Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE


Mabagal kong tinahak ang hallway na maghahatid sa akin sa Principal's Office. Nakabaon sa bulsa ng asul kong palda ang isa kong kamay habang bitbit ng isa ang Evaluation Notebook.

Tinatanguan ko ang mga kaibigan na lumilingon sa akin pagkadaan ko sa labas ng kani-kanilang classroom saka dumiretso sa office na katabi lang nito.

Lamig ng aircon ang sumalubong sa akin. Tanaw ko naman sa sulok ang dalawang lalake na nakaupo na at namukhaan agad ang isa doon, ka-batch kong Senior highschool. Sa harapan ay ang sabik na sabik na sa aking si Ms. Balvar—ang aming Principal. At si Ramona. Mabilis ang pagkulo ng dugo ko pagkatagpo pa lamang ng paningin namin.

Why is she here, by the way? Kung sa tingin niya ay makakaganti na siya sa pagsumbong sa akin, nagkakamali siya! After what she did together with my now ex-boyfriend last Friday on prom? She is not just pushing me into the grave she made. She fell deep into the pit that she dug herself!

Tila biglang sinilaban ng apoy ang mukha ko at nanginginig ang mga kamay sa galit nang sinisigawan ako ng alaala noong Biyernes ng gabi.

Hinahanap ko si Wayne para sana magpaalam na pupunta ako sa restroom. Katatapos lang ng dinner niyon at ang dami kong nakain at nainom. Hindi ko siya mahanap at kailangan ko na talagang magbanyo kaya hindi na ako nakapaghintay at inuna na lamang ang pinakasadya ko.

"Shit, Mona..."

Natigilan ako sa hamba. Hindi pa nga ako nakakalapit sa mga cubicles ay ito agad ang bumungad sa pandinig ko.

"Wayne, masakit..."

Nandilat ang mga mata kong naglalaman na ng nagbabantang mga luha. I swear I could feel my ears caught fire! I don't think I was breathing at that time pero ang lakas ng kalabog ng puso ko. Pakiramdam ko ay masusuka ko lahat ng kinain ko kanina!

Without a second thought, my strides took three huge steps towards that cubicle door where I heard the sounds of his betrayal. Gumagalaw-galaw ang pintong iyon nang aking tinadyakan. I heard a girl's scream and some hurried moves. My eyes widened when I found that it was indeed him.

Nasa sahig ang pantalon ni Wayne at nakataas naman ang pink cocktail dress ni Ramona. Kilala ko siya dahil naging representative siya sa section namin bilang Ms. Intramurals. Of course! She didn't win.

"Indie!" gulat ang mukha ni Wayne.

Walang emosyon ko silang tinignan. Nagmadaling sinuot ni Wayne ang kanyang pantalon habang inaayos ni Ramona ang nalulukot niyang dress at magulo niyang buhok.

Hindi ako iiyak. Nasaktan man, hindi ako iiyak. Laht ng dapat kong maramdaman kabilang na ang sakit, natatabunan na lang ng galit ko. Nanaig ang kagustuhan kong gantihan sila kesa ang magmuknag kawawa.

"Indie..." mahinang sambit ni Wayne pagkatapos. Biglang umamo. Nakayuko silang dalawa ni Ramona na parang mga batang alam na pagagalitan.

"Mga walang hiya!" sigaw ko.

"Sorry, Indie. Please, huwag mo kaming isumbong," pagmamakaawa ni Wayne.

Parang hindi ko na siya kilala. The idea of Wayne that I implanted in my mind is too far from the boy in my reality. From that boy I adore!

Pagak ko siyang tinawanan "Bakit naman hindi? Sino ka ba para sundin ko? At isa pa, wala na tayo, 'di ba? For some obvious reasons..." Pinakita ko ang pagpasida ng tingin sa kanilang dalawa.

Umawang ang bibig niya. Matagal bago siya nakapagsalita. Inunahan niya ito ng pag-iling at naiiyak na, "No, Indira. Please hindi na mauulit!"

Mabilis ang hininga ko. Of course he would say that. Boys like him and their cheap promises!

Nagtagal pa ang titig ko sa kanila bago ko sila iniwan doon. Lintik lang ang walang ganti!

Nagsimula na ang tugtugin para sa last dance. Mas lalong kumulo ang dugo ko, naalala ang plano namin ni Wayne na ako ang isasayaw niya sa Last Dance. Now with what he just did? I am starting to hate whatever cheesy song is playing right now. Pakiramdam ko ay sinisilaban ng apoy ang pandinig ko!

Dumiretso ako sa long table Kung saan nakahilera ang samo't saring pagkain. Kumuha ako ng isa pang chicken thigh at inumin.

"O, Indie. Kakain ka na naman? Kakachibog mo lang, a?" pamumuna ni Skylar, bestfriend ko.

I smirked at her. "May papakainin lang ako."

At sa pagpihit ko, tamang-tama ang pagdating ni Ramona sa table niya na tila walang nangyari. Hindi ako mapakali. As much I wanted to do it right now, I have to respect what is currently happening. I'm maybe angry but that doesn't mean I should disrespect the ceremony, lalo na at nasa harapan ang mga kaibigan ko at tumutugtog na sa stage. Ayaw ko naman sila ipahiya nang ganoon.

Kaya nagtiis ako ng isang oras bago ko nahihimigan na patapos na ang programa.

In wide angry strides, I marched towards Ramona. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nasa harapan na niya ako at hindi pa man nakakabawi, sinaksak ko sa bibig niya ang paa ng manok! Mula sa mesa, kinuha ko ang natirang icing na nasa platito at binaon ito sa mukha niya. All of these happened while the people around us are taking pictures after the announcement of Prom King and Queen!

Gayunpaman, hindi nakatakas sa kanila ang eksenang ginawa ko. Natigil ang tugtugin at unti-unti nang gumagapang ang katahimikan sa paligid.

"Indie!"

I faced Wayne with an image of all-ready mission in my face. Walang pag-aalinlangan kong binuhos ang bote ng softdrinks sa kanya. His long sleeve button shirts clung onto the stain rightaway. Pikit mata niyang tinanggap ang pagbuhos. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Ramona. Pinalilibutan na kami ng mga estudyante.

"Kung magtataksil kayo, siguraduhin niyo namang hindi ko mahuhuli! Wala ba kayong mapiling ibang lugar? You chose to fuck each other in the girl's washroom, seriously? Right within my ear shot, Wayne! You chose to fuck another girl while you're in a relationship with me!" sadya kong deklara, tiniyak na narinig iyon ng lahat.

Bulung-bulungan ang narinig. Curses for the girl erupted. But more curses for my ex-boyfriend explode.

I told this and everything to the principal.

"But you should have controlled yourself, Ms. Sartre. Alam mong eskandalo itong ginawa mo. And as for you, Ms. Salcedo," baling niya kay Ramona. "Mas mabigat na parusa ang ipapataw sa 'yo. You did not only break the school rules. You are also implicating your morals here. I can expel you and Ms. Sartre's boyfriend—"

"Ex-boyfriend, Miss. We broke up," I corrected.

Bumaling siya sa akin at pinanliitan ako ng mata sa likod ng salamin niya. "His name again?"

Oh, wow. Not surprising. He's forgettable nga naman.

"Wayne Montego po."

Tinawag niya ang working scholar na nag-aayos ng mga file sa kabilang mesa.

"Ipa-page mo si Mr. Montego," utos nito.

"Section 4-F po siya Miss!" pahabol ko. "At nung nakaraan, nahuli ko pong nag-cutting class sila, tumalon sa bakod sa likod ng first year building at naninigarilyo rin po within school premises!"

Sinagad ko na ang pagganti. Tignan natin kung may tatanggap pa sa kanilang eskuwelahan ngayon. These people who fuck up with me, I won't let them get away without me leaving a mess in their lives!

Namumutla na si Ramona sa harapan ko. I may have been punished too for my behavior, but she'll have it worse. Mas malala, baka tuluyan na nga siyang palalayasin sa puder ng Tita niya kung saan siya nakikitira. I heard a lot of rumors about her living and all of them weren't good.

Maya maya lang ay bumukas ang pinto ng office at iniluwa si Wayne. At first, he was confused until he saw me. Nanlaki ang mga mata niya, nang makabawi ay bumaling sa Principal.

"Ms. Balvar?" pa-inosenteng tanong niya.

Nagtataka ang mukha niya pagkakita kay Ramona na paiyak na. Pagkabaling ni Wayne sa'kin, tila doon na bumuhos sa kanya ang sagot.

I smiled at him sweetly. "Hi, babe!"

He looked more confused. "Huh?"

"Sabi ko, asshole ka. Tangina mo."

"Ms. Sartre, language!" Si Ms. Balvar.

"English," I murmured.

Dinig ko ang hagikhik ng dalawang lalake sa sulok.

Kita ko ang guilt sa mukha ni Wayne bago ito yumuko. Tumayo ako at bahagya siyang tinulak sa upuan.

"Siya na ang pauupuin ko Ms. Mas bagay sila rito sa VIP," sabi ko at humalukiphip.

Ms. Balvar threw me a warning stare before she shook her head in full disappointment.

"If you keep that behavior, I will have to impose the same punishment as these two. Do you understand?"

Ngumuso ako at tumango. I heard another snicker from the back and it was coming from my batchmate. Tinaliman ko siya ng tingin. Tinaasan niya naman ako ng kilay na mas makapal pa sa mukha ko.

An amused smirk carved on his lips. I rolled my eyes at him and turned back to Ms. Balvar.

"You, boys. You can now go back to your respective classrooms," aniya sa dalawang lalake sa sulok habang inaayos ang malaking salamin niya sa mata.

"Now both of you," tukoy niya kina Ramona at Wayne.

Medyo nabigo ako dahil suspension lang ang parusa sa kanila. I want them to get expelled! As for me, nilahad ko ang Evaluation notebook ko kung saan madadagdagan na naman ang pirma sa Behavior page. Sa oras na maging tatlo iyon, ako naman ang masu-suspend.

"Make your parents sign beside my signature and show the signatures to the first teacher in your morning class tomorrow."

"Okay, Miss," tahimik kong tugon. Not because of my punishment but for the lack of it towards the cheaters in front of me.

"May this be your last Behavior demerit Ms.Sartre. You are a smart girl. I heard a lot of good things about you when it comes to your academic performance. Don't waste that intelligence to prioritize your misdemeanors. I hope this would be your last visit in my office unless of course, if it is good news," litanya pa niya bago binalik sa akin ang Evaluation notebook ko.

"I will, Miss, but only if you expel the both of them."

"Ms. Sartre," marahan niyang banta.

I pouted again and nodded. Mahina akong nagpasalamat at lumabas na ng Principal's office.

"That's the problem with involving yourself in a serious relationship at a young age."

Halos mapasigaw ako nang may nagsalita sa gilid. It was the guy inside the office just a while ago, my batchmate. Nasandal sa gilid ng glass door ng office. Hindi pa pala nakabalik 'to sa classroom niya?

"Most times, teens turn into troublesome delinquents," dagdag pa niya at puminta ng kumpiyansang ngisi.

Tinaasan ko siya ng kilay. Akala ba niya hindi siya pamilyar sa akin? That face, I've seen it a thousand times since my girl classmates are always talking about him.

"You have your fair share of carnal endeavours yourself inside school premises, too, Mr..." Hinila ko ang id niya at binasa ang pangalan. "Calvillo. That face of an angel one could never thought could melt a butter. Turns out they're wrong. You're the living proof of looks indeed can be deceiving. Sa likod pa talaga kayo ng chapel, huh?"

His Spanish eyes widened. "W-what? How do you—"

Nilagpasan ko na siya. I have no time to deal with him. Pero hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay hinila na niya ang braso ko at hinarap sa kanya.

"Don't tell on me," he warned but I can also tell the fear hiding behind it. "Wala naman akong ginawa sa 'yo kaya hindi mo ako isusumbong, 'di ba?"

Hindi ko sadyang mapatitig sa mga mata niya. For the life of me, it's too hard to resist when he has those deep-set, bright chocolate brown eyes. May kalakihan iyon at agad mapapansin ang pagkakaroon niya ng dugong banyaga. Spanish, I could say and that's also because of the narrow carving of his nose.

Huminga ako nang malalim at inutusan ang sarili na huwag magtagal sa nanghihilang itsura niya.

"Then we have a deal. Hindi ako magsasalita, hindi ka magsusumbong na hindi ako nag-ienglish!" I warily looked at him.

Hindi siya kumibo. Mukhang pinag-iisipan pa niya ang aking sinabi. Di nagtagal, alinlangan siyang tumango wari hindi sigurado sa sinang-ayunan niya

"Okay. But just to play safe, can you atleast try to comply with the policy?"

Umarte akong nagulat "Oh, takot ka bang malaman ng mga babae mo na may tinatago rin palang sungay ang mukhang anghel na katulad mo?"

"God, please! Speak english!" halata ang frustration niya sa paghila ng maalon na buhok. "At isa pa, ano ba ang ginawa ko sa 'yo? I was just trying to state my opinion. I'm not trying to start a fight with you!"

I smirked. "Guys like you and your alibis.Why so scared, amigo?" I stared at him mockingly while stabbing a tongue inside my cheek.

Hindi ko maintindihan ang init ng ulo ko. Naiinis ako hindi lang dahil sa guwapo siya. Naiinis ako dahil ang mga katulad niya, ang tataas ng tingin sa sarili na inaakala nilang mapapaamo kaming mga babae sa isang ngiti, isang kindat lang. Ganoon ako nakuha ni Wayne. But after the cheating scandal that I have witnessed, I could never will myself to trust again. Especially guys like him!

If I could not afford to break their hearts. Well at least I do good with destroying a guy's ego.

Mga papalapit na hakbang ang nagpalingon sa amin. Tanaw ko ang dalawang seniors na kilala namin mula first year pa dahil sa tiyaga nilang mag-report ng mga hindi nagsasalita ng English. And now, they are walking towards us like warriors on a bloody mission!

"Ookay... we speak Amerikano!" bulalas ko habang dinadaanan nila kami. "Jeez, you're such a buzzkill, Calvillo. Have you grown some chick balls with you?" Tuya ko nang mapansin ang pananahimik niya habang dumadaan ang dalawang seniors.

Naglakad na ako pabalik sa classroom kahit sa canteen ko naman talaga gusto. Mas matatagalan lang ako kapag makikipagharutan sa lalakeng 'to. At isa pa—

"Bawiin mo 'yung sinabi mo!"

Namilog na ang mga mata ko nang humarap muli sa kanya. But only to find that he's worse. Tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang kamao nang matanto ang pagkakamali. He just didn't violate the policy of speaking English within school premises, isinigaw pa niya ang non-english sentence! Not just a word but a whole damn sentence!

Napahinto ang dalawang nerd bago kami nilapitan at agad kinuha ang ID ni Calvillo.

"Bro!" Hilaw siyang tumawa. "We can talk about this, you know." Maangas niyang sabi. As if his charming smiles could work on these two.

Hindi siya pinansin ng dalawa. Sabay silang kumuha ng papel na nakatupi sa bulsa ng kanilang white polo uniform. Ang isang senior na may kulot na buhok ay nanghiram pa ng ballpen sa kasama niyang suki yata ng gel sa buhok.

Hindi ko alam kung maaawa ako, pero lihim akong humahalakhak. Not because he got caught but his reactions are just so funny!

Nagsimula na silang magsulat. Nagbilang si Curly boy gamit ng kanyang daliri kung ilang salitang hindi ingles ang sinabi ng punterya nila.

"Fuck," Calvillo whispered.

"Additional three points demerit for speaking a bad word," seryosong banta ni Gel boy.

Mabilis kong tinignan ang reaksyon ni Calvillo. Bumagsak ang panga niya. Pinigilan ko ang pagtakas ng tawa.

"What? Why three? That's only one word!"

"A single bad word is equal to a three point demerit," sabi nung kulot.

"Bull shitzu!"

Huminto ang dalawa at matalim na napatitig sa kanya.

"What? I said shitzu. It's not a bad word!" depensa ni Calvillo. Bumalik ang dalawa sa pagsusulat.

Hindi ko napigilan ang sarili at binuga ang malakas na tawa. Kung sino pa itong ayaw lumabag, siya pa ang napapahamak!

They all turned to me, confused. Nagtaas ako ng kamay at inangat ang mga balikat. Lumipad ang tingin ko kay Calvillo at binigyan ng mapanuyang ngisi.

Kitang-kita ko ang pagbigat ng kanyang hininga. Mahigpit ang tikom ng mapintog at mala-rosas niyang mga labi. Umuusok ang kanyang matangos na ilong sa inis o galit. Patuloy ko lang siyang tinawanan hanggang sa tinalikuran ko na sila at naglakad pabalik sa klase ko.

I sighed and thought about the many messes I made. Kahit sino talaga ang napapalapit sa iyo, Indie, lagi na lang napapahamak. That Calvillo guy? He shouldn't have talked to me. Now look at where it is leading him. Trouble. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro