Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

"Bruha ka! Nag-open ka na ba facebook mo?"

Ito ang bungad sa akin ni Lorraine pagkapasok ko ng room. Nagkasabay pa kami ni Bianca.

"Nope. May iba akong ginawa," sagot ko dahil iyon naman ang totoo.

"Bianca, anong sabi ni Amari bakit 'di siya nakapunta last Saturday?"

"Ano, sabi niya'y nilalagnat siya."

"Engk! Wrong! Nag-date sila ni Kuya Ice." Nakangisi sa akin si Lorraine.

Paano naman alam ng isang 'to? Hindi nga ako nakapag-post ng picture namin ni Kuya Ice.

"May pinost si Kuya Ice, kahapon. Ikaw na tumingin, bff. Para ikaw kiligin."

I pouted, bago kinuha ang cellphone ko. I stalked him agad agad.

Ice Miguel posted a photo.
And when you smile, the whole world stops and stares for awhile. 'Cause girl you're amazing just the way you are ~

Dalawang pictures ko ito. Iyong isa habang nasa arcade kami, at ang isa'y noong kinuhanan niya ako ng picture sa labas. I'm smiling sa lahat ng pictures na iyon.

Napa-heart react agad ako. Andaming reacts ng post niyang iyon. Nag-iwan na rin ako ng comment ko roon.

Arvin Gabb Guanzon
ganda ng kapatid ko. anong iginayuma mo? :D

Gelly Guanzon
salamat sa update. ngayon ko na lang ulit nakitang nakangiti ang bunso ko ng ganyan. maraming salamat, Isaac. sana di ka magsawa kahit minsan masungit si bunso. hehe joke.

Amari Gracey
thank u for making me smile, Kuya Ice! :D

"What the fuck. Friend 'yan?" pang-aasar ni Bianca sa akin.

"Si ate natin ay naka subscribe sa bff premium pro max. Tama? Tama!"

"Iba ang kilig kapag duma-damoves si Kuya Ice. Wala bang something? Wala ka bang nararamdaman?"

"Ano meron. Inis sa inyong dalawa, kung ano ano na namang sinasabi niyo."

"Grabe, 'no? Nababago ka ni Kuya Ice. Grabe mga ngiti mo. Grabe glow mo. He likes you. Ramdam ko."

"Totoo! Napaka-attentive niya pagdating kay Amari! Tapos 'yong mga secret glances niya sa bff natin, B! Kinikilig ako. Tamo, ipino-post niya pa si Amari. Lowkey is not allowed! Kahit sino kikiligin, kahit sino iisiping may something!"

"Paano mo alam 'yong secret glances, eh secret nga?!" Si Bianca.

"Bobo ka naman! Hindi naman sa akin nakatingin, kay Amari, okay?! Kainis. Pakutos nga, B. Akala ko ako ang lutang sa atin, ikaw pala."

Napailing ako sa kanila. "Mabait lang siya. A-Ayaw ko talagang bigyan ng meaning lahat. Baka mamaya binibigyan ko ng meaning, pero casual lang pala sa kanya. Nagmukha naman akong tanga no'n."

Never assume, unless otherwise stated.

"Itataya ko bahay at lupa namin."

Mahina kong binatukan si Lorraine.

Hindi na kami nakapagchismisan dahil nag-start na ang klase. Hindi rin ako makapag-focus dahil sa mga iniisip ko. Parang ang dami tuloy gumugulo sa isip ko.

Halos buong klase yata akong lutang, buti wala kaming recitation. Halos pinag-usapan lang nila 'yong nangyari noong Family Day nila.

"Kayo bes?" Humarap sa akin si Bianca habang may hawak na pagkain. "Anong nangyari noong Friendly Date niyo ni Kuya Ice?"

"W-Wala! Para kayong sira talaga."

"Luh, stage one indenial!"

"Lumabas lang kami, kumain, naglaro. Ayon lang."

Humalukipkip si Lorraine. "Walang aminan?"

"Wala! Sinong aamin? Good friends lang kami."

"Okay, good friends. Maunang umamin, talo."

Siguro, dapat tinitigilan na nila kakanood ng KDrama, isama nila si Kuya.

Maaga kaming nakauwi ni Kuya dahil wala naman daw siyang training, busy na sila sa finals nila. Mid-week ngayong October ay semestral break na nila hanggang November. Wala namang ganoon sa amin.

Nagulat ako nang makita si Mommy galing sa loob ng kwarto ko, may hawak siyang paper.

"Good afternoon po." Nagmano kami ni Kuya.

"What's this, Amari?" galit na tanong ni Mommy. "May Family Day kayo last Saturday pero hindi mo sinabi sa amin!"

"I t-tried po. Habang kumakain tayo, pero hindi kayo nakikinig. And, iyan din po 'yong day na may a-awarding si Kuya."

"Alam mo namang pwedeng pumunta kahit isa sa amin, 'di ba? Ano na lang iisipin ng mga teachers mo? Na masyado kaming busy?!" pasigaw na tanong ni Mommy sa akin.

I smiled bitterly. "B-Bakit, Mommy? Hindi po ba? Nasendan po kayo ng email, a week before ng Family Day, pero wala naman po kayong ginawa."

"Oh my gosh, Amari!" Napahilamos si Mommy sa mukha niya. "Nakakahiya! Kaya pala tinanong ako ng teacher mo kanina kung ba't wala tayo last Saturday!"

"Totoo naman, Amara. Masyado na kayong busy. Nakipag-debate na 'yang bata, pero wala rin kayo."

"Nakakahiya naman mga ginagawa mo, Amari. Jusko ka namang bata ka. Pwede mo namang ipaalala sa amin ng Daddy mo."

"Bakit po, Mommy? Kapag sinabi ko po sa inyo, sino po ang pupunta sa inyo ni Daddy? Sino po ang magsasakripisyo na hindi maka-attend sa event ni Kuya? Meron po ba? Wala naman po, eh. Ano pa pong sense kung sasabihin ko."

Natahimik si Mommy. Kasi tama naman ako. Walang kayang magsakripisyo sa kanila. Nasanay naman na rin ako, laging walang pumupunta para sa akin.

"Hayaan niyo na po. Family Day lang po 'yan. Sa apat na taon kong nag-aaral, apat na taon naman na rin po kayong 'di nakaka-attend."

Pumasok ako sa kwarto. Hindi, hindi na ako iiyak. Ayoko. Sanay na ako, kaya 'di ako iiyak. Pinakalma ko ang sarili ko.

Gabi na nang lumabas ako ng kwarto. Nakita kong andito na si Daddy.

"Ano na namang kalokohang ginawa mo, Amari?"

Kunot noo akong napatingin kay Daddy. Clueless, 'di ko alam, wala naman akong ibang ginagawa.

"May Family Day kayo pero 'di ka nagsabi!"

"Ah, ayon po ba? Wala po 'yon."

Nakita ko ang galit na mga mata ni Daddy sa mga tanong ko.

"Sino po bang isasama ko? Busy naman po kayo kay Kuya." Palagi. "Nabigyan naman din po kayo ng notice ng school."

"Bakit hindi mo ipinaalala?"

"Ipinaalala ko po. Sinubukan ko po, pero 'di naman po kayo nakikinig sa akin. Nagsasalita po ako noon, pinutol niyo ako."

"Sasagot ka pa?! Bastos ka talaga."

See? Kapag sumagot, bastos. Kapag tahimik, guilty.

Kailangan ko pa bang ulitin 'yong sinabi ko kay Mommy? Nakakapagod kapag paulit-ulit.

"Nagalit po ba kayo dahil 'di kayo nakapunta or nagalit kayo dahil nahihiya kayong tinawagan kayo ng teachers ko? Pangalan niyo lang naman po iniisip niyo."

Sinampal ako ni Daddy. Napahawak ako sa kanang pisngi ko dahil sa lakas at sakit nang pagkakasampal.

"Jusko, Gabby!" Hinatak ni Manang papalayo sa akin si Daddy.

"Kaya niyo po bang h-hindi pumunta sa event na 'yon ni Kuya para sa akin? S-Sino po sa inyo ni Mommy ang magsasakripisyo? Wala naman po."

"Lumayas ka sa pamamahay na 'to! Bastos kang bata ka! Ayaw kitang makita! Palasagot ka na! Bakit? Anong ipinagmamalaki mo?!"

Hindi ko alam, pero parang naubusan na ako ng luha. Napagod na rin siguro talaga ako.

"Ang hilig-hilig mong sumagot sa amin. Bakit sa tingin mo 'di ko alam na sinagot-sagot mo ang Mommy mo kanina?!"

"I'm tired, Daddy." Mapait ang ibinigay kong ngiti sa kanya. "Sa labing anim na taon kong nabubuhay, I rarely feel to be heard or seen in this household. No, no. N-Nakikita niyo pala ako, pero 'yong mga mali ko. Pero kasalanan niyo rin naman. Naging voiceless ako, kasi kapag sumagot ako ibig sabihin bastos ako. Kapag nanahimik ako, guilty ako. Saan ko na lang po pala ilulugar sarili ko?"

"Lumaki akong walang tulong na galing sa inyo. I mean, the e-emotional support. Kasi kayo nag-caused ng emotional damage sa akin. Iyong mga simpleng salita na gusto kong marinig, naibigay niyo po ba? Kahit simpleng, congrats anak. Narinig ko po ba? H-Hindi! Ang daya-daya niyo! You guys are so unfair pagdating sa akin!"

Doon ako napahagulgol. Napaupo ako dahil sa bigat ng puso ko.

"Ilayo niyo 'yang batang 'yan sa akin. Ayokong makita rito sa pamamahay ko 'yan. Wala akong pakialam, ilayo niyo 'yan baka kung ano pa ang magawa ko!"

Napakababaw nila. Siguro, humahanap lang talaga sila ng dahilan para mapaalis ako sa bahay. Kaya kahit simpleng bagay, pinapalaki nila.

Tumakbo ako papalabas ng bahay. Hindi ko alam saan ako pupulutin. Cellphone at isang libo ang nasa phone case ko. Ni wala akong ibang dala.

Nakalabas na ako ng sundivision namin. Napayakap ako sa sarili ko dahil para na rin akong niyayakap ng lamig.

I tried to call my friends, anong oras na rin, paniguradong tulog na sila. Hindi kasi sila nagpupuyat. Wala rin akong load, tanging pang messenger lang meron ako.

Napaupo ako sa labas ng convinience store. Nagugutom ako pero wala akong gana.

Nakatulala lang ako rito, pinagmamasdan mga taong dinadaanan ako. Nadaanan pa ako ng kapitbahay namin, nagulat siya nang makita ako rito. Isinasama niya na ako pauwi pero 'di ako sumama.

Iyong pagtakbo ko palayo ng bahay, hindi na bago. Ginagawa ko na ito noon.

Isang oras na rin ako rito. Nakakatanggap ako ng text mula kay Kuya pero 'di ko mareplyan.

"Amari!"

Napamulat ako mula sa pagkakapikit nang makita ko siya.

Anong ginagawa niya rito?

Agad siyang bumaba ng sasakyan niya at nagmadali akong pinuntahan.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang tatanungin ko. What are you doing here?" Napahawak siya sa magkabilang braso ko. "Did you cry? Namamaga mata mo. Anong oras na nasa labas ka pa?"

"P-Pinalayas ako sa bahay. Ayaw nila sa akin."

Hindi siya sumagot, niyakap niya ako. "Uwi ka muna sa akin. Sa akin ka muna."

Isinuot niya sa akin ang jacket na gamit niya, bago nagpaalam para bibili ng pagkain ko sa loob.

Agad niya akong inalalayan papasok ng sasakyan niya.

Tahimik ako buong byahe. Nahihiya ako, sinabi niyang uuwi kami sa condo niya.

Nilingon ko si Kuya Ice, halatang wala siya sa mood. Nakasimangot lang siya.

"P-Pwede ba ako roon? Nakakahiya. Tatayong dalawa lang doon. B-Baka kung anong sabihin nila."

"Pwede akong umuwi ng Alabang, Amari."

Natahimik lang ako.

"Kakausapin ko si Ate Ishy. She's in here condo right now. Katabi ng unit ko."

Nakarating agad kami sa condo niya. Sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy ng baby. Inilibot ko ang mata ko, napakalinis. Parang hindi natitirahan. Naabutan pa naming switch ang TV, nakalimutan daw niyang patayin.

May isang malaming sofa sa tapat ng TV. May malaking carpet din. Kulang gray ang loob ng condo niya.

Nakayuko lang ako, tumabi siya sa akin at binigyan ako ng tubig.

"Go on, you can cry. Don't bottle it up. Let it all out."

Sa sinabi niyang iyon, bumuhos ang mga luha ko.

"They're so u-unfair! I hate them!"

Wala siyang ibang sinasabi, nananatili lang siya sa tabi ko.

"Dahil lang sa maliit na b-bagay, pinaalis ako sa bahay."

"You can come here, always. Pwede kang pumunta rito."

Hinilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha.

"Can I just stay here kahit ngayong gabi lang?" mahinang tanong ko.

"You can stay here hanggang kailan mo gusto. Hanggang maging maganda ang pakiramdam mo. Nakausap ko si Ate Ishy, mag-stay ako sa unit niya. You'll stay here."

"T-Thank you." Nakakahiya, unit niya ito pero siya ang maga-adjust. Dalawa naman ang room dito, pwedeng dito naman siya.

Nakita kong may mga libro sa dining table niya, mukhang doon siya nag-aaral. Naabala ko pa.

May binuksan siyang isang kwarto. "Here's my room. You can stay here. Nasira kasi aircon sa kabilang room. Wait, you wash up first."

Ang aliwalas ng kwarto niya. May isang bookshelf na talagang puno ng libro. Sa katabi ay may malaking cabinet. Nakasabit ang ilang medals niya sa wall. May study table siya sa gilid, may family picture dito.

Sinundan ko siya hanggang sa kabilang kwarto. "Guest room ito. Dito madalas si Mommy tuwing 'di nakakauwi sa Alabang. You can use my shirts or my mom's shirt."

Ako na ang pumili nang isusuot ko.

"I'll cook lang."

Naligo agad ako.

Pagkatapos ko nakita ko siyang nagluluto, at ang isang kamay niya ay may hawak na libro.

"I'm sorry. Naabala kita."

Nagulat siya sa biglang pagsasalita ko kaya agad niyang naibaba ang libro.

"No, don't say that. Hindi pa rin naman ako kumakain. Maupo ka muna, patapos na rin ito."

Ipinaghain niya ako ng buttered shrimp at fried rice. "Sorry, hindi pa ako nakakapag-grocery kaya ito pa lang meron ako."

"Thank you, Kuya Ice." I smiled.

"You're always welcome. Sasabihin ko kay Vin na andito ka, ha? Para alam niyang safe ka. Don't worry, sa kanya ko lang sasabihin."

Tumango ako at nagsimulang kumain. After niyang i-text si Kuya, itinuloy niya ang pagbabasa at chine-check ako halos kada minuto.

Sabay kaming napatingin sa phone niya.

"Mommy's calling."

Sinagot niya iyon at ini-speaker.

"Hello, Isaac. What are you doing right now, baby?" mahinahon at malambing na tanong ni Tita.

"Good evening, Mommy. I'm currently reviewing po. I have quizzes and reportings tomorrow. And, by the way, Mommy. I'm with A-"

"You're with a girl?! Isaac!" Tita Isabela in a warning tone.

Napangiti ako. Nag-aalala si Tita na baka nag-uwi ng babae si Kuya Ice, pero ang soft pa rin ng voice niya.

"Chill, Mommy. I'm with Amari. She's not okay, so dinala ko muna rito."

"Sorry! Naka speaker ba ito? Naririnig niya ba ako?"

"Yes, Mommy!"

"Hello there, Amari! Don't be shy, ha? Feel at home lang. Hope you feel better na."

Nagkatinginan kami ni Kuya Ice, napangiti siya sa akin.

"Good evening, Mrs. Rivera. Thank you po."

"Too formal, sweetie. Just call me Tita. You can stay there. You're safe. If may want ka don't be shy to tell kay Isaac, okay? Sleep early, ha? Rest your mind."

Napangiti ako. Sa ilang saglit parang nakahanap ako ng kakampi sa kanilang dalawa.

"Isaac, don't hurt her, okay? Ingatan mo siya. I'll message your Ate Ishy also. I'll end the call na. Tatawag ako sa kambal. Good night, Amari. See you!"

"Sorry, madaldal din kasi si Mommy."

After kong kumain, ako na ang nagligpit. Ayaw pa nga ni Kuya Ice kanina pero pinilit ko. Nakakahiya naman kung pati paghugas nang pinagkainan ko ay siya pa ang gagawa.

Binuksan niya ang isang kwarto, hindi siya pumapasok sa loob nang makapasok ako roon. Isinindi niya ang aircon.

"Thank you, ulit." I said genuinely.

"No problem. Call me if you need some help, okay? Dito lang muna ako sa labas. May tv dyan if you want to watch, may mga book ako riyan, if you want to read."

Tumango ako sa kanya. Isinarado niya na ang pinto.

Ilang oras na akong paikot-ikot mula sa pagkakahiga, pero 'di ako makatulog. Para akong namamahay.

Napatatingin ako sa isang study table. May picture si Kuya Ice rito na nakalagay sa frame. It's him during his Junior High School Days, recognition. Ang daming medal na nakasabit sa kanya.

I can say that he loves taking pictures. May mga polaroid siya sa wall.

Lumabas ako, at nadatnan ko si Kuya Ice, andoon pa rin nagbabasa habang suot ang specs. May mahina rin siyang music.

Agad niyang pinatay iyon nang makita ako. "Sorry, nagising ba kita? Kaya 'di pa ako nalipat sa unit ni Ate Ishy, ayaw kasi niya ng may music tuwing ng-aaral siya. Ako, hindi makapag-aral nang maayos kapag walang music. Sorry."

"Ha? Hindi! Hindi lang talaga ako makatulog."

Naglakad ako papalapit sa may balcony. Nakatali na ang kurtina rito, kanina kasi ay nakababa ito.

"Ang ganda." Iyon na lang ang nasabi ko nang makita ko ang city lights. Ang sarap ng hangin.

Nakakatuwang pagmasdan ang nag gagandang city lights. Hindi ko maiwasang hindi ma-amaze sa nakikita ko.

"Ang ganda 'no? Ang payapa."

Tumango ako. "Maganda rin ako, magulo nga lang."

"You're like a beautiful flower, blooming even in the midst of chaos."

Napatingin ako sa kanya, he's already looking at me. Nakikipagtitigan siya sa akin, at ako ang natalo. Ako ang unang bumitaw.

"What time klase mo later? Hindi ka pa ba inaantok?"

"Afternoon class ako. Pero may isang morning class akong inilipat nila. 8 am class for my reporting."

"You should take a rest na rin."

"Tara na sa loob? Malamig na masyado rito sa labas, baka magkasakit ka."

Suot ko pa rin ang jacket niya.

Inayos niya ang libro, inilagay niya ito sa isang cabinet. Kinuha niya rin ang isang card at tatlong door keys.

"Good night, Kuya Ice. T-Thank you so much."

"Good night, Amari. Don't let the bedbugs bite! Call me if you need something, hmm?"

Kinaumagahan, hindi ako pumasok. Wala naman akong gamit dito.

8:45 am na rin nang makita ko ang wall clock.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Nakita kong may nakahain na roon at may nakaiwang sticky notes.

Good morning, Amari.
Sorry, hindi na kita ginising, kailang mo kasi magpahinga. Here's your breakfast. Eat, okay? Gawin mo lang kahit anong gusto mong gawin. Feel at home! :D

Napangiti ako nang mabasa ko iyon. Nagluto siya ng spam, hotdog, and egg with fried rice. Grabe nagawa niya pa ito kahit busy siya. Sana kumain din siya bago umalis.

After kong kumain, naglinis ako kahit wala akong makitang dumi. Inayos ko lang pagkakalagay ng mga libro niya. May mga car toys collections siya. Sa isang sulok ng wall, may mga nakalagay roon na raketa niya for badminton.

Inopen ko lang ang phone ko.

Arvin Gabb
You're with Isaac daw. I'm glad you're okay.
Ipinadala ko na excuse letter mo. Sorry, bunso.

Ice Miguel
Are you awake na? Kumain ka, ha? Huwag mahihiya. Hapon pa uwi ko, kaya 'wag mong gutumin sarili mo. Iniwan ko card ko, you can use it if you want to order online.

Nakatulog ako sa may sofa. Nagising ako dahil sa may mabango akong naaamoy. Napabalikwas ako nang makita ko si Kuya Ice na nagluluto.

"Akala ko mamayang hapon ka pa?"

"Nag-aalala ako sa iyo. Akala ko kasi kung napaano ka na. Tinatawagan kita, pero 'di ka sumasagot." He pouted.

"I'm sorry. Nakaidlip ako." Pagkatingin ko sa phone ko lunch time na. "A-Anong oras next subject mo?"

"1:30 pm pa naman."

Ipinagluto niya ako nang sinigang na hipon. Tumatawa siya dahil puro hipon daw ang nabili niya noong nag grocery niya, at feel niya iyon na raw pinakamadaling iluto.

Magkasabay kaming kumain. Siya na nga naghugas bago siya pumasok ulit.

Naligo na rin ako, nakatambay ako halos buong araw sa balcony nila. May nakita akong lego, at doon ko 'yon binuo. Hindi naman siguro niya ako pagagalitan dito. Lego house ito.

Sinendan ko siya ng picture nang ginagawa ko.

Amari
binubuo ko sya hehe.

Ice Miguel
cute! meron pa r'yan sa may cabinet or sa room ko.

Amari
hmmm. okay!

Ice Miguel sent a photo.
Got a perfect score! 😎

Amari
wow! congrats! so galing!

Ice Miguel
brb! dito na prof naming masungit. last subject na ito. btw, kumakain ka ba shawarma? bili ako later.

Wala man lang akong natanggap na messages sa pamilya ko. Iyong gc naming tatlong magkakaibigan, nag-aalala raw sila sa akin bakit 'di ako nakapasok. Alam naman na rin nila na tuwing nilalagnat ako, 'di ko sila pinapapuntang bahay.

Nang matapos ko ang mga ginagawa ko, idinisplay ko ito sa coffee table. Flower itong ginawa ko. Bumalik lang ako ulit sa balcony para dumungaw sa ibaba na agad kong pinagsisihan dahil nahilo lang ako. Ang taas nitong condo unit niya.

Ilang saglit lang naramdaman kong may nagbubukas ng pinto. Lumapit ako para pagbuksan siya.

Napatanga ako nang makita ko ang dalawang malalaking paper bag ng isang shawarma store.

"Hindi ko kasi alan kung anong mas gusto mo. Chicken or Beef, kaya bumili ako dalawa sila. Ayos ba?"

"Dapat nag-franchise ka na lang pala."

"Good idea, pero mas okay kung ako na lang magtatayo."

"H-Hoy! Joke lang, baliw 'to."

Tinawanan niya ako.

Pagkalabas niya naka shorts and jersey tshirt na siya.

"Kain ka na, pili ka na lang dyan."

"Eh, ikaw?"

"Hmmm. Kakain din, may hinahanap lang sagllit."

Inayos ko na iyong pagkain, nagtimpla pa ako ng juice.

"Ay, ang kuya mo pala. Pupunta rito maya maya. Hindi kami nagsabay, may isang klase pa."

Tumango na lang ako.

Nag-umpisa na kaming kumain.

"Kumusta ka naman dito? Nab-bored ka ba?"

Umiling ako. Mabagal pala talaga ang oras kapag walang ibang ginawa.

At iyon na nga, dumating na si Kuya. Agad akong yumakap sa kanya pagkadating niya.

"Glad you're okay." Lumapit siya kay Kuya Ice at nakipag fist bump. "Thank you, men. Paano mo nahanap si bunso?"

"Galing ako malapit sa subdivision niyo, kinuha ko laptop ko. Dumaan ako convinience store, bibili sana ako noodles. Kako bakit may pamilyar, si Amari pala."

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Kuya sa akin.

Mabagal ang naging pag-iling ko. "B-Bukas na, kapag hindi na sila galit. Pagagalitan lang naman ako ulit."

"Don't worry she's safe with me, tho she's alone here na natulog, sa unit ako ni Ate Ishy natulog."

"Thank you talaga, Ice."

Ngiti ang isinagot ni Kuya Ice. Kumain muna si Kuya bago umalis.

"Huwag magpapasaway rito, ha? Bukas susunduin kita ng hapon. Aalis na ako."

"Drive safely, Kuya."

Sumama kami ni Kuya Ice kay Kuya pababa. Medyo madili na rin noong unalis si Kuya.

"Kumakain ka barbeque?"

Patatabain naman yata talaga ako ni Kuya Ice. Tumango ako at inaya niya ako sa food bazaar dito malapit sa condo.

We decided na rito na kumain for dinner. Nagutom ako sa nakita kong inasal tapos unli rice pa.

"Nagkakamay ka ba?" tanong ko.

"Aba! Oo naman!" Isinuot niya ang plastic gloves na bigay sa amin ng store.

Akala ko biro-biro lang niya. Mukhag mas magaling pa nga siyang magkamay.

After naming kumain, naglibot kami rito. Mabuti nga at kakaunti lang ang tao ngayon. Bumili lang kami ng ilang pagkain bago bumalik sa condo niya.

Nauna siyang naligo, naka shorts lang siya at tshirt.

After naming maglinis, dumiretso ako sa balcony, gumagawa pa si Kuya Ice ng assignments niya.

Napako ang tingin ko sa katapat na condo building, at sa nasa halos katapat naming floor. Pinatay ang ilaw sa loob ng unit nila, at pagdating sa balcony may candle lights. Hindi ko lang masyadong marinig pero alam kong may sweet music sila, nag-umpisa sila ng sweet dance. Hanggang sa yumakap ang babae sa lalaki.

"Omg! That's so cute!" Napapasok ako sa loob ng unit. Gulat pang napatingin sa akin si Kuya Ice. Inaya ko siya palabas ng balcony, at itinuro sa kanya.

"Kilig. Sana all." Mahinang wika ko.

"In love na in love sila, 'no? Sana sila na talaga."

Nanatili akong nanonood sa kanila. Para tuloy akong kasama sa relasyon nila.

"Kilig na kilig ka r'yan, ha?" Pang-aasar ni Kuya Ice sa akin. May inilabas siyang foldable table and dalawang chair. Inilabas niya rin ibang binili namin kanina. "Wear this. Malamig." Agad kong isinuot ang jacket niya.

"Ang cute 'no? Hindi halata pero nagkacrush din ako noong elementary." Wala sa sarili kong sambit.

"Sino? Si Felix?" Natatawang aniya.

Nilingon ko siya ay inirapan. "Hindi ah! Limot ko na name niya. Pogi kasi siya, tapos tahimik."

"Sorry, pogi lang kasi ako."

"Antok ka na yata?" Sabay kaming natawa. Parang may libre movie tuloy kami dahil pinapanood pa rin namin 'yong dalawang magkasintahan sa kabilang condo building.

Tahimik lang din si Kuya Ice sa tabi ko. Kaya napalingon ako sa kanya.

"Ano ang ideal type mo sa isang babae?"

Napatingin siya sa akin. "Ikaw."

"Huh?"

"H-Huh? A-Ano. I m-mean, ikaw muna? Anong standard mo sa l-lalaki?" Utal-utal niyang sagot bago uminom ng tubig.

Isinandal ko mga kamay ko sa railings ng balcony.

"You know, noong elementary ako, may mahaba kaming listahan. Gusto ko noon - pogi, chinito, mas matangkad sa akin, matalino, tahimik. Someone who can makes me laugh. You know, I wanted to be with someone with specific qualities and traits."

"Hmmm. Okay. Oh, anyare sa mga 'yan?" Kuya Ice nodded while listening intently to me.

I sighed. "You know, as time passed, I met new people and my views changed. An kumplikado pala ng puso. The heart wants it wants, regardless of those standards."

He nodded. "I agree. Life throws an unexpected twist, and those standards become disregarded. Parang bulang naglalaho na lang bigla."

We fall silent, each lost in our own thoughts.

"How about you? What's your ideal type?" I asked, curious.

"Just like you. I also had long checklist. Gusto ko 'yong nasasabayan pagiging sporty ko, adventurous, pretty, smart, ambitious, s-same age, friendly. Ganyan mga standards ko noon, eh."

Wala man lang ako sa mga nabanggit. Lol. Erase, erase!

"Hmmm. Then?"

He smiled at me. "Love surprises us. It introduces us to people who may not meet our 'standards' yet impact feelings in ways we never thought. Ayon, nawala lahat bigla 'yan nong tinamaan ako, eh. Ay hindi, andoon pa rin naman siya, pretty, smart, and ambitious." Mahina siyang natawa sa kanyang huling sinabi.

"It's so funny kapag nawawala bigla 'yong standards natin sa isang tao when someone unexpectedly catches our hearts."

"Nawawala kapag puso na ang nag-decide." He added with a grin.

"It's no longer about sa paghahanap ng perfect person. It's about finding someone who perfetly compelements who we are, flaws and all."

"Yes. Our hearts guide us to where we genuinely belong. Regardless of any standards about who we should be with." Kuya Ice concluded.

Tumayo siya at isinandal ang likod sa railings ng balcony, agad ko rin siyang ginaya. Nakatingin lang siya sa itaas. Parang ang dami niya pang gustong sabihin.

"M-May I ask something?" I stammered, breaking the silence.

Oh, Amari, why are you so nervous? Just ask the question.

"Sure, go."

My cheeks flushed, and I couldn't meet his eyes. I turned away, mirroring his posture. "I-Is it okay to start liking someone you've just met?"

This is so stupid. Baka isipin niya nababaliw ako?

"Ohh. Why? May nagugutuhan ka na ba?" I felt his gaze on me, warm and intense. He's looking at me. I can feel his eyes on my face. Why does he have to be so handsome? "That's totally fine, Amari. You cannot control when or how you develop feelings for someone. It just feels like it does. Hindi naman natuturuan ang puso."

His gaze made me feel flustered. I couldn't think straight. "Baka masyado pang m-maaga."

What if it's just a silly infatuation?

"That's okay, Amari." He chuckled. "Love is meant to be felt, experienced, and embraced. Regardless of how long you've known someone." He's right. Why am I so afraid?

"Pero what if, nagmamadali lang ako? I mean, what if it's just a mistake? Nakakatakot 'no!"

"You should try going out of your comfort zone. Love is about...taking chances. Don't let that fear hold you back from happiness." He's making so much sense. Nakakainis!

But what if I get hurt? Ohh, part naman siguro 'to.

"Nyay! In love!" He teased, a playful glint in his eyes. "Kilala ko ba 'yang lucky guy na 'yan?"

My heart pounded. If I had been drinking anything, I would have choked.

"H-Ha? H-Hindi! Wala ako crush! Pinapatanong lang ng friend ko."

He laughed softly bago tumango sa akin.

"Ikaw? You like someone else?"

"Yes." He answered directly. "Secret, no clue." He added quickly. He likes someone too? Ohh, sino kaya?

"Kunwari ka pa. Alam ko ikaw nagpapatanong." He added teasingly, a mischievous glint in his eyes.

"Sus! Ikaw nga 'di makaamin sa crush mo."

"Sinong may sabi sa iyo nyan?"

"Ako lang!" I grinned, enjoying the playful banter.

He puffed out his cheeks and pouted, his bottom lip sticking out slightly. "Nahanap pa ako perfect timing," he mumbled. "Busy pa siya ngayon. Baka 'di pa maniwala sa akin. Baka mabigla."

"Takot ka ba na hindi ka niya gusto?" I asked, curious. Maybe he's just scared of rejection.

He looked at me, surprised. "Ha? Bakit mo naman naitanong yan?"

"Wala lang," I shrugged, trying to play it cool. But I'm really curious. Is he afraid of getting hurt?

"Ano ka ba," he said, trying to laugh it off. "Hindi naman ako takot. Sadyang naghihintay lang ako ng tamang panahon."

"Tamang panahon? Para saan? Para ma-reject ka?" I teased.

He rolled his eyes playfully. "Hay nako!" He paused, then added more seriously, "Pero alam mo, rejection is part of life. Hindi naman lahat ng gusto mo, makukuha mo."

"Takot ka bang 'di ka niya gusto?"

Natatahimik siya. Aba, napakadaldal lang niya kanina.

He sighed and looked away. "Siguro... Pero mas takot ako na hindi ko maiparamdam sa kanyang gusto ko siya."

He's right, of course. Kasi papaano kung may chance naman talaga?

"Sasabihin ko pa rin kahit may iba siyang gusto. Sasabihin ko lang naman, di ko naman siya pipiliting gustuhin ako pabalik," sabi ni Kuya Ice, his voice a bit quieter than usual. "Take the risk or lose the chance, kahit walang chance at least nasabi ko."

Napalingon ako bigla. "Awww. Meron siyang ibang gusto? Papaano mo alam? Nakausap mo siya?"

"Oo. Siya may sabi," Kuya Ice replied, a hint of sadness in his tone. "Kanina."

Hindi ko alan kung tama ang pagkakarinig ko.

Kinahapunan, sinundo na ako ni Kuya.

Unang bumungad sa akin si Daddy.

"Buti naisipan mo pang umuwi! Kanino ka nagpunta?" His voice was sharp, laced with concern and frustration.

"I-Importante pa po bang malaman niyo? Hindi niyo naman po ako hinanap nong wala ako rito."

"Tamo napakabastos."

"Akyat na po ak-"

"Baka sa iba't ibang lalaki ka lang pumupunta at nakikitulog! Disesais anyos ka pa lang. Mahiya ka naman sa sarili mo."

I stopped, his words hitting me hard. It was embarrassing naman talaga that I'd slept over at Kuya Ice's house, pero hindi ko siya kasamang natutulog.

"Baka mamaya buntis ka na!"

"She's not like that, Daddy! Oh, come on!" Kuya intervened, his voice rising in exasperation.

"Hindi po ako gano'n! Magtatapos ako. Kung 'di niyo kayang maging proud sa akin, magtatapos ako para sa sarili ko, kahit ano'ng mangyari."

I ignored the rest nang sinasabi ni Daddy. Pumasok na lang ako para mag-aral. Idinanan ni Lorraine at Bianca ang notes dito sa bahay kanina.

Dahil dalawang araw akong 'di nakapasok, natambakan ako nang babasahin.

Pagkapasok ko, agad akong inabangan ng mga kaibigan ko sa gate. Inakap pa nga ako.

"Yehey! She's back!" Hinawakan ni Bianca ang likod ko. "Are you okay na? Baka naman pinilit mo lang pumasok, ha?"

Chineck ni Lorraine ang noo ko. "Hindi naman na siya mainit. Pero are you sure, okay ka na?"

I smiled, sweetly. "Promise. Ayoko na mag-absent. Masisira Best in Attendance ko."

"Naisip mo pa 'yan, ha?"

Napatingin ako sa phone ko. Napasimangot ako nang wala akong makitang morning message niya.

Bakit ako nag-aabang? Lol.

Sobrang busy naman ng mga tao ngayon. Sana pala 'di na ako pumasok, about Intrams lang pala 'to.

Sa SSG Office ako dumiretso dahil may kailangan akong contacin for the speakers, tables, trophies, and medals.

"You good na?"

"Yes, Ma'am. Keribells ko na po ulit 'to."

Habang naghihintay ng ibang updates, nakita ko ang tuloy-tuloy na messages sa gc namin nila Kuya.

BASTA GC

Margarette sent a photo.
tamang rubics cube muna, naiwan dalawang phone.

Juan Gio
dami-daming tanga sa mundo, sinarili mo na naman Ice.

Gulo-gulo pa ang buhok doon ni Kuya Ice habang naglalaro ng rubics cube at nakasuot ng specs.

Nagsulat na ako ng updates na kailangan ko. Pinapasobrahan ko sadya ang mga medals. Medyo magulo pa ang official list, nakapag-order pa man din ako.

"Amari, 'nak, naayos mo na ba 'yong mga certificates?"

"Yes po! I'll print po later."

"Thank you!" our SSG Adviser mouthed before umalis dito sa office.

May isang business ang nag-donate ng money sa amin kagabi. Ayaw ipasabi kung kanino, basta malaking halaga 'yon. For foods and drinks ng mga players.

Tinawagan ko agad Vice President para mamili ng mga pagkain, ilalagay na lang muna rito sa office.

Sa ilang oras nakaramdam na ako ng gutom. Kaya agad akong nagtungo sa room namin. Nakitang busy sila roon... busy mag-usap.

Nasa kabilang sulok dalawang kaibigan ko, sumasayaw.

Hindi ko sila agad tinawag para matapos na nila iyon.

Itinuro lang ako ng ibang classmate namin kaya nila ako nakita.

"Hulaan ko, gutom ka na 'no?" Bianca asked.

Tumango ako. Agad kaming nagpunta sa canteen. Mabuti at kakaunti lang ang tao.

"Papasok ba sa intrams?"

"Oo. May attendance 'yon ah. Kapag complete attendance, plus point direct to the card sa MAPEH."

"Ulol, Amari. Walang sinabing ganyan."

"Ay, meron, ha? Kasasabi ko lang. Ayaw mo ba?"

Binatukan ako ng bruha na 'to.

"Ikaw rin may hawak ng mga tshirts?"

Umiling ako. "Nope. Iyong mga head coach na per year. Aba kung ako pa hahawak no'n, mababaog na ako sa stress!"

"May gumugulo sa isip ko." Litanya ni Lorraine.

"Ano? Siguraduhin mong maayos 'yan. Suntukin kita." Pabirong pagbabanta ni Bianca.

"Gaga! Totoo nga. Like, ano kaya feeling ma in love? Ano kaya feeling magkagusto? Magkaroon ng crush?"

Napatango si Bianca! "Ay, oo nga 'no! Ano kayang pakiramdam?"

I rolled my eyes playfully. "Ano siya... nakakakilig, nakakatuwa. Parang p-palagi mo na siyang iniisip. Tapos tuwing makikita mo siya, parang kumakalabog puso mo."

"Ay, wow?! May experience ka, ate girl?" Napahawak sa dibdib si Lorraine na akala mo'y gulat na gulat.

"Huh?! Wala. Ganoon lang sa mga nababasa ko."

"Weh? Talaga?"

"Oo nga! K-Kwento rin ni Kuya."

Hindi ko na masyadong pinapansin dahil aasarin ako nang aasarin ng dalawang 'to. Tumawa na lang ako ng peke at nagkunwari na hindi ko narinig.

Pagkabalik ko ng office, dumating na pala t-shirts and jersey ng ibang year level. Nakikibalita lang ako habang pinapapila ang mga players according sa kung anong lalaruin nila.

Natapos ang araw kong pagod na pagod. Late na kami nakauwi ng mga kasamahan ko sa office, pero 'di pa naman ganoon ka late. Sumakto pa ngang uwian din ni Kuya.

"Weird ni Harold, lately." Si Kuya pagkasakay ko pa lang.

Hindi ko siya pinansin. Hinintay ko lang kung anong sunod niyang sasabihin dahil mukhang seryoso si Kuya.

"Hindi mo ba pansin? Iba kilos niya lately, eh 'no?"

Napailing ako.

"Lagi 'yon sa Baguio. Minsan nga 'di pumapasok. Hindi mo ba nakakausap?"

"H-Hindi. Matagal na kaming walang pag-uusap. Baka busy lang?"

"Ewan ko. Hindi naman nagsasabi. Yaan na, baka busy lang."

Tumango ako.

Ipinadalhan kami ng maliit na paper, andoon mga grades namin dahil 'di maaasikaso ang card day ngayong week at next week.

Inabot ko iyon kinagabihan kay Daddy at Mommy. Walang kibuan, basta ibinigay ko lang.

"Stay away from that Rivera, Amari."

Iyon ang huling sinabi ni Daddy bago umalis sa harap. Hindi makatingin nang diretso sa akin si Mommy. Ni hindi ko nga natanong kung bakit sinabi ni Daddy 'yon.

~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro