Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

DUMIRETSO si Allysa sa DESTINED MART nang umalis si Lance. Makikipagkita ito sa daddy nito. Hindi na siya sumama dahil mukhang seryosong bagay naman ang pag-uusapan ng mag-ama. Gusto niya munang makahinga kahit sandali. Magkikita naman sila ni Lance mamaya dahil nagyaya itong kumain sila sa labas pagkatapos ng meeting nito with Tito Lemuel.

Pinagbuksan siya ng glass door ni Mang Kaloy.

"Ma'am Allysa?" napakamot sa noo ang matanda sa sobrang pagtataka. Tila ba ibang tao ang nakikita nito sa mga oras na 'yon. "Ikaw po ba si Ma'am Allysa?"

"Ako 'to Mang Kaloy," she chuckled. "Naarawan lang." Natawa naman ang matanda sa sinabi niya. Humarang naman agad si Darwin sa harap niya. Nakataas ang kilay na humalukipkip siya. Ngumisi lang ang lalaki. "What?" pabalang na tanong niya.

"You look different." Darwin titled his head, saka siya nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "You're a Barbie girl. In the Barbie world." Saka tumawa ng malakas.

"Shut up!" naitirik niya ang mga mata rito.

Iniwan niya ito at naupo sa dati niyang puwesto. She was wearing a knee length pink floral halter dress and white doll shoes. Mukha talaga akong tao. Wala gaanong tao dahil hapon pa naman. Ito ang unang pagkakataon na tumambay siya DM na may araw pa. "Don't start," babala niya agad nang maupo ito sa bakanteng upuan sa harap niya.

"Hoy Allysa, mustang buhay may asawa?" nakangising tanong nito.

"Kung maka hoy ka sa akin, close po tayo?" pinukol niya ito nang matalim na tingin.

"Masamang magtanong? Ikamamatay ni Nemo?" tumuwid ito ng upo. "Anyway, nabalitaan ko 'yong nangyari kay Lance. How is he?"

"Kailan ka pa naging updated sa buhay niya?" sa huli ay napabuntong-hininga na lamang siya. "Anyway, he's fine now."

"But you're not?"

"Ewan ko," she shrugged. Nailipat niya ang tingin sa labas. "Minsan gusto kong baguhin ang lahat. Ngayon pa't wala siyang maalala sa aming dalawa ni Alyce." She smiled bitterly. "Para bang pinaglalaruan kami ng tadhana. Ang hirap paniwalaan pero parang sinasadya talaga eh." Nailipat niya ang tingin kay Darwin. "Ano sa tingin mo?"

"Aba'y malay ko?" he shrugged. "Baka naman kasi bored na si Mr. Tadhana kaya nangingialam na siya sa buhay mo." He leaned his arms on the table and moved his face closer. "Oh baka naman, kayo talaga ni Lance ang meant to be?"

"Dapat ba akong maniwala sa mga ganyan?" sa buhay ko ngayon parang ang hirap nang umasa for a perfect love story. "Destinies aren't real. Mr. Destiny isn't real. I guess?"

"I would like to disagree with you about that Allysa. Huwag mong maliitin ang force of love. Minsan talaga, may mga bagay na iniisip nating imposible. Kapag gano'n, kailangan nang konting push at manipulation para mabalik ang dating love path ng dalawang couple."

Nawi-weirduhan siya sa sinasabi ni Darwin sa kanya. Kumunot lang lalo ang noo niya. Nahihirapan siyang i-absorb ang ka weirduhan nito.

"Bukod sa pagiging-cheap-instant-friend Darwin. Alagad ka ba ni Destiny at mukhang masyado kang defensive sa usaping pag-ibig? 'Yong totoo?"

Natawa ito. "Well, pwede rin. Anyway, nag-ganern na ba kayo?"

"Huh?!" napamaang siya sa biglang tanong nito.

"I mean, nag-made love na ba kayo?"

Tumaas naman talaga ang gilid ng labi niya. Kung hindi lang mataas ang self-control niya sa sarili ay napatay na niya 'to eh o 'di kaya nasapak sa sobrang straightforward nitong magsalita. Ano na lang ang sasabihin ng makakarinig sa kanila?

"Gusto mong kalbuhin kita ngayon?!" she hissed.

"Al, payo lang, huwag kayong gumamit ng protection."

What the heck? At talagang? Lalo lang siyang nabanas nang ngisihan siya ng loko. Ano bang pinag-iisip ng baliw na 'to? Humugot siya nang malalim na hininga. Exhale. Okay, kalma lang Allysa. Kahit papaano kaibigan mo na rin ang walangyang 'to. Isang batok okay na.

"Darn, your questions Darwin!" binato niya lahat ng tissue na naka lagay sa table sa mukha nito.

Natawa lang ito kahit napapangiwi. "Tang na orange naman Allysa, ang sakit n'on. A little care naman besh. I'm as fragile as glass na idi-deliver pa lang ng LBC."

"Yang bibig mo kasi eh. Nai-iskandalo ako."

Matinding self control ang ginagawa niya para 'di pamuluhan ng pisngi ng mga oras na 'yon. Ilang gabi na ba siyang naloloka sa kakaisip na dadating din silang dalawa ni Lance sa bagay na 'yon. Her only assurance for the meantime is hindi naman siya pini-pressure ni Lance sa tuwing nalalagay sila sa mainit na eksena. Ang problema lang talaga niya ay ang sarili niya.

Napapansin ni Lance ang pagka-ilang niya. Ang gap na ginawa niya sa pagitan nilang dalawa. Takot siyang masanay. She hates attachment. Kailanman ay hindi naging madali sa kanya ang pagtanggap ng mga sweet gestures at affections mula sa ibang tao. At the back of her mind, hindi rin 'yon magtatagal. They will soon hate her and will eventually leave her.

Alam niyang limitado lang ang araw na makakasama niya si Lance. Sooner or later, kapag nakabalik na si Alyce at ang mga alaala ni Lance kailangan na rin niyang kalimutan ang lahat at umalis. Kung bakit kasi umalis pa si Alyce? Handa na sana siyang kalimutan ang lahat pati ang lihim na pagmamahal niya kay Lance. Up 'till now, wala pa rin silang balita kay Alyce. Ni wala man lang tawag o email from her twin. May balak pa kaya 'yong bumalik?

Hindi niya maiwasan ang matakot. Sa tuwing naiisip niya ang galit at puot sa mga mata ni Lance bago ang aksidente. Parang nawawalan ulit siya ng lakas ng loob na panindigan ang pagiging Alyce. Pinapatay siya ng konsensiya niya pero kailangan niyang gawin 'yon. Paano na lang kaya kung sa ikalawang pagkakataon ay biguin niya ulit ito? Mas matinding galit siguro ang makikita niya sa mga mata nito sa pagkakataon na 'yon.

"Ano ba dapat ang gagawin ko?" she sighed. "Gulong-gulo na ang isip ko Darwin."

"Wala ka naman dapat gawin."

Naingat niya ang tingin kay Darwin. "Allysa, ang daming mong pino-problema sa buhay. Stress na stress ka na oh. Magpulbo ka na lang at mag-lotion pampawala 'yan ng stress."

"You're not helping me Darwin."

"I'm helping you. You wouldn't be seeing me around if I'm not helping you Allysa."

Seryoso man ang expression ng mukha nito pero kapansin-pansin pa rin ang naglalarong ngiti nito sa mga mata nito. Bakit ba kapag si Darwin ang nagbibitiw ng mga salita tila may kahulugan ang bawat sinasabi nito?

"So listen to me, just be yourself. Don't pretend to be Alyce. Kung iniisip mong wala kayong future, then make use of this moment. Let go of your inhibitions. Gawin mo ang gusto mong gawin. Don't hesitate Allysa. Hindi natin kailangan ng perfect timing. Walang ganoon Al. Sa pagmamahal, oras lang ang kailangan at hindi ang tagal. Not everyone are given chances, so when life gives you that chance. Go and grab it. 'Cause at the end of the day, ang pagmamahal n'yo ang magpapatibay sa inyong dalawa."

Natulala siya sa mga sinabi nito.

"Bakit ba feeling ko hindi ka tao?"

"I'm not," he chuckled. "Alien ako. I'm from outerspace."

Naitirik niya ang mga mata. "Baliw!"

"I know right."



MAGKAHAWAK kamay na naglalakad sila Lance at Allysa sa mall. Nag-uusap naman sila at nagku-kwentuhan. It was kind of weird dahil nasasanay na siyang makipagkulitan kay Lance. Naalala niya ang sinabi ni Darwin sa kanya.

Just be yourself. Don't pretend to be Alyce. Kung iniisip mong wala kayong future, then make use of this moment.

Habang naghihintay siya kanina kay Lance she gave it a thought. Ayaw niya mang dagdagan ang kasalanan niya rito. Pero nandito na siya. Sagarin niya na rin. Kahit na ang pangit pakinggan ng sagarang pagpapanggap pero gusto niya rin namang maramdaman na mahalin ng isang Lance. Kahit saglit lang. Sanay naman na siya sa sakit. Makakaya niya na sigurong tanggapin ang kapalaran niya pagkatapos. Siguro? Pero bakit ba 'yon ang iniisip niya? Saka na niya iisipin 'yon kapag nandoon na siya. For now, bibigyan niya muna ng pagkakataong sumaya ang sarili niya.

Ibibigay niya ang buong pagmamahal kay Lance.

"Al,"

"Hmm?"

"Bukod sa scrambled egg, ano pang paborito mong pagkain?"

"Marami."

"Pansin ko nga," natawa naman si Lance. "Ang dami mong nasabi eh."

Siya naman ang natawa. "Sa sobrang dami wala akong nasabi, diba? Hindi naman ako pihikan sa pagkain. Diet? Naku, always akong cheat day."

"Akala ko nga, kagaya ka rin ng ibang babae na mapili sa pagkain. You seem like the prim and proper kind of woman. 'Yong naka stick sa diet at pagpapaganda sa sarili."

"Mukha lang," she chuckled. "But I'm not." Hindi ganoon si Allysa, Lance. "Hindi mo alam kung kailan ka mawawala sa mundo kaya dapat masubukan mo na lahat. My motto in life, is to experience every bit of happiness and pain while I'm still alive."

"Nasaktan na ba kita?" pag-iiba nito.

Unconsiously yes Lance. A lot of times. Pero 'di mo naman kasalanan.

"Hindi pa naman." Sagot niya as Alyce. "Ang bait mo kasi sa akin. You always do things for me. You always find time to be with me kahit sa Canada ka nag-aral noong college. Hindi mo nakakaligtaan na i-surprise ako sa mga birthdays ko at sa mga events ko. Lagi akong may pasalubong from you. You never missed a time to call or text me."

"Am I?" he smiled.

She nodded in response. "Yes, Mr. Lance del Valle, you love me that much." You love Alyce that much Lance. "Kaya ikaw Lance, kung maiinis ka sa akin okay lang. Hindi ako magagalit. Pabatok lang kahit once." She let out a faint chuckle.

"Hindi ka magagalit pero gusto mo namang gumanti," he chuckled. "Medyo brutal Al."

Natawa siya. "Parang ganoon na nga." Ilang segundo silang natahimik pareho. Bigla ay may gusto siyang itanong kay Lance. Okay lang naman siguro niya iyong itanong. "Uhm, Lance?"

"Yes?" baling nito sa kanya.

"I'm just curious. Talaga bang wala talagang natira ni isang alaala mo sa akin?"

Saglit itong nag-isip bago ulit nagsalita. "Wala talaga. Naalala ko ang lahat. Maliban sa'yo at sa kakambal mong si Allysa. It's kind of weird. Parang sinadyang tanggalin ang memorya ko tungkol sa'yo. Though that would be too impossible. Siguro nga minalas lang talaga ako." Natawa ito.

"Meaning? Iisipin mong wala kang amnesia kung 'di ako pinakilala ng mga magulang mo?"

"Most likely, yes. Kasi mukha namang walang nawala sa memorya ko. Kaya naguluhan ako nang ipakilala ka sa akin ng mga magulang ko. Kasi 'di talaga kita maalala. Well, pamilyar ang mukha mo pero 'di ko malaman kung saan kita nakita o kung nakilala na ba kita. Kaya pasensiya na talaga Al kung marami akong tanong sa'yo."

She smiled at him. "No, it's okay."

"Well, to be honest, my actions depends on how amused I am with you. Gusto kitang halikan kasi may aura ka minsan na nang-aakit."

Napamaang siya. "Nang-aakit?!"

He smirked. "Kind of," nangislap ang mga mata nito. "Kahit naman alam kong hindi mo talaga sinasadya. Pero may mga times talaga na iniisip kong inaakit mo ako."

Lalo siyang napamaang. Ako? Kayang mang-akit unconsiouly? Talent ba 'yon? "Hindi kita inaakit. Paano ko 'yon ginagawa?" Hindi niya talaga ma-imagine ang sarili. Gosh.

"See? You're not even aware of it." Inakbayan siya nito at mas lalong hinapit sa katawan nito. "It's not your fault. It's your advantage on me, actually."

May naglalarong mga intimate scenes sa isip niya. Napalunok siya. Agad niya naman naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Gosh Allysa, stop it already.

"Anyway, where do you want to eat?"

"H-Huh?" para siyang naalimpungatan nang marining ang boses ni Lance. "K-Kakainin mo 'ko?" Syet na malagkit. Teka lang may mali sa sinabi ko. Napangiwi siya sa isip.

Pero mukhang huli na para bawiin pa ang sinabi niya. Lance was already smiling from ear to ear. Anak ka talaga ng kagagahan Allysa Alonzo.

"I'm tempted to taste you actually."

"Lance," bahagya niya itong itinulak palayo. Tawa lang nang tawa si Lance. "It's not what I meant."

"W-What? I'm hungry?" patay malisyang balik tanong nito sa kanya.

Inirapan lang niya ito at saka naunang mag-martsa palayo rito. "Bahala ka sa buhay mo." Tatawa-tawa pa rin siya nitong sinundan. Nakagat niya naman ang ibabang labi sa pagpipigil ng ngiti. The heck Allysa! Kinikilig ka ba? God, ayaw na niyang makinig sa isip niya.



KANINA pa nahihirapang itaas ni Allysa ang zipper ng pantulog niya sa likod. Naiinis na siya dahil parang na stuck na yata 'yon. Patagilid na tinignan niya ang likod mula sa salamin. Ayaw talagang tumaas. Nabanas siya kaya tinigilan niya.

Bigla namang may kumatok sa pinto ng banyo.

"Al," boses ni Lance.

Napangiwi siya. Kung mamalasin nga naman nang bongga. Humugot siya nang malalim na hininga bago kinalma ang sarili.

"Lance, bakit?"

"Tapos ka na ba? May naiwan kasi ako diyan."

"Ah, eh, ano –" sinubukan niya ulit na itaas ang zipper ng pantulog niya. "Ano, nagbibihis pa ako. Wait lang." Langya tumaas ka! "Masara ka na kasi!" pabulong na sigaw niya.

"Al, are you okay?"

"O-Okay lang ako. 'Di lang masara 'tong zipper ng pantulog ko."

"You need help?"

Pinasadahan niya ng tingin ang ayos niya. Napangiwi siya. Danger zone! Danger zone! Masyadong manipis ang pantulog niya. Baka isipin na naman nitong inaakit niya ito. Naku patay tayo riyan.

"'Di na okay lang, kaya ko na 'to."

"Okay,"

Sinubukan niya ulit na itaas ang zipper. Pero nadagdagan lang ang inis niya dahil ayaw talaga makisama ng zipper. Urgh!

"Ah ewan!" Pinagbuksan niya ng pinto si Lance. "Patulong," saka niya ito tinalikuran at bumalik sa loob ng banyo. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya.

"Akala ko ba kaya mo na?" he was teasing her again.

"Ayaw niya makisama eh." Hinawi niya ang buhok sa balikat. Mula sa salamin nakita niyang nakatayo sa likod si Lance. Naibaba naman niya ang tingin nang suklayin niya ang buhok gamit ng isang kamay. "Pakitaas ng zipper Lance."

Napaigtad siya nang maramdaman ang mainit na palad nito sa likod niya. Kasabay no'n ang pagkabog nang mabilis ng kanyang puso. Narinig niya ang tunog ng pagtaas ng zipper. Unti-unti niyang naiangat ang mukha. Mula sa salamin nakita niya ang seryosong mukha ni Lance.

Hindi nakaligtas sa kanya ang pagdaan ng pagnanasa sa mga mata nito. Naipikit niya ang mga mata nang maramdaman niya ang mainit na hininga nito mula sa kanyang tainga hanggang sa leeg niya. Unti-unti namang umaakyat ang init sa buong katawan niya. She felt his lips on her neck down her shoulder. Giving her butterfly kisses there.

Ang isang kamay naman nito ay unti-unting pumupulupot sa baywang niya. Damang-dama niya ang sensasyong ibinibigay ng bawat halik nito na animo'y tinutukso siya. Darn it Lance! Pinihit siya nito paharap dahilan para maisandal niya ang likod sa counter sink.

Napahawak siya sa mga balikat ni Lance nang sakupin nito ang mga labi niya. Noong una ay masuyo lang ang paghalik nito pero naging mapusok at mapaghanap 'yon. Nahihilo siya sa nararamdaman niyang sensasyon. Nandoon na naman ang matinding init na tila unti-unting tumutupok sa buong kaibuturan niya sa tuwing napapalapit nang husto ang mga katawan nilang dalawa.

Muling bumaba ang halik nito sa kanyang panga hanggang sa leeg. Sa tuwing ginagawa 'yon ni Lance lalo lang nitong pinababaliw ang buong sistema niya. She knew it was not yet the right time. But who cares!

"Lance," anas niya.

"Let's take it slow honey," he murmured in her ear. "I want to make love with you right now but I want to do it right."

Naimulat niya ang mga mata. Bumalik ang mukha nito sa harap niya.

"Lance?"

"The moment I make love with you. Alam ko na kung bakit mahal kita."

Gosh, Allysa! You're unbelievable. Kung hindi pa tumigil si Lance sigurado akong naibigay mo na sa kanya ang lahat. Argh! My mind! My heart! My body! Why are you betraying me when I needed you the most? 

– Al

Fuck, akala ko hindi ko mapipigilan ang sarili ko. My wife is too beautiful na parang mababaliw na ako. I'm too much addicted with her kisses and how it felt to be always pressed closer to her warm body. I'm losing my control when it comes to her. Her smell makes me crave for more... damn. Fuck this amnesia, I'm gonna get rid of you. For now, I don't want to rush things. Gusto ko kapag ginawa namin 'yon alam ko na kung bakit ko siya mahal. I want it to be perfect. Ayokong gawin 'yon dahil lang sa alam kong mag-asawa kami. My wife deserved my love. 

- Lance

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro