Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

"Ey! Welcome back!"

Malakas na sigaw ng mga kaibigan ni Kuya rito sa airport. Plano namin ngayon manood ng sine. Itong si Kuya Ice ngayon pala ang uwi, napaaga. One week and three days lang ata ang itinagal niya.

"Kaiingay! Parang 'di magkakausap kagabi!" reklamo niya.

Napaaga ang uwi niya dahil may biglaang try out daw siya ng Basketball sa CABA.

"Sila Tita? Akala ko makikita ko 'yong kambal." Pagmamaktol ni Kuya Benjie.

Napangiti ako. Mahilig mag-alaga ng bata si Kuya Benjie.

"Next week ang uwi. Ewan kung mag-extend, ayaw pa umalis ni Ian. Pinagbibigyan, gawa alam niyo naman minsan lang mag-request iyon at hindi naman laging bakakalabas ng bahay."

Inilagay na nila ang bitbit niyang maleta sa van nila. Sasakyan din naman nila gamit, kasama ang driver nila.

"Saan kayo? Gago, pwede namang bukas lumabas. Inaantok ako."

"Jetlag from Japan. Saan pasalubong?" si Ate Ariane.

"Nasa isang maleta, may pangalan niyo 'yon para walang dayaan. Bayad bayad, walang libre ngayon." Pagbibiro niya sa amin.

Katabi ko si Bianca, busy manood ng make up tutorial. Si Lorraine naman nasa likod katabi si Ate Margarette, naglalagay ng mga fake nails.

"Patulog na lang muna. Inaantok talaga ako tapos puro Haponesa na nga nakikita ko roon, hanggang dito ba naman sa van may Haponesa." Pagpaparinig niya kay Ate Margarette.

"Excuse me, magandang haponesa! Dedma lang sa basher," sagot ni Ate pabalik at hinawi pa ang bangs. Cute.

Dumaan kami sa isang bahay. Hindi ito pamilyar sa akin. Naunang bumaba si Kuya Ice, kaya sumunod kami.

"Unang bahay nila Lola. May tao riyan."

Luma ngunit malaki ang bahay na ito. May malaking gate nga rin sila rito, at maraming tanim na puno. Sa labas may fountain pa.

"Anong gagawin natin dito?"

"Aba, malay sa inyo. Ako, tutulog." Ngumisi siya sa amin. "Joke! Inang mga mukha 'yan, halatang ayaw akong patulugin amp."

Nauna siyang naglakad papasok.

"Good afternoon po. Si Lola?" tanong niya sa isang babaeng kasambahay na sumalubong sa amin.

"Magandang araw, Sir. Nagpapahinga po. Ayaw pong magpaistorbo, mag hapon na po kasing sumakit ang ulo. Sandali, ipagluluto ko ho kayo."

"Hindi na po. Iiwan ko lang po mga binili ni Mommy galing Japan. May papers din po rito." Itinuro ni Kuya Ice ang maleta.

Inilibot ko ang mata ko sa loob ng bahay. Dalawang palapag ito, sa dingding maraming nakasabit na picture frames, medals, and certificates. May isang lumang t.v din.

"Angas. Kaninong bahay?"

"Pinakaunang bahay nila. Ayaw ipagiba, kaya ganyan, pinapalitan na lang. Matibay 'yang mga gamit na kahoy."

Pagkaalis agad kaming dumiretso sa mall. Kinausap ni Kuya Ice 'yong driver na after two hours kami susunduin.

Nagkaayaan silang kumain sa isang buffet style restaurant dito.

"Damihan mo kain mo, Ariane."

"Diet ako," sagot niya pabalik kay Kuya Ice.

Hinawakan ni Kuya Ice ang wrist niya. "Diet mo mukha mo. Kumain ka, kaya ka nagkakasakit."

"Amari, come!" Tinawag ako ni Ate Margarette, kasama niya roon dalawang kaibigan ko. "Try this salted egg pasta. Bagong dish nila rito."

Phew. Sana kasing sarap ito nang luto niya.

Dalawang plate ko ang nasa harap, ang isa ay rice meal, isa naman puro pasta.

Magkaharap kami ni Kuya Ice, pero 'di ako tumitingin sa harap, para akong ewan na nakuyoko lang na kumakain.

"Kumusta? Masarap?" bulong ni Ate Margarette sa akin.

Umiling ako. Hindi ko gusto, ang plain. Ang bland.

"Mas masarap daw 'yong luto ko. Hindi ba, Amari?"

Sabay kaming napatingin kay Kuya Ice. Yabang, pero totoo naman. Mas creamy, mas malasa 'yong ginawa niya.

Nagkwekwentuhan lang sila nang kung ano-ano. Kailan ba mauubusan ng topic ang mga 'to? Mukhang 'di mangyayari iyon. Pero at least, 'di buhay ng ibang tao ang topic nila. Buhay nila.

"Friendship over nga kami niyan ni Rivera. Amp, iniwan ako sa Badminton. Parang tanga."

"Sorry na. Classmate pa rin naman tayo."

"Ayon nga, eh. Classmate pa rin kita, maaalala ko pagtataksil mo sa akin."

"Si oa," sabat ni Kuya Uno kaya hinagisan siya ng tissue.

Inabutan ako ni Kuya Ice ng water. Tinanggap ko na lang din iyon.

Kulang na lang siguro i-rent nila 'tong buong arcade.

Bakit naman sa arcade pa? Bigla ko na lang naaalala noong okay kaming dalawa.

Kanya-kanyang punta na sila kung saan sila maglalaro. Ako naupo sa labas ng mga videoke room, pero dito pa rin naman iyon sa loob ng arcade.

"Ayaw mo maglaro? May token ako." Tumabi si Kuya Ice sa akin. "Ga, basketball?"

"Oy, si Kuya Issac ba 'yon?" Narinig ko ang isang babae sa katabing chair. "Hi, Ms. Si Kuya Isaac ba 'yan?"

"Ewan ko po. Hindi ko kilala."

"Ayoko. Thanks." Ito naman ang sinabi ko kay Kuya Ice.

"Dali. Mag deal tayo." Malungkot ang boses niya dahil narinig niya sigurong sinabi kong hindi ko siya kilala.

Napahinga ako nang malalim. Kapag hindi ito pinagbigyan, hindi ito aalis sa tabi ko.

"Okay. What's the deal?"

"1v1. Kapag nanalo ka, promise lalayo na ako. Pero kapag nanalo ako, bati na tayo."

"Lol, eh ikaw magaling maglaro."

Tumawa lang siya at tumayo. Inilahad ang palad niya sa harap ko para matulungan ako sa pagtayo, pero hindi ko iyon tinanggap.

Inayos niya muna iyong paglalaruan namin, binilang pa kung saktong bola ang meron kami bago niya inihulog ang token.

Hindi ko alam kung anong gusto ko. Iyong manalo ako or manalo siya.

Nag-umpisa na kami, pasimple akong napalingon sa kanya. Nakangisi siya, ang layo ng agwat ng scores namin.

"I'm done. Ayoko na."

"Luh! Madaya, nakipag-deal ka, eh!" he pouted.

"May laban ba ako sa iyo? Eh magaling ka maglaro."

"Oh, panalo ako, ha? Paano ba 'yan? Bati na tayo?"

Kinuha ko ang bag kong nakapatong. "No."

"Wala. Ayaw niya na talaga makipagbati sa akin."

Mahina lang iyon pero narinig ko pa rin. Hays, sorry.

Walang araw na hindi niya ako kinamusta, walang araw na hindi siya nakikipagbati sa akin. Pero hindi ko siya nirereplyan.

Sana magalit na lang siya sa akin. Sana lumayo na loob niya.

Napalingon ako sa kung saan ko siya iniwan. Kausap niya si Kuya Lucas. Nagtama ang mga mata naming dalawa, tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin, hindi ko na iyon pinansin.

"Mauuna pa nating ipagtitirik ng kandila 'yong puso ni Isaac, eh." Pang-aasar ni Kuya Juan.

"Gago."

Magkakalapit lang kami ngayon dahil nabili sila ng damit.

"Hello po! Nakakahiya, pero kilala niyo po ba si Kuya Isaac?" may dalawang babae ang lumapit sa akin. Hindi yata nila napansin si Isaac dahil naka cap siya ngayon.

"Hmm. Sinong Isaac?"

"Isaac Miguel po. Iyong badminton player ng SanLo."

"Ah, sorry. Hindi po, eh. Wala akong kilala."

"Ayy, sige po! Akala ko po nakita namin siya kanina baka ibang tao. Salamat po."

Narinig kaya ni Kuya Ice 'yon? Kaya ko lang naman sinabing hindi ay para 'di siya malapitan, baka iba ang dating sa kanya.

"Oh, 'di mo na ngayon kilala si Isaac?" si Kuya Harold na nang aasar pa.

"Yaan na," mapait na aniya. Naglakad siya palayo sa akin. Dumaan sa harap ko pero walang kahit anong tingin o ngiti.

Mali pagkakaintindi niya, pero okay na ito. Iyong iiwas na talaga siya sa akin. Ginusto ko naman 'to.

At paniguradong nasaktan na siya. Dalawang beses ba naman niyang narinig na itanggi kong 'di ko siya kilala. Kahit sino masasaktan.

Parang hangin bigla.

"Ano 'yon? Bakit kamo 'di mo kilala?" mahinang tanong ni Bianca.

Ipapaliwanag ko sana sa kanya nang tinawag na kami para lumabas ng store.

"Amari, may plushie!"

"H-Ha? Hehe, oo nga. A-Ano ang ganda!" Para akong natataranta na ewan.

"Excuse me." Malamig na boses ni Kuya Ice ang narinig ko dahil nakaharang kami ni Lorraine sa daan.

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Hanggang matapos kaming gumala, hindi niya na ako pinapansin, hindi tinitignan, hindi nilalapitan.

"Vin, sa bahay na lang tayo nila Lucas bukas." Humarap siya sa amin. Andito na kami sa van nila. Katabi ko lang naman si Kuya pero 'di niya ako tinatapunan ng tingin.

"Ha? Hindi na sa bahay?"

"Ayoko. Sa bahay na lang nila Lucas. Bawal ma late."

Tumango na lang si Kuya. Hindi rin naman narinig ng kapatid ko iyong kanina, kaya hindi niya ako mapapagalitan.

Pagkarating ng bahay, agad akong nagpunta sa kwarto ni Kuya.

"Aba, madam. Ikaw nga 'di nagpapapasok sa kwarto mo." Sinamaan ako ng tingin ni Kuya bago ako binato ng unan. "Ano 'yon? Sasama ka ba bukas?"

"Hindi. Pero anong gagawin niyo roon?"

"Dito sana sa bahay 'yon, wala kwentuhan lang. Ewan doon, biglang nagbago isip. Kila Lucas na lang daw, eh."

"Hindi kayo iinom?"

"Hindi na iinom 'yon. Bagong buhay 'yon, tsaka may try out ng Basketball iyon sa susunod na araw. Bakit? Miss mo tropa ko?"

"Lol." Iyon na lang sinabi ko bago lumabas ng kwarto ni Kuya.

Kinaumagahan, sinundo ni Kuya Ice si Kuya pero hindi siya bumaba ng sasakyan kaya pati si Manang nagtaka. Kung dati kasi bababa at bababa siya para bumati or magbigay ng food.

Nakaabang lang ako sa fb story nila. At saktong naka facebook live si Kuya Elijah.

Pinalipas ko muna ng ilang minuto bago ako nanood. Baka asarin kasi ako kapag andoon agad ako.

Hindi nga sila umiinom. May mga cards lang sa harap nila at lamesa.

"Oy, hi Amari and Lorraine!" Kumakaway pa si Kuya Elijah sa screen.

Hindi siya humaharap sa camera ng phone, busy siya maglaro kasama sila Kuya. Napatingin ako sa wrist niya, hindi niya suot iyong bracelet na parehas kami.

"Vin, tamo nanonood si Amari." Inilapit na Kuya Elijah ang phone sa kapatid ko.

Inilibot ni Kuya Elijah ang phone at pinapabati isa-isa ang mga kaibigan, hanggang sa tumapat ito kay Kuya Ice.

"Sinong babatiin ba?" tanong niya habang nakatingin pa rin ang mga mata sa cards.

"Ah, okay. Hello raw kay Amari. Okay na?" sinamaan niya pa ng tingin si Kuya Elijah.

Umalis na rin ako sa live. Ganito pala pakiramdam? Masakit pala talaga.

Nang sumunod na raw, inaya ako ni Kuya sa SanLo. Kukuha raw siya ng jersey niya, sabi ko nga ay gusto ko rin. Pang manifest na sa SanLo ako mag-aaral.

Bigla kong naalala ngayon try out ni Kuya Ice sa CABA Basketball Team. Kung pupunta kami ng gym, panigurado makikita ko siya roon.

Sa isang area kami nagpunta ni Kuya, may mga players ding andito, ang iba ay may practice din yata.

"Kapatid mo, Guanzon?"

"Yes, coach."

Ngumiti sa akin ang coach nila at ang ibang players.

"Kuya, bilhan mo ako t-shirt," bulong ko sa kanya.

"Oo, mamaya. Nood muna tayo try out nila Ice. Maraming nag try out na mga first and second year, eh."

"A-Ayoko."

"Luh? Tara. Para maganda pwesto natin. Tamo, may ibang department din."

Nagpatianod na ako kay Kuya. Kasama namin dalawang ka team niya.

Medyo maraming tao sa gym, marami ring nanonood. Bukod kasi sa try out, ang mapipili raw ay makikipaglaro sa mga players na talaga.

"Ayon. Tara doon. Mamaya pa sila Ice."

Nagulat pa si Kuya Ice nang makita ako pero tumalikod siya sa akin at kinausap si Kuya at itinuro ang pwesto. Kasama naman namin siyang nagpunta roon.

Nakikipag fist bump sila sa mga nakililala nila. Nagpaalam si Kuya para bumili ng tubig. Nasa kabilang gilid ko iyong dalawa niyang ka team, at si Kuya Ice sa kanan na medyo umusog papalayo sa akin.

"Oy, Ice!" May tatlong nagsidatingang player. Ibang Department yata base sa color ng Jersey. "Good luck, erp!" Nagkatinginan kami ng lalaki. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako. "Kilala mo? Reto mo 'ko."

Sabay nila akong nilingon ni Kuya Ice. "Kapatid ng tropa ko, si Arvin. Baliw, 'di pa pwede. Bata pa 'to." malamig na litanya.

Epal, one year lang naman gap ng age namin.

"Hello. Taga rito ka rin ba sa SanLo?"

"Hindi po. Junior High pa lang po ako." Nahihiyang tugon ko.

"Ay, tarantado ka Rivera. Hindi mo sinabi!" Binatukan niya si Kuya Ice na ngayo'y nag-aayos ng sapatos.

"Gago, hindi ka nagtanong."

"Aba, alam mo palang Junior High!"

"Oo, sabi ni Arvin. Hindi ko nga sabi nakakausap. Tangina neto. Layas ka na nga!" Pasimple niya pang itinulak 'yong lalaki."

Umusog ako palapit kay Kuya Ice dahil may sumisiksik sa amin.

Nakikipag-usap din sa akin iyong dalawang ka-team ni Kuya. Middle blocker and libero daw sila.

Tahimik pa rin si Kuya Ice. Minsa'y nakikipagbiruan sa mga kakilala niyang dumadaan.

Pagkadating Kuya, hindi siya sa gitna namin naupo, naiusog tuloy si Kuya Ice sa tabi ko, pero mabilis ang naging pagtayo niya at nagpaalam para bumaba dahil doon na lang daw siya kasama ibang players.

Natapos ang sa College of Education. Department na nila Kuya Ice ang susunod.

Pagtawag pa lang sa last name niya, nakakabinging sigawan agad. Patakbo siyang pumagitna sa court habang inaayos ang jersey niyang suot sa kanyang shorts.

"Lakas ng fan girls ng loko na 'to."

Tahimik lang akong nanonood. Mabuti at maganda ang pwesto namin. Gitnang-gitna kaya 'di namin kailangang tumayo.

Nag-umpisa ang tryout nila. Shooting, dribbling, passing. Wala akong maintindihan sa nangyayari, pero tuwing nakakapuntos siya, nagwawala ang mga nanonood.

"Kuha 'yan, panigurado." Narinig kong ani ng isang babae sa likod. "Galing, tangkad pa. Gago, first year lang daw 'yan, eh. The future is bright sa CABA."

Nang matapos ang tryout, isa siya sa sampong napili. At makikipaglaro sa players ng CABA.

Parang walang kapagod-pagod ang isang ito. Bente minuto lang silang pinagpahinga bago makipaglaro.

Napasama pa siya sa five players na maglalaro.

Nag-umpisa ang laro nila. Tutok na tutok ako na para bang alam na alam talaga ang laro.

"Sporty talaga ni Isaac."

Napapatango ako sa sinasabi ni Kuya pero buong atensyon akong nanonood kay Kuya Ice.

"Rivera for three!"

Mahina akong napapalakpak sa halos magkakasunod niyang puntos.

Sinabi naman niyang marunong siyang mag basketball, pero 'di ko naman alam na ganito pala siya kagaling.

"Galing humawak ng bola. Panigurado magaling din humawak ng relasyon!"

Halos maibuga ko ang iniinom ko dahil sa narinig. Ang funny niya.

Hindi ko maiwasang hindi i-admire ang galing niya. Ang effortless nang paglipat niya, halatang 'di nahihirapan. From Badminton to Basketball, wow.

Napapalakpak ako nang matapos ang laro. Nanalo sila, dahil lumamang sila ng sampo. Napangiti ako nang makitang nakangiti rin siya habang kinakausap ng coach. I knew that he was destined for success in any sport he pursued.

Naghubad siya ng jersey habang pabalik sa likod. Ibang ingay na naman ng mga nanonood.

Ilang saglit lang, naka itim na t-shirt na siya at bumalik dito sa amin.

"Gago, congrats!"

"Tsamba."

Nagkwekwentuhan sila ni Kuya. Kinausap pala si Kuya Ice ng head coach ng SanLo U. ipinapasok na raw siya agad, pero ayaw niya. Gusto niyang mag try out kapag open na ulit, para hindi raw unfair.

May ilang lumalapit para makipag-picture sa kanya.

Hindi na namin pinatapos ang iba dahil lumabas na rin kami.

"Kuya, dali na!" Pagmamakaawa ko sa kapatid ko. Nakalimutan niya yata iyong pinapabili ko.

Napatingin si Kuya Ice sa akin, walang imik.

"Ay, oo. Sandali. Tara Ice, bili tayo shirt."

Hindi nagtanong si Kuya Ice. Nasa likod lang nila akong dalawa.

"Try mo 'yong color white and iyong color blue since iyan ang color ng SanLo.."

Tumango ako at kinuha ang t-shirt na may naka imprintang SLU.

Bumili rin ako ng Jersey ng SanLo. Personalized iyon, doon ko na pinatatakan ng name at favorite number ko. Tinatawanan nga ako ng kapatid ko.

Nagpunta kami sa coffee shop ni Ms. Eya.

"Hi, crushiecakes!" Bungad niya pagkakita kay Kuya Ice.

"Kadiri talaga! Ayan ka na naman sa sakit mo." Nagtago pa siya sa likod ni Kuya.

Kaming dalawa ang humanap ng pwesto, dahil naiwan si Kuya para mag-order at makipagkwentuhan.

Isinuot niya na ang kamyang airpods, bago pumikit. Ako naman ay pasimpleng napapatingin sa kanya.

Ilang minuto lang iyon pero inalis niya agad ang airpods niya. Walang imik siyang lumabas dito sa private room na kinuha namin.

Pagbalik niya kasama niya na si Ariane at Kuya.

"Hi, hello!" bati niya pagkaupo.

Ngumiti lang ako bilang sagot. Magkatabi sila ni Kuya Ice at sa tapat ko siya mismo.

"Anong ginagawa mo sa SanLo?"

"Nanood ako. Nakiki-cheer nga rin ako sa iyo kanina. Daming fangirls!"

"Saan ka banda? Hindi kita nakita kanina."

"Ay, nasa dulo."

Tumango na lang si Kuya Ice at nakipagkwentuhan kay Kuya. Wala rin naman akong maikwento kay Ate Ariane, tahimik lang din naman siya.

"May grades na raw?" tanong niya kay Kuya.

"Ay gago. Hindi naman tayo same department."

Sabay-sabay silang natawa na tatlo.

Para lang akong others na nakikinig dito. Hindi maka-relate.

"Unso, tamo hinahanap ka ni Uno."

Napakunot noo akong tinignan ang phone ni Kuya. Hinahanap nga ako ni Kuya Uno sa gc.

"Bakit daw?"

"Dami mo pa raw palang picture sa camera niya. Saan daw niya isesend?"

Napatingin ako ka Kuya Ice na ngayo'y nakatingin din sa akin, pero walang reaksyon galing sa kanya.

"Sa SanLo ka na mag-aaral, Amari?"

"Ahh, kapag pinalad pong makapasa. K-Kapag hindi po, b-baka mag CVA ako."

"Anong program mo?"

"Culinary Arts po."

"Wow! Edi magaling kang magluto? Omg!"

I smiled awkwardly. "H-Hindi po, Ate."

"Matututo naman siya roon," si Kuya Ice habang nakatingin sa pagkain. "Magaling naman si Amari."

"Ayaw mo mag Med courses? Para may kasama ako."

Mabilis ang naging pag-iling ko.

"Takot siya sa dugo. Minsan, nawalan siya ng malay nakakita ng injection. Nahihilo rin siya sa amoy ng hospital."

Simula bata ako, takot na talaga ako. Hindi ako napapatahan tuwing nasa hospital or clinic kami. Kahit nga sa Doctor minsan takot na rin ako.

"Kaya kapag alam niyang lalagnatin na siya, umiinom na agad siya ng gamot. Kakausapin niya pa sarili niyang 'di siya pwedeng magkasakit kasi maco-confine siya."

Naiwan kami ni Kuya Ice dahil bumaba ang dalawa naming kasama.

"Takot ka sa hospital? Paano mo nagawang puntahan ako noon?"

Napalingon ako.

"Anong sinasabi mo? Magkakilala ba tayo?"

"Okay, hindi. Pero nakita kita sa hospital noong naka-confine ako."

"None of your business. Isinama lang ako ng kapatid ko."

He shrugged his shoulders. "Oks."

Ang bilis kausap. Pero bakas sa tono ng boses niya ang lungkot at pag-aalala.

Pagkarating ng bahay, bumungad sa akin ang tatlong malalaking paper bag.

"Kay pogi galing 'yan. Noong nakaraan dapat daw 'yan ibibigay sabi nang nag-deliver dito kanina." Nakangiti si Manang. "Binigyan niya rin ako ng chocolates at ibang pasalubong! Ang dami, ipapadala ko ang iba sa mga apo ko."

Tinignan ko ang laman isa-isa. Ang isa'y puno ng chocolates at iba pang pagkain. Ang isang bag ay other pasalubong, may stationary like pens, colored pens, pencils, sticky notes, and coloring books. May stickers din na pangalan ko ang nakalagay. Ang huling paper bag may lamang sling bag na galing kay Tita Isabel at may perfume sa loob. May tatlong plushies din doon.

Ngayon, iniisip ko kung papaano ako makakapagpasalamat. Ang dami nito. Iyong sa bag pa lang, ang mahal na.

Kinukulit ko ang kapatid ko para imessage si Kuya Ice, pero ayaw niya. Dapat ako raw mismo.

Amari sent a photo.
Hello. Thank you sa pasalubong. Pasabi rin kay Tita Isabela, thank you. :)

Isaac Miguel Rivera reacted (👍🏻 )to your message.

Aba? Walang reply?!

Kaka-refresh ko sa profile niya, bumungad na agad sa akin iyong bagong palit niyang profile picture sa Main account niya. Mirror selfie niya ito sa Japan. Bago pa niya ma private ang picture naka hundred of likes na 'yon.

Kinaumagahan, ang magaling kong kapatid andito na naman nagpatambay sa bahay. Andito na rin ako sa labas dahil wala naman akong gagawin sa kwarto.

Ang bilis lang lumipas ng October, halos three weeks ko na rin siyang 'di pinapansin.

"Si Ice, ipagtitirik niya kandila 'yong puso niya."

"Ako na naman."

"Kayo, Vin? Aalis kayo bukas? Patambay rito, ha?" si Kuya Lucas. "Dito na rin ako matutulog."

Umuwi kasi parents niya sa probinsya, hindi siya sumama.

"May nakita ako sa facebook. Palit tayo profile pictures natin," nakangising ani Lorraine. "Gamitin natin baby pictures natin. Dali na! Hanggang sa susunod na araw lang."

Pumasok si Kuya, at pagbalik niya bitbit niya photo albums namin. Ayoko pa nga dahil nakakahiya.

"Pili kayo rito saan pwedeng i-profile ni unso." Inilapag niya ang mga iyon sa table.

"Epal ka talaga!"

Pero kahit ganoon, nakikitingin din ako sa mga pictures ko noon. Karamihan lang naman ay nasa bahay ako.

"W-Wait." Napahawak si Kuya Ice sa isang litrato. Kinuha niya iyon at tinitigan nang maigi. "Ako 'to." May itinuturo siya.

Tinignan ko ang picture na iyon. Actually dalawang pictures iyon na nasa isang page.

Pictures ko iyon habang umiiyak at nakasimangot. May batang lalaki sa harapan ko na tumatawa habang nakaturo sa akin.

"Feeling!"

"De seryoso." Inilabas ni Kuya Ice ang wallet niya at may kinuha roon. Itinabi niya ang picture niyang 'yon sa nasa akin. "Grand reunion yata ito sa SanLo. Isinama ako ni Daddy or Mommy. Hindi ko tanda."

"Hala! Oo nga!"

Siya nga iyon, dahil sa ipinakita niyang picture andoon ako pero 'di ako nakatingin sa camera.

"Kinder yata ako nyan."

"Yup. Grade one naman ako nyan."

Napatingin lang ako sa pictures. Tuwang-tuwa naman mga kasama namin at nang aasar pa dahil ang hilig na raw magpaiyak ni Kuya Ice.

Sa sumunod na page, kami ulit iyon. Inaabutan niya ako ng panyo, at ang huli ay magkatabi na kami sa upuan, parehas nakangiti.

"Itong si Ice, bata pa lang hilig na umiyak. Si Amari, bata pa lang iyakin na."

Kinuhanan ko lang ng picture iyon, at gamitin para mamaya.

Pumasok ako sa loob, para tulungan si Manang sa niluluto niya. Hindi ko naman alam kung may maitutulong ako, pero pumasok pa rin ako.

Chicken and Pork Nilaga ang nakita kong iluluto ni Manang.

"Oh, anak, bakit pumarine ka? Ayaw mo na ba sa labas?"

Umiling ako at pinanood si Manang na naghihiwa. "Gusto ko po kayo panoorin magluto."

Nagpaalam saglit si Manang para lumabas dahil may bibilhin pa raw siya.

Tinitignan ko lang ang mga gulay na andito, hindi pa nagagalaw.

Feel ko kaya ko 'to, pero nakalimutan ko kung papaano. Sumubok akong manood sa youtube pero naguguluhan ako.

"Kainis. Nakalimutan ko na," I said, frustrated.

"Chicken caldereta? Naituro ko na sa iyo 'yan noon. You forgot na?" mahinahong tanong sa akin ni Kuya Ice na ngayo'y kadarating ng kusina.

"Anong sinasabi mo? Hindi tayo magkakilala."

"Ahh, ohh. Right, right. Need my help?"

"Nope." Napatingin ako sa kanya. Naka de kwatro habang nakatingin sa akin. "What?" masungit na tanong ko.

Umiling siya.

Nag-umpisa akong maghiwa ng mga gulay. Ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin kaya 'di ako makapag -focus.

"Marinated na ba 'yong chicken? Okay, marinated na."

Tanong niya, sagot niya. Gusto ko tuloy matawa sa kanya.

"Be careful sa paghihiwa, baka masugatan."

"I k-know na this, okay? Stop watching me. I can't focus."

"I'm not watching you."

"Edi lumabas ka na."

"Ayoko, baka sumabog bahay niyo."

I narrowed my eyes at him, his lips curving into a smirk.

"A-Aray!"

Nabitawan ko ang kutsilyo, natamaan ang daliri ko sa paghihiwa.

"I told you to be careful."

Iniwas ko ang mga mata ko dahil ayokong makita ang dugo.

Nagpunta kami sa sink para mahugasan niya ang daliri ko.

"Hindi nag-iingat," he murmured.

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak. "Kung pagagalitan mo ako, 'wag na lang."

"Sorry po, sungit," he apologized.

Agad niyang nilinis iyon at nilagyan ng band aid.

"O-Okay na ba? M-May dugo pa ba?"

"Wala na po," he answered in his soft voice. "Maupo ka na, ako na magtutuloy nito."

"Gusto ko magluto." I pouted pero agad akong sumimamgot.

Siya na ang naghiwa, at ako na raw ang magluluto. Ayaw akong paghawakin ng kutsilyo.

Bumalik siya sa pwesto niya kanina. Pero ngayo'y nakatayo na siya.

"You know," he said in his voice low, "Masaya ka sanang kasama sa kusina kung 'di mo pinapatay sarili mo."

"You're so oa. Hindi ako mamamatay sa maliit na sugat. I am trying to focus kanina."

"Focus? Tawag mo focus doon? You almost cut off your finger."

I rolled my eyes. Tinawanan lang niya ako. Lumapit siya para tikman ang niluluto ko. May dinagdag lang siya.

"Chicken Caldereta with Amari's blood."

Nakakainis! Ewan ko kung concern 'to or andito para mang asar.

"It will be the best meal of your life, Kuya Isaac." ganti ko kahit naiinis na ako sa kanya, pero hindi ako nakatingin.

Malakas siyang tumawa. "I can't wait to taste it. Who knows, maybe your 'special ingredient' will be the secret to culinary success."

Nagulat si Manang na naluto na ang Chicken Caldereta niya. Mapang-asar pa ring nakatingin sa akin si Kuya Ice.

Nong nasa labas na kami para kumain, hinintay ko muna silang kumuha at tikman ang niluto ko. Kinakabahan ako, baka kasi 'di nila magustuhan.

"Sinong nagluto nito? Hindi masarap," si Kuya Harold.

Nagkatinginan kami bigla ni Kuya Ice. Napakunot ang noo niya. "Ak-"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya. At handa niyang sabihing siya ang nagluto, huh?

"Kasi sobrang sarap! Perfect!"

Napabuga ako ng hangin sa ere. Nakangiti naman ngayon si Kuya Ice, pero inirapan ko lang siya.

"Si Amari nagluto niyan, with special ingredient."

"Wow! Ang galing, pwede na mag-asawa," si Kuya Uno. "Ano namang secret ingredient nito?"

"H-Huh? A-Ano po, pagmamahal!"

"Corny, 'no 'yan?" napa-eww look pa sa akin si Lorraine.

"Pa take out ako ng Chicken Caldereta."

"Kahit iuwi mo pa lahat," sagot ko. Halata namang gusto lang akong inisin ni Kuya Ice.

"Naku! Meron na, ipinagtabi na kita pogi."

Nyay! Favorite nga pala ni Manang 'yang si Kuya Ice. Malamang, meron at meron.

Inilabas ni Manang mga board games namin, cards, and pati iyong Tower of Hanoi ko.

"Oy! Tower of Hanoi! Sino lalaban sa akin?" Kinuha ni Ate Ariane iyon at itinaas.

Magaling ako r'yan, teh!

"Si bunso! Pambato simula Elementary."

Agad sumang-ayon ang dalawang kaibigan ko.

"You go first, Ate."

Dahil isa lang ang meron ako, magpapabilisan na lang kami. Nasabi niya na inilalaban din daw siya noon.

Nang mag-umpisa siya, namangha rin ako dahil mabilis din siyang gumalaw at tama ang paglalagay ng disk, iyon nga lang sa sobrang madali niya nahuhulog at hindi naisho-shoot nang maayos sa rod.

Nanliit ang mga mata ko nang may mali siyang nagawa. Napatungan niya nang bigger disk ang smaller disk na hindi dapat. Kaya ngayon, nagkagulo na siya.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya sign na tapos na siya. Maayos na kanina, nagkamali lang siya kaya tumagal.

"Good job!" I said at pumalit sa pwesto niya.

"Kinakausap na naman niya Tower of Hanoi niya, ganyan 'yan si Amari, kinukulam niya kalaban."

Sinet ko ang timer. Bigla kong na-miss maki-contest. Inilagay ko ang isang kamay ko sa likod ko bago nag-umpisang maglaro.

Naging mabilis ngunit maingat ang naging paglilipat ko ng mga disk, iniiwasan kong mahulog ang mga 'to.

"Done!"

"Lakas! Laro laro lang dapat, pinakitaan tayo competitive side! Pasensya, ganyan talaga siya." Si Lorraine at niyakap pa ako. "Galing!"

Kung may number one supporter ako, si Bianca at Lorraine iyon.

Pumalakpak sila, bigla tuloy akong nahiya. Kainis, late ko na realize na lumabas nga competitive side ko.

Tinuruan ko si Ate Margarette at Kuya Uno na laruin iyon, pero ang bagsak naming tatlo ipinangbabatok ni Ate Margarette ang disk kay Kuya Uno dahil 'di nakakasunod.

"Naneto, ikaw ihahalo ko sa semento!" sigaw niya kay Kuya Uno.

Nagtagal pa sila rito. Sabay-sabay na raw sila uuwi mamaya. Si Ate Amy nga ay natulog lang dahil puyat daw.

Hindi pala makakauwi ang Mommy at Daddy, kaya ang ilan sa kanila gusto pang magtagal dito.

Ang dalawang kaibigan ko rito na rin tutulog.

"Teh, 'di ko na matiis. Anyare sa inyo ni Kuya Ice? Bakit talaga biglang 'di mo na siya kinakausap nang maayos?"

Napaiwas ako ng tingin. Mabigat pa rin sa puso, kanina nga gustong-gusto ko na makipag-asaran sa kanya, pero 'di pwede. Nasa bahay namin kami.

Napahinga ako nang malalim. "Because of Daddy."

"Ngi. Bakit? Anyare?"

"Actually, hindi ko rin alam. Bigla na lang sinabing layuan ko si Kuya Ice. Humihingi ako ng reason, a valid reason, pero walang ibigay sa akin."

"Then? Anong mangyayari kapag hindi ka sumunod?"

"Ilalayo ako sa inyo. . . sa kanya. Kilala niyo si Daddy, may isang salita siya. Kung anong sinabi niya, gagawin niya. Kaya natakot ako. Natakot akong mailayo sa inyo."

"He's so unfair talaga. Papalayuin ka na lang sa tao na walang rason."

"Wala akong ibang maisip na reason. Iyon lang. Para lumayo loob niya sa akin, para magalit siya sa akin."

"Nagagalit ba sa iyo? Hindi. Iyon ata hindi kayang gawin ni Kuya Ice. Nagtampo yata sa iyo noong sinabi mong hindi mo siya kilala, pero nakita mo ba kanina kung papaano ka niya panoorin? Kung papaano siya ngumiti habang nakangiti ka? Jusko, dai! Matutunaw lahat nang matutunaw. Halatang gusto ka niyang kausapin, pero 'di niya alan kung papaano. Kaya nang aasar na lang kanina."

"Tapos kanina, nag-aaway silang dalawa sa kitchen, 'di man lang nila alam na dumaan ako, ang dalawa nagtititigan parang sa Library noon. Miss mo siya?"

Napaiwas ako ng tingin. "Ang sinungaling ko kapag sinabi kong hindi." Nasanay na akong merong Kuya Ice. "Pero wala akong ibang maisip na way. Ito lang talaga. Makakalimutan niya rin ito kapag tumagal, magagalit din siya sa akin."

"Talk to him. Sabihin mo sa kanya reason mo. Maiintindihan ka niya. Sabihin mo bawasan na lang muna pagsasama niyo lalo kapag nasa tabi si Tito." Hinahaplos ni Bianca ang likod ko.

"True the rain! Alam mo 'yon? Ahm, clingy in private, hindi magkakilala in public. Try niyo 'yon. Ang mag BFF Premium." Pang-aasar ni Lorraine sa akin.

"Hindi ko siya nirereplyan. Araw-araw siyang may message sa akin. Nasasaktan na ako. He's too kind."

"Yup. Ang bait niya, sa iyo, sa atin. So, I think, deserve niya ring malaman? Hindi 'yong magugulat na lang siya kung papaano mo siya trinato noong mga nakaraang weeks. May hangganan din tayo. Mapapagod din 'yon. Siguro 'di siya mapapagod sa iyo, pero mapapagod sa ipinaparamdam sa kanila. Sabi nga sa nakita ko, jeep nga umaalis kapag napupuno, tao pa kaya?"

"Corrected by! Huwag mo na iwasan. Kung iuuwi ka ni Tito sa probinsya, ay naku! Baka roon na rin tumira 'yon si Kuya Ice." Pang-aasar ni Lorraine sa akin. "De seryoso, mahirap 'yan. Aminin mo sa kanya, kung 'di mo kaya sa personal, edi sa messenger. Ilang weeks na ring nanghuhula 'yon kung anong naging kasalanan niya. Umamin ka na, before its too late. Ikaw rin baka magsisi ka."

"Kaya niyang mag-adjust 'yon. Nasabihan mo pa naman masasakit na salita. Hindi naman masasaktan yon nang sobra kung wala ka lang sa kanya. Nangungulit din siya sa amin 'no. Akala niya pa raw noong una prank lang."

"A-Ayon pa nga, eh. Nahihiya ako sa mga pinagsasasabi ko. Hindi ako gano'n. Baka isipin niya nagsisinungaling ako."

"Hoy, bes! Mas iisipin niyang totoo mga pinagsasasabi mo kapag 'di ka umamin."

Okay, may point. Bakit ba bigla akong nawawalan nang sasabihin. Para na lang laging may kung anong pumipigil sa akin.

Lumabas kami ng balcony, naglatag silang dalawa roon ng comforter. Dito na lang daw kami dahil tinatamad silang bumaba.

Napatingin ako sa baba, nagkakasiyahan sila Kuya. Kababalik lang ni Kuya Uno galing inihatid si Ate Margarette.

Ipinasa nila ang microphone kay Kuya Ice. Ayaw pa nga niyang tanggapin noong una.

Fall for You - Secondhand Serenade

Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find

Pagkatapos niyang kumunta, agad siyang napalingon kung nasaan kami kaya agad ang naging pag-iwas ko.

"Daily game ni Amari, iwasan si Kuya Ice."

Nakatingin ako sa phone ko. Nangangati mga kamay kong i-message na siya.

"Go, message him." Biance gave me a smile.

Kinuha ko ang phone ko. Naka-restrict pa rin iyong second account niya.

Pikit mata akong nag-type roon bago ko isinend. Inihagis ko pa sa kama ang phone ko, natatakot sa kung ano ang magiging reply niya.

Amari Gracey
sorry. (⁠。⁠•́⁠︿⁠•̀⁠。⁠)

Ice Miguel
can I call? wait.

~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro