Chapter 4
MARIING napahawak si Allysa sa sink counter sa loob ng banyo. Matamang tinitigan ang mukha sa harap ng salamin. Wala ng bakas ng ano mang make-up sa mukha niya. Tumutulo pa ang tubig sa dulo ng basang-basa pa niyang buhok. Naipikit niya ang mga mata nang maalala muli ang iniwang mensahe ni Alyce.
Naikuyom niya ang dalawang kamay.
"Miss Alyce," naiangat niya ang mukha sa babaeng nagsalita. Tinignan niya ito mula sa salamin. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang wedding planner ni Alyce.
"Yes?"
"Ahm," lumapit pa ito sa kanya. "Last night, your twin sister Allysa gave me this." She was taken aback when she mentioned her name. So, Alyce pretended to be her? "And she asked me if I could give it to you." Mula sa likod ay inabot nito sa kanya ang isang envelope.
She was hesitant at first, pero tinanggap pa rin niya ang sulat. "Thank you," may ngiting tumango siya rito mula sa salamin.
"You're welcome," tumango ito tumalikod na.
Bumaba ang tingin niya sa envelope na nasa kamay niya. Binaliktad niya ang envelope. Nakasulat doon ang pangalan niya. Nang may maalala ay marahas na napalingon siya. Hindi pa nakakalabas ang babae.
"Janella," tawag niya rito. Iyon ang tawag ni Alyce rito. Lumingon naman agad ito sa kanya. "Wait, wala bang sinabi sa'yo si Al... A-Allysa kung saan siya pupunta?"
She shook her head.
"Sige, salamat na lang ulit," may ngiting sabi niya.
Umayos siya sa pagkakaupo at muling binalingan ang envelope. She bit her lower lip as she opened the envelope. Mula sa loob ay inilabas niya ang isang nakatiklop na papel. She unfolded it.
Dear Al,
I'm sorry if I've put you into this situation. I didn't want to, but I just have the need to do it. I know, you'll never agree to me no matter what I say. I love Lance, but this once in a life time opportunity is very important to me as well. My reasons may sound stupid for now, but I know someday you'll understand.
I decided not to tell you about me leaving without notice. Kasi alam ko, pipigilan mo lang ako. But I know, you would never let Lance hate me for choosing my dream over him. Please understand Al... minsan sa buhay kailangan mo ring pumili. Pero kung meron namang paraan para hindi pumili bakit ka pa pipili?
Love,
Al
Kasama ng sulat na 'yon ang engagement ring na ibinigay ni Lance kay Alyce. Malungkot na bumuntong-hininga siya.
Hindi niya inakalang magagawa 'yon ni Alyce kay Lance. At hindi niya alam kung bakit sa huli ay pinili niyang dagdagan ang gulong ginawa ng kakambal niya. Nang makita niya kahapon ang mukha ni Lance tila ba naglaho lahat ng prinsipyo niya sa sarili. Bumigay ang puso niya and now she had put herself in a complicated situation kung saan lalo lang niyang pinagulo ang lahat. Gusto niyang kutusan ang sariling kagagahan.
Hinayaan na lang sana niyang malaman ni Lance ang lahat. Kung sana, hindi siya nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin. Argh! Katakot-takot na effort ang ginawa niya para hindi mapansin ng mama niya na hindi siya si Alyce. Halos hindi na siya magsalita at panay ngiti na lamang ang ginawa niya. She even left a fake letter to her mother, sinabi niya sa sulat na aalis na siya para hindi nito mapansin na missing in action siya sa kasal – for Pete's sake, Allysa is the maid of honor.
She witnessed how her mother went berserk after reading the fake letter. Dahil nga malapit nang magsimula ang kasal at wala na silang oras para humanap pa ng sub, wala na lang maid of honor sa kasal. 'Yong maid of honor kasi, hayon naging bride. Tumawag na rin siya kay Manang Indang, she told her not to clean inside her room dahil hindi na nito 'yon kailangang linisan pa dahil umalis na siya. Marahil magtaka ito kapag nakita nitong nandoon pa rin ang mga gamit niya.
Kung bakit kasi Allysa? Kung bakit kasi nagpapakatanga ka na naman? Dios ko! Bahala ka na talaga sa buhay mo. Pangatawanan mo 'yang pinasok mo. Sa naisip, parang gusto na niyang bawiin ang lahat at magtapat na lamang kay Lance. Pero naiisip pa lang niya ang galit at sakit sa mukha ni Lance parang mauupos na naman ulit ang lakas ng loob niya.
Naimulat niya ang mga mata at bumuntong-hininga.
"Now what?" tanong niya sa sarili mula sa salamin.
Umikot siya at isinandal ang likod sa counter top. Naisuklay niya ang kamay sa buhok at impit na napatili nang mahina sa sobrang asar niya.
"Nak ng shokoy! Nak ng tokwa! Alimango!" Sunod-sunod na sigaw niya nang paulit-ulit habang nagtatatalon. Baliw na kung baliw pero kung sino man ang nasa sitwasyon niya ngayon ay baka iyon din ang gagawin. "Nabubwesit ako. Gusto kong umiyak. Bwesit talaga. Alyce naman kasi. Bwesit na puso 'to oh. Bakit ka ba kasi nagmahal?"
Nang mapagod ay huminto siya at napasalampak sa tiles na sahig. She buried her face on her palms. Kanina pa siya naiiyak sa sitwasyon niya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa na ikinasal siya kay Lance o ikaiyak ang pwedeng kahahantungan ng lahat ng 'to. Kahit kasi saang anggulo niyang tignan talagang lugi siya at isa siyang malaking tanga.
Natatakot siyang mapalapit lalo kay Lance. Natatakot siyang baka mahalin niya ito nang lubusan at 'di na niya kayang iwan ito kapag bumalik na si Alyce. Paano na siya? Saan siya pupulutin nito pagkatapos? As soon as Alyce comes back mawawala na rin siyang tuluyan sa buhay ni Lance.
"Si Alyce ka ba Allysa?" away niya sa sarili. "May karapatan ka ba, ha?" lalo siyang napangiwi.
Pero ano bang dapat niyang gawin?
Kinalma niya ang sarili. Kailangan niyang mag-isip. Baliw lang ang kakalma sa first night ng honeymoon na hindi naman talaga sa kanya. Darn! Alangan namang i-display niya rin ang katawan sa harap ni Lance? Kung na iba lang siguro baka na excite pa siya. Hay naku! Allysa, plantsahin mo 'yang utak mo.
Mag-isip ka kung hindi babagsak talaga 'yang bataan mo ngayong gabi. Syet na! Nababaliw na talaga siya. Naiisip pa lang niya ang isang mainit na eksena ay umiinit na ang kanyang mga pisngi. Naku! Hindi niya talaga kaya ang mga usaping romansa. She has her fair share of erotic fantasies but please spare her. Kung ano man ang nasa isip niya ay dapat manatili lamang sa isip niya.
Mayamaya ay may kumatok mula sa labas ng banyo. Napaigtad siya sa gulat. Kumabog nang mabilis ang kanyang puso. Mabilis na tumayo siya at lumapit sa pintuan. Pero hindi niya pa rin ito pinagbuksan ng pinto.
Inilapit niya ang tainga sa pinto.
"Al?"
Napangiwi siya. Nagpa-panic na naman ulit siya. Hindi niya alam kung lalabas na ba siya o hindi. Takte! Bakit ba ang hirap ng sitwasyon niya?
"Al, matagal ka pa ba riyan?" tanong nito mula sa labas. "Kailangan ko talagang gumamit ng banyo."
"Eh? Ano, kailangan mo na ba? Oh sige," kagat ang ibabang labi na binuksan niya ang pinto. Bumungad agad sa kanya ang gwapo at maamong mukha ni Lance. Kasabay no'n ang malakas na tibok ng puso niya. Naiilang siya sa uri ng tingin na ibinibigay nito sa kanya.
Lihim na napalunok siya nang mapansin na walang damit pang-itaas si Lance at tanging maong na pantalon lang ang suot nito. Lagot na talaga siya. Wala pa ngang ginagawa si Lance ito at pinagnanasaan na niya ang magandang katawan nito. Napako ang tingin niya sa magandang katawan ni Lance. From his broad shoulders to his well defined and toned muscles na ngayo'y basang-basa sa pawis.
Lihim siyang napalunok. She had been controlling her hidden desires towards Lance. God, stop it now Allysa. Sana nga lang ay 'di siya biguin ang sarili niya.
"Ahm ano," pilit niyang ibinalik ang tingin sa mukha ni Lance. "Sabi mo gagamit ka ng banyo? Sige pasok ka na," hindi alam ang gagawin ay binuksan niya nang malaki ang pinto. She gave him way so she stepped on the side.
Yumuko siya na parang bumabati ng guest bago iniwan si Lance. Napangiwi naman siya nang maalala ang ginawa. Baliw! Baliw ka talaga Allysa. Anong tingin mo sa banyo, restaurant? Sino ka, bagong guard? Mahinang tinampal niya ang noo sa kagagahan.
Bakit ba ngayon pa siya inatake ng hiya? Hiling lang niya ay 'di isipin ni Lance na nababaliw na siya. Naku! Baka magtaka pa 'yon. Nang marinig niya ang pagsarado ng pinto ng banyo ay mabilis na tumalon siya sa malaking kama at nagtalukbong ng kumot.
Wala siyang balak na tanggalin ang roba niya. Sa nipis ba naman ng pink lingerie na suot niya baka ano pang mangyari sa kanya. Kung siya lang ang masusunod baka maluwag na T-shirt at pajama lang ang suotin niya. Ano bang masaya sa pagsusuot ng manipis na kamison? Kakaloka ka Alyce!
Mariin ang pagkakahawak niya ng kumot na pinakiramdaman niya ang buong paligid. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya muling marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. Kahit na nakatalukbong ng kumot ay nanlalamig pa rin siya sa sobrang kaba. Lalo na't naririnig niya ang mga yabag ng mga paa nito at kaluskos ng mga gamit.
Kinakabahan na talaga siya. Nababaliw na ang utak niya. Baka ano mang oras ito pa ang ikamatay niya sa kaba. Naku huwag naman sana at kahit naman wholesome siya na tao ay ayaw pa rin naman niyang mamatay na virgin.
Mahina siyang napasinghap nang maramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Lance. Mabilis na itinakip naman niya ang isang kamay sa bibig. Ipinikit niya ang mata at umusal ng isang panalangin.
Lord, huwag muna please. Hindi pa ako ready, saka 'di naman talaga ako ang babaeng pinakasalan niya eh. Oo, mahal ko siya pero magkamukha lang talaga kami ng real wife niya. Parang awa muna, huwag muna ngayon. Lord please.
Parang na kuryenteng napa-igtad siya nang maramdaman niya ang isang kamay ni Lance na hinaplos ang isang braso niya. Nakagat niya ang kamay sa sobrang pagpipigil. Mayamaya ay bumaba 'yon sa isa niyang hita.
Syet! Mura niya sa isip.
Umakto siyang natutulog nang simula nitong alisin ang kumot mula sa kanya ulo hanggang sa dibdib niya. Lalo lang siyang kinabahan nang bigyan siya nito nang mga mumunting halik sa balikat hanggang sa leeg niya. Napalunok siya sa sensayong hatid no'n. Hindi niya alam kung anong tamang eksplinasyon sa nararamdaman niya ng mga oras na 'yon. Para bang may kung anong mainit na unti-unting tumutupok sa kanya.
God, she felt hot inside.
Tumaas naman ang paghalik nito hanggang sa may tainga niya.
"Alam kong gising ka," bulong nito sa kanya. Naimulat niya ang mga mata. Lumipat ito nang puwesto sa itaas niya. Lalo lang nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito. Nabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya. "Why are you pretending to be asleep baby?" may naglalarong ngiti sa mukha nitong tanong.
"Ahm, ano kasi," wala talaga siyang maisip na sagot. "May sasab -" hindi na niya natapos ang sasabihin nang bumaba ang labi nito sa kanyang mga labi. Masuyong hinalikan siya nito. Tila may sariling isip ang katawan niya at hinayaan lamang si Lance na gawin 'yon. Tinugon niya ang mga halik nito na tila ba normal lang na ginagawa nila 'yon kahit 'yon pa lamang ang unang beses na hinalikan siya nang ganoon ni Lance. Naipikit niya ang mga matang ninamnam niya ang bawat paggalaw ng mga labi nito sa kanya. Kumawala ang isang ungol sa mga labi niya at mas lalo lamang pinailaliman ni Lance ang halik.
She can't help but wrapped her arms around his neck as he pressed his body closer to her. She could feel Lance's strong hard chest on her nipples under the thin fabric of her robe. Tila nagdala pa 'yon ng masidhing pagnanasa na dapat punan ng mga oras na 'yon. Nagsimula namang maglakbay ang mga kamay nito sa katawan niya. She found herself playing with Lance's hair while he gave him sweet buttefly kisses on the trail of her neck down to her collarbone. Hindi niya magawang pangalanan ang init na nararamdaman niya ng mga oras na 'yon. Tila sinusupil nito ang lahat ng katinuang natitira sa isip niya.
Kasabay ng mga halik nito sa kanya ang paggalaw ng kanyang katawan sa bawat haplos nito. Naramdaman niya ang kamay nito na inaalis ang tali ng roba niya. Tila bigla siyang binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig.
Wait! Naimulat niya muli ang mga mata. Oh God! Tili niya sa utak. Mabilis pa sa alas kuwatrong itinulak niya si Lance palayo sa kanya.
"Lance!" hinihingal na sigaw niya.
"What's wrong?" bakas sa mukha nito ang gulat at pagtataka.
Sorry talaga Lance, 'di pa talaga pwede. Oh God, ano bang iniisip mo Allysa? Muntik ka na roon. Huminga siya nang malalim bago ulit nagsalita. Kailangan niya munang mag-isip bago gumawa ng isang bagay na maari niyang pagsisihan habang buhay.
"Ano kasi, may sasabihin nga kasi ako. Ikaw naman, sunggab ka naman agad sa akin." Wait, tama ba ang sinabi niya? Hindi naman yata ganoon magsalita si Alyce. She composed herself first. Kaya ko 'to! "I mean, pasensiya na talaga Lance." C'mon Allysa, think! "May bad news kasi ako."
"Bad news?"
"Meron," think Allysa! Mag-isip ka ng alibi. Dios ko! "Ano kasi... meron..." Ano ba kasing meron sa akin? Sa sobrang kaba niya ay naipikit niya ang mga mata na isinigaw ang unang-unang rason sa pumasok sa isip niya. "Meron kasi ako ngayon! Sorry, biglaan lang. Ngayon ko lang na check." Shuks! This is so embarrassing. Ayoko na!
"Meron ka?" she heard Lance laughed. "Bakit 'di mo naman agad sinabi?" hindi niya pa rin kayang tignan ito sa mga mata kaya 'di pa rin niya naimumulat ang mga mata. Naramdaman na lamang niya ang paggalaw nito palapit sa kanya. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito. "You should have told me earlier," natatawa pa rin nitong dagdag.
"Nahihiya ako eh," she buried her face on his chest.
Sa totoo lang, gusto na niyang maiyak. Una, dahil sa sitwasyon niya ngayon. Pangalawa, dahil hindi niya ma control ang sariling damdamin kay Lance. Pangatlo, patay talaga siya kapag bumalik na ulit si Alyce at kung mahalata ni Lance na hindi siya ang totoong Alyce.
"Kaya pala natagalan ka sa banyo." She nodded on his chest. "It's okay," marahan nitong hinagod ang buhok niya. "I can wait."
Iyang "I can wait" mo ba ay pwedeng i-extend ng isang taon or baka mga limang taon? Naku! Ilang rason pa ba ang hahabiin ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro