Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER TWO




Sinakay sa likod ng kotse ang aking tatlong luggage habang ang dalawang malaking knapsack ay sa backseat. Pagkatapos ng isang linggo, nakapagpasya na rin si Kuya Isaac. Dalawang araw matapos ng kanyang desisyon ay heto nga't lilipat na ako.

Ngunit mas na-guilty ako nang malaman na bayad na pala ang apartment! Kilala naman daw niya ang may-ari noong paupahan na kaya naging mabilis ang negosasyon nila.

Binuhat ko si Mackenzie na may gatas pang nakapaligid sa kanyang labi. Ang bahagyang kulot niyang buhok at maliit na ilong ay nakuha niya kay ate Annika habang ang nagpapahayag niyang mga mata at manipis na labi ay kay kuya Isaac.

"Be a good girl, Kenzie, ha? Don't be like me, I'm bad," sabi ko.

"You're not bad, ate Indie." She pouted.

Ngumiti ako. Pinaglalaruan niya ang kulay Turquoise kong buhok.

"I'll give you a lot of Snickers when I visit you because you said I'm good." Pinigilan ko ang gigil nang pinisil ang kanyang pisngi.

"I didn't say you're good. I just said you're not bad."

Nagtawanan sina Kuya at Ate na kanina pa pala kami pinagmamasdan. Pabiro kong sinimangutan si Kenzie na parang balewala lang ang kanyang sinabi. Inikot-ikot niya ang kanyang hintuturo sa aking buhok.

"Okay, I'm not bad then. Will you miss me?" 

Nakanguso siyang tumango.

Binaba ko na siya dahil kailangan na naming umalis. Si Kuya lang ang maghahatid sa'kin dahil walang magbabantay kay Kenzie. Day off kasi ngayon ng mga kasambahay. .

Sa huling sandali, muli kong tinanaw ang kalmadong dagat bago kami nakalabas ng subdivision.

"Hindi mo naman talaga kailangang bumukod, Indie. It's not the same without you in the house," may panghihinayang na sabi na kuya na para bang isa itong makapagpabago ng desisyon ko.

"Paano ba 'yan, Kuya , nabayaran mo na," I teased, faking a sad tone. "Bibisitahin kita sa ospital o kaya sa company ni ate Nika." 

Tumango siya't pinawi ang tawa. Maingat siyang sumulyap sa'kin saka binalik agad ang tingin sa harap.

"Just get out of trouble, okay? And don't let yourself fall too easily." Dumilim ang itsura niya. "Ano na palang balita dun?"

Sa tono niya ay kuha ko agad kung sino ang tinutukoy.

I sighed heavily. "Hindi naman yata niya alam na nag-break kami. Kung hindi pa ako nagpunta sa pinagtatrabahuan niya, 'di sana hindi ko malalaman na ginagago na pala niya ako. Hanggang ngayon nga walang text. Makikita nila kung paano ko siya paglalaruan."

"Indie, just stop it. Hindi solusyon ang gantihan siya o kung sino man ang involve. At iyong babae, may alam ba siya sa relasyon ninyo? You'll never know that she's been being fooled, too."

Natahimik ako dahil may punto naman siya. But my violent impulses towards them just wouldn't tone down a notch. Habang tumatagal, umiigsi ang pasensiya ko.

I know nothing will change if I stick to doing the planned retribution. Iba pa rin ang pipiliin niya. Natanto ko na ginagawa ko na lamang ito para ibsan ang nararamdamang galit at pride. And that will only happen if I see them suffer and beg. I want Travis to beg. I want him to kneel in front of me. I want him to shed tears in front of me. I will destroy him with all the guilt and regret consuming him!

"Paano mo nga pala nahanap ang apartment na titirhan ko?" pag-iiba ko ng usapan.

"May kasamahan ako sa ospital at may binanggit siyang pinsan na nag-migrate umano sa London kasama ang fiancée. Naghanap ng apartment ang isang kasamahan naming doktor. He suggested the apartment seated not too far behind the university."

"Hindi ba niya kinuha ang apartment?"

"Nope. Namamahalan siya."

"Mahal 'yun, kuya?!" Nanalaytay roon ang labis na gulat.

Bakit ba ang hilig niya sa mga mamahalin? I don't even mind if my clothes aren't branded. Basta bagay sa akin, ayos na ako.

"The place is nice! It' s homey and it houses the necessary facilities including two bedrooms. Kung may bisita ka, bakante ang isang kuwarto para sa mga guest mo."

Nadagdagan ang gumagapang kong hiya. "Kuya naman, okay lang kahit cheap. Ako lang naman mag-isa."

He's beyond spoiling me. Pakiramdam ko ako ang nawawala niyang anak at ganito siya bumabawi sa akin. 

"We can afford, Indie. Don't underestimate our resources."

I wanted to laugh at his humble bragging or was it mock bragging? Hanggang sa bigla akong kinatok ng tanong sa halagang ginastos niya para rito. Baka hindi na ako makakatulog mamaya sakali man na malaman ko. Magiging bangungot ko pa ito.

"Kuripot ka lang. Mayaman ka rin. I gave you a credit card."

I rolled my eyes and laughed a little bit. "You gave it to me, Kuya. It means sa 'yo yun."

"It's yours Indie," pagpupumilit niya.

Sinimangutan ko siya habang siya'y naka ngiting tagumpay. Ibig sabihin lang nito, talo na ako sa kanya. He's having the last smirk.

Lumiko ang kotse sa isang pamilyar na eskinita. Maraming mga kainan sa gilid at dahil hapon na ay maraming mga estudyanteng kumakain ng snacks at tumatambay lalo na sa isang internet cafe na natatakpan ng isang game poster ang pinto. Ngayon palang ako nakakapunta rito ngunit palagi ko itong nakikita sa tuwing dito ko piling dumaan kesa sa kabilang kalye dahil sa sobrang traffic.

Pumasok kami sa isang malawak na lugar na binabakuran lang ng hollow blocks. Noong una nakakatakot pa dahil sa mga mahahabang damo at nag-iisang malaking puno pero nang makita ko na ang bahay, napawi ang aking pangingilabot.

Pagkababa sa kotse, binigay ni kuya sa 'kin ang susi ng bahay kasama ang susi ng mga kwarto nito. Tutulungan ko sana siyang magdiskarga ng aking mga bag ngunit pinauna niya ako sa loob para tingnan kung aprub ba sakin ang bahay.

Eh sa mahal ng binayad niya, hindi na ako tatanggi, noh! And kuya has a good taste when it comes to houses so I trust him.

The interior is beyond my expectation. Inasahan kong mamamalagi ako sa isang kwarto na may double deck at may tatlong roommates, but kuya didn't let me. Instead, I will be living here alone in this bungalow type and sophisticated apartment. This is too much. Ayoko nang manghingi ng kahit ano pa kay kuya.

"You like it?" nilingon ko si kuya saking likod dala ang dalawang knapsack at isa sa aking luggage.

Nilibot ko ang paningin sa buong interior. Hinaplos ko ang tela ng mala-bituin na kurtina. Walang espasyo ang salitang pangit sa bahay.

"I love it, though nanghihinayang pa rin ako sa binayad mo."

"Don't fret, sis." Inakbayan niya ako. Naamoy ko ang pabango niyang niregalo ko sa kanya noong Christmas "I promised Dad na ako ang bahala sa 'yo, but I'm not doing this just because of a promise or because I have to, bukal 'to sa loob ko. You're my sister. My one and only sister."

Mataman kong sinusuri ang kanyang mga mata. "Ang sweet mo ngayon. Aalis kayo ng bansa noh?"

Ginulo niya ang buhok ko. "Naglalambing lang! Ito talaga walang ka sweetan. Ilagay mo na nga 'to sa kwarto mo, mamili ka lang sa dalawa." Inabot niya sa akin ang dalawang knapsack.

Pinili ko ang unang kwarto na may puting dingding at kulay kremang kurtina na mala ball gown ang dating. Sa kabila, doon daw ang kwarto ng huling tumira rito. Pwede ko pa raw palitan ang kulay kaya ngayon palang may naisip na ako.

Nilabas ko na ang mga laman ng mga dinalang bags. Sinama ko rin sa paglilipat ang aking mga paintings. Pinagtulungan namin na ilagay ang mga damit sa cabinet at mga toiletries sa cr. May tub at shower ang cr kaya balak kong bumili ng liquid bubble bath soap para sa tub. Ubos na kasi ang nasa bahay.

Pagkatapos umuwi ni Kuya ay pagod akong humilata sa bago kong kama. Hinahaplos ko ito at dinadama ang pagkakayari. Madulas ang kulay puting topsheet at malambot ang kama na parang waterbed sa lambot. Para akong lumulutang sa clouds!

Papikit na sana ako't mahuhulog sa malalim na pagtulog nang maalala kong kailangan kong buksan ang aking cellphone. Naka-off ito ng tatlong araw dahil nga sa gagong ex ko.

Sunod sunod na mga mensahe ang nagsilabasan. Galing kina Cashiel, Skyler at Wilmer, isa galing kay Dean na pang-aasar lang ang laman, at ang karamihan na lagpas sampu ay galing kay Travis.

Tuesday 4:06 pm

Where are you?

Tuesday 4:55 pm

Hindi ako makaka-uwi ngayon, busy


Busy my ass! I know what happened! Ito yung araw na naabutan kitang nagpropose sa kanya!


Wednesday 6:22 pm

I can't go home, see you soon <3


Yeah right, you're with her! Lamunin mo 'yang puso mo!


Wednesday 7:12 pm

You can stay at your kuya's, malungkot pag ikaw lang mag-isa dyan sa bahay


You're suggesting this para hindi ko kayo maabutan ni Helga!


Wednesday 10:08 pm

I miss you


Fuck you!


Yesterday 9:02 am

Don't go home in our house yet


You really don't have to tell me. Nagsayang ka lang ng load!


Yesterday 9:41 am

May sasabihin ako. Please call me


No need. Alam ko na.


Yesterday 1:35 pm

You're not calling me. Are you okay?


No I'm not, but I will be.


Yesterday 6:18 pm

Indie....

Yesterday 8:04 pm

I'm watching your favorite movie


You were both watching it!


Yesterday 8:10 pm

Where are you? Nasa bahay ka ng kuya mo?


Nasa tapat ako nito ng bahay mo, gagu!


Yesterday 11:22 pm

I miss you Indie...


I hate you.


Today 9:32 am

Txt me pls kung hindi ka makatawag


Today 4:41 pm

Anong nangyari Indie? Why won't you call me?

Off ang phone mo.

Call me after you read this message.

Today 7:53 pm

It's Keegan's birthday party tomorrow. I'll fetch you at 8


I remember Keegan very well. Travis' bestfriend. Helga's cousin. Hmm...


Today 9:29 pm

Indie naman, please mag reply ka na.


Bakit ba napakadesperado nito? Na akala mo walang kagaguhang ginawa!


Me:

Okay I'll go. But don't fetch me. I can go on my own.

See you babe <3


Five minutes later...


Travis:

Okay. See you too, babe. I miss you. <3

Liar!





Binuhos ko ang natitirang galit na mula pa sa text ni Travis kagabi dito sa pagpipinta ko. Though I'm really trying as hard not to allow my intense emotion reflect on the desired theme of the artwork. Kinakalma ko na ngayon ang sarili habang pinagtutuunan ng atensyon ang dapat na kinalalabasan ng disenyo. If Dean says freedom, youth and nostalgia, then that should only be it.

Inikot ko ang aking ulo at nag-inat saka pinagpatuloy ang pagguhit. Wala kasi akong magawa pagkagising since walang TV dito kaya sinimulan ko na ang unang assigned project. Nagpapatugtog ako ng music gamit ang laptop.

I'm almost done with the draft, kaunting shading nalang and finishing touches. Draft pa naman ito so I still have to consult Dean. I'm open to changes naman. 

"Oi, Indie, ang aga pa..." Kinukusot nito ang banyaga at berde niyang mga mata sa harap ng screen ng laptop ko.

"Anong maaga? May ipapakita pala ako sa 'yo. Sinimulan ko na. Sketch pa nga lang." Hinarap ko ang sketchbook laman ang draft sa screen.

Nakikita ko sa screen na may tinitimpla siya sa kulay puting mug. "Oh, lemme see."

"I'm planning an oil painting on it. Pero try ko muna kung babagay..." Then I started explaining the vision to him. "Then medyo dark and vintage kapag ipipinta ko na."

Malaki ang ginawa niyang paglunok sa inumin, namimilog ang mga mata at hindi natatanggal ang titig sa screen. "Holy shit. Pakasal na tayo, Indie!"

"Manahimik ka!" Nag-amba ako ng suntok sa screen.

"Wow...." Napailing siya at hindi na talaga natatanggal ang tingin sa draft.

Hindi na rin nagtagal ang tawag dahil nagmadali ito para sa recording nila mamaya. Ilang sandali rin magmula nang matapos ang tawag ay nakatanggap naman ako ng panibago galing kay Ate Annika, nangungumusta.

"Okay lang, Ate Nika. Kakakita lang natin kahapon," natatawa kong sabi.

"Miss ka na agad ni Mackenzie. Parati ka niyang hinahanap!" Rinig ko ang nagmamaktol na boses ni Kenzie sa kabilang linya. She's asking her yaya for more pancakes.

"Pag bibisita ako diyan, I won't forget to bring snickers for her."

Nagliligpit na ako ng kalat. Pinupulot ko ang mga scratch papers at tinapon sa trashcan na nasa kusina at dumiretsong umupo sa kitchen counter.

"Sure I'll tell her. And oh, I also called to inform you that I have recommended you to Estelle. My friend, remember? She's considered you to be her artist for the book!"

Ramdam ko ang paglukso ng aking puso. I can't believe this! Sa dinami dami ng kasalanan ko!

Pero kahit na kinokonsidera pa ako at hindi pa talaga tuluyang kumpirmado, I'm still willing to work hard for it. Kadalasan ay hindi ko naman talaga tinuturing na trabaho ang pagpipinta. I enjoy what I do and it's also my kind of a stress reliever. So doing a lot of illustrations won't be a problem to me.

"Sige, I have to end the call na. Nagtatantrums na si Kenzie."

Bago pa ako makapagpaalam ay pinutol na niya ang tawag. Huli kong narinig ay ang iyak ni Kenzie at ang sambit niya sa kanyang Mommy.

Now here goes the silence. Pinagmamasdan ko ang aking phone. Pinapalawit ang mga paa habang nakaupo rito sa kitchen counter.

Napakurap ako sa muling pag-ilaw ng aking phone.

Today 1:22 pm

Ready for tonight, babe? Magkikita na rin tayo.

Napangiti ako, hindi dahil sa kilig. Hindi ako kikiligin sa manlolokong katulad niya noh? As if.

Me:

Today 1:25 pm

I can't wait, babe. I have a surprise for you ;)

Kagat labi akong nakangiti habang nagta-type.  Evil lurks in the dark corners of my mind.

Travis:

Ano yun?

Me:

Surprise nga.

Bumaba na ako ng counter at nagtungo sa kuwarto ko para makapaghanda na. Nais ko sanang ipagpatuloy ang ginawa kong illustration pero kapag sinimulan ko nang gumuhit, tuloy-tuloy na iyon. Napipigilan ko lang ang sarili ko dahil namataan kong maggagabi na pala. 

Tonight, I'm wearing a long black printed dress. Nagkalat ang maliliit na cherries sa suot ko at may medium slit sa bawat gilid para hindi naman hirap sa paglalakad. Since it's a bit fitted and sleeveless, sinusuotan ko ng cream blazer. I just blotted some pink tint on my cheeks and lips before grabbing my bag and went to the door to wear my white platform sneakers.

At dahil wala akong sasakyan, nagtawag ako ng taxi. Tinuruan naman ako ni Kuya mag-drive pero may isang beses na pangyayaring hindi na niya ako pinayagan pagkatapos. He said the next time I drive, it should be with someone to guide me and I shouldn't be driving all by myself.

Kunsabagay, tama naman siya.

Wala pa ako sa gate ay tantiya ko nang dagsa ang tao a bahay nila Keegan. Dagundong ang music na pakiramdam mo gagalaw ang sahig sa sobrang lakas. Sumasabay ang tugtugin sa nagka-karaoke at kumakanta ng love song sa loob ng bahay. Pagkapasok ko sa gate palang ay marami nang tumatango sa akin at sinasalubong ako ng high five ng mga kakilala. Bilang sa kamay ang mga hindi ko kilala.

Keegan is a good friend of mine. I've known him since college at naging classmates rin kami sa tatlong minor subjects. Since he is Travis's bestfriend, we became close too. Siya rin yata ang nag-introduce kay Helga sa amin.

So I wonder, were they been having an affair habang kami pa? Since when? Paano? Kasi ang alam ko mas nauna kaming magkaroon ng relasyon ni Travis bago pa sila pinakilala sa isa't isa.

Or maybe, magkakilala na sila noon pa at tinatago lang nila.

Patago ba silang nagkikita? May nangyari na kaya sa kanila?

I must be the stupid one here. But this is not the right time to drown in self pity.

Kung totoo man itong kutob ko, mas lalong gusto ko silang gantihan. Hinding hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakaisa sa kanila.

"Nice to see you again, Indira!" salubong sa akin ng isang former classmate.

"Lookin' good!" may sumunod na isa at nakipag high five.

"Carribena blue hair? Wow! Bagay na bagay!"

"So what's new to the queen of mischief?" Dumating ang sikat kong classmate sa Physics noong college na si Mariko. Hindi kami magkaaway, but she's commonly known in her class as the mean girl. O baka na misunderstand lang nila dahil wala naman siyang problema sa akin o ako sa kanya. Naalala ko pa ang anyaya nitong sumali ako grupo nila, pero tumanggi ako. Kuntento na sa barkadang meron ako.

"You'll know later." I smirked evilly.

She smiled as if she can already visualize my next steps.

Patuloy kami sa pagkukuwentuhan. And almost all of them couldn't stop talking about my hair color.

"You nailed it, Indira! Sa dami na ng nakilala kong nagpakulay ng buhok, ikaw lang ang bagay sa ganyang kulay! I mean..." Another guy classmate ran out of words to say.

"Mas nagmukha ka tuloy manika."

Napailing ako pero namumula rin ang mukha sa mga papuri nila. Somehow, it's a relief to be complimented like this by friends. Pero gusto ko nang ibahin ang usapan para hindi na mabaling puro sa akin. I started opening up a highschool topic. Tinatanong rin nila sa akin ang tungkol sa banda nila Dean na hindi labag sa kaalaman naming lahat na sikat na sikat na ngayon. From there, we started reminiscing some of the best and unforgettable memories in highschool.

"Woah! Look who's here."

Sa gitna ng pagtatawanan ay narinig namin ang napakapamilyar na boses.

Lumingon ako sa bukana. My heart pounded so fast at the familiarity.

Umangat ang isang sulok ng kanyang labi. The famous playboy Calvillo pulled his usual cocky smirk na noon pa may signature move na niya at siyang nagiging batayan para matukoy kung sino ang mas matino sa kanila ng kambal niya. Their eyes might deceive, but the smiles could never hide anything.

"What brings you here, Mr. Calvillo?" taas noo akong nag-angat ng isang kilay sa kanya.

Nanahimik ang mga kakuwentuhan ko, focusing on my confrontation with Jester. O siguro sa kanya sila nakatuon.

Jester chuckled. "Come on, we're not strangers anymore. It doesn't harm to address each other with our first names. You even have the guts to drive my car," sarkastiko niyang sinabi at tinatapan din ang pag-aangat ng isang kilay ko. His lopsided smile was never not there.

Lumakas ang pagbulong bulungan ng mga kasamahan ko.

"O sige, Jester. Sinong nagtapon sa 'yo sa lugar na 'to?" pagtataray ko.

"That's what I'm talking about." His chuckle was a bit low now. Gamit ang kamay na may hawak na beer, may tinuro siya sa likod na siyang loob ng bahay. "We're in the same circle of friends with Franklin. They're cousins with the birthday boy. Ikaw? What brings you here?"

"Malalaman mo rin. Just watch and chill." Kinindatan ko siya saka tinalikuran para hanapin si Travis.

Pumasok ako sa loob ng bahay kung saan ang pinag-ugatan ng speakers. Wala masyadong tao rito sa loob, ang iba'y nasa kusina para kumuha ng karagdagang beer at iba pang nakakalasing na inumin.

Sinuyod ko ang paningin hanggang sa tumigil sa hagdan na paakyat na tingin ko'y maghahatid sa mga silid sa taas. Bulabugin ko kaya sila if ever?

Pero ang malaking tanong. Bakit gusto pa akong papuntahin ni Travis dito kung alam nito sa sariling magkasama sila ng babaeng pinagpalit niya sa akin? What point is he trying to prove that he has the bloody guts to offer in driving me here? Anong kagaguhan ang gusto niyang iparating sa akin? 

Kalmado lang akong naglalakad. Kahit nanggagalaiti na ako, ayaw kong iwala ang aking poise. Mas magmumukha akong kawawa.

Walang tao sa unang kwartong pinasukan ko. Sa ikalawa ay ganoon din ngunit sa pangatlo, I walked in two people naked under the sheets while doing it. Pero hindi sila 'yon kaya binalibag ko nalang ang pinto at bumaba na.

Lumabas ako at nakikipag tanguan na naman sa mga kakilala. Nasa gilid na ako ng pool pero nang maaabutang may ihahagis sila sa tubig ay tumabi na ako at nagtungo na lang sa stall ng mga refreshments.

Mag-isa kong pinagmamasdan ang mga nagkakatuwaan malapit sa pool. Until I suddenly felt a warmth and undeniable presence beside me. Ang pamilyar na amoy. It's Jester again, who seems to be mimicking my position.

"Gusto ko pang makipag-usap sa 'yo. Don't you walk out on me yet." Nilaharan niya ako ng pulang paper cup.

Ininom ko ang laman. It's a cocktail drink. Walang challenge.

"Kung gusto mong malaman ang dahilan ng pagpunta ko rito maliban sa pagpapaunlak sa birthday ng kaibigan, you have to let me go."

"No." May nababakas nang kapilyuhan ang ngisi niya.

Fine. Magtagisan tayo sa pagiging pilyo't pilya.

I boldly faced him. I stared deeply into his round chocolate browns while sipping on the drink he just offered. Namalayan ko nalang na wala ng pumapasok sa bibig ko. Nasarapan yata ako sa iniinom.

Balewala ko lang tinapon ang plastic cup sa gilid saka dumighay. Ngumiwi siya.

"So anong gusto mong pag-usapan? Or if you want you can play a game with me. Willing ka bang makipaglaro sa akin?"

Walang challenge pala , Indira, pero bakit mukhang tumatama na ang sumpa ng alak? My eyes and face started to heat up like a fire-made palm has just framed it. But then, I still want more. Akala ko lang hindi ito nakakalasing dahil matamis siya sa panlasa ko.

Pinasidahan ng isang kamay ni Jester ang kanyang buhok "What kind of game? Strip game? Then I'm in."

"No, amigo." I frowned, trying to cover the effects of alcohol that's starting to show. "Gusto ko lang tapatan mo ang gagawin ko mamaya."

Interest weighed heavy on his face. "Anong bang gagawin mo?"

"Patience. I'm still looking for my prey."

Nilibot ko muli ang aking mga mata at hindi pa rin makita si Travis. Hindi ko siya puwedeng itext dahil gusto ko nga siya ang masurpresa. Alam niyang pupunta ako pero hindi ko sinabi anong oras. He could be doing something with Helga right in this moment then voila! Surprise, babe.

I returned my gaze to Jester. "Are you in?"

Sinusuri niya ang aking mga mata. There's a hint of suspicion by the way he stared. He's thinking, I know, and most of all, in doubt.

"Hindi naman siguro ako makukulong kung papayag ako."

Humalakhak ako. "Never pa akong nakulong! What do you think of me? Nahabol lang ako ng mga pulis, pero hindi nakulong. Come on. You'll have your share of fun in this, I promise."

Nilipat niya ang isang kamay sa bulsa ng kanyang jeans at ang isa'y okupado ng beer. Doubt never left his gaze.

"I know. Being with you is fun, Sartre. It's a proven testament I heard from most people I know. And yet, your idea of fun seems to entail a lot of trouble in it."

"Oriented ka na rin pala tungkol sa 'kin. Have you learned your lesson?" I teased sensually.

His lips curved for a stifled smirk. "Very well oriented. Trouble is my best teacher." mababa ang kanyang boses nang sinabi iyon at hindi pa rin maalis-alis ang titig niya sa akin.

Batid kong naalala na naman niya ang nangyari noong highschool. Ang tagal pala niyang maka move on.

As if he was pulled out of a trance, his eyes blinked several times and cleared his throat. He shifted his position and averted his gaze. Mukhang lumalagpas ang tanaw niya sa pool habang tinutungga ang bote ng beer.

I couldn't help but lower my gaze on his protruding Adam's apple that moved so smoothly as he swallowed. May pawis pang namumuo roon, which made his neck glistened. Several obscene images is starting to warn me that they will flash in my mind if I don't stop staring at it.

"If this is a game, Sartre, what will be the victor's price?

Mabilis akong nakabawi sa pansamantalang gayuma. "Whatever the victor's wish."

Sandali siyang hindi umimik hanggang sa dahan dahan siyang ngumisi ng nakakaloko "If I win, I want to sleep with you. Will I get that price?"

Hindi na ako nasurpresa sa sinabi niya. Inaasahan ko na rin na anytime tonight, this flirt is definitely going to get laid with anyone here. Depends on his preference.

I took one confident step in front of him. Challenge is written all over my face. "Ngayon palang gagalingan ko na. Dahil kapag ako ang nanalo, hindi mo magugustuhang natalo ka."

Ngumisi siya't nilakbay ang paningin sa akin mula ulo hanggang paa. His brows shot up the same time his arrogant gaze slid back to mine.

"I'm threatened."

"Dapat lang."

His lips pursed. "How many strikes before winning?"

Nakatitig ako sa kanyang mga mata habang nag-iisip "Three."

Nilahad niya ang kanyang kamay, asking for me to shake hands with him. Hindi ako tumanggi't tinanggap ito. Sinuri namin ang isa't isa, direktang nakatitig sa mata. Ako ang unang nag-iwas na sinabayan ko ng irap.

Muli ang paghahanap ko kay Travis pero napunta rin kalaunan ang atensyon sa naglalanguyan sa pool. May ibang seryosong nag-uusap and I overheard the others talking about business. May kalandian na rin si Jester sa tabi ko. I didn't mean to hear it but they are talking enough for my ears to bleed, about their plans about meeting up tonight in one of the rooms upstairs. Napailing na lamang ako. Dito ba talaga nila pinag uusapan iyan?

I found Travis talking seriously to Helga in the other end of the pool. Hindi sila sweet. I wonder why? To hide their dirty secret?

Tinitigan ko siya. Seryoso silang nagbubulungan at parang kabado. Palinga linga si Helga na parang nakagawa ng kasalanan at ayaw magpahuli. She's so wrong. The both of them. Matagal ko nang alam.

Nawala ang atensyon ko sa lahat. Even the loud banging music was muffled by the loud angry beating of my broken heart. Sa kanya lang ako nakatuon. Sa kanilang dalawa. How dare he messaged me that he misses me when he's with another woman? I never expected him to do this to me. I never expected him to hurt me so bad! After our almost two years relationship?

Nagtagpo ang aming mga mata. Galing sa pagkaseryoso ay naging gulat ang kanyang reaksyon pero mabilis itong napawi at napalitan ng ngiti. Matamis na ngiti.

Habang unti unti na siyang humahakbang patungo sa akin, naramdaman ko ang presensya ni Jester dahil nasiko niya ako. Aliw na aliw siya sa tawanan nila ng babaeng kausap niya.

Nilingon ko siya at mahinang tinulak ang babae. Napasamid si Jester sa pag-inom ng beer nang bigla ko nalang siyang kinabig at hinalikan. Suminghap ang babae sa gulat.

Not even a smack. No innocence found. Never demure. I kissed Jester deeply na kalaunan ay kanyang tinugunan. Nalalasahan ko ang beer sa malambot niyang mga labi. Hinawakan pa niya ang baywang ko gamit ang kamay niyang hawak ang beer. Nanunuot ang lamig ng bote sa aking baywang. Ang isa niyang kamay ay nasa aking pisngi. He must have been anticipating for this.

"Indie?"

Pareho kaming humihingal ni Jester pagkabitaw. Gosh! He's a good kisser! Halatang sanay!

Matamis akong ngumiti kay Travis na namumutla at hindi makapaniwala.

"Hi babe," sinabi ko sabay nilingkis ang mga braso kay Calvillo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro