na naman ba kay Man-"
"Shut up!" bulyaw ni Mommy.
"Bakit? Takot ka bang marinig ng mga anak mo?"
Blanko ang mukha ni Kuya, halatang hindi na natutuwa sa sigawan ni Mommy at Daddy.
"Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos! Everyday na lang na ganito!"
Padabog na lumabas si Mommy at pumasok ng guest room. Sinundan siya ni Daddy, at ang sunod na narinig ko ang mga nababasag na gamit sa loob.
"Let's eat," mahinang ani Kuya na parang sanay na sanay na siya sa ganito.
I didn't move. Nakatingin lang ako sa pagkaing nasa harapan ko.
"Sanay na ako, bunso. Ayos lang naman ako, don't worry. Iyong freedom na meron ka, deserve mo iyon. Don't feel bad." Lumapit siya para guluhin ang buhok ko. "Deserve mong sumaya na walang inaalalang iba."
"Hindi ka naman iba, kuya." I mumbled.
"I'm fine, don't worry too much. Kaya ko rito, ha?"
I gave a weak smile.
Sabay kaming lumingon nang makita si Mommy at Daddy na lumabas. Tuloy pa rin ang sigawan.
Kung sino-sinong pangalan na ang binabanggit ni Daddy laban kay Mommy.
"Oh, bakit? I'm right, 'di ba?! Do you think I'm that fool, Amara? Sa tingin mo walang nagsasabi sa akin?!"
"Wala akong pakialam sa sinasabi nila! Ikaw nakita mo ba mismo?!"
"Oo! Ilang beses na. Ang kakapal ng mukha niyo!"
Nanahimik si Mommy. Hindi makatingin nang diretso kay Daddy. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung tama ba itong nasa isip ko. Ayaw kong magtanong dahil alam kong masasaktan ako sa sagot na matatanggap ko.
"Nakakahiya kayo."
Biglang lumingon si Daddy sa akin, bago ngumisi.
"T-Tara na, bunso. Iuuwi kita sa apartment mo." Matalim ang tingin na ibinigay ni Kuya kay Daddy.
Tahimik lang kaming dalawa buong biyahe. Gulong-gulo ako. Hindi ako mapakali kakaisip.
I hope mali ako nang nasa isip. They're too old to do such thing.
"Kuya?"
"W-Wala rin akong alam, bunso. Laging ganoon ang pinag-aawayan nila."
Pagkarating ko sa apartment, umuwi na rin si Kuya. Sinabi ko rin na gusto kong mapag-isa dahil andaming tanong sa utak ko na kailangan ng sagot.
I got a message from my boyfriend. Free ang schedule niya today hanggang bukas. Monday, for clearance na kami.
From: Lovey ♡
I'm coming.
Ilang minuto lang andito na siya. May kasama pa, si Isabel at Ian. Parang biglang nawala 'yong lungkot ko nang makita ang kambal, dedma sa Kuya nila.
"Gumorning, ate!" Mabilis na tumakbo si Isabel papunta sa akin at niyakap ako.
"There she goes again." Ian rolled his eyes, but ngumiti habang papalapit sa akin. "Good morning, ate."
"Good morning, baby." Mahigpit ang naging pagyakap sa akin ni Ice. Yakap na alam kong may ibang ipinaparating.
"Ate, you're apartment smells like my brother's condo." Parang nanay si Isabel na inaamoy buong apartment ko.
"Uh! She's getting weirder everyday." Ian mumbled at nagbasa ng libro.
"Excuse me my nerdy twin? Mas weird ka."
"Kapag kayo nag-aaw palalayasin kayo ng ate Amari niyo."
Sabay ang kambal na napatingin sa kanilang kuya, at sabay rin ang pagtaas ng kanilang kilay.
"I doubt Ate Amari will do that, Kuya. You're the one who gonna do that," Ian said nonchalantly.
Sinimangutan sila ni Ice. Sumandal naman ako sa kaniyang balikat. "Did you eat na?"
"Hindi pa. Hindi ako nakakain sa bahay."
He gently patted my head. "Okay. I'll cook, brunch na natin."
Hinila ako ni Isabel palayo kay Ice. "Can you bun my hair po, ate? Then mag-iwan po ikaw ilang strand ng hair."
"Arte," pang-aasar ni Ice sa kapatid.
Isabel pouted. "Ate Amari, oh! Break up with him nga po!" Ganti ng kapatid. "He's so mayabang when he's in love, right, Ian?"
"Yah. He's smiling out of nowhere. Sometimes he's kinda creepy."
Okay, gets ko na. Nagkakasundo ang kambal sa pang-aasar sa kuya nila.
Nakapagluto na si Ice, ang kambal naman kanina pa kinukulit ang kanilang kuya.
"Do you have any allergies po, ate?" Ian asked.
"Wala, baby." I smiled, at ngumiti siya pabalik sa akin. "I heard you love matcha? Me rin po. I'll give you candies later."
Abala si Ice sa pagbabalat ng hipon, at diretso lahat iyon sa plate ko.
After naming kumain, bagsak ang dalawa. Dinala na lang sila sa kwarto ko para makatulog nang maayos.
"Gloomy weather. Tara sa rooftop."
I soon as we get here, sumilip agad ako sa ibaba. Ilang floors din kasi itong apartment namin.
"Be careful, ha? Baka mamali ka."
"You know, kahit gaano ka kabuting tao, life's so cruel pa rin. People around me...are so cruel."
"Go on, I'm here. I'm listening. Is it about school? Family?"
"It's not about school, eh. It's about my family. Walang katapusang family problem. I feel bad kay Kuya. Iniwan ko siya mag-isa roon sa bahay."
"You know your kuya. Hindi rin niya hahayaang makarinig ka ng mga gano'ng bagay. He'll protect you as long as kaya niya. Even tho he's also sad na wala ka tuwing umuuwi siya, titiisin niya. Huwag ka lang ulit masaktan tuwing andoon ka."
Totoo rin naman. Kaya kaninang nasa biyahe kami, sinasabi ni Kuya na mas kakayanin niyang marinig lahat ng iyon mag-isa, kaysa marinig ko rin kung papaano mag-away parents naman.
He squeezed my hand, silently offering his support.
He knew how difficult things had been for me at home, how much it affected me. Alam niya dahil alam kong siya rin ang tinatakbuhan ni Kuya tuwing 'di rin siya okay.
"Like kaninang morning, grabe 'yong sigawan nila. N-Nagbabasagan na ng gamit sa bahay. Si Mommy lagi raw wala, laging busy. Ewan ko na."
"I don't even know what they fight about na rin talaga. Paulit-ulit na lang din 'to simula noong bata kami," I admitted, feeling a wave of frustration wash over me. "It's like they just...hate each other. And ramdam ko naman, they hate me so much. Like I'm the reason for all of this."
He pulled me closer and give me a hug. "No, no. Don't say that. Wala kang kasalanan, sila ang may kasalanan sa iyo. They're both adults, they need to figure out their own problems. They need to talk, privately, sana. Wala namang magagawa iyong pagsisigawan nila. May naaayos ba? Wala. Lalo lang gumugulo."
"I hate them. Parang never kaming nagkaroon ng peace of mind ni Kuya."
"Both of you deserves to be happy. Their fighting is a reflection of their own problems, not yours. Both of you don't deserve their negativity."
He held my hands. His presence alone was so comforting. "We'll deal with it together. You're not alone, baby. You have me, always."
I looked at him, his gaze softened. "Thank you sa inyo ni Tita Isabela. Thank you for welcoming me. I feel like I am literally part of your family. Especially, Tita Isabela, p-palagi niya akong kinakamusta. Palagi niyang tinatanong if may maitutulong siya sa akin." Nag-umpisang tumulo ang mga luha ko. "Thank you."
He immediately wiped away my tears. "You're part of my family, baby. You are always welcome sa amin." He kissed the top of my head.
His words wrapped around me like a warm blanket. In his arms, I felt safe.
I was still hurting, still confused, but knowing that I had him, that he was there for me, that was all that matter.
Bago pa bumagsak ang malakas na umulan, pumasok na kami sa loob. Baka magkasakit pa kami.
Tulog na tulog pa rin ang kambal.
"Si Isabel, gusto niyang matulog dito sa iyo for a night. Okay lang ba?"
Oh, that's why naka back pack si Isabel. Cutie talaga ng batang 'to.
"Sure! Sunday tomorrow. Church day rin natin, right? Isama natin sila, mag afternoon schedule tayo bukas."
Nahihiya siyang napatingin sa akin. "B-Bukas...Invite kita sa bahay. Family dinner, ipapakilala na kita kay Mommy, bilang girlfriend ko. She's excited."
"I miss her na rin, so yes!"
Nag-stay kami sa loob, naunang nagising si Ian bitbit ang comforter. "Kuya," sambit niya bago nahiga at natulog ulit.
"Namamahay kasi siya."
Tinititigan ko si Ian. Kamukha talaga niya ang kuya niya. Parehas din sila ng mole placement.
"Pogi ng kapatid ko, 'no? Kanino pa ba magmamana?"
"Kay Tita Isabela. Ganda ni Tita Isabela."
"Eh, ako pala?"
Tinitigan ko siya, hindi rin siya bumibitaw sa pakikipagtitigan sa akin. "Sakto lang, pwede na."
I'm just joking.
"Sus, nababasa ko sa mga mata mo na nagsisinungaling ka."
"Kapal mo."
Nakaidlip din ako, at binantayan kami ni Ice. Nagising akong nakatabi sa akin si Ian, he's playing rubik's cube.
"Sorry, nakaidlip ako."
"That's okay po ate."
Tila na rin ang ulan. They decided na umuwi na para 'di maabutan ng ulan sa daan dahil mukhang uulan pa rin sa mga susunod na minuto.
"Bye bye dalawang pangit."
Pinanliitan ni Ian ng mata ang kanyang kambal. "Bye, weirdo."
"See you tomorrow. Isabel, behave okay? Huwag magpapasaway rito. Promise?"
"Promise! Behave lang po ako here."
Ginulo ni Ice ang buhok ni Isabel, bago tumingin sa akin. "Smile, baby. Una na muna kami, ha? Huwag nang lalabas, baka maulanan ka."
"Thank you for today, I love you."
"And I love you more."
Nakangiti akong isinarado ang pinto. Naabutan ko si Isabel na naglalaro sa bitbit niyang doll.
"I miss my kambal na, Ate. But both of them are so annoying!" aniya habang sinusuklay ang mga manika.
"Sinong kaaway mo sa kanilang dalawa?"
"Silang dalawa po. My Kuya, palagi akong inaasar, pinapaiyak. My twin brother, lagi akong sinasabihang weirdo. Pero I'm not mad. You wanna know my secret po ate?" Lumapit siya sa akin at naupo sa hita ko. "Hmmm... kunwari magtatampo ako, then they will buy me dolls, and food! Try mo po magtampo kay Kuya."
Nag-message si Ice sa akin, at nakauwi na sila sa Alabang bago pa umulan.
Si Isabel naman, napakain ko na and nakapag half bath na rin siya. Habag inaayos ko ang buhok niya, I received a message from Ice.
From: Lovey ♡
Baby, lagyan mo pillow si Isabel sa left side niya, para makatulog siya. Ikaw? Hindi ka pa matutulog?
To: Lovey ♡
I'm gonna sleep na rin. Ako inantok sa binasa kong bed time story for her hahaha. Tinatawanan niya ako. She's sleeping na. Ikaw ba?
From: Lovey ♡
Matutulog na rin po. Let's sleep na. Don't forget to pray. I love you.
To: Lovey ♡
I love you more! Nighty nighty! ^___^
Kinabukasan, we are unable to attend mass. Maghapong malakas ang ulan, at halos maghapon na lang din kaming nakahiga ni Isabel. Hindi ko rin pinagbyahe si Ice, dahil baka mapaano siya sa daan.
Ngayon ay gumagayak kaming dalawa ni Isabel, dahil maya-maya lang susunduin na kami rito para sa family dinner. Tita Isabela also invited kuya, pero nahihiya raw siya.
"Ate Amari, I think straight suits you more." She's looking at me.
Agad ko tuloy kinuha ang hair straightener ko at nakinig kay Isabel. Inabot niya rin sa akin iyong pearl earrings ko. I'm wearing a white dress. It's a gift from Tita Isabela.
"I'm worried. Wala akong madadala sa inyo today, hindi tayo nakalabas dahil sa ulan."
Nakakahiya naman kasing pumunta roon na wala akong dala kahit sinasabi na hindi na kailangan.
"What are you gonna buy po ba, ate?" she asked while watching me do my makeup.
"Hmm? Cake?"
Isabel laughed. "No need, ate! You know Mommy. For sure nag-bake na po siya hindi lang one, I think two cakes with a lot of cupcakes. So, that's okay."
After almost an hour, Ice finally arrived.
He genuinely smiled pagkakita niya sa akin. Natutunaw ako sa mga ngiti niya, at ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko.
"My girls are so pretty!"
Bahagya siyang lumapit sa akin at iniabot sa akin na single rose stem.
"Sorry, sarado lahat bilihan ng flowers. Kay-"
"Kaya kumuha na lang siya sa garden ni Mommy!"
Mabilis na tinakpan ni Ice ang bibig ng kapatid.
"Thank you." I mouthed.
Hanggang sa makarating kami sa bahay nila, nag-aasaran ang dalawa. Tinatawag niyang mahirap ang kuya niya dahil hindi makabili ng flowers.
"Don't be nervous, Ate. Wala si Mommy La rito," ani Isabel at naunang pumasok sa loob.
Nagkatinginan kami ni Ice, and his gaze drifts down to my hands. He must have noticed how shaky they were.
"Can I hold your hands?" he asked.
Bahagya akong natahimik.
"U-Uh, oo naman! You're my b-boyfriend naman na," I answered with a shaky voice.
"I am. But I still need your permission."
Napatikom ang bibig ko sa narinig ko. Parang nawalan ako nang sasabihin. It wasn't just the words, it was the way he said them, with such sincerity. A sudden realization dawned on me - this man, my boyfriend, with his genuine respect, was unlike anyone I'd ever known.
His respect wasn't just a gesture, it was a reflection of who he was.
Ako ang kumuha ng kamay niya at in-intertwined iyon sa akin. "Let's go inside."
The table is set with a simple, yet elegant meal, and soft music plays in the background. May candle light sa table.
"Good evening, Mommy."
"Good evening, Tita."
"Oh my gosh!" Napahinto si Tita sa pagtali ng kaniyang buhok.
Nakasuot pa siya ng corporate attire galing work.
"I'm sorry, I don't have time to change clothes na since gusto ko ako magluto para kay Amari." Napatingin si Tita sa akin.
Nginitian niya ako. Bigla akong nanlambot sa mga ngiti ni Tita sa akin, hanggang sa unti-unti siyang lumapit sa akin.
"Amari."
Tita Isabela hugs. Para siyang naiiyak kaninang papalapit sa akin.
"I am sorry f-for being emotional. Ganito yata kapag tumatanda na."
"I missed you, Tita. Parang hindi naman po tumatanda."
"Thank you, anak. Ikaw rin, so pretty!"
"Sus!" Pagpaparinig ni Ice sa gilid habang kumakain ng grapes. Kasama niya ang kambal na nakatingin sa amin ni Tita Isabela.
We started eating. Bahagya akong napangiti nang maalala ko ang sinabi ni Isabel kanina because she's right. May dalawang cake at maraming bento cakes nga ang andito.
"Tapos na ba first semester sa SanLo?" Tita Isabel asked.
"Yes, Mommy. Actually, for clearance na lang kami bukas. Then Mid-week ng November balik namin."
"How 'bout you Amari? Kumusta ka? I hope you're a-always okay. You can come here anytime."
Tahimik ang mga nagdaang minuto.
"Amari, anak? Sure ka na ba sa panganay ko?" Seryosong tanong ni Tita Isabela kaya napahinto ako.
"A hundred percent sure po, Tita."
Biglang tumawa si Tita. Kahit sa pagtawa niya ang elegant niyang tignan.
"I'm just kidding. I'm so happy na kayo na. If ever magkaroon kayo ng problem, talk to each other, okay? Kayong dalawa lang ang makakaayos." Tita Isabela held my hand. "Don't worry, I wont tolerate my son if ever may gagawin siyang 'di maganda. But I know my son, I raised him well, I know he won't hurt you."
"Thank you so much, Tita. I believe in him din po. Malaki po tiwala ko kay Ice. He's very consistent."
"Nakangiti na naman pong matutulog si Kuya," sabat ni Isabel.
"Amari, you can call me Mama or Mommy."
Nagkatinginan kami ni Ice. Napatikom ako sa bibig ko dahil bigla akong nahiya.
"That's okay. Anak na kita."
"I am home."
Sabay-sabay kaming napatingin sa kung saan galing ang boses.
Its Tito Manuel. Mukhang galing company rin.
Tito Manuel looked surprised when he saw me. He kept looking from me to Tita Isabela. He didn't say anything, but his eyes showed he was confused. Really confused.
Napatingin ako kay Tita Isabela. Her eyes were sad now, hindi tulad kanina. Bakas sa mukha ni Tita ang lungkot.
"Let's eat. Don't mind him."
"You can join us." Tita Isabela said.
She gave me a weak smile. Parang any moment babagsak na ang mga luha niya.
"Mommy..." Nag-aalalang pagtawag ni Ice.
"I'm okay, medyo sumakit lang ang ulo ko. Super busy lang talaga sa company." Tita Isabela started to massage her head.
"What's the occassion?" Tito Manuel asked pagkaupo sa tabi ni Isabel.
"Si Kuya at si Ate Amari na po, Daddy! They're here to celebrate!"
Walang naging reaksyon si Tito. Pero nakita kong nakikipagtitigan siya kay Ice.
"Stay calm, love." I whispered.
His gaze softened pagkaharap sa akin.
"Bakit si Isaac, Amari? Maraming iba r'yan."
"Bakit naman po hindi, Tito?" I answered.
He shrugged his shoulders.
"Don't start Manuel, masaya anak mo nong kami lang andito."
"You're the one who invited me here." Matigas na wika ni Tito Manuel.
Ramdam ko ang kabog ng puso ko.
"I'm done. Matutulog na ako."
"He's done eating with his other girl," Isabel said, innocently. Pagkasabi niya no'n tuloy lang siya sa pagkain ng cupcake.
I was so shocked nang marinig ko 'yon. Kahit si Ice gulat sa sinabi ng kanyang kapatid.
Matalim na tinignan ni Tito Manuel si Tita. "Kita mo itinuturo mo sa anak mo?"
"Wala akong itinuturo. It's not my fault na nakikita niya!"
"Kung napaikot ng pamilya mo ang pamilya ko, pwes ako hindi!"
Nag-umpisa na ang pag-tulo ng luha ni Tita.
"Can you please stop?! Can you just respect Amari?! Really? Sisigawan mo si Mommy? Tanginang ugali 'yan."
Alam kong balak na siyang suntukin ni Tito Manuel pero napigilan niya ang sarili nang lumingon sa akin. Kinuha niya ang bag niya at naglakad palayo.
"I'm sorry, I'm sorry."
Napaupo si Tita dahil sa sobrang pag-iyak. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kahina.
"No, Mommy. Wala kang kasalanan, okay?" Pilit pinapatahan ni Ice si Tita.
I feel sorry. Si Isabel, alam niya na agad ang kalokohan ng Daddy niya. Nakakaya niyang sabihin 'yon. Ilang taon na rin ang pagtitiis ni Tita at sa bawat araw nakikita niya at nararamdaman niyang 'di siya kayang mahalin pabalik.
Natulog ako sa bahay nila, sa kwarto ako ni Isabel natulog. Umalis kaming tulog pa sila roon.
"Balik ka muna sa building niyo, para makapag-sign ka na sa ibang subject. Message kita later kung nasaan ako. Pipila pa ako sa Finance Office."
Gano'n nga ang nangyari. Mabuti na lang at nakapag-print na ako ng grade ko. Sa walong subjects ko, anim ang flat uno, at dalawa ang 1.25.
Pagkatapos mapirmahan, lumipat na rin ako sa ibang office na need mapirmahan because of my scholarship.
Bumalik muna ako sa room dahil ang isang subject teacher namin doon daw magpipirma.
"Ang sayo mo today," ani ng isang kaibigan ni Zarm.
"Nakauwi na ang ate! She's so excited to meet again her Kuya Miguel."
Pare-parehas silang kinikilig.
Napayuko ako. Iyong ex niya, iyong bestfriend niya for how many years nakabalik na.
Agad ko ring inangat ang ulo ko. Naalala ko lahat ng assurance na ibinibigay sa akin ni Ice. Sapat na iyon para maniwala ako sa kanya. Halos everyday, binibigyan niya ako ng assurance.
"Omg! Look! Amari, look!" Madaling lumapit si Zarm sa akin at ipinakita ang kaniyang cellphone. "You see that guy? Si Kuya Miguel, right? Sinundo niya ang ate sa parking lot! Omg!"
Likod lang ang picture na iyon, pero alam kong si Ice iyon.
"Nandidilim paningin ko sa 'yo. Lumayas ka sa harap ko," si Bianca.
"Oh, 'di ba? Sinet aside ka na ni Kuya Miguel. Kasi nakabalik na ang ate ko. Kinikilig ako. Sinundo pa talaga niya. Surprise lang sana, eh."
Hindi ko pinapansin si Zarm. I messaged Ice agad-agad, pero wala akong natatanggap na reply.
Ilang saglit, nagsipasukan ang tatlo sa classmate naming lalaki.
"Gago! Ang ganda, mukhang model!"
"Pinagtitinginan sa labas. Ang ganda. Mukhang manika, mukhang model sa ibang bansa."
"Gago, si Kuya Isaac kasama." Sabay-sabay silang napatingin sa akin. "Boyfriend mo 'di ba?"
Napatayo si Zarm. "Blonde hair? Naka-dress? Omg! That's my ate! I told you she's so damn pretty!" Ngumisi siyang humarap sa akin.
"Don't mind her. Message mo na si Kuya Ice."
Tumango lang ako. Bigla akong nakaramdam ng insecurity.
"Ate Zephanie!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto.
Tangina. She's so damn pretty! At real, mukha siyang manika, bumagay sa kanya hair color niya. Nakakaintimidate 'yong aura niya or baka dahil lang sa make up?
Nagkatinginan kaming dalawa.
Ang ganda-ganda niya.
"I will just stay here muna. Sabi ni Miguel here muna ako because mainit sa labas. You know him naman, ayaw niyang naiinitan ako."
"Very Miguel!"
"Init, tangina! Nadagdagan ng kadiliman dito," pagpaparinig ni Angelica na agad tinawanan ni Bianca at Gabby.
"Totoo lang. Kumakalat masasamang spirits here!" Dagdag ni Gabby.
Nag-umpisa na kaming makapagpapirma sa ibang subjects. Hindi pa nahahagip nang mga mata ko si Ice.
"Baby!"
Napalingon agad ako kay Ice. Nakangiti siya habang tumatakbo palapit dito.
"Sorry, natagalan kami sa Library." Kinuha niya ang bag ko at siya ang nagbitbit. "Ilan na napapirmahan mo? Kumain ka na?"
"Wala, badtrip 'yan. Binadtrip ng mundo," sabi ni Pau. Nagpaalam din silang tatlo na hihiwalay muna sa amin.
Nakarating kami sa restaurant na hindi ko siya kinikibo, pero tuloy siya sa pagkwe-kwento.
"What's bothering you, baby? May nagawa ba akong kasalanan? Please, let me know. Ayaw kitang makitang ganyan katahimik, nag-aalala ako."
Tumango lang ako at naunang lumabas ng sasakyan. Ramdam kong nakasunod siya sa akin.
"I am sorry. Please, tell me what's bothering you? Para matulungan kita. May kasalanan ba ako? Sorry. Hindi ko na uulitin. Talk to me, please?"
Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya.?
Hanggang matapos ang araw. Tuloy sa pang-iinis sa akin si Zarm.
Andito si Ice sa apartment.
Naiinsecure ako. First ex niya 'yon, e. Bestfriend niya. Wala pa sa kalhati nang pagsasama nila iyong meron sa amin ni Ice.
"I want to sleep. Close the door kapag uuwi ka."
Pagkatalikod ko, agad akong hinila ni Ice kaya ang ending napaupo ako sa lap niya.
"Tell me, baby. Please?" he gently asked.
Nakatalikod ako sa kanya, pero nakaupo ako sa lap niya.
Umiling ako. Hindi ko rin alam kung papaano sasabihin.
"Sorry, please? Talk to me na."
Nakakapanghina 'yong boses niya.
"Sorry. Kanina kaya 'di ako makapag-update wala akong load. Nagpaload ako, still, hindi pa rin pumapasok messages ko sa 'yo. Hinanap kita sa building niya, wala ka roon."
"Nasaan ka kanina?"
"Hmmm. Andito, baby." Naramdaman ko ang pag-ayos niya nang upo.
Mukha na siyang nakayakap sa akin dahil ipinapakita niya ang kanyang cellphone.
Lockscreen niya ang picture ko, wallpaper niya ang picture naming dalawa.
"Since, I can't message you kanina. Nag-video ako para ipakita sa iyo."
"Hi baby! Nababaliw na yata phone ko. I'm on my way sa parking area. I forgot to bring my admission slip, since need ko 'yon. So, init, baby. Kawawa naman ako, naglalakad sa initan hahaha."
Naglalakad siya at nakatutok pa rin sa kaniya ang camera, ang isang kamay niya ipinangtatakip niya sa bandang noo niya para 'di tuluyang matamaang ng init ang kanyang mukha.
"I'm here na baby." Nagpalipas siya ng ilang minuto sa loob ng sasakyan niya dahil sa init. Halatang-halata dahil namumula siya. "Paalis na ako ulit dito sa parking area, baby! Look may nakuha akong towel, ilalagay ko sa ulo ko."
"Miguel."
Nakakailang hakbang pa lang siya papalayo sa sasakyan niya nang may isang babae ang tumawag sa kanya.
"I missed you."
Hindi siya nagsalita. Pero tumalikod siya at nagsimulang maglakad ulit.
Kinakausap na naman niya ang camera na parang kinakausap ako. Habang naglalakad siya tuloy ang pangungulit ng babae sa kanya.
"Stop bothering me, Zephanie. Ayan building ng pinsan mo, magsama na lang kayong dalawa. Huwag niyong gagalawin girlfriend ko."
Doon natapos ang video. Naramdam kong humigpit ang yakap niya sa akin. "I'm sorry. Wala si Margarette kanina, kaya wala akong mapakisuyuan na i-message ka."
"S-Sabi ni Zarm, sinundo mo raw si Zephanie sa parking area."
"Why would I do that? No, baby. Ayan 'yong video. Unedited 'yong video. Wala akong pakialam kung nakauwi na siya. Masaya ako sa iyo, hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakasira natin. Trust me, baby."
Humarap ako at niyakap siya. "Sorry. Nagseselos ako. Nakita ko siya kanina, she's so pretty." Para akong batang nagsusumbong. "Inuulit-ulit ni Zarm kanina na finally nagkita na u-ulit kayo."
"Ikaw ang pinakamaganda. Mas maganda ka sa kahit na sino, Amari. Dito lang ako. Kay Amari lang ako."
~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro