Chapter 6
NAKAKABINGI ang katahimikan sa pagitan nila Allysa at Lance. Damang-dama niya ang matinding tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Habang tumatagal lalo lang siyang hindi mapakali sa kinauupuan niya. Kagabi pa siya iyak nang iyak. Hindi siya takot sa pwedeng mangyari sa kanya pagkatapos. Sanay naman siyang mapagalitan ng nanay niya. Hindi lang talaga niya matanggap na ganoon din pala ang tingin ni Lance sa kanya.
Mabilis ang pagpapatakbo ni Lance sa sasakyan. Halos hindi na nila makita ang daan sa lakas ng buhos ng ulan. Pero tila wala itong pakialam kung mabangga man sila o hindi.
"Ganoon ka ba ka excited na dispatsahin ako kaya nagmamadali ka?" pabalang na tanong niya rito. Hindi siya nito sinagot. "Kapag nabangga 'tong sasakyan mo sa tingin mo sinong mamatay sa ating dalawa?" binilingan niya si Lance. "Ikaw o ako?"
Nagtagis lang ang mga panga nito. Napansin niya rin ang paghigpit ng hawak nito sa manibela. Hindi pa rin ito nakinig sa kanya. Mabilis pa rin ang pagpapatakbo nito sa sasakyan sa kabila ng malakas na buhos ng ulan. Naisuklay niya ang kamay sa buhok. Great!
Ibinaling ni Allysa ang tingin sa labas. Wala na halos siyang makita dahil sa malakas na ulan. Malamig na ang buga ng aircon sa loob ng sasakyan. Dahil doon ay mas lalo niyang naramdaman ang panaka-nakang pagkirot ng kanang braso niya pero hindi niya 'yon pinahalata. Paminsang-minsang naiiling na lamang siya at ibinabaling ang mukha sa labas.
"You can live," basag niyang muli. "I don't have any reason to live anymore. Unlike you, you have so many reasons para mabuhay." Pinigilan niya ang paggaralgal ng boses niya. "I'd rather die."
"Everyone would like that."
Ibinaling niya ang tingin kay Lance. "Including you."
He shrugged.
"Why do you hate me so much?"
"Because you're Allysa."
"And if I'm not? Would there be a difference?"
"You lied to me!" may himig na hinanakit sa boses nito. "Pinagmukha n'yo akong tanga ni Alyce. Kung hindi mo siya kinunsinte 'di sana hindi siya nakaalis. Our situation would have never been this complicated. If only you were too kind enough to put a sense in her head."
"Why do you always put the blame on me?" this time, her voice broke. She could no longer hold the heavy emotions growing in her chest. "B-Bakit ba laging ako ang may kasalanan?"
"Because you're her sister!"
"At responsibilidad ko ba ang bawat desisyon niya? Buhay ko ba 'yon? Hawak ko ba bawat kababawan ni Alyce? Hindi! Lance, ikaw 'tong mas nakakakilala kay Alyce pero hindi ko ba naman alam kung bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin maitama kung sino ang totoong Alyce sa aming dalawa!"
"I get confused, okay?!"
"Hindi ko na problema 'yon!" pagbaling niya sa harap ay bumulaga sa kanya ang papalapit na van. Tila nawawalan 'yon ng break kaya at lumihis sa lane nila. Hindi ganoon 'yon mapapansin agad dahil sa matinding fog. Mariing napahawak siya sa isang braso ni Lance. "L-Lance!" sigaw niya.
"Fuck!"
Sinubukang iiwas ni Lance ang sasakyan pero nahagip pa rin sila ng van. Naipikit niya ang mga mata nang maramdaman niya ang pagyakap ni Lance sa kanya. Kasabay nang malakas na impact na naramdaman niya ang unting-unting paghigop sa kanya sa kadiliman at kamanhidan. Tila nabingi ang tainga niya at naging mabilis ang lahat sa mga paligid niya. Hanggang sa tuluyan na niyang maipikit ang mga mata.
ILANG beses na ikinurap-kurap ni Allysa ang mga mata hanggang sa naging malinaw ang lahat sa kanya. Napakislot siya nang maramdaman ang sakit sa buong katawan nang subukan niyang bumangon.
"Good thing at buhay ka pa." Hilong-hilo pa ang pakiramdam niya nang marining ang boses ng ina. Naabutan niyang nakatunghay ito sa kanya. Marahil ng mga oras na 'yon ay alam na nitong hindi siya ang totoong Alyce. "Lahat na lang ba ng mga taong mapapalapit sa'yo ay mamalasan, ha, Allysa?"
"Si Lance?" namamaos niyang tanong sa ina. Hindi niya pinansin ang mga sinabi nito. "Ma, kumusta si Lance?" nag-aalala siya para kay Lance.
"Hindi pa nagigising si Lance. Kung may masama mang mangyari sa kanya ay kasalanan mong lahat ng ito Allysa." Naramdaman niya ang pangingilid ng mga luha niya sa mga mata. Kung ganoon, masama ang kondisyon ni Lance. Dios ko.
"G-Gusto ko siyang makita. Ma, na saan si Lance?" sinubukan niyang tumayo. Hindi niya ininda ang kirot ng IV na nakaturok sa isang kamay niya sa tuwing gagalaw siya. "Ma, I need to see Lance. Dalhin mo ako sa kanya Ma, please."
"Tumigil ka nga Allysa!" pigil sa kanya ng ina. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pilit na pinahiga ulit sa kama. "Don't act as if you're his wife. You're not Alyce."
Kusang bumagsak ang mga balikat niya at tuluyan na nga siyang napa-iyak. Inangat niya ang mukha sa ina.
"Kailangan ko bang maging si Alyce para lang makita siya?" she sobbed. "Hindi ko ba siya pwedeng makita bilang Allysa? Bakit Ma? Bakit ganoon?"
Gusto ko lang naman malaman ang kalagayan ni Lance. Gusto ko lang siyang makita. Bakit 'di ko pwedeng gawin 'yon?
MAINGAT na binuksan ni Allysa ang pinto ng silid ni Lance. Mahimbing itong natutulog sa kama. May benda ito sa ulo, sa mga braso at paa. Nakadama siya ng awa para rito. Kung hindi siya nito niyakap para protektahan marahil hindi ganoon kalala ang sinapit nito.
Tatlong araw na ang lumipas simula nang magising si Lance. Mahigpit ang bilin ng kanyang ina na huwag lumapit sa pamilya nila Lance at lalo na rito. Sa tuwing kinakamusta at binibisita siya ng mga magulang ni Lance ay hindi siya gaanong kumikibo. Nakakadalaw lamang siya kapag wala ang kanyang ina.
Sabi sa kanya ng mga magulang nito ay nagka-amnesia daw si Lance. Nang banggitin daw nito ang pangalan ni Alyce ay sinabi nitong hindi raw nito 'yon kilala. Katataka rin daw na naalala nito ang lahat maliban sa kanilang dalawa ni Alyce. It seemed like everything about her and Alyce was selectedly deleted in his memory. Kaya minabuti niyang huwag munang magpakita rito dahil baka mabigla ito. Humahanap rin siya ng pagkakataon na masabi sa pamilya nito na hindi siya si Alyce at siya si Allysa.
Lumapit siya sa gilid ng kama ni Lance. Hinawakan niya ang isang kamay nito.
Mahal na mahal pa rin niya ito sa kabila ng lahat. Katangahan na sigurong maitatawag 'yon. Masakit man para sa kanya ang mababaw na pagtingin ni Lance sa kanya ay sinusubukan niyag unawain ito. Kahit masakit man. Kailangan niya na ring tigilan ang lahat ng 'to.
"Lance," dinala niya sa pisngi ang kamay nito. Hindi niya napigilan ang mga luhang umalpas sa mga mata niya. "I-I'm sorry... simula ngayon 'di na kita lolokin pa." She sobbed. "Ito na ang huling beses na magagalit ka sa akin. Hinding-hindi mo na ako makikitang muli. Sorry talaga."
Nakapag-desisyon na siyang umalis. Ayaw na niya ng gulo. Ayaw na niyang magalit pa sa kanya si Lance. Mas mabuting wala ng Allysa sa buhay nito. Mas magiging tahimik ang lahat kung tuluyan na ngang mawawala ang isang Allysa Alonzo. Siguro nga, may dahilan kung bakit maagang nalaman ni Lance ang lahat.
Tahimik na lamang na umiyak siya.
Goodbye Lance.
DUMAPO ang kamay ng ina ni Allysa sa mukha niya. Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya ay naibaling niya sa ibang direksyon ang mukha. Tila baga ang kamay nito at sobrang nag-iwan ng init at hapdi sa pisngi niya ang malakas na pagkakasampal nito sa kanya.
"Na saan ang kapatid mo?!"
"Hindi ko alam."
"Paanong hindi mo alam?!"
"Wala siyang binanggit sa sulat. Sinabi niya lang na aalis siya. Huwag kayong mag-alala hindi n'yo na ako makikita pang muli. Aalis na ako."
"Pagkatapos ng gulong ginawa mo. Aalis ka lang?"
"Ginagawa ko lang kung ano ang tama."
"Sa tingin mo tamang iwan mo na lang kami ng kapatid mo nang ganoon na lamang. Don't be stupid Allysa. Ano na lang ang iisipin ng mga del Valle sa atin? Sa kapatid mo? Malalagay sa alanganin ang kapatid mo."
"What do you mean?"
"Ituloy mo ang pagpapanggap hanggang sa mahanap natin ang kapatid mo. Kapag nahanap ko na si Alyce saka kita papayagang umalis."
"I've had enough of this Ma. All my life I've been covering all Alyce's mistakes and lies. Wala na akong buhay Ma. Pagod na ako. For once, let Alyce clean this mess –" napasinghap siya nang marahas na hawakan ng kanyang ina ang braso niya. Nagsubukan sila ng tingin.
"Kasalanan mong lahat ng ito Allysa. Ikaw ang punot-dulo ng lahat ng mga ito. Sa tingin mo ba gusto ko ring magpanggap ka na Alyce? Alam ko ang lihim na pagmamahal mo kay Lance and as much as I hate it I don't have any choice. Kapag nalaman ng mga del Valle ang ginawa ni Alyce ay mawawala sa atin ang lahat. Ang Academy ng Papa mo. Sa tingin mo, anong mararamdaman ng Papa mo kapag nawala nang tuluyan ang eskwelahan na 'yon dahil sa pagtalikod mo sa amin?"
Natigilan siya. Bakit 'di niya na isip 'yon? Malaki ang posibilidad na i-withdrew lahat ng mga del Valle ang shares na binili nila sa AAAM dahil sa eskandalo at sa ginawang panloloko ni Alyce sa pamilya nila. Her mother can't keep AAAM by herself at baka tuluyan na ngang ma ibenta ang academy. Paano na lang ang mga pinaghirapan ng Papa niya?
Sumakit bigla ang sentido niya sa naiisip.
Tumunog naman bigla ang cell phone niya. Numero ni Tita Sofia ang tumatak sa screen. Naingat niya ang tingin sa mukha ng Mama niya. Nakagat niya ang ibabang labi. Why do I have to be in this hard situation all the time?
"Who's calling Allysa?"
"Mama ni Lance."
"Then pick up the phone."
Naglapat ang mga labi niya. Kapag sinagot niya ang tawag ni Tita Sofia nangunguhulagan lamang 'yon na tutulungan na naman niya ulit si Alyce na linisin ang pangalan nito. Na magpapanggap na naman ulit siyang Alyce.
"Sagutin mo na ang tawag Allysa."
Malakas na bumuntong-hininga siya at sinagot ang tawag ni Tita Sofia.
"H-Hello," tila nasamid pa siya noong una. Pero mabilis naman siyang nakabawi. "Ma, bakit?"
"Hija, where are you? Gising na si Lance and he wanted to see you."
"G-Gusto akong makita ni Lance?" napatingin siya sa kanyang ina. Sinenyasan siya nito ng tango, na dapat puntahan na niya si Lance. Gustohin man niyang humindi pero nasimulan na niya. Ayaw niya ring malagay sa alanganin ang academy ng Papa niya. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Ito na ang huli Allysa. "I'll be there po."
For the sake of my father's academy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro