Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

Last event before mag-end ang first semester. Intramurals namin today. Wala naman akong sinalihan. Andito lang ako to watch, and support him. And also, finals na ito.

I smiled pagkakita ko sa kanyang papasok ng court. Almost a year when he started to court me, at walang pagbabago. He's very consistent.

Kung may sumubok man sa aming dalawa, iyon 'yong time namin sa isa't isa. But that's okay, alam namin kung anong priority naming dalawa. I'm fine basta i-update niya ako, mas naging mahigpit na rin kasi sila sa training.

"Hoy, baks! Tandaan mo, Department of Culinary, Hospitality and Tourism Management tayo, ha? Hindi tayo from CABA?" Pagpapaalala ni Gabby.

Napatingin ako sa kanya bago natawa.

Rinig ang malakas na hiyawan pagkahubad ni Kuya Ice sa kanyang t-shirt. He's now wearing his jersey uniform. Inilagay niya na rin ang headband niya.

They can still play naman kahit na part na siya ng SanLo Basketball Team. Ang napag-usapan lang, 'di sila pwedeng ibabad sa game.

Inililibot niya ang tingin sa buong gym. Hindi niya siguro ako makita dahil nasa bandang itaas na kami nakapwesto, at nakatayo karamihan ng nasa harapan ko.

"Tamo, hinahanap ka ng iyong honey bunch!" Pang-aasar ni Gabby sa akin.

Inilabas ni Kuya Ice ang kanyang phone, at ilang saglit naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko.

Ice Miguel
wala pa kayo rito sa gym?

Amari
andito na. right side, bandang dulo, malapit sa aircon. don't worry, comfortable naman dito. Gooood luck, Kuya Ice! ^___^

Ice Miguel
wala na, panalo na 'to.

That's very Kuya Ice. Pinapanindigan niya kung anong sasabihin niya.

Malakas na hiyawan pagkatawag sa players ng department namin. I'm so excited and at the same time kinakabahan. I don't know why. Baka nadadala lang ako sa ingay ng gym.

"For the College of Accountancy and Business Administration!"

"Wearing jersey number 29, Isaac Miguel Rivera."

I stand as soon as they call his jersey number and name. Kasabay non ang pagsigaw habang hawak ko ang balloon clapper ng department nila.

Maraming sumisigaw sa pangalan niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Paniguradong hindi naman niya ako maririnig.

I'm kinda worried, natumba kasi siya noong nakaraang araw sa laro nila ng College of Engineering and Architecture. Medyo malakas din pagkakabagsak niya.

I kept my fingers crossed that there wouldn't be any injuries, especially to him and the other players.

"Rivera, for another three!"

Napapalakpak ako. Wala pang limang minuto ang nakakalipas. I am smiling here like a proud mom!

"Amats 'to si Kuya Ice. Nakakatatlong three points na agad," ani Pau. "Amats din 'tong si Amari, sa kabilang department ang suporta."

Pakiramdam ko, 'di inaral ng department namin ang galaw ni Kuya Ice.

Mabilis na lumipas ang oras. 4th quarter na at kababalik ulit ni Kuya Ice sa court. He's smiling, ngiti na 'di nang-aasar. Nakangiti siya na halatang alam niyang panalo na sila, dahil sampung puntos din ang lamang nila at kulang dalawang minuto na lang.

"GO CABA! GO CABA!" malalakas na sigaw kasabay ng mga naglalakasang tambol.

"May marker ba kayo?" tanong ko sa tatlong kaibigan ko.

"Me! Wait," si Gabby sabay abot sa akin ng iba't ibang color ng marker.

Kinuha ko ang balloon clapper at nagsulat doon.

"Bababa ako. Sunod kayo after celebration nila. Bye bye!"

Habang hindi pa tumatayo ang mga nanonood, bumaba ako at lumipat malapit sa bleachers ng CABA players.

"Oy, Amari!" bati sa akin ni Kuya Adrian.

I smiled back. "Hi, Kuya! Hindi ka naglaro?"

"Injury." Itinaas niya left foot niya.

Napangiwi ako.

Kinuha ko ang phone ko para makuhanan ang huling puntos galing kay Kuya Ice.

"Congrats, College of Accountancy and Business Administration!"

Nagsitakbuhan ang bench players sa gitna. Marami ding students ang nagsitakbuhan papuntang gitna para makapag-papicture both Department.

Maya-maya nakita ko si Kuya Ice papalapit sa kung nasaan ako. Hindi niya pa ako napansin noong una dahil hindi naman niya alam na andito ako.

His smile lit up as he saw me, and he immediately ran towards me.

"Congrats!" Sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap. "Mr. Three points shooter."

"Thank you! Nagpapakitang gilas nga ako sa 'yo." Pagbibiro niya sa akin.

Iniabot ni Kuya Adrian ang phone ni Kuya Ice at doon kami nag-picture.

"Daming nagpapa-picture sa iyo. Pagbigyan mo na," bulong ko sa kanya. "Okay lang naman sa akin, baliw." Natatawa kong dugtong.

Ako pa ang pumilit na lumapit siya, at nag volunteer din akong kuhanan sila ng picture.

Unti-unti nang nauubos ang mga tao rito.

"Ayos. Naka-Departamental shirt ka pero balloon clapper ng Department namin hawak mo."

"At least nga sinuportahan ko kayo."

"Eh?" Hindi makapaniwalang tanong niya habang nagpupunas ng kanyang pawis. "Saan mo gustong kumain? Wait, liligo lang ako. Bago tayo lumabas."

Agad kong hinawakan ang kamay niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Let's take a picture ulit."

Hinila ko siya palapit sa akin. Hindi naman na rin siya nagtanong, napangiti pa nga siya nang ipinahawak ko sa kanya ang balloon clapper. "Huwag mong bibitawan. Kapag binitawan mo, cut off kita."

"Omg!" sigaw ni Gabby pagkakita ng balloon clapper kaya agad ko siyang sinenyasan.

Andito lahat ng mga kaibigan namin, pati si Lorraine and Bianca.

Nakailang pictures kami sa iba't ibang phone.

"Bakit 'di ko pwedeng bitawan 'tong balloon na 'to?" nagtatakang tanong niya sa akin. Ibinaba niya ang tingin sa hawak dahil kanina pa siya nagtataka. "10.13. YES. Y-Yes?"

Ibinaling niya ang tingin sa akin at ibinaba niya ang tingin sa floor ng gym at kumuha ng balloon clapper. Ipinagkumpara niya ito sa ibinigay ko sa kanya.

He seemed to be in a daze. He lowered the balloon clapper slowly.

He stared at me, mukhang hinuhuli niya ako. "You... you wrote that?"

"It was a good opportunity, wasn't it?" I teased, kahit ako mismo ramdam ko ang kaba.

He still seemed lost in thought. "I..." he started, then stopped. "Amari, I..."

"I love you, Ice," I blurted out, my cheeks flushing a deep red. I wasn't sure why I said it in front of others, it just came out.

His eyes widened, and a grin spread across his face. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Oh, God! I love you more, Amari. And I promise, you won't regret this."

"Congrats sa newly couples!" Hinagisan kami ng mga kaibigan ko ng confetti.

We smiled at each other. "Paano ba 'yan? Date muna kami. Bawal muna kayo. Bukas na tayo mag-celebrate."

Hindi niya na hinintay ang sasabihin ng mga kaibigan namin dahil hinila niya ako palabas ng gym.

I can feel his hand, anlamig!

"Are you okay?" I asked pagkaharap sa kaniya.

"I'm... I'm nervous," he confessed, nag-iiwas siya ng tingin. "My heart's pounding so hard, I don't think I've ever felt this way before. You really make me nervous, baby."

"A-Akala ko ako ang kakabahan sa ating dalawa. Mas malala ka pala?" Pang-aasar ko sa kanya bago siya tinawanan.

"You're more nerve-wracking than a whole basketball match."

"I love you."

"Pardon?"

"I love you." I pouted dahil mukhang ako naman ang inaasar niya.

He leaned closer, our noses touching. "And I love you so much, baby." He gently kissed my forehead. "You're blushing now, huh? Cute."

Sa condo niya kami dumiretso. At dito na siya magpapalit.

Nagpalit na rin ako. I'm wearing a red dress. dahil bumili siya ng mga gamit ko noon at inilagay rito in case lang daw na rito ako matutulog. I have my own gamit here.

"I want to eat sa restaurant mo. I want to eat pasta!"

"What my baby wants, my baby gets."

Palagi ko siyang nakikitang suot ang iniregalo kong bracelet. Except na lang tuwing may training and actual game sila.

Pagkarating namin sa restaurant niya, nakakapagtataka na walang tao.

"Closed kayo today?"

He nodded. "Monthly general cleaning and also maintenance. Pero don't worry, malinis na sa VIP room."

Before kami makapasok sa VIP room, nagpunta siya sa likod ko at tinakpan ang mga mata ko gamit ang kanyang palad.

"Don't worry, nakaalalay ako."

He guided me hanggang makapasok kami sa VIP room. Naramdaman ko ang lamig sa kwarto.

"Close your eyes pa rin," aniya.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Okay, baby. Open your eyes na."

I slowly opened my eyes. My jaw dropped.

Red rose petals were scattered everywhere, making a pretty path across the floor. Candles were lit, making the room glow.

"S-So pretty."

He started walking towards me, carrying a bouquet. "Time for a little romance," he said, his voice a little husky. "Just you and me."

"Thank you. You're the best!"

We started eating. Sanay naman akong palagi kaming magkasama or sabay kumakain, pero iba 'yong pakiramdam tonight. Iba 'yong saya ko tonight.

"Why are you smiling like that?" Natatawang tanong ko.

Pinipigilan kasi niya ang pagngiti pero 'di niya rin naman magawang maitago.

"Para akong nananaginip. Like, 'di ako makapaniwala."

"I love you."

Napatikom siya sa kanyang bibig. "I love you more. Siguro 'di mo na ako tatawaging Kuya?"

"Okay, big brother."

"De, ayos na ako sa kuya, baby."

Kahit gusto naming magkasama pa nang mas matagal, kailangan na naming umuwi dahil start ng final exam bukas.

"Message me agad pagkauwi mo, ha? Don't use your phone while driving."

"Yes, boss. Huwag ka na magpupuyat." Nilalaro niya ang susi ng kanyang sasakyan. "I love you. Thank you for today."

"I love you!"

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto, hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti dahil sa saya.

I know it will be worth it.

Kinaumagahan, maaga akong pumasok. Inihatid ako ni Ice, kahit mamayang hapon pa ang pasok niya. Pero nasa library siya para mag-review.

"Baka sa sobrang kilig ng bff natin, biglang ma-perfect ang finals." Pagpaparinig sa akin ni Pau.

"Kahit hindi naman kinikilig 'yang eabab na 'yan, nakaka-perfect," sabat ni Angelica.

"Hay nako! Fake love!" ani Zarm at nilingon ang gawi namin. "Sayang 'di natuloy pag-uwi ng pinsan ko. Pero next year she's here na. I heard, Kuya Miguel messaged her last last night."

Umiling ako. I have trust on Isaac. Hindi niya na gagawin iyong mga gano'ng bagay na alam niyang ikasasakit ko.

"Bruha talaga 'yan. Hindi naman nakakaimik tuwing andyan si Kuya Ice." Nilingon ako ni Gabby. "Ang haba ng pasensya mo, kung ako 'yan, nasagot-sagot ko na 'yan."

I smiled. "Don't mind her. I'm not affected naman sa mga sinasabi niya. Ayokong ubusin energy ko sa mga non-sense na sinasabi niya. She's not worth of my time."

"I'm not non-sense! You can ask Kuya Miguel naman." Pagtataray ni Zarm.

"Bruhilda ka! Ba't nakikinig ka sa usapan ng iba? Chismosa ka talaga. Bwisit!" Hindi na napigilang pagsasalita ni Gabby. "Alam mo kung inggit ka, humanap ka ng sa iyo. Hindi iyong maninira ka ng relasyon ng iba."

"I'm telling the truth!"

"I'm telling the truth mo mukha mo! Pauwiin mo 'yang pinsan mo. Noong June mo pa sinasabi 'yan. Hindi ka ba napapagod magpapansin?"

"Gabby, stop. Hindi na tayo bata para pumatol sa mga sarado ang utak sa pag-intindi," saad ko bago hinila paupo si Gabby.

"Masyado kang mabait, Amari. Ako magsusumbong dyan kay Kuya Ice."

Tinawanan iyon ni Zarm na nakapagpakunot ng noo naming magkakaibigan.

"Go on! Hindi naman niya ako pagagalitan, kasi pinagsabihan siya ni Ate Zeph ko."

"Spoiled brat," ani Pau.

Bigla silang natigil nang dumating ang Prof namin para sa first subject.

Inayos ko ang salamin ko.

"Good luck," bulong ko sa mga kaibigan ko.

Set A ang nasa aming magkakaibigan. Hindi kami mahihirapan in case need namin ng tulong. But actually, they're smart din. Lalo si Pau. She's good in memorizing.

After an hour, we finished our first exam. Muntik pang hindi ko natapos ang essay part. Umulit ako dahil may error sa test paper ko.

Napatingin ako sa gawi nila Zarm. Her circle of friends already looking at me.

"Is this Kuya Miguel and Ate Zarm sa Japan?"

"Yep! They met there. Accidentally, but ayaw na raw halos umalis ni Kuya Miguel because na-miss niya ang ate. I heard, noong may basketball training si Kuya Miguel sa Japan, they met also. Hingiin ko picture kay Ate."

Mahaba naman talaga pasensya ko, pero nakakapagod din pala talaga marinig 'yong ganito. Simula first month ng classes, she's been like that.

May two hours pa kami before next exam, pakiramdam ko naubusan ako energy. Sabi ko 'di ako magpapaapekto sa taong 'to.

"Excuse me?"

Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses niya.

He's outside our room. Nang makita niyang nakatingin ako ay agad siyang ngumiti.

"Kay Amari pa rin ang huling halakhak!" pang-aasar ni Gabby.

Agad akong tumayo.

I smiled nang makarating ako sa harap niya. Bahagya pa akong lumapit at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya, mukha lang din akong nakayakap.

"Recharging."

"You did a good job, baby."

"Thank you." I looked at him. I know this man will never do such thing. I believe in him. I know this man will never disappoint me.

"E-Eh? Are you okay, baby?"

Napabalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses niya. "I'm fine. I'm pagod lang. Major subject next. What time exam mo?"

Inabot niya ang brown paper bag. "May food kayo r'yan. May matcha ka, and pasta. After lunch first exam ko."

"Sabay tayo uwi, ha? May exam ako until 4 p.m"

"Yes, baby. Sabay talaga tayo."

"Papasok na me. I need to review pa, eh." I pouted.

Mahina niyang kinurot ang pisngi ko. "Fighting!"

I tiptoed. "I love you." Mabilis akong tumalikod at naglakad papasok ng room.

Pagkaupo ko andoon pa rin siya at bahagyang sumilip sa loob ng room.

"Amari, I love you more!" sagot niya bago kumaway.

Naghiyawan ang mga classmate ko at agad akong napatakip ng aking mukha. Nakakahiya, omg!

"Palong-palo ang Kuya Ice."

"Hindi mo alam kung sinong swerte, eh. Swerte si Amari na may Isaac siya or swerte si Kuya Ice na may Amari siya," si Angelica na halatang nagpaparinig.

"Bruh! They're literally lucky to have each other. Kuya Ice? Down bad kay Amari 'yan. Kwento ng kapatid ko, kaya naniniwala ako kay Kuya Ice."

Ibinigay ko ang pagkain ng mga kaibigan ko. Need din mag-recharge ng mga ito pagkatapos makipagsagutan, sa exam at kay Zarm. Lol.

"Gabby, alis ka bukas?"

"Gaga ka! May exam. Ay wait, oo pala! Afternoon."

"Pasaan ka?"

"Makikipag-date kay Kuya Elijah."

Gusto niya talaga si Kuya Elijah. Pero ayaw ni Kuya Lucas, dahil kilala niya kaibigan niya. At mukhang 'di naman din interesado ang Kuya Elijah.

"Joke! Manonood ako concert"

Parang nakahinga ako nang maluwag. Gift sa kanya ni Kuya Lucas iyong VIP concert ticket.

After an hour, dumating na rin Prof namin for our major subject.

"Zarm, stand up. Lumipat ka sa tabi ni Amari."

"P-Po?"

"Sa tabi ni Miss Guanzon."

Nakasimangot niyang kinuha ang bag niya.

"Juskopo! May kadiliman sa tabi."

Mahina akong natawa sa sinabi ni Gabby. Itong babaeng 'to talaga, 'di takot magsalita.

"Bwisit. Ayaw ko pa namang katabi 'to," bulong niya.

"Ayaw rin kitang katabi," ganti kong saad.

Luckily, hindi inilipat ang mga kaibigan ko. Ang inilipat lang ay ang circle of friends nitong si Zarm.

Narinig ko ang pagrereklamo ni Zarm habang binabasa ang test paper. She's so loud. I'm not comfortable, kaya tumalikod ako sa kanya.

Nahihirapan akong mag-focus. She keeps on murmuring. Anlakas niyang magbasa. I don't know, feel ko sinasadya niya ito.

"I can't focus. Please, stop murmuring." Hindi ko na maiwasang humarap sa pwesto niya.

"Any problem, Miss Guanzon?"

"She's copying my answer, Ma'am! Kanina pa po siya humihingi," sagot ni Zarm.

Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya. "That's not true, Ma'am. She keeps on murmuring, I can't focus po."

Tumaas ang isang kilay ng Prof namin at naglakad palapit.

"You c-can check my test paper, Miss."

Iniabot ko ang test paper ko at kinuha niya ang test paper ni Zarm.

"Nasa first part ka pa lang ng exam mo, Zarm."

"Because tanong po siya nang tanong."

"That's not true po. Tumalikod na po ako sa kanya because maingay. I can't really focus po."

"Amari, you can move in front."

I smiled before tumayo at lumipat sa harapan. Hindi ko talaga kayang tiisin ang ingay ni Zarm. Beside, major subject 'to. Malaki ang hatak ng subject na 'to.

After an hour, I'm done na rin. Halos isa ako sa nahuli dahil sinigurado kong tama mga isinagot ko lalo sa first part.

Sinundo ako ni Ice, sabay kami mag-lunch.

"Si Zarm."

"Bakit? Anong ginawa niya sa iyo?" Mabilis niyang tanong sa akin at biglang sumeryoso ang mukha.

"S-She's so maingay. I can't focus kanina sa exam."

Para akong nanghina, hindi ko bigla masabi iyong gusto kong sabihin.

"Ayon, nahuli kami. Pero nagpalipat ako ng pwesto."

"Hindi ka ba niya ginugulo? Bukod sa kanina? Is she bothering you?" bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala.

I smiled at hinawakan ang kamay niya. "No. Don't worry."

Sinungaling.

"Tell me kapag may ginawa siyang 'di maganda sa iyo. Huwag kang matakot magsabi sa akin."

Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Napalingon ako sa kabilang table. Napansin kong mukhang hindi ayos si Ate Margarette and Kuya Uno.

"They're not okay?" I asked habang itinuturo ang pwesto nila.

"Hindi. May kasalanan ang Uno. Tampo si Margarette, eh. Matampuhin pa naman. Matampuhin parang iyong isa rito."

"Ops! Not me!"

"Wala naman akong sinasabi?"

"Ah, so may iba?" Pabirong pagtataray ko.

"Ah, ah. Syempre wala."

Isinandal ko ulo ko sa balikat niya. Hindi ko rin muna siya masyadong kinukulit dahil major subject ang first exam niya.

"Baby, yes or no?" he suddenly asked.

Nanatili akong nakasandal sa balikat niya. I'm actually sleepy.

"Hmm, yes."

"Okay. Perfect major exam."

"Kaya mo?"

"Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo?"

Boyfriend ko. Omg!

"M-Meron."

"Good. De pero tamo perfect ko 'to."

"Inaantok ako."

"What time ka natulog?"

"Noong nag-good night ako, natulog na rin ako that time, e."

"Bawi ka tulog later. Ilan exam mo bukas?"

"One subject, minor. Na-review ko na siya actually. Need ko lang irecall."

Nag-ring na ang bell kaya madali kaming lumabas ng cafeteria.

Inihatid muna ako ni Ice sa room bago siya pumunta sa building nila.

Inayos ang seating arrangements namin, nasa pinakadulo ako, at ako lang mag-isa.

Minor subject na feeling major subject. Daig pa mga major kung bagsakan kami ng projects, activities, and task performance.

I sighed in relief, itong-ito 'yong mga na-review ko. I just need talaga palagi to double check the instructions. Lalo minsan iyong Modified True or False.

Mabilis na natapos ang araw at exam ko today.

"How are you? Kumusta ka today?" Ice asked pagkakuha sa bag ko.

"Good! How about you? Aga mo, akala ko mauuna ako sa iyo."

"Situational iyong last exam namin kanina. Let's eat first. Bago ka umuwi."

"Gusto ko street foods."

Ginulo niya ang buhok ko. Nagpaalam na rin muna kami sa mga kaibigan ko. Inaaya namin sila pero ayaw raw nilang makaabala.

"Dahan-dahan ka, ha? Baka sumakit tyan mo." Pagpapaalala niya sa akin.

"Bunso! Isaac!"

Sabay naming nilingon si Kuya kasama si Ate Daisy.

"Henlo! Long time no see!" bati ko.

"Nagpunta ako sa building ni bunso, aayain sana namin kayo mag Samgy," si Kuya.

Nagtinginan kami ni Ice. "Sure!" sabay na sagot namin.

Pagkarating namin doon, nakahanap agad kami ng pwesto. Walking distance lang mula sa SanLo. Nakakaubos ng ipon mag-aral sa SanLo, hindi dahil sa mga libro or kung ano. Kundi dahil sa mga kainan malapit sa university.

"Kumusta?"

"Ayos lang. Uwi ako sa bahay next week," pagpapaalam ko kay Kuya.

"Wala ako nyan, unso. May laro kami sa Laguna, e. Ngayong week? Para isasabay kita pagpasok next Monday."

I immediately grabbed my phone. I'm just checking iyong schedule ko, kung may plan ba ako after exam.

"Hmkay! 2 p.m last subject ko sa Friday. Ikaw, kuya?"

"5 p.m. Susunduin kita."

Nakikipagkwentuhan ako kay Ate Daisy. Mahiyain pala talaga siya. Kahit lagi na namin siyang nakakasama, minsan kung hindi siya unang kinausap, hindi rin talaga siya iimik. Sabi niya, nagkakaroon lang siya confidence kapag naglalaro ng volleyball.

"Anong oras kayo umuwi kahapon?" Mapang-asar na tanong ng kapatid ko.

"Before 9 nakauwi na si Amari."

"Totoo?"

"Gago, totoo. Inupdate rin kita, ah!"

Nagtawanan ang dalawa. Hindi strikto si Kuya, pero minsan gusto lang niyang malaman kung anong oras kami umuuwi.

"You want shrimp pa?"

Umiling ako. "Lalo akong inantok dahil sa foods."

"Cute niyo together. I saw you guys kanina sa cafeteria. I forgot to take a photo, sayang," mahinhin na ani Ate Daisy.

"PDA ba sila kanina?"

"No!" sabay na sagot ulit namin ni Ice. Nagtunog defensive tuloy kaming dalawa.

"Nakasandal lang si Amari. Mukha siyang inaantok kanina."

Mahina akong natawa. Nilingon ko si Ice.

Pogi ng boyfriend ko.

After naming kumain inihatid ako ni Ice sa apartment.

Agad niyang chineck kung may stock ng food pa ako rito.

"Grocery tayo sa Monday after class mo."

"Inaantok talaga ako, pero feel ko hindi ako makakatulog."

"May mga iniisip ka ba? May gumugulo sa isip mo?"

Umiling ako at tumabi sa kanya sa sofa. Muli isinandal ko ang balikat ko sa kanya.

"Recharging. Naubos ako sa exam week na ito."

He gently massage my head. "After exam week, may one week tayo for clearance then almost a month for semestral break. Kaunting tiis na lang nuna."

"Feel ko mas mahihirap subject sa second sem."

"For sure 'yan. Nasa second semester ang hirap. But we can do it."

Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim. "Why?"

"Start na ulit training namin sa second sem. By January start na panibagong NCAC Season."

That means, magiging busy na ulit siya. More on trainings na ulit.

"I can't wait to watch you play kalaban ibang university. And mapapanood kita sa tv."

"Halos mawawalan na naman ako ng time."

"I'm fine, as long as you update me. Don't worry, naiintindihan ko. So excited na nga ako, e! And, 'di ba, napag-usapan na natin ito? Alam natin priorities natin."

"Kaya sinusulit ko na ngayon, e."

I hug him. "I can't wait to watch my boyfriend play."

"I love you so much, my Amari."

"And I love you more, my Isaac."

Kung pwede nga lang na hindi ko na siya pauwiin ngayon ay ginawa ko na.

Nagluto siya for me. Hindi na for dinner dahil nabusog kami kanina.

Kinabukasan, maaga ulit niya akong sinundo. Minor exam namin ito, at isang subject lang.

"Makikita ko na mga Koreano kong asaw later!" bungad ni Gabby papasok ng room.

Napangiti ako. K-Pop lover kasi siya. Gusto niyang makapunta sa concert bago raw mag-umpisa ang enlistment era ng ini-stan niya.

"Makikita ko na mga bff ko sa stan account!"

"Ano 'yan?" I asked curiously. Hindi ko kasi sure kung tama iyong nasa isip ko.

Tumabi siya sa akin at ipinakit ang kaniyang twitter account. "Here! Co-fangirls and fanboys. Andyan mga update ng mga ini-stan namin."

"Oh! I have my stan account also," sambit ko.

"Kanino?"

"Stan account for Ice."

Mahina niyang pinitik ang noo ko.

Andami niyang bitbit na kung ano-anong anik anik sa bag niya. May photocards pa nga.

Dumating na naman pet peeve ko. Nakangisi pa.

"Look! Kausap ng ate ko si Kuya Miguel kagabi."

Ayan na naman siya sa sakit niyang pagpapapansin.

"Kasama mo si Kuya Ice kagabi 'di ba, bes?" tanong ni Pau.

"Yes po. Around 8 pm na siya nakauwi."

Hinarap ako ni Zarm. "Magka-chat sila ng ate ko kagabi. Around 7 pm."

"Really?" biglang pagsingit ko. "Sorry to burst your bubble, ha? He's with me until 8 pm. And everytime magkasama kami, hindi siya gumagamit ng phone. Except na lang if we like to take a picture. Baka ibang Kuya Miguel 'yan."

"Dalawa phone niya."

Ang non-sense ng sagot.

I smiled at inilabas ang isang phone ni Ice na nasa akin. "This one ba? Back up phone niya pero nasa akin. Better luck next time, Zarm."

"Yown! Ganyan gusto ko sa bff ko, sumasagot! Tama ka na Zarm. Gawin kitang lightstick tamo."

"I can send their conversation sa 'yo."

"Go. Make sure na that's not edited, ha?"

Pinanliitan niya ako ng mga mata kaya ginaya ko rin siya.

"Just wait until makauwi ang ate. Who you ka na kay Kuya Miguel."

"I'm waiting, Zarm. It's been four months. Paulit-ulit mo na lang sinasabi iyan."

Sasagot sana siya nang dumating si Kuya Lucas. Mukhang may narinig siya sa mga pinag-uusapan.

"Inaaway ka?" he gently asked sa akin.

Umiling ako. "Pinagsasabihan ko lang Kuya."

"Sure?"

Nagkatinginan kami ni Gabby. Sumenyas akong siya ang sumagot kay Kuya Lucas.

"Hi, Kuya! Bakit ka pumasok dito sa room? May masasamang espirito dito. Baka masunog ka."

"Ako magpapa-exam sa inyo."

Part ng student council si Kuya Lucas. Siguro kaya ibinigay na sa kaniya dahil minor exam at may emergency ang Prof. Hindi kasi pwedeng hindi ituloy ang exam today, dahil naka-schedule talaga, and may deadline sila for passing ng grades.

"Sana walang dayaan." Pagpaparinig ni Zarm. "Sana walang kaibi-kaibigan."

Tumaas ang kilay ni Kuya Lucas at tumalikod sa amin. "Sinong nandadaya sa section niyo? Can you tell me? Sa tabi ko mage-exam, so that I can monitor."

Agad lumingon si Zarm sa akin. Mahinang tumawa si Kuya Lucas.

"Si Amari? Mandadaya sa Mathematics? Sa pagkakatanda ko, Prelim to Pre-Finals, naka flat Uno siya sa subject na 'to. Impossibleng dinaya na 'yon Zarm. That's not good, naga-accuse ka na walang evidence."

Tinalikuran siya ni Kuya Lucas. Tiklop naman pala siya kay Kuya Lucas, eh.

Para walang masabi itong si Zarm, inilipat ako ni Kuya Lucas sa tabi niya, pero ang pwesto ko nakatapat sa mga classmate ko.

"No talking with your seatmates. Mr. De Guzman gave me permission, once I caught you cheating or even talking with your seatmates, I will mark you zero. If you have questions, don't hesitate to ask me. Good luck."

I scanned my test paper. Lesson ito from Prelims hanggang sa huling topic namin. And I'm glad na gano'n ang ginawa kong pagre-review.

After almost an hour, I'm almost done.

"You done?" Kuya Lucas asked.

"Last two questions."

"Last twenty minutes!" pagpapaalala ni Kuya Lucas.

Ilang minuto lang natapos ko na an exam. Ibinigay ko iyon kay Kuya Lucas.

"Lumalabo mata mo?"

"Medyo. Sumasakit na palagi ulo ko, eh."

"Kaya pala madalas nakasalamin ka na. Alagaan mo mata mo,you know may eye test din kayo."

Tumango ako habang nilalaro ballpen ko at pinapanood mga classmate kong 'di pa rin tapos.

Bahagyang lumapit sa akin si Kuya Lucas. "Hindi ka ba ginugulo ni Zarm? Ginugulo niya si Isaac, e."

I sighed. "Actually, she's bothering me, so much. Hindi ko na lang pinapatulan. Ayokong sabihin kay Ice, ayokong gumawa ng gulo."

"That's why sinagot mo na siya kanina?"

I nodded. "That's the first time na sinagot ko siya. For almost four months, Kuya, 'di ko pinapansin mga sinasabi niya. Mahaba pasensya ko, you know me. Kaya hanggang kaya ko, hindi ko nilalaban. It's just that, minsan she's crossing the line."

"Hindi mo sasabihin kay Isaac?"

Umiling ako. "No. As long as hindi niya ako sinasaktan physically. Ayoko talaga gumawa ng gulo. I know Ice rin when he's mad, he's mad talaga. Ayoko magkaroon issue sa guidance."

Napakiusapan ko si Kuya Lucas na huwag sabihin kay Ice.

After exam, mabilis na lumabas si Gabby, hila-hila ang Kuya Lucas. She's really excited.

At dahil for two hours ang exam ni Ice, may one hour pa.

Sumama muna ako kay Pau and Angelica for lunch bago madaling pumasok ng campus.

Pagkaakyat ko sa floor nila, I saw Zarm and Ice. They're talking. May ipinapakita si Zarm sa phone niya. Tinaasan lang siya ng kilay ni Ice.

Nang tumalikod si Kuya Ice, agad akong bumaba, para kunwari paakyat pa lang ako.

"Hi, baby." He smiled pagkakita sa akin. Biglang sumulpot si Zarm sa likod niya.

Inirapan niya ako bago bumaba.

"Henlo. Magkausap kayo?"

He nodded. See? Hindi man lang niya itinanggi. That's why I trust him.

"Exam niyo kanina, right? Papaano nakagamit ng phone 'yon?"

Natigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Yes, why?"

"May ipinakita siyang picture sa akin. Kayo ni Lucas, magkalapit. And sinasabi niya ang sweet niyo raw. Ipinipilit niya sa akin. Don't worry, hindi ako naniniwala. Because, hindi rin naman kapani-paniwala."

He's so honest. Nakokonsensya akong hindi sabihin ang mga ginagawa at sinasabi sa akin ni Zarm lalo tuwing nasa room.

I laughed sarcastically. "Inaask ako ni Kuya Lucasif malabo ang mata ko, because palagi na raw niya akong nakikitang nakasalamin. Lumapit lang siya sa akin dahil ayaw niya mag-create ng noise because nag-e-exam pa ang iba."

"Ang weird talaga ni Zarm. Tara date tayo."

Hinila niya agad ako papuntang parking area. Pinagtitinginan nga kami dahil parang may humahabol sa amin.

Tuwang-tuwa naman ang lalaking 'to.

Himala nga at nakakapag-drive na siya. Binawala. pala siya ni Tita dahil one time raw inamin mismo ni Ice na halos makaidlip siya while driving.

Nakarating kami sa Chino Roces, dito sa Makati.

"What are we doing here?"

"Mag-w-withdraw, bibili tayo ng bahay natin," pagbibiro niya na akala nama'y nakikipagbiruan ako. "Joke! Wait."

Nakarating kami sa Finale Art File. I secretly glanced at him. Siguro nakita niya ulit na ni-like ko iyong post ng isang page kagabi about sa pag-visit nila rito.

"Thank you."

"Basta ikaw." He offered his hand. Agad kong tinanggap iyon at sabay kaming naglakad papasok.

As I looked around the museum, It really makes me wonder what the artist was thinking? What they were trying to say? Ang gaganda ng mga na ka-display rito.

Agad kong kinuha ang phone ko para kuhanan ng litrato ang mga andito.

Hinarap ko si Ice at iniabot ang phone ko sa kanya.

"Can you take a video of me? Habang naglalakad ako. Dapat aesthetic."

"Okay. Wait, here ka magsimula sa bandang kanan, maganda lighting. Walk slowly, ha?"

Agad kong sinunod ang mga sinasabi niya. He's really good talaga sa pagkuha ng picture.

Nag-pa-picture din kaming dalawa.

Nang malibot namin buong museum, we decided to umuwi na. Actually ako lang pumilit sa kanya. He needs to review, puro major ang exam niya bukas. I promised naman sa kanya na mas matagal kami kapag signing of clearance na.

I opened my facebook account para sana kumuha ng updates sa group chat. Pero iba ang bumungad sa facebook ko.

It was a picture of me. I was lost in the art, unaware that Ice had captured a picture of me from behind. I couldn't help but smile while reading his caption.

Isaac Miguel Rivera tagged you in a post.

The museum's filled with art, but my Amari is the most beautiful masterpiece in the room.

~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro