CHAPTER ONE
"So what's your plan?"
I couldn't sit still. Panay ang tapik ng paa ko sa glamorosong sahig dito sa sala. Tila ako iniipit sa magkabilang panig ng one seater sofa na inuupuan habang kaharap si Kuya Isaac. Lalo akong napapakali dahil sa tanong niya, I feel so lost, and is such a failure with having no plans at all.
"I... I don't know." My shoulders fell defeatedly.
"Do you..." He cleared his throat. Mukhang bothered sa susunod na sasabihin. "Do you live with him? I mean, have you lived together before?"
Seeing how uncomfortable he looked with the question, that same energy radiated to me, but it was more of like the shame when I nodded. Ni hindi ko na maisatinig sa salita ang katotohanan dahil sa nangungunang kahihiyan.
"May nangyari na ba sa inyo?"
My eyes widened a fraction. Hindi ko alam pero biglang uminit ang mukha ko sa kabila ng biglang panlalamig ng tono niya.
"Wala po."
Kuya's eyes narrowed. "Are you sure?"
"Yes, I'm sure, Kuya. Please next questiona na." Halos magdabog ako at tila ba sinisilaban na. I finally get to understand why they call it the hot seat!
Kitang-kita kung paano siya nakahinga nang maluwang roon at nakuha pang luwagan ang butones ng shirt niya. Kagagaling lang nito sa ospital at napasugod dito sa bahay para kausapin ako. I really didn't expect he would do that, knowing how this scene is already too familiar to him. Kaya nagulat ako sa kalagitnaan ng isang napaka-chill na hapon ay umuwi siya. He even told his wife to bring their daughter upstairs like this should be a very private conversation between us.
"Well, good. I don't like him at all! Buti nga't hindi pa kayo kasal."
Nanginig ang mga labi ko. I feel like melting into a pool of tears as my eyes began the waterworks.
"Akala ko rin ako ang aalukin niya ng kasal. Iba pala..."
Papaiyak na ako, ngangawa na nga dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses na itong nangyari. Ganoon ba talaga ako kadaling lokohin? O ganito lang ako kabilis na umasa at magpaloko? Hindi na yata ako natututo. Every guy I meet, I see it as a chance of ending up into a perfect love story but now I realized I was only making a big fool of myself! Tanga ka kasi, Indira!
"Did you do something again, Indie?"
I blinked several times. "Do what?"
"Do things like you always did when you were in highschool," aniya, at pakiramdam ko'y hindi na masusurpresa kung sakali man na tatango ako.
"Uh... mag-aral? Let's admit it, I was good in my class." I said proudly.
"Right," sarkastikong ngiti nito. "Nasisira lang talaga niyang mga kalokohan mo."
"Anong kinalaman sa break-up ko?" Subok kong depensa sa sarili.
"That guy did you wrong and knowing you, there's this perpetual hunger for revenge! Gaano pa man kaliit na bagay, gumaganti ka, for the sake of what? Satisfaction? To spite the offending party? It doesn't even justify anything, Indie."
"W-well, I was just thinking about it," I croaked.
"So may balak ka nga?" Mas nanliit pa ang mga mata niya.
I smirked. "Lintik lang ang walang ganti, kuya."
Huminga siya nang malalim at para bang ubos na ang alas sa pakikipagtalo.
"You know I hate to control your life but please, just get a job, Indira. Don't waste your time in this nonsense. I mean I undersrand, you're trying to move on. The break up was fresh. But don't waste your time on a fight that's going nowhere. Dahil sa huli, ikaw pa rin ba ang pipiliin niya? Find someone else you deserve. Not a trash like him."
Pinaglalaruan ko ang mga daliri sa hita habang isinaisip ang mga sinabi niya. He is right, it's just that I am not yet in the mood for anything serious. Sa dami nilang sineryoso ko, ngayon ko naitanong sa sarili kung sumaya ba talaga ako sa mga panahong iyon o sila lang ba ang sumaya? I want to please them so I do things that make them happy. Pero paano naman ako?
"Ang daling sabihin, a? Naka-relate ka?" panunudyo ko kay Kuya.
He sighed and shifted himself in the seat. Pormal nitong pinagsalikop ang mga kamay sa gitna ng tuhod. He leaned a bit forward like he's eager for me to hear what he 's about to say.
"I never get to understand him because he is just a boy, Indie. While I am a man, not an asshole."
My jaw dropped. Pinabilog ko ang aking mga mata sa nanunudyong gulat.
"At kung gusto mo pang kausapin ko ang gagong iyon, hindi rin kami magkakaintindihan. Hindi niya ako maiintindihan dahil gago siya, doktor ako!"
With my still shocked expression, I laughed. This is what I like about Kuya. Though, it hasn't really sinked in to me. Sa dami ng sakit ng ulo na naidulot ko, any parent would have probably given up on me on the third strike. But never Dr. Isaac William Sartre.
"Saan mo pala balak mag-aplay ng trabaho? You did not finish your Fine Arts degree for nothing, Indira," pag-iiba niya sa usapan.
Bumagsak ang balikat ko. Itro na nga ba ang sinasabi ko. Sa dami na maari naming pag-usapan, ito ang isa sa mga iniiwasan ko.
"Kuya, kakagradute ko lang. Buong buhay akong nag-aral. Can I rest for atleast... one year?"
"You're Major in Painting, right?" Si Ate Annika na kabababa lang sa hagdan at nilapitan kami. Her long baby blue maxi dress billowed like she just descended from heaven. "Tamang-tama! We're actually looking for an artist to illustrate an album artwork... wait, I think you know who I'm talking about."
Maigi akong tumango. My friends have actually contacted me personally Hindi ko pa sila nasagot sa text noong isang gabi kaya hindi pa nila alam kung pumayag ba ako o hindi. I mean I am not an established artist yet.
Anak si Ate Annika ng isa sa mga may-ari ng Vinyl Records. It's a music company that caters Altrernative rock bands. At sa pagkakaalam ko, sa isang concert ng bandang handled ng kompanya nagsimula ang love story nila ni Kuya.
"And one more thing. I have a friend who's going to publish a children's book," aniya sabay hawak sa mga balikat ng asawa habang nasa likod ng couch. "She's also looking for an artist. I can hook you up to her."
"That's good news!" Si Kuya sabay hawak sa isang kamay ni Ate na nasa balikat niya. "What do you think, Indie? This is an opportunity knocking on you."
Kinagat ko ang aking labi. Kita ko ang pagningning ng mga mata nila katabi ang hiling sa pagpayag ko. Why not? Subok lang naman. Kung hindi ko na kaya, eh 'di maghanap ulit ng iba.
"Okay," maikli kong sagot na ikinalapad ng ngiti nila. "But I also have a favor, Kuya." Hilaw akong ngumisi, nagpapa-cute.
His smile fell instantly. Pinanliitan na naman niya ako ng mata sa kuryosong paraan. "Yes? Anything, Indie."
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy. I have been planning about this for the longest time. Hindi lang basta bastang desisiyon dahil sa nasaktan ako.
"Puwede po ba akong bumukod?"
Kung may mas malalim pa na paraan sa pagiging serysoso, naroon ang pagkakaukit ng mukha ni Kuya ngayon. Or shall I say it was more like I offended him and it pains me to see him get sensitive all of a sudden!
"Indira, you are a family," his tone fell cautiously gentle. "We care so much about you. You're Mackenzie's favorite Tita! Bakit bigla mong naisip na humiwalay sa amin? Did we happen to make you feel out of place or ..."
"No, hindi sa ganoon," mahinahon kong sabi. "I just thought of living independently?" I wasn't sure if I said it right, o kung tama man ang pagkakasabi ko, baka rin na-offend siya. "As a young adult."
"A young adult with fucked-up decisions."
"Language Isaac!" Hampas ni ate Annika sa balikat niya. "'Pag ikaw marinig ng anak mo!"
Nagpigil ako ng tawa sa pagtatakip ni Kuya sa bibig niya. I heard him mutter sorry behind his palm.
I explained further to him my reasons. Pero kahit hindi ko malawakang ipaliwanag ay naiintindihan naman siguro niya ang ibig kong iparating. I just don't want to depend on them all the time. Na kung bumagsak man ako, ay lagi akong kampante na may sasalo sa akin. Atleast for once, or from this day onwards, I hope to learn how to stand on my own feet instead of waiting for a hand to lift me.
Isa pa ay nahihiya na rin talaga ako sa kanila. I want them to live as a family of their own. Iyong walang sasampid na katulad ko. I'm not even Kuya Isaac's full-blooded sister. At sa dami nang nagawa kong mali, wala akong naalalang nasigawan niya ako o napagtaasan man lang ng boses. I'm just too spoiled by him and I kind of felt like I needed to do something more. Isa pa, sapat na ang nagawa nila sa akin at matindi ang pasasalamat ko roon.
Kuya fell quiet. Hindi nagtagal ay nagkatinginan sila ni Ate Annika na parang may tahimik na napagkasunduan at sabay rin silang bumaling pabalik sa akin.
"Let me think about it, okay? It's not easy for me, Indie, to be honest. I've been taking care of you since you were a kid."
Tumango ako at naintindihan iyon.
Doon pansamantalang natuldukan ang usapan namin nang makatanggap ito ng tawag mula sa ospital. Looking deeply at it, we are total opposites. Ganoon nga talaga siguro, hindi porke't iisa ang paraan ng pagpapalaki sa inyo ay magkakahawig na rin ang hilig ninyo. While my brother is one of the most renowned doctors here in Cebu City, here I am, Indira Guinevere Sartre, the troublemaker.
After lunch, kailangan na ring umalis ni Ate Annika para sa meeting sa Vinyl. I went with her since I should also be present to discuss about the artwork. Dapat kinakabahan ako dahil unang sabak ko ito sa isang seryosong trabaho. But knowing who is already waiting in the office as we arrived in the building, nakaramdam ako ng pag-asa na magiging masaya itong unang project para sa akin.
Pagkapasok sa opisina ay nadatnan namin ang dalawang lalakeng nakaupo na sa sofa at dinadama ang lamig ng aircon. And one of them is a very close friend of mine.
"What makes the very famous Dean Cornelius doing here?!" sigaw ko na nagpagulantang sa kanila.
Si Patrick--Tour Manager--ay nalaglag ang cellphone sa gulat. While Dean shifted in the seat and smirked at me. Agad nilagay ang isang braso sa sandalan ng couch at prenteng dumekwatro. Nag high five kami ni Patrick. Saka ako umupo sa espasyong nilaan ni Dean sa kanyang tabi.
"Nice hair." Kumuha siya ng hibla ng buhok ko at parang bata itong pinaglalaruan.
Hindi ko maintindihan ang kanyang reaksyon. Parang naweweirduhan siya salungat sa pagpuri niya sa buhok ko.
"Bakit ikaw lang? Where are the others? Si Sky?" dagdag ko.
"Band rehearsal. May gig kami bukas. Uuwi rin ako ngayong gabi," aniya sabay silid ng cellphone sa jean pocket niya.
"Hindi ka manlang nag-message na pupunta ka? Nakakatampo, ha!" irap ko sa kanya.
"Ikaw ang hindi na nag-reply sa text ko! Kaya ako na ang pumunta rito. Indie, the effort I make!"
His hazel green eyes widened as he touched his chest like I offended him. But then, there's a hint of amusement in there, too.
"At isa pa, paiba-iba ako ng phone number!" mga rason pa niya.
"But we're friends on Facebook! You could've messageed me there if you can't reach me through the phone. And I followed you on Instagram na puro dagat ang laman!"
"Anong masama sa dagat? Atleast I don't post my ass."
"'Cause you don't have an ass," I rebutted.
Nilingon niya ako na mahigpit na ang linya ng mga labi. Namungay ang mga mata na sigurado akong bigat na bigat sa insulto at inis at nakataas ang isang malditong kilay. He looked pissed but his eyes were telling otherwise. Samantala, umalingawngaw ang tawa ni Patrick sa tabi nito.
Natawa ako at pabiro niya akong sinuntok sa braso. Nadagdagan pa ang batuhan namin ng pang-aasar at insulto. After a dark red day of heartbreak, it was such a relief to see atleast a friend who I can talk to about anything, hindi na bale kung tungkol sa pinagluluksaan ko. Dean Ortigoza, one of my friends since highschool, kabilang na ang tatlo pang miyembro rin ng banda nila. Ako lang sa aming lima ang hindi nakasandal ang talento sa musika.
"Ano na naman ang ginawa sa 'yo ng gagong iyon? Sabi ko sa 'yo, Indie, ako nalang, e!"
Inirapan ko siya. Sinasabi niya iyan pero deep inside, alam kong patay na patay pa rin ang mokong na 'to sa isang babae.
"Let's just talk about the artwork concept. Tell me your vision, Dean."
He sighed. "You know what? I trust your artistic taste and abilities."
"Aba'y dapat lang! Maghahasik ako ng tsismis tungkol sa'yo kapag hindi," banta ko.
His raspy laugh echoed. "Fine. The whole thing depicts freedom, youth and... nostalgia. Deep seated nostalgia."
"And women?" My eyes narrowed at him.
A small laugh escaped from him. "Indie, I'm a changed man," mayabang niyang sabi.
"Okay, parang may naisip na ako. Ako na ang bahala. I think I'd be able to finish it in one week." Dahil wala rin naman siguro ako ibang gagawin kung 'di itong nag-iisang proyekto.
Hinihimas niya ang baba habang nag-iisip. "We kind of just released the songs already but not yet the full-length album. So one week is perfect."
The whole board decided that I will be the final person to do the artwork. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap dahil limitado lang din kasi ang oras ni Dean dito at may iilan pa silang aasikasuhiin kaya aalis na rin sila mayamaya. Sa text na lang namin pag-uusapan ang ibang detalye. Pagkatapos ng maikling meeting, nagpaalam na ako sa kanila na may pupuntahan. Nag-alinlangan pa si Ate Annika pero tiniyak ko naman sa kanila na wala akong gagawing masama. That as much as possible, I will stay out of trouble.
Iyon naman talaga ang balak ko. But then, I found myself inside the taxi and told the driver of Travis' house address.
Pinara ko ang taxi sa harap ng entrance ng subdivision. The place where he's living right now probably together with his bitch of a lover.
Tinatanaw ko ang bahay na hinding-hindi ko makakalimutan. Habang papalapit na ako, unti unting bumabalik ang imahe sa nangyari dalawang araw na ang nakakaraan.
Memories, memories... I used to live with him in that same house. We watched movies while cuddling on the sofa. Nagnanakaw siya ng halik sa aking pisngi, nakakatulog siya na nasa balikat ko na ang kanyang ulo, ginigising niya ako para sa isang napakasarap na agahan... until that one fateful day ruined everything. Parang nasa isang salamin lahat nga mga naglalarong imahe na sa isang bagsakan ay nagkakandapira-pirasong hindi na muling mabubuo.
I wonder if he and Helga do these things now like how we used to?
At ulit, inuutusan ko na naman ang sarili na hindi umiyak. Tapos na akong umiyak para rito. He's just a boy now, anyway. He ain't man enough to keep his promises. He ain't man enough to keep his loyalty to me!
May nakita akong mga pebbles sa halamanan nila sa labas na nasa tapat lang ng bakod. I picked up several pieces; yung malalaking pebbles at nilagay ko sa bulsa ng aking black hoodie.
Bukas na bukas pa ang kanilang ilaw. Rinig hanggang dito ang pinapanood nilang romantic foreign movie. Sarado ang glass window at natatakpan ng puting kurtina. Hindi pa rin pala niya pinalitan ang nilagay ko. Maybe Helga isn't into those things. Atleast I left something that could haunt him forever. I hope it's giving him nightmares!
Muli akong lumingon sa mga kabahayan at nagbabakasakaling walang nakasilip. I lied when I said that this is far from trouble because obviously, this is within the range of a huge mess that I promised not to do. Forgive me, Kuya Isaac.
Una kong binato ang mga bintana nila sa taas. Hindi ko binilang kung pang-ilang bato bago ko ito nabasag na naglikha ng ingay na sa tingin ko'y hindi pa nila naririnig. Sa lakas pa naman ng volume ng TV nila.
Humakot muli ako ng mga pebbles. Mas malalaki, and I'll make sure this is going to cause a massive destruction. Mabilis at sunod sunod kong hinagis ang mga bato. Binuhos lahat ng hinanakit ko sa mundo. Pumasok sa loob ang tatlo na umani ng sigaw mula kay Helga. Mula sa kinatatayuan, kita ko ang mga anino nilang nasisindak.
"Hoy!"
Lumingon ako sa kanan at nakita ang dalawang guards ng subdivision na tumatakbo papunta sa akin. Nakataas ang kanilang mga batuta at flashlight. Sa kupad ng kanilang takbo kahit anong effort nila upang mapabilis ito, alam kong hindi nila ako maaabutan.
This should be easy. Been doing this since I grew a limb.
Walang pag-aalinlangan akong tumakbo palayo. Palayo sa bahay na iyon. Palayo sa kanya. Palayo sa alaala. Pero ang nilalaman ng isip ko ay hindi lang ito magwawakas dito. I won't stop until I get even with that bastard!
Naririnig ko pa rin ang paghabol sa akin ng dalawang guwardiya. Sa gitna ang madilim na parte ng subdivision--sa mga bagong gawa na bahay na hindi pa natitirhan-- ay may natanaw akong kotse na nakaparada sa hindi kalayuan. Ang pagiging itim ay hindi ko matukoy kung sa dilim ba o iyon na ba talaga ang kulay niya.
Lumingon ako sa likod. The guards were gone but I have to be sure!
Dahil sa taranta na ako, nang hindi man lang kumakatok o inaalam kung may tao sa loob, binuksan ko ang pinto sa may passenger's seat. Pero napatigil na ako hindi pa man tuluyang nakapasok.
Sa harap ko ay isang babaeng nakasaklang sa lalake at mapusok na naghahalikan. I froze as I watch them lustfully grinding at each other! It's like a scene of some porn video! Hindi man lang nila napansin na may nagmamasid na sa kanila.
But I already set my priorities. Isa pa, hindi ko naman sasakyan ito, so they can do whatever they want! Nakikisakay lang naman ako.
Nang makabawi ay nagkibit ako at umupo na sa passenger's seat. Pagsara ko ng pinto, doon na nila ako napansin.
"What the--"
Nilingon ko silang dalawa na parehong gulat at humihingal pa.
"Hindi hold-up 'to. Patambay lang," kalmado kong sabi para hindi sila mataranta.
Lumingon ako sa likod at natanaw ang papalapit na bulto ng mga guwardiya. Ang babagal naman tumakbo.
"The fuck? I don't even know you!"
"Who is she, Groz?" maarteng sabat ng babae.
Pinasidahan ko siya ng tingin. Hindi gaanong malinaw sa akin ang itsura nila dahil sa may kadilimang parte ng pinaradahan nitong sasakyan.But I could tell that she's wearing a micromini dress. And the guy? Familiar.
Binalik ko ang tingin sa likod. Malapit na sila. Pansin ko ang kanilang mga hingal at pagod na pagtakbo. Huminto ang isa at parang nagpahintay sa kasama upang mag-ipon ng hangin ngunit hindi siya hinintay nito.
Sa gilid ng aking mata, gumalaw ang babae at bababa na sana galing sa kandungan ng lalake. I glared at them.
"Huwag na huwag kayong magkakamaling isumbong ako sa mga iyan," tango ko roon sa mga guwardiya. "Hindi niyo ako kilala," banta ko.
The woman looks frightened. Hindi siya nakababa sa kandungan dahil sa takot.
"Babe, is it okay with you to continue this with an audience?" ngumisi ang lalake bago kinindatan ang kasama.
I winced. Is this guy serious?
Maarteng tumawa ang babae at tila umayon naman ito dahil naghahalikan ulit sila. I rolled my eyes. May parte sa aking pinagsisihan ito dahil hindi nagtagal, naramdaman ko na ang pag-alog ng kotse.
"Hmpp-No," The woman gasped. "I'm sorry, babe. I can't do this with... with.." sabay muwestra niya sa akin nang hindi ako binabalingan.
Binagsak ng lalake ang likod sa sandalan at mukhang bad trip na. I can see the sweat glistening on the side of his face.
Mabuti naman at may natitira pang hiya iyong babae. Yes, mabuti pa siya kasi ako naman talaga ang walang hiya dito, 'di ba?
Wala nang salita ay lumabas ang babae, padabog na sinara ang pinto. With the doors closed, I could still hear every click of her heels against the concrete.
"I can't fucking believe this!" Sabay hampas ng lalake sa steering wheel na ikinaigtad ko. His thunderus voice boomed on the car walls. .
I cleared my throat. Gusto ko man tumawa, pero bad timing dahil galit na galit talaga siya. It's like someone has just crushed his ego and he couldn't just accept it calmly.
"Out," madilim na banta ng lalake. His low baritone is sending me shivers.
"Well, you can just reach her on the phone for another booty call," sabi ko. Palubang loob. Kahit ito na lang ang magagawa ko para hindi niya ako itawkil paalis sa kotse niya.
I guess he's too frustrated and angry to even care about my intrusion that he didn't even further acknowledge my presence. Sinubsob niya ang mukha sa manibela at mariin na sinabunutan ang magulo na niyang buhok.
Napabaling ako sa mga hakbang. It's the guards. Akala ko palalagpasin lang nila ako dahil hindi na nakita pero naghahanap pa rin pala sila!
"Dammit!" I muttered another curse.
"What?" iritado ang tono ng lalake at bahagyang ssumilip mula sa nakatakip na braso sa manibela.
"Huwag mong buksan!" Inunahan ko na nang makita ang mas lumalapit pang mga guwardiya.
"Bakit ba?" inis niyang tanong at binakas ang tulay ng paningin ko.
Not later on, I heard him seething.
"Are you a fucking criminal? Tang- ina- pag minamalas ka nga naman!"
"I'm not a criminal!"
"Yeah, right! So sino iyong humahabol sa 'yo? Daddy mo?" Sarkastiko niyang sabi.
I ignored him. Lalo na dahil nakikita ko kung paano nila pagtuunan ng pansin itong sasakyan. Sigurado ako na lalapitan nila ito at susubukang buksan. Ang malala, baka aakalain pa nila na pagmamay-ari ito ng mismong hinahabol nila. Ako!
This may not be the best idea but I think it'sll cover me. Pinagalaw ko ang sasakyan sa pagtaas baba ng aking sarili habang nakaupo.
"What... the hell are you doing?" The guy growled.
"Making them think that something private is going on. Sabayan mo na lang ako. Bilis!"
"And you think this is a good idea? Kung palalabasin tayo, ha?"
Hindi ko na pinagisipan ang sinabi niya nang makita ang pag-aalinlangan ng mga guwardiya. Isa sa kanila ay napakamot sa kanyang ulo at umiiling, tinatapik ang kasama niya na tila sinabihang pabayaan na kami. He is slowly turning his back to walk away from us.
Nang tuluyan na nga silang umalis, napahinga ako nang malalim. Medyo pinagpawisan pa.
"Whew! Kakapagod pala iyong ginagawa niyo kanina--"
Hindi ko natuloy ang sinabi dahil nabulag na sa sinag ng ilaw . He clicked lights on inside the car. It wasn't even a very convenient car light! Kaya mas lalo pang lumukot ang mukha ko hanggang sa tumapat ang tingin ko sa nakabusangot na mukha niya.
I wasn't wrong when I have considered for a second moments ago that he's familiar. Hindi lang siya pamilyar sa akin ngayon. Kilalang-kilala ko pa! That brown chocolate eyes na may kalakihan pero ang mas nakakahila talaga ay ang pagiging malamlam ng mga ito na tila tinutunaw na bilog.
Ang buhok niya rati ay mala crew cut sa pormal dahil requirement iyon ng paaralan. Now, it's a fashion flair hairstyle na bumagay lamang sa hugis at anggulo ng mukha niya.
Like a bulb lit inside my head, I pointed at him. Kumakapit sa dulo ng dila ko ang pangalan niya ngunit bago ko pa man matukoy ay inunahan na niya ako.
"Sartre?"
Oh, he remembers me, too?
"Uh... creepy. Kilala mo pa ako?"
Ang kaninang gulat at awang ng labi ay humulma ng nanunuyang ngisi. "Sinong makakalimot sa 'yo? You and your highschool shenanigans! With all of your demerits, paano ka nakagraduate?"
Medyo na-offend ako roon but in some way, he's got a point. Inirapan ko siya.
" 'Cause I'm smarter than your ass, Calvillo."
Parang lumuwang lahat ng turnilyo ay nagpakawala siya ng tawa. It's like the dark comedy didn't happen just a while ago.
But then it was shortlived when he realized what's happening. Bumagak ang tawa niya at naging suplado ulit.
"Lumabas ka na, wala na ang mga naghahabol sa 'yo. Unless you want to do something else to ease my fucking blue balls."
Bago pa ako makapag isip ng itatapat sa sinabi niya, dumaan ang Vios ni Travis. I know it was his car. I've driven it several times so I don't just know every bit of it internally. Hindi pa tinted ang sasakyan kaya kitang-kita ko kung sino ang sakay sa tabi niya! And for that moment, may nahagip akong nakabalot sa ulo ni Helga. Like a bandage. Napuruhan ko pala siya?
"Sundan mo yun!" turo ko sa silver na Vios.
"No. Your time is over, Sartre. I've had too much for tonight----Whoah!"
Gumapang ako sa kanyang kandungan, umupo roon at pinaandar ang makina. Inalis ko ang kanyang paa na nakaapak sa clutch at accelerator para palitan ng aking mga paa.
"Ayaw mo, eh 'di ako ang magda-drive!" Binaba ko ang handbreak saka nilipat ang gear.
"Fine! Own my fucking car, Sartre!" He's frustrated and angry once again. Another curse escaped from him.
I zoomed the car until we're behind the Vios. Nang tumapat kami sa red traffic light, doon pa lamang nagawang lumipat ni Calvillo sa kabila para tuluyan ko nang maangkin ang driver's seat. I could sense how intensely frustrated he is na hindi niya ako kinibo sa isang buong oras. Panay kong naririnig ang mga mabibigat na buntong hininga niya.
"Ikaw na rin ang magpa-gas," malamig niyang sabi pagkatapos ng isang oras na pananahimik.
"Sureness."
Nanatili ang focus ko sa silver Vios. Not even once did I ever let it out of my sight. Saglit na dapo ng tingin sa oras ay ibinalik ko naman kaagad ang panunutok ko sa harap. It's already nine in the evening. Siguradong hinahanap na ako nila kuya ngayon.
Pagkarating sa isa pang main highway, iniinis ko pa lalo sila Travis na mabilis magpatakbo. Pinatay-sindi ko ang ilaw sa headlights at binusinahan sila ng makailang beses. I saw how the car swerved a little bit.
With the bandage on Helga's head, naisip ko na sa ospital sila pupunta. Pero sa pagkakaalam ko, ang tinatahak namin ay hindi tungo sa kahit na anong ospital.
"Fuck this," Calvillo cursed.
I chuckled a bit. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Palamura ka pa rin. Remember how it got you in trouble?"
"Don't fucking remind me," he said in a lazy way but a bit more harshly. Nag-ipon na yata lahat ng mga kamalasan niya sa buhay.
Well at least, he's got the looks. That's more than just luck, you know.
"That's so highschool, Calvillo. Get over it."
"I hated you for that, alam mo yun?" Hindi nabawasan ang inis sa tono niya.
"Did you somehow blame me for it? Hindi naman kita pinilit magmura nun, a? And it's as if I ratted out on you. You screamed, you know!"
"I'm not blaming you, alright? I'm sorry, but I'm just so riled up right now. I can't even have a decent conversation with anyone."
Tinikom ko na lang ang bibig ko at hinayaan siyang magpalamig ng ulo. I learned the hard way not to hit back someone's anger. Isa pa, hindi naman ako dahilan ng inis niya kaya mas may rason ako na hindi na siya patulan at manahimik na lang.
Oh really, Indira? Hindi ikaw ang rason ng inis niya dahil rason ng galit mismo!
Katahimikan ulit. I let the song on the stereo create some life in between the dead minutes. Hindi naman nagtagal at pinukaw nito ang kuryosidad niya.
"Ba 't nga ba natin sila sinusundan?" tanong niya sa mas kalmado nang disposisyon.
"Why d'you think? May bago pa ba?"
Matagal saka niya nakuha ang ibig kong sabihin. I can literally imagine a loading sign above his thinking head.
"Oh, he cheated? Katulad nung sa prom?"
Buntong hininga ang tugon ko bilang kumpirmasyon. The fact that he still remembers it makes me realize how big that spectacle was considering it happened like four years ago?
He fell silent as if he also mourned for me. May malasakit din pala 'to sa katawan. Akala ko, puro landi lang.
Saglit ko siyang sinilip, tama lang sa pagdaan namin sa linya ng mga ilaw sa tulay para mailawan ang mukha niya. He's already turned off the lights of the car.
"So... ikaw nga iyong Calvillo na nakausap ko noon? Not the other one, kasi 'di ba may kambal ka?"
"Hm," he hummed. "Mas guwapo naman ako dun."
Naipit ang pinigilan kong tawa at napailing.
"Ano nga ulit name mo? I just can't keep calling you Calvillo while I am here, low-key owning your Ford."
Naalala ko noong highschool sa tuwing magkasama sila, agad mong mapapansin kung sino ang mabait at sino ang pilyo. They have the same eyes with his twin brother. The only difference was how they each carry themselves. Ang isang 'to, lakad pa lang, alam ko nang maghahasik ng gulo. Iyong isa, may lakad na susundin lahat ng patakaran sa mundo.
He stabbed his inner cheek with his tongie. Walang salita ay dinukot niya ang kanyang wallet.
"Oh, basahin mo." Nilahad niya ang kanyang ID.
"Kita mong nagda-drive ako, 'di ba?" sabi ko, tinututukan pa rin ang Vios sa harap.
Panibagong pulang traffic light ang hinintuan namin. Binigay niya ulit ang ID at binasa ko.
"Jester Grozdan Calvillo. Hm." I said nothing more.
"So... itong sinusundan mo." Balik niya sa kaninang usapan. "After the chase, what's next? Like you can't keep on doing what you did way back in highschool, right?"
"That applies back to you, too. You and your flavors of the week."
"No, you don't get it."
"Alam mo, gets kita...:" Naglaho ang sinabi ko nang makita na huminto ang Vios sa harap ng isang malaking bahay.
It wasn't as big as where I live at Kuya Isaac's. Though, it's spacious enough kahit na walang second floor. Pinarada ko ang sasakyan ne medyo malayo sa kung saan sila huminto.
"Hinatayin mo ako. Huwag mo akong iwan dito," banta ko bago buksan ang pinto. "May car spray ka ba?"
"What for?" Arogante niyang tanong.
Tamad ko siyang tinignan na may kalakip na pagbabanta, showing to him this face tired of anyone's bullshit.
Inirapan niya ako at tamad na tinuro ang likod ng sasakyan.
As soon as I acquired my needed supplies, I inched closer to Travis' car. Isang maingat na paglapit ngunit hindi agad naisagawa ang plano dahil napatutok pa sa loob na sa tingin ko ay bahay ng babaeng pinangakuan niya ng kasal.
Does he also whisper sweet nothings to her like he used to do to me? And everytime I fear, he's there to calm me down. Katulad din kaya ng pagkakalma niya kay Helga ngayon?
Enough with the memories! Ginagatungan lang nito ang poot ko at sa walang pagdadalawang isip, inalog ang spray at gumuhit ng malaking puso sa likod ng Vios. I wrote their names on each side at sa gitna ng puso ay gumuhit ng matitinis na linya pababa.
Pinuno ko pa ng mga guhit ang ibang espasyo ng sasakyan. I didn't leave a single space unclean. Some are obscene graffitis pero konti lang naman. Mabait pa ako niyan.
Naubos ko ang isang bote. Papalitan ko nalang ito ng dalawa para wala na akong atraso.
Parang baliw akong nakangiti at patalon- talon na naglakad pabalik sa puting Ford. Nakangangang si Jester ang bumungad sakin pagkapasok ko.
Sinusundan niya pa rin ako ng tingin. Nakataas ang kilay niya habang marahan na pinipisil ng isang daliri ang kanyang labi.
"What?" I asked as I settled myself back in the driver's seat.
"You think that move will make him go back to you? Very mature, huh."
Inirapan ko ang sinabi niya.
Nanatili ang pagkakatunganga niya sa akin hanggang sa napakurap. He shook his head slightly.
"I guess things have never changed," he added in a tone down voice.
"Things like what?" I faced him with a challenged mood.
"Like you? Like me? 'Cause, Sartre, I won't let this pass without getting something in return." He shifted in his seat. "I let you borrow my car. Being me, I always negotiate with people because that's how life works. There is always bargaining. So what could I get in return?"
Namilog ang mga mata ko. "Hindi ako makikipag one night s--"
"No, no. Nothing green. I mean pure good intentions, Sartre. Doesn't have to be anything with sex on it."
"Uh... kiss? You like?"
"Hm. Much better than I thought." He smirked.
Sa Amara subdivision ang bahay nila kuya. Nasa mataas itong bahagi at kitang kita mula sa bahay, lalo na kapag nasa attic, ang dagat. Bumalik sa isip ko ang pagaalis kahit hindi pa man pumapayag si Kuya. I will miss everything about this home.
"Saan na atayo?" Biglang tanong ni Jester.
"Uuwi, ikaw? Di ka pa uuwi?"
His laughter boomed inside he car. "You are driving my baby. Paano ako makakauwi? Ihahatid mo ako?"
"Oh, akala ko bigay mo na sa 'kin 'to?" Biro ko pa.
He huffed. "Akala ko malala ka na nung highschool. Mas may ikakalala ka pa pala ngayon."
Pinigilan kong mapangisi. Ang kapal talaga ng apog mo, Indira. Ikaw man ang nag mamaneho pauwi, pero ang kapal pa rin ng mukha mo.
Pinasok na namin ang entrance ng subdivison. Sa sandaling pagsilip ko sa dagat ay mga ilaw galing sa barko ang tanging naging liwanang sa madilim na karagatan. Nadaplisan din ang kadiliman ng liwanag galing sa lighthouse na malapit lang dito.
Nahagip ko ang pagsilip ni Grozdan sa bahay pagkaparada ko sa kotse niya.
"Mayaman ka pala bakit hindi ka nagdala ng kotse mo?"
"Kuya ko lang ang mayaman," ani ko at lumabas na.
Isasara ko pa lang ang pinto nang pinigilan niya ako ng tanong.
"Where's my kiss?" He said while his hand is on the door, blocking my exit.
Tinaasan ko siya ng kilay. Ganito ba talaga siya kalandi? We don't know each other that well! Dalawang beses pa nga lang kaming nagkakausap at ang huli ay six years ago pa.
"Since wala ka naman talagang balak na ibigay sa 'kin ang kotse mo, no kiss." I smiled cutely at him before climbing out and slapping the door rightvon his face.
Umikot ako sa gawi ng passenger's seat at kinatok ang bintana niya. Dahan dahan itong bumaba hanggang sa naaninag ko ang masamang tingin niya sa akin.
"Goodnight, amigo!" I kissed my palms then blow the towards at his face.
Napakurap-kurap siya nang hindi nawawala ang sama ng tingin.
Pagtalikod ko ay dinig ang maingay na pagharurot ng sasakyan. I was laughing all by myself. Atleast may kiss siya. Hindi nga lang katulad ng inaasahan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro