Kabanata 11
"Why would I do that?" I asked Dad, my voice barely a whisper. "That's so cruel! Lalayuan ko 'yong walang kasalanan sa akin?!"
"Why? Can't you handle it? Are you falling in love with that guy?!" His voice was sharp, laced with barely concealed anger. "Sisigawan mo pa ako?!"
I closed my eyes, trying to calm the storm brewing inside me. "N-No! But he's a good friend of mine."
He was practically the only one who understood me.
"Do as I say, Amari. If you don't want to study in the province for college, then sundin mo ako. Don't try to fool me, you know me. May isa akong salita."
"I can't!" I finally snapped, my voice rising in defiance.
"You can't stay away from him, or you can't study in the province? It seems like you're falling in love with that guy, huh?"
"No. It's just. . . he's the only one who understands me here."
"You're so stubborn! Mana ka sa Mommy mo! Ice won't do you any good. He'll just play with you. He'll hurt you, Amari. You'll end up heartbroken and alone."
"I'm just protecting you!" he added.
"Protecting me from what?" I asked, my voice laced with frustration.
He's not like that. Kuya Ice isn't like that! I wanted to scream, to shout at Dad that he was wrong, but the words caught in my throat. Kung may prumoprotekta man sa akin, si Kuya Ice 'yon. He's saving me from my cruel family.
I was so tired of being told what to do, of being treated like a child.
I just wanted to be with Kuya Ice, to be myself around him, without fear of judgment or disapproval.
But I also knew that defying Dad would mean losing him, and that was a price I couldn't afford to pay. Nasanay na akong may Kuya Ice sa paligid ko. Nasanay na akong may umaalalay sa akin.
Maiintindihan ako ni Kuya Ice.
So I swallowed my pride and my tears, ang bigat para sa aking iwasan ang isang taong walang ibang ginawa sa aking masama.
Walang ibang may alam, hindi rin alam ni Kuya itong magiging pag-iwas ko.
"May mga mata ako sa paligid, Amari. One wrong move, sa probinsya ka mag-aaral."
Hindi ako sumagot. Bumaba ba ako ng sasakyan at dumiretso sa loob. Noong Huwebes pa namin pinagtatalunan ito ni Daddy, at noong mga nakaraang araw, nakakausap ko pa si Kuya Ice.
Naka linya na ang mga estudayante. Lahat excited sa Intrams, samantalang ako lumilipad ang utak ko.
I'm wearing our designated color - Blue t-shirt for non-players na Grade 10 students.
Kalat ang estudyante. Hindi ko muna nagawang hanapin mga kaibigan ko.
The program started. May sepak takraw at volleyball games dito sa ground. Finally, nakita ko na mga kaibigan kong may bitbit na mga pagkain.
"Nood tayo badminton sa loob! Next nyan basketball!"
Hinila na agad nila ako papasok ng gym kahit 'di pa ako nakakasagot.
Badminton and basketball.
Nakahanap kami ng magandang pwesto. Napagbigyan din dahil nga raw President ako kaya ang iba'y pinapadaan agad kami, kahit nakapila naman kami nang maayos.
Badminton game started, hindi ko maiwasang hindi maipagkumpara ang galawan nila sa kung papaano maglaro si Kuya Ice.
"Mas magaling siya."
"Sino, bes? Sinong kausap mo r'yan?" takang tanong ni Bianca. "Gutom ka ba? Oh, popcorn."
"Baliw! Si Kuya Ice tinutukoy niya. Badminton player 'yon, eh."
Napainom ako ng tubig dahil sa mga 'to.
Bored na bored akong nanonood. Pero siguro kung siya 'yong nandyan, kahit sumigaw pa ako kaka cheer.
Natapos ang laro. Basketball naman sinunod naming pinapanood. Isinandal ko balikat ko kay Bianca. Wala kasi talaga akong gana. Excited pa naman ako noong nakaraang week. Ngayon, mas gusto kong umuwi. Gusto kong umiyak doon.
Hindi namin pinatapos ang laro. Lumabas na kami at dito sa labas nagtingin. Ang cute pala dahil may mga food stalls dito. Bili lang kami nang bili ng pagkain.
"Lunch daw tayo mamaya. Kasama sila Kuya Lucas. Nauna natapos finals niya. Wala na raw siyang klase. Papa-celebrate."
Ang bilis ng oras. Naghihintay kaming tatlo sa labas ng school. May humintong dalawang sasakyan sa tapat namin. Alam kong ang isa ay kay Kuya Ice. Agad akong sumakay sa van na si Kuya Lucas ang nagmamaneno.
"Luh! Doon ka kay Kuya Ice!" Hinihila ako palabas ni Lorraine.
"N-Nakaupo na ako."
Hindi na kasi kami kasya roon. Nag presinta si Ate Amy at Kuya DJ na lumipat doon.
Sinisiko ako ng dalawang kaibigan ko. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay nila Kuya Lucas, at nagpahuli ako sa pagbaba.
"Hi, Amari!"
Napalingon ako sa pagtawag sa akin. It's Kuya Ice. Kumakaway siya sa akin, nakangiti pa.
Patay malisya ako. Hindi ko siya pinansin at naglakad paalis.
Nakita ng ilan iyon at nagtataka sila sa ginawa ko.
"Ngi. Magkaaway kayo?"
Umiling lang ako.
Naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko. Pabango pa lang niya, kilala ko na.
Ipinaghila niya ako ng upuan. Tinignan ko lang iyon, bago ako lumipat malayo sa kanya.
Tumaas ang isang kilay ng kapatid ko dahil sa ginagawa ko. Napailing pa siya.
Nag-umpisa na kami sa pagkain. Sabay na rin pala rito iyong birthday ni Tito Lee. Nasa kabilang long table sila.
Sa pagkain ko, maingat na inilapag ni Kuya Ice ang isang extra plate sa tapat ko. Buttered shrimp iyon na binalatan niya.
"Hindi ako nakain niyan. Thanks." Malamig na wika ko bago itinuloy ang pagkain.
"S-Sorry." Hindi niya iyon binawi pero umalis na rin siya.
Hindi ko malunok kinakain ko. Gusto ko siyang tignan. Pero alam kong nakasimangot na 'yon. Nagtataka sa ikinikilos ko.
Nagkwekwentuhan lang sila, wala akong marinig na kahit ano galing kay Kuya Ice.
"Kailan tapos sem mo, Isaac?"
"Next week. May isa kaming exam ngayong week. Sa Wednesday yata, Marga?"
"Yes yes yow, Isaac. Review ka na, you know the drill!"
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya Ice. After non, hindi na ulit siya nagsalita.
"Kayo, Amari? Hanggang kailan Intrams niyo?" tanong ni Kuya para lang 'di ako maging tahimik dito. Ni hindi ako tinitignan ni Kuya.
"Wednesday po. Kailan kami lagi sa school, eh."
"Kanina nga may naglalaro ng badminton. Anong sinasabi mo, bff?"
Nadala pa ni Lorraine dito pagiging lutang niya.
"Wala, crush niya raw badminton player na nasa kabilang section." Pagdagdag ni Bianca.
Lumipat ng pwesto si Kuya Ice. Malapit na siya sa tapat ko. Hawak niya phone niya, ramdam kong tumitingin siya sa akin, puro iwas lang ang ginagawa ko.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko, alam kong galing sa kanya 'yon dahil hawak niya ang phone niya.
Kita ko kung papaano niya inayos ang uniform niya, at paghubad ng coat niya. Suot niya rin 'yong matchy bracelet namin.
"Pasaan ka bukas, Ice?"
"Condo lang. Bakit? Tangina niyo, 'wag kayong pupunta ron!" Inayos niya ang buhok niya. "Hindi ako makakapag-review nang maayos."
"Ayain ka lang uminom mamaya?!" si Kuya Juan. "Matinding get well na naman 'to, men!"
Nasabi sa akin ni Kuya Ice na binabawasan na niya ang pag-inom niya.
Napahintay tuloy ako sa isasagot niya.
"Pass. Marami akong nire-review. Sama ako, pero 'di ako iinom."
"Ulol. Wag ka na sumama."
Tinawanan na lang niya iyon.
"Tara na? Need ko pa bumalik sa school."
"Kay Ice ka na sabay."
Nagkatinginan kami ni Kuya Ice. I gave him a blank stare. "Ayoko."
Napakagat siya sa ibabang labi niya dahil sa sinabi ko.
Gusto kong saktan sarili ko. Hindi ako ganito. Hindi ko kayang makasakit nang ibang tao. Ayos nang masaktan ako, 'wag lang ako 'yong makasakit. Walang ibang ginawa 'yong tao kundi tulungan ako, kundi pagaanin loob ko, pero ganito lang sinusukli ko.
Patawarin mo ako.
Nauna akong sumakay sa van, nagmadali akong punasan ang luha kong kumawala sa mga mata ko. Ang bigat ng dibdib ko.
Nakita ko ang mabilis na paglagpas ng sasakyan ni Kuya Ice sa amin kaya binusinahan siya ni Kuya Lucas.
"Sino kasama niya roon?" nag-aalalang tanong ni Ate Margarette.
"Ariane, Amy, at DJ. Baka si DJ nag-drive. Hindi nagmamaneho 'yang si Ice kapag 'di maganda lagay," sagot ni Kuya Lucas.
Sa hindi kalayuan nakita naming nakahinto sila. Bumaba si Kuya Ice at Kuya Lucas. Hindi marinig sinasabi ni Kuya Lucas pero pinagsasabihan niya yata si Kuya Ice. Si Kuya Ice kasi ang bumaba galing driver's seat. Tango lang siya nang tango bago ulit pumasok.
Pagkarating naming school, tahimik lang kaming tatlo. Inilabas ko ang phone ko. Tahimik lang ako sa sulok nitong room na pinasukan namin.
Ice Miguel
are u mad? hindi ba tayo bati? bakit?
are we good? may nagawa ba ako? tell me, please.
talk to me when you're ready, okay? i'm here lang.
Ibinaba ko ang phone ko. Ni restrict ko ang convo namin.
"I'll stay here muna."
Hindi ko alam kung narinig ako ng mga kaibigan ko.
Nagising ako mula sa pagkakaidlip, nagulat ako dahil natutulog dalawang kaibigan ko sa hindi kalayuan sa akin. Akala ko'y iniwan ako rito, napangiti naman ako.
Maaga pa pala. Rinig pa nga rito sigawan ng mga students.
Natapos ang araw namin. Sinundo ako ni Kuya. Hindi niya ako iniimik. Nainis yata si Kuya kung papaano ko trinato kaibigan niya.
Well, nakakainis naman talaga. Hanggang makarating kami sa bahay, wala kaming kibuan.
Bumaba ako para magpahangin.
"What was that, Amari? Ano 'yon?" Kuya's brow furrowed in confusion.
"I don't want to be friends with him anymore," I said, my voice firm but my heart pounding in my chest.
The words felt like a betrayal, a lie I had to tell.
"Nagkukulitan lang kayong dalawa rito noong Sabado. Kahapon, nagsimba kayo. Ano 'yon? Ang gulo," he said, clearly.
"Eh, ayoko na siya maging kaibigan. Ayoko na nang kahit ano sa kanya," I insisted, my voice shaking a little. "I realized na I'm uncomfortable makipag-friends sa boy. That's why."
Liar. Each word felt like a knife twisting in my gut. It wasn't true.
I didn't want to hurt Ice, but I had no choice. Dad had made it clear. If I didn't distance myself from Ice, he would take me away.
Hindi lang ako kay Kuya Ice mapapalayo, pati na rin sa mga kaibigan ko. Ayoko.
"Nagtatanong 'yong tao sa akin. Kausapin mo 'yon. Parang ewan, bunso. Hindi tayo ganyan, ha?" He sounded exasperated.
"Ayoko nga. Ayoko na siyang makausap. Ayokong makita," I choked out, tears threatening to spill.
Nakasalubong ko pa si Daddy. Naka one week off siya ngayon. Hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako paakyat ng kwarto ko.
I'm sorry. Ayaw ko rin, pero kailangan.
Sa ilang buwan naming naging magkaibigan ni Kuya Ice, ramdam na ramdam ko kung gaano ako kahalaga sa kanya. Iyong mga bagay na kaya kong gawin mag-isa ay iyong mga bagay na parang biglang 'di ko kaya tuwing kasama siya. Kasi kusa niyang ginagawa para sa akin. Ayos lang pala kung may isang taong umaalalay sa atin.
Kung papaano niya ako alagaan, patawanin.
Iyak ako nang iyak. He's so freaking good. Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganon si Daddy kay Kuya Ice.
Lumipas ang mga araw, natapos ang buong linggo kong walang balita sa kanya. Pero nakikita ko siya rito sa bahay. Sa akin lang talaga siya ipinapaiwas ni Daddy.
Chinecheck ko messages niya, palagi niya pa rin akong chinachat.
Tulad ngayon, andito silang lahat sa bahay. Pati mga kaibigan ko. Walang pasok hanggang Tuesday. May event na gaganapin sa San Lorenzo, natamaan ang school namin at SanLo University.
"Tara, Batangas tayo!" Pag-aaya ni Kuya Harold. Excited pa.
"Hindi ako sasama," tanging sagot ko na ikinagulat nila.
"Bawal KJ, bunso. Tara na. Minsan lang."
"May exam pa kayo next week. After sem niyo na lang," bored na sagot ko.
"Aalis na kasi si Isaac next week. Kaya gusto namin bukas na. Tsaka na move na exam namin, nagawa na kanina. Semestral break na namin."
"Oh, okay. Edi kayo na lang po pumunta. Ayoko po talaga."
Saan siya pupunta? Aalis? Bakit? Pasaan? Gusto kong tanungin pero ang kapal naman ng mukha ko kung gagawin ko iyon.
"Set na," si Kuya Ice at inilapit ang upuan sa mesa.
Inilabas ko na lang kunwari ang phone ko pero ang totoo ay nakikinig ako.
"Sa Batangas, ayaw niyo? Sa may Laiya beach. Maganda roon," Kuya Ice suggested.
Nag-check agad sila ng kung ano-ano.
Pumasok ako sa loob para ipagtimpla sila ng juice.
Iniayos ko na iyon sa tray. "I'll help you na. Ako na r'yan."
Halos manlamig ako sa kinaroroonan ko nang makita si Kuya Ice mismong harap ko.
"Ako na. Kaya ko naman."
"I know. Pero gusto kitang tulungan."
Padabog kong ibinaba ang hawak ko. "Edi sige."
"Sungit, sungit." Pang-aasar niya sa akin. "May cupcakes and cookies ka r'yan. Natikman mo ba iyong ipinadala kong pasta kahapon? Hinahanap ka ni Mommy, sayang 'di ka nakapunta kahapon. Birthday ni Daddy. Hindi mo ako nirereplyan, eh. Wala ka bang load? Loadan kita. Para makuha ko rin number mo."
How I missed.
Iyong pang-aasar niya. Iyong amoy niya.
"May nagawa ba ako?" mahinang tanong niya. "Bakit 'di mo ako kinakausap?"
Tumingin ako sa kanya. "Wala. Pero a-ayoko nang maging kaibigan ka."
"Bakit? Pwede ko bang malaman?" nabigla siya sa sinabi ko. Nakita kong nasaktan siya sa sinabi ko.
"Kailangan ba may rason lahat? Bakit? Ano ba tayo? Friends lang."
"Naguluhan lang ako kasi bigla mo akong iniwasan. M-Masakit. Hindi ako sanay. Friendship over na lang bigla."
"Oh, okay. Sorry, then. Ano ba kita? Bakit ka nasasaktan? Friend lang naman kita, 'di pa nga nagtatagal pagkakakilala natin. Kulang lang sa alak 'yan. Sige na, kinuha mo naman na 'yan, ikaw na maglabas."
Tumalikod ako.
"I'll wait for you. Dito lang ako."
"Ayaw na nga kitang makita, eh. Ayokong may alam ako tungkol sa iyo. Sana gets mo. Matalino ka naman." Iyon ang huli kong sinabi bago ako lumabas.
Tahimik ako, pero gusto ko nang sumabog. Iyong mga sinabi ko, hindi totoo 'yon. Gusto kong bawiin.
Natapos sila sa pagpaplano. Sasakyan ni Kuya Lucas at Kuya Ice ang gagamitin bukas. Inayos pala nila kung sino magkakasama sa sasakyan. May mga gamit kasi, 'di naman pwedeng puro bag ang kasama ng isang sasakyan. Nakita kong andoon ako sa sasakyan ni Kuya Ice.
Kumunot ang noo ko. "Huh? Ayoko. Lilipat ako or 'di ako sasama."
"Amari." May bakas ng inis sa tono ni Kuya. Naiirita na 'yan.
"Eh, ayoko nga. Para naman kayong ewan. Kayo na lang pala." Iniusog ko ang papel pabalik sa kanila. "Kung gusto niyo, kayo na lang tumuloy. Malalaki naman na kayo."
"Hoy, Amari." Seryoso ang boses ni Lorraine na sinaway ako.
"Hayaan niyo na. Si Ariane na lang, palit sila." Mahinang ani Kuya Ice.
Bakit si Ariane? Eh, edi magkatabi sila? Dahil papalitan ni Ariane 'yong pwesto ko. Nyay. Ginusto mo 'yan.
Nagbibiruan pa sila kung sino magdadala ng pinakamalaking maleta para sa tatlong araw.
"Isaac, what time mo susunduin si Ariane bukas ng madaling araw?"
"Susunduin pa? Pwede namang matulog si Ariane sa condo ni Ice or sa Alabang."
"Baliw! Hindi pa naman ako nakakatulog sa condo niya."
"Ay, edi sa bahay pala?" Pang-aasar ni Kuya Benj.
Napalingon tuloy ako at nagtama ang tingin namin ni Kuya Ice. He smiled, tumaas lang isang kilay ko bago umiwas.
"5 am meet up, ha? Bawal ma-late."
"Dadaanan ko si Bianca at Lorraine, malapit lang ako sa kanila. Tapos iyong iba, kita tayo sa gas station, doon niyo kami hintayin." Si Kuya Lucas.
Lumayo ako nang bahagya, at nagulat ako nang lapitan ako ni Ate Margarette.
"You okay?"
"O-Opo ate. Thank you po for asking."
She smiled at me. "Kayo ni Ice? Mukhang 'di kayo okay, ha? Anyare?"
Umiling ako. "Wala naman po ate."
"Mahirap iyan. Yung may bitbit ka sa puso mo. Talk to him. Ayusin niyo. Sayang friendship."
Wala namang kailangang ayusin si Kuya Ice, wala naman siyang sinira. Ako lang naman.
Kinaumagahan maaga kaming nagising ni Kuya. "Ayusin mo ugali mo, bunso. Wag ganon. Wala namang ginagawa sa iyo 'yong tao."
Pagpapaalala ni Kuya. Kayanga ginagawa ko 'yon para lumayo na loob ni Kuya Ice sa akin. Isang maliit na maleta ang dala ko.
Hindi ko na siya pinansin. Nag tricycle na lang kami papuntang meet up place. Naka pajama at tshirt nga lang ako. At ipinusod ang buhok ko.
Yakap ko ang sarili ko. Nasa maleta pala 'yong jacket ko. Nasa sasakyan na 'yon.
Dumating na ang isang van, panigurado sila Kuya Ice na 'yan. Pero ang alam ko may kasama siyang drivr dahil hindi niya pa raw kaya masyadong malayo ang Btangas.
Inilagay na ng mga kaibigan ko ang bag nila sa sasakyan ni Kuya Ice. Pagbalik ni Bianca may hawak siyang hoodie at iniabot sa akin. Alam kong 'di sakanya 'yon.
"Ayaw mo? Akin na lang. Palit tayo."
Kinuha ko na ang hoodie at isinuot. Amoy Isaac Miguel Rivera, amoy baby.
Doon nakasakay dalawang kaibigan ko, si Ate Amy. pati si Kuya Harold, at Kuya Benjie, at Kuya DJ. Ako, si Kuya, Kuya Lucas, ate Elijah, Kuya Juan, at Ate Margarette naman ang magkakasama.
Nag-umpisa ang byahe namin. Nauuna kami kila Kuya Ice. Nakabuntot lang sila. Mabuti ang at 'di niya binibilisan ang pagmamaneho.
Umidlip lang ako at pagkarating namin nasa SLEX na kami, stop over.
"Hindi ka bababa, bebe?" Ate Margarette asked. Ako na lang pala naiwan dito, kinatok lang niya ako.
"Bababa po."
Hinintay niya ako. Nasa isang table sila kuya, kumakain.
"Sabi kasi ni Ice kanina 'wag ka muna gisingin dahil baka inaantok ka. Kanina pa tayo rito mga isang oras na." Natatawang aniya.
Nag-cr lang ako at bumili ng pancake. Ayoko mag heavy meal habang may byahe. Inabutan ako ni Kuya ng spaghetti na binili nila sa Jollibee sa tawid.
Nagtuloy na ang byahe, hindi na ako natulog. Nakakahiya 'yon.
Pagkarating namin doon, isang buong bahay ang nirent nila. Beach front din, may swimming pool sa gilid.
"Lamig!"
Niyakap ako ng dalawang kaibigan ko. Napakasiksik talaga palagi ng dalawang ito.
Dalawang kwarto ang meron dito, at dalawang palapag ang bahay. Ang galing dahil kumpleto sa gamit. Ang linis pa.
"Dito ka na sa lower bunk, Amari. Me na sa taas." Pag-alok ni Ate Margarette sa akin.
Nilagay ko sa ilalim ng double deck ang maleta. Naging maingat ako dahil natutulog si Ate Margarette, masakit ang puson.
"Ariane, tara sa labas! May ipapakita ako!" sigaw ni Kuya Ice mula sa labas ng kwarto.
Nagmadaling binuksan ni Ate Ariane ang pinto. Bitbit ang tsinelas niya.
"Be careful ba." Mahinahong sambit ni Kuya Ice.
Tangina.
Ilang minuto lang ay lumabas na rin ako kasama sila Lorraine.
Agad hinanap ng mga mata ko si Kuya Ice at Ate Ariane. Nasa dalampasigan sila, may bitbit na lagayan si Ate Ariane at nilalagyan nilang dalawa iyon. Ang saya nila tignan.
"Amari, don't move!"
Tinutukan ako ni Kuya Uno ng camera niya. Nakangiti siyang lumapit sa akin at ipinakita iyon.
Ang ganda nang pagkakakuha niya. Isesend niya raw mamaya.
"Wala ka bang makulit? Tulog si Ate Margarette."
Napasimangot siya. "Wala. Kaya ikaw muna kukulitin ko. Bantayan daw kita sabi ni Madam ko." Hinila niya ako papalapit sa mga kasama namin. Napatingin sa direksyon namin si Kuya Ice. Hindi ko maaninag pero nakatingin siya sa kamay ni Kuya Uno na nakahawak sa mga kamay ko.
Pinicturean niya lang kami nang pinicturean. Nagsabi rin ako na ako kukuha ng picture niya, buti pumayag.
Bumalik ako roon para samahan si Kuya Lucas at Kuya sa pagluluto.
"Walang buttered shrimp?" napasimangot ako.
"Eh, sabi mo 'di ka na nakain?"
"May binili ako, nasa ref," biglang sagot nang ngayo'y kadarating na si Kuya Ice. "Nalinis na 'yon."
Ramdam ko kung gaano siya kalapit sa akin.
"Anong kinukuha niyo ni Ariane kanina?"
"Shell. Mahilig siya mag-collect ng ganoon. Gagawa raw bracelet, bibigyan kayo."
"Lutuin na ba itong shrimp, bunso?" tanong ni Kuya mula sa loob.
"Ayoko na pala nyan!"
Natigil si Kuya Lucas sa ginagawa at gulat na napatingin sa akin. Hindi ata nagustuhan ang sinabi ko.
"A-Ako na lang magluluto nyan, Vin!"
"Please be nice, Amari." Hindi nakatingin pero iyon ang paalala ni Kuya Lucas.
Ang hirap naman ng ganito. Nakakapagod maging masama. Hindi naman ako ganito. Naiiyak na ako sa galit sa sarili ko.
Sa pagkain, katapat ko siya.
Noong 'di ko siya iniiwasan, tatabi at tatabi siya sa akin. Ngayon, umiiwas ako.
Napansin niya yatang 'di ko gusto ang ibang nakahain. Inalapit niya sa akin ang buttered shrimp na iniluto niya.
Ngumiti lang siya, walang ibang sinabi. Kumuha na rin ako doon dahil wala naman akong ibang gustong ulam ngayon.
Hapon na nang lumabas kami. Walang gustong lumangoy, puro takot mangitim. Jusko.
"Ayaw mong lumapit doon?
Umusog ako palayo. "Edi ikaw pala. Ikaw nakaisip."
Wala siyang isinagot, tahimik lang siya. "Mag iisang week mo na akong 'di pinapansin. Hindi ko pa rin alam anong naging kasalanan ko. Pero kung meron man, I'm sorry."
"I'm uncomfortable around you. Okay na? And please, delete all your facebook post about me? Hindi talaga ako comfortable."
That's not true. I find your presence very comforting.
"I'm s-sorry," he whispered, his voice filled with sincerity, "for not realizing sooner how much my presence affects you."
Natahimik ako. Instant regret ang naramdaman ko, ang bigat sa puso. Kung alam mo lang gaano mo ako napapakalma.
"Please, sana huli na nating pag-uusap 'to. Ayoko na talaga magkaroon ng kahit anong connection sa iyo."
"H-Hanggang makauwi lang tayong Metro Manila, after t-that, h-hindi na kita guguluhin. But, I'll be there if ever you need me."
"Hindi na kita kailangan, okay?"
He looked down. "I know," he said, his voice barely a whisper. "But I still want to be there for you, kasi kaibigan pa rin kita, kahit 'di mo na ako kaibigan."
"Kulit mo. Kairita."
"Amari. Kapag ba nawala ako, mamimiss mo ako? Ako, ano, miss na kita."
"Hindi. Sino ka ba?"
Mapait siyang ngumiti pero kita ang sakit sa kanya. "Wala, itinanong ko lang. Suplada. Napakasungit talaga. Kapag ikaw tumanda agad kakasungit mo." Nakuha niya pang magbiro at tumawa, but I know it was a facade that couldn't hide the hurt underneath.
Saan ba kasi siya pupunta?
Paminsan-minsan sinusubukan niya akong kausapin, pero puro tipid lang ang pagsagot ko at kung minsan ay panay ang iwas ko.
Nagising ako kinagabihan, at wala akong kasama rito sa kwarto. Kinuha ko ang phone ko. Chine-check ko pa rin talaga kung nagme-mesage siya sa akin kahit naka restrict na siya.
Ice Miguel
bati na tayooo.
miss na kita mo ba charger ko? hehehe
sungit, gumising ka na! aba?! 😠
Marami pa iyon, ang iba'y pinipilit niya akong magbati na kami.
Nakita ko silang naglilinis ng lamesa. Siguro iinom tong mga 'to.
"Iinom kayo, Kuya?"
"Hindi. May mga nakitambay kanina, galing dyan sa kabila, 'di nilinis. Nasapak pa kamo si Ice, bigla sinapak, eh."
"A-Asaan siya?"
Itinuro ni Kuya Lucas ang isang cottage. Nakita kong andoon mga kaibigan ko.
"Napaano ka?" iyon ang bungad ko. Hindi ko maiwasang hindi tanungin.
"Sinapak, eh. Parang gago naman." Si Ate Ariane.
Tinawanan siya ni Kuya Ice. "Eh, yaan mo na. Wala na 'to. Hindi naman masakit."
Lagi na lang nasusuntok 'to, eh! Tamo, ako sasapak sa isang ito para matauhan.
"Rest ka muna rito. Ako na tutulong don magluto."
Naiwan kaming dalawa rito.
"Sakit."
Pagpaparinig niya.
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Ano, makipagbati." Nginitian niya ako nang nakakaloko.
"Dagdagan ko na lang 'yang sapak mo."
"De, masakit nga. Malaki katawan nong lalaki, eh."
Bahagya akong lumapit. Di ko maiwasang hindi mag-ala.
May malaking pasa siya sa right part ng face niya. May sugat din sa left part ng labi niya.
"Lagi ka na lang nakikipagsapakan."
"Kanina? Hindi, ah. Galing akong dagat, tamo basa pa nga ako. Lasing sila, eh."
Hindi iyon valid para manakit sila ng iba. Sana maisumbong, nakakatakot ginawa nila.
Kinaumagahan, same routine. Breakfast, ligo sa dagat, at kwentuhan.
Si Ate Margarette nga panay na ang langoy. Ang sexy niya sa red swim suit niya.
"Siguro may ganyan ka rin? Suot na!"
"Ikaw na naman? Ang kulit. Sabing ayoko nga sa presence mo."
"Hanggang bukas na lang naman."
Hindi ko siya pinansin, at sumama sa mga kaibigan ko.
Naka shorts shorts ako, at oversized tshirt, nagmukha tuloy akong walang suot na short.
Kinuhanan kami ni Kuya Uno nang napakaraming pictures. Kulang nalang maging model na rin si Ate Margarette dito.
Sa hindi kalayuan, nakita kong nag-iinuman sila Kuya. Tanghaling tapat, panigurado bagsak yang mga yan mamaya.
"Marunong kang lumangoy?" Ate Amy asked pagkalapit sa akin.
"Medyo... Takot lang kasi ako sa dagat, may sanay ako sa swimming pool."
"Same! Baka kasi may biglang humila rito."
I smiled.
"Come! Sama ka sa akin, pagitna tayo!" Excited niyang turan.
"H-Ha? E-Eh! Takot ako," I said, honestly.
"Hawak kita. Promise."
Tinanggap ko ang kamay niya. Naglakad kami palayo sa mga kasama, ini-enjoy ang hampas ng alon sa amin.
"Hoy! Ingat! Malalim na r'yan! Pumarine na kayo ulit!" sigaw ni Ate Margarette.
"See! Maganda rito!" si Ate Amy habang winiwisikan ako ng tubig.
Ilang saglit ay inaya niya na ako pabalik sa pwesto namin.
Bigla akon may kung anong naramdaman sa paa ko, kaya napabitaw ako sa mga kamay ni Ate Amy na ngayo'y pabalik na sa pwesto namin.
Halos matangay-tangay ako ng alon. Lumagpas na ako sa area kung hanggang saan lang pwedeng lumangoy. Wala akong makitang mahahawakan ko rito. Late nang napansin ni Ate Amy na 'di niya ako kasama. Sinubukan niyang lumapit sa akin pero 'di niya na kaya.
"T-Tulong!" Sinusubukan kong lumundag at itaas ang kamay ko.
Umiiyak ako dahil sa kaba at takot. Ang dami ko na ring nainom na tubig dagat. Ramdam ko na rin ang pananakit ng mga mata ko.
Nag-uumpisa na rin ang pag-ulan, medyo nakakalayo na ako. Parang mawawalan na ako ng hininga, dahil halos lampas ko na ang tubig.
"K-Kuya Ice!" Iyon ang huling sinabi ko.
Nagising akong nasa salas. Lahat nakapalibot sa akin.
Napapikit ako dahil sa kanila. "I'm good." Pagsisinungaling ko.
"I am sorry, Amari. Hindi ko namalayan 'yon."
"That's fine, Ate. M-May kung ano kasi akong naramdaman sa paa ko, kaya napabitaw ako."
"Akala ko mamamatay ka na."
Sinamaan ko ng tingin si Lorraine.
"Gago, totoo! Kung 'di lang nag jet ski si Kuya Ice? Naku! Panigurado lunod ka talaga!"
Napalingon ako kay Kuya Ice. Nakatingin siya, halata ang pag-aalala.
"Thanks," I mouthed.
Lumabas kami para kumain. Pakiramdam ko'y nagpapalutang-lutang pa rin ako.
After that, napagdesisyonan nilang maglaro. Truth or Dare ulit. Same mechanics lang kagaya noong birthday ni Kuya Elijah. Pero lahat ng dare gagawin. Ang pag shot ay para lang sa Truth na hindi masagot.
"Dare pala, ha? Lapit ka sa isang babae roon, tapos hingiin mo phone number tanong mo kung available siya mamayang gabi," utos ni Kuya Harold kay Kuya Elijah.
Mukhang super basic para kay Kuya Elijah na gawin iyon. Iniyakap nga agad ng babae ang kamay sa leeg ni Kuya Elijah bago ibinigay ang phone number.
"Truth. Hindi ko babaguhin." Pagsagot ko.
"May namimiss kang isang tao ngayon." Tumango ako bilang sagot kay Lorraine. "Okay, meron. Sino 'yon?"
Ngumisi ako sa kanya. Can't answer that, bff! Kinuha ko ang shot glass na puno ng alak at ininom iyon nang minsanan.
"Pait!"
Tumapat ang next kay Kuya Ice. "Dare." At ako ang magbibigay ng Dare sa kanyan.
"Wala akong maisip. Gayahin mo ginawa ni Kuya Elijah."
"Ayy. Pass ako r'yan, boss! Iba na lang."
"Dare nga. Edi sana 'di ka na sumali," pagsusungit ko.
Itinaas niya dalawang kamay niya na parang suko siya. At naglakad.
Malayo pa lang pinagtitinginan na siya. May kusang babaeng lumalapit sa kanya.
Napairap ako.
"Ikaw nag-utos nyan, bes," bulong ni Bianca.
Masyadong madikit iyong babae sa kanya. Hindi dumadampi ang kamay niya sa babae.
Pagbalik niya nakangiti siya dahil nagawa niya ang dare.
"Tuwang-tuwa ah?"
"A-Aba? Kako kanina palitan, eh. Ayaw mo, sinungitan mo ako." Pagmamaktol niya.
Nagtuloy-tuloy pa ang laro namin.
"Okay, dare!" si Ate Ariane.
"Kiss or hug someone you like," si Kuya Harold na naman.
"Lagi na lang kiss, amp! Siraulo 'tong si Harold."
Tumayo siya, naglakad, paikot sa amin. Sinasabi niyang nahihiya siya. Bumagal ang paglalakad niya at huminto sa likod ni Kuya Ice na ngayo'y busy sa kanyang rubics cube. Umiiling pa nga.
Nagulat kami nang bigla niyang binigyan ng tatlong halik sa pisngi si Kuya Ice.
Napatikhim at iwas ako ng tingin. Gago naman.
"You like him? Tangina mo, 'di ka ba lasing?" si Kuya Harold.
Nag-angat ako ng tingin. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Kuya Ice na ngayo'y clueless. Bumitaw agad ako at pilit dinidistract sarili ko.
"Since junior high." Paliwanag ni Ate Ariane. "I'm sorry, Isaac!"
"A-Ayos lang!"
Parang may kung anong sakit akong naramdaman sa puso ko.
"Ang sakit ng ulo ko. I need to r-rest na." Tumayo na ako habang naglalaro pa sila.
Agad akong dumapa sa kama. Pilit binubura 'yong nakita ko kanina.
Maaga akong nagising, last day na namin ngayon. Uuwi kani after lunch.
Nagpakuha kami ng litratong magkakasama. Ramdam kong nasa tabi ko si Kuya Ice.
Humiwalay ako para bumili ng mga pasalubong.
"Hi, Ms. Wala kang kasama?"
Obvious na nga, itatanong pa!
"Yes po."
"Pwedeng makuha name mo?" Mas lumapit siya sa akin.
"Hoy, gago!" May bumato sa kanya ng tsinelas. "Sorry, madam! Laging ganyan yan dito. Ano po sa inyo?"
Iniabot ko ang mga ipinamili ko. "Four hundred pesos po lahat."
"Keep the change!" I smiled.
"T-Teka! A-Anong pangalan mo?"
"Am-"
"Amari. Tara na, kanina pa kita hinahanap." Hinawakan ni Kuya Ice ang mga kamay ko. Ngayon na lang ulit ito. "Crush ng bayan." Pang-aasar niya sa akin.
"Ughh!" Hinigit ko ang kamay ko at naunang naglakad.
"Samahan mo ako, Amari."
"Malaki ka na. Kaya mo 'yan."
"Dali na! May bibilhin lang tayo. After nito, tatahimik na ako."
Nilingon ko siya at pumayag.
"Aray. Halatang ayaw mo na talaga akong kasama." Ramdam ko ang sakit sa boses niya.
Namili siya ng bracelet. At may isinuot sa akin. "Gift ko for you. Color pink with first letter ng name ko." Natatawa niyang sambit habang isinusuot iyon sa akin. "Wag mong tatanggalin, ha? Lucky charm mo na ito simula ngayon. Baka sakaling mamiss mo rin ako."
May letter I iyon at may isang heart na beads.
"Will you be okay if I distance myself? If I stop bothering you?" he sked me.
"Yep. It will give me peace of mind," I replied.
"In that case, I'll give it to you. Your peace of mind is important to me. After this, I won't bother you anymore."
"Siguraduhin mo lang," I responded.
"I'll do it, even if it goes against what I want," he said with a heavy heart. "Tara na?" he gently asked.
Binagalan ko ang paglalakad ko para makasama ko pa siya.
"Ay kabagal maglakad. Siguro gusto mo pa akong kasama 'no?"
Oo.
Hindi ko na siya pinansin. Hanggang sa makarating kami sa van.
Nasa byahe na kami. Si Kuya DJ ang nagmaneho ng sasakyan ni Kuya Ice dahil masakit daw ang katawan niya.
Sa bahay nila Kuya Lucas kami lahat bumaba.
Inabuta ako ni Kuya Ice ng water. "Nasa metro na tayo. Anong sinabi ko sa 'yo?"
"Hindi ko pala kaya," maliit na boses niyang tugon.
"Kayanin mo. Ilang buwan pa lang naman tayong nagkakilala. Ako, kaya ko na wala ka."
Hindi niya ako pinansin. Naupo lang siya sa tabi ko. Inabutan kami ni Ate Ariane ng pagkain.
"Hindi ba aalis ka?" biglang tanong ko.
"Hmmm. Oo, babakasyon lang ako. Flight ko ng Sunday."
Three weeks din kasi ang sembreak nila. Tapos 'di pa naman agad start ng klase.
Nilagyan niya ng pagkain ang plate ko pagkaabot ni Ate Ariane ng extra plate sa tapat namin.
"Anong gusto mong pasalubong?" tanong niya na naman.
"Iyong 'di mo na ako kakausapin."
"Saan 'yan mabibili? Wala yatang ganyan sa Japan."
"Ang kulit kulit mo naman. Wala kang isang salita. Sabi mo kapag andito na tayo 'di ka na mangungulit."
"Sorry."
"Kainis, walang isang salita!" Padabog akong tumayo at lumayo sa kanya.
Kitang-kita 'yong disappointed looks nila sa ginawa ko dahil medyo napagtaasan ko ng boses si Kuya Ice.
Kung disappointed sila sa ikinikilos ko, ako rin. Sobra.
Pagkapasok ko sa loob, sinalubong ako ng yakap ni Ate Margarette.
"Everything will be okay. You guys will be okay."
Hinahaplos niya ang likod ko. "I know may reasons ka. I know you're not like that."
Pinunasan niya ang mukha ko dahil napaiyak ako.
Pinuntahan din ako ng mga kaibigan ko.
"Sorry." Iyon lang nasabi ko sa kanilang dalawa pagkalapit nila.
"May gumugulo ba sa iyo? Pwede ka magsabi sa amin, ha?"
Umiling ako. "A-Ang sama ko ba?"
"Oo." Diretsang sagot ni Lorraine. "Pero kasi bes, alam ko namang may reason ka. Pero, pwede mo naman siguro ipaliwanag sa kanya nang maayos? Maiintindihan niya 'yon."
"Ilang beses nang napapahiya 'yong tao. I know hindi ka ganyan. May gumugulo sa isip mo. Talk to him nicely. Pwede ka magsabi sa amin, ha?" si Bianca. "Sabihin mo 'yong reason mo. Maiintindihan ka niya."
Magalit na lang si Kuya Ice sa akin kaysa sabihin 'yong reason ko. Knowing him, lalapit at lalapit pa rin siya pagnalaman niya reason ko. Itong ginagawa ko para sa aming lahat, kapag lumayo loob niya sa akin, hindi na niya ako kakausapin. Hindi ako ililipat ng province.
Mas okay na 'to.
Pagkarating na pagkarating sa bahay, pinagsabihan agad ako ni Kuya.
"Ano 'yon, unso? Sinabihan naman kita."
"Eh, ang k-kulit nga. Ayoko nga, eh."
"Pwede namang huwag mo na lang pansinin, kaysa pinapahiya mong ganon. Nakakahiya, eh. Simula Batangas hanggang pag-uwi?"
"Edi siya sabihan mo, Kuya. Basta ako, ayoko na madikit sa kanya. Masyado siyang clingy! I hate it."
Sa ilang araw, nakita ko na lang sa group chat namin na nasa airport na si Kuya Ice. Kasama niya si Isabel at Ian, at isang Yaya ng kambal. Isinend niya iyon sa gc dahil hinahanap ni Ate Ariane ang kambal.
Kamukha talaga ni Kuya Ice si Ian. Napakapoging bata.
Tamad na tamad tuloy akong mag-isa rito sa bahay. Si Kuya umalis, kahit wala naman siyang training ngayon.
"Hindi ko na nakikita si pogi," sabi ni Manang.
"Umalis po. Nagpunta pong Japan, bakasyon."
"Ah! Nakita ko siya noong nakaraang araw sa supermarket. Hinahanap ka niya sa akin, eh. Hindi ba kayo okay?"
"Ayos lang po kami."
"Sabi niya hindi." Natatawang ani Manang. "Tinanong ko bakit 'di na napunta. Sabi hindi mo raw siya bati. Away bata siguro itong dalawa."
Nakita ko lang mga facebook post niya sa second account niya. I'm glad nae-enjoy niya ang vacation niya. I am so happy kasi hindi siya prine-pressure ng parents niya kahit siya sunod na tagapag-mana ng company nila. Tho, minsan nasa restaurant siya to check or para mag-interview ng applicants. Nae-enjoy niya pa rin teenage life niya and at the same time, nakakapag-aral pa rin siya nang maayos, plus his hobbies.
Napa-stalk lang ako sa kanya. Hindi na siya masyadong nagpo-post, nabura na rin ibang status niya. Ang tanging naiwan na lang dito ay mga random photos niya.
I checked our gc lang because andaming crying emoji ni Ate Margarette. Lilipat pala ng Basketball Team ng College of Accountancy and Business Ad. si Kuya Ice ngayong 2nd semester nila. Tapos pwede siyang mag try out para maging Varsity player ng SanLo.
Napatingin ako sa wrist ko. Suot ko iyong pink bracelet na binili niya para sa akin noong nasa Batangas kami.
Cute talaga dahil may initial niya ito. Kinuhanan ko ng picture iyon, pero hindi halatang iyon ang subject ko, bago ko ipinost sa fb story ko, nilagyan ko lang ng caption na - bored zzz.
Isaac Miguel Rivera reacted to your story.
Isaac Miguel Rivera replied to your story.
yehey! bff pa rin kami, suot niya bracelet. ^_^
hahahaha, bogoshipda!
~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro