Kabanata 15.
"You're still courting me, right?" I asked innocently, my voice barely a whisper.
Kuya Ice leaned closer, his eyes searching mine. "Yes, Amari. I'm willing to wait, no matter how long it takes. Did I pressure you?"
I shook my head, a blush creeping up my neck. "No, no! It's just... like you, I can't keep my feelings hidden anymore. I'm just a little shy about it." I shyly admitted. "You have a way of making me feel comfortable enough to show my true self," I added.
Kuya Ice's eyes softened, a gentle smile playing on his lips. "Ayan lang naman gusto kong makita, Amari. To see the real you, no pretenses, no walls. Just you."
"Thank you."
He fixed some strands of hair that were on my face. "Let's take this journey together, no rush, just us," he said softly. "Don't be pressured by anything I say or I do. It's your decisions that matters. I'm just here, always."
Napanguso ako.
Confessing to Kuya Ice felt like a dream. I never thought I'd be brave enough to tell him how I felt. My heart hammered in my chest, but there was a strange satisfaction that came with finally letting him know. It was scary, sure, but it was also... freeing.
I reached into the pocket of my school uniform, pulling out a small, beaded bracelet. "I made this for you," I said, my voice a little shaky.
There's my initials woven into the beads and two tiny heart charms dangling from it. "Wear this always, ha? Magtatampo ako kapag hindi."
Ipinakita ko sa kanya ang bracelet na para naman sa akin, initial naman niya ang andoon. Ganito ba kapag in love? Nagiging corny!
"Ang cute, Amari! Picturean natin." Ganon nga ang ginawa niya. "Thank you. Thank you for giving me a chance."
"Mukhang sinagot na kayo, Sir, ha?" tanong ni Manong habang nagmamaneno. "Parang biglang nawala lagnat ni Sir!"
"Hindi pa po, pero parang nanalo na rin sa lotto!" he chuckled.
Siniko ko siya. Pabalik na kami ng SanLo ngayon dahil kay Kuya ako sasabay pauwi, katatapos lang din naman ng training niya.
"Bye bye, Ma'am Amari! Ingat po!" Kumaway sa akin ang driver nila. "Kayo lang po pala gamot ni Sir. Salamat po ulit!"
"I'll call you later, ha? Ingat kayo!"
Nag fist bump sila ni Kuya. Gano'n ulit, kami ulit pinauna nila.
"Napaano 'yon? Nilalagnat?"
Tumango ako. Hindi pa rin mawala ngiti sa mga labi ko.
"Tanginang 'yan. Kinikilig, amp."
"De pero, nilalagnat talaga siya. Sabi ko nga kanina huwag na munang pumasok bukas, ayaw niya raw magkaroon ng absent."
"Mapapa-absent mo sa training 'yon, pero never sa Acads. Priority pa rin niya Acads niya."
Na-traffic pa kami ni kuya dahil rush hours na.
"Aalis pala basketball team ng SanLo sa January, after Christmas Break."
"Pasaan sila?"
"Japan. Training nila talaga roon. Minsan weeks din sila. May partnership kasi ang SanLo University sa isang Basketball Team sa Japan."
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Matagal pa naman pero bigla lang akong nalungkot.
"Alam mo ba kung anong mas nakakalungkot?" tanong niya sa akin. Nilingon ko siya para hintayin ang sunod niyang sasabihin. "Once they start training in Japan, they're not allowed to use their phones until the coaches say so. They're really strict over there."
My jaw dropped. "Eh? Saan kukuha ng updates parents nila?"
"Coaches ang bahala roon. Iuupdate nila parents ng mga students na kasama nila."
"Kainis ka naman, Kuya! Binawi mo 'yong saya ko."
As we reached my house, we were greeted by a scene of chaos. Manang was frantically cleaning up broken glass and scattered furniture.
"Nag-away ang Mommy at Daddy niyo. Nag early out yata ang dalawa para dito mag-away." Umiiling na sambit ni Manang habang naglilinis.
Matagal na rin simula noong huli ko silang nakitang nag-away nang ganito kalala.
"Mag meryenda muna kayo, ipinagluto ko kayo. Nakapagluto na rin ako ng hapunan."
"Ano hong pinag-aawayan nila?"
"Haynaku! Hindi ko na masyadong tanda, nasa likod ako nagdadamo. Basta may binabanggit na apelyido ang Daddy niyo."
Halos sanay naman na rin kami. Kahit noong bata pa kami, palaging nag-aaway si Mommy at Daddy.
They always do this. They fight, they leave, and then they come back and pretend like nothing happened.
Tinapos ko na lahat ng gagawin ko kahit wala akong pasok bukas. I checked my phone, may missed calls na pala si Kuya Ice. Halos 'di ko na napansin ang oras dahil sa pag-iisip.
"Hi! I'm sorry 'di ko nasagot agad," bati ko kahit 'di pa naman siya nakakapagsalita.
"That's okay. Kumusta ka? Did you eat na?"
I sighed.
"Amari? What's wrong?"
"Nag-away kasi si Mommy at Daddy. Parehas silang wala ngayon dito."
"Baka magkasama sila, inaayos problema nila para 'di kayo maapektuhan dyan. Andyan ba si Vin?"
Tumango ako. Noon kasi naka audio call lang kami, ngayon nakakapag-video call na.
"Magiging okay rin sila. Baka need muna nila ng alone time."
Napatingin ako sa kanya. May nakalagay sa noo niya para pambababa ng lagnat.
"Cute mo d'yan." I said, a smile finally breaking through my sadness. "Sana palagi kang may ganyan kahit wala kang lagnat."
"Si Mommy naglagay nito." Iniikot niya ang phone niya. "Mommy, say hi!"
Agad akong napaayos ng upo. "Good evening po, Tita!" Kumaway rin ako pabalik.
"Oh, tama na. Baka kayo na mag-usap, e."
"Kuya Ice, may sasabihin ako! Done ko na i-color 'yong isang coloring book ko na galing sa iyo!"
"Wow! Let me see?" he asked excitedly.
Napangiti ako sa sagot niya. Nasa tabi ko naman iyon kaya agad kong pinakita. Kada buklat ko ng page, puro papuri siya.
"Pretty."
"Ahm, right? Ang pretty, ang ganda kulayan." I said, my cheeks flushing with happiness.
"Yep, kasing ganda mo."
I felt a wave of shyness wash over me. I was sure Tita Isabela could hear Kuya Ice's words, and I couldn't help but feel a little embarrassed.
"Labas tayo next time, ha? Labas sana tayo bukas pero baka mahawa ka pa sa akin, and 'di pa okay sila Mommy mo, baka magalit na naman sa iyo."
"We'll talk pa rin naman, right? May nakita ako sa internet, ghosted 'yong girl."
"Opo, mag-uusap tayo. Why would I do that? Ang immature nang gagawa niyan."
Nagkwentuhan lang kami. Nagpaalam na rin si Tita Isabela para matulog, kaya nagpaalam na rin ako kay Kuya Ice. Need niya na rin kasi muna magpahinga, tumataas kasi lagnat niya. Baka sa sobrang pagod niya na 'to, plus puyat niya pa.
Sa nakalipas na weekends, hindi umuwi si Daddy. Si Mommy kasi ay umuwi rin kinabukasan.
Halatang pagod na pagod mga mata ni Mommy.
"Si Vin na maghahatid sa iyo. Masama pakiramdam ko," her voice strained.
"Si Daddy? B-Bakit wala pa po siya?"
"Pwede bang huwag mo nang hanapin ang wala?!" bulyaw niya na ikinagulat ko kaya napaatras ako. "May nakikita ka ba? Wala, 'di ba?!"
"Hahanapin 'yong wala! Kung ikaw na mawala sa paningin ko?! Hindi 'yong puro ka tanong!" galit na aniya at itinuturo-turo pa ako.
Kumakalabog pa rin ang puso ko tuwing nasisigawan ako. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglang pagsakit nito.
Mabuti at nakahawak agad ako sa sofa para maalalayan ang sarili.
I was used to my parents' outbursts, but they still hurt.
"What the heck was that?!" galit na sigaw ni Kuya habang pababa. Agad siyang lumapit sa akin. "Sinaktan ka ba?"
Umiling ako bilang sagot. "S-Sumasakit ulo ko. T-Tara na sa labas, Kuya."
"Amara! Idadamay niyo na naman 'yang bata!" pagalit na sambit ni Manang.
"Ayan hirap sa inyo! Hindi niyo matapos-tapos 'yang tanginang issue niyo ni Daddy, tapos idadamay niyo 'yong kapatid ko," sigaw ni Kuya at ramdam ko ang galit niya.
Tahimik lang si Mommy, nakayuko.
Hinawakan ni Kuya ang kamay ko para hilahin palabas ng bahay.
Ramdam kong pinagpapawisan ako kahit nakabukas ang aircon ng sasakyan.
Bumalik lahat sa akin iyong mga ala-ala noong bata ako na pilit kong kinakalimutan.
Memories flooded back, memories I had tried so hard to forget. The yelling, the constant fear, the feeling of being trapped. I could still feel the sting of my mother's slaps, even though it had been years.
Ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko'y nanlalambot ko.
"Huwag ka na munang pumasok," sambit ni Kuya. Bakas ang pag-aalala niya.
Hindi ako umiimik parang naubusan ako nang sasabihin, nakatitig lang ako sa kanya.
Mahina niyang pinapalo ang braso ko at niyakap ako.
"I'm sorry, I'm sorry." Iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya habang hinahaplos ang likod ko.
I closed my eyes at alam kong may tumulong luha roon. Agad niyang pinunasan ang mga luha ko. Hindi pa rin ako makapagsalita.
"P-P-Pasok na a-ako, K-Kuya." Garalgal na ang boses ko.
Buong byahe tulala lang ako, ni wala nga sa akin na inihatid ako ni Kuya hanggang sa classroom. Nakita ko lang din na kinausap niya dalawang kaibigan ko at ang aming first subject teacher.
Lunch break, pinuntahan ako ni Kuya kasama si Kuya Ice.
"Gusto mo na bang umuwi? Magpahinga ka na muna?" he asked.
Umiling lang ako. "K-Kaya ko na. Baka... andoon lang si M-Mommy, ayaw ko."
Narinig kong nag-uusap ang dalawa. Hindi na raw muna sila makiki-training ngayong araw.
After last period namin, nakita ko na naman ang dalawang naghihintay na parang magulang ko sa labas ng room namin.
Gustong sumama ng dalawa kong kaibigan pero 'di sila nakapagpaalam kaagad, at dumating na rin mga sundo nila.
Sa sasakyan ni Kuya Ice ako sumakay may driver ulit siya ngayon, kasama naman ni Kuya si Ate Daisy.
"Amari, look. Pinag-bake ka ni Mommy."
Bento cake ito na sunflower ang design. "T-Thank you. Mukhang masarap 'yan."
"Yes! Si Mommy gumawa, eh. Magaling siya mag-bake. Magbubukas siya ng cafe malapit sa SanLo. Puro pastries and coffee lang, then sa second floor study area. Open twenty-four seven yata ang balak ni Mommy."
"That's nice. Lalo maraming boarding house malapit sa SanLo, maraming mag-stay roon sa itatayo ni Tita."
Nakarating kami sa pupuntahan namin na Park. Parang ngayon na lang ulit ako nakapasyal sa ganito.
The park was peaceful, with a stunning view of the sunset. The air was filled with the scent of freshly cut grass and the distant sound of children laughing. It was a welcome change from the chaos of my home life.
"I have blanket!" sigaw ni Ate Daisy at inilabas ang dalawang blanket niya.
"Luh? Always ready para may pang date sila ni Vin."
Ate Daisy pouted. "Vin, oh!" Pagsusumbong niya na nakapagpangiti sa akin.
Inaayos ni Ate Daisy ang buhok ko.
"I like your hair, Amari. Ang healthy. Is it natural or rebonded?"
"Natural po, ate." Nilingon ko si Kuya. "K-Kuya, gusto kong kausapin si Tita Gelly."
"Ha? Magpapakuha ka na roon?"
"Hindi, hindi. Gusto ko kasi... mag boarding house na lang kapag college." Nag-aalinlangan kong sambit.
Nagkatinginan silang tatlo kaya natahimik ako.
"Papayagan ako ni Tita, mas gusto niya pa 'yon. Malalayo ako kay Mommy at Daddy."
"Are you sure? Tho, marami namang boarding house around SanLo."
"Gusto ko na maging independent." May mga ipon ako, galing sa mga allowance na ibinibigay sa akin, hindi ko naman nagagastos 'yon lahat.
I wanted to be free from the weight of my parents' problems, to live a life free from fear and uncertainty.
"Why? Hindi ka pa ba independent sa lagay na 'yan?"
Napalingon ako kay Kuya Ice. "Eh, gusto ko 'yong malayo na talaga sa bahay. Matutwa pa sila Mommy nyan, lagi akong ayaw makita, eh."
I was independent because I had no other choice.
"Iiwan mo ako roon?"
"You have your car naman, Kuya."
Nahiga na lang ako. Andami ko pang aasikasuhin, may ilang assignments at reporting pa ako for bukas.
"Rest on my lap."
Pagkahiga ko, iminulat ko ang mga mata ko at nakitang nakatitig siya sa akin. Agad siyang umiwas ng tingin.
I heard him humming a tune. It was a familiar melody, but I couldn't pinpoint where I'd heard it before.
"Kuya Ice," I mumbled, my voice barely a whisper. "What's that song?"
He paused his humming and looked down at me. "It's called 'You'll be Safe Here'," he said, his voice soft. "One of my comfort song."
I smiled, "It's beautiful," I said.
He smiled back, "Just like you, Amari," he whispered.
Nagpaalam iyong dalawa may bibilhin daw kaya naiwan kami ni Kuya Ice rito. The park was quiet, the only sound the gentle rustling of leaves and the distant chirping of birds. It was a perfect setting for a moment of quiet intimacy.
Naramdaman kong nilalaro niya ang buhok ko. "Kumusta nararamdaman mo ngayon?"
"I am fine na, unlike kanina. Tulala na lang ako hanggang matapos ang klase. Ayaw na ayaw ko talagang nasisigawan ako or kahit makarinig ng sigawan."
"Basta nakakainis lang talaga 'yung nangyari."
"I understand. But you know, it's not your fault. You didn't do anything wrong."
"Pero..." I started, but he cut me off.
"No buts. You just need to learn how to deal with those kinds of situations. You're strong, you know that?"
I looked up at him.
He smiled, his eyes crinkling at the corners. "You're tougher than you think." Pinitik niya pa ang noo ko.
Kinuha ko ang kaliwang kamay niya. Akala ko kasi tinanggal niya iyong bracelet na ginawa ko.
"Hindi ko 'yan tatanggalin, boss. Except na lang tuwing trainings, bawal may accessories, e."
"Me also." Ipinakita ko rin sa kanyang suot ko ang bigay niya.
~
Buwan ang lumipas. Naging maayos ang end ng year ko last year. I celebrated Christmas and New Year with the Rivera family. Si Kuya nag-celebrate kasama ang family ni Ate Daisy. Wala naman na ring nagawa sila Mommy dahil palagi silang wala, palala nang palala ang away nila.
Habang si Manang, umuwi muna sa kanila para makapagbakasyon.
Pangalawang araw pa lang ng taon, aalis na siya. Andito kami ngayon sa airport para ihatid si Kuya Ice. Actually, kaninang madaling araw pa sana ang flight nila, pero hindi siya sumabay dahil mapupuyat daw ako. Pero may kasama siyang from SanLo rin.
Nakaupo ako sa maleta niya. "Mamaya na saglit," I pouted.
Mahina siyang natawa at hinalikan ang noo ko. "Sure, medyo maaga pa naman."
Ilang minuto rin bago ko siya naisipang papasukin na.
Niyakap niya agad ako. One month siyang mawawala. Sinabihan niya na agad ako na strikto nga raw doon kaya baka malimitahan ang paggamit niya ng phones.
"Ingat, ha? Alagaan mo sarili mo roon." I said.
"Ikaw rin. Sleep early. Message mo lang ako, I'll reply kapag ibibigay phone sa amin." He hugged me again. Ibinigay niya ang hoodie niyang suot sa akin. "Para 'di mo ako ma-miss masyado."
Pabiro ko siyang itinulak papasok, at sinabing 'wag nang lilingon sa akin. But Kuya Ice, being Kuya Ice, couldn't resist. He turned back, a wide grin on his face, and waved goodbye once more. Ang laki pa ng ngiti niya, paniguradong mamimiss ko 'yan.
Nagkita kami ni Kuya Alex, iyong driver nila na naghatid sa amin dito. Inihatid niya ako sa Glorietta Mall dahil andoon sila Tita Isabela.
"Good morning, Tita."
"Good morning! Nakaalis ni si Isaac?" she asked.
I nodded. "Opo, Tita. I-Ibinigay niya po sa akin key ng condo niya."
Ngumiti siya sa akin. "Good. You can stay there if you want."
I glanced at Isabel, who was crying, being fed by her Yaya. Ian was watching his sister with a bored expression.
"I'm sorry we couldn't make it to the airport," Tita Isabela said, her voice filled with regret. "And Isabel, she thinks her Kuya is going to Japan for a vacation, and she wants to go too."
"Isabel, okay, okay, we will go there. Stop crying na. Nakakahiya kay Ate Amari, oh."
"No! I want to come with K-Kuya."
"Isabel, your Kuya has training there. He can't just roam around Japan. When he comes back, remember what he promised? He'll take you and Ian to South Korea. Stop crying now. Look, you're getting red."
Maputi kasi sila, kaya kitang-kita ang pamumula niya.
"Stop crying, Isabel. You look like a mess." Ian said.
Napangiti ako sa sinabi ni Ian. Bored na bored siyang nakatingin sa kapatid niya.
Pinunasan ko ang luha niya. "We'll call him later, ha? Remember sabi ni Kuya? Iiyak din siya roon kasi sad ang baby girl niya?"
Biglang tumawa si Ian. "Baby girl? Cringe."
Kumain na rin ako rito kasama nila. Nasa kabilang table si Tita Isabela dahil busy sa business, may ilan siyang ka business meeting, and after that, may isa pang naghihintay. Update yata para sa itatayong coffee shop malapit sa San Lorenzo University.
Umilaw ang phone ko, nag message na pala si Kuya Ice.
Ice Miguel sent a photo
here na po sa plane. sana all may wings.
Amari Gracey
gusto mo pala ng wings edi sana pinabaunan kita napkin. :D
I'm with your family na pala hehe. Isabel's crying, iniwan mo raw.
Ice Miguel
bas2s HAHAHAHA si Isabel ba naiyak dahil naiwan or ikaw? joke. pupunta naman silang SoKor sa Feb.
wait, take off na. i'll update you once andoon na kami. iyong mga bilin ko. i miss you.
Amari Gracey
imy. hehe. ingat. hehe. :D
Sa halos maghapon nang magkasama kami ni Isabel, nakaramdam na rin siya ng antok at pagod. Hindi sumama si Ian maglakad-lakad at mamasyal dahil baka mapagod siya kaagad.
"How much utang ko sa iyo, Ate Amari...po?" Isabel asked bago ako bumaba ng sasakyan nila.
Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya. "Wala po. Libre 'yan ni Ate Amari." Napalingon ako kay Ian, tulog na pala. "Ate, salamat po, ha? Ingat po kayo pag-uwi."
Naligo at nagpalit lang ako. Ako lang mag-isa ngayon dito sa bahay. Inilibot ko ang mga mata ko, antahimik, anlungkot pala.
Wala pa si Kuya, sa susunod na araw pa ang uwi nila galing Baguio.
Hinawakan ko ang mga picture frames na nasa wall. Karamihan pictures nila kasama si Kuya. Iilan lang ang pictures na kasama ako. But it was okay. I had a whole photo album dedicated to me, filled with pictures from my childhood, compiled by Tita Gelly.
Nang makaramdam ako ng gutom, agad akong nagpunta sa kusina. May ibinigay sa akin si Kuya Ice na cook book na siya mismo ang gumawa para sa akin.
Nagluto na lang ako ng spaghetti dahil doon lang ako nadalian.
Habang kumakain, nanonood ako ng movie, biglang tumunog ang laptop kung saan ako nanonood at may natanggap akong email. Kaya napakunot noo ako. Madali kong binuksan iyon.
From: [email protected]
To: [email protected]
Madam, I can't contact you. Si Ms. DND HAHAHA andito na po kami. Reply ka if hindi ka busy, so I can call. I miss you.
Agad-agad akong nag-reply, ilang saglit ay tumawag na rin siya.
"Hello! I'm sorry, nag dnd kasi ako kanina pagkahatid sa iyo, tapos 'di ko na na off." I explained. "Tapos, nanonood ako movie. N-Nagluto ako!"
Tumawa siya at natigil sa pagpapatuyo ng buhok. "Ito si explain agad, e. That's okay. What did you cook?"
Ipinakita ko sa kanya ang plate ko. He seemed genuinely happy that I had cooked for myself.
"May three days kami to roam muna rito. Then after that, kukuhanin phone namin, para mas makapag-focus daw kami sa training. Per room magbibigay sila ng isang phone pang documents lang namin, pictures gano'n."
I could hear the sadness in his voice. Nalulungkot din ako pero ayokong ipakita iyon dahil makakaapekto iyon sa kanya.
"I'm here lang naman, hihintayin ka. Don't be sad na. Mabilis lang 'yan."
He pouted. He showed me his room, a shared room with Adrian, his classmate. May sariling kitchen na rin sila, bukas nga raw ay mamimili sila para 'di sila laging kakain sa labas.
"Nakauwi na ba si Vin?"
Umiling ako. I offered him some of my spaghetti, and he playfully opened his mouth as if I was feeding him. Lol.
"Cute mo. Edi, mag-isa ka ngayon d'yan?" Kumunot ang noo niya. "Doon ka na sa condo ko. Ipasundo kita kay Kuya Alex."
"Naku! Hindi na, nakakahiya! Ayos lang ako rito, promise!"
Saglit siyang nag-isip. "Ayaw mo ba talaga? Mag-aalala ako r'yan sa iyo, e."
"I'm fine here, promise! I-double locked ko 'yong gate."
"Wala ka na bang bibilhin? Double lock the gate now habang hindi pa masyadong madilim."
Agad ko namang ginawa iyon.
"How about your dinner po later?" he asked. "Me na bahala sa dinner mo. I'll contact Kuya Alex. Para 'di ka na magluto. Ops! Bawal umangal."
Nakatitig siya sa akin kaya agad akong umalis sa tapat ng camera. Nahihiya ako.
Narinig ko ang pagtawa niya. Inaaya na rin siya ni Adrian lumabas para kumain. Sabi ko nga ay iwan na lang niya phone niya, pero ayaw niya. Igagala raw niya ako sa Japan.
"Tara, shot mamaya. G?"
Nakita ko ang ibang players ng SanLo. Mukhang sabay-sabay silang kakain.
"Pass. Bebe time," sagot ni Kuya Ice. The other players started teasing him.
"Tangina. Edi ganado ka nyan sa training?" tanong sa kanya.
"Half, half. Paano magiging ganado kung 'di ko makakausap ng halos isang buwan."
"Yown! Lover boy."
Kumakain na sila, hindi pa rin niya ino-off ang camera, pinapanood ko tuloy siya.
Kada minuto rin ang pagtingin niya sa akin sabay ngiti, kaya napapangiti na rin ako.
"End the call na. Have some time with them."
"Ah, nope! I'll be with them twenty-four seven sa mga susunod na araw. Ikaw muna ngayon. Wait mo si Kuya Alex, ha? He's on his way na."
Ang ikinagulat ko dahil kasama si Tita Isabela na nagbigay ng dinner ko. I was so welcome in their family. I felt like I had found a new family,
Hanggang pagbalik niya sa room nila magkausap kami. I could hear Adrian talking to his girlfriend in the background.
Kuya Ice refused to go out drinking with his friends. He wanted to spend every moment with me.
"I'll sleep na. End mo 'yong call? Sus! Baka pagka-end sabay takas papunta sa inuman?" pang-aasar ko. Pero ayos lang naman sa akin makipag-bonding siya. Ang kaso iinom na naman, tinigil niya na kasi ang pag-inom.
"Hindi po. Hindi ko na lang i-end 'yong call. Sleep call. Screenshot ko 'to, isesend ko kay Elijah. Sinesendan ba naman ako screenshot ng mga ka call niya. Send ko rin 'to."
"Yabang!"
"Kung ikaw ba naman ang ipagyayabang. Why not?"
"N-Naniniwala ka ba sa multo?" I asked, my voice filled with a hint of fear. The thought of being alone here made me feel a little uneasy.
"Alam mo tinatakot mo na naman sarili mo. Kapag ikaw hindi nakatulog, sasakit na naman panigurado ulo mo. Hindi ka na naman makakakain."
Nagagalit na naman 'yong tatay ko.
Chineck niya pa kung may laman pa 'tong ref ko rito sa kwarto.
"Grocery ka bukas." Casual na aniya na para bang may pera pa ako. "Use my card."
"Huh?!"
"Ipapasundo kita kay Kuya Alex bukas. Iniwan ko kay Mommy iyong card ko, iyon na gamitin mo." Napansin niya ang pagtahimik ko. "I know naman may pera ka pa, save it for yourself."
"N-Nahihiya ako. H-Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Baka iba ang isipin ng iba."
"Ssshhh. Sinasanay nga kita para kapag mag-asawa na tayo." Tumawa siya pagkasabi niya no'n.
"Anong mag-asawa?!"
Sabi ko sa sarili ko noon, kung sinong taong nakikita ako na kasama sa future niya, he's the one.
"Ahm, oo! Nakikita na kita kasama ko sa future. Ano bang gusto mong bahay? Gusto mo ba may rooftop? Nakita kita may nilike kang fb post about houses na may rooftop. Sinave ko 'yon, kasi baka ganoon ang gusto mongg hay."
May nilike nga akong ganon, pero hindi ko gusto iyong ganon kalaki dahil baka maging malungkot. Simpleng bahay lang naman gusto ko.
"B-Baliw ka!" Kung katabi ko 'to panigurado nasuntok ko na siya. "Bata pa tayo para dyan, no."
"Hindi naman ako nagmamadali. Pero sana maka-graduate na tayo, makapag-work, makapag-ipon, para next, papakasalan na kita. Hmm, may ipon na ako. Pero kulang pa 'yon, kasi gusto kitang bigyan ng magandang buhay na deserve mo."
"Uwi ka nga saglit para makurot kita."
Shinare niya rin sa akin ilang business ideas na binabalak niya, ngayon nag-iipon muna siya para doon. Tutulungan naman daw siya, pero ayaw niyang mas malaki iyong tulong na matanggap niya galing sa family niya kaysa sa magagastos niya. Dahil baka raw isumbat iyon sa huli. He wanted to build his own success.
Sa tatlong araw na free time niya, palagi kaming magkausap. Kagabi ay naiiyak pa raw siya dahil kukuhanin na ang phone nila.
Ganon nga ang nangyari noong nakaraang araw. Nag-grocery ako kasama si Kuya Alex. Pati nga siya ay sinabihan nang mamali para hindi ako mahiya. Lagi raw ganon si Kuya Ice, nasanay naman na rin daw sila.
"Bye bye, Amari! Don't be sad, okay? I'll update you agad kapag pinayagan kaming gumamit ng phone."
Sabi ko ayokong ipakitang malulungkot ako, pero 'di ko maiwasan. Almost three weeks kaming 'di magkakausap kung 'di ipapahiram ang phone nila. At may possibility pa raw na ma-extend sila roon dahil may pupunta pang isang University from the Philippines, at ang plan daw ay sabay-sabay ang balik dito.
Pilit akong ngumiti. "M-Mamimiss kita." I said. Totoo naman.
"I'll miss you more," Kuya Ice said, his voice husky with longing. "But don't worry, I'll be back soon. And when I do, babawi ako. See you soon, Amari!
The bell rang, signaling that it was time for Kuya Ice to go.
"I'll be back. Promise. Bye for now, Amari. I miss you! End the call na," he said softly.
I waved goodbye, my heart heavy with sadness.
The thought of not hearing his voice, not sharing even the smallest details of my day, nakakalungkot na.
Totoong maaga pa pero napabangon na ako para bumaba. Nagulat pa si Kuya.
"Are you crying? Aga mo ah."
"Start na ng training nila." Walang ganang sagot ko.
The thought of him being so far away, unable to contact me, filled me with a sense of emptiness.
Nagpunas ng mukha si Kuya. "Oo nga raw. Worried nga kagabi ka-chat ko, baka ma-extend sila another month."
Sinamahan ko na lang si Kuya sa baba. Kagigising lang din ni Daddy, parehong hindi kami iniimik ni Kuya. My parents' relationship was a constant source of tension in our home.
I opened my messenger, checking our group chat.
BASTA GC
Ice Miguel
@everyone, pakibantayan muna si Amari.
see u after two months! hahahaha.
Juan Gio
gegege. ingat, isaac.
Lorraine
noted po! ingat, kuya!
Elijah
two months baka 'di na kita makilala nyan, men. ge, ingat ka, galingan mo!
Margarette
hahahaha ingat. mukhang sa Japan ka magc-celebrate ng birthday mo.
May message rin siya sa akin.
Ice Miguel
Good morning! Huwag na sad, ha? Smile ka na, ganda! Magsumbong ka lang kapag may umaway sa iyo. Uwi ka sa condo kapag pinaalis ka. Message mo lang ako, kahit 'di ako makakapag-reply. Ingat ka, okay? Drink your meds, 'wag magpupuyat. Eat on time, stay hydrated. See you soooon, Amari! <3
Nireplyan ko iyon kahit hindi na niya mababasa.
"Palapit na graduation mo. Make sure na you'll graduate as Valedictorian." Daddy said, his voice stern.
Napalunok na naman ako kahit alam ko sa sarili kong malaki ang chance.
"Hindi kita pinagagalitan sa mga pinag gagagawa mo kasama si Rivera. Pero once na 'di ka Valedictorian, wala kayong magagawa kung iuuwi kita ng probinsya. That's final."
"No province life pala." Kuya said. May tiwala kasi sa akin si Kuya na kaya ko.
Tinitigan lang siya ni Daddy. Nagpaka-unbothered naman 'tong kapatid kong nakangisi pa.
A week went by, and I found myself constantly checking my phone, hoping for a message from Kuya Ice.
Naging busy na rin ako dahil nag-umpisa na ang campaign for new SSG Officers.
"Amari, tara lunch." Pinuntahan ako ni Josh sa office.
"Eh, dinalhan na namin siya ng lunch niya, Josh. Sorry." si Bianca ang sumagot.
Nakatambay ako sa facebook. Napa-stalk ako sa facebook page ng SanLo, at napaayos ako nang upo dahil sa nakita ko. I gasped, my heart leaping with joy as I saw a post about the basketball team.
San Lorenzo University
- The SLU Crimson Lions are in Japan, pushing their limits and sharpening their claws for the upcoming Season 85! 🦁 #SLUCrimsonLionsOnTop #ReadyToDefendTheROARphy
I checked those pictures na pinost nila. I am so happy nang halos makita ko siya sa lahat ng pictures. Auto saved lahat sa akin. Napansin kong parang pumuti pa siya roon. Iyong height niya kaya talagang makipagsabayan sa mga seniors niya.
Suddenly, my phone buzzed with a text message from an unknown number.
From: Unknown Number
Good day! This is Edwin, head coach of the SLU Crimson Lions Basketball Team. Just wanted to let you know that Isaac Miguel Rivera is doing great here in Japan. He's working hard. We'll keep you updated. You'll get an update from us every Sunday. Thank you.
Napakunot ang noo ko. Isinend ko iyon sa gc namin nila Kuya, at agad na nag-reply si ate Margarette.
BASTA GC
Margarette
omg! hahaha, that's real! humihingi kasi ang mga head coaches ng dalawa or tatlong emergency contact person para sila ang iupdate. :)
Juan Gio
HAHAHAHAHA in love talaga. isinulat na si Amari sa contact person niya. nasa list na 'yan ng SanLo.
Kuya Ice added me to his emergency contact list so I could still stay updated on what's happening with him, since they're not allowed to use their phones. Omg?!
Nag backread ako sa convo namin. Ang clingy ko bigla roon, baka asarin ako pagbalik niya. Andami kong kwento roon, halos may I miss you, message roon. Totoo naman.
Si Josh kasama ko ngayon nag lunch, Saturday naman din ngayon. Nasa school ako. Nag-aayos ng mga voting papers na gagamitin.
"Magkaaway kayo ni Kuya Ice? Parang 'di ko siya nakikita."
Nalulumbay na nga 'yong tao rito.
"He's busy, nasa Japan. Basketball training."
Tahimik lang siyang tumago. Nagulat ako nang biglang lumapat ang thumb niya malapit sa labi ko.
"S-Sorry, may ketchup kasi." Nahihiyang aniya.
Ilang araw pa ang lumipas, noong Sunday nga may natanggap na naman akong update. Two weeks ko na siyang 'di nakakausap, dalawang linggo na akong nangungulila rito.
Wala pa ring bagong pictures na inilalabas ang SanLo. Sinubukan ko ring i-search iyong Team na nagm-manage sa kanila, pero wala rin akong makuhang update. Puro lang status.
Amari Gracey
para na akong nangungulila sa 'di ko naman asawa hahaha imy.
"When malalaman final grades?"
"First week po ng March."
Birthday gift ko na sa sarili ko ang magkaroon ng matataas na grades, at malaman na ako ang magiging Batch Valedictorian.
Patulog na sana ako nang umilaw ang phone ko. Halos three weeks niya na roon. Minsan naiiyak na lang ako. Ang bagal ng mga nagdaang weeks ko, kahit na napakabusy ko naman.
Nanlaki mga mata ko nang makita kong tumatawag siya. Agad kong sinagot iyon.
"My Amari."
Halos manlambot ako nang marinig ko ang mga boses niya, bigla na lang din akong naluha.
"Is it real? Ikaw ba 'to? Kuya Ice?"
I heard him chuckled. "Yes po. I miss you." bakas sa boses niya ang lungkot. "Did you miss me too?"
"I miss you, s-so much. Ang boring k-kapag wala ka. Uwi ka na."
"Someone's clingy, ha? Boring din dito, puro bola. Nagbabasa ako messages mo. Cute mo. Kumusta ka? Mga bilin ko ginagawa mo naman ba?"
I was speechless. I missed him so much. I missed his voice.
"May five days off kami. Pero extended kami hanggang March. Pagod na katawan ko rito, pero okay lang. Magiging worth it 'to."
"Miss you!" iyon na lang ulit ang nasabi ko.
"Hmmm? Ano? Choppy ka?"
"Eh, I miss you."
"I miss you more. Matutulog ka na ba?"
Oo, pero kaya kong magpuyat ngayon para sa iyo.
"You should sleep na. Let's talk bukas. Gusto kitang kausapin nang kausapin pero late na rin kasi."
Bigla siyang nag-mute.
"Sorry, sorry. May kinausap lang. Tara? Tulog muna tayo? Mag-uusap tayo bukas, maghapon, magdamag."
"You'll sleep na rin, ha?"
Maaga akong nagising kinabukasan, dahil na rin siguro sa excitement na magkakausap kami ulit ngayon. Pero napawi iyong mga ngiti ko nang nakita ko siyang online two hours ago pero walang message sa akin.
Ohh, baka naiwan niyang nakabukas data niya. Right.
Halos maghapon, walang paramdam. Nakikita ko siyang naka online pero walang message. Hindi niya nireplyan iyong message ko sa kanya kaninang umaga. Para namang may kung anong sakit sa puso ang naramdaman ko. Ayaw kong tadtarin siya ng message, baka nairita na sa akin sa dami kong message noon.
Okay, 'di na magiging clingy.
Dumating naman na rin si Manang, tumulong akong magluto. Si Kuya ay pauwi na rin, 'di ko alam saan galing.
Narinig ko na rin pagdating ni Kuya, nakangisi pa nang makita ako.
"Bunso, sa labas tayo kakain. Pakidala muna itong niluto ni Manang."
Tahimik kong sinunod iyon. Inayos ko na rin ang lamesa.
"Dinner na?" tanong ng boses sa likod ko.
Kilala ko ang boses na iyon. Kilalang-kilala ko.
Agad akong lumingon. There he was, Kuya Ice, holding a bouquet of flowers.
"I miss you," he said in a gentle voice. "God, I miss you, Amari." he kissed my forehead.
"I miss you so much!"
Bumitaw ako sa pagkakayakap. Tinignan ko siya, naka black tshirt, jeans, and white cap siya.
"Sorry. Tiniis ko lang 'di ka kausapin kanina baka kasi makwento kong pauwi ako. Kaninang madaling araw sana flight ko, delayed, eh. Kaya ako nag-mute kagabi. Sorry na."
"Bakit ka umuwi na? Akala ko extend kayo hanggang March?"
"Eh, miss kita. Bitin sa akin iyong video call. Kailangan kong umuwi para makita ka. Sinusulit ko lang five days off namin."
Hindi pa tapos ang training nila sa Japan, pero umuwi siya rito sa Pilipibas dahil miss niya ako?! Wala na akong masabi sa taong ito.
Kinuhanan niya ako ng pictures hawak ang bulaklak na dala niya.
Namiss ko talaga siya. I miss his presence. I miss his soul.
I leaned my head against his shoulder, inhaling his familiar scent. I missed his baby-like smell, a scent that was uniquely his.
Hindi ko ma imagine sarili kong maging clingy, pero ito ako ngayon.
Hiniram ko ang phone niya at pinuno ko iyon ng picture ko.
Umuwi muna siya, hindi rin daw alam nila Tita na uuwi siya.
"Kung 'di pa love 'yan, ewan ko na lang. Gago amp. Gulat ako minessage ako, nagpapasundo sa airport kasi miss na raw niya kapatid ko."
"So, 'di mo rin alam na uwi niya ngayon?"
"Hindi. Ayoko ngang maniwala. Si loko, sinendan ako plane ticket. Paspas din akong nagpa-airport."
Nakangiti talaga akong matutulog ngayon. He posted my picture with a caption na - Home 💐💗
I checked the comment sections. Halos lahat kasi naka-wow react.
Margarette: what are u willing to do? umuwi ng Pilipinas kasi miss si Amari.
Juan Gio: lakas ng amats HAHAHA
Adrian Jay: gago ka pre! umuwi ka pala talaga, iniwan mo ako rito sa kwarto, 'di mo ako ginising. akin na lang chocolates mo hahahaha.
Arvin Gabb Guanzon: anong pinakain ng kapatid ko sa iyo?
Amari Gracey Guanzon: yay! thank you! ^__^
Ice Miguel reacted ❤ to your comment.
Ice Miguel replied to your comment: ikaw na 'yan, e.
Sa room tinutukso ako ng mga kaibigan ko, dahil nga sa pag-uwi ni Kuya Ice para dito gamitin day off niya.
"Una na kayo. Magto-total pa kami ng votes." Yumakap ako sa kanilang dalawa bago umuwi.
We had already done the room-to-room canvassing for the SSG elections. All that was left was to tally the votes.
After ng isang oras natapos at nakapag-encode na rin ako. Ipo-post na lang siya mamayang gabi ng SMM ng School namin, after niya mag-edit.
Kasabay kong naglakad si Josh papalabas. Nakita kong kadarating lang ng sasakyan nila Kuya Ice. Agad siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Si Kuya Alex pala ulit ang driver.
"How's your day?" tanong niya.
"Okay naman, pagod. Ikaw?"
"Ayos lang."
I looked at him, noticing his silence. He had been quiet the whole ride. I even asked Kuya Alex pero hindi niya rin daw alam.
Andito kami sa Restaurant nila.
"You're so tahimik." Hindi ko na mapigilang sabihin. "May bumabagabag ba sa iyo?" Ako kasi nab-bother, hindi ako sanay kapag tahimik siya.
Tumingin siya sa akin. Nilalaro niya ang labi niya.
He handed me his phone. Nasa deactived account iyon, may sinend kay Kuya Ice. Pictures ito noong pinunasan ni Josh ang labi ko.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko maalala kung sino iyong nasa likod namin ng mga oras na iyon at ano ang intensyon niya para mag-send ng ganito kay Kuya Ice.
"Nabigla rin ako r'yan. Dapat sinend niya iyong video, mabilis akong umiwas doon, e."
"Pwede ba akong magselos? Kasi kung oo... nagseselos ako."
"Sorry. Wala lang iyan. I mean, 'di ko ginusto 'yon. G-Galit ka ba?"
"Hindi, hindi. N-Nagseselos lang, sorry. Kasi gusto ka niya, e."
Umiwas ako ng tingin. "I-Ikaw lang naman ang gusto ko." Halos pabulong kong ani.
"I will limit my interactions with him. Ayokong magkaroon ka nang ikaka-overthink mo. Ayokong sirain peace of mind mo." Nilingon ko siya at ngumiti. I hold his hand. "I won't be entertaing anyone else. Entertaining multiple people isn't for me." I shrugged my shoulders.
"Tara na." Tumayo siya at inaabot sa akin ang kamay. I asked kung saan kami pupunta. "Busog na ako. Busog sa assurance mo."
Pinaka oa sa lahat.
Hinila ko naman siya para makaupo na ulit.
"Ako rin naman."
"Sus! May nagsabi sa akin may pinopormahan ka raw na iba." I teased him playfully, trying to lighten the mood.
Tumaas ang isang kilay niya. "Who said that? Cut off ko agad baka kaibigan ko pa nagsabi niyan," seryosong aniya.
"Joke lang! Napakaseryoso mo naman."
"Sure? Baka mamaya kasi may nagsabi talaga sa iyo nyan, tapos maniwala ka. If something's bothering you, tell me, okay? I'll also do the same."
Parang busog na rin ako. Busog sa pagmamahal.
"You're the only person that I'll pursue. Ikaw lang, lagi't lagi."
~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro