Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

Time flies so fast.

I already graduated in High School as Batch Valedictorian, with other awards. Ang ilang contest na sinalihan ko noon, binigyan ako ng cash insentives na ginagamit ko noon sa pagbili ng gamit dito sa apartment.

I was torn between bedspace or apartment. But dahil sa pag-uusap namin ni Tita Gelly, pinili niya ang apartment, for my own safety na rin daw.

"I'm tired!"

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Nanibago ako dahil nasa floor ang kama ko, bumili lang kami ng floor bed frame. Dahil bumili ako ng study table, nagtitipid lang ako.

Sinamahan ako ni Kuya Ice na mag-ayos ng apartment. Ang apartment na 'to ay halos students from SanLo. Ilang minutong lakaran lang din. May rooftop kung saan kami pwedeng gumawa ng assigenments.

"I orderd for our lunch na. Matulog ka muna."

"Ganda, 'no?"

Buong kwarto ng apartment na 'to ay pininturahan ng kulay pink ng kapatid ko noon nakaraang araw. Nilibre din niya ako grocery ko, dahil binitbit ko rito ang mini ref ko.

Binuksan ni Kuya Ice ang bintana. "Ganda nga. Buti nakuha na natin ito agad. Are you excited?"

I nodded. "Kinakabahan ako. Paano kapag walang lumapit sa akin? Wala akong maging friends doon?"

Lumapit siya sa akin. "Just smile, lagi ka kasing nakasimangot. For sure, may magiging kaibigan ka roon. Kapag nahihiya ka pa rin, call me lang."

"At anong gagawin mo?"

"Mag-shift. Lipat ako sa program mo."

Hinampas ko siya dahil sa sinabi niya.

"You're going to live alone na." Inilibot niya ang mata sa buong kwarto, sabay ngiti. "You're not a baby na."

"Hindi mo na rin baby?"

Bigla siyang namula at napakagat sa ibabang labi. "Baby ko pa rin, syempre."

Oras ang lumipas, andito lang kaming dalawa sa kwarto. Naiilang talaga siya nong una na pumasok, pero wala naman kaming gagawing iba.

"Can I check your schedule so that I can work my way around it?"

Iniabot ko sa kanya ang phone ko. "I don't have classes every Wednesday!"

"Walang tugma sa time natin. But don't worry, I can make time."

"Excited na ako maglakad papasok."

"Susunduin kita. Maglalakad ka r'yan," sita niya sa akin.

Sinimangutan ko siya. "Malapit lang naman. Sige, susunduin mo 'ko pero maglalakad tayong dalawa? Tapos kapag pauwi gano'n din."

"Pagod ka na agad papasok.'

"Eh, nope! Mas okay maglakad papasok at pauwi. Ayaw mo ba? Mas makakasama mo ako matagal kapag maglalakad?"

"Minsan nga bawasan na nating dalawa magsama, natututo ka na rin sa mga ganyan." Pagbibiro niya na agad naming tinawanang dalawa.

Nakita ko schedule niya, wala siyang pasok every Friday. Before lunch start ng ilang pasok niya, samantalang ako, napakaaga. Wala naman daw problem sa kanya, pwede raw siyang tumambay sa Library, at mag-practice for Basketball.

Binigyan niya ako ng mini fan. Kaya pala lagi siyang may bitbit na ganito ay dahil mabilis siyang mamula tuwing naiinitan siya.

"Sasali ako sa mga school clubs or org.."

"Sa first day may mga booth doon. Pero 'di pa kumpleto iyon. We can check that.'

"We? S-Sasamahan mo ako?"

"Oo. Kapag wala ka pang friends. Ay, wait."

Bigla siyang tumawa kaya naningkit ang mga mata ko.

"Nakalimutan natin kapatid ni Lucas. Hindi ba classmate mo siya?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Oo nga pala! What the fuck!"

"Language, madam."

Napatakip ako sa bibig ko.

Nakalimutan ko nga pala si Gabby. Hindi ko siya mahagilap sa facebook, dahil ang sabi niya sa akin noong enrollment, mag-activate lang siya ng facebook kapag first day.

Inihatid na muna ako ni Kuya Ice sa bahay, sabi ko kasi gusto ko roon ako mang gagaling kapag first day ko.

"How's your apartment?" tanong sa akin ni Daddy.

Napatingin ako sa kanila ni Mommy. "Ayos lang po. Naayos na po namin lahat."

"Magiging independent na ang alaga ko." Lumapit sa akin si Manang at niyakap ako.

Nakatingin lang ako nang diretso kila Daddy. "Simula naman po noong bata ako, Manang, ako naman na po lahat."

Hindi ko na hinintay ang sagot nila.

Maaga akong nagising kinabukasan. Kinuha ko lang ang red dress na iniregalo sa akin ni Manang noong graduation ko. Siya rin nag-ayos ngayon ng buhok ko.

Kinuha ko lang ang bag ko, bago nagpaalam sa kwarto ko.

Nanlaki mga mata ko nang makita si Kuya Ice na kinakausap ni Daddy kaya mabilis akong bumaba na dahilan bakit muntik pa akong mahulog.

"Be careful, hindi aalis ang SanLo," bulong niya sa akin.

Umayos siya ng tayo niya. "Mauuna na po kami." Pagpapaalam niya.

Tumango lang si Daddy habang may hawak na newspaper.

Palabas na kami ng bahay nang tawagin siya ni Mommy.

"Isaac." Bahagya siyang lumapit sa amin. "P-Please, take care of Amari."

Naramdaman kong napatingin si Kuya Ice sa akin. "Don't worry, Tita. Aalagaan ko po si Amari. Una na po kami."

"You're so pretty."

"Uh, thank you! Ikaw rin, pogi mo sa uniform mo."

Bahagya akong lumapit sa kanya na ikinagulat niya.

Ang linis niya talagang tignan, lalo ngayon bagong gupit pa siya.

Kinuha ko ang School ID niya, ang pogi. Iyong ID niya nakalagay kung from what college program siya, by next month pa iyong amin.

Pagkarating namin ng school, malalaman mo agad kung freshman 'yong makakasalubong. May two weeks kasi kami na naka civilian muna, and ang mga nasa higher years, bawal gumamit ng civilian.

"K-Kinakabahan ako."

Hinila ko ang kamay niya. "That's normal. Masasanay ka rin. Don't worry, wala pa naman kayo masyadong gagawin ngayon."

Hinawakan niya ang kamay ko.

Nakakatuwa makasalubong ng mga kagaya kong freshman. Ang iba'y mag-isa, mukhang naliligaw, at ang iba ay mga kasamang kaibigan.

"Amari, here!"

Agad naming nilapitan ni Kuya Ice si Gabby at Kuya Lucas.

"Tagal niyo," reklamo niya. "Init init dito, e."

"I told you kanina na sa loob na tayo."

"Ayoko. Wala namang mahahanap na pogi roon."

"Gabby! Papauwiin kita ng probinsya."

Natawa at napailing ako. Kung gaano ka tahimik si Kuya Lucas, sobrang daldal naman nitong si Gabby.

Ang building ni Kuya Ice ay medyo malapit lang sa building namin. Mga apat na minutong lakaran lang.

Napapasimangot ako tuwing may mga kinikilig kapag nakakasalubong itong mga kasama ko.

"Mukhang kinikilig ka?" Umangat ang tingin ko kay Kuya Ice.

"Huh?" tanong niya pabalik sa akin.

"Mukhang kinikilig ka sa mga pumapansin sa iyo."

He leaned his face closer to mine. "See? Dito po ako kinikilig. Hindi ka kasi bumibitaw."

"Nyay! Sana all. Please, may dalawang single rito sa tabi niyo." Humalukiphip siya. "Kuya, hindi ba galing sa circle of friends niyo itong si Kuya Ice?" Nagtaas-taas kilay siya sa kapatid niya. "Baka may mairereto ka, Amari. Gusto ko bad boy type."

"U-Uh, m-meron! Si K-Kuya Elijah!"

Biglang tumawa nang malakas si Kuya Ice.

"Hindi. Huwag," si Kuya Lucas.

"Bakit?" Gabby pouted. "I can change him!"

"Tangina." Hindi pa rin matigil katatawa si Kuya Ice.

Hinila ako ni Gabby para kami ang magkasama.

"Excited ako! Pero bawal ako magligalig dito, baka ipatapon ako ng kapatid ko sa probinsya." Nakahawak siya sa braso ko. "Ang lambot ng balat mo. Parang nakakatakot kang hawakan."

Napatawa na lang ako sa kanya. Maingay siya parang si Lorraine.

Napasimangot ako, bigla kong namiss si Lorraine at Bianca. Magkakaiba kasi kami schedule.

Sinamahan nila kami hanggang sa building namin. Four-storey building ito. Ang ilan dito ay mini-hotel, at kitchen lab.

Naunang pumasok si Gabby sa loob, para makahanap daw siya ng maayos na pwesto.

"K-Kinakabahan ako. Para akong aatakihin."

Ay, si oa.

He gently held my cheeks. "You can do it. Make friends, 'wag kang matakot, okay?"

I smiled. Tumalikod na ako sa kanya at nang tuluyan akong makapasok, nilingon ko ulit siya. He's smiling, para siyang proud parent.

Bigla kong naalala noong graduation day ko. Hindi kasi inallowed ng school naming tumayo ang mga students habang binibigyan ako nh award. Pero hindi niya sinunod iyon. Mag-isa siyan nakatayo habang pinapalakpakan ako.

Nagpaalam na siya sa akin.

Napalingon ako kay Gabby, nagr-retouch ng make up niya. Si Bianca naman tuloy ang naisip ko.

"First choice mo ba Culinary?"

"Nope! Civil Engineering sana talaga, pero ang baba ng Math ko. Pero second choice ko naman 'to, so okay lang. Ikaw ba?"

"Ah, oo."

"Magaling kang magluto, panigurado!"

Mahina akong natawa. "Actually, no. Pinili ko lang 'to kasi nagw-work parents ko sa restaurant."

May group of friends ang dumating. Napalunok ako, mukhang ang intimidating nila. Taas noo pa nga sila habang naghahanap ng upuan.

I sighed heavily. Kinakabahan talaga ako, pero kagabi lang excited ako.

"Parang masusungit sila." Biglang saad ni Gabby. "Pero ayos lang. Mas masungit ako."

Kung may iniinom lang siguro ay nabulunan na rin ako.

Pero ito rin kasi sinabi sa akin ni Kuya Lucas. Parang si Ate Margarette daw si Gabby. Nakikisama, pero masungit talaga. Never daw nagpatalo itong si Gabby.

Nakatanggap naman ako ng message. Kaya dali kong kinuha ang phone ko.

Ice Miguel
dito me sa library. may prof kayo? may ibibigay sana ako.

Amari
itakas mo na ako rito. nagigisa na ako sa init hahaha di ko nadala fan ko hehe. wala pang prof.

Ice Miguel
okay, otw.

"Amari."

"Hmmm?"

Hinila ni Gabby ang kamay ko. "Pogi ba si Kuya Elijah? Ano facebook niya? Nag-reactivate na ako ng account ko for him."

Pinitik ko ang noo niya. "I'll add you sa group chat namin."

Agad-agad ko rin namang ginawa iyon.

BASTA GC

Gabriela Luisa
Hi! Nice meeting y'all.

Lucas
jusko po.

Juan Gio
ikaw pala si Gabby. 'yong pasaway raw na sister ni Lucas. HAHAHAHA

Elijah
Hello, Gabby!

Kilig na kilig si Gabby sa message ni Kuya Elijah. Hindi pa naman niya nakikita.

Ilang minuto lang may kumatok sa pinto kaya agad akong napaayos ng upo.

Nanlaki mga mata ko nang makita si Kuya Ice.

Nagmadali akong lumabas. Narinig ko ang ilang bulungan ng mga classmate ko.

"Ilagay mo palagi mini fan sa bag mo. Kita mo, pawisan ka na. Wala ba kayong aircon?" Pinupunasan niya ang noo ko. Inaayos pa ang ilang hibla ng buhok ko

Ito na naman 'yong tatay ko.

Nakatitig lang ako sa kanya, nagpipigil tumawa.

"Itawa mo na 'yan."

Kainis!

Iniabot niya sa akin ang isang paper bag.

"Ano 'to?"

"Uh? Paper bag?"

"Wag na, iyo na 'yan."

Hinila niya ako nang akmang papasok na ako. Tawang-tawa pa siya.

"May booth d'yan sa baba. Inabutan kasi ako kanina  cheesecake tapos nagustuhan ko kumuha ulit ako. Itong matcha drink, binili ko kay Eya. Binilhan ko na rin si Gabby."

"May fan ka na rin dyan sa loob. Tapos iyong isang fan mo ay ako." Pabiro pa niya akon tinaas-taasan ng kilay. "Sige na, pasok ka na bago ako umalis."

Pumasok na ako at sinarado ang pinto.

"Hi!"

"Uh, hello." I answered, awkwardly.

Sila iyong tatlong mukhang intimidating sa paningin ko.

"I'm Zarm." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Nice meeting you."

"Hi, Zarm. I'm Amari. Nice meeting you, too."

"Do you know that man? Close pala kayo?"

Si Kuya Ice ba tinutukoy niya?

"Ah, 'yong lalaking kumatok." Medyo iritado ang sunod na tono ng boses niya.

"Yep."

"May relationship kayo ni Kuya Miguel?"

"Kuya what?" halos mabingi ako sa sinabi niya.

Parang siya lang kasi ang narinig kong tumawag ng Miguel kay Kuya Ice.

"Kuya Miguel nga."

"W-Wala. He's still courting me."

"Oh, okay. Close kami nyan. You can ask him."

Umupo siya kaya tumango na lang ako bago umalis.

"She's pretty."

"Can you please shut the fuck up? Mas maganda si Ate ko. She's a model for a reason," sagot ni Zarm.

Sino kayang tinutukoy niya? Napabuntomg hininga ako.

Tinanong ako ni Gabby kung anong pinag-usapan namin. Kwinento ko rin naman at nag share kami sa food.

Mukhang wala pala talaga muna kaming prof.

We met two friends na rin. Si Pau at Angelica. They're from the same school daw noong High School.

Inaya nila kami ni Gabby na maglibot. Inupdate ko agad si Kuya Ice, hindi nag-reply siguro may isang klase siya. Nabanggit niya kasi kagabi na hindi pa final 'yong schedule niya.

Puro libot at kain ang ginawa naming apat.

Hindi ko nahagilap si Kuya, ang layo naman din kasi ng building niya, parang nasa kabilang dulo pa ng SanLo.

Hindi rin ako nakapag-register agad sa mga club or org. pero may announcement naman daw for that.

"Wala si Kuya Miguel?" Zara asked bago siya lumabas dahil uwian naman na rin namin.

"He's on his way na rito. May dinaanan lang." I answered habang nakatingin sa phone ko.

Hindi ako komportable bigla.

Nagpaalam na sila, bago tuluyang makarating si Kuya Ice.

"Hi! How's your first day?" Kinuha niya ang bag ko.

"A-Ayos naman. Naglibot lang kami. Ikaw? Kumusta ka?"

"Boring, 'di kami pinalabas ng mga prof namin, 'wag na raw kaming dumagdag sa siksikan ng mga first year students."

Naglalakad kami pauwi. Napangiti ako, ito gusto ko, walking distance lang.

"Uh, t-teka. Paano ka? Edi babalik ka pang SanLo para kuhanin sasakyan mo?"

"No po. Hatid sundo rin ako ng driver namin. Andyan siya nakasunod sa atin."

Pagkarating namin sa Apartment inaaya ko siyang pumasok pero nahihiya raw siya, hindi ko na rin siya pinilit.

Nakatulog ako at pagkagising ko puro mention sa akin sa facebook. So, inopen ko 'yon dahil kinabahan ako baka may issue akong hindi ko alam.

Nakasama ako sa mga pinost ng SanLo University Council at Multimedia Club sa first day ng school.

Ang unang picture ay naka-pout ako at ang pangalawa'y nakangiti ako. Kanina ito sa cafeteria!

Nakakahiya! Unang-una pa mukha ko!

Ang daming heart reaction ng dalawang picture ko.

Lorraine Esteves: HAHAHA the fuck! Gising Amari!

Bianca Corpuz: Naka-pout siya, eh. Baka ayaw ng pagkain HAHAHA.

James Ford: Anong program siya? Hahaha, damn. Pretty.

Nate Luis: Sana inilalapag niyo rin Department. Hahanapin po ba namin siya sa buong SanLo?

Carlo: she's really that pretty. saw her sa booth namin kanina hahaha. sa pagkakaalala ko she's from culinary arts.

Margarette: kung ako sa isa r'yan, bakod malala.

Juan Gio: Isaac Miguel hahaha patay na! bakod bakod na lang.

Isaac Miguel: ang ganda, men!! buhay ko/10!!

Isaac Miguel: Bakit nakasimangot 'yan? Ayaw mo ba ng pagkain d'yan? Wala bang cupcakes? Matcha drink? Sabihin mo lang Amari ipagagawa kita Cafeteria, just for you. <3

After nyan, tinawagan niya ako. Hindi raw niya alam kung magseselos siya or matutuwa. Biniro ko lang naman din siya na panigurado marami naman din siyang taga-cheer.

Maya-maya lang may notif na naman.

Ice Miguel tagged you in a post.

Oy, si girl in a red dress pala 'to. :P

Stolen picture ko iyon sa sasakyan niya. Ito lang 'yong post niya na naka public gamit second account niya.

Amari Gracey Guanzon: hahaha ay bakit napa-post ka bigla? anue meron?  hahahahaha
Ice Miguel replied to your comment: may nakita kasi akong magandang bahay kanina, kaya nilagyan ng gate. ;)

In-off niya na rin ang comment section. Dahil naka-mention account ko, nakakatanggap ako ng friend request.

Kinabukasan, sabay kaming nag lunch. Wala raw siyang gagawin ng hapon, binigyan lang daw sila ng assignment.

"Kuya Miguel?"

"Hmmm?" Agad niyang binitawan ang ballpen at tumingin sa akin.

Kumunot ang noo niya, bakas ang gulat sa kanya.

"Miguel?"

Tumango ako.

"Can I ask?" Siya naman ang tumango at nakatitig sa akin. "Do you k-know Zarm?"

"Isa lang kilala kong Zarm. And I think, siya nga iyon," mabilis na sagot niya.

Tumaas ang isang kilay ko. Pakiramdam ko gets niya naman na ako, gusto kong malaman papaano niya nakilala iyon.

"Pinsan siya ni Zephanie, ex ko."

Nag-iwas ako ng tingin. Bigla akong nanahimik kahit may mga gusto pa akong itanong.

Parang 'di pa ako handa kapag ex niya pag-uusapan.

"I don't care about her anymore, Amari."

"N-Nasaan siya?"

Naramdaman ko ang pagtayo niya at paglipat ng pwesto sa tabi ko. "We'll talk about this later. May class ka pa."

Tumango ako at inayos ang bag, pero siya naman nagbitbit.

"Don't be friend with Zarm. She's... wild. Ignore her." Hinintay niya akong makapasok bago isinarado ang pinto.

Ilang minuto lang, pumasok naman si Zarm. Nagtama mga mata naming dalawa.

Buong hapon wala akong ibang inisip kundi iyon. Mabuti na lang talaga puro introduce yourself kami nitong hapon.

"Are you okay?" Gabby asked. Katatapos naming ipasa ang index card.

"Yes! S-Sumakit lang ulo ko."

Nadatnan ko sa labas si Zarm kinakausap niya si Kuya Ice. Pero tutok lang sa phone si Kuya Ice, at hindi umiimik.

"Close sila?" bulong sa akin ni Gabby. Hindi ko tuloy alam anong isasagot ko.

"H-Hi." Lumapit na ako.

Mabilis na naglakad paalis si Zarm. Si Kuya Ice naman ay ngumiti agad at kinuha ang bag ko.

"Wala na bang kaibigan si Kuya Lucas?" tanong ni Pau kay Gabby.

"Bruha! Ayaw nga ipakilala ni Kuya! Ikaw, Kuya Ice? May kakilala ka?"

"Marami. Sa basketball team, nood kayo." Natatawang sagot niya.

Nagkahiwalay-hiwalay na kami. Habang naglalakad, tahimik lang ako.

After kong gawin mga kailangan kong gawin, naupo ako sa kama, si Kuya Ice ay nakaupo lang sa may study area ko.

"Are you done?"

Tumango ako. "Magkwekwento ka? G-Gusto ko lang malaman. I swear, 'di ako magagalit."

Hinila niya ako palabas ng kwarto, at pinaupo sa may dining area.

Nakatitig lang siya sa akin, I pouted. "Wag na nga, matutulog na lang ako."

"Zephanie. She's my ex for two months, noong grade nine kami nito. We've been friends since were four years old, together with Zarm."

"Siguro nadala kami panunukso sa amin. Siya kasi palaging kasama ko simula noong nag-umpisa akong mag-aral. Hanggang sa wala na akong maramdaman noon, I know iisipin mo bakit ang bilis. Sinubukan ko pa kung kaya ko, pero wala. I decided na makipaghiwalay, tinanggap niya. Siguro hanggang kaibigan lang talaga kami."

"Ahhh. A-Ang tagal niyong naging magkaibigan. Paano nong naghiwalay kayo?"

"We remained as friends."

Friend niya pa ex niya hanggang ngayon?

"A-Asan na siya?" Umiwas ako ng tingin sa kanya, pinaglalaruan ko 'yong basong nasa harap ko.

"Nasa ibang bansa. Dubai. Lumipat sila roon, pero sinabi ni Zarm, uuwi raw sila ngayon."

"Ahh. E-Edi friend pa rin kayo? May communication pa rin kayo?"

Umiling siya sa akin. "Wala na. Tinapos ko na."

"Sayang friendship."

"Mas sayang kapag nawala 'yong mahal ko. I found my love and friendship in one person already."

Tahimik ako, hindi makatingin sa kanya.

"She's a model. For sure magand-"

"You're so pretty, Amari. Alam mo ba kung gaano karaming nagagandahan sa iyo? Nakita mo ba comments ng mga tao sa iyo? Nagseselos ako, pero alam mo naisip ko, kawawa pala talaga sila. Wala sila ng meron ako. Alam mo kung anong meron ako na wala sila? Ikaw."

He hold my hands. "Zephanie's beauty may catch the eye, but your beauty, Amari, captures my heart and eyes. Walang papantay sa iyo. You're a work of art, Amari." He leaned closer to me. "You are the epitome of beauty in its purest form."

"Sus! Bolero!" Mahina kong itinulak ang mukha niya palayo sa akin.

Maya-maya lang may inilabas siyang papel. "Drinawing kita. Ikaw na si Girl in a Red Dress. Ginawa ko kanina habang busy ka."

"So, pretty! Kaya pala nakayuko ka roon, akala ko kung ano nang ginagawa mo. Ipapa-frame ko ulit 'to."

Mas na-improve na 'yong drawing niya kumpara noon.

"Wednesday bukas, wala kang pasok, 'no?"

Tumango lang ako habang nakatingin pa rin sa papel na ibinigay niya.

"Amari, 'wag mong papansinin si Zarm. She's kinda wild. Sabihin mo agad sa akin kapag may ginawa siyang 'di maganda sa iyo."

"Tinatakot mo ako! H-Hindi ako nakikipag-away, ha?"

"I know, I know. Kaya sasabihin mo agad sa akin, okay? Kapag may napansin kang kakaiba, tell me agad."

Dumaan ang unang linggo ko sa SanLo. Para lang akong tumatambay roon dahil wala kaming ginawang klase.

"Good morning!"

Agad kaming napatayo. Ito siguro 'yong prof namin.

"You may now take your seat. I'll be your professor for the subject, Food Safety and Sanitation. By the way, I am Ms. Steph Cruz. Don't worry, 'di naman ako gano'n ka strict, kadamot sa grades. Comply and do your best."

Pinagpasa lang niya kami ng index card, and she just discussed about our subject.

"Excuse me, Ms. Cruz? I'm from the Finance department po. I'm just here po to ask if dito po ba si Amari Gracey Guanzon?"

Agad akong nagtaas ng kamay. "Good morning, Ma'am. That's me po."

"Minomonitor na po kasi ngayon ng SanLo kung talagang pumapasok mga nakakuha ng full scholarship grant."

"Oh! Matalino pala 'tong si Ms. Guanzon. Full scholarahip grant, kakaunti lang nakukuha r'yan, congrats!"

"Actually, in your department, siya lang ang naka grant ng full scholarship. Kaya nga makakabalik agad ako sa office, 'di na ako mahihirapan kasi sa department nyo ako naka-assign," pagbibiro niya.

Manghang-mangha mga bagong kaibigan ko. Hindi ko rin naman kasi sinabi sa kanila ang tungkol sa scholarship. Bigla tuloy akong na-pressure.

"Hala! Scholar ka pala rito? It means, you can't really afford here?" si Zarm. 

"Ah, yes. I think wala namang masama? Also, it's my dream university."

"Hmm. Ako kasi I can study whenever I want, kahit walang scholarship." Nakatingin siya sa akin, sarkastiko pa siyang ngumiti. "Why hindi ka nag-enroll sa mga State University? Matalino ka pala. Siguro bumagsak ka? Edi mas makakamura pa kayo roon." Nagtawanan silang magkakaibigan.

Hindi ko na lang sila pinansin. Ayoko makipagsagutan, hindi naman 'to debate.

"Sabunutan ko 'yan, teh. Pigilan mo ako," sambit ni Gabby.

"Ay, hindi! Go, atecco!" sabi naman ni Pau.

"Hayaan niyo na siya. Huwag na nating papansinin."

"Oh! You're from SanLo Science High School? You're the Batch Valedictorian?" manghang tanong sa akin ni Ms. Steph habang hawak ang isang papel. "You're so smart. SanLo Science High, napakahirap ng entrance exam nila roon for incoming grade seven, and I heard since magkakaroon na ng Senior High, hindi sila basta-basta tatanggap ng students na 'di galing doon."

Narinig ko ang bulungan ng iba sa kanila. Namamangha naman ang iba habang nakatingin sa akin. Napayuko na lang ako, map-pressure lang ako nito.

Sa vacant hours namin, inaya ko lang silang tumambay sa apartment para makalag

"Bakit 'di mo kasama si Kuya Miguel?" biglang sumulpot si Zarm sa bakanteng upuan sa gilid ko.

"He's busy. Hindi lang sa akin umiikot ang mundo niya, Zarm. Hope you know that."

Ayokong makipagtalo rito, pero sa halos isang week pa langna nagdaan, palagi akong ginugulo tungkol kay Kuya Ice at sa ex niya.

"Malapit na umuwi first love niya. I'm so excited na maituloy nila iyong dati."

"Sabihin mo 'yan sa harap ni Kuya Ice."

"Talaga. Matutuwa 'yon. They love each other."

"Nangangati kamay ko manampal." Tumayo si Gabby. Inaayos ang buhok.

Pinigilan ko agad siya. Jusko! Ayaw ko makipag-away, ayoko magkaroon ng bad record.

Padabog na tumayo si Zarm. Napabuntong hininga na lang ako.

Pinaalalahanan ko na rin silang tatlo na hayaan na lang, walang magandang dulot sa akin kung papatol pa ako.

Naglalakad na ako pauwi. Nagpaalam na ako kay Kuya Ice. May isang class pa kasi siya at training agad nila. Hindi ko siya inabala, mapapagod lang yun lalo.

"Amari!"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita si Felix malapit sa apartment.

Tumakbo ako palapit. "Oy! Long time no see! Kumusta?"

"Ayos lang. Nag-start na pala classes niyo, next week pa kami. Anong program mo?"

"Culinary Arts! Ikaw ba?"

"Naks, maalam siya magluto!" Pagbibiro niya sa akin. "Performing Arts major in Music." Tinititigan niya ako. "Ang healthy mong tignan lalo ngayon. I mean you're glowing."

"Bolero! Maganda pa kasi schedule ko."

"Kumain ka? Tara, kain tayo! Libre ko!"

Napatingin ako sa oras, maaga pa naman kaya pumayag na ako.

Ako na ang nag-aya sa kanya rito kay Ms. Eya.

Nagulat siya nang makita ako kasama si Felix. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa.

"Si Felix po, friend ko. Felix, si Ms. Eya, siya owner nito."

"Nice meeting you, Ms. Eya."

"H-Ha? Ang formal naman! Eya na lang. Nice meeting you, too."

"Kumusta naman sa SanLo?"

"Okay naman. Okay rin Professors and environment doon."

Tumango-tango siya. "How about mga classmate mo?"

"Ah! Okay naman, yata?" Mahina akong natawa sa sarili ko. "I met new friends na."

He leaned closer to me at ginulo ang buhok ko. "Nakakatuwa marinig 'yan sa iyo, no? Kahit matagal tayong 'di nagkasama, alam kong hindi ka sanay makipagkaibigan sa iba. Para kang may wall, eh. Takot ka lang sa tao noon. I'm so proud of you."

I smiled. "Unti-unti na akong nakakaalis sa comfort zone ko, right? Pili pa rin naman kinakausap ko."

Tumagal nang tumagal kwentuhan naming dalawa, madilim na rin nang matapos kami. Ipinarinig niya rin sa akin iyong ire-release nilang bagong kanta. 

Inihatid niya na rin ako sa tapat ng apartment. Nagulat pa nga siya nang sinabi kong ako lang mag-isa.

Nagulat ako nang bukas ang ilaw. Kumunot noo ako, ang alam ko in-off ko lahat bago ako pumasok. Hindi na rin naka-locked ang pinto nang sinubukan kong ipasok ang susi.

Dahan-dahan akong pumasok habang may hawak na walis tambo.

Aba?! Akala ko may training 'to?! Ba't hindi sa kwarto natulog!

Nakita ko si Kuya Ice na natutulog sa sofa. Napatitig ako sa kanya. Ang pogi talaga, ang tangos ng ilong. Mukha siyang baby na natutulog. 

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng kwarto.

"Ops! Saan ka galing?"

Napahinto ako sa pagbukas ng pinto. 

"A-Ah! Hehe! Gising ka na!"

Nakita kong tinatap niya ang sofa, para maupo ako roon sa tabi niya.

"N-Nakita ko si Felix!"

"Wala pa nga akong tanong. Oh, ituloy mo na." Nakataas lang ang isang kilay niya.

Pansin ko lang talaga sa kanya, may mannerism siyang biglang pagtaas ng kaliwang kilay niya, pero hindi naman nangyayari palagi. Tapos, tumataas naman kanang kilay niya tuwing nagtatanong or nagtataka siya. Pati kapag may narinig siyang 'di gusto.

"Eh, naglalakad ako pauwi. Nakita ko si Felix malapit dito, ayun kumain kami kila Ms. Eya."

"Minessage kita. Bali kalahating oras lang kami sa court, pinatakbo lang kami. Akala ko andito ka natutulog, kumakain ka pala." Hindi naman siya galit. Alam ko na tono ng boses niya kapag galit siya. "Nag-aalala ako sa iyo. Buti tinext ako ni Eya, kasama si Felix."

Lumapit ako sa kanya. "Hindi ka ba nagseselos?" Pang-aasar ko sa kanya. 

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Nagseselos, kaya nga natulog na lang ako."

"Sorry na! Hindi na mauulit, ngayon ko lang kasi siya ulit nakita."

"Okay, next time magsasabi ka sa akin, ha? Para 'di ako mag-aalala sa kung nasaan at sino ang kasama mo."

Mamaya-maya pa pala ang dating ni Kuya Alex dahil ipinagawa niya ang sasakyan. 

"Sungit, natanggap mo message ko?"

"Yep! Ano gagawin ko rito?"

"Titigan mo," sagot niya nang pabalang sa akin. "Joke! Lika, dali! Search mo 'yan sa internet."

Ano namang gagawin ko rito sa 41° 18'14.1"N 81° 54'06.1"W

Tumabi ako sa kanya. "Bakit di pala ikaw 'yong mag-search?"

"Luh? Icopy paste mo lang 'yan." Balik na sagot niya sa akin. 

Natatawa ako dahil para siyang batang nagtatampo. "Joke lang! Nagtatampo na agad."

Pagka-search ko, napangiti ako sa nakita ko. Heart-shaped lake ito.

"Cute naman nito."

"Well. Sa akin galing, e. Before I forgot, gusto kang makilala ni Lola sa Saturday. Eksakto, birthday celebration din niya."

Napayuko ako at biglang kinabahan. Buong pamilya niya na siguro ang andoon dahil birthday ng Lola nila.

"They'll like you. They're all excited to meet you." Hinawakan niya ang kamay 

Araw ang lumipas. Nagmadali akong nag-ayos, suot ko iyong white dress na iniregalo sa akin kahapon ni Tita Isabela. 

"Ilang bahay pa meron kayo?" manghang tanong ko.

Andito na kami sa Alabang. Ito na yata talaga 'yong sarili nilang bahay. Mas malaki ito kumpara sa kabilang bahay nilang pinupuntahan namin.

"Last na ito. Rito talaga bahay namin."

"K-Kinakabahan ako. Baka ayaw nila sa akin."

"Nahihiya akong pumasok. Sure ka bang ipapakilala mo pa ako? Nahihiya talaga ako."

Lalo kong nare-realize na ang layo ng agwat ng buhay naming dalawa. Nahihiya akong pumasok sa loob.

"Sure ka bang liligawan mo pa rin ako? Atras ka na kaya?" pabirong tanong ko.

Nilingon ko siya, seryosong nakatingin sa akin. "May bumabagabag ba sa 'yo? Pwede ko bang malaman?"

I pouted. "You are out of my league." Pakanta kong sagot. "Eh, baka hindi ako tanggapin ng side mo, baka ayaw nila sa a-akin."

Andito mga kamag-anak niya, andito grandparents niya.

"Their opinion about us doesn't matter. They can't control me like they did with Mommy. They know, they can't do that to me." He held my hand to reassure me. "Don't worry, aalis tayo kapag hindi ka na komportable at kapag may sinabing hindi maganda."

"Do you trust me?"

Tumango ako.

"Good." Ngumiti siya sa akin, bago bumaba ng sasakyan at pagbuksan ako ng pinto. "Let's go inside." Inalalayan niya ako.

Pagpasok ko ng pintuan, dama ko agad ang yaman at elegansya ng bahay na ito. May mga mamahaling likhang-sining na nakasabit, mga upuan na gawa sa mamahaling materyales. Kumikintab ang sahig. May malaking chandelier na nakasabit.

"They're here!" sigaw ni Isabel. "Hi, Ate Amari!" Biglang may sumulpot na bata sa tabi niya

Tita Isabela immediately came out, approached me, at bumeso. "Hi, darling. Welcome to our lovely house!"

"T-Thank you po, Tita."

Agad kaming pumunta sa dinning area. Mahabang dining table.

Siguro namumutla na ako sa kaba.

Mga mayayamang tao ang mga nasa harap ko. 

"Good evening po."

Lumapit ako sa dalawang matanda upang magmano. Pero kahit tingin o ngiti ay hindi ako binigyan ng matandang babae.

"Napakagandang bata naman," sambit ng matandang lalaki bago ngumiti.

"What's your name?"

Agad akong napalingon sa lalaking nasa tapat namin ni Kuya Ice. Mas matanda yata siya kay Kuya Ice.

"Amari po."

"Amari Gracey Z. Guanzon, right?" tanong ng matandang babae sa akin.

I smiled. "Yes po."

"I heard, you're the Batch Valedictorian? Nice."

Nag-umpisa na ang pagkain namin. Normal na kamustahan nilang pamilya, pag-uusap sa business, at sa work nila.

"Isaac, apo." 

Lahat kami napatingin sa direksyon ng matandang babae.

"Kumusta si Zephanie? I heard she's coming back." She said, excitedly.

Napatingin ako kay Kuya Ice, tuloy lang siya sa pagkain na parang walang naririnig.

"Sunduin mo siya sa airport, Isaac."

"I'm busy."

"Hindi mo ba miss si Zephanie? I miss that lady!"

"Hindi."

"Parang noon lang lagi kayong magkasama, lagi kayong tambay sa kwarto mo."

"That was before. And hindi ako nagpapapasok ng iba sa kwarto ko."

She sighed. "You know, Amari? Isaac and Zephanie? Friends to lovers. She's so pretty and kind. I heard may communication pa sila ni Isaac, that's why nagulat ako nang nalaman kong may nililigawan ang apo ko."

"Stop, La. Matagal na kaming walang communication ni Zephanie. Please, stop. Respect Amari. Hindi niyo na kailangang ikwento 'yang mga walang kwentang bagay lalo wala namang nagtatanong."

"Ah, Amari, kumusta pag-aaral mo sa SanLo? How's the environment?"

Nagulat ako nang si Tito Manuel ang nagtanong sa akin.

Napangiti ako. "Okay naman po. Medyo h-hirap lang po noong una, since hindi ko naman po gamay ang magluto. Pero nasasanay at natututo na rin po ako."

"That's good. That's your first choice ba?"

"Yes po, Tito. Only choice. Since both of my parents are in the food industry, triny ko rin po siya."

"Triny?" sabat ng matanda. "So, you're notgood at it?"

Tumango ako kasi hindi naman talaga. "Yes po, Ma'am. There's no harm in trying naman po. Hindi naman po lahat magaling agad, marami pong pinagdadaanan bago maging magaling sa isang bagay. That's why ayon po ang pinili kong program. Na-challange ko rin po ang sarili ko, and nakaalis ako sa comfort zone ko. That's already a progress for me."

Sometimes, the best growth happens when we challenge ourselves and try things we're not used to. 

Nakita kong nakangiti sa akin si Tito Manuel at Tita Isabela.

"That's my girl," bulong ni Kuya Ice.

"Isaac, si Zephanie magaling magluto. Bakit hindi na lang siya ulit?"

"With all due respect, I don't care."

"Bastos."

"Thanks."

"Can you please respect me?!" Napatayo ang matandang babae.

"Really, La? You want me to respect you? But you're not respecting my girl beside me? Respect begets respect."

"Isaac's right. You keep mentiong Zephanie. Matagal na silang walang communication. And if you missed Zephanie, La, you can go naman to meet her." The girl shrugged her shoulders. 

Napalingon ako sa babae, she winked and smiled to me.

"She's ate Ishy," bulong ni Kuya Ice sa akin.

Oh, mukhang siyang masungit. Siya iyong pinsan ni Kuya Ice na  katabi niya ng condo unit. She's so pretty.

Hindi na ulit umimik ang matanda. Hanggang matapos at lumabas kami. Iniwan ako saglit ni Kuya Ice dahil may kukuhanin sa kwarto.

Nilapitan ako ni Ate Ivory at ibang pinsan ni Kuya Ice. Lahat sila same letter ang start ng name.

"Ewan ko kay Isaac bakit nag SanLo siya. Ang plano Crystal Valley kaming magpipinsan," si Kuya Ivan. "Naka-enroll na 'yan sa CVA, e."

Wala pala sa plano nilang maging next CEO ng company. Magw-work din daw doon, pero 'di para maging owner, kaya pala si Kuya Ice sunod na magiging company owner after ni Tita Isabela.

"I like you, Amari. You're such a nice person. Balik ka rito next time, ha? Don't worry wala si Lola, 'di niya naman bahay 'to," si Ivy.

Mahinang tumawa ang lalaki sa gilid ko. "Takot na lang ni Lola na mawala si Isaac." si Kuya Ivan, ka-age ni Kuya Ice.

"Sinisiraan niyo na naman ako!" ani Kuya Ice pagkabalik niya sa amin at inabutan ako ng jacket niya.

"Matagal ka naman ng sira," sagot ni Ate Ivory na ikinatawa ko. Kapatid ni Ate Ivory si Ate Ivy.

"Do you want to go home na?" mahinang tanong niya sa akin, umiling naman ako. 

Natatakot ako kay Lola niya, pero ang saya kakwentuhan ng mga pinsan niya.

Ramdam ko ang mga titig ng matanda, kaya 'di ko magawang tumingin sa direksyon niya.

Kinaumagahan, late na akong nagising kumpara sa oras ng gising ko. 

Nagulat ako nang makita ko sila Kuya Ice sa salas. Kasama mga pinsan niya.

"H-Ha, a-ah... t-teka, good morning po." I said shyly.

Napakamot si Kuya Ice ng batok niya. "Sorry, ginulo nila ako. Gusto raw nila rito mag breakfast."

Wala namang kaso sa akin iyon, binigyan ko rin naman si Kuya Ice ng susi.

Nagdala sila rito ng breakfast, ayaw raw silang paglutuin ni Kuya Ice rito.

"Titig na titig ka naman kay Kuya Ish."

"Pogi niya."

Mahinang pinitik ni Kuya Ice ang noo ko. "Kambal ni Ate Ishy. Parehas introvert, kaya 'di mo na nakita sa labas after dinner kagabi. Graduating na sila, same program kami. Pero baka kuhanin sila ni Mommy nila sa ibang bansa. Sila 'yong anak ng panganay nila Mommy na Doctor."

Napalingon sa gawi namin si Kuya Ish at ngumiti siya kaya ngumiti rin ako pabalik. Rinig ko naman pagmamaktol ng katabi ko.

"Ishy, dala mo ba camera mo?" tanong ni Ate Ivory.

"Nope."

Iyon lang ang sinagot sa kanya.

After naming kumain, nanonood lang sila ng movie. Mabuti na lang pala natapos ko na mga need kong tapusin kahapon ng umaga. Napansin ko sa kanilang magpipinsan, they are all smart, I love how they share their opinions about certain topics. Talagang nakikinig sila. Lumalabas pagiging madaldal ni Ate Ishy sa ganitong bagay.

"Sorry, naabala ka ba? Makukulit kasi talaga. Gusto ka raw makabonding."

I gave Kuya Ice a smile. "Ano ka ba? Okay lang. Magiging busy naman na ulit, 'di na sila makakagala-gala."

Maghapon sila rito, before sila umuwi, binigyan nila ako ng gift. Galing na raw sa kanilang lahat iyon.

Weeks had past, minsan ko na lang makasama si Kuya Ice. Swerte na lang kung magkasalubong kami sa campus.

"Kuya, nakita mo na si Kuya Ice?"

Dito nakitulog si Kuya ng dalawang gabi dahil ginagabi na ang tapos niya sa school at training. Paumpisa na naman kasi new season ng NCAC.

"Busy yata. Tapang bago nilang trainor. Bunso, una na ako. Ipinagluto kita, kumain ka na muna."

"Good morning!"

Bumukas ang pinto at iniluwa si Kuya Ice. Naka uniform pa nga.

Agad akong lumapit para yakapin siya.

"I miss you," bulong ko.

Naramdamdaman ko paghalik niya sa ulo ko. "I miss you more, baby."

Bumitaw ako sa yakap, he cupped my face. "I miss you. Bawi ako Saturday. Free na ako niyan."

Naiintindihan ko naman pagiging busy niya. Ayaw ko namang sa akin umikot mundo niya. Lalo nitong mga nagdaang weeks.

"Anong oras class mo today?" tanong ko sa kanya.

"May isang oras pa ako bago pumuntang school. May  idadaan si Kuya Alex dito later."

Nakatitig lang ako sa kanya, namiss ko boses niya kahit minsan tumatawag siya. Andami niyang sinasabi pero 'di ko na maintindihan.

Mahina niyang pinitik ang noo ko. Favorite niyang gawin iyon sa akin.

"Tara SanLo? Sit-in ka sa amin."

Halos lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya. "Talaga?! Pwede?!" Tango naman ang isinagot niya sa akin.

Naka P.E uniform ako. Ipinaalam na raw ako ni Kuya Ice sa Prof nila. Actually, pwede iyon sa SanLo. Naki sit-in nga si Kuya Lucas sa amin noong nakaraang araw para mabantayan si Gabby na nilalagnat.

"Oh my gosh, Amari!"

"Si oa," sambit ni Kuya Ice pagkalapit ni Ate Margarette sa amin. "Baka itabi mo pa sa iyo, ha? Maawa ka naman sa akin ngayon ko lang ulit makakasama."

Nasa dulo kami nakaupo. Sa tabi ng bintana naman ako nakapwesto.

"Hi! Ako si Adrian!"

"Hello, Kuya Adrian." Bati ko pabalik.

"Sa wakas, na-meet din kita."

"Anong sa wakas? Na-meet mo naman na siya noong entrance exam."

"Ulol! Hindi mo nga ipinakilala."

Tinawanan lang siya ni Kuya Ice na busy sa laptop niya. May report na naman siya. Hindi ba 'to napapagod magsalita nang magsalita sa harap?

"Hindi natin pwedeng sabihing nagpapakitang gilas lang si Rivera dahil palagi siyang Uno sa reporting."

Napangiti ako habang pinanonood ang grupo niyang nagr-report.

"Forte ata ni Ice ang reporting. Walang butas kapag nag-report 'yan, kaya 'di na sila tinatanong ng Prof."

Pasimple ko siyang kinuhanan ng picture. Nakipalakpak din ako after nila.

I gave him a thumb up sign pagkalapit niya sa amin.

"Hindi man lang pinagpawisan," pang-aasar ni Ate Margarette

Sa buong araw andito lang ako sa SanLo, hindi naman ako naki sit-in buong araw, nagpunta rin ako sa Library.

May box ng grocery sa labas ng apartment ko. Galing kay Tita Isabela, ito siguro 'yong sinasabi ni Kuya Ice kanina.

"Bye bye! Update mo ako kapag tapos na training, ha? Ingat!"

He kissed my forehead bago nagpaalam.

Inayos ko iyong ipinadala ni Tita Isabela at pinasalamatan siya. I smiled, para akong nagkaroon ng pangalawang pamilya dahil kay Tita Isabela. Walang araw na 'di niya ako kinakamusta.

I am so blessed. I am so lucky to have them. Ramdam kong welcome ako sa family nila.

~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro