Kabanata 14
"Patingin ng necklace."
Mabilis lumapit sa akin si Lorraine at Bianca. Nakwento ko na sa kanila iyong pag-amin ni Kuya Ice.
"Ang ganda. Halatang mamahalin. Pag mamay-ari mo na raw siya kaya ka binigyan," si Bianca habang nakangiti.
"Sabi sa 'yo, si Kuya Ice unang magc-confess!" ani Lorraine. "Libre mo 'ko iced coffee, B! Talo ka, 'wag madaya!"
Wtf?! Pinagpustahan pala nilang dalawa!
"At bakit naman nagpustahan kayong dalawa?" tanong ko.
"Exciting kaya. Lagi kaming nakaantabay sa usad nang pagiging BFF Premium niyo."
Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.
He's already courting me. Nagpaalam na siya kay Kuya. He's not in a rush naman daw, and para mas makilala pa raw naman namin ang isa't isa.
Napangiti ako nang maalala ko iyon at napahawak sa necklace na bigay niya.
Gusto niyang magpaalam din kay Mommy at Daddy pagkauwi rito, pero pinigilan siya ni Kuya. Tsaka na raw kapag 'di mainit ang ulo ni Daddy.
Itinuloy na namin ang practice sa English. May dula-dulaan kasi kami, tungkol sa kahalagahan ng komunikasyon
"Si Amari bidang babae. Matic si Josh na sa lalaki."
Lumapit ako para tignan kung anong mga scene. Hindi kasi akong leader dito kaya 'di ko alam kung anong mga inilagay nila.
May holding hands, may yakap scenes.
"Hala! Pass!" Agad kong inabot ang paper. "Ayoko, beb."
Lumapit si Lorraine sa akin, kiniliti pa ako. "May magseselos ba?"
"Hindi iyon magseselos. A-Ayaw ko lang talaga."
Naiinis na ako dahil halos walang emosyon iyong babae. Parang nagbabasa lang ng report. Nakakailang ulit tuloy kami. Bagot na bagot na rin ako.
"Ako na!" Apura akong tumayo mula sa pwesto ko.
Magiging actress pa bigla. Dami kong role sa section na 'to.
"Sana walang magselos!"sigaw ni Bianca.
"Huh?"tanong agad sa akin ni Josh, halatang naguluhan.
Inumpisahan namin ang practice, buti at si Josh, hindi nakakailang.
Medyo nailang lang pala ako sa yakap scene.
After ng morning class, naghihintay ako ng message kay Kuya Ice. Sabay raw kaming kakain for lunch.
Mabuti nga hindi naging awkward. Nagkahiyaan lang kahapon ng morning, pero okay na ulit.
Inilabas ko ang phone ko, saktong dumating ang message niya.
From: Kuya Ice
here na po sa labas. ayain mo ba mga kaibigan mo? okay lang naman sa akin. ^___^
Hinarap ko ang dalawang nag-uusap na kung saan sila kakain. Maaga kasi out namin, naka forty-five minutes lang ang klase.
Ayaw naman daw nilang sumama kahit pilitin ko. Magpapa-deliver na lang daw sila. Sumama na lang silang ihatid ako sa labas.
I saw Kuya Ice, nakaupo sa hood ng sasakyan niya. Naka P.E uniform ng SanLo. Katatapos lang din yata mag training. Nang makita niya kami, agad siyang bumaba at sinalubong kami.
"Tara na? Doon tayo kila Eya."
"Kayo lang, Kuya! Ayaw naming makaabala sa date niyo, sus!"
Walang preno talaga itong si Lorraine.
"Next time po kami Kuya. Pakiingatan ang bff namin, ha?"
Pagkaalis nila, pinagbuksan agad ako ni Kuya Ice ng pinto. Napabahing ako sa tapang ng pabango.
"Sorry, sinundo ko kasi si Marga at Uno kanina. Dito nag-spray si Uno ng perfume niya, sinubukan ko sprayan ng perfume ko pero mas malakas talaga 'yong sa kanya."
Napakamot ako sa ilong ko. Ang bango naman pero matapang sa ilong.
In-open na lang namin 'yong window.
Mabilis lang din naman ang naging pagdating namin doon. Kagulat nga dahil kahit lunch, kakaunti pa lang ang andito.
"Hi, crushiecakes!" bungad ni Ms. Eya pagkadating namin. Napahinto siya at mapang-asar ang naging pabalik-balik na tingin niya sa amin ni Kuya Ice.
"Cute niyo pala together?!" Hinarap ako ni Ms. Eya. "Alam ba 'to ni Vin?"
"Y-Yes po, Ma'am."
"Ate na lang! Sige na, akyat na kayo sa taas, sama na tumingin ng future boyfie mo."
"Inaantok ako," I pouted.
"What time ka natulog?" he asked.
Ngumiti ako. Syempre ngiti na lang, nagpuyat ako kakakulay. Wala akong ibang iniisip, tinapos ko lang 'yong libro.
Hindi niya na hinintay ang naging pagsagot ko, pinisil niya ang pisngi ko. "Power nap ka after kumain? Gisingin kita."
"Paano ka?"
"Bantayan kita."
"Hindi ka iidlip?"
"Sa bahay na. Hindi pa naman ako inaantok."
Umorder na lang kami ng chicken fillet and iced tea."
"May bet akong bilhin sa online shop. Look!" Iniabot ko sa kanya ang phone ko. "Pili ka anong mas maganda."
Dress iyon na floral.
"Buy na. Maganda both, pero sa tingin ko mas babagay sa iyo itong color red. Buy mo na silang dalawa."
"Thank you! Hmmm, isa lang muna. Nag-iipon pa ako."
"Use my card." Kuya Ice suggested.
Inilabas niya ang wallet niya at iniabot ang kanyang card.
"Huh?! Baliw ka! Huwag na, ayos lang!"
"Bilhin mo for you," he insisted.
"Nakakahiya, 'wag na! Pero thank you!"
"Wala namang nakakahiya roon." He said, gently. "Okay, I'll buy it for you na lang!"
Hindi ako nakaangal dahil dumating na ang order namin. May pa free clubhouse sandwich pa si Ms. Eya.
After naming kumain, inayos niya 'yong hihigaan ko. In-off niya ang lights dito sa private room. Alam niyang 'di ako nakakatulog na may liwanag.
"How about you? Take a rest din kaya?"
"Hmm, I'm fine. Sige na, rest ka na muna. Gisingin kita fifteen minutes before your first subject." Iniabot niya sa akin ang jacket niya, gamitin ko raw kumot kahit nakasuot naman ako ng palda na school uniform.
Inaantok ako pero hindi ako makatulog. Kahit anong pilit kong makatulog. Bumangon na lang ulit ako.
"Can't sleep?"
Tumango ako sa kanya. "Sa bahay na lang mamaya. Inaantok talaga ako, pero 'di ako makatulog. Hindi na ako magpupuyat."
"Mali. Hindi na ako magpupuyat pa rin ako."
Basher, basher!
"Hindi ka ba pinagalitan ni Kuya?"
"Hindi naman. Pinagsabihan lang ako na 'wag kang saktan. Kahit naman 'di nila sabihin, 'di ko pa rin gagawin."
"Ahm.. What if? What if ireto kita sa iba?"
"Luh! Huwag na lang. Okay na maging single habang buhay."
"OA! Makakahanap ka rin naman iba r'yan."
"Wala na akong paki sa iba r'yan, hindi naman sila ikaw. Hindi naman sila si Amari," he pouted. "Ikaw nga gusto, irereto mo naman sa iba."
Tumawa ako sa kanya. Parang na offend siya sa sinabi ko. Biro ko lang naman iyon, sinusubok ko lang anong sasabihin niya.
"Oh, sorry na! Joke ko lang iyon."
"Okay, forgiven."
Napagkwentuhan namin iba naming kaibigan. Gulat sila, lalo si Kuya Elijah at Kuya Harold. Tuwang-tuwa nga si Ate Margarette sa video call kahapon, finally raw umamin na si Kuya Ice.
"Hinahanap ka ni Ian. Kausap ko siya kaninang morning bago ako umalis doon. Even si Mommy, nagulat."
"Kapag pumunta ka roon, tawag ka. I'll talk to them. Miss ko rin sila kahit noong Sabado ko lang sila nakilala."
That's true. Miss ko 'yong kulit ni Isabel, at miss ko 'yong katahimikan ni Ian na parang inoobserbahan niya lang ang mga tao sa paligid niya.
"How are you? Bukod sa puyat ka?"
"Ayos naman ako. Si Daddy, hindi pa kami nagkakausap, balik nila bukas."
Ayokong malaman ng parents ko ang tungkol sa naging pag-amin, at ayokong malaman nila na nakakasama ko si Kuya Ice.
"Don't worry, I'll be more extra careful pag nakauwi na silang Metro Manila. Hindi tayo gagawa ng ikapapahamak mo."
Nakakainis kasi. Hindi pa naman ako sanay na nagsisinungaling, pero nakakapagod na rin kasi talaga. Lalayuan ko 'yong taong pinaparamdam sa akin kung papaano mahalin at itrato nang tama? No way.
"Hindi mo ako kakausapin?"
"Ha? Bakit hindi? Para ko namang pinatay sarili ko niyan. We'll talk pa rin naman. But kapag andoon ako sa inyo, syempre iiwas na muna ako."
"Don't post sa main account mo muna, ha?"
Natatawa rin tuloy siyang tumatango sa akin.
Inihatid niya na ako sa school. Makikita ko naman pala siya ulit mamaya, susunduin kasi ako ng kapatid ko, sasama ako pa SanLo, sabay kaming uuwi mamayang gabi.
"Musta ang date?" tanong ni Lorraine.
Inabot ko ang tinake out kong pasta for them. "Inaantok ako. May teacher ba?" Iniba ko ang usapan.
"Meron. Kalmahan mo, three subjects lang naman. Mabilis na lang 'yan."
Sa klase parang lumulutang ako dahil sa antok. Wala talaga akong magets. Hindi ko nga muna agad nilagay sa notebook mga notes, sa extra paper lang dahil 'di ko na alam saan papunta 'tong mga isinusulat ko.
After class, sakto ang pagdating ni Kuya, kaya dumiretso kami agad sa gym nila.
"Wala pa rito sila Ice, andoon sa field, pinapatakbo." Natatawang aniya. "Ikaw kung pupuntahan mo, wala naman ng init. Marami pa rin namang students dyan sa labas."
Umiling ako. Nagpunta na rin agad si Kuya sa mga kasama niya. Mabilis lang naman daw sila.
Nakita ng mga mata ko sila Kuya Ice, mga galing initan. Hindi pala ito iyong basketball team ng CABA. Basketball team na pala ito ng SanLo, tinanggap niya rin pala iyong offer dahil wala naman na raw palang try out para doon.
Pagod na pagod nga siya, nakasimangot pa. Nagulat ako nang itinuro ako ng kasama niyang tumatakbo noong nag entrance exam ako rito. Biglang lumiwanag ang kanyang mukha at kumaway sa akin. Itinulak na naman siya ng kasama niya.
Tapos na training nila Kuya Ice, kaya agad siyang tumakbo palapit sa akin. Sila Kuya naman may isang round pa.
"Grabeng mga mata 'yan, antok na antok na."
Hindi ko siya pinansin.
"Ah, ganyanan? Porke nakita mo si number ten ng College of Education."
"Huh?!"
"Ayan, oh! Nakatingin ka sa kanya," he pouted.
"Huh?!" Kay Ate Daisy ako nakatingin. "Baliw, si Ate Daisy tinitignan ko."
"Tamo, may pinapabigay si Margarette sa inyo nila Lorraine."Inabot niya sa amin ang tatlong crochet keychain. Mini me yata itong mga 'to. May mga first letter ng name namin ang shirt kaya alam kung nasaan ang para sa kanino. "Pinagkakaabalahan niya 'yan."
May napadaan sa harap namin. Mukhang Korean kaya sinundan ko ng tingin.
"Dapat talaga hindi ka muna isinasama ni Vin dito, e."
"Marami ring mga half-half dito?"
"Oo, tamo na lang si Margarette. Asa Badminton, asa kabilang gym, 'yong mas maliit dito. Iyong dumaan? Half din iyon, sa Basketball iyon, kasama ko."
"Ba't 'di mo pinansin?"
"E, ikaw pinansin ko. Sinundan mo ng tingin, e."
Tinawanan ko siya. Mukha talaga siyang bata tuwing nagseselos siya.
"Sabay ka sa amin pauwi?" tanong ni Kuya kay Kuya Ice.
"Hindi. Uwi ako Alabang ngayon, nagpasundo na lang ako."
Isasabay ulit namin si Ate Daisy pauwi.
"Bye! Message ka kapag nakauwi na kayo, ha?" Si Kuya Ice bago ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan namin. Tumango naman ako sa kanya.
Pinauna niya muna kaming makaalis bago sila sumunod.
"Lumipat pala Basketball si Isaac?" tanong ni Ate Daisy.
Doon ko ulit siya pinaupo sa tabi ni Kuya.
"Oo. Naiwas 'yan sa gulo, kaya lumipat."
"Iyon pa naman favorite sports niya, 'di ba?"
Tumango si Kuya. "Kaya niyang i give up 'yon, para sa mahal niya. Hayop 'yon si Manalo, sinubukan kong kausapin, ilag siya, e." Ngumisi si Kuya bago ako tignan. "Tinatarantado sila roon, e. Sabi niya kapag 'di pa siya umalis doon, baka kung anong magawa roon kay Manalo. Siya na nag-adjust. Pero, kita mo naman, kayang-kaya rin mag Basketball, at nakuha agad ng SanLo Team."
Ano nga ba kayang reason ni Kuya Ice bakit siya lumipat? Hindi ko rin kasi alam. Wala akong idea.
I'll ask him later.
"Madadala niya CABA Team sa Basketball."
"Maalam din 'yon sa Table Tennis."
Ang sporty naman ng isang 'yon. Samantalang ako, hindi. Bilis ko pa man din mapagod.
"Pasok muna kayo sa loob? Meryenda?" Pag-aalok ni Ate Daisy sa amin pagkadating namin sa tapat ng bahay nila.
"Thank you, pero siguro, next time na lang? Kapag medyo maaga ang out natin."
"Oh, sure! No problem. Thank you sa rides, ingat kayo!"
"Kuya, bakit nga ba umalis si Kuya Ice sa Badminton? Na curious ako sa mga sinabi mo. Kinakabahan din ako."
"Ask him later. Kilala mo naman si Manalo, 'di ba? Kapag nakita mo 'yon, iwasan mo agad. Kahit makasalubong mo. Napunta ng school niyo 'yon, anak siya ng isang Teacher doon."
Hanggang pagdating ng bahay, sabi ni Kuya si Kuya Ice na lang daw tanungin ko.
Minessage ko siya agad na nakauwi na kami, at andoon na rin daw sila, maliligo lang daw saglit.
Ilang minuto lang nakatanggap na ako ng message kung pwede na siyang tumawag, kaya nireplyan ko rin kaagad.
"Hi, sungit!"
Iyon agad ang bungad niya sa akin.
"Hello. May ask ako."
"I do. Ay joke. Go, ask na."
Napairap muna ako. "Bakit ka umalis sa Badminton team niyo?"
"Ayoko na roon. Gusto ko mag-explore."
"Walang ibang reason? Si Manalo?"
Nanahimik siya sa kabilang linya. "Eh."
"Hmmm?"
"Para manahimik na. Binabastos ka na ng taong 'yon sa harap ko, e."
"But, you love Badminton. Badminton player ka na since you're a kid."
"I can still play Badminton, Amari. Ang hindi ko na kaya 'yong ginagawa ng taong 'yon. Baka sa kanya ko ihampas 'yong raketa ko."
"Kuya Ice, hindi mo kailangang gawin 'yon para sa akin. Hindi ko gusto na mag-sacrifice ka sa ganito," I expressed my concern.
"Amari, hindi 'to para sa'yo lang. Para sa akin rin 'to. Ayokong makitang binabastos ka," Kuya Ice declared, his voice firm. "Baka 'di ko mapigilan sarili ko roon. Mahaba ang pasensya ko, pero hindi para sa mga ganoong bagay."
"Naiintindihan ko, Kuya Ice. Pero huwag mo namang isugal ang passion mo para sa akin," I pleaded, a wave of emotions washing over me at the depth of his commitment and sacrifice.
"I'm willing to give up anything if it means protecting you, Amari. Hindi ko kayang manahimik at hayaan na lang si Manalo na bastusin ka," Ice confessed, his voice tinged with a mix of protectiveness and fierce determination. "Kapag hindi ako nakapagpigil, baka may magawa akong hindi maganda. Baka roon pa ako ma Guidance Office, at ma ban sa pagsali ng kahit anong sports sa SanLo. Iyon na ang best decision, Amari."
"Hindi mo dapat gawin 'yan. Hindi mo dapat i-compromise ang sarili mo para sa akin," I said in a low voice. Nahihiya.
"Amari, you're worth every sacrifice." Ice declared. "Watch me excel in Basketball, too! I'm happy rin dito. Naglalaro din ako Basketball noon. Don't worry na, ha? I'm fine, I'm happy."
Tahimik lang ako, hindi alam ang sasabihin ko.
"Don't feel bad, ha? I'm happy, masaya ako sa pinili ko. Alam mo ba kung sinong pinili ko?"
"Basketball."
"Engk! Ikaw." Tumawa pa siya kaya napangiti rin ako. "I will always prioritize your safety and peace of mind, no matter the sacrifices I have to make. Alam kong nakasimangot ka na, smile!"
Nakipag-usap pa ako sa kanya. Sasali raw siya sa Rubik's Cube competition sa SanLo. Excited nga raw siya, kung pwede nga lang makanood ng live roon, manonood din ako.
"B, may joke ako!" Lumapit agad ako kay Bianca.
"Ano, ano?"
"Anong kabaliktaran ng kaluluwa?"
Isinulat niya muna iyong word. "Ahm, awaululak?"
"Nope! Kalulunok!" I said, proudly.
Nag loading pa yata siya dahil hindi agad nakatawa.
"Ganyan napapala kapag in love," si Lorraine. "Eh, papaano 'yan? Umuwi na si Tito, 'di ba?"
"Yep. Limit, 'di niya na muna raw ako kauusapin kapag asa bahay siya."
Itinuloy na ulit namin ginagawa namin. May reporting kami pero 'di ako kasali. Pinili lang kasi ang magre-report.
After reporting, may P.E kami sa MAPEH ngayon.
"Sana volleyball!"
"Sus, makita mo lang bola, naiwas ka na!"
Pabiro kong kinurot si Lorraine. "Basher. Birthday mo na pala sa December! Tatanda ka na naman. Next next week, December na!"
"Sige, hindi na ako aabot ng birthday ko."
"Hoy, baliw! Kung ano anong sinasabi mo." Binatukan ko siya.
January naman si Bianca. Same ng birthyear si Lorriane at Kuya Ice.
Nag-start ang MAPEH namin, Badminton pala kami. Pero next week pa start ng mismong laro namin, puro discussion kami. Mukhang alam ko na kung kamino ako lalapit para magpatulong dito.
"Bring your own raketa, ha? Walang hiraman. Iyong shuttlecock kapag kaya ng budget bili kayo nong hindi plastic, ha?"
Hinihintay na pala ako ni Kuya, saktong-sakto ang labas ko. Manonood ako pre-game nila ngayong 6pm. Marami na nga raw tao.
"Andito si Kuya Ice?" tanong ko.
"Naninibago ako, amp. Noon si Harold tinatanong mo." Tumawa siya nang malakas. "Andoon, papunta rin. Ni reserve ko na kayo ng pwesto niyo."
Pagkarating namin, sinalubong kami ni Kuya Ice. Iniwan ko naman na bag ko sa sasakyan.
"May laro ka rin?" tanong ko.
Umiling siya. "Baka raw next week ang pre-game namin. Pero may laro basketball after nila Vin. College of Educ."
"Wala akong crush don!" Inunahan ko na agad siya.
Pagkapasok namin ng gym, tama nga si Kuya, marami nang tao. May kalaro sila galing ibang school.
"Hindi ko masyadong kita rito," reklamo ko.
Tumawa naman siya. "Liit kasi." Saglit siyang tumalikod at tumayo may tinitignan. "Tara." Inilahad niya ang palad niya sa akin at tinanggap ko iyon.
Andito kami ngayon sa bandang gitna. Ang ingay, wala pa man grabe na ang sigawan.
"Nag change ba si Kuya ng position niya?"
"Ay, ano ba position ni Vin? MB ba?"
"Opposite yata?"
Sabay kaming natawa, dahil parehas kaming hindi sigurado.
Nang mag-umpisang tawagin ang mga players.
"Jersey number 4, opposite hitter, Arvin Gabb Guanzon!"
Pumapalakpak ako nang makita si kuyang tumatakbo papuntang gitna.
Ang tatangkad nila. Wala naman akong alam sa sports, kung sinong manalo iyon sinusuportahan ko. Hindi ko ma-gets scoring.
"Sana maganda connection ng spiker at setter."
"Bakit iba color ng jersey ng dalawa?" Itinuro ko ang dalawang lalaki sa dalawang team.
"Trip lang nila 'yan kasi astig sila."
"Ay weh? Ang angas. Buti pwede 'yon?"
Tumawa na naman siya sa akin. "De joke, Libero nila 'yan. Back-row specialist sila. Taga receive and defense. Hindi sila pwedeng humarap. Tamo mamaya, makakakita ka kung papaano nila i-save 'yong bola."
Tumango-tango ako habang itinuturo niya sa akin ano ang ganap.
Nang matapos ang laro nila Kuya, napapakamot sa kanyang batok si Kuya Ice.
Napapaano naman kaya ang isang 'to?
Dumating si Kuya sa tabi namin kasama si Kuya Lucas, nakipag fist bump pa sa amin. Saktong katatapos lang din daw ng klase ni Kuya Lucas.
Lumabas ang mga taga College of Education, taga ibang school pala ang kalaban nila.
Ang tatangkad, napatingin ako kay Kuya Ice na nakatingin lang din ngayon sa mga players.
Nahuli niya akong nakatingin sa kanya, kaya tumaaa ang isang kilay niya, ginaya ko rin naman siya.
"Magagaling din mga 'yan."
Narinig kong sambit ni Kuya Lucas.
Nagrereklamo naman 'tong katabi ko at bakit daw pinupuri ni Kuya Lucas ang mga taga CoE. Sira yata talaga ulo nito minsan, e.
Nakipagpalit ng pwesto sa akin si Kuya Ice, siya na ngayon ang nasa gilid, katabi ko na si Kuya.
"Andyan 'yong gago. Huwag mong papansinin kahit anong sabihin."
Nakita ko agad si Manalo, bitbit pa raketa niya. Nag-iinit na rin tuloy ulo ko sa lalaking ito. Presence pa lang niya, nakakainis na.
Napatingin siya sa gawi namin bago ngumiti nang nakakaloko.
"Don't mind him," ani Kuya Lucas.
Nakatutok lang mga mata ko sa mga naglalaro ng basketball.
"Oh, ba't nakaupo ka rito? Akala ko basketball player ka na?" bungad na tanong niya.
Ang yabang, nakakainis! Nakatayo pa talaga, eh may mga nanonood sa likuran namin.
"Hindi mo ba kitang taga-Educ mga 'yan?" tanong pabalik ni Kuya Ice.
Ibinaling niya ang tingin sa akin. Tumitig din ako sa kanya.
"Iba lang kasama mo kahapon, ah? Si Ariane. Ngayon 'tong kapatid naman ni Arvin. Tindi!" Tinapik pa niya balikat ni Kuya Ice.
"Ulol ka ba or tangina mo lang?"
Mukhang nabadtrip siya sa tanong ni Kuya Ice. Agad pumagitna si Kuya.
Halatang inis na inis na rin ang kapatid ko. May ilang students na rin ang umawat.
"Vin, tara na."
"Tara na, Vin. Hayaan mo 'yang talunan na 'yan mainis at mang inis habang buhay, roon lang naman siya magaling."
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Kuya Ice.
Hanggang makarating kami ng parking lot bakas sa tatlo ang pagkabadtrip.
"Parang tanga nga. Hindi na nagtitino. Hindi na lang ata tungkol sa badminton, e."
Umiling si Kuya Ice. "Hayaan niyo siya."
"Sorry," bulong niya. Rinig ko rin naman. "Huwag kang maniwala sa sinasabi niya. Gawa-gawa 'yon."
I smiled at him. "Hayaan mo na 'yon. Huwag mo nang papatulan."
Dumating na rin ang sundo ni Kuya Ice. As usual, kami muna una niyang pinaalis bago siya.
Pagkarating sa bahay si Daddy ang bumungad sa amin. Hindi ito magagalit na medyo ginabi kami. Why? Because kasama ko si Kuya.
"How's your study, Amari? I hope nilalayuan mo pa rin si Rivera."
Napalunok ako. Bigla akong kinabahan. "Okay lang naman po. Don't wory po. Wala na po kaming interactions and c-communication."
"Siguraduhin mo lang."
"Why, Daddy? Wala namang kasalanan 'yong dalawang bata." Biglang sumingit si Kuya.
Agad akong umiling at sumenyas sa kanyang itigil kung ano ang binabalak pa niya.
"Labas ka rito, Arvin."
"Hindi, Daddy. Kapatid at kaibigan ko, e. Wala naman silang ginagawang masama. Si Isaac? Ayon, suportado lagi kay bunso. Tapos biglang gusto niyong ilayo 'tong isa."
"I'm just protecting your sister."
"Protecting from what? Kaibigan ko si Isaac. Sa tingin niyo papayagan kong mapalapit 'yong tao kay Amari kung masamang tao 'yon? He's harmless."
"How can you say so?"
"And how can you say rin na he's not good for Amari? Do you know him, Daddy?" matigas na tanong pabalik ni Kuya. "Kilala niyo lang naman siya bilang Rivera, right?"
Ngumisi si Kuya. "I know you, Daddy. Huwag niyong idadamay 'yong walang kasalanan. And yep, Amari and Isaac? Nag-uusap na ulit sila. And nope, hindi uuwing province si Amari." Nakikipagtitigan si Kuya kay Daddy na halos wala akong maintindihan. "Fix your issues with Mommy, 'wag idamay mga inosente."
Nilingon ako ni Kuya. Parang ibang Kuya Arvin itong kaharap ko. "Go upstairs, Amari."
I'm right! Hindi talaga papatulan ni Daddy si Kuya.
Napayuko ako at nilampasan si Daddy. Hinawakan ko ang kamay ni Kuya para hilahin siya papalayo roon.
"Kainis ka naman, Kuya!" Sa kwarto ako ni Kuya unang dumiretso. "Why did you do that?"
"What? Ako eh napapagod na rin kay Daddy. Hindi ko na ma-take, unso. Hindi ka na papakialaman niyan tungkol kay Isaac. Sagot ko kayo." Kinindatan pa niya ako. "Pumasok ka na sa kwarto mo. Makipag-bebe time ka na sa tropa ko."
Lumapit ako para yumakap kay Kuya na abala sa laptop niya. "Love you, bes!"
"Bes, amp. Ganyan, napapalambing ka na, nahahawa ka na sa tropa ko. Kapag sinaktan ka ni Ice, sabihin mo sa akin, ha?"
Tumango ako. "Thank you!"
Sabado na, at andito kami ni Kuya Ice sa SanLo. May mga students naman dahil ang iba'y may Saturday classes, katulad na lang nila Kuya.
I'm wearing his polyster t-shirt. Color white ito at may pangalan niya sa likod. Nag shorts na lang din ako, ito suggest ni Ate Margarette sa akin kagabi. Ipinusod ko rin ang buhok ko.
"Ready ka na ba matalo?" tanong niya sa akin. Iniabot niya ang raketa niya sa akin.
"Huh? Hindi ka magpapatalo?"
"Ay. Sabi ko nga, magpapatalo."
Stretching muna ang ginawa namin. Pero pagod na agad ako. Nagrereklamo na nga ako rito sa kasama ko.
"Tired na ako!"
"Luh?! Ayan, 'di kasi nage-exercise!" Inalalayan niya ako sa pagtayo. "Masasanay ka rin."
"Hold the racket with your dominant hand, and place your other hand on the grip for support." Dinemonstrate niya sa akin ang tamang paghawak at sinusundan ko rin naman siya.
Hanggang sa pagtama ng shuttlecock tinuruan niya ako.
Nang medyo nakukuha ko na ay nakipag 1v1 siya sa akin.
"Hays! Galingan mo!" sigaw niya mula sa kabilang side.
Hindi niya masyadong ginagalingan pero ang ibang tira ay hindi ko pa rin kuha.
Natapos kaming dalawa, inabot niya sa akin ang towel niya. "Good job! Kaunti pa matatalo mo na ako."
"Play tayo ulit next time?" tanong ko habang nagpupunas ng pawis. Kinuha niya iyon at pinunasan ang noo ko.
"Grabeng pawis mo. Literal na naligo sa pawis, e. Ayos ka lang ba?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
I nodded. "I'm fine. Hindi lang talaga ako sanay sa mga ganito."
"Sure? Okay, play ulit tayo next time."
Nagpalit na ako ng t-shirt niya, lahat na yata nang isinusuot kong t-shirt ay galing sa kanya.
Nakasalubong namin si Ate Ariane. Medyo awkward yata or ako lang nakaramdam ng ganon. Nag ngitian lang sila ni Kuya Ice, mukhang nagmamadali rin naman si Ate Ariane, naka school uniform pa nga siya.
Naupo kami sa may open field, saktong 'di mainit.
"Si Kuya Uno, anong sports niya?"
"Hindi mahilig, e. Sa pageant nasali 'yon. Siya pambato ng year level nila sa CEA, e. Pero sabi ni Margarette, nasa Cycling 'yan si Uno. Lakas 'yan sa CEA, kapag tinanong mo last name niya sa mga ka-Department niya, kilalang-kilala agad."
"Bakit mo natanong?"
"Hmmm, wala. Akala ko para siyang si Kuya Lucas, na hindi mahilig sa sports."
"Wala talagang hilig si Lucas. Acads malakas 'yan, e. Pero maalam sa bowling 'yon."
Oh, right! Bowling nga pala pinagkakaabalahan ni Kuya Lucas noon. Tinakasan niya pa sila Kuya noon, makapaglaro lang ng Bowling.
"Gara naman kasi ng sports ni Lucas. Bowling at Golf."
"Pangmayaman, ano?" Pati ako'y napapailing na natatawa.
May membership pa nga iyan si Kuya Lucas.
Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano rito. Kwinento ko rin iyong ginawa ni Kuya noong nakaraang gabi, at hindi makapaniwala si Kuya Ice.
"Tangkad din pala ni Tita Isabela, 'no? Kaya pala matangkad ka rin."
"Pogi pa."
Hindi ko siya pinansin noong sinabi niya iyon.
"Nakaka-offend naman, bigla kang nanahimik."
"Joke lang! Pogi mo kaya, noong 'di pa uso mga tao."
"May lihim na galit ka yata sa akin."
"Joke lang! Ito naman. Pogi mo nga."
"Yay, sarap!"
Nauna siyang tumayo at tinulungan ako. "Saan o gustong pumunta? Iuuwi na ba kita?"
"Sa bahay niyo or bahay namin?" pagbibiro ko.
"Luh?!" Napatigil pa siya. "Sa bahay namin, tara pala. Pero siguro kapag narinig ni Vin 'yang tanong mo parehas tayong mababatukan."
Ayaw ko pang umuwi, ayaw pa rin naman daw niya. Hindi rin naman namin alam saan kami pupunta, basta sabi niya kasama niya ako, okay na.
Andito lang kami around the area, naglalakad, naghahanap ng kung anong pwedeng kainin.
"Saan dream destination mo?"
"I wanna go to Japan talaga or Canada." Alam naman niya reason kung bakit ko gustong pumunta ng Canada. "Gustong-gusto ko na pumunta sa Canada. Miss ko na si Tita Gelly ko."
"Miss ka na rin niya, panigurado. Hindi pa ba siya uuwi?"
"Nag-iipon siya. Ang balak niya, uuwi siya rito sa college graduation ko, then isasama niya na ako roon. Ahm, for good!"
"Anong makakapagpapigil sa iyo na pumunta roon?"
Napaisip ako. Ano nga ba?
"Ahm... hindi ko rin alam sa ngayon. Pero sabi ko bago ako umalis, gusto kong magkaroon muna ako ng work experience rito. Gusto ko maging chef, gusto ko magkaroon sariling restaurant!"
He smiled back. "Kapag nangyari 'yon? Hindi ka na roon for good?"
Tumango ako. "Siguro, as tourist na lang ako roon."
Andami naming kwento ngayon. Parang sulit na sulit bawat oras na kasama ko siya. May pupuntahan pa sana kami kanina, pero nakatulog ako sa sasakyan niya, hinayaan niya na lang ako, hindi niya ako ginising.
Himala nga ngayon dahil may driver siyang kasama. Pero ang sabi niya uuwi siya ng Alabang ngayon.
Kinuha ko ID niya na andito sa sasakyan bago ko pinicturean iyon. Pogi!
Sa likod may sticker iyon na pangalan ko. Same sa parang pasalubong niya sa akin.
"Bakit naman may name ako rito? Crush na crush mo naman ako masyado."
"Cute nga, e. Tamo picture ko, pogi rin."
"Hmm! Ten out of ten."
Maayos at peaceful ang sumunod na mga araw ko. Katatapos lang din naming i-perform iyong dula-dulaan namin, at naka-post na 'yong music video na project naman namin sa Filipino.
"Ipa-share mo kay Kuya Ice 'yong project natin."
Paramihan kasi ng likes iyon.
"Ha? Baliw, nakakahiya. Kita mong ang linis ng timeline niya."
"Ipa copy link mo, tapos send niya sa mga gc," suggest pa rin ni Lorraine. Hindi talaga siya nauubusan.
Umoo na lang din ako kahit nakakahiya naman talaga.
"Delivery for Ms. Guanzon po?"
Sabay-sabay kaming napatingin sa Delivery Rider na kumakatok sa pinto.
Tumayo ako at tinanggap iyon. Naka paper bag pa. Pakiramdam ko alam ko na kung kanino iyon galing.
May notes pang nakalagay, at tama nga ako kung kanino ito galing.
Lunch time na nang binuksan ko ang laman ng paper bag. May harang pa nga sa gitna, isa ay for lunch and for desserts.
I messaged him agad para mag pasalamat. Nakauwi pala siya ng Alabang kaya siya nakapagluto and bake ng cookies.
Shinare ko rin ang iba sa dalawa. Gustong-gusto nga nila itong fish fillet, mabuti nga at marami ito. Binigyan ko rin sila ng tag-isang box ng cookies, lima kasi itong andito.
"Amari, tayo partner!" Inakbayan ako ni Josh at hinila papuntang gitna.
Kalaban namin si Lorraine at Leo. Ready na ready na iyong dalawa. Mixed doubles kasi ito.
Tinandaan ko lahat nang itinuro sa akin ni Kuya Ice bago ako nag-serve, luckily, pasok iyon.
Lamang pa noong una ang dalawa, pero sa huli kami ni Josh ang nanalo. Marunong din pala si Josh maglaro.
"Nice one!" Nakipag-apir sa akin si Josh. Inabutan niya ako ng towel.
"A-Ano, gagi, thank you! Pero meron na akong towel dito."
Mula kahapon, palagi nang ipinapaalala ni Kuya Ice na magdala ako ng towel para dito. Tulad din kanina, tumawag pa para ipaalala ang towel at tumblr ko.
Josh posted our pictures together. Dalawa ito habang naglalaro kami at nang nag fist bump kami. Naka-tag pa ako pero hindi naman lalabas iyon sa timeline ko dahil need pa ng approval. Akala ko sa fb story lang, naka-post pala talaga sa facebook. Ang kaso, naka public iyon, panigurado makikita iyon ng mga facebook friends ko.
Josh tagged you in a post.
partners hanggang finals! <3
Amari Gracey Guanzon: hahahaha, good game! galingan pa para mataas ang grades :)
Iyon lang naman ang naging comment ko.
At nakita ko na lang na naka-heart react na roon si Kuya Ice. Bakit ang bilis naman niyang nakita?
Makikita niya pa roon mga comments ng classmates ko. Lakas pa naman din nilang mang asar, iyong dalawang kaibigan ko lang naman ang may alam na nanliligaw si Kuya Ice sa akin.
Bianca Corpuz: stop niyo 'yan. baka ma awkwardan si Amari. :D
Lorraine Esteves: good friends lang dalawang 'yan. lubog na agad 'yang barko nyo mga dai. :D
"Feel ko may nagseselos na naman sa kabilang banda ng SanLo. Andoon banda sa may SanLo U." Pagpaparinig ni Lorraine sa akin.
"Hindi iyon magseselos."
Kahit pakiramdam ko magseselos iyon. Nagseselos nga raw siya kay Josh, in-open niya sa akin 'yon noong magkausap kami sa call.
"Sinabi ko naman na sa kanya, hindi ko gusto si Josh. Classmate and friend lang."
"Sino palang gusto mo?"
Siya.
Last subject pero wala kaming ginagawa, I received a message from ate Margarette.
Margarette sent a video.
look mo bebe hahaha 'di niya alam ito.
"Good mood ka, ha? Kita mo ba iyong naka tag kay Amari?" tanong ni Ate Margarette.
Nakatutok ang back cam niya kay Kuya Ice na nag-aayos ng kanyang neck tie. "Hindi pa." Agad niyang kinuha ang phone niya.
"Seselos 'yan." Tinatawanan siya ni Ate Margarette.
Ibinaba ni Kuya Ice ang phone niya at kinuha ang bag na mukhang may hinahanap.
"Oh, anong hinahanap mo?"
"Iyong karapatan ko."
Doon naputol ang video. At agad kong sinave iyon at nireplyan si Ate.
Amari
hala! hahahaha saan po siya ate?
Margarette
kasama ni Uno, beb. nagpuntang clinic. masama yata pakiramdam ni Isaac.
Pagkadating sa bahay, tinapos ko na lahat ng assignments ko. Mamaya lang kasi tatawag na ulit si Kuya Ice. Nag-uusap kami kalahating oras minsan bago matulog.
Nag-aalala rin ako, masama pakiramdam niya pero naki-training pa yata siya. Hinatiran ako ni Kuya nang iniluto niyang dinner dito. Hindi kasi siya makakasabay kila Daddy, ayaw niyang ako lang haharap doon mag-isa kaya dinalhan niya ako rito.
Ilang saglit lang, tumunog na ang phone ko. Alam kong siya na iyon.
"Hi?" bati ko.
Narinig ko ang pag ubo niya. "Hello, Amari. Kumusta ka? Kumusta araw mo? Did you eat na ba?" mahinang tanong niya.
"I'm okay. Ikaw? Inom ka na ng meds mo. Baka masyado kang nagpapagod sa training."
"Opo, iinom ako later after ko kumain. What are you doing?"
"Wala po. Natapos ko na lahat ng assignment ko, tapos bukas wala kaming gagawin. Ahm, Kuya Ice?"
"Yes, Amari?"
"Makakapasok ka ba bukas? M-May ipapakita sana ako. Pero kung hindi, ahm, next Monday na lang!"
"Papasok ako, wala na rin ito mamaya. Secret no clue ba 'yang ipapakita mo?" he chuckled.
"Opo! Kaya bukas na, okay? Ahm, let's sleep na? Para makapagpahinga ka na."
Buong araw wala akong ibang iniisip. Gumawa pa ako ng paper fortune teller.
Nakita ko ang sasakyan nila sa harap ng gate. Agad siyang bumaba roon. Nakasuot siya ng hoodie. Masama pa rin yata ang pakiramdam.
"Hello," bati niya sa akin bago ako pinagbuksan ng pinto.
Andito pala driver nila. Ngumiti siya sa akin.
Inilapat ko ang palad ko sa noo niya. Mainit pa rin siya. "Uminom ka na ba ng gamot mo? Don't tell me magt-training ka pa today?"
"Makulit nga po, Ma'am. Sabi ko uwi na muna, balak pa yata mag-training."
Mahina kong pinitik ang noo niya. "Kapag ikaw namatay, paano na lang ako?" Pagbibiro ko sa kanya.
Gumanti siya at pinitik din ang noo ko. "Hindi naman ako mamamatay. Lagnat laki lang 'to."
Andito kami ngayon sa isang restaurant na may kalayuan din sa SanLo University. Kakaunti nga lang ang tao rito.
"Ano iyong ipapakita mo? Hindi ko matulugan 'yan kakaisip." Natawa siya habang nakatingin sa akin.
"E-Eh! B-Basta, mamaya na!"
Mabilis lang ang naging pagkain namin. Dinaldal ko lang naman siya nang dinaldal habang nasa loob kami.
Nang nakabalik na kami sa sasakyan, hindi ko alam kung papaano sasabihing nahihiya ako kasi andyan 'yong driver nila.
"Kuya, pwedeng pabili po ako ng gamot?"
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang marinig ko iyon. Agad namang sumunod ang driver.
"Don't laugh, ha? Lalayasan kita rito if tumawa ka!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.
"I promise!" Inayos niya ang upo niya. Nakaharap na siya sa akin.
Inilabas ko ang ginawa kong Paper Fortune Teller. Nahihiya pa.
"Cute, patingin!" Akmang kukuhanin niya iyon nang pinalo ko ang kamay niya.
"Anong patingin? Eh, pipili ka nga r-rito! Ako gumawa nito k-kanina!"
Nakangiti siya sa akin, mukhang batang excited pumili ng color and number. Ako naman kinakabahan, pero ito lang kasi ang naisip ko. Creative naman 'to.
"Pink and number 2."
I pouted. Bakit naman iyon agad. "You make my heart skip a beat."
"Ikaw rin. Ganyan din nararamdaman ko."
Naramdaman kong namumula na ako. Parang ayaw ko na palang ituloy ito. Nahihiya na ako.
"Bakit ka namumula? Ikaw yata nilalagnat, e?" Pang-aasar niya sa akin. "Pink, 7."
"I appreciate the little things you do that make me feel special and cared for."
"You're welcome!" sagot niya. "Pink, 6."
"Bakit puro pink? Apat 'tong color, ha?" Pagrereklamo ko.
"Pink favorite color mo, e."
"You are my happy place."
"Ikaw rin. Iba ang saya if I'm with you."
At bakit naman niya sinasagot 'tong mga isinulat ko.
"Pink, 1. Because you're my only one."
Naknang, bumanat pa!
"I cherish our moments together."
"And, I cherish our moments together, too!" Ipinakita niya ang likod ng phone niya. May polaraid picture kaming dalawa roon. "See? Cute!"
Nang matapos iyong walo, ibinigay ko sa kanya 'yong papel.
Napatingin ako sa kanya. Titig na titig siya sa ibinigay ko. Nakita ko ang pagkagat niya sa kanyang ibabang labi.
"Uuwi na ako mag-isa. B-Bye!"
Bubuksan ko na sana ang pinto nang hinawakan niya ang kamay ko.
"Could you... um, say it for me? Please?" he murmured softly.
Bumaba ang tingin ko dahil sa hiya, nabasa niya na 'yong nakasulat sa gitna. Hindi ako sanay sa mga ganito, and it was my first time doing something like this.
"I like y-you."
His hand reached for my chin, and our gazes met. Tingin pa lang niya nakakapanghina na
"Hmm? Pardon? Hindi ko narinig," he asked softly.
"I like you."
~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro