Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

PAGKALIPAS ng isang linggo ay tuluyan nang inilabas si Lance sa ospital. At sa nakalipas na buong isang linggo na 'yon ay hindi alam ni Allysa kung paano pakikitunguhan si Lance. Kahit na umaakto siyang Alyce ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagka-ilang. Tila pareho silang nangapa sa isa't isa. Ang kaibahan nga lang ay wala itong naalala pa tungkol sa kanila ni Alyce kaya may dahilan itong ma ilang.

Nahihirapan siyang tignan ito sa mga mata. Natatakot siyang baka mabasa nitong nagsisinungaling siya at nagpapanggap lamang. Isa sa mga kinatatakutan niya ay ang paminsang pagtatanong nito tungkol sa kanilang dalawa. Hindi niya alam ang tamang sasabihin.

Wala itong naalala kay Alyce o kay Allysa. Nabura lahat ng alaala ni Lance tungkol sa kanila dalawa. 'Yon ang pinagtataka nila. Isang malaking misteryo kung bakit naalala nito ang ibang mga bagay o eksena sa nakaraan nito. Pero hindi sila kasali sa mga alaalalang 'yon.

Parang isang puzzle. It was like, Alyce and her are the missing links to his lost memory. Sabi naman ng doctor ay normal lang daw 'yon, though rare na nangyayari 'yon sa bawat nawawalan ng alaalala. Dadag pa ng doctor, it's either the patient's lost memory had caused too much pain or too much happiness.

But for her, kaya siguro nawala ang memorya nito dahil sa matinding sakit ng pagtalikod ni Alyce rito. And she was liable with that pain as well. Nang dahil doon mas piniling kalimutan ng utak nito ang sakit na nagawa nilang magkapatid rito.

Naibaling niya ang tingin sa magkahawak na kamay nila ni Lance. Magkatabi silang dalawa sa back seat ng sasakyan habang nasa harapan naman ang mga magulang nito. Hindi niya alam kung ano ang kakahantungan ng lahat ng mga ito. Maaring magbalik ang mga alaala ni Lance, maari ring hindi na. Only time will tell.

Muli niyang naibaling ang tingin sa labas. Hindi niya maiwasang alalahanin ang pag-uusap nila ng mama ni Lance. Narinig nito ang naging sagutan nila ng kanyang ina noon sa ospital. Bago tumawag si Tita Sofia ay nakita pala siya nitong hinihila ng kanyang ina papunta sa hardin ng ospital. Sinundan sila nito at narinig lahat ng mga pinag-usapan nila ng kanyang ina. Napilitan siyang sabihin ang lahat ng totoo sa ginang.

"I can't believe this, Allysa. Paano nagawa ito ni Alyce kay Lance?" bumakas ang sakit at matinding disappointment sa mga mata ng ginang. Hindi niya magawang salubungin ang mga tingin nito. "Na saan na si Alyce? May plano pa ba siyang bumalik dito?"

"Hindi ko ho alam Tita. Sinabi niyang babalik din agad siya. Hindi ko nga ho alam kung kailan," napayuko siya. "Pasensiya na po Tita."

Tita Sofia heavily sighed. "Kapag nalaman ito ng Tito Lemuel mo, tiyak akong i-wi-withdrew niya lahat ng mga na invest ng kompanya namin sa AAAM."

Lumuhod siya sa harap ni Tita Sofia.

"Allysa!" singhap nito.

"Tita, huwag n'yo pong pababayaan ang AAAM. Importante ho 'yon sa Papa ko. Hindi po pwedeng mawala ang academy. Gagawin ko po ang lahat huwag n'yo lang pong i-withdrew ang lahat ng na invest n'yo na sa academy." Iyak niya. Hindi niya kayang mawala ang pinaghirapang eskwelahan ng papa niya.

"Tumayo ka riyan, hija." Hinawakan siya sa magkabilang balikat ng ginang at pilit na pinatayo. "Dios ko Allysa. Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang mga ito." Inalalayan siya nitong maka upo ulit sa bench. Hilam ang mga luhang naingat niya ang mukha rito nang hawakan nito ang mga kamay niya. "Hindi ko inasahan na magagawa ni Alyce at ng mama mo ito sa anak ko. Nasaktan n'yo ako nang sobra Allysa."

"I-I'm sorry Tita," she sobbed.

"Pero alam kong 'di kakayanin ni Lance kapag sinabi natin ang totoo ngayon. He's so lost right now Allysa. Kahit na wala siyang naalala tungkol sa inyo ay nakikita kong kumakalma siya kapag nakikita ka niya. And I'm sure Lemuel will not let this pass, sa ngayon hindi ko muna babanggitin ang lahat ng mga ito. For now, just be there with my son, Allysa."

"But Tita -"

Malungkot na ngumiti ang ginang. "We can't tell him now, hija. Huli na ang lahat. Nasabi na namin ang tungkol sa kasal at tungkol kay Alyce. It would really divastate him at hindi 'yon makakabuti sa paggaling niya. At least for now, hintayin nating maalala na niya ang lahat. Maybe by that time, nakabalik na si Alyce. Then, they can confront each other."

Matamang napatitig lamang siya sa ginang.

"Please don't tell your mother I already knew about this. Need not to worry about the academy, I'll take over with her position." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "When we decided to bought the seventy-five percent of the AAAM shares, we meant business on that Allysa. We saw potential in the academy of your father Luis. Kaya lamang hindi ito na manage ng mama mo nang maayos."

Lalo lamang nangilid ang mga luha niya sa kanyang mga mata. "S-Salamat po."

"In return, please take good care of my son."

Naputol lamang ang pagbabalik tanaw niya nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang two storey modern design house. May isang babaeng katiwalang nagbukas ng gate para sa kanila. Hindi na pinasok ang sasakyan kung saan sila sakay dahil may naka park nang isang red Toyota Land Cruiser na sasakyan sa loob.

Tumulong ang katiwala na 'yon sa pagkuha sa mga gamit nila mula sa likod ng kotse at isa-isa 'yong ipinasok sa loob. Inilalayan siyang makalabas ni Lance sa sasakyan at sabay pa nilang naiangat ang muka sa buong bahay.

Hindi niya naitago ang pagkamangha sa bahay. Isa 'yon sa may pinaka magandang bahay sa exclusive village na 'yon.

"Wow!" manghang naigala ni Lance ang buong tingin sa paligid. "Hindi naman siguro tayo lumipat ng bahay, ano?"

"No, anak. Ito ang bahay na pinagawa mo para sa inyo ni Alyce." Sagot ni Tita Sofia.

Nabanggit na sa kanya ni Tita Sofia ang tungkol sa bahay na lihim na pinagawa ni Lance para kay Alyce. Napangiti siya nang mapait. Kung alam lang ni Alyce kung gaano ito ka swerte kay Lance.

"Naisip namin ng Papa mo na hayaan ka na muna namin na makasama si Al. Total naman, naalala mo naman kami. It would be best if you spend more time with your wife. Para makilala mo siya nang lubusan. Hopefully, maalala mo na siya nang tuluyan."

May ngiting sinulyapan siya ni Tita Sofia. Bagama't wala siyang malisya na nakita sa tingin nito alam niyang may kahulugan pa rin ang pagsulyap nito sa kanya. Ibinalik niya ang ngiti sa ginang. Nagulat naman siya nang pagbaling niya ng tingin kay Lance ay sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya. Their nose could almost touch.

Napakurap-kurap siya nang ilang beses. My god Lance!

"Oh bakit 'di ka naman nagulat na pinagawa ko 'to para sa'yo?"

Alanganing ngumiti siya. "Na surprise kaya ako." Napangiwi siya sa isip. Shuks! Mabilis na inilayo niya ang sarili at ibinalik ang tingin sa magandang bahay sa harapan niya. Hindi ba niya nakita ang reaksyon niya kanina? Nainggit nga ako eh.

Narinig niya ang pagtawa ng mga magulang ni Lance.

"Ako na ang nag-surprise kay Al, Lance." Rescue agad ni Tita Sofia sa kanya. Nakahinga siya nang maluwag. "She cried when she saw the house you built for her."

"You did?" tila amuse na tanong ni Lance sa kanya.

Ngumiti siya rito. "It's beautiful Lance, thank you."

Lumapad lang lalo ang ngiti nito. "I must have loved you that much."

Tila na konsensiya naman siya lalo. The truth is, ito pa lamang ang unang pagkakataon na nakita niya ang bahay though Tita Sofia had mentioned it already to her. I'm really sorry Lance. I wish Alyce saw this side of you.

"Don't worry about the company, son." Dagdag ni Tito Lemuel. "I can handle it. For now, take a break."

"Thanks Dad,"

"HOW many times did we made love?" biglang tanong ni Lance sa kanya na sobra niyang ikanagulat.

Napalunok tuloy siya ng wala sa oras at natigil sa pag-aayos ng kama. Gustuhin man niyang lingunin ito ay hindi niya magawa. Natatakot siyang mapansin nito ang pagka-ilang niya sa tanong nito.

"I noticed," salita ulit nito nang 'di siya makasagot. "Masyado kang ilang sa'kin. Hindi naman siguro kita pinilit na pakasalan ako, diba? Otherwise, everything about you and this marriage would be a lie. Maybe my mother was making up things when she told me that we both love each other."

"Mahal natin ang isa't isa -"

Mahinang napasinghap siya nang pumaikot ang mga braso nito sa baywang niya. Dahan-dahan siya nitong pinihit paharap rito. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapatitig sa mga mata nito at magagap ang mga kamay sa pagitan nilang dalawa. But she couldn't read the expression on his face. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi siya sanay. Hindi siya sanay na ganito sila kalapit ni Lance. Everytime their skin touched tila baga 'yon na dumadaiti sa balat niya at nagbibigay ng kakaibang saya sa mga paru-paru niya sa tiyan. Kakayanin ko ba 'to?

"L-Lance?"

"Bakit naiilang ka sa akin?"

"I-I'm not -"

"You're even stuttering."

"I'm not."

"Al," may lambing na tawag nito sa kanya. Suddenly his mood shifted. Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. "I don't have any idea why I wanted to kiss you right now. But I think it's okay, right? The heart remembers what the mind forgets."

Mabilis na sinakop nito ang mga labi niya. Nagulat siya sa ginawa nito. Napahawak siya sa mga balikat nito para sana itulak ito pero naisip niyang baka lalo lang itong magtaka kung gagawin niya 'yon. Instead, she closed her eyes and let his sweet kisses succumb her from her total deprivation.

Naramdaman niya ang isang kamay nito sa likod niya, he pressed her closer to his body until there was no space between them. Ramdam na ramdam niya ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya. Sinapo ng isang kamay nito ang kanyang mukha at mas lalo pang pinailaliman ang halik. They both moaned in pleasure as they continued exploring each other's mouth.

Napasinghap siya nang ihiga siya ni Lance sa kama, still without tearing his lips to hers. Nagawa siya nitong ihiga nang hindi siya nadadaganan ng bigat nito dahil madali nitong na itukod ang mga kamay sa kama. Naging mas mapusok ang mga halik nito. Halos mawalan na siya ng hangin pero tila 'di 'yon naging hadlang para 'di niya tugunin ang mga halik ni Lance.

Naramdaman naman niya ang paglikot ng kamay nito katawan niya. Nagsimula siyang mag-init. Her sanity was slowly betraying her; even her own body is no longer in her own control. She tried so hard to resist the lust that has been meddling with the situation pero bago paman niya maitulak si Lance ay nauna na itong kumalas sa kanya. Thank God!

Habol ang hininga na napatitig sila sa isa't isa.

"Wala akong idea kung paano at kailan kita minahal." He said breathlessly. "And I'm guessing that you know the answer already but you want me to discover it myself." He playfully traced her collarbone without tearing his eyes on her. Nagawa nitong malihis ang strap ng suot niyang puting pantulog kanina. "Challenge accepted, wife."

God Lance, paano ko ba sasabihin sa'yo na hindi ako nakikipaglaro sa'yo?


HINULI ni Allysa na ilapag ang mga ulam na niluto niya. She was suppressing a laugh. Natatawa pa siya sa istura ni Lance habang tinitignan ang mga nakahandang pagkain sa mesa. Day off si Mikay, ang katulong nila sa bahay kaya siya muna ang nagluto. Kaya niyang eksperimentuhan ang paggawa ng ulam basta ba itlog. 'Yon lang talaga ang kaya niyang lutuin. Nang magpasabog ang mundo ng talento sa pagluto ay tulog yata silang dalawa ni Alyce.

Nananitili lang siyang nakatayo sa gilid ng silya nito. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ni Lance ang scrambled egg na inihanda niya para rito. Sa uri kasi ng tingin nito sa ulam parang nagdadalawang-isip na itong kainin 'yon.

Kung isu-zoom out ang mesa mapapansin na halos ng mga ihinanda niyang ulam ay friend at puro itlog. Hinaluan lang ng mga hotdog, sibuyas, at kamatis.

"Wow!" napailing-iling si Lance. "Ilang itlog ang naubos mo?"

"Kaunti lang naman," she can't help but chuckled.

"Bukas magiging manok na tayo." Tawa nito. Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya sa katabing silya nito. "Maupo ka na. Sabay na tayong kumain." Mabilis na tumalima siya.

Gutom na rin talaga siya. Hindi na nga niya mapigilan ang mapangiti. Magana talaga siyang kumain kapag itlog ang ulam. Malapad ang ngiting kumuha siya ng sariling sunny side up egg at inilagay 'yon sa sariling plato. Inabot niya ang ketsup at masayang nag-drawing ng smiley sa sunny side up niya. Minsan talaga, nag-i-enjoy siya sa mga simple at medyo weird na mga bagay.

She clasped her hands and closed her eyes for a short prayer.

"Amen," pagmulat niya ng mga mata ay bigla naman siyang inatake ng hiya. Lance was staring at her with amusement in his eyes. Sapo ng isang kamay nito ang isang pisngi nito na nakatukod sa table. "B-Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" na conscious siya bigla.

"You're cute."

Hindi niya maiwasang mapangiti. Kung bakit kasi ang lambing ng pagkakasabi ni Lance sa linyang 'yon. Hoy Allysa! Chill ka lang. Ang puso mo baka lumabas.

"Bola mo," sagot niya.

"I'm not lying." Umayos ito ng upo. "As a matter of fact. I find you interesting Al. Maybe because I fell in love with those things. The only frustrating part is, I couldn't remember anything about you. Pero sa tuwing nakikita kita, nawawala lahat ng mga frustrations ko. I feel contented and happy by simply being with you. Kahit noong una kitang makita sa ospital. Kahit na wala akong maalala tungkol sa'yo, it felt like, deep in my heart, you hold a very special space here." Itinuro nito ang puso niya.

Lihim siyang napangiti nang mapait sa isip.

It's not for you Allysa. Don't get too overwhelm.

"Baka naman 'yon ang mga bagay na 'di mo gusto." Sagot niya. "Diba sabi ng doctor, it's either you hate or like that memory."

"Why would I hate you?"

"Malay mo naman maldita ako, diba? Malay mo wild pala ako?"

"So you're wild?" tila iba ang pagkakaintindi nito sa salitang wild. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagdaan ng amusement sa mga mata nito. "In what definition, would you describe your wild personality Mrs. del Valle?" he smiled mischievously. Oh, he's teasing me now.

She can't help but rolled her eyes at him. "Shut up Lance." Wala akong pakialam kung out of character na ako. He wouldn't know, anyway. Dinuro niya ito ng tinidor. "Don't start."

Lalo lamang lumapad ang ngiti ni Lance.

"I really find you intriguing Al," tumaas ang kilay niya rito. Hindi talaga maalis ang amusement nito sa kanya. "I have an idea." Pag-iiba nito. Nangislap lalo ang mga mata nito.

"What?"

"Let's make a time capsule."

"Huh?"

Tumayo ito at tinungo ang kusina. Pagbalik nito ay madala na itong dalawang malaking transparent jars na may takip. Inilapag nito sa mesa ang dalawang jars. Umalis ulit ito, this time sinundan niya na si Lance sa sala. May kung ano itong hinahanap sa mga cabinet doon at book shelves. Nang 'di pa rin mahanap ang bagay na hinahanap nito ay umakyat ito sa itaas.

Napa-isip siya. Anong gagawin nila sa jars? 'Yon ba 'yong gagawin nilang time capsule? Bumalik siya sa dining room at kinuha ang dalawang jars. Dinala niya 'yon sa sala at inilapag sa round glass center table.

"Found it!" narinig niyang sigaw nito.

Nakababa na ito sa hagdan nang maibaling niya ang tingin dito. May naglalarong ngiti sa mukha nito. Lumapit si Lance sa kanya. Inilapag nito ang ilang iba't ibang kulay ng sticky notes at colored pens sa center table. Pagkatapos ay naupo silang pareho sa carpeted na sahig. Itinulak ni Lance sa kanya ang isa sa mga jars.

"Jar lang ang nakita ko, so okay na rin 'yan."

"Time capsule for real?"

"Time jar, 'di naman 'yan capsule. Anyway, dahil nga wala akong maalala. Gusto kong itago lahat ng mga memories na magagawa natin habang may amnesia ako. Hindi naman 'to permanent pero baka 'di ko na naman maalala ang mga memories natin kapag bumalik na ang mga alaalala ko."

"This is so cliché."

Ginulo lamang ni Lance ang buhok niya.

"Anyway, ito nga. Tig-isa tayo ng jar. Everyday, maghuhulog tayo ng memories sa jar na 'to. 'Yong pinaka-special na nangyari sa araw na 'yon."

"Paano kung wala naman?"

"Well, just write anything you want to write. Grabeh naman kung wala talaga." Napanguso ito na parang bata. "You're supposed to feed me with information about my past but you seem like you're enjoying watching me discovering things on my own. Hmm?"

Natawa siya sa expression ng mukha ni Lance at sa pagkakasabi nito n'on. Parang batang sumbong nito. "Tapos?" masuyo niyang tinapik ang pisngi nito.

"Tapos, dapat walang ni isa sa atin ang mangialam sa bawat jars. Hindi mo pwedeng basahin ang kung ano mang nakasulat sa jar of memories ko at 'di ko rin pwedeng basahin ang nasa loob ng jar of memories mo."

"Really?" 'di nga Lance? "Baka ma curious ka bigla at basahin mo ang mga inihulog ko kapag tulog na ako." 'Di mo talaga babasahin?

"Nope, mark my word. I won't read yours."

"Fine with me."

"Good! Now let's sealed it with a kiss -"

"On the tip of the nose." Putol niya rito. "Only."

Nagsubukan sila ng tingin pero sa huli ay ito rin ang sumuko.

"Fine," he groaned. Lance moved closer before giving her a quick kiss on the tip of her nose. "Now, your turn." He grinned. Natawa siya but she did the same. Kulit!

Kumuha sila ng tig-isang sticky note at nagsulat ng unang memory nila nang umagang 'yon.

Ang kulit ni Lance. Bakit ba gustong-gusto niya akong hinahalikan? I never expected him to be this romatically clingy. Hindi ko kasi talaga inasahan 'yon. Kinikilig ba ako? Uhm, slight? Haha. Kaka badtrip, baka hanap-hanapin ko 'to. Argh, I hate you Lance, but I still love you.

-Al

Mom told me my wife is sweet pero bakit ang siga ni Al? Nakakatakot. Haha. But I'm very comfortable with her. I want to believe that the heart remembers what the mind forgets. Soon, I'll remember the reasons why I fell in love with her. I'll trust Al for now.

Ps: I think, whenever I see a smiley drawing it would always reminds me of her homey cooked eggs.

-Lance

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro