Kabanata 1
"Anong ketchup ang wala ako?" tanong ni Bianca sa ngayon ay tahimik na si Lorraine.
Nilingon ko sila pareho, dahil nasa likod sila. Sinundo kami ni Mommy para present kami sa birthday celebration ng kapatid ko.
"Ano?" nakangising tanong pabalik ni Lorraine.
Mukhang kalokohan na naman ang nasa isip ng dalawang ito sa tono palang ng boses ni Bianca.
"Hmmm, edi Papa!"
Pigil na pigil ang pagtawa ni Lorraine. Nilakihan ko silang dalawa ng mata para patigilin dahil baka hindi ma gets ni Mama itong dark humor ng mga kaibigan ko.
"Ay, look! Pina-tattoo ko si Mama sa right wrist ko!" Ipinakita niya ang kanyang right wrist.
"Eh, wala naman?" nagtatakang tanong ni Bianca. Hindi niya na-gets agad.
Hagalpak ang naging sagot ni Lorraine. "Ay, malamang! Wala naman akong nanay!" Tuloy-tuloy lang ito sa pagtawa.
"Oh my God." Iyon na lang ang nasabi ni Mommy habang tuloy pa rin sa pagmamaneho.
Napa-face palm na lang ako. Kukurutin ko talaga 'tong dalawang ito mamaya. Jusko! Pinagsabihan ko pa naman kanina na 'wag magmura, pero iba pala ang mga nasa isip.
Pagkarating namin sa bahay nakita ko na agad sila Kuya kasama ang mga kaibigan niya.
"Happppy Birthday, Kuya!" Tumatakbo kong sigaw para makuha ang atensyon niya.
Nilingon ako agad nito, at sinalubong ng yakap. "Thank you, Amari."
"Andyan na ba crush ko?" pabiro kong tanong habang sumusulyap sa likod niya.
"Si Harold? Ayan agad tanong mo." natatawang tanong ni kuya sa akin habang ginugulo ang aking buhok. "Nasa loob lang. Kadarating lang din. Kumain ka muna, aba!"
Ngumiti naman ako at parang nakaramdam ng kilig. Long time crush ko si Kuya Harold. Since Grade 7 hanggang ngayong Grade 10 ako ay crush ko siya. 2nd year college na sila pero magkaiba sila ng college program ni Kuya.
Nilingon ko ang dalawang kaibigan ko. Nakaupo na pala sila at kumakain. Ang bilis talaga ng dalawang 'to, kaya agad akong lumapit na sa kanila.
"Kain lang kayo, ladies. Kuha lang kayo, okay?" si Mommy habang inilalapag sa table namin ang carbonara.
Nilingon ko si Mommy, ngiti ang naging sagot ko sa kanya.
"Hindi ka ba kakain?" si Lorraine.
"I'm full."
Kumunot ang noo niya. "Eh, hindi ka nga kumain kanina kasi sabi mo marami kang kakainin dito."
"Eh, busog na ako. Andito raw kasi crushiecakes ko. You know, Harold the love of my life."
"Luh! Ayan na naman siya sa sakit niya. Happy crush na umabot nang ilang taon."
Pabiro kong inihagis sa kanya ang tissue na nasa harap ko. "Nakakainis!" Sabay tawanan naming tatlo.
Marami pa ang mga nagsidatingan na kaibigan ni Kuya Arvin. Iba rito ay classmate niya noon at co-players niya sa volleyball. Hindi ko naman kilala ang iba, nasasabi ko lang na co-player ay dahil ang iba ay nakasuot pa ng kanilang jersey.
"Pogi talaga ni Kuya Arvin, ano? Tapos social butterfly. Halos lahat yata kilala niya. Bakit 'di na lang siya sa shool nag celebrate?" biro ni Bianca.
Halos mapuno na ng tao rito sa labas ng bahay, kaya ang iba ay nasa loob na. Hindi na rin magkanda ugaga si Kuya.
Hindi ko rin alam papaano ko aayain mga kaibigan ko para pumasok muna sa loob dahil nahihiya akong maglakad at sumiksik sa maraming tao.
Napansin yata ni Kuya Arvin na bored na ako rito sa baba kaya inalalayan niya kaming tatlo papasok ng bahay.
"Amari!"
Napatigil ako sa pag-akyat nang marinig ko ang boses na 'yon. Paanong hindi ako titigil kung boses 'yon ng aking crushiecakes?!
Hindi agad ako lumingon. Napatingin sa akin si kuya at pasimple pa akong siniko. "Ayan na crush mo. Tawag ka." Pigil na tawa niya.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko bago ako tuluyang lumingon.
"Hello Kuya Harold!" Kumaway ako sa kanya.
Nakangiti itong kumaway sa akin. "Kumusta? Tara dito sa baba!"
"W-Wait lang po, kuya. Magbibihis lang muna kami, mainit po kasi uniform namin!" Nilingon ko ang dalawang kaibigan kong nakangiti sa gilid ko. "Bababa rin po kami agad!"
Tumakbo na ako paakyat sa kwarto, at doon sa kwarto nagsisisigaw.
"Kita niyo 'yon? Ang pogi!"
Naupo sa couch si Lorraine. "What if crush ka rin niya?"
Pabirong ibinato ni Bianca ang throw pillow ko kay Lorraine. "Hindi naman alam ni Kuya Harold na crush siya ni Amari."
"Hoy! Happy crush lang 'to, guys! Siya ay inspiration lang. Promises!"
Nagbihis na lang kaming tatlo. Ipinaalam ko na rin sila sa guardian nila na rito na lang sila sa bahay matulog dahil wala rin naman kaming pasok bukas. May mga damit na nga sila rito sa kwarto ko. Mabuti nga at napakiusapab namin lola ni Lorraine, strikto kasi siya. Hindi niya pinapayagan si Lorraine sa mga ganitong sleep over, kaya mas madalas kami sa bahay nila para mabantayan kami ng lola niya.
Sumilip ako sa labas mula sa bintana ko rito sa taas. "Nagsiuwian na pala ang iba. Nagkakasiyahan na sila roon sa baba. Bababa na ba tayo?" I asked.
"Hmmm. . . ayos lang ba kung 'di na ako makasama sa baba? Medyo inaantok na kasi ako. Napuyat akong nag-review para sa quiz kanina." Nahihiya siyang napakamot ng kanyang ulo. "Bababa rin ako mamaya pagnagising na ako."
Ayaw ko namang pilitin si Lorraine dahil ramdam kong inaantok talaga siya mula kanina at naiintindihan ko naman siya. Late pa nga siyang pumasok buti at nakaabot pa siya.
Kaming dalawa na lang muna ni Bianca ang bumaba. Nagugutom daw siya ulit dahil natatakam daw siya sa luto ni Mommy na tuna pasta.
Nagkakasiyahan silang magkakaibigan sa baba. Andito ibang college friends ni Kuya Arvin. At halos kilala ko na mga kaibigan niyang pumupunta rito sa bahay. Mayamaya pa siguro sila mag-iinuman, pakiramdam ko ayaw rin nila maglasing lalo ang iba sa kanila ay may Saturday class bukas at may practice game. At alam ko na mga 'yan dahil lagi kong naririnig kay Kuya Arvin.
"Amari Gracey!" sigaw ni Kuya Benj nang makita niya ako.
Napangiwi ako dahil sa narinig ko. Gustong-gusto niyang inaasar ako sa second name ko.
"Kuya Benjie!" sita ko sa kanya sabay tawa niya nang malakas.
Linapitan ako at may ibinigay na regalo sa akin. "Biro lang!" Ginulo pa niya ang buhok ko. "Mas gusto pa kitang bigyan ng regalo, kaysa sa kuya mo. Marami namang pera 'yan."
Malaking paper bag ang hawak niya. Alam ko kung ano na agad ang laman - plushie. Marami akong plushie sa kwarto, naging collection ko na mag-ipon ng plushie.
Hindi ko pa agad tinanggap ang paper bag, dahil niyakap ko agad si Kuya Benjie. "Yown! Thank you, Kuya!" Nakipag fist bump pa ako sa kanya, dahilan para magtawanan ibang kaibigan ni Kuya.
Nilapitan na rin ako nina Kuya Lucas, Kuya, Elijah, at Benjie. Bumeso sila sa akin. Nagkaroon lang kaunting kumustahan. Ipinakilala rin ako ni Kuya Arvin sa iba niyang mga kaibigan.
Baka mamaya tropa na rin tawag ko sa mga kaibigan ng kapatid ko. Makakasalubong ko na lang ulit sa kahit saan biglang makikipag fist bump. Ang gara eh.
Hinanap ng mga mata ko si Bianca. Nasa hindi kalayuang table pala siya, mag-isa. Kumakain siya pero halatang malalim ang iniisip niya. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya.
"Hi! Are you okay ba?" tanong ko agad pagkaupo ko.
"Pwede bang dito na ako tumira? P-Parang ayokong bumalik sa bahay."
Gets ko siya. Bata pa lang ay hindi niya na nakilala ang kanyang ama, ang kanyang ina naman ay physically present but mentally and emotionally absent. Madalas silang magtalo.
Niyakap ko agad siya dahil ramdam kong pabagsak na ang luha niya. "You know, you're always welcome here, kayo ni Lorraine. Our house are always open para sa inyo."
But, actually, hindi ako ganoon ka close sa parents ko. Mas close sila ni Kuya. At kahit noon pa ay madalas akong ikumpara ni Daddy kay Kuya. Kaya lumaki akong bitbit ang pressure. Na hindi ako pwede magkaroon ng mababang grades, na dapat mag-excel din ako sa ibang bagay katulad ng sa kapatid ko. Na dapat mapantayan o mahigitan ko ang kapatid ko.
Pinakalma niya sarili niya. Dahil gusto raw niyang mag-enjoy dahil bukas ay paniguradong hindi na naman daw siya masaya.
"Hi ladies."
Hindi agad ako nakagalaw sa pwesto ko nang marinig ko ang boses ni Kuya Harold sa likod ko.
Narinig ko ang sigawan ng mga kaibigan ni Kuya. Mukhang nang aasar pa ang mga 'to. Siraulo talaga. Siguro sinabi ni Kuya na crush ko 'tong si Kuya Harold kaya grabe makasigaw iba niyang kaibigan.
"Hoy, ante! Si Kuya Harold!"
Napatayo agad ako at lumingon kay Kuya Harold na ngayon ay nakangiti sa harap ko.
Jusko! Ang pogi naman ng lalaki na 'to.
"Yes, kuya?"
"Hoy! Bata pa 'yang kapatid ko Harold! Gulpi ka sa akin mamaya!" sigaw ni Kuya.
Mayamaya lang may iniabot siya sa akin na maliit na paper bag. "For you. I bought this from the store, because I remembered you. Open it."
Before ko buksan, kinuha ko muna phone ko at itinapat ito kay Kuya Harold bago kuhanan ng picture.
Nagmadali naman akong buksan. Nagulat ako dahil ang daming ponytail na ribbon ang andito. Iba-ibang design, color, and sizes. I love it! Marami pa akong ganito sa kwarto, pero for sure gagamitin ko palagi itong mga 'to.
"You like it?" nahihiya niyang tanong sa akin.
"I love it! Thank you so much, Kuya Harold! Ang dami nito!"
Ginulo niya ang buhok ko. "You're always welcome, Amari."
Nag-picture din kaming dalawa bago siya bumalik sa table nila. Nakita ko namang binatukan ng kapatid ko si Kuya Harold.
"Wala na, may interaction na naman kami ng crush ko. Feel ko crush niya ako sabi ng baraha sa Tiktok."
"In game na naman siya sa larong ganda-gandahan!" Natatawang litanya ni Bianca.
Napatingin ako sa phone ko. Wala pa rin pala si Daddy, baka busy pa siya or nag overtime ulit sa restaurant. Parehas naman silang sa isang fine dining restaurant ni Mommy nagwo-work. Sa Makati si Daddy, sa may Alabang naman si Mommy. Parehas silang General Manager.
Si Mommy ay abala naman sa pagliligpit katulong iba naming kamag-anak. Bukas pa duty ni Mommy at Daddy, dahil kinuha talaga nila itong araw na 'to para makapag rest day. Umalis lang saglit si Daddy.
Parang may kung anong sakit ang naramdaman ko sa puso ko. Noong ako ang may birthday, late sila. At sa labas na lang kami nag-celebrate kasama si kuya at manang.
Pumasok na muna kami ni Bianca sa loob, dahil nag-iinuman na sila kuya. Nakakahiya naman andoon lang kami. Dinalhan na rin namin si Lorraine ng pagkain niya. Sleeping beauty pa rin ang atake ng kaibigan ko.
Inayos ko regalong ibinigay sa akin sa baba kanina. Nakakatuwa, ang dami ko ng plushies and ribbon hair ties. Napatingin ako sa cabinet ko. Andoon pa pala gift ko para kay kuya. Nakalimutan kong ibigay kanina.
Ilang oras na rin ang lumipas. Sumilip ako sa baba at nakita kong andyan na pala si Daddy. Agad kong inayos ang buhok ko, bago bumaba.
"Where's Amari?" rinig kong tanong ni Daddy.
Binilisan ko ang pagbaba sa hagdan. "I'm h-here po, Daddy." Nagmano ako pagkalapit ko. "Kadarating mo lang po? Kumain ka na po ba?"
Ngumiti siya sa akin. "Kadarating ko lang din. Mayamaya na ako kakain. Kumusta ang school? Kumusta quizzes mo ngayong Friday?"
"Maayos naman po lahat, Daddy. Sa Monday pa po checking ng papers namin. Since tag-30 minutes lang po class namin kanina dahil may faculty meeting po."
"I hope na ikaw ang Valedictorian ng batch niyo, just like your brother. No grades below 90, right?"
Inayos ko ang salamin kong muntik nang mahulog. "Y-Yes po, Daddy."
"Hon, 'wag naman nating masyadong i-pressure si Amari. Nakita mo naman grades niya matataas."
Napataas ang kilay ni Daddy. "Why? Hindi ba niya kayang gawin mga nagawa ng kapatid niya? 93 ang pinakamababa ni Arvin noong High School siya, while Amari? She got 91 sa Araling Panlipunan. Ang baba."
"I'm s-sorry about that, Daddy. Babawiin ko po 'yon ngayong academic year."
Iyong sinasabi ni Daddy, ay last Academic Year pa. Jusko naman!
"As you should, Amari. Ayokong mapahiya ako. Running for Valedictorian ka, right?"
Napayuko ako. Masyado pang maaga para malaman ko ang tungkol doon dahil marami naman ding magagaling sa shool. "It's too early to tell po, Daddy."
"What do you mean, Amari?" bakas sa boses ni Daddy ang pagkadismaya. "Nawawalan ka ba ng focus? May iba ka bang pinagkakaabalahan?"
"H-Hindi naman po sa ganon. M-Marami naman din pong magagaling. A-Ayoko lang naman pong mag-expect kayo sa akin." Pinipigilan kong umiyak sa harap nila.
"Magaling sila pero dapat mas magaling ka, and no, I'm expecting so much from you, Amari."
"I'll do my best to live up to your expectations, Daddy. "
"Kung 'di mo talaga kaya ang Valedictorian, go for Salutatorian. Hindi ako aattend ng graduation mo kung wala ka sa dalawang 'yan. I said what I said, Amari. You know me." Kinuha ni Daddy ang bag niya bago umakyat sa taas at sinundan siya ni Mommy.
Napangiwi ako.
Wow, ha? Ipagpapasalamat ko ba 'yong okay lang kahit maging Salutatorian ako? Lol.
Napaupo ako sa sofa. Nakatulala lang. Napabuga ng hangin sa kawalan. Ang sakit lang ng puso ko.
"Am I not doing great like my brother ba?" tanong ko sa sarili ko.
"You're doing great."
Isang hindi pamilyar na boses ang sumagot sa akin, kaya agad akong napatayo dahil sa gulat.
"Who are you?"
Binigyan niya ako ng isang ngiti. Ngiti na parang matagal na kaming magkakilala at sinasabing 'okay lang yan'.
"I'm Ice. Arvin's friend."
Kumunot ang noo ko.
Mahina siyang tumawa sa naging reaksyon ko. "Bagong kaibigan nila Arvin, kaya ngayon mo lang ako nakilala. And you're Amari?"
"How did you know?"
"Narinig k-"
Pinutol ko agad ang sunod niyang sasabihin. "Eavesdropping!"
"H-Hindi, ha! I mean, ano... 'di ko naman talaga sinasadya. Tinutulungan ko lang sila Manang magpasok ng ibang gamit at kukuha lang ng alak." Ipinakita pa niya ang bitbit niyang tray na may lamang used plates.
Medyo lumapit ako sa kanya. "Did you hear everything my Daddy said?"
"No. I swear." He gave me a reassurance smile. "Hindi ko nga rin nakita si Tita at Tito may ibibigay pa man din sana ako, naka-focus ako sa bitbit ko."
"Sus! Yes or no lang isasagot, nag-explain pa. You're guilty, huh?! And naka-focus ka kamo sa pakikinig."
"Hindi nga. Aba! kulit ng cheerleader na 'to!"
"What? I'm not a cheerleader, no! What are you talking about?" singhal ko sa kanya.
"Ay, hehe. Hindi ba? Mukha ka kasing cheerleader dahil sa ribbon mo, kulang na lang ng pompoms. Pasok ka agad sa cheerleading squad." Agad itong tumakbo papuntang kitchen.
Napadabog ako rito mag-isa rito. Nakakainis naman 'yong tayo na 'yon! Pero 'di naman nakaka-offend. Nainis lang ako kasi napaka feeling close ng tao na 'yon.
"Oh, bakit nakabusangot ka bunso?" tanong ni Kuya sa akin.
"That Ice dude!" humalukipkip ako at bahagyang napasimangot.
Tumawa si Kuya. "Oh, na-meet mo na pala siya. Siya 'yong kwinento ko sa iyo noong nakaraang araw, yung nagbigay ng sisig na nagustuhan mo. He's nice, Amari. Please, be nice to him also."
Wews! So magaling pala siyang magluto? I don't care, inasar pa rin niya ako.
Mayamaya lang ay naramdaman kong pabalik na rito si Kuya Ice.
"Ice, na-meet mo na pala kapatid ko. Nasungitan ka ba? Pasensya ka na, pero mabait to si Amari." Inakbayan pa ako ni Kuya. "Ang sarap nga raw ng gawa mong sisig nong kailan. Gawa ka raw ulit."
"W-What?! Wala akong sinabi!"
"Sus! Deny mo pa, alam ko namang masarap akong magluto, Amari. Kaya sige, pagbalik ko rito bigyan kita, para may lakas ka sa training."
Ayan na naman siya!
Naguguluhang tumingin si Kuya sa akin. "Training for what?"
"Ay, hindi mo pa alam pre? Cheerleader siya. Look, laki ng ribbon sa ulo."
Isang malakas na tawa ang kumawala sa dalawang 'to. At talagang nag apir pa sa harap ko.
Nakakainis talaga!
Hindi ko na lang sila pinansin, at naglakad na lang pabalik ng kwarto.
"Nice meeting you, cheerleader Amari!"
Nagsimba kami ni Kuya ngayon, katatapos lang ng misa.
Habang naglalakad kami may pamilyar na mukha akong nakita.
"Si Kuya Ice, oh." Itinuro ko kay kuya si Kuya Ice na naglalakad mag-isa.
Hinila ako ni kuya para lapitan ang kaibigan. Sana pala hindi ko na lang siya itinuro.
Gulat pang nakita si Kuya Ice.
"What?" tanong ko nang bigla siyang tumingin sa akin.
"Kagagaling sa simbahan, nagsusungit agad?" napapailing pa siya. "Kababawas ng kasalanan, nagdagdag na naman."
Hindi ko na lang siya pinansin dahil tinawanan nila ako ni Kuya.
Kumain kami na kasama si Kuya Ice. Siya na nga nanlibre sa amin.
Tuloy lang kwentuhan nila ni Kuya, hindi naman ako makasabay dahil hindi ko naman gets ano ang topic nila.
"Eh, 'yong ka-fling mo sa Nursing?"
"Gago, hindi!"
"Kagagaling magsimba, nagmumura." Ginaya ko kung papaano siya nagsalita kanina.
Tinawanan niya ako. "My bad." Humarap ulit siya kay Kuya. "Saan mo nalaman 'yon? Nakita mo na ba?"
"Oo. Part siya ng Organization sa SanLo, 'di ba? Meron siya tuwing may laro kami, need daw nila for documentation and posting sa page. Hindi mo niligawan?"
Napailing siya. "Hindi, hindi ko nga ka-fling. Kausap ko lang. Naging classmate ko rin kasi 'yon, Junior High hahaha."
"Sabi ni Harold, ka-fling mo."
Nailing na lang siya habang tumatawa.
Umalis saglit si kuya para mag cr. Kaya kaming dalawa ang naiwan dito.
"Ang tahimik mo."
"No, hindi lang talaga tayo close." Mabilis kong sagot.
That's real! Madaldal ako, pero sa mga kaibigan ko lang. Sa bahay nga tumatahimik ako eh. Papaano pa kaya sa hindi ko la-close?
Nakikipag-shake hands siya sa akin. Tinitigan ko lang siya. Nakatitig din siya sa akin.
"Ayaw mo bang makipagkaibigan sa akin?" parang dismayado pa siya. "Mabait ako... at syempre... pogi. Halata naman." Nakangisi at tinataas-taasan pa ako ng kilay.
Hindi ako nagpatalo. Tinaasan ko rin siya ng kilay. "That's bad. Nagsisinungaling kagagaling ng simbahan."
"Seryoso 'yon! Ako pinakapogi sa Department namin. Swerte mo nakikipag-friend ako sa 'yo. Bihira lang 'to. Tanggapin mo na."
Umiling ako. "Nope. Ayoko sa nakikinig sa usapan ng iba."
"Hindi ko talaga sinasadya 'yon. Sorry." he said sincerely. "Pero promise, wala akong ibang pagsasabihan."
Duh, as he should!
"Pero cute mo talaga sa ribbons mo, eh, 'no?"
"Mas cute kung mananahimik ka, 'no?"
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Akala ko'y mao-offend pero tinawanan lang niya ako.
Hindi fake kung tumawa.
"Sungit. Kapag tayo naging friend!"
"Asa ka!"
Sasagot pa sana siya nang dumating na si Kuya, may bitbit pa for take out.
Tinanong kung may bitbit na sasakyan si Kuya, sinabi naman niyang wala. Si Kuya Ice na ang nag-alok sa amin na ihahatid niya kami.
Pero itong kapatid ko ayaw pa raw umuwi. Kaya magkakasama tuloy kaming tatlo.
Napahawak ako sa laylayan ng damit ni kuya. Napansin iyon ni Kuya Ice, sabay tingin niya sa akin. Hindi ko siya inimik dahil wala rin naman siyang ibang sinasabi.
May ibinulong siya kay kuya dahilan para lumingon sa akin ang kapatid ko. "Okay ka lang?"
Tumango ako bilang sagot. Nginitian ko rin siya para isiguradong ayos lang ako.
Kapag nasa maraming tao kami, 'yong siksikan, napapahawak ako sa damit o braso ng kasama ko. Pakiramdam ko minsan ay mawawala ako or mawawalan ng hangin. Hindi kasi ako nasanay noong bata ako na nasa labas. Bahay at school lang. Kaya nga tawag sa akin ni Manang noon ay 'takot sa tao. That's why hindi or hirap din ako makipa-communicate sa ibang tao sa paligid ko, dahil hindi ako sanay.
Kaya lang naman ako nagiging madaldal kapag nasa school ay dahil kailabgan. Student leader ako, kailangan ko laging makipag-communicate sa kanila.
Noong elementary naman ako, madalas mga kaibigan or teachera lang kausap ko. Wala naman kasing sumasama sa akin noong may mga contest ako, dahil lging busy ang Daddy at Mommy... pagdating sa akin.
Tinanong pa ako ulit ni kuya kung pagod na ako, pero hindi pa naman.
May nakita akong pink plushie na naka-display sa isang store.
"So cute."
Nakatitig lang ako roon.
"You like that?"
Hindi ko na siya hinarap, tumango lang ako. "I love plushies and ribbons," sambit ko kahit walang nagtatanong. "Uh, share ko lang."
"Bilhin natin."
Napatingin ako sa kanya. "Hmmm, I'll buy that next time."
"Libre ko."
"H-Huh?!" Nanlaki mga mata ko sa narinig ko. "H-Hindi na. Ako na bibili r'yan sa susunod."
Sasagot pa sana siya nang hinila ko na siya paalis ng store dahil ang loko balak talagang bilhin for peace offering daw.
Grabeng peace offering 'yan, ang mahal.
Bumili sila ng t-shirt ni Kuya. Marami pa naman akong t-shirt kaya hindi ako bumili.
"Bili tayo ice cream," sabi ko kay Kuya.
I love pink and sweets so much!
Ako ang nanlibre sa kanila. Aba, baka isipin wala akong pera? Hmm, wala naman talaga. Lol.
Ang nagbibigay sa akin ng pera monthly ay si Tita Gelly, she's working abroad. Mas malaki siya magbigay tuwing end of school year, lalo kapag Top 1 ako.Balak niya akong kuhanin doon pagkatapos ko ng college.
Binibigyan din nan ako ni Mommy at Daddy, pero hindi naman gano'n kalaki dahil marami pa rin naman kaming binabayaran, tulad ng mga inilabas nilang sasakyan, bills sa bahay, and ibang bayarin sa school. Ang bahay na tinuutuluyan namin ngayon ay binabayaran pa rin namin sa isang kamag-anak. Kasama ang bahay namin sa nasunog noon sa may Alabang.
Inihatid kami ni Kuya Ice sa bahay, pinag-stay nga muna namin siya rito dahil medyo malayo ang Quiapo Church dito sa bahay.
"Classmate kayo ni kuya?"
Umiling siya. "Second year na 'yan, ah! First year pa lang ako. Grabe ka naman!"
"Nagtanong lang ako? Ang oa mo, ha? Kaibigan nga kayo ni Kuya, pare-parehas oa. Si Kuya Lucas lang matino."
"Close mo sila lahat? Bakit ako hindi mo tanggaping friend mo?" sumimangot pa siya.
Tumaas ang isang kilay ko. "After mo makinig sa usapan nang iba? After mo ako asarin dahil sa ribbons ko?"
"Hindi ko sinasadya, I promise to God."
"Okay. Hindi pa rin tayo friend."
Naglabas si Manang ng pagkain. "Kapogi talaga ng batang 'to!"
Jusko! At talagang pati si Manang napogian, ha?
Napasulyap ako sa kanya, pogi naman kasi talaga siya. Ang soft ng features niya. Ang linis niyang tignan, at ang bango niya. Amoy mamahalin. Kahit medyo gulo ang buhok niya, ang ayos niyang tignan.
"Wala ka bang boyfriend?" tanong na naman niya.
Hindi ba siya napapagod magsalita nang magsalita?
"Wala. Mukha bang may time ako para d'yan?"
"Hahaha, buti nga sa 'yo. Maldita ka kasi."
Sinamaan ko siya ng tingin at tawang-tawa naman siya.
"Sa susunod 'di ka na welcome rito, ha?"
"Eh, si Arvin naman nagpapapunta sa akin dito." Pang-aasar niya sa akin. "Welcome na welcome ako rito."
"Eh, ba't hindi sa bahay niyo?"
"Mas gusto ko rito para makita kita."
Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya. "Harot. Mga ganyang linyahan ng mga madaming babae, e."
"Joke lang! Hindi naman ako ganon, faithful ako." Depensa niya sa sarili niya habang ginugulo ang buhok niya.
"Mukha kang babaero na nag-uuwi ng chix sa condo."
Akala ko'y ma-o-offend siya sa sinabi ko, halip tinawanan na naman niya ako.
"Eh? Hindi nga. Hindi ko ginagawa 'yon. Ang iuuwi ko sa condo ay 'yong taong pakakasalan ko."
Corny naman ng tao na 'to.
Hindi ko na siya pinansin. Nanahimik na rin siya. Amoy na amoy ko 'yong pabango niya. Ang powdery ng scent, ang bango!
Nilingon ko siya, bigla rin niya akong nilingon.
Naghihinyay kung ano ang sunod kong sasabihin.
"Tagasaan ka?"
Iyon na lang ang itinanong ko dahil pakiramdam ko aasarin niya ako kapag nahuli niya akong nakatingin nang walang dahilan.
"Getting to know each other stage na agad tayo, huh? Meet the parents next? Ipagpaalam muna kita."
Bwisit talaga! Akala ko ligtas na.
"De, sa Alabang lang ako. Condo ko sa Makati."
May kalayuan din dito.
Tumango na lang ako. Nakikita ko rin na busy na siya sa phone niya.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko nang mapansin ang pagkulimlim.
"Hmmm? Mamaya. Pupunta pa rito si Lucas, eh. Sabay kaming dalawa."
"Paulan na."
"Concern ka na ngayon sa akin, ha?"
Lord, tabang!
"Ayaw mo na lang magpasalamat! Uulan, madulas ang daan. Baha, mabagal na traffic."
"Hindi 'yan. Safe ako mag-drive."
Kahit na gaano ka kasafe mag-drive, may ibang kamote drivers pa rin talaga.
"Okay, sabi mo, e."
Tumayo ako at binigyan siya ng tipid na ngiti. "I'll sleep."
"Salamat sa update. Sleep well, Amari."
Nakaidlip lang ako ng kalahating oras. Nakalimutan kong isarado ang sliding door dito sa kwarto ko, mabuti at hindi umulan pero makulimlim pa rin naman.
Akmang isasarado ko ito nang makita ko sila kuya sa baba. Andito pala si Kuya Benj at Kuya Lucas. They're drinking, pero hindi yata alak. Isinrado ko na iyon at bumaba.
"Kakagising mo?"
"Opo, manang. Saglit nga lang po, e. Antok pa ako."
Mahina siyang natawa sa akin at inaya akong lumabas.
"Gising na ang disney princess."
"Kuya Benj!" Mabilis akong lumapit para hampasin ang braso niya.
Tumabi ako kay Kuya Lucas, nasa tapat ko na naman tuloy si Kuya Ice.
"Kain ka," aniya.
Kumuha naman din ako ng pizza. Ang dami na naman nito.
"May training ka bukas, Ice?"
"Hmmmm... meron. Morning, tapos class ng afternoon. Isang subject lang naman."
"San ka after?"
"Condo, kapag tinamad. Alabang, kapag sinipag. Gago kasi men, ang aga call time namin bukas."
Nagra-rant na siya kay Kuya Lucas na parang batang inaapi sa training.
"Tanginang 'yan, ako trip ng isang 4th year doon eh. Laging ako bunot, ampota! Lagi akong pinipili kalaban, amp. Pagagalitan pa ako."
"What sport are you playing?"
"Badminton."
Tumango na lang ako ulit at itinuloy ang pakikinig.
"Sumbong mo sa coach. Ganyan 'yang mga higher years, mataas na tingin nila sa sarili nila. Akala eh, 'di galing sa baba."
"Ayoko, men. Gago, isusumbong, parang ang weak ko naman sa lagay na 'yan. Kayanga gusto akong kalaban non, gawa mas pogi ako sa kanya, 'di niya tanggap. Balak sa badminton ako talunin, eh dinadaya naman ako," he pouted.
"Tangina mo talaga."
"Mahangin ka raw kasi kaya ikaw pinipili. Tamo, ikaw ulit bukas," singit ko.
"Ayos lang. Magaling naman ako. "
See? Parang gusto ko tuloy manood ng badminton, tapos ihampas sa kanya 'yong raketa niya kapag 'di siya makaka-score.
~
Milkybabeee ˚ʚ♡ɞ˚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro