Chapter 9
HINDI nakatulog nang maayos si Allysa kagabi. Buwesit na buwesit siya sa sariling isip, puso, at katawan. Kung bakit hindi niya magawang konrolin ang sarili sa tuwing nalalagay sa mainit na eksena silang dalawa ni Lance o kapag kasama niya ito. Gustong-gusto na niyang kutusan ang sarili. Kung bakit kasi, sa lahat ng may amnesia, ang sweet at clingy nito masyado?
She was expecting Lance to put a gap between them o 'di kaya mailang sa mga ganoong sitwasyon pero tila nag-i-enjoy pa ito nang sobra. It all seemed like it was a normal thing to act romantic and clingy to her. It does make sense sometimes, maari ngang totoo ang kasabihan na, the heart remembers what the mind forgets. Maaring kusa na lamang lumalabas ang reaksyon na 'yon na dati nitong ginagawa dati – unconsciously remembering the things he used to do before. Lance's romantic personality when he's with Alyce.
Well, Lance was really sweet. Kahit noon pa man. She fell in love with his genuine smile and kindness. Kahit na minsan parang bata ito kung naiinis at nagseselos. Kaya sobra siyang nasaktan sa mga sinabi nito noon tungkol sa kanya. 'Yon ang unang beses na nakita niyang galit na galit si Lance. Hindi niya alam kung anong ginawa niya noon para masabi nitong ganoon siya kasamang tao.
"Ate," pukaw ni Mikay sa kanya. Ilang beses niyang naikurap-kurap ang mga mata bago naibaling sa dalagang kasambahay ang mukha. Nasa sala pala siya at mukhang kanina pa nakatulala. "Ate, okay ka lang ba? Mukhang ang deep naman po ng iniisip n'yo?" tanong nito habang hawak-hawak ang pamaspas.
"I'm fine," she waved her hand dismissively. "Nga pala, mag-day off ka muna ngayon." Pag-iiba niya na sobrang ikinagulat ni Mikay.
"Hala ka," natutop nito ang bibig ng isang kamay pero madali rin nitong ibinaba ang kamay nang mapansin nitong maduming-madumi iyon mula sa paglilinis. "Ay shuks, it's so dirty pala." Natawa ito sa sarili. "Pero Ate, kaka day off ko lang po kahapon. Bakit po?"
"Mag-day off ko na lang ulit. Don't worry, I'm not gonna deduct it from your salary. May pera ka pa ba riyan? Daanan mo ako mamaya sa kwarto at bibigyan kita ng baon. Mag-shopping ka, gumala ka, puntahan mo lahat ng gusto mong puntahan."
Namilog lalo ang mga mata ni Mikay sa kanya. "Ate, kinakabahan ako riyan. Okay lang po ba kayo?"
Natawa siya. "Okay lang ako," bahagya niyang inilapit ang mukha rito. "Just don't tell Lance na magdi-day off ka ngayon."
"Bakit po?" naiintriga nitong tanong.
"Basta, ikaw naman, masyado kang intrigira."
"Ay kaloka ka Ate," humagikhik si Mikay. "Support kita sa kung ano pa 'yan. Ano gusto mong pasalubong? Baka pagbalik ko naglilihi ka na."
"Dragon na lasang mangga." Pabalang na sagot niya.
"Ay, huwag na lang pala Ate." Natawa siya sa naging reaksyon ni Mikay. "Hindi ko kaya 'yan. Baka, ako ang makain ng dragon." Tatawa-tawang dagdag pa nito. "Sa hugis pa lang ng mukha ko, manggang-mangga na. Gusto mong hawakan Ate? Huwag n'yo nga lang ho akong paglihian."
"Baliw," hindi niya mapigilan ang lalong matawa. "Umalis ka na nga."
"MAGLINIS ka ng buong bahay. Magdilig ka ng mga halaman." Gamit ang mga daliri ay binilang niya sa harap nito ang mga task na ipapagawa niya rito. Napaawang ang bibig ni Lance sa gulat at pagkalito. Nagpatuloy pa rin siya. "Kailangan mong ihiwalay ang puti sa di-color sa laundry room para hindi na mahirapan si Mikay kapag naglaba siya. You're lucky dahil 'di pa gaanong marami ang maduduming damit. At dahil diyan, lilinisin mo ang banyo mamaya. Pakipalitan na rin ang mga bedsheets sa mga kwarto dahil marumi na. At saka gusto ko makita ko ang sarili ko sa tiled floor. Kindly, mop it well."
Pinasadahan niya ng tingin si Lance. Pawis na pawis ang mukha at katawan nito. He was topless. Basang-basa na rin ang boardshorts na suot nito. I know he's hot Allysa. Stop ogling. Lihim siyang napalunok. I really hate your green mind Allysa Alonzo.
"O, well, natapos mo na palang linisin ang sasakyan."
"H-Huh?" he looked so lost at the moment. Gusto niyang matawa sa expression ng mukha nito pero pinigilan niya ang sarili. "W-Why? Bakit ako maglilinis? Where's Mikay?"
"May pinabili ako. She'll be back later tonight. Let's not wait for her, late na 'yon makakauwi." I'm bored. I'm annoyed, okay? Naiinis ako. Wala akong mapagbuntungan ng inis. I knew how Lance hates cleaning – maliban lang siguro sa paglilinis ng sasakyan.
Naigala ni Lance ang tingin sa paligid at napakamot sa noo. Actually, sinadya niyang magkalat kanina habang busy ito sa paglilinis ng sasakyan sa labas. I know Lance. Alam kong may pagka-demonyita rin ako minsan.
"And please, prepare our lunch already. It's almost noon, dapat pagbaba ko nakapagluto at nakapaghain ka na." She saw him taken aback.
She bet, malulutong na mura na ang isinisigaw ni Lance sa utak nito. Fuck, seryoso ba 'to? Anong nagawa ko? What the hell?! Damn it. She can already imagine Lance saying that in her mind. Halatang-halata sa expression ng mukha ni Lance. He was one hundred percent annoyed.
"Maliligo muna ako."
'Yon lang at tinalikuran na niya si Lance at umakyat sa hagdan. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng hagikhik. That's for making me feel stupidly in love with you whenever you used your charm on me Lance. Akala mo, ha? I don't fight fair my love. Enjoy cleaning!
TINUTUYO na ni Allysa ang buhok gamit ng puting tuwalya nang mag-ring ang cell phone niya. She wore a simple black spaghetti strap blouse and faded blue denim shorts. She had enough of Alyce's floral dresses even at home. Shuks! Isang floral dress na lang at bubuyog na ako bukas. Iniwan niya ang tuwalya sa itaas ng kama at dinampot ang cell phone sa itaas ng vanity table.
Pangalan ni Darwin ang nag-register sa screen ng cell phone niya. She can't help but raised an eyebrow. Ano na naman kayang kailangan ng lokong 'to? Oh well. Sinagot pa rin niya ang tawag nito.
"Oh, bakit na naman Darwin?!"
"Grabeh ka naman Al. Ang bagsak ng pagkakasabi mo ng Darwin. Lagyan mo naman nang kaonting lambing Allysa. Kindly handle my name with care."
Natawa lang siya. Ang OA talaga ng lalaking 'to! "Bakit nga kasi? Tawag ka nang tawag sa akin. Wala ka bang ibang makausap o matawagan? Unli-call ka besh?" panggagaya pa niya sa lagi nitong tawag sa kanya. "Yayamanin."
"Ay grabeh siya." Humagalpak ito ng tawa sa kabilang linya. "Kumusta?"
"Bakit ba lagi kang nangungumusta sa buhay ko?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Masama? Ikamamatay mo? Ganito talaga ang mag-bestfriend. Laging nangungumusta. Besh, grabeh ka. You're hurting my fragile heart." Lalaking-lalaki ang boses pero 'tong mga linyahan ni Darwin bekeng-beke. 'Yong totoo?
"Kailan pa tayo naging mag-bestfriend?" nakangiti niyang tanong pa rito. "I can't recall po kasi."
"Hindi ko maalala pero may history tayo. Hindi tayo mag-ex pero may nakaraan tayo." He chuckled. "Anyway, ginawa mo ba ang advice ko sa'yo?"
Napamaang siya. Wow! "Hoy baliw! Tigilan mo ako sa mga ka manyakan mo. Kapag talaga nagkita tayo, ipapasok talaga kita sa freezer."
"Am I too hot for you Allysa?" napamaang siya lalo. "Ano ba naman 'yan Allysa Alonzo. Ang kupad mo naman. Mag-enjoy ka nga. Minsan lang 'to. Hindi mo alam ang kung anong mangyayari sa'yo kinabukasan. Carpe Diem, sieze the moment. Huwag mong sayangin ang oras na ibinigay ko sa – I mean ibinigay ni Lord sa'yo. Remember, time is gold."
"I know what I'm doing, okay? It's just that –"
"Pinabitin ka ba ni Lance kagabi?" putol nito na sobrang kinagulat niya. Napasinghap siya at napamura nang mahina. Shuks! Narinig na lang niyang tumatawa sa kabilang linya si Darwin. "Earth to Allysa. Hello? Nabitin ka kagabi, no?"
"H-Hindi ah!" kaila niya. "What made you think that?" naramdaman niya ang pag-init ng mga pisngi. Ano ba 'tong si Darwin? Bakit ang dami nitong nalalaman? Is he really human?
"Nabi-bitter kasi ang mga taong 'di nadidiligan. Laging mainit ang ulo. I sense bitterness and frustration in your tone. I know when I hear one. At saka, hello po, brad, nagsasama kayo sa iisang bahay, natutulog sa iisang kama, tang na orange, ano 'yon humble living? Mag-asawa kayo sa isip ni Lance, kahit na wala siyang maalala, lalaki pa rin 'yang bebe mo. Kung ako sa'yo, sasagarin ko na ang pang-aakit para matapos na. Tang na juice, na-i-stress na ako."
"Love life mo ba 'to, ha? Kaloka ka."
"I care for you kasi. I'm your bestfriend. I love you even if you love someone else."
Sa huli ay natawa lang siya. "Lol, tama na nga. I-chi-check ko muna si Lance sa ibaba. Break time mo ba? Ang dami mong oras makipag-chikahan sa akin. Baka masisenti ka na riyan."
"Nah, I'm good. I can't fire myself. My business needs me. Bye!" sunod-sunod na beep sounds na ang narinig niya sa kabilang linya.
Wow, binabaan siya ng baliw! Tsk, sabi ko na nga ba't hindi basta-basta ang lalaking 'yon. Sakit ka talaga sa anit Darwin.
She decided to check on Lance sa ibaba. Nasa first landing na siya ng hagdan nang matigilan siya. Literal na napanga-nga siya sa naabutan niya. Kung kanina ay magulo na ang bahay mas magulo ang bahay ngayon.
Nagkalat ang mga damit sa sahig na basang-basa pa rin dahil mukhang iniwan lang nito ang pagma-mop. Hayon at nasa gilid lang ang mop. Napamaang siya nang makita ang bakas ng dumi ng tsinelas sa hamba ng pintuan. Sumilip siya sa bintana at ganoon na lang talaga ang gulat niya nang makitang hindi nito pinatay ang gripo sa front garden ng bahay kung saan naka connect ang hose dahil patuloy lang sa paglagaslas ang tubig mula roon.
Naglapat ang labi niya sa pagtitimpi. Mabigat ang mga paa na tinungo niya ang kusina. Natigilan siya nang mapansing nasa maayos ang lahat sa kusina at nakahanda na rin ang mga pagkain sa dining area. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa direksyon ng living room at ng dining room. May secret portal ba sa bahay nila at dalawang mundo ang napupuntahan niya?
"Lance?!" tili niya.
Tila nagmamadaling lumabas si Lance mula sa pinto ng dirty kitchen. May hawak itong dalawang baso na inilapag agad nito sa pang-walong upuang mesa sa dining room. Hindi niya sigurado kung napansin siya nito. Sinundan niya lang ng tingin ang ginawa nito hanggang sa matapos ito sa paghahanda.
Nang iangat nito ang mukha sa kanya ay agad itong ngumiti sa kanya. Lance didn't say a word, instead, he walked closer to her and gave her a quick kiss on her right cheek. Napakurap-kurap siya sa ginawa nito.
"I'll have a quick shower," he said. "If gutom ka na, mauna ka na lang." 'Yon lang at iniwan na siya nito at nagmadaling pumanhik sa itaas.
Naiwan siyang nakatulalang mag-isa sa dining area. Shuks! She's annoyed. Annoyingly in love with him. Damn you Lance! How can you still make my stomach flutter kahit nakaka-bwesit na ang paggulo mo sa bahay?
I know Al got annoyed for all the mess I did in our living room. I hate cleaning but I know I love cooking... for her. 'Di ko alam kung saan galing ang ideya na 'yon but I just have a strong feeling I do. I left everything and did what I love the most. Cooking my wife, haha. Joke. Cooking delicious foods for my beautiful Al. – Lance
I'm simply annoyed. Annoyingly in love with Lance. Thanks for the messy living room. He was able to waived his sin with just one kiss – a freaking kiss on my cheeks. Ganoon ba talaga kita kamahal, ha? Bakit ang hina ng puso ko sa'yo Mr. Lance del Valle? - Al
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro