Chapter 5
ISANG linggo na sila Lance at Allysa sa rest house ng mga del Valle sa Bataan. Nalibot na niya ang buong lugar. It's an exclusive two storey cottage style rest house na malapit sa dagat. Tahimik at malinis ang hangin. Malayong-malayo sa polusyon sa Maynila. Hindi niya lang alam kung ganitong uring bahay ang gugustuhin ni Alyce na tirhan. Kahit simple ito ay may mga bagay na gusto nitong hindi simple lamang.
Kung siya lang naman. Habang buhay pa siyang titira rito. Wala namang problema sa kanya ang simpleng buhay. Basta masaya sila ng magiging pamilya niya ay sapat na 'yon sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa.
Habang nagluluto ay 'di niya maiwasang mapa-isip. Ano kaya ang naging buhay niya kung sa kanya talaga na in love si Lance? Would it be like this? Mas magiging masaya kaya sila? Baka nga siguro nagkukulong lamang silang dalawa ni Lance sa kanilang silid. Dali namang namula ang mga pisngi niya sa naisip.
Feeling ka naman masyado riyan Allysa. Ah ewan, ayoko na mag-isip. Hindi niya talaga ma-imagine ang sarili na ginagawa ang bagay na 'yon kay Lance. Iisipin pa lang niya nanunuyo na ang lalamunan niya. Naglapat ang mga labi niya sa kilig at pagkaasar sa sarili.
"Hmm..." agad siyang napalingon. "Mukhang masarap na naman 'yang luto ng asawa ko ah." Lumapit ito at ipinulupot ang dalawang braso sa baywang niya mula sa likod.
Sumikdo naman ang agad ang litse niyang puso. Hindi na nga yata siya masasanay sa mga hawak at haplos nito. Mababaliw na lang siya sa kakaibang sensasyon na naibibigay ng bawat haplos at lambing nito sa kanya.
"Ano ba Lance," natatawang inalis niya ang mga braso nito. Hinigpitan pa lalo nito ang pagkakayakap nito sa kanya. He rested his head on her shoulder. "Hmm, nagluluto ako eh. Baka masunog pa 'to."
"Kahit sunog pa 'yan kakainin ko pa rin 'yan. Luto mo kasi."
"Bola! Sige na bitiwan mo na muna ako," pinihit niya ang sarili pahirap dito nang luwagan nito ang pagkakayakap sa kanya. She playfully messed his hair. "Mamaya ka na maglambing kapag tapos na ako."
"Can I ask something Al?"
"Ano naman?"
"Okay na ba?"
"Anong okay na ba?" kumunot naman ang noo niya.
"I mean, is it okay if... you know?" napakamot ito sa noo. "Alam mo na, kung pwede na nating gawin 'yon." Mabilis naman niyang nakuha ang ibig sabihin nito. She could immediately see it through his eyes. "Pero okay lang naman kung 'di pa."
Namula naman ang kanyang mga pisngi. Hindi niya alam kung anong isasagot kay Lance. Naloko na talaga. Dapat kasi pinaghandaan niya 'to eh. Hindi, alam niyang mangyayari 'to pero hindi siya naghanda.
"Ahm, medyo wala na." Tila 'di pa siya sigurado sa naging sagot niya kay Lance.
"So okay na?"
"May konti pa." Napangiwi naman siya sa isip. Ano ba talaga Allysa?
"It's okay," napansin niya agad ang paghihinayang sa mukha ni Lance kahit nakangiti ito.
Sorry talaga Lance. Hanggat maari sana huwag muna tayong dumating doon. Pero baka magtaka naman ito kapag nagkaganoon. Buti sana kung arranged marriage 'to 'di sana may dahilan siya para humindi. Pero iba ang sitwasyon. Gipit na gipit na siya. Paano na lang bukas? Gusto niya nang maglaslas sa sobrang stress.
"Anyway," sinilip nito ang niluluto niya. "Itlog?"
"Huh?" napatingin siya sa niluluto. Itlog nga 'yon. Scrambled egg. Hindi kasi siya marunong magluto. Hanggang fried at di-lata lang siya. Shuks! Napangiwi ulit siya sa isip. Day off kasi 'yong on call na kasambahay nila Lance na si Manang Puri kaya hayan tuloy, napilitang magluto ang lola. Buti na lang talaga, 'di rin marunong magluto si Alyce. At least, may common talent silang dalawa ng kakambal - ang maging taga kain lamang.
"Mukhang masarap," tila diskumpyadong komento ni Lance sa kabila ng magandang sinabi nito pa tungkol sa niluluto niya.
"Sure ka?"
"Of course," natawa si Lance. "Your only cooking expertise is fried egg or scrambled egg." He playfully messed her hair. "Wait here, I'll prepare the plates." Iniwan siya nito.
Ibinalik niya ang atensiyon sa niluluto. "Mag-aaral akong magluto." Aniya sa kawalan. "Mag-aaral din akong mag-move on - ouch!" napaawang ang labi niya sa sakit nang matalsikan ng mantika ang kamay niya. Naiyak siya sa hapdi. "Magmo-move on na nga, ina-ano ba kitang mantika, ka?" sa inis niya ay pinatay niya ang kalan at nagluto ng walang apoy.
Kainis, ha?!
KUMUNOT ang noo ni Allysa nang tumunog ang cell phone niya. Iginala niya ang tingin sa buong paligid. Nasa sala siya. Naliligo naman si Lance sa silid nila sa itaas. Unknown number ang naka-register sa screen ng cellphone niya. Sino naman kaya 'tong tumatawag? Baka si Alyce?
Mabilis na lumabas siya ng bahay at sinagot ang tawag.
"Hello? Alyce?"
"Si Darwin 'to."
Kumunot ang noo niya. Si Darwin? "Saan mo nakuha number ko?"
"Kay Mang Kaloy. Anyway, kumusta. Masarap ba ang buhay may asawa?" nahimigan niya ang panunukso sa boses nito. Napasimangot siya. "Ayiie, mukhang hiyang ka riyan ah. Hoy! Magpahinga ka naman."
"Baliw! Huwag mo akong unahan." Natigilan naman siya saglit. "Wait! P-Paano mo nalaman na -"
"Hello?! It's all in the news besh." Naitirik niya ang mga mata. 'Yong besh talaga! "Kalat na kalat ang mukha sa dyaryo." Darwin added.
"Paano mo naman nasabi na ako 'yon, aber?"
"Ni-research ko ang kapatid mo. Well, magkamukha kayo."
"Malamang, kambal kami."
"Alam ko, saka madali naman 'yong mapansin. Sa mukha mo pa lang sa mga pictures parang gusto mo nang tumakas. Sabi ako, yay, si Allysa Satanista 'to." Napamaang siya sa sinabi ng loko. Tawang-tawa naman ito sa kabilang linya. "Saka kahit na magkamukha kayo mas malaki ang pisngi mo kaysa sa kakambal mo."
Napahawak siya sa mga pisngi niya. Anong malaki? Alam niyang ma pisngi siya pero hindi naman 'yon nalalayo sa pisngi ni Alyce. Tsk, loko talaga 'tong si Darwin.
"Grabeh ka sa akin, ha?"
Tumawa ito. "Anyway, hindi ka pa rin ba nabubuko riyan?"
"Ewan ko ba," she sighed. "Hindi talaga napapansin ni Lance ang kaibahan namin ni Alyce." Lumingon siya sa likod para i-check kung siya nga lang ba talaga ang tao at walang makakarinig sa kung ano mang pag-uusapan nilang dalawa ni Darwin. "High school pa kaming magkakakilala pero hanggang ngayon nagkakamali pa rin siya."
"Bakit lagi ba kayong magkasama noon?"
"Hindi," na oo. Pero 'di niya nagawang sabihin 'yon kay Darwin.
"Well maybe because you and your twin did something in the past." Natigilan siya sa sinabi ni Darwin. Tila ba may alam itong ginawa nga nila ng kakambal noon. Pero imposible naman 'yon. Baka, nagkataon lang. "It's a cause and effect, Allysa. Walang present kung walang past. Walang reaction kung walang ginawa. Imposible namang, hindi kilala ni Lance si Alyce."
"Well, I'm not sure about that." Wala pa siyang planong sabihin kay Darwin ang tungkol doon. Pwedeng isa rin 'yon sa mga dahilan. Pwedeng may iba ring cause kung bakit nahihirapan pa rin si Lance na kilalanin kung sino ang totoong Alyce sa kanilang dalawa. "Naging sila noong fourth year high school. Pagtapos noon ay lumipad pa Canada si Lance para mag-aral sa isang business school doon. Hindi naman ako nagtatanong ng update sa buhay nila. Feeling close masyado, ganoon?"
"You have a point. Sooner or later, we will soon find that out. Anyway, mag-ingat ka riyan. Huwag ka naman masyadong magpahalata na in love na in love ka besh. Kumalma ka." She can't help but rolled her eyes again. Asar, ha? "Nakikita kong matalino si Lance. Medyo confuse nga lang pero nandoon pa rin ang chance na baka nga napansin na niya pero humahanap lang ng pagkakataon para mabuko ka."
Kinabahan naman siya sa sinabi ni Darwin.
Paano kung napansin na nga ni Lance ang kakaiba sa kanya? Paano kung naghihinala na siya? Pero sa mukha nito para namang hindi. Pero matalino si Lance. Naalala niya noong dinner ng family nila. Iba ang titig nito sa kanya. Hindi nga niya lang alam kung bakit. Pero kinakabahan na siya.
"Tinatakot mo ako." Amin niya.
"Kalma lang. Huwag ka munang magpahalata. Hanggat 'di pa niya napapansin huwag ka munang bibigay."
"I hate you." She can't help but sighed. "You made me feel so anxious right now."
"May ginawa ka kasing kasalanan."
"Kung maka akusa ka naman sa akin. Ginusto ko ba 'to?"
"But you chose to be on that situation Allysa. Push mo na lang. Pray until something happens. God Bless."
Parang gusto na niyang maiyak. Natatamaan na siya sa mga sinabi ni Darwin sa kanya. "Nakakainis ka na, ha?"
"Oh bakit? Ngayon mo kailangan si God. Mag-behave ka riyan."
"Pag-uwi ko riyan. Sasabunutan talaga kita."
Tinawanan lang siya ng loko. "Magpapakalbo na ako para wala ka nang sabunutan. Tamang-tama kadadating lang ng bagong stocks ng wax strips. Isang strip everyday hanggang sa maka uwi ka."
"Baliw!"
"Ha ha."
HUMUGOT nang malalim na hininga si Allysa at mariing napapikit. Malakas ang buhos ng ulan sa labas. Malamig. Kapag ganitong panahon sumasakit ang kanang braso niya. Noong bata siya nasangkot sila ng kanyang ama sa isang aksidente. Nabangga ang minamanehong sasakyan ng kanyang ama ng isang delivery truck. Nabaliktad ang sasakyan at bumangga sa gilid ng daan.
Milagrong nakaligtas pa siya. Namatay naman ang kanyang ama. Napangiwi siya sa sakit. Napuruhan nang malaki ang kanang braso niya. Nabali ang buto kaya kinailangan na operahan at lagyan ng stainless. Humahapdi talaga ang kanang kamay niya basta malamig ang panahon.
Noong una ay sinubukan niyang sabihin sa mama niya ang sakit na nararamdaman niya pero hindi ito nakikinig sa kanya. Hanggang sa nagsawa siya. Simula nang mamatay ang ama niya naging mailap na ang pagmamahal nito sa kanya. Sinisi siya nito kung bakit namatay si Papa.
Tandang-tanda pa niya ang masakit na sinabi sa kanya ng ina niya noon. Sampung taong gulang pa lang siya noon.
14 years ago
"MAMA hindi ko naman sinasad -" hinablot ni Amanda ang braso ni Allysa saka ito kinaladkad. "M-Mama nasasaktan ako!" iyak niya.
"Hindi sinasadya?! Lagi na lang hindi mo sinasadya." Marahas na binitiwan siya ng kanyang ina. Hawak ang nasaktang braso patuloy lang siya sa pag-iyak. Binuksan ng kanyang mama ang lumang storage room sa ibaba kung saan lagi siya nitong ikinukulong. "Wala ka talagang kwentang anak. Puro kamalasan na lang ang naibibigay mo sa pamilyang 'to!"
Hinablot muli ng kanyang ina ang braso niya saka siya itinulak papasok sa loob. Akmang lalabas siya nang masarado agad nito ang pinto. Sinubukan niyang buksan ito. Pauulit-ulit na pinihit niya ang knob ng pinto pero kulang ang lakas niyang gawin iyon.
"Mama! Mama ayoko rito!" Iyak na pagmamakaawa niya. "Mama natatakot ako rito. Ilabas mo na ako rito Mama. N-Natatakot ako." Sobrang dilim sa loob. Sumabay pa ang sunod-sunod na kulog at malakas na ulan sa labas. Iyak lang siya nang iyak.
"Diyan ka nararapat!"
"M-Mama... sorry na po. H-Hindi ko naman po sinasadya 'yong nangyari kay Alyce."
"Hindi sinasadya?! Buti na lang at hindi malala ang nangyari sa kamay ng kapatid mo! Alam mo bang pwedeng ikasira 'yon ng kapatid mo?! Sana 'di ka na lang nabuhay! Mas gugustuhin ko pang ikaw ang namatay kaysa sa Papa mo! Kasalanan mo ang lahat. Kung 'di mo pinilit ang Papa mo 'di sana buhay pa siya ngayon. Ikaw na lang sana ang namatay!"
Lalo lang siyang naiyak. Wala siyang nagawa kundi ang maupo sa sahig. Isinandal niya ang likod sa katawan ng pinto. Itiniklop niya ang mga binti hanggang sa dibdib at niyakap ang mga 'yon. Iyak lang siya nang iyak. Hindi niya na ininda ang sakit ng nasugatan niyang ulo. Parang namanhid na yata ang utak niya sa mga sugat. Ang masakit na lang ay 'yong 'di na siya kayang mahalin pa ng Mama niya.
"S-Sorry..." she sobbed. "S-Sorry Mama."
Naipikit niya ang mga mata. Sa tuwing naalala niya 'yon. Hindi niya maiwasang makadama ng kirot sa kanyang puso. Minsan naitanong niya sa sarili. Kung siya siguro ang namatay at hindi ang Papa niya. Siguro masaya pa rin ang Mama niya hanggang ngayon. Kaso, nabuhay siya. At ang paghinga niya ang paulit-ulit na magpapaalala sa Mama niya sa masakit na nakaraan.
Nag-init ang sulok ng mga mata niya hanggang sa isa-isa nang dumaloy ang mga luha niya sa kanyang mukha. Minsan... gusto na lamang niyang mamatay na lang. Impyerno rin naman ang nararanasan niya kahit humihinga pa siya. Hindi siya masaya. Kung namatay siya. Baka 'di niya nararanasan ang ganito katinding sakit.
"Al?"
Mabilis na pinunasan niya ang mga luha sa mukha. May ngiting nilingon niya si Lance.
"Lance -" nawala ang ngiti niya. Napansin niyang seryoso ang mukha ni Lance. Bigla siyang kinabahan. Hinuli nito ang tingin niya. Muntik na niyang maiwas ang tingin dito kung 'di niya lang nilakasan ang loob. "B-Bakit?"
She saw anger in his eyes. Tila ba tingin 'yon ng isang taong ginawan niya ng mali at niloko niya. If looks could kill, baka matagal na siyang humandusay sa sahig. Lance?
"You're not Alyce."
Inasahan na niya iyon pero 'di 'yon nakabawas sa takot sa puso niya nang mga oras na 'yon. Tumigil yata ang tibok ng puso niya. Naibaba niya ang tingin sa nakakuyom nitong mga kamay. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang hawak ng isang kamay ni Lance ang sulat ni Alyce sa kanya. Paanong?
Muli niyang naingat ang tingin kay Lance.
"L-Lance, let me explain."
"Explain?" may himig na hinanakit sa boses nito. "What the hell Allysa?! Pinagloloko n'yo ba ako ng kakambal mo?! Yes, I still get confused between you and Alyce. Pero ang lokohin ako?" nagtagis ang mga panga nito sa pagpipigil ng galit. Bumakas ang sakit sa mukha nito. "Damn it!" marahas na nilakumos nito ang papel at ibinato 'yon sa kanya. Napaatras siya sa gulat. "Seriously?!"
Hindi niya kaya ang nakikitang sakit sa mga mata ni Lance. Naiiyak siya. Gusto niyang sabihin dito na hindi niya intensiyon na lokohin ito pero alam niyang tanga lang ang maniniwala sa kanya.
Nagsimulang manginig ang mga kamay niya. "S-Sorry," napasinghap ako nang biglang hawakan ni Lance ang humahapdi niyag braso. Napangiwi siya sa sakit ng pagkakahawak nito sa braso niya. "L-Lance... n-na... n-nasasaktan ako."
"Alam mo ba ang pinakaayaw ko sa lahat? Ang pagmukhain akong tanga Allysa."
"L-Lance..." iyak niya.
"Allysa para akong tanga! Akala ko pinakasalan ko ang babaeng mahal ko. It turned out na pinagpalit niya ako sa pangarap niya and here you are. Her twin, trying her best to be Alyce Alonzo del Valle."
"Lance, please, pakinggan mo muna ako. Let me explain."
"Pakinggan ka? I don't believe in you Allysa. Kilala kita. You're selfish. You don't care about other people. You always do whatever it pleases you without even considering other people's feelings. Ngayon sinusulsulan mo pa ang kapatid mo!"
Nasaktan siya sa sinabi ni Lance. Hindi niya inakalang ganoon din pala ang tingin nito sa kanya. Sinubukan niyang huwag maiyak. Pero litse talaga at sobrang nasasaktan talaga siya. Akala niya iba ito. 'Yon pala... isa rin ito sa mga taong ayaw sa kanya.
Narinig mo 'yon Allysa. Lance hates you. You're selfish. You don't care about other people's feelings. Fuck, bakit ang sakit?
She jerked away from his grasp.
"Hindi ko sinulsulan ang kapatid ko!" sigaw niya.
"Then why did she left me?!" malakas na sigaw nito. Namumula na ito sa galit. He was furious as hell. "Siguro naman may sinabi ka sa kanya. O baka naman -"
"Hindi ko kasalanan kung mas importante ang pangarap niya kaysa sa'yo! Hindi ka importante sa buhay niya. Deal with it Lance!"
Marahas na hinawakan siyang muli ni Lance sa braso at hinila palapit sa katawan nito. Napalapit ang mukha nila sa isa't isa. Umigting ang mga panga nito. Mas lalong nagdilim ang tingin nito sa kanya. Hindi niya pinakita rito na nasasaktan siya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso niya.
"Bawiin mo ang sinabi mo!" he growled.
"Hindi ko babawiin ang sinabi ko." Matapang niyang sagot kay Lance.
Marahas na binitiwan siya nito. "Mag-impake ka. Bukas na bukas aalis tayo." Saka siya nito tinalikuran.
Nang iwan siya ni Lance tila nawala lahat ng lakas niya at tila nauupos na kandilang napaupo siya sa sahig. Bumuhos lahat ng emosyong itinago niya sa kanyang puso ng ilang taon. Sobrang nasaktan siya sa sinabi ni Lance sa kanya. Bakit Lance? Bakit ganoon din ang tingin mo sa akin?
She clutched on the thin fabric of her blouse as if it could give her enough strength to breathe. Na tila ba kaya nitong luwagan ang daanan ng hangin para magawa niyang huminga nang maayos. It was so hard to breathe. Sobra-sobra ang paninikip ng dibdib niya. Naipikit niya ang mga mata. Iyak lang siya nang iyak. Ayoko na. Tama na. Pagod na pagod na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro