Kabanata 13
"Kumusta ka ngayon?"
Iyon ang tanong niya sa akin pagkatapos kong magkwento. Wala siyang ibang sinabi. Nakinig lang siya sa akin.
"H-Hindi ka ba galit?"
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Hindi. Pero, nagtampo ako. Sinabi mong 'di mo ako kilala, eh. Sa pogi kong 'to?"
"Eh! Kasi 'di ba pagod ka that day? Baka ayaw mong makihalubilo sa iba. Kaya ayon."
"Hmmm. Kumusta ka na ngayon? Iyong sugat mo masakit pa?"
"Hindi ka ba talaga galit? Dapat magalit ka, h-hindi kita pinansin, sinungitan tapos inaway pa kita."
"Hindi ako galit, pero 'di ko rin itatanggi na nasaktan ako."
"I'm sorry."
"Wala kang kasalanan. Naiintindihan ko. Sabi sa iyo sasama ako pa probinsya kapag pinauwi ka roon."
"Kainis naman 'to! Puro biro!"
"Totoo nga! Aba! Tagal kong walang kaasaran, 'di ako papayag na 'di ka maasar ngayon. Pero kumakain ka ba nang tama? Natutulog ka ba nang maayos? Baka masyado mong iniisip 'yon."
I let out a heavy sighed. "Oo. Kasi nakokonsensya ako, eh. Hindi naman ako gano'n, I'm just afraid."
"Ngayon, wala ka nang iisipin. Kumain ka and take a rest, okay? Don't worry, ililimit ko na kilos ko, para 'di ka na rin mapagalitan. Tara dito sa baba. Andito sila Lorraine."
"Ayoko! Nahihiya ako!" mabilis kong sagot.
"Aalis na ako."
"Pasaan ka na naman?"
"Uuwi. Gusto mo bang dito ako matulog, Amari? Sabihin mo lang kung miss mo ako."
Hindi agad ako nakasagot.
"Okay, dito ako tutulog. Alis ako bukas nang maaga, may training din ako, eh."
Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba. Muntik pa akong mahulog sa hagdan dahil sa kaba.
Sa tabi ako ni Kuya Lucas naupo. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kuya Ice pero agad akong umiwas ng tingin.
"Andyan ka na naman pasulyap-sulyap sa akin. Lagi-lagi na lang paligaw-ligaw tingin." Pagkanta ni Lorraine na alam kong may iba pa siyang ibig sabihin. "Ay alam mo Kuya Lucas, 'di ako naka-subscribe sa Spotify Premium. Tapos ano, 'di pa rin naka-subscribe sa BFF Premium. Parang ang lungkot ng buhay ko."
Naguguluhang tumingin si Kuya Lucas.
"Ay, ano, perfect din 'yong sinabi mo kanina, bes! Harutan in private, 'di magkakilala in public!" At talagang nag apir pa sila.
"Hindi ko kayo gets. Nasisiraan ba kayong dalawa?" Si Kuya Lucas na clueless pa rin talaga. "Amari, baka gumaya ka sa dalawang 'to."
"Ngi, 'di siya gagaya. Siya nga ginagaya namin. Kumbaga, siya leader namin," mapang-asar na sagot ni Lorraine.
"Gago, gets!" Napatayo pa si Kuya Uno. At ang tatlo ay tuwang-tuwa pa.
Nauna nang nagpaalam ang iba. Naiwan na lang si Kuya Lucas, at Kuya Ice na rito matutulog. Kapag silang dalawa nag-uusap para siyang palaging pinapangaralan ni Kuya Lucas, tatango-tango lang naman 'yong isa. Kahit naman kasi tropa na sila, mas matanda pa rin sila Kuya Lucas.
"Ano 'yan? Pinagagalitan mo na naman?" natatawang ani Kuya habang papalapit.
"Gago, hindi. Sinabihan ko lang. Pero mabait head coach ng CABA."
"Anyare ba? Resbak ba?"
"Kuya!" pagsita ko. "Resbak your face. Kayo eh, 'wag niyong sinasanay makipagsuntukan."
"Tito raw ni Manalo 'yong isang coach ng CABA's Basketball Team. Baka raw pag-initan ako."
Kawawa naman ang isang ito, palagi na lang napag-iinitan kung ganon.
"Tanga ka. Sabi ko sa iyo kapag ginalaw ka ng coach, sumbong mo agad sa admins or sa head coach ng buong SanLo, tamo, laglag 'yan. Wala eh, walang naglalakas loob labanan 'yan, papaano tinatakot mga players. Alam mo naman ibang students sa SanLo, Athletic Scholars kaya kahit naaagrabyado, 'di nagsasalita."
"Mukhang 'di papatulan si Kuya Ice." Saglit na napatigil si Bianca at mahinang natawa. "Gagi. Wha if pinatulan ka pala? Edi mapapaalis mo 'yon? Alam ko 'di ka takot. Pwede mo pang ma-save 'yong ibang inaapi."
Ang weird, na parang tunog sacrificial lamb pa siya.
Naunang pumasok sila Kuya, naiwan ako dahil kalaro ko si Reign. Natutuwa na nga siya sa kapitbahay at minsan na lang dito.
Ipinakuha lang din ni Kuya Ice sa driver nila 'yong sasakyan niya. Sasabay na lang daw siya bukas kay Kuya Ice papuntang SanLo.
"Cute ni Reign, naka t-shirt."
Napahinto ako sa pagsusuklay sa aso ko. Bahagya pa akong nag-loading sa sinabi niya.
"Bwisit ka!" Ibinato ko ang hawak kong suklay. "Epal, epal!"
Mabuti at nasalo niya ang suklay. Kung noon panigurado nasa tabi ko na siya, ngayo'y may ilang metro din ang layo niya sa akin.
"Nag-iba ka ba ng perfume?"
Kaninang magkasama kasi kami sa kusina, hindi ko naamoy 'yong baby scent niya. Mas manly na 'yong gamit niya, pero 'di naman masakit sa ilong.
"Sinubukan ko lang 'yong perfume ni Uno. Lakas makapanghatak ng chix, eh."
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Edi ayan na pala gagamitin mo palagi?" tanong ko nang hindi pa rin tumitingin sa kanya.
"Hindi, ah. May isang nahatak naman ako sa baby scent ko. The best pa 'yon."
"Pinagsasasabi mo?"
"Hindi ka ba kinilig?"
"Hindi. Anong nakakakilig doon? Tigilan mo kakasama sa kapatid ko, nahahawa ka na sa pagiging corny."
Natahimik siya kaya agad akong napalingon. Nakaupo siya, nakapatong naman ang ulo niya sa mesa habang ginagawang unan ang isang braso niya.
"Na miss kita. Parang ngayon lang kita ulit nakitang nakangiti."
"Ako, hindi."
"Hindi mo man lang pineke? Diretsa ka naman agad sumagot. Kahit kaunti?" nagkukunwari pa siyang nasasaktan.
Umiling lang ako bilang sagot.
"Luh! Edi sino pala nakaka-miss sa akin?"
Saglit ko siyang hinarap. "Yung mga fan girls mo sa SanLo."
Napatayo siya mula sa pagkakaupo bago tumawa. "Nagseselos ka na naman agad." Pang-aasar niya sa akin.
"Selos your face. Eh may crush ako. Galing sa College of Education. Pogi pogi. Si jersey number 10."
Haha, joke. Hindi ko naman pinagtuunan pansin ang mga iyon noon.
Tumahimik na naman siya, at paglingon ko nakasimangot na siya. "Papansin. Tamo 'di yun makaka-score kapag nakalaban ko." Pagyayabang niya sa akin.
"Sus! Eh ang galing nga niya. Pogi pa!"
"Dapat 'di ka na sinama ni Arvin pala. Sabihin ko sa susunod 'di ka na isasama."
"Nagseselos ka na naman agad." I grinned. Ginaya ko kung papaano niya sinabi iyan kanina.
"Paano kung oo pala?"
Oh, biglang ako na naman ngayon ang natahimik. Itong lalaking 'to kung anong gustong sabihin, sinasabi talaga.
"E-Edi wow!"
"May cctv ba kayo?" Biglang pag-iiba niya ng usapan.
Umiling ako. Nasira din 'yong cctv sa tapat ng bahay namin.
Chineck niya kung anong oras na bago ngumiti. "Labas tayo."
"Kapag a-ako nahuli?"
"Promise, hindi. Saglit lang. Kakain lang tayo r'yan sa kabilang street, may nakita akong mga food stalls."
"Isama na lang natin silang apat. Baka kasi biglang umuwi sila Daddy."
"Sorry sorry. Makakasama ko na naman mga pangit."
"Sila Kuya o 'yong dalawang kaibigan ko?" Mataray na tanong ko.
"Luh! Sila Lucas po."
Nauna akong naglakad papasok nang bahay. May pa sipol sipol pa 'tong kasama ko sa likod.
"Labas tayo." Ako ang nag-aya.
Sabay-sabay silang napalingon sa akin. Natigil si Kuya Lucas sa pagbabasa ng libro sa sofa, napatigil si Kuya sa panonood ng basketball game, at natigil ang dalawang kaibigan kong nasa lapag na naglalaro ng Scrabble.
"Bati na kayo?"
"E-Eh! Tara na!"
Ayaw-ayaw pa sila nong una, pero nauna naman silang lumabas.
Pabiro niya akong itinulak para makatabi ako sa mga kaibigan ko.
"Masaya na naman ang puso ng dalawa," pagpaparinig ni Bianca.
Kaming tatlo na ang humanap ng pwesto namin. Sila Kuya naman ang bumibili.
"Hindi siya nagalit?" pag-uusisa ni Lorraine.
Umiling ako. "Nagtampo lang daw siya. Pero naiintindihan naman daw niya. Sabi niya ilimit na lang din niya kilos niya."
"Most understanding person goes to Isaac Rivera!"
Hinila ni Bianca pabalik sa pagkakaupo si Lorraine. Ang lakas kasi ng sigaw, halos napatingin pa sa amin.
Naunang dumating si Kuya bitbit ang ibang pagkain. Ilang saglit lang sabay na dumating si Kuya Lucas at Kuya Ice. Mukhang inaasar nga siya ni Kuya Lucas.
"Luh, matcha lover kuno," sambit ni Kuya pagkaupo nila Kuya Ice.
Kanina pa nila ako pilit tinatanong kung anong nangyari sa akin noong mga nakaraang linggo. Kung anong naging dahilan ng mga pag-iwas ko. Natatakot akong sabihin, dahil baka ito pa pag-awayan nila ni Kuya.
I know Kuya, naririnig ko kung papaano niya sinasagot si Daddy tuwing pinagagalitan ako. Hindi niya ginagawa iyon kapag kaharap ako dahil takot ako sa sigawan, pero rinig ko kung papaano niya ako ipagtanggol.
Napatingin ako sa kapatid ko, naghihintay siya ng sagot ko.
"Because of Daddy?"
Napayuko ako bago tumango.
"I knew it. Ang bullshit."
"Iuuwi raw akong p-province kapag 'di ako nakinig. I'm afraid. Ayoko roon, ayokong malayo sa inyo."
"Bakit hindi mo nasabi sa kapatid mo?" mahinahon ang pagkakatanong ni Kuya Lucas.
"A-Ayaw ipasabi ni Daddy. Kasi alam niyang kapag nalaman ni Kuya ang tungkol doon, hindi sasang-ayon si Kuya."
"I'll talk to him."
"No!" Mabilis kong sagot. "Huwag na, Kuya. Baka pati ikaw palayuin sa kanila. Wag na."
"Ano pang ginawa sa iyo?"
Itong kapatid ko talagang dito pa ako sa labas paiiyakin.
"Hindi na bago. About acads. Pinagalitan ako ni Daddy, he's so mad nang makita ilang papers ko. Hindi raw niya ako kikilalaning a-anak niya. D-Dapat daw wala akong kahit isang mali sa exam noong nakaraan."
"Iyong mga perfect score, 'di ko naman hinangad iyon. Pero dahil sa takot, dahil sa pressure, kailangan kong maging perpekto. Hindi ako pwedeng maging mababa dahil daw graduating na ako. Dapat daw grumaduate akong Batch Valedictorian."
"Fucking bullshit." Madiin na giit ni Kuya. "That's useless. Walang kwenta 'yang mga marka na 'yan kung hindi ka masaya, kung pinipilit mo lang ang sarili mo!" galit na pagpapatuloy niya.
"Hindi naman importante kay Tito 'yong nararamdaman niyo, mas importante sa kanya 'yong nararamdaman niya. Nahihiya siya para sa ibang tao, pero 'di kayo iniisip."
"Hindi niya napapansin effort ng bff namin, pero napapansin pagkakamali niya."
Pinunasan ko ang luha ko. "Huy! Stop. Hindi kayo magpapaiyak dito, ha? Hayaan na, o-okay lang ako. Don't worry, magiging Batch Valedictorian ako!"
"A-Amari?!"
Agad akong napatayo dahil sa gulat nang marinig ang boses ni Josh.
"Oy, Josh! Gagi, gulat ako sa iyo. Naparito ka? Layo ng bahay niyo rito, ah?"
Nakipag-fist bump pa ako na 'di ko naman ginagawa, nagawa ko lang dahil sa gulat. At pati si Josh ay nagulat sa ginawa ko. Rinig ko ang paghagikhik ni Lorraine sa gilid.
"May kamag-anak kami, birthday niya ngayon. Taga roon sa inyo, ilang bahay lang ang pagitan. Aayain sana kita rito kaya lang 'di mo sinasagot phone mo."
Sasagot sana ako, nang pakiramdam ko may mga matang nakatitig sa amin. Agad kong nilingon iyon, at nakita kong nakatitig si Kuya Ice habang nilalaro niya ang straw sa kanyang inumin.
"H-Ha... A-Ano kasi." Napakagat labi ako. "N-Naiwan ko phone ko sa kwarto, biglaan lang d-din kasi kami rito." Kinuha ko iyong drinks ko at inalok sa kanya. "You want?"
"Same straw, Amari?" tanong ni Kuya Ice.
Napatingin ako sa drinks ko at agad ibinaba iyon. Bwisit talaga!
"H-Hindi! Ililibre kita, Josh!" Hinawakan ko ang kamay niya. "Tara libre kita!"
"Sama!" sigaw ni Kuya Ice.
Hindi ko siya pinansin.
Inalok ko si Josh ng matcha, pero ayaw raw niya. Lasang damo raw. Na-offend ako!
"Dito ka na sa amin. Sabay-sabay na tayong umuwi," I smiled tapos ipinaghila siya ng upuan. "S-Saan si Kuya Ice?"
"Andoon, naghahanap ng chix." Si Kuya.
Kwento nang kwento si Josh. Sabi pa nga'y dumaan kami sa kanila mamaya at magbibigay ng handa.
"Andito na ulit ang pogi."
"Nasaan nahanap mo?"
Bakas ang pagtataka sa mukha niya habang paupo.
"Chix. Sabi ni Kuya naghahanap ka raw ng chix, ah?"
"Ina mo, Vin."
Bago pa tuluyang lumalim ang gabi, umuwi na kami. Ramdam ko na rin ang antok, at sumasakit na ang ulo ko.
"Hindi pa kayo tutulog?" tanong ko sa kanilang tatlo.
"Mamaya. Boys talk muna kami," si Kuya Lucas.
"Hindi pa ako antok," sambit naman ni Kuya Ice.
"Di bunso, ang totoo maghahanap lang kami chix. Naka install na nga ako bumble, eh!" Si Kuya.
"Ay, oh. Kami ring tatlo hahanap ng crush." Pang-aasar ko rin.
"Luh?! Tulog na tayo, Vin!"
Ilang araw na rin ang lumipas, andito kami ngayon sa SanLo University para sa Entrance Exam. Finally, nagkaroon din ng update.
Mabuti pare-parehas kami time schedule ng mga kaibigan ko, pero 'di nga lang same room assignment. Magkakahiwalay kami.
At dahil limited lang naman ang pinayagan ng SanLo ngayon, kayang-kaya kaming i-accommodate ng Gym nila. Andito kami ngayon, naghihintay, ang organize nga, kasi magkakasama ang mga same time.
At dahil andito nga kami sa gym, nakikita namin ang ilang students dito na nagt-training.
Inilabas ko ang cellphone ko, pangtanggal ng bagot. Agad kong in-open ang messages ko para replyan siya, dahil 'di ako nakapag-reply kanina.
Ice Miguel
Good morning! Best of luck later! See you around.
Amari
Yay! Helu! Thank u!
Ice Miguel
nasa gym kayo?
Amari
yap yap.
Ice Miguel
oks. kapag may nakita kang pogi, ako 'yon. :D
Kaliwa't kanang entrance ang andito kaya salitan ang pagtingin ko.
Ilang saglit lang dumating na siya. Madali siyang makilala dahil sa buhok at sa tangkad niya. Lagi rin kasi siyang nakasuot ng white headband. Naka blue jersey short siya at naka black t-shirt. May bitbit pa siyang tumblr niya.
Inikot niya ang tingin sa buong gym. Yumuko ako kahit malabong makita niya ako dahil may kalayuan din kung nasaan ako. Ilang saglit nakatanggap ako ng message from him.
Ice Miguel
saan u?
Amari
hahaha secret. mag-practice ka r'yan! 😠
Ice Miguel
damot. takbo ako sa buong gym, tamo mahahanap kita. 😉
Inilapag niya ang duffle bag niya.
"Hoy! Ang pogi ng naka jersey number 29!"
"Gagi, tangkad!"
"Hala, sana makapasa ako rito para palagi ko siyang makita."
"Ay, ako? Ako, makakapasa rito kasi nakita ko inspiration ko."
I pouted nang marinig ko ang mga iyon.
Can't blame them naman.
Nag-umpisa na siya sa pagtakbo sa paikot ng gym. Hindi mo aakalain na trip niya lang iyon para hanapin ako dahil may ilang tumatakbo rin.
Tuwing nasa tapat namin siya, napapayuko ako kaya tinatawanan ako ng mga kaibigan ko. Sinabi ko ring 'wag ituro.
Kada sampung segundong pagtakbo niya ay humihinto siya, at humaharap sa mga estudyante. Naka pamaywang pa ang loko. Talagang hinahanap niya kami.
Nagtawanan sila ng kasama niyang tumatakbo dahil ang isang lalaki'y ginagaya ang ginagawa ni Kuya Ice.
Nakatatlong ikot na silang dalawa. Matatangkad kasi itong nasa unahan ko kaya para tuloy akong nagtatago.
Hinubad niya ang t-shirt niya, may mga ilag sigawan na naman. Pabiro tuloy siyang tinulak nong kasama niyang tumatakbo. Ngayo'y naka jersey shirt na siya, terno ng suot niya. Naglalakad na silang dalawa ngayon.
Nagulat ako nang bigla siyang huminto sa tapat namin at ang ikinagulat ko ang pagtayo ng nasa tapat ko para bumili ng pagkain.
Huli na bago ako makaiwas sa tingin niya. Ngumiti siya nang nakakaloko, at itinuro ako sa kasama niya.
"Hala! Itinuro ako!"
"Ulaga! Hindi ka naman kilala!"
Sumenyas ako sa kanya na umalis na.
"Good luck," he mouthed at tumakbo na ulit sila paalis.
Pinapanood ko lang siya. Nag-uumpisa na silang maglaro. Ang iba nga ay galing yata sa ibang Department base sa kulay ng jersey na suot.
After lunch schedule namin, isang oras iyon. Pinalinya na kami para lumabas ng gym at mag punta sa main building.
"Yow, good luck!"
Ngumiti ako bilang sagot sa kanya dahil bigla akong kinabahan.
I need to pass the exam, at sana palarin din makakuha ng full scholarship. 50-50 kasi ang pagkuha kung makakapasok ng full scholarship, entance exam and first grading grades.
Pagkapasok sa examination room, ako ang nasa pinakauna. Sana sign ko ito.
Isinuot ko ang jacket ko dahil nakaramdam ako ng lamig. Lamig dahil sa aircon at lamig dahil sa kaba.
May pa free drinks and cupcake pa sila.
Sus, pang distract lang nila 'to para 'di ako makapag-focus sa exam.
"Good afternoon! Chillax, guys! Inhale exhale. Super dali ng exam ninyo. Papasa kayo!"
Wow, assurance. Love it.
"Anong college program kukuhanin niyo rito?"
Napatingin siya sa akin.
"Culinary Arts, Ms."
"Ohh! Okay, I'll assume magaling kang magluto. Instructor ako sa CHTM, pero wala pa akong hawak na pang 1st year."
Dinadaldal niya lang kami. At nang tumunog na ang bell, doon kami nag-umpisang mag-exam.
Chineck ko muna ang test papers. Balak ko sanang unahin ang essay pero wala pala silang gano'n.
Wala akong time i check ang mga nasa gilid-gilid ko. Naka-focus lang ako sa papel ko.
To be honest, madali nga lang siya. Sa Abstract lang talaga ako medyo nalito.
Isang oras at tumunog na ulit ang bell. Isa-isa naming ipinasa ang mga papel namin.
"You'll get the results tomorrow or next day. Make sure na updated ang email ninyo. Check ninyo ang spam. And also, separate emails ang matatanggap if you are qualified sa scholarship. Congrats!"
Bumalik kaming tatlo sa gym. Isasabay kasi ako ni Kuya pag-uwi.
"Hirap pero ang sarap ng cupcake," si Bianca at bitbit pa ang cupcake. "Ay! Bigay 'to ng seatmate ko, pogi."
"May pogi rin sa room kanina. Chinese siya, dinaldal ko nga. Sabi ko, pogi ka pero sa amin pa rin ang West Philippine Sea!'
Sumunod na umalis ang mga susunod na batch.
"Makakapasa tayo!" sambit ni Lorraine.
Nakita rin namin dito iba naming schoolmates. Inaya kaming maglibot dito sa SanLo, kaya pumayag na kami.
"Ah! A-Aray!"
Palabas na kami ng gym nang naramdaman ko ang pagtama ng matigas na bagay sa ulo ko.
Napaupo agad ako dahil sa sakit at napahawak sa ulo ko.
"Amari!"
Hindi ako nakasagot agad, parang naalog buong sistema ko.
"Anyare? Oy, Amari?!"
Napaupo si Kuya Ice. "Namumula nasa noo mo."
Natamaan ako ng volleyball sa mukha. Sa kabilang side kasi sana kami lalabas, pasalubong ang direksyon namin sa mga naglalaro ng volleyball.
"Tara sa clinic." Akmang bubuhatin niya ako pero mabilis ang naging pag-iling ko. "Ay, shit. Oo nga pala. Sorry."
Inalalayan niya ako patayo at iniupo sa bench. Saglit siyang nawala, at pagbalik may ice compress na.
"Masakit pa?" mahinahon ngunit bakas sa boses ang pag-aalala.
Umiling ako. "Nahihilo. Pero a-ayos lang ako."
"Omg! Girl, sorry!"
Napamulat ako. "Ayos lang po, Ate. Wala pong may kasalanan."
"Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya iyon," she said, genuinely.
I smiled. "Wala na rin po 'to mamaya."
"Lagot! Kapatid ni Arvin 'to!" pananakot ni Kuya Ice. "Minus point ka na agad kay Vin."
Namula siya sabay hinampas niya sa braso si Kuya Ice. "Bwisit ka. Hindi ko talaga sinasadya."
Huh? Gusto mo pala kuya ko ha?
"Halata pa ba 'yong pamumula?"
"Medyo. Baka magkapasa ka mamaya."
"Girl, sorry talaga."
"Alaga ni Vin, tapos tatamaan lang ng volleyball. Naku, naku!"
Mahina kong hinampas si Kuya Ice dahil mukhang paiyak na 'yong babae.
"Huwag niyo pong pansinin, Ate. Okay lang po ako."
Nagtagal din siguro ako roon ng halos kalahating minuto. Maaga pa at gusto ko pang maglibot-libot dito.
"Mag-iingat kayo, ha? Enjoy!"
Nag-umpisa kami sa main building, mabuti nga at pinayagan kami rito maglakad-lakad basta 'wag lang daw dadaan sa mga examination floor, which is sa 4th floor.
"Kahit dito sa hallway parang naka aircon!"
Thanks sa SanLo dahil hindi nila sinira ang mga puno rito. May mga paikot na upuan ang nakalagay sa mga puno na 'di nasisira. Perfect pahingahan.
Bawat sulok din ay may makikitang basurahan.
Ang ganda sa mata ng kulay puti at asul.
Sana makapasa ako rito. Pakiramdam ko, I belong here.
Nagse-selfie kami nang naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko.
Ice Miguel
nahihilo ka pa? 'wag na masyadong magpapagod. dito mo na raw sa gym hintayin si Vin, 'di makapag message, walang data.
Amari
okay na me. okie okie, noted pue! ^_^
Kung saan saan pa kami naglibot, pati nga sa garden pinasok namin.
"Amari!"
Napalingon kaming magkaklase kay Ate Ariane. Nakangiti siya sa amin habang may hawak na DSLR.
"Hello, good afternoon! Part kasi ako ng media organization dito sa SanLo. Is it okay na kuhanan kayo ng pictures? Documentation kasi namin para sa mga nag entrance exam, then we will post later sa page. Is it okay?"
"Yes na yes for you, ate!" si Lorraine na agad ang sumagot.
After that, inihatid na ako ng mga kaibigan ko sa gym. Dumating na rin kasi ang sundo nila.
Nakita kong nasa bench si Kuya kaya agad akong lumapit.
"Heyow!"
"Masakit pa? Tamo namumula."
"Mawawala rin 'yan. Hindi naman masakit, kanina lang." Joke, masakit pa rin. Parang namanhid. "She's pretty. Sana 'di mo siya pinagalitan. Crush ka pa man din niya."
"Biruan lang 'yon."
May itinuro ako kay Kuya. "Tamo oh, nakadikit masyado 'yong ka team mo. Naku! Kapag ikaw naunahan, paktay!"
In denial pa naman 'tong kapatid ko. Uminom lang siya ng tubig bago bumalik sa floor. Tinawag ka team niya at inayang maglaro. Natatawa naman ako dahil halatang nagseselos. Nag-serve tapos target doon sa kasama ng babae.
After three sets natapos ang laro nila, kaya patakbong bumalik si Kuya sa tabi ko.
Ilang beses pa niya akong kinakalabit dahil busy ako sa panonood sa tiktok. "Tamo bunso, may kausap si Isaac."
Napatigil ako at agad kong nilingon iyon. Magkaharap silang nag-uusap.
"Ay oh. Tamo may bigayan ng phone number or social media accounts. Naku!"
"Walang kaba sis."
Tuloy lang si Kuya sa pang-aasar sa akin, 'di ko tuloy maintindihan pinapanood ko.
"Uwi na tayo?" tanong ni Kuya Ice pagkalapit na pagkalapit sa amin.
"Mamaya kaunti, may isang laro pa kami."
Tahimik lang ako sa gilid. Epal kasi talaga kapatid ko.
"Luh! Ang tahimik ng isang 'to? Masakit pa ba natamaan sa iyo?"
Humagalpak ng tawa ang kapatid ko. "Hindi nakapag defense item, na damage ng selos."
Sinamaan ko siya ng tingin, ayaw pa rin tumigil.
Hindi naman ako nagseselos! Duh, kahit magsama pa sila! Bagay naman sila.
"Huh? Ano raw sabi ni Vin? Hindi ko gets. Siya ata naalog, hindi ikaw."
Tumabi sa pwesto ko si Kuya Ice. "Ayos ka lang? May masakit ba sa iyo? Gutom ka ba? Matcha?"
Tuloy-tuloy lang ako sa pag-iling.
Hanggang paglalakad namin papuntang parking lot, tinatanong niya ako. At tuwang-tuwa naman ang kapatid ko.
"Ano, Ice? Binigay mo number mo roon sa kausap mo?" may bakas nang pang-aasar pa rin si Kuya.
"Oo. Gago, business number 'yon. Mag early reservation daw sila."
Nilingon ako ni Kuya. "Oh, business number lang daw, bunso. Pwede pa heal ni Estes 'yan. Ay teka! Nakalimutan ko charger ko sa gym, wait!" Inihagis ni Kuya ang susi ng sasakyan kay Kuya Ice.
"Nagseselos ka?"
"Kapal mo."
Tumawa lang siya. "Hindi ako nagbibigay personal number ko. Hindi ko alam, selosa ka pala."
Mabilis ang naging paghampas ko sa kanya. "Hindi nga! Naniniwala ka kay Kuya, alam mong siraulo 'yon. Pagod lang ako."
Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya. "Save your phone number, boss."
Wala sa sarili kong tinanggap iyon at sinave ang number ko na may name na Gracey.
Mayamya lang nakatanggap ako ng text message.
From: Unknown number
sana maging textmate kita. :D
Agad kong pinalitan ang name niya ng Kuya Ice.
To: Kuya Ice
haha jejemon.
Agad kong ipinasok ang phone ko sa bulsa.
Pagdating ni Kuya kasama niya 'yong babae kanina.
"Nangyan! Akala ko ba charger?" tanong ni Kuya Ice.
"Nasa kanya charger, e."
Ngumiti ang babae sa akin. "Hello, sorry talaga. M-Masakit pa?"
"Hindi na po. Okay na po."
Nagpaalam si Kuya Ice, dahil may biglaang family dinner sila mamaya kaya 'di siya makakasabay sa amin.
Mabilis akong pumwesto sa likod. "Sa harap ka na po ate. Hihiga po ako rito, napagod po kasi ako." Pagsisinungaling ko.
Nahihiya ma'y pumwesto rin siya sa tabi ng driver.
"Anong pangalan mo?"
"Amari Gracey po. Ikaw po, ate?"
"I'm Daisy."
I smiled back. "Hmmm. Just like the flower Daisy, you're also pretty, ate. Right, kuya?"
"Yes."
Napansin ko ang pamumula ni Ate Daisy. Ang innocent niyang tignan.
Katatapos lang akong tawagan ni Tita Gelly, inilibot ako sa place niya kahit sa call man lang. Gustong-gusto na niya akong ayain papuntang Canada, pero gusto ko rito muna magtapos dahil alam kong 'di rin naman madali ang buhay sa ibang bansa.
Matutulog na sana ako nang nakatanggap ako ng text message galing kay Kuya Ice.
From: Kuya Ice
hi gusto kita matagal na. i really like ur personality and ur mindset.
From: Kuya Ice
hi gusto kita matagal na. i really like ur personality and ur mindset. ipasa mo to sa 15 katao kung hindi magiging hotdog ka ka. wag kang tumawa, yung kaibigan ko hotdog cheesedog na. :D
From: Kuya Ice
naiwan, naputol kasi yung una. parang gago 'tong imessage. hehehe
To: Kuya Ice
kaka internet mo yan. matulog ka na. good night.
From: Kuya Ice
galit ka? ang cold naman nyan! ;(
To: Kuya Ice
kaka internet mo yan.🔥🔥 matulog ka na.🔥🔥 good night.🔥🔥 'di ako galit!! 🔥🔥
From: Kuya Ice
HAHAHAHAHA good night! 🤨
Nakaabang ako ngayon sa email ko. Nag-post na kasi ang SanLo na today ang labas ng results. They'll also post the names ng mga makakakuha ng full scholarship. Dala-dalawa tuloy ang inaabangan ko, sa email and facebook.
"Wala pa?" tanong ni Kuya.
"Wala pa. Chill ka nga Kuya Arvin, kinakabahan ako sa iyo," sagot ni Lorraine.
Andito kasi silang dalawa sa bahay.
Kinakabahan na rin ako, ni hindi ako makangiti kahit nagbibiruan ang mga kaibigan ko at si Kuya.
Nakapikit ako habang hawak ang phone ko nang tumunog ito ng dalawang beses, at kasabay no'n ang pagtunog at pagsigaw rin dahil sa tuwa ng dalawang kaibigan ko.
Huminga ako nang malalim bago iminulat ang mga mata ko at in-open ang email ko.
From: [email protected]
Subject: Congratulations on Your Admission to San Lorenzo University!
From: [email protected]
Subject: Congratulations on Your 100% Scholarship Grant!
Halos mabitawan ang hawak na cellphone dahil sa tuwa. Tuwa dahil nakapasa ako at ang tuwa dahil sa full scholarship ko. Napakalaking tulong nito para sa akin.
Napalundag ako sa tuwa at sinabayan ako ng dalawa kong kaibigan.
Yey! We did it!
Napatingin ako kay Kuya. Nakangiti siya sa amin.
Agad kong kinuha ang phone ko. Nagulat ako dahil andaming messages at notifications na naka mention ako.
In-open ko iyon at nakitang naka-post pala ang pangalan ko sa facebook page ng San Lorenzo University. Isa ako sa twenty na nakapasa. Kakaunti lang ang na-offer-an ng full scholarship, pero may ibang way pa naman ang mga hindi nakakuha.
I opened my messenger.
Gelly Guanzon
wow! ang galing ni unso! send bank account hahaha. call si tita mamaya.
Ice Miguel
results are out! congrats!
never doubted you! congraaaats! so proud of you! (. ❛ ᴗ ❛.)
Nakapag-message na siya kaagad pagkapost pa lang ng result.
Sinend ko kay Daddy ang result, may Team Building kasi sila. Isinama niya si Mommy dahil dati rin naman doon nag-work si Mommy.
Gabby Guanzon replied to your message.
As you should.
Napangiwi ako nang makita ang reply na iyon. Napansin siguro ng kapatid ko ang biglang pagiging malungkot ko.
"Smile, bunso!" Pinisil pa niya ang pisngi ko kaya napayakap ako sa kanya.
Ang dalawang kaibigan ko nakakuha naman ng 50% Scholarship grant. Malaking tulong na iyon.
Sana nga lang ay hindi gano'n kabigat sa bulsa ang books and uniforms.
Kinagabihan, nagpunta kami sa isang bahay nila Kuya Ice. Inimbitahan kami dahil may biglaang birthday dinner si Tita Isabela. Nakakahiya nga dahil 'di agad ako nakabili n regalo.
Nagsuot lang ako ng red dress, at hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko.
Kaya super thankful ako kay Tita Gelly, andami niya palaging ipinapadalang dress, shirts, pants, bags at kahit anong magagamit ko talaga.
Halos katapat pala ng bahay na ito 'yong lumang bahay nila lola niya.
Pagpasok pa lang ng gate nila, unang sumalubong sa amin ang fountain sa gitna. Mahilig sila sa fountain. Ang laki ng bahay, na may malaking letter C sa sa gitna. Maraming bulaklas sa paligid.
May nag-assist sa amin. Kakaunti ang tao, parang limitado.
Ilang saglit ay lumabas na si Kuya Ice, nagmamadali pa. Agad siyang napatingin at napangiti sa akin.
"Kadarating niyo?"
"Oo. Sure ka bang imvited kami?"
"Gago, oo. Limitado lang talaga ngayon. Nakapag-celebrate na si Mommy sa office niya. Nag-aayos pa si Mommy, ayaw lumabas kapag 'di naka make-up." Agad niya akong pinuntahan dahil nasa bandang likuran ako.
"Ganda naman ni suplada."
Kinurot ko ang tagiliran niya.
Hindi ako makapang-asar dahil andito ako sa kanila. Nahihiya ako bigla.
Inihatid niya kami sa table namin. Bali dalawang round table na kaming lahat.
"Saan kambal?" tanong ni Kuya Benjie.
Natawa si Kuya Ice. "Teka. Si Ian, kumakain, si Isabel, naglalaro." May nilapitan siyang kasamabahay nila at may ibinulong.
Ilang saglit may batang babae ang tumatakbo at hinahabol siya ng babaeng kausap ni Kuya Ice kanina.
"Isabel, be careful. Jusko kang bata ka!" Napahinto ang babae at hinihingal na napahawak sa kanyang mga tuhod.
Ohh! Iyon pala si Isabel. Napakagandang bata. Kutis pa lang alam mong alagang-alaga na. Napakahaba rin ng buhok niya at may bangs.
"Pagod ka na po? Okay po. We will play ulit bukas, ha? Promise me?" At nag pinky swear sila.
"Isabel!" Pagtawag ni Kuya Benjie.
Agad siyang nilingon ng bata. "Hi, tropa!" Ang sosyal! May accent siya.
"Isabel, come here." Si Kuya Ice habang papalapit sa amin. Hawak kamay silang naglalakad ng isang lalaki. Si Ian siguro ito.
Mukha siyang cold version ni Kuya Ice. Tahimik, mukhang mailap siya sa tao. Pero kamukha ng kuya niya.
Lumapit si Isabel sa kanila, at humawak sa kabilang kamay ni Kuya Ice.
"Sila kambal namin. Isabel and Ian. Say hello."
"Hello po. Good evening," sabay na bati nila. Mas lamang ang lakas ng boses ni Isabel.
"I'm Isabel Marie! Nice to meet you all po." She waved her hands.
"H-Hello. I'm Ian Matthew. Good to see you here po." He smiled, shyly.
"Are you sleepy na?" Isabel asked.
"Too early." Tanging sagot ni Ian. Ngumiti na lang si Isabel at nilapitan sila Kuya. Mukhang close niya na.
Nagulat ako nang tumabi sa bakanteng upuan sa gilid ko si Kuya Ice at si Ian.
Parang naiiyak na siya sa daming tao sa paligid niya.
"Ian, are you okay there?" sumilip ang kakambal niya.
"Obviously, Isabel. I'm here!" si Kuya Ice ang sumagot tinawanan lang siya ng kapatid niya.
"Hi, Ian. You're so pogi."
"Thank y-you...po."
"Sorry, nasanay kasi sila mag English noong si Lola nag-aalaga sa kanila, kaya 'di pa masyadong gumagamit ng po at opo," pagpapaliwanag ni Kuya Ice na hindi naman big deal sa akin. "Tinuturuan na sila mag Tagalog, lalo si Isabel, balak mag artista."
Wow! Kung tutuusin makukuha na nga talaga si Isabel sa mga child role. May mga ipinakita sa akin si Kuya Ice, videos ni Isabel habang uma-acting, and she's good.
"How about you, Ian? What's your dream?" I asked.
"Ahm... to l-live longer. I w-want to live a n-normal life, too." Ian stuttered softly.
Nagkatinginan kami ni Kuya Ice.
I reached out and touched his hand. "Of course, you will! You know, your family will do everything for you. Y-You just need to wait a little longer, but you'll be okay."
"Am I going to be okay? Do you believe it?"
I nodded and gave him a smile. "Yes, darling. You can make it. You will live longer, you will achieve all your dreams in life."
"I hope so." Natahimik na ulit siya. "Oh, Kuya, look, Mom's here."
We quickly turned to see her.
Tita Isabela walked in, her white dress elegant against her glowing skin. She was rich, but there was something more to her. She had this light around her, a positive aura.
"Hi! Thank you for coming. I'm sorry late notice, biglaan lang din kasi. Kumain na ba kayo? Kain na kayo. Don't be shy, feel at home lang." She said while smiling.
"Thank you po, Tita. Happy birthday po. So fresh talaga," si Ate Ariane.
Natawa na lang si Tita Isabela.
"Mommy!" pagtawag ni Ian kaya agad napalingon sa gawi namin si Tita.
Nang makita niya ako, mapaglarong ngiti ang ibinigay niya sa akin at kay Kuya Ice.
"Happy birthday po, Tita."
"Thank you, Amari. Thank you for coming."
"Sabi ko magagalit ka kapag 'di siya pumunta."
Mahina siyang hinampas ni Tita. "Isaac?! That's not true, ija. Wag kang maniniwala rito sa panganay ko. Congrats pala on passing the entance exam." Nilingon din niya ang dalawang kaibigan ko para i-congrats.
"You're so pretty, Tita." Totoo naman. Mukha siyang bata. Nasa genes na yata talaga nila.
"Likewise, honey." Her gaze landed on me. "The red dress looks good on you. Right, Isaac?"
Kuya Ice chuckled. "Of course, it looks good on her. She always looks good, Mommy."
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Kasing kulay na siguro ng red dress na suot ko.
"Sa kabila lang muna ako, ha? Enjoy lang kayo, enjoy the food!" She waved goodbye to us.
After dinner, nagkanya-kanyang pwesto mga kaibigan ko. Ang iba'y nakikipagsayawan sa gitna, ang iba ay go na go for picture taking sa booth dito, sila kuya naman 'di ko alam kung nasaan basta umiinom.
Naiwan kami ni Isabel sa table. She's using my phone. Si Kuya Ice kasi ay may inaasikaso sandali sa loob.
"Ate, you will see me na next time sa television," she said while busy sa paglalaro.
"You're good."
"Of course!"
Jusko! Alam ko na kung sino nagmana kay Kuya Ice.
"Joke! Hihi. I am still learning po. But a year or two po, you'll see me na. Support me po ha?"
"Oo naman! Papa autograph din ako sa iyo."
Tumawa lang siya.
Inilabas ko lang mirror ko para tignan kung fresh pa ako.
"Ate? Ate? Ahm.. What's your name po again? Amira? Imara?" she pouted.
"Amari, baby."
"Oh, right! Let's take a picture!"
Gamit ang phone ko, nag-selfie kaming dalawa. No doubt, kapatid talaga siya ni Kuya Ice.
"Kuhanan ko kayo."
Sabay kaming napalingon kay Kuya Ice na ngayo'y may hawak na DSLR.
Agad naupo si Isabel sa aking lap. Ready na ready talaga siya sa camera.
After that, umalis siya para kumuha raw ng pagkain.
"May solo pictures ka na? Tara doon, picturean kita. Sayang outfit."
"Nahihiya ako, andaming tao." Baka pagtinginan ako. Nakakahiya.
"Kahit sino mapapatingin sa ganda mo."
Inirapan ko siya. Corny.
Wala siyang magawa, syempre ako masusunod. Kinuhanan niya ako ng pictures while nakaupo, stolen pa ang iba.
"Amari, promise, maganda rin kapag nakatayo ka. Doon oh, maganda lighting. Just five to ten pictures!"
Nakatayo na siya, napatayo na rin ako. Akala ko naman ako ang masusunod.
"Smile, okay? Don't mind them."
Lumayo siya sa akin at inayos ang camera. "3, 2, 1, smile! Okay, perfect! Ang ganda mo."
May kung ano-anong poses ang itinuturo niya sa akin. Merong nakasideview, at candid shots. At kada tapos palaging sinasabi na 'ang ganda mo'.
"Okay last. Turn your back, then tingin sa gilid."
Agad ko na ring ginaya iyon.
"Ganda mo! Okay, last one. Ganyan ka lang, pero harap sa akin. Tingin sa akin, Amari. Sa akin lang." He said.
Para akong nanlambot sa mga huling sinabi niya. Ramdam na ramdam kong namula ako roon.
Kaya pagkatapos niya akong kinuhanan ng picture, madali akong lumapit para hampasin siya, mukhang alam niyang mangyayari iyon kaya tumakbo siya pabalik sa pwesto namin kanina.
Maya maya lumapit sa akin ang kambal, may ibinigay na bracelet. Nabigyan na rin daw nila mga kaibigan ko.
"Sabi ni Kuya, you're a pink girlie. I hope you like it, Ate ahm... Amari!"
"I love it! Thank you, kambal." Paalis na sana sila nang hinawakan ko ang kamay nila. "N-Nasaan si Kuya niyo?"
"He's talking to our Mommy inside po," si Ian ang sumagot.
Nilingon ko sila Kuya, nasa kabilang table nakiki-shot?! Aba? Saan kumuha ng kapal ng mukha ang mga 'yan? Mukhang ka edaran lang din naman nila.
Sila Lorraine, nasa dance floor at si Bianca ay kumakain ulit kasama si Ate Ariane at Margarette. Lumapit na ako sa kanila dahil wala naman na rin akong kasama rito.
"Pagod ka na?" tanong ni Bianca sa akin.
Umiling ako bilang sagot bago niya ako sinubuan. "Tamo si Lorraine, walang kapaguran."
"Sabi ko nga kumain ulit, ayaw."
Hindi ko kilala itong mga kausap ni Lorraine, pero mukhang ayos naman dahil tawa sila nang tawa.
Pinapasok kami sa loob ng bahay nila, at natulala pa ako noong una. Napakaganda, ang laki, at ang aliwalas. May maganda at malaking chandelier. Mga gamit sa bahay nila halatang gawa sa mamahaling materyales.
May isang cabinet dito na nilapitan ko. Andaming trophies, medals and certificates. At lahat iyon kay Kuya Ice. Sa bandang ibaba, may mga raketa, basketball, and rubics cube. At sa isang gilid, may nakasabit na bag ng raketa roon. Personalized pa yata dahil may pangalan niya ang bag.
"Sports and acads. Iyong iba galing sa pageant noong Junior High na ayaw ko nang ulitin."
Napatango na lang ako habang nagkwu-kwento siya. Napatingin lang din ako sa isang side na puro pictures ang andoon.
"She's Ingrid, my lola at Alfredo, my lolo. Iyong dalawang kapatid ni Mommy, nasa ibang bansa na nakatira. May naiwan na isa rito, pero hindi siya gano'n ka interesado sa business."
"Si Tita Isabela ang panganay?"
"Second. Iyong panganay nilang lalaki, Doctor sa ibang bansa at nakapag-asawa ng Businesswoman. Iyong pangatlo, iyong andito sa Pilipinas, Accountant at may asawang Seaman. Yung bunso, Engineer at may asawang Accountant. Parehas top notcher noon. May mga pinsan din ako, nasa Crystal Valley sila."
"Ang bigatin ng family mo. Uhm, nasaan pala si D-Daddy niyo?"
"I'm sorry? Katatapos lang ng meeting."
Dumating na ang sagot sa tanong ko. Naka business suit pa siya.
Lumapit siya kay Isabel para yakapin. Tumingin lang siya kay Kuya Ice at nilagpasan. Hindi rin naman nag-atubili si Kuya Ice na magsalita.
"We are not in good terms," mahinang aniya.
"Ever since."
Mabilis na tinakpan ni Kuya Ice ang bibig ni Isabel.
Hindi sila okay? Ever since? Kaya ba wala si Daddy niya sa lock screen niya?
Nag-peace sign ang kapatid niya at napailing na lang si Kuya Ice sabay gulo sa buhok ng kapatid.
"Inom ka, beh?" tanong ni Bianca sa akin habang palabas sila ng bahay. "Light lang."
Umiling ako bilang sagot sa kanya bago siya umalis.
Magkasunod na bumaba ang parents nila. Ilang din sila na parang 'di magkasundo. Napatingin ako kay Kuya Ice, nakatingin lang siya sa Daddy niya. Kaya agad ko siyang siniko.
"It's your Mom's birthday," bulong ko sabay hawak sa kamay niya. Wala man akong alam sa kung anong nangyayari, ramdam na ramdam ang tensyon sa kanilang dalawa.
Humingi agad siya ng sorry sa akin.
"We met before, right?" tanong sa akin bigla ni Sir Manuel.
Napatayo naman ako dahil sa gulat. "Good evening, T-Tito. Yes po sa hospital."
"Right. So, you're still friends with this..." bahagya siyang tumigil at tinignan ang panganay na anak. "Boy, huh? Why? Are you sure about that?"
Nakatingin lang din ako kay Kuya Ice, I smiled at him. "Yes po, Tito. He's literally the sweetest and kindest man. He's the most amazing person I could ever ask for, Tito."
Isang pilit at tipid na ngiti ang ibinigay ni Tito Manuel sa amin bago naglakad papalayo.
"You got me? I got you!" I said bago siya kindatan.
Nakaupo lang ako at namamangha pa rin ako sa ganda ng bahay nila. Apat nga ang kwartong nakikita ko.
"Saan kwarto mo?"
"Hindi pa ako ready para sa matured roles, Amari." Seryosong sagot niya sa akin.
Pasimple ko siyang kinurot dahil may nakarinig sa kanya at napalingon sa gawi namin. Kailangan pang kurutin bago sabihin kung saan.
Oras ang lumipas nang mapagdesisyunan na naming umuwi. Nakakwentuhan ko rin kahit saglit si Tita Isabela dahil nagulat siya at nakatulog sa lap ko si Isabel.
Nauna na sa sasakyan sila Kuya, mga bagsak. Ramdam ko na rin naman ang antok at pagod. Pakiramdam ko'y ubos ang social battery ko.
"Ahm, Amari, wait. I have s-something for you," he said in a low voice.
"Hmmm?"
He stood behind me and carefully placed a necklace around my neck, with a ring pendant. Parang may kung anong kuryente akong naramdaman nang lumapat ang kanyang balat sa akin.
Tinignan ko ang pendant, may naka-engraved ditong IMCR.
"Is this for me?" I asked Kuya Ice with curiousity. "Ang pretty! But wait, sa iyo ito, e."
"Hmmm, yes. Mommy said I should give this necklace to someone special to me, someone I like or love. That's why I'm giving it to you," he explained softly.
I was left speechless by his words, pakiramdam ko ay nabingi ako sa mga narinig ko. He turned me to face him.
"Beautiful," he whispered. And in that moment, as he looked into my eyes, I felt his confession.
"I'm not in a rush, Amari. I'm not rushing you. I just..." Kuya Ice paused for a seconds. "I just couldn't hold it back any longer," he confessed gently, his voice filled with sincerity.
"Kuya Ice..."
He softly placed his finger on my lips, silencing me. "Shh, you don't have to say anything. Just know that I care about you deeply, and I'll wait for however long it takes for you to feel the same."
"I like you, Amari... I'd love the chance to get to know you better and show you how much you mean to me. I will court you, with or without a chance."
~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro