Kabanata 16.
"Thank you for celebrating with me."
I smiled back. "Happy legality!"
I am so happy na nakasama ko siyang i-celebrate ang birthday niya, kauuwi lang din nila ngayong araw galing Japan. Agad niya akong sinundo sa bahay.
Sa labas kami kumain, dahil nagpa-reserve na siya para sa amin. Ayaw niya na mag-celebrate dahil matanda na raw siya. Wala pa rin naman sila Tita Isabela, nasa South Korea. Bukas pa ang uwi.
Parang gano'n din gusto kong gala. Monthly nakakapag out of the country.
I reached into my bag and pulled out the gift I had made for him. It was a simple gift, but it held so much meaning.
It was a photo album filled with pictures of us. There were selfies, stolen shots of him, and short letters accompanying each photo. I poured my heart into it. I hoped he would love it.
"Eh!" Agad ko siyang pinigilan para buksan iyon. Narinig ko pa ang pagtawa ni Kuya Alex. "N-Nahihiya ako! Mamaya na sa bahay niyo. Please?"
"Thank you, Amari." His voice was soft, but it sent shivers down my spine.
I leaned my head against his shoulder. "Happy birthday, Kuya Ice."
Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko. "You smell like me na."
Binigyan niya ako ng perfume and body wash na ginagamit niya.
"I smell like a baby na."
"Ahm, yes. Probably, cause you're my baby."
I sat up straight, turning to look at him. His eyes were closed, but a smile played on his lips. My heart raced. I felt my cheeks burn, a warmth that had nothing to do with the summer heat.
Maaga akong dumating sa school. May last event kasi ang TLE Subject.
"Hi, Amari!" bati ni Josh sa akin.
Ni limit ko na rin talaga pakikipag-usap sa kanya, siya lang talaga naunang nakikipag-usap sa akin. Sinabi ko naman na rin ang reason ko sa kanya.
Ngumiti lang ako pabalik.
"Ang cutie ng mga pictures niyo ni Kuya Ice. Naiinggit ako. Wala na bang ibang kaibigan si Kuya Arvin?"
Natawa ako nang marinig ko ang pagmamaktol ni Bianca, bihira lang kasi siya magsabi ng ganyan.
Pinapaalalahanan ko si Kuya Ice na na sa second account muna siya mag-post. Gustong-gusto ko rin naman siyang i-post, lalo mga pictures namin, pero mainit pa mata sa amin ni Daddy.
Ayoko namang i-hide lang kila Daddy, dahil may iba pa akong fb friends na baka snitch.
Bored na bored na ako. Hindi naman kami pinapalabas ng guard kasi wala pang lunch time.
I checked our group chat na lang. Sinend doon ni Kuya Ice iyong mga gift na natanggap niya. Ang ilan ay neck cooler, mini fan, shirt, and watch.
My brothers were busy with their finals, but I couldn't fathom how they found time to hang out.
Napindot ko bigla profile ni ate Amy. Napaka-mysterious ng pagkatao niya. The account she used was just a dump account, and her name was just a nickname.
None of my business, naintriga lang talaga ako.
Naririnig ko na lang ang dalawang kaibigan kong undecided bigla sa mga college program nila.
"I wheel of names niyo," suggest ko na pabiro lang naman.
At mukhang iyon na lang daw ang pag-asa nilang dalawa. Ewan ko kung maaawa ako or maaasar.
Nag-send bigla si Ate Ariane ng picture niya. Done na raw siya exam niya. I smiled, but the smile vanished when I saw her bracelet.
Zinoom ko iyon para makita ko nang mas maigi. Tumaas ang kilay ko. It was the bracelet I had given to Kuya Ice. I knew my work. The letter A, the heart beads, I recognized them instantly. Ate Ariane quickly deleted the picture, but thankfully I had saved it.
Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko. Sana ibinalik na lang niya sa akin, kaysa ibigay sa iba.
Buong maghapon, parang sasabog 'yong ulo ko kakaisip.
Kuya Ice picked me up. He wasn't with his driver this time. "How's your day?"
Napatingin ako sa wrist niya. "Good." Tumingin ako sa kanya na blanko ang mukha. "Where's your bracelet?"
"Its there." Napatingin siya sa wrist niya. "Huh?"
"What?"
"Wait, alam kong suot ko iyong bracelet. Never kong inilapag iyon."
Agad kong hinawi iyon. "Or baka ibinigay mo?"
"Kanino ko ibibigay iyon? That's from you, Amari."
"Sinungaling."
"What are you talking about?" His voice was calm, but I could hear the confusion in it.
"Ibinigay mo kay Ate Ariane 'yong bracelet! I hate you!" Agad akong bumaba ng sasakyan niya at padabog na isinarado ang pinto.
Tuloy-tuloy ako sa pagpasok papasok ng bahay.
"Amari, let's tal- Good afternoon, Sir."
Kahit ako ay natigil nang makita si Daddy.
"Go home," matigas na sambit ko.
"Let's talk muna."
"You can go home now, Isaac." Dad said, his voice laced with disapproval.
Nilingon ko at nakita siyang nakayuko palabas ng bahay. He looked so defeated, so lost, and guilt crossed my mind. But it was quickly extinguished by the rage that consumed me.
"I told you. Walang magandang idudulot ang mga Rivera sa inyo."
Hindi ko na siya pinansin. Pinunasan ko lang luha ko bago umakyat sa kwarto.
Hindi ko alam kung ang oa ko ba? Pero kasi I made that bracelet just for him. So, that's special.
Ini-invalidate ko na naman feelings ko.
Kanina pa siya tumatawag at nagm-message. Pero hindi ko sinasagot. I needed to be alone, to sort through the chaos in my heart.
I couldn't be wrong. I knew I had made that bracelet.
Pwede ko namang gawan na lang si Ate Ariane, 'di niya kailangang ibigay pa 'yong binigay ko na para sa kanya lang.
Inopen ko ang messages niya sa akin habang umiiyak.
Ice Miguel
I miss you.
I swear, hindi ko ibinigay iyon. Wala akong reason para ibigay sa kanya 'yon.
Can we talk? Sabay tayo lunch bukas, ako na maghahatid sa iyo pauwi, ipapaalam kita kay Vin.
Amari Gracey
i don't wanna see u.
sana sinabihan mo akong gawan ko na lang siya.
hindi lang iyon basta bracelet for me, e. ginawa ko 'yon for you, special iyon haha. bye.
Si Kuya ang naghatid sa akin, wala siyang pasok today at wala ring training.
Dahil graduating kami, nakapag final exam na kami noong last day ng February at first day ng March. Need na lang namin pumasok for attendance, clearance, and mag-comply sa mga missing activities namin. I was all clear, so I was just going for attendance. I didn't have anything to do at home anyway.
BASTA GC
Amy
Margarette, kasama mo ba si Isaac?
Margarette
no, sis. marami siyang hinahabol na requirements. may ilang exam siya ngayon hanggang bukas. bakit?
Amy
huh? akala ko hindi na sila kasali? btw, ibigay ko na lang sa iyo raketa niya, ito ata 'yong hinahanap niya noon.
Margarette
hindi pumayag 'yong prof namin sa dalawang subject. nasa library siya, serious mode siya atecco, 'di ko nga makausap. puntahan ka na lang daw ni Uno, papunta na sya dyan.
~
Kasama ko si Kuya Ice ngayon, may nakalagay pang patch sa kanya, masakit yata ang ulo niya kaka-review.
Andito siya sa school, hindi ko nga alam papaano 'to nakapasok dito. Mukhang 'di na strict 'yong mga guards.
"What? Bakit andito ka pa?" tanong ko sa kanya.
Nakababa na ako ng sasakyan niya, napabalik lang ako nang napansin kong parang wala pa siyang balak umalis.
"Let's talk muna... Sorry, wala akong ibinibigay."
"Papaano napunta sa kanya? Magic ba 'yon?"
"I don't know, hindi ko alam. Ang alam ko gamit ko pa iyon."
"Ang pangit mo magbigay ng palusot. Hindi ka papasa sa pagalingan magsinungaling," I retorted, my voice sharp with frustration.
Pumasok muna ako sa sasakyan niya dahil balak niyang bumaba. Ang init pa naman din.
Napatingin siya sa necklace niya na suot ko, nilingon ko rin iyon.
"What if ibigay ko rin ito sa iba? What would you feel?"
"Masasaktan, pero kasi 'di ko naman talaga ibinigay kay Ariane 'yon. Hinahanap ko kung nasaan iyong akin."
"Hahanapin mo pa? Na kay Ate Ariane na nga. If hindi mo naman gusto, sana ibinalik mo na lang sa akin kaysa ibibigay mo sa iba."
"I'll never do that. Why would I do that in the first place?"
"Because, she likes you."
"Uhh, then? Reason ba iyon para ibigay ko sa kanya 'yon?"
"Yep." Nilingon ko siya. "Because you probably like her, too. That's why. Baka nga may something na sa inyo. She's your ka talking stage, right?"
Nilingon ko siya, nakapikit siya habang nakasandal ang ulo sa gilid. "I don't like her, Amari. I'm not interested in her, and hindi ko siya ka talking stage."
"I don't like cheaters."
"You're now accusing me as cheater?" he asked, his voice laced with hurt.
Nakatitig siya sa akin ngayon. Nakita ko sa kanyang nasaktan siya sa sinabi ko. "Courting me while flirting with another girl, huh?" Tumaas ang isang kilay ko.
"Amari, stop. I'm not like that. Please, makinig ka muna sa akin."
He remained silent, his gaze fixed on me, his eyes pleading for understanding.
"Bye. Keep it up, Kuya Ice," I said, my voice laced with sarcasm.
Padabog kong isinarado ang pinto ng sasakyan niya. Narinig ko rin kung gaano kabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Hala! Umalis si Kuya Ice sa gc, atecco!" sigaw ni Lorraine pagkadating ko sa room.
Chineck ko ang gc, umalis nga siya, dalawang account niya.
BASTA GC
Lucas Torres
wag niyo muna i-add, baka kasi natatabunan gc niyang iba. finals ng sanlo ngayon hanggang next week, sobrang busy nya. naghahabol pa ibang activities.
Margarette
shift na ako program, guys. 'di na yata ako bff ni Isaac, 'di tumabi sa akin!
Juan Gio
HAHAHAHAHAHA shift ka rito Engineering.
Margarette
hahahahahahah papakopyahin mo ba ako? si Isaac pinapakoya ako hahahahahaha :D
Ariane Ventura
wow, serious mode siya. hahahaha :D
"Nag-away kayo, 'no?" tanong ni Bianca sa akin.
Tumingin ako sa kanya, at hindi sumagot. Bago ko itago phone ko nakita kong chinat niya ako.
Ice Miguel
hi. sorry, 'di kita maihahatid later. may ipapasa pa akong papers ng eksaktong 5pm, need ko ipasa agad iyon for checking. ingat ka. lunch tayo bukas. :)
Hindi ko nireplayan, nakita kong typing pa siya pero hindi niya na iyon itinuloy.
Magkasama kami ngayon, saktong paglabas ko ay pagdating niya.
"Where do you want to eat?" he asked gently habang inaayos ang seatbelt ko.
"Kahit saan."
Mahina siyang tumawa. "Wala namang kahit saan na kainan." Pagbibiro niya.
Sa isang fast food na lang kami.
The usual closeness we shared during meals was gone.
I strategically placed my bag between us, forcing him to sit opposite me.
"How's your day? Ba't pumapasok ka pa? Pwede ka naman na mag-rest, yata?"
"Trip ko lang."
"Lapit na birthday mo. Four days na lang." he sounds so excited. "Tatanda ka na rin, sa wakas."
Tumango lang ako.
I couldn't help but notice the exhaustion etched on his face. His eyes, usually bright and full of life, were now shadowed with fatigue.
"Natutulog ka ba?"
"Hmm? Oo naman! Marami lang iniisip."
"Maraming babae ba naman," bulong ko.
"Bawi ako sa iyo after nito, ha? Hinahanap ko pa rin bracelet."
"Hahanapin ba? Punta ka sa bahay nila Ate Ariane, nakasuot sa kanya."
"Amari, please? Hindi ko ibinigay iyon."
"Tara na, Kuya Ice." Tumayo ako at naunang naglakad papuntang parking area.
Tahimik ang byahe namin.
"Sorry, babawi talaga ako kapag natapos na 'tong week. Medyo maluwag na schedule ko. Wala na muna kaming training."
"Ok babawi ka rin ba sa mga babae mo?" I asked, my voice laced with sarcasm.
"Ganyan ba tingin mo sa akin?"
Gano'n nga ba, Amari?
"I'm not like that. I know you're mad, Amari, but, that's too much." Mahinang aniya. "Please, stop with your false accusation."
His eyes met mine, a plea for understanding etched on his face. He offered a forced smile, a desperate attempt to lighten the mood.
Seryoso siyang nakatingin sa akin. Pilit na ngiti ang ibinigay niya. "Sunduin kita mamaya. Nag-check ka ba gc niyo? Inaaya tayo ni Benj sa bahay nila."
Hindi ko na lang ulit siya sinagot.
Sa ilang oras na lumipas, hindi mawala sa isip ko iyong sinabi niya.
Am I too much nga ba sa mga nasabi ko?
"Tulaley ka?" tanong ni Ate Margarette sa akin.
"Ate, can I ask you something?" Nag-oo naman siya sa akin. "Papaano kapag nakita mo iyong gift mo na ahm bracelet na ibinigay mo sa special someone mo ay suot na ng iba, ahm opposite sex?"
"Magagalit, masasaktan. That's a gift from me, eh. Ibinigay at ginawa ko 'yon for that specific person, tapos ibibigay sa iba? Lol."
Tumango ako. Naisip ko lang baka kasi mababaw na naman ako.
"Papaano kapag nasabihan kang cheater?" I asked, my voice trembling slightly.
"Masakit 'yan, ha? Mabigat iyan. Magagalit pa rin ako lalo kapag 'di totoo, aba! Pagbibintangan ako sa 'di naman totoo. Bakit mo natanong?"
Umiling lang ako. "Ah, w-wala po ate! Sa isang subject lang po kanina." Pagpapalusot ko.
"You know, mahirap sabihin ng word na 'yon lalo kapag walang evidence. Masakit kaya makatanggap nang gano'n lalo kapag wala namang ginagawa."
My gaze fell upon Kuya Ice, who was deep in conversation with Kuya Lucas and Kuya Harold. The three of them turned their heads towards me, their gazes meeting mine.
"Ariane can't go here. May isang quiz pa raw siya. Baka magabihan na kaya 'di na makakapunta," ani ate Amy.
Lumapit sa akin si Kuya Ice. Pinunasan niya ang noo ko.
"Respeto sa single," sabi ni ate Margarette at natatawang umalis para maiwan kaming dalawa.
"Gutom ka na?"
Umiling lang ako. "May matcha drinks daw sila Benj. Kuhanan kita," he said trying to lighten the mood.
"Hindi nga ako gutom."
Bumalik na siya sa pagkakaupo sa tabi ko.
"Ate Ariane 'di pala makakapunta. Paano ka nyan?"
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "Amari, please, stop. I don't like her."
"Okay, kwento mo 'yan, e."
Kuya Benj approached us, handing Kuya Ice a pill and a glass of water. "Tanga ka. Kumain ka muna. Paano gagaling?" he said, his voice laced with concern.
"Thank you."
Inilapat ko ang palad ko sa noo niya. Hindi naman siya mainit.
"Masakit lang ulo ko, hindi pa ako nakakatulog nang maayos."
"Uwi na tayo."
"Kaya ko pa naman."
"Tara na, para makapagpahinga ka."
"Promise, wala naman akong pasok bukas."
Naramdaman ko ang pagsandal niya sa balikat ko. Hindi na ako umangal dahil ramdam ko 'yong pagod niya.
"Amari, pwede pa-chat si Josh?" tanong ni Kuya DJ sa akin.
Narinig ko ang pagtikhim ni Kuya Ice.
"Hindi na kami nag-uusap, Kuya. Si B or si Lorraine, nakakausap yata nila sa messenger."
"Bakit, DJ?" tanong ni Kuya Ice habang nakapikit pa rin.
In-explain naman ni Kuya DJ. Kapitbahay pala niya sila Josh at 'di raw kasi nasagot ang kapatid ni Kuya DJ sa tawag.
Inihatid pa rin ako ni Kuya Ice, kahit na sinabi kong kay Kuya na ako sasabay, para 'di na siya malayuan. Agad-agad naman ang pag-message niya sa akin, inaask niya ako kung pwede siyang tumawag, pero sinagot ko lang na inaantok na ako.
Wala talaga akong gana. Kanina pa nagv-vibrate ang phone ko, pero ayokong sagutin. Ewan ko, dahil siguro 'to sa puyat ko, hindi ako masyadong nakatulog kakaisip.
Inaya kami ng isang classmate namin, dito sa tapat lang mismo ng school. Birthday niya kasi, kami rin naman nag-suggest noong nakaraang linggo na rito na lang kami kaysa sa mamahalin.
The area was bustling with vendors, offering a variety of street food delights. We all gathered at a single table, a group of friends including Josh, Jay-r, and Ally.
Hinila ako ni Lorraine para tabi ako sa kanya, nasa isang gilid ko si Bianca.
"Gusto ko egg waffle," I joked to Lorraine, who had asked me what I wanted to eat.
"Gago. Kwek-kwek lang 'yon, eh. Egg waffle, amp."
Naiwan kami ni Josh dito. Bahagya akong sumilip dahil may ipinapakita siya sa akin sa phone niya.
May naka-post palang video ang SSG for me. Gano'n naman palagi, kung sinong aalis ng President ng SSG may tribute video sila.
Too lazy to grab my phone, I just moved closer to Josh.
We both burst into laughter. He was right. As the video progressed, I looked increasingly stressed.
"Oh, look! That's during our students' night. Andaya, 'di nila sinend sa akin 'yan, ang ganda sana pang profile."
"Baliw, nasend lahat 'yan sa GC natin. Hindi ka lang talaga nagb-backread."
Oh, right. He had a point.
Pinanood ko rin iyong video message sa akin ng mga kasamahan ko noon.
"Bakit 'di niyo pa pinaabot ng birthday ko?"
"Hala! Tatlong araw na lang, sige ipabura ko kunwari 'di mo pa napanood."
Nilingon ko siya at tinawanan.
Josh was in charge of the school's social media accounts, responsible for posting and sometimes editing content.
I chatted with Josh, learning that they had a hard time getting video messages from everyone because some were too shy.
"Amari, I think someone's jealous? Kuya Ice's here."
Nilingon ko si Bianca. Nag-aalangan siyang ngumiti sa akin. Hinanap ng mga mata ko ang sasakyan ni Kuya Ice. Halos nasa tapat lang namin.
Hindi ako lumapit, pero bumalik ako sa dati kong pwesto pagkabalik ng dalawang kaibigan ko.
Parang ang hirap lunukin ng pagkaing nasa harap ko.
"Amari?" Nilingon ko si Josh. May itinuturo siya sa akin.
I turned my head, my eyes widening in surprise. Kuya Ice was walking towards us.
"Amari."
Pagtawag niya sa akin pagkalapit niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko bago tumayo at nilingon siya.
"What?"
"Are you done? Let's go na," he said, his voice cold and distant..
"I'm eating pa."
"Okay." Iyon lang ang sinabi niya bago humila ng isang upuan at naupo sa table namin.
Nilalaro lang niya ang susi ng sasakyan niya habang nakatingin sa akin. Lalong hindi ako makakain.
"Explain malala," bulong sa akin ni Lorraine kaya agad ko siyang siniko.
Tumayo ako kahit 'di pa ako tapos kumain. "I'm done." Tumayo siya, walang imik sa akin. Pero nagpaalam sa mga kasama ko.
Narinig ko ang panunukso ng mga classmate ko.
"You're not answering my calls and messages."
"Wala ako sa mood."
"Oh, okay. Pero kapag kay Josh meron? Ako hindi pinapansin. Kasama si Josh, nakikipag-usap. Akala ko 'di na kayo nag-uusap?"
"May pinanood lang siya sa akin."
"You have your phone naman."
"Ayokong gamitin."
"Because? Nagme-message ako?"
Hindi ako umimik. Tumingin lang ako sa labas.
"You're so unfair."
"Eh, ikaw ng-"
He cut me off. "Eh, ako nga? What? Nakikipaglandian habang nililigawan ka? Nangongolekta ng babae? Hindi uma-appreciate ng efforts? Cheater? What else, Amari?" he asked, his voice filled with pain.
"Mage-explain ako, ha?"
"How ironic, Amari. You want me to listen to you, pero hindi ka nakikinig sa akin," he said, his voice laced with a bitter edge.
He wasn't looking at me, but I could see the pain etched on his face. His eyes, usually bright and full of life, were now clouded with hurt. Napaka expressive ng mga mata niya.
"Wala namang malisya 'yon. Pinapanood ko lang 'yong ginawa ng ssg for me."
Mapait siyang tumawa. "Hindi ako nire-replyan, pero nakikipagtawanan sa pinagseselosan ko."
"Binibigay gift ko sa iba," ganti ko.
Tahimik kami buong byahe. Natraffic pa kaming dalawa.
Napalingon ako sa phone niyang nasa lap niya. Umilaw iyon, nakita kong hindi niya pa rin inaalis iyong picture ko sa lock screen niya.
Hindi niya ako kinikibo, at wala rin akong balak kibuin siya.
"Wala ka bang sasabihin?" tanong niya bigla.
"Anong gusto mong sabihin ko? Wala naman akong kasalanan. Ikaw? Wala ka bang aaminin?" I asked, my voice laced with a hint of accusation.
"I'll never admit something I never did," he said, his voice firm.
The tension between us remained, a heavy weight hanging in the air. The silence spoke volumes, the unspoken words lingering between us.
Pagkadating ko sa bahay, dumiretso akong kwarto at doon umiyak. Ang bigat bigla nang pakiramdam ko, parang kanina lang kami naging ganon, ang sakit sa puso.
The next morning, I woke up feeling like I had been run over by a truck. My head throbbed, my eyes were puffy, and my heart felt heavy. I checked my messages, hoping for a sign from Kuya Ice, but there was only one message: "Morning."
"Did you cry because of that boy?" Daddy asked. Ngumisi siya. "I told you, binalaan na kita. Matigas ulo mo, e. Sinong umiiyak ngayon? Ikaw. Masyado ka pang bata para sa love na 'yan."
"Pasok na po ako."
"Bunso, daan ka kay Eya mamaya, doon kita sunduin. Hindi muna kasi magpapapasok sa gym."
Tumango lang ako bago tuluyang lumabas ng sasakyan.
Hindi ako dumiretso sa room. Bagkus, nagpunta akong comfort room. I caught a glimpse of my reflection in the mirror, and I was startled by the puffy eyes and the pale skin. I looked like a ghost.
I went to the library, not to read, but to escape the noise and the constant reminders of my shattered world. I stared at my phone, hoping for a message, a call, anything from Kuya Ice. But wala.
I stalked his facebook account. May facebook story siya two hours ago, picture nilang tatlo nina Isabel at Ian. Mukhang doon sa condo niya natulog ang kambal.
Pumunta akong SSG Office para linisin na ang table ko roon. Hindi pa man ako officially nakakababa as President, ginagawa ko na ito para 'di na ako masyadong mahirapan sa susunod na araw.
Oras oras kong tinitignan ang phone ko kung may message siya, pero wala. Pero he's online.
I posted on my fb story, picture lang ng table ko rito sa SSG Office. Ang cute nga dahil kita roon ang nameplate ko na may nakalagay pang PRESIDENT.
Chinecked ko, naka-view na siya kaagad. Dalawang account pa niya. Pero walang react, 'di kagaya noon, kahit walang kwenta nasa fb story ko, naka-heart react na agad siya.
Nagulat ako dahil may blue circle ulit sa profile niya, it means may bago siyang fb story. Pinindot ko agad iyon at nakitang galing sa book na binabasa niya. Nakahighlight ng color pink at nilagyan niya ng maliliit na hearts ang phrase na ito - That's my girl.
Pagkadating ko sa coffee shop ni Ms. Eya, nagulat siya nang wala akong kasama, pero nag-order na rin ako.
"Kuya, I want that!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Isabel.
Naupo sila sa katapat na mesa ko. Hindi ako napansin ni Kuya Ice. Pero akala ko ligtas na ako.
"Oh my gosh!" Nagtama mga mata namin ni Isabel. She's now smiling. "Ate Amari!" Tumakbo siya palapit sa akin.
"H-Hello." Nahihiya kong sambit.
Bumitaw siya sa yakap naming dalawa. Nakatitig siya sa akin. "Did you cry?"
"A-Ah?"
"Isabel, tara na sa table." Hinawakan siya ni Kuya Ice.
"Did you cry? Sino po nagpaiyak?" Hinatak niya ang damit ng kuya niya. "Look, Kuya! Look at Ate Amari's eyes."
Hinawakan niya ang baba ko at dahan dahang iniharap sa kanya.
"Puwing lang ito, baby. I'm o-okay!"
She pouted. Hinawakan ang mga kamay ko. "Join us, Ate. Mukha po ikaw lonely rito."
Wala na akong nagawa, nakatabi na ako kay Kuya Ice.
Tahimik lang kami, idinadasal ko na lang na sana dumating na si Kuya.
Ilang minuto lang, nakita ko ang pagdating ni Ate Ariane kasama ang ilang classmates.
"Si Ariane mo."
Hindi ko alam pero iyon ang lumabas sa bibig ko.
Nilingon ko si Kuya Ice, kumakain pa rin. Naramdaman niya yatang nakatingin ako sa kanya. "Eat, Amari. Wala akong pakialam kahit sino pang dumating."
"Hey you! Your mouth, Kuya."
Nag-sorry lang si Kuya Ice sa kapatid.
"Ms. Eya, nasaan na ipinareserved kong bracelet? Dapat letter A ulit 'yon, ha?"
"Sus! Hindi mo naman yata isinuot iyong binigay ko."
Napalingon ako sa gawi nila. Ipinakita ni Ate Ariane ang wrist niya. "Sino may sabi? Lucky charm ko yata."
Mali ako? Mali lahat ng hinala ko? Napalingon ako kay Kuya Ice, blanko ang mukha niyang nakatitig sa akin.
"Yehey! Buti sinusuot mo. Hindi pa ako ulit nakakagawa, nabusy. Pero for free na ibibigay ko sa iyo. Andaming naghanap ng bracelet dito dahil sa iyo."
Parang gusto kong magpalamon sa lupa. Ramdam kong nanlalamig buong katawan ko.
"Speaking of bracelets." Isabel reached into her bag. "I found a bracelet in my bag, Kuya. I forgot to tell you, I changed bags. Here! I think it's yours."
Iniabot niya ang bracelet kay Kuya Ice.
"Bakit nasa iyo 'to?" Mahinahong tanong ni Kuya Ice sa kapatid.
"Hmm? I can't fully remember. But I think po nakuha ko siya sa van? Then, nakalimutan ko na sabihin kasi nag-change ako po ng bag ko. Is that yours po, Kuya? Letter A because Amari? That's cute!"
I felt numb. I wanted to call Kuya and beg him to pick me up right now.
I watched as Kuya Ice put the bracelet on. "Thank you, Isabel."
"Ate Amari, I want a bracelet too." Isabel said, her eyes sparkling with excitement.
"G-Gagawan kita, Isabel." I stammered, my voice barely a whisper.
"I'm innocent. My intentions will always be pure."
I lowered my head, unable to meet his gaze. I had no courage left. I had been so quick to judge, so quick to accuse, and now I was drowning in shame.
Biglang nag-flashback sa akin mga pinagsasasabi ko. I'm so immature. Nakakainis.
How could I face him now? Hiyang-hiya buong pagkatao ko.
"Iyon lang naman request ko sa iyo. Makinig ka sa akin, kasi hinahanap ko naman itong bracelet. Pero hindi mo ako pinakinggan. Pinagsabihan mo ako agad nang masasakit na salita, mga bagay na 'di ko kayang gawin, lalo sa iyo. Gets ko naman, e, pero that's too much. Masakit."
"Valid din naman siguro 'tong nararamdaman ko? Kasi pinagbintangan ako sa mga bagay na 'di ko naman kayang gawin."
Pasimple kong pinunasan ang luha ko.
He turned me to face him. He wiped away my tears. "Stop crying," he said, his voice still cold.
Buti na lang dumating na si Kuya. Nakayuko pa rin ako.
~
Hindi niya ako kinausap maghapon ngayon. Wala akong natanggap na kahit isang message, pero he's online.
"Say sorry to him."
Nilingon ko si Kuya. "N-Nahihiya ako. Ang sasama nang mga sinabi ko sa kanya."
Ikwinento ko kasi kay Kuya ang naging away namin ni Kuya Ice.
"Yep. Kaya say sorry. Iyon lang hinihintay niya. Walang masamang magbaba ng pride, walang magagawa ang hiya. Birthday mo na bukas! Dali, para magaan pakiramdam mo."
"Nasaktan iyon. Masasakit mga ibinato mo sa kanya, bunso. Lahat naman ayaw matawag na cheater kapag 'di totoo. May iba pang reason iyon si Isaac kaya sobrang nasasaktan siya."
I stalked his account. Kapapalit niya ng profile picture niya. Hilig niya talaga ang mirror selfie and hoodie combo. Gano'n kasi ang profile niya ngayon. Hindi naman makapag-react dahil in-edit niya na ang privacy.
Inopen ko ang messenger ko. Nakitang maingay sa gc, andoon pala ulit siya.
BASTA GC
Ariane
ayan na naman si mirror selfie boy.
Juan Gio
angas nga. ganyan malakas sa mga babae, pa mysterious type, kaya nga ginagaya ko profile niya.
Elijah
pati ako napapa mirror selfie
Ice Miguel
hahaha tangina niyo naman. labas tayo bukas, libre ko. send ko location dito. mga hapon, 2 pm or 3 pm. :)
Bukas? Birthday ko bukas. Aayain ko pa sana siyang lumabas. Baka 'di niya naalala. Sabagay, parang parusa ba naman ibinigay ko sa kanya nitong week.
Malungkot kong ibinaba ang phone ko.
"Happy birthday to you."
Nagising ako nang marinig ang boses ni Kuya. May suot siyang birthday cap, at may hawak na cake with candle.
I checked the time, it's my birthday na pala. Time flies so fast.
"Happy birthday, bunso. Make a wish."
I blow the candle after kong mag-wish. Niyakap ko agad si Kuya para makapagpasalamat. May nakakabit din sa pinto ko na birthday banner. Inilagay raw niya kanina.
"Happy birthday."
Bati sa akin ng parents ko. Ayan lang, walang ibang katuloy. Ano pa bang aasahan ko? Wala.
Sumalubong sa facebook ko ang mga post ng mga malalapit sa akin. Ang dami, wala pa nga akong post mismo. Kaya mas gusto kong naka-deact ang facebook ko tuwing birthday ko, eh. May magkahiwalay na pm sa akin si Bianca at Lorraine kaninang saktong twelve midnight.
Chineck ko kaagad ang gc namin nila Kuya. Dahil lumilitaw kahit naka mute. Minemention na kasi ako.
BASTA GC
Juan Gio
happy birthday! @Amari
Margarette
happy birthday, my babygirl @Amari! ily
Ariane
happy birthday, girl! enjoy your day!
Lucas
happy birthday, Amari.
Ice Miguel
ayan, nasend ko na location. punta kayo ha? see you!
Amari Gracey
can I join?
Ice Miguel
yep. :)
Galit pa rin siya sa akin. Hindi niya pinansin mga bati sa akin, hindi niya ako pinansin. Pero nilakasan ko na lang loob kong replyan 'yon.
Nag-ayos ako. Kailangang nakaayos daw dahil ngayon lang ulit kami magkikita-kita.
Inayusan ko lang bahagya ang buhok ko gamit ang ribbon ponytail ko. Nag-apply lang din ako ng light make up. Red dress ang gamit ko.
Hindi kami sabay-sabay dumating. Nauna na raw ang iba roon sa meeting place.
Nakarating kami sa Jollibee. Natakam tuloy akong dito na lang at 'wag sila siputin kung nasaan sila.
"Bunso, wait. Sumama tyan ko." Tumakbo si Kuya papasok ng comfort room dito.
May lumapit na crew sa akin, tinanong kung ako si Amari, at ginuide niya ako.
Andito ako ngayon sa labas ng event hall ng Jollibee. Maya-maya biglang bumukas ang glass door.
"Happy birthday, Amari!" Malakas na pagbati nila kasabay ng kulay pink na confetti. Bigla rin akong nilgyan ng birthday cap.
Nanlaki ang mga mata ko dahil dito. Birthday celebration sa Jollibee? Pangarap ko lang ito noon. Gustong maglululundag ng puso ko dahil sa tuwa.
May tatlong cake sa gitna, may tarpaulin din na ang background ay si Jollibee. Lumapit ako para tignan iyon. May malaking airplane sa gitna, at ang bawat mukha na andoon ay mukha ko simula pagkabata hanggang ngayon. Nasa gilid ko si Jollibee and friends. Napayakap agad ako sa kanila.
"Happy birthday, baby."
Agad kong nilingon ang boses na 'yon. I saw Kuya Ice, may hawak na flowers.
Hindi ako nagsalita. Lumapit ako sa kanya para yumakap.
"A-Akala ko 'di mo ako babatiin. A-Akala ko kinalimutan mo na ako." Umiiyak ako ngayon.
"Pwede ko bang makalimutan birhday mo. Ssshhh, stop crying. Tinatawanan ka ni Jollibee oh."
Bumitaw ako sa yakap. Pinunasan niya ang mga luha ko.
"You're so pretty. I'm on my knees, madam."
"Sorry."
"Ssshhh. Enjoy your celebration, okay? Let's talk later."
The party started, and the music filled the air. But all I could think about was Kuya Ice, his smile, his touch, his words. I knew we had a lot to talk about, but for now, I was just happy to be with him.
He kept his promise to let me enjoy the celebration. He didn't bring up the bracelet, didn't mention the fight. Nakita ko lang siyang nasa tabi, kasama si Kuya Lucas at Ate Amy.
Inuwi namin ang tatlong cake. Iyong isa pala ay galing kay Tita Gelly, at galing ang isa ay from Tita Isabela. The other one, galing sa SanLo Science High.
"Are you happy?"
I nodded. "Thank you for making my dreams come true."
Ginulo niya ang aking buhok at hinawakan ang kamay ko. Ipinakuha niya na mga regalo para ilagay sa sasakyan.
Pauwi na kami ngayon sa bahay. Nagpaalam si Kuya na may gagawin lang saglit.
Bigla rin ang pagbuhos nang malakas na ulan.
"Ahm. I think, you should sleep here na lang?" Agad niyang sinang-ayunan ang sinabi ko.
Nilalaro ko ang mga daliri ko. Hindi ko alam paano mag-umpisa.
"I'm sorry," I said, my voice barely a whisper. "I was so quick to judge, so quick to accuse. I'm really sorry."
"Naiintindihan ko naman kung bakit ka nagalit. But I wish you had given me a chance to explain," he said softly.
"I w-was so blinded by my own insecurities. N-Na baka magustuhan mo siya p-pabalik." I said, my voice cracking.
Inayos niya ang buhok ko. "Ikaw lang ang gusto ko. Palagi."
He moved closer, his hand reaching out to cup my cheek. "I'm not perfect. I make mistakes, too. But I would never do anything to hurt you."
"S-Sorry. H-Hindi na mauulit."
Hindi siya sumagot, niyakap lang niya ako.
I felt a wave of relief wash over me, a sense of peace that I hadn't felt in days.
Inilabas niya ang wallet niya, at kinuha roon ang famiy picture nila, pero wala si Tito Manuel. Mahina ko pa nga siyang pinalo dahil inilagay niya roon 'yong picture ko noong bata pa ako.
"My dad's a cheater." Kuya Ice said, his voice low and strained. He looked away. "I saw him multiple times with multiple girls."
I don't know what to say. Hinawakan ko ang kamay niya.
"You know," he began, his voice low, "My dad... he was never really in love with my mom. It was an arranged marriage. They were forced into it because my family owed a huge debt to my mom's family. He was basically sold to her. Wala silang ibang choice, ikukulong sila or pakakasalan si Mommy. Against din dito si Mommy."
"He's madly deeply in love with someone else. His first love. Hanggang ngayon. I saw his wallet, andoon pa ang picture nila. Family picture namin? Wala."
Oh my gosh. Akala ko sa mga movies lang may ganitong scenario.
"Nakikita ko siya noong bata pa ako, he's crying while holding the picture. Coping mechanism niya siguro iyong makipagkita sa iba't ibang babae para makalimot. Nakikita ko lahat iyon, s-sinasaktan niya ako tuwing nagsusumbong ako. Doon ako natutong lumaban."
I could see the pain in his eyes, the pain of a man who had witnessed the devastating consequences of betrayal.
"My mom was so innocent, so genuine. She deserved so much better. She was a good woman, a kind woman. She had her own love story, too, but she chose to sacrifice it." He sighed, a deep, heavy sigh that spoke volumes of the pain he carried.
"She learned to love him, even though she knew he wouldn't love her back the same way. She loved my dad, even though he didn't love her back. She tried so hard to make it work, to make him happy. Pero wala talaga, hindi talaga siya ang mahal."
"I'm so sorry to hear that."
"I swore to myself that I would never be like him. I would never hurt someone the way he hurt my mom. Never."
~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro