Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

NAKARINIG ng marahang pagkatok si Allysa sa pinto mula sa labas. Tumayo siya mula sa swivel chair para buksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang malungkot na mukha ni Alyce.

"I'm sorry," basag nito. "Can I come in?"

Nilakihan niya ang bukas ng pinto at pinapasok sa loob ang kakambal. Naupo ito sa bench ng vanity table niya.

"Sorry nga pala sa mga nasabi ko noong isang gabi. I didn't mean to brought that up." Mabigat na bumuntong-hininga ito. "Is there any chance that I can still change your mind?"

"It's still a no, Alyce." Walang paligoy-ligoy at diretso niyang sagot. "Look, wala akong pakialam kung masasaktan mo man si Lance. Relasyon n'yo naman 'yang dalawa. I'm totally out of the picture, and not because I act like a good sister to you ay papayag na ako sa mga kahilingan mo. I'm sane enough not to meddle with your lives anymore."

It took her all the courage to straightly say those things on her face. Hindi naman sa wala siyang pakialam sa mararamdaman ni Lance. Truth is, naiinis nga siya kay Alyce. Kung tutuosin ay nasa kakambal na ang lahat. Mahal ito ni Lance at ng mama nila. Ano pa bang hihilingin nito? Kahit sa larangan ng musika ay kilala ito. She understand her sister's dilemma, pero ang mali ay ang pilitin nitong pagpanggapin siyang Alyce habang inaabot nito ang mga pangarap nito. She has to choose, she can't keep both.

Pero kailangan niyang panindigan na huwag nang makialam sa buhay nila Alyce at Lance. Kailangan niyang ilayo ang sarili para hindi na siya lalong masaktan. Dahil sa bawat araw na nakikita niya ang dalawa ay lalong pinipiga ang puso niya. Lalo siyang naiinis sa ka miserablihan ng buhay niya. Kung bakit walang taong gustong mahalin siya.

She plans to leave after Alyce and Lance's wedding. Gusto niyang magsimula ng bagong buhay at kalimutan lahat ng sakit at pait sa puso niya. She want to forget everything that made her unhappy. Baka sa ibang lugar ay mahanap na niya ang kaligayahan na inaasam niya.

Nang hindi pa rin ito nagsasalita ay nag desisyon na lamang siyang lumabas ng kanyang silid. Magpapahangin na muna siya sa labas.

"I'm sorry Alyce but I can't help you this time." Aniya bago tuluyang iniwan ang kapatid.

Nang makalabas ng kwarto at masara ang pinto sa likod niya. Bigla siyang nanghina kaya naisandal niya ang likod sa matigas na pinto. Napayuko siya at napabuntong-hininga.

Sana huwag mong biguin si Lance, Alyce. Lance really loves you. He gave everything for you. Ang swerte mo nga at may nagmamahal sa'yo at nagagawa mong gawin ang lahat ng gusto mo. Dahil kung ako 'yon, baka piliin ko na lamang ang simpleng buhay kasama ni Lance at mga taong nagmamahal sa akin. Kaso 'di naman ako, ikaw.



TUNOG nang tunog ang alarm ng cell phone ni Allysa kanina pa pero 'di pa rin siya bumabangon. Kahit naasar na siya sa tunog no'n ay humahablot na lamang siya ng unan at itinatakip 'yon sa kanyang mga tainga. Pero kahit siguro gawin niya 'yon habang buhay ay hindi pa rin titigil ang alarm clock niya sa pambubulahaw ng umaga niya.

Pikit ang mga matang bumangon siya at hinablot ang cell phone sa side table at ibinato 'yon sa harap. Buwesit! Bakit ba kasi siya nagpa-alarm?

Sandaling natigilan siya.

Teka, kailan pa ako nagpapa-alarm? She tilted her head. Bigla ay may naalala siya. Naimulat niya ang mga mata. Oh shit! Ngayon niya lang napansin na cell phone pala niya ang ibinato niya kanina at wala siya sa sariling silid. She grimaced the moment she saw the cracked on the screen of her phone. Napaawang ang bibig niya sa pagkagulat. Parang gusto niyang maiyak.

Mabilis na bumaba siya ng kama at sinipat ang cell phone. Napasalampak siya nang tuluyan sa sahig nang umilaw pa 'yon. Thank God! Nakahinga siya nang maluwag. Wala pa siyang balak bumili ng bagong cell phone.

Mayamaya pa ay biglang tumunog ang cell phone niya sa kamay. Hindi na niya tinagnan ang caller at sinagot niya na ito agad.

"Hello?"

"Anong oras na ba? Bakit hindi ka pa rin bumababa?" sunod na sunod na tanong ng babae sa kabilang linya. Pamilyar sa kanya ang boses nito. Mama? Inilayo niya mula sa tainga ang phone at tinignan ang caller. Tama nga siya, ang donya niyang ina ang tumatawag. Tumaas naman tuloy ang isang kilay niya. "Bumaba ka na Allysa."

"Bakit mo ba ako minamadali?" asar na sagot niya sa ina.

"Magsisimula ka na naman ba Allysa?"

"Hindi pa ako nagsisimula," bumagsak ang dalawang balikat niya at napabuntong-hininga. Pero wala siyang lakas na makipag-away rito ngayon. "Fine, baba na ako, okay na?"

"Good, daanan mo na rin ang kapatid mo sa silid niya."

"Opo," pagkasabi niya no'n ay namatay na ang linya.

Ilang segundo siyang napatulala saka siya napangiti nang mapait. Hi Allysa, today is the day. Goodbye Lance at mag-move on ka na parang awa mo na. Bumuga siya ng hangin bago tuluyang tumayo sa sahig. 'Langyang buhay 'to ngayon pala ang kasal! About the alarm thing, baka na pag-tripan niya lang kagabi.

Pampagising sa reyalidad. Just great!



NAGTATAKANG sumilip si Allysa mula sa labas ng hotel room ng kakambal. Pagtingin niya sa itaas ay sakto naman ang room number na sinabi sa kanya ng ina na inuokupa ng kapatid. Kaya gano'n na lang talaga ang pagtataka niya nang marinig niya ang mga ingay at sigawan mula sa loob.

Ano bang problema ng mga tao sa loob?

Akmang hahawakan niya ang seradura ng pinto para buksan pa ang nakaawang na na pinto nang biglang bumukas 'yon. Muntik na siyang matumba kung hindi lang niya mabilis na na ibalanse ang sarili. Inayos niya agad ang sarili at umaktong walang nangyari.

Matamang nakatitig lang sa kanya ang isang babae. Magulong-magulo na ang buhok nito dahil nagsimula nang bumigay ang lapis na ginawa nitong pang-ipit sa buhok. Tila stress na stress na ito at ano mang oras ay iiyak na. Nakaramdam siya nang konting ilang kaya nagsalita siya.

"Ahm," simula niya. "A-Anong nangyaya -" hindi na niya natuloy ang pagsasalita nang bigla siya nitong yakapin.

"Thank God, nandito ka na. Akala ko talaga nawala ka na. Mapapatay talaga kami ni Madame Amanda." Tukoy nito sa kanyang ina. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinila na siya nito papasok sa loob. "Halika na, aayosan ka na namin."

"Huh?"

"Mila, ihanda mo ang wedding gown at mga gamit. Nandito na si Ma'am Alyce."

"Huh? Eh hindi naman ako si -"

"Ma'am huwag na po kayong kumontra at kailangan na po namin kayong maayusan dahil mali-late na po kayo sa kasal n'yo."

"Wait lang," pinilit niya itong huminto. Kinalma niya muna ang sarili dahil wala na siyang naiintindihan sa mga nangyayari. At na saan si Alyce? "Wait, kanina pa ako nawawala?"

Tumango ito. "Nang pumasok kami sa silid n'yo ay wala na kayo. Hindi na namin na sabi kay Madame Amanda na nawawala po kayo dahil magagalit po talaga sa amin 'yon. Kaya Ma'am Alyce huwag na po kayong kumontra." Naloko na! Na saan na si Alyce?

"Ten minutes," hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Bigyan mo ko ng ten minutes. May kakausapin lang ako."

"Ma'am," may himig na pagkakamaawa nito.

"Ten minutes lang, babalik din agad ako."

"Sige po," she sighed in defeat. "Pero ten minutes lang po."

I gave her a reassuring smile. "I'll be back."

Mabilis na lumabas siya sa silid at tinakbo ang hallway. Sakto namang bumukas ang elevator nang dumating siya kaya mabilis na pumasok siya at isinara 'yon. Pinindot niya ang down button. Inilabas niya naman ang cellphone at i-denial ang number ng kapatid. Pero naka ilang ulit na siyang tawag dito ay laging out of reach ang number nito.

Mabilis ang mga kilos na lumabas siya ng elevator nang bumukas 'yon. Hindi niya pa rin tinitigilan ang pag-contact kay Alyce kahit na naasar na siya rito.

"Darn it Alyce! Pick up the phone," she hissed out of patience.

Inikot niya ang buong hotel pero hindi niya pa rin makita ang kapatid. Nakadagdag pa sa inis niya ang hindi pagsagot nito sa mga tawag niya. Kulang na lang ay sirain niya ang cellphone sa kaka-dial sa numero nito.

Hindi niya alam kung na saan na siya at pagod na pagod na rin siya. Naisuklay niya ang mga kamay sa buhok at naupo sa isa sa mga bench na nandoon. Alam niyang lumagpas na siya sa oras na hiningi niya sa babae kanina pero hindi niya pa rin magawang bumalik sa itaas. God, she doesn't know what to do.

Naipikit niya ang mga mata. Bigla niya namang naalala ang sinabi nito. My flight will be on the day of my wedding. Marahas siyang napabuntong-hininga. Alyce naman! Bakit? Hindi ba talaga mahalaga sa'yo si Lance? Why do you have to do this to him?

"Al?"

Mabilis na naiangat niya ang tingin sa pamilyar na baritonong boses na 'yon. Sa halip na gulat ang maramdaman ay gusto niyang maiyak sa harap nito. Nanikip bigla ang dibdib niya dahil sa sobrang pagpipigil ng mga luha.

She had known Lance since high school. Napakabait nitong lalaki. Nakita niya kung paano nito alagaan at mahalin si Alyce. Kung paano ito naging masaya sa piling ng kapatid niya. Pero heto at iniwan pa rin ito ni Alyce. Hindi niya mapigilang masaktan para rito.

"Lance," her voice broke when she called out his name.

Tumingkayad ito sa harap niya at inabot ang isa niyang kamay. Bumaba muna ang tingin nito sa mga kamay nila bago nito itaas ang tingin sa mukha niya.

"Anong problema?"

Hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap niya si Lance. She hugged him tight like it was the only thing that could lessen the pain she's feeling right now. Like it was the only way to cover the painful decision Alyce had chose. Ang katotohanang hindi ito ang pinili ng mahal nito.

"I'm sorry," she sobbed. "Lance, I'm sorry."

"Al? Bakit ka nag so-sorry?"

"Pangako ko sa'yo, hindi kita iiwan." Humigpit ang pagkakayakap niya rito habang umiiyak. "Nandito lang ako sa tabi mo." Bumigay lahat ng sakit na nararamdaman niya sa puso niya nang mga oras na 'yon. Ang inis niya sa kapatid at awang nararamdaman niya para kay Lance. Gusto na lang niyang iiyak ang lahat ng nararamdaman niya para rito.

Naramdaman niya ang masuyong paghagod nito sa kanyang buhok.

Kumalas ito sa pagkakayakap niya rito. He cupped her face and their eyes met. Pero hindi niya pa rin mapigilan ang mga luha niya. Dahil sa tuwing nakikita niya ang mukha nito ay awa ang nararamdaman niya para rito. At ang lihim na pagmamahal niyang kailanman ay hindi nito mapapansin.

He wiped the tears on her face with the used of his thumb.

"Alam mo ba kung gaano mo ako pinasaya sa sinabi mong 'yan Al. This is the very first time you share those wonderful words to me. It warms my heart. Thank you."

"Lance,"

"And I couldn't be much happier if you'll become my wife," may ngiting inilapit nito ang mukha sa mukha niya. Naipikit niya agad ang mga mata at hinintay na lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. Gano'n na lang ang gulat niya nang tumawa ito bago siya nito binigyan nang mabilis na halik sa labi.

Naimulat niya ang mga mata. Nakakunot ang noong tinitigan niya ang masayang mukha nito.

"Bakit ka tumatawa?" inosenteng tanong niya.

"Ang cute mo kasi," he chuckled.

She made a face.

"Huwag ka nang sumimangot at baka 'di ko mahintay ang honeymoon natin," pagbabanta nito na siyang ikinabog ng dibdib niya. Darn! Anong honeymoon?

Habang napako ang isip niya sa sinabi nito ay tumunog naman ang cellphone ni Lance. Sinagot nito 'yon. Naloko na! Makukutusan niya talaga ang sarili niyang kagagahan. Talaga naman Allysa! Kapag kay Lance nawawala ka sa ikot ng mundo. Now, what? Alangan namang magtitigan lang kayo sa unang gabi n'yo? Anong klaseng trip 'yon?

Allysa mag-isip ka! Alangan namang ibigay mo ang sarili mo nang ganun-ganon? Ano ka baliw? Pwede rin. No! No! Mag-iisip ako! Mag-iisip ako talaga -

"She's here with me Ma," nabaling naman ang tingin niya kay Lance. He glanced at her and squinted his eyes as if someone told him she had done something naughty. "Pababalikin ko na siya sa itaas. Okay po, no problem." Ibinaba na nito ang cellphone.

"Now," hinarap siya nito. "Anong naririnig kong nakukonsumisyon na ang mga tao sa kwarto mo sa itaas dahil kanina ka pa missing in action?"

"Sorry," nakagat niya ang ibabang labi.

"Sige na," natawa lang si Lance. " Bumalik ka na sa itaas."

"Babalik naman talaga ako eh," pwedeng bawiin ang sinabi ko kanina?

Maingat na inalalayan siya nito patayo. "Babalik ka talaga dahil mag-aayos ka pa para sa kasal natin. Now," he moved closer and gave her a kiss on her forehead. "Be a good girl my soon to be Mrs. del Valle."



MUNTIK nang mahulog sa kinauupan si Darwin nang makita niya ang ilang larawan ni Allysa sa entertainment news sa dyaryo na binabasa. Naidikit niya ang mukha sa dyaryo at pinakatitigan ang mukha ng babae. Hindi siya pwedeng magkamali. This is not Alyce. The woman in the photo is really Allysa. Nakasuot ito ng magandang wedding gown at malaki ang ngiti habang hawak-hawak ng groom ang kamay nito.

Aba'y talagang tinutuo talaga nito ang hiling ng kakambal nito. Napailing na lamang siya nang ibaling niya ulit ang tingin sa dyaryong binabasa.

"Teka, si Allysa ba 'yan?" tanong ni Mang Kaloy mula sa likod niya.

"Si Allysa?" nakangising baling niya sa matanda. "Wala 'yong love life, paano 'yon ikakasal?" malakas na tumawa siya just to lighten up Mang Kaloy's assumption. "Baka kamukha lang Mang Kaloy. Satanista kaya 'yong beshie natin."

Natawa lang ang matanda. Bumalik na rin ito sa puwesto nito. Nawala ang ngiti niya. Tsk, ano ba 'tong gulong pinasok mo ngayon Allysa?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro