Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

ONE YEAR had passed.

Tila isang buwan lamang 'yon kay Darwin. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga habang tinitigan ang buong siyudad. Nasa itaas siya ng isa sa mga pinakamataas na building sa lugar na 'yon. He was sitting at the edge of the building's rooftop; legs dangling like it was just a step away from the ground floor.

It was already past 9 pm in his clock. Buong gabi na naman yata siyang tutunga-nga rito. Simula nang bumalik sa mundong itaas ay hindi na siya naging masaya. Tinatamad na rin siyang mangialam sa buhay ng ibang tao. Isang taon na rin siyang on stand by mode. Ever since he left, life was a bit boring. Para siyang palaboy sa planet earth. Walang direksyon sa buhay.

Masaya siya dahil bumalik na ang pulang tali na nag-uugnay kina Lance at Allysa. It was enough for him to see his ship sailing. They both deserve each other. Noong isang araw dumaan siya sa Dolce Fate. Si Allysa na ang owner ng DF. They wouldn't remember him anymore. Inalis niya ang memorya nila tungkol sa kanya.

He visited them as a customer. Saktong nandoon si Allysa at Lance. Kasama ang kambal nilang anak na sila Fate at Wish. Ang saya nilang tignan. He missed those two. Pati na rin sila Mang Kaloy at Chu-Chu. Mataba pa rin si Mang Kaloy at payat pa rin si Chu-Chu. Nakaka-miss din pala ang katangahan ng dalawang 'yon.

People in heaven are too serious. Hindi nga niya rin makausap ang dalawang kapatid. Kahit ang kaibigan na si Keeper na assistant ng tatay niya ay masyadong loyal sa trabaho nito. Nakakawalang-gana. Si Strar naman na kaibigan niya rin ay missing in action na naman. Saang parte na naman kaya ng mundo 'yon nagsusuot.

Muli siyang napabuntong-hininga.

Noon, okay lang na mag-isa. Pero bakit ngayon, ang lungkot-lungkot na? Iniangat niya ang isang kamay at ibinuka 'yon. Lumabas ang tila mga alitaptap na liwanag sa palad niya. He blew it away and became like star dust in the wind. Those were love dust. Araw-araw siyang nagsasaboy ng love dust sa mga tao. It gives them courage to confess with the people they like.

"Isang taon ka nang ganyan. Alam mo, kung gusto mong bumalik sa kanila, pwede mo namang gawin. Para din 'yang pagmamahal. Kung mahal mo, 'di ipaglaban mo. Balikan mo. Huwag mong iwan ang mga bagay at taong nagpapasaya sa'yo."

Pagbaling niya ng mukha ay bumungad sa kanya ang mukha ng ama. Nakaupo ito sa edge kagaya niya. Ibinalik niya ulit ang tingin sa buong metropolis.

"I'm not one of them."

"Who says?"

"'Diba obvious?"

Natawa ito sa kanya. "It's very ironic to see you like this Darwin. Ikaw na, laging nasusunod ang gusto mo, heto, tinitiis ang sarili mo. Yes, you have learned from your mistakes, pero mukhang nasobrahan yata."

"Mas mabuti na rin 'to. Mabilis lang ang panahon. Makakalimutan ko rin sila."

"Alam mo ba kung bakit pinangalanan kitang Darwin?"

Naibaling niya ulit ang tingin sa ama. "Bakit nga ba?"

"Darwin means, a dear friend." Nakangiting sagot ng ama. "The moment I saw you, your life flashed before my eyes like good memories. I named you Darwin. Dahil alam ko, you'll become a dear friend to everyone. Your existence will play an important role to those people who are in need of your companion. And I was right."

His father has this proud smile painted on his face. 'Yon ang unang beses na nakita niyang proud ito sa kanya. He had been a mischievous wanderer son of Destiny na laging nagdadala ng problema rito. Maka ilang beses na napagalitan at nasermonan na siya nito dahil sa mga kalokohan niya.

But at that moment, his father was really proud of him.

Napangiti siya.

"Hindi ako sanay na ganyan ka Tanda."

Natawa ang ama saka malakas na tinapik ang likod niya. Grabeh naman, hihiwalay yata ang spinal cord niya sa pagtapik nito sa likod niya.

"Watch your word, Darwin. I'm still your father."

Still, he felt touched by his words. Mas gumaan ang pakiramdam niya. Alam niyang, makaka-get over din siya. Isang taon palang naman ang lumipas. Isang buwan lang 'yon sa oras nila sa langit.

"Don't worry, I'll be fine."

But he knew, it was his father's way of asking if he was okay. I appreciate it Pa. Thank you. I'll be fine. I'm Darwin Fate, the mischievous wanderer son of Destiny.

"I know you will."




BUMISITA ulit si Darwin sa Dolce Fate. Dire-diretso lang siya sa loob. Kataka-takang wala si Mang Kaloy para pagbuksan siya ng pinto. Wala rin si Chu-Chu na laging nasa counter. Dumiretso siya ng upo sa dating puwesto niya. Sa bandang likod, katabi ng glass panel wall.

Alas sais pa lang ng gabi. Na saan na kaya ang mga tao?

"Hoy!" nagulat siya nang biglang may naupo sa tabi niya. Si Allysa. "Bakit ngayon ka lang, ha?" napakurap-kurap siya. Naalala siya nito? Paano? "O, ba't mukhang kang gulat diyan?"

"K-Kilala mo ako?"

Nagsalubong ang mga kilay nito. "May amnesia ka ba? Kababalik mo lang kahapon. Tumawag ka pa nga. Isang taon ka lang na nawala, nakalimutan muna agad kami. Kanina ka pa namin hinihintay."

"Welcome back Boss Darwin!" bigla ay sigaw ng kung sino kaya nailipat niya ang tingin sa harap. "Mahal na mahal namin ang Boss namin na laging may annual increase. Saranghae, Papi Darwin." Nag-finger heart pa ang dalawa.

Hawak-hawak ni Mang Kaloy at Chu-Chu ang isang malaking tarp na may malaking mukha niya. May naka bold letters pa na 'Welcome Back Papi Darwin'. Mga taong 'to! Puro talaga kalokohan.

Natawa siya. "Hoy, ako ba si Willie? Bakit nakiki-papi kayo?"

Doon niya napansin na kasama pala si Alyce. Ito ang may hawak ng cake. Si Lance naman ay karga-karga ang kambal na anak nila ni Allysa na si Fate at Wish.

"It's good to have you back Darwin." Niyakap siya ni Allysa. "Na miss kita."

"Hoy, maghinay-hinay ka at baka mapatay ako ng asawa mo." Nguso niya kay Lance. "May kasalanan pa ako sa bebe loves mo."

"Pag-usapan natin 'yan mamaya Darwin." Sagot naman ni Lance. "Madami kang utang na kwento sa akin."

Natutop niya ang noo. "Patay tayo diyan."

Nagtawanan ang lahat. Maliban kay Alyce. Naks, kasali na pala sa group of friends si Alyce Alonzo. This is so interesting.

"Tawa ka naman diyan Alyce. Tabi ka nga doon Allysa." Pabiro niyang itinulak si Allysa. "Dito ka oh, tabihan mo ako. Wala akong partner eh." Tinukso naman silang dalawa ng lahat. Tinaasan lang siya ng kilay ni evil twin. Napakamaldita talaga ng babaeng 'to!

Malaki na ang pagkaka-iba ni Alyce kay Allysa. Madali nang mapansin kung sino sa dalawa si Allysa at Alyce. Allysa has short hair while Alyce has long wavy hair. Tumayo si Allysa at kinuha mula kay Alyce ang cake at saka pilit na pinaupo ang kakambal sa tabi niya.

Mabilis naman silang kinunan ng picture ni Chu-Chu.

"Boss, bagay kayo ni Ma'am Alyce. Ship ko kayong dalawa. Boss, konting akbay naman diyan oh." Pinandilatan siya ng mga mata ni Alyce. Natawa lang siya at inakbayan ito. "Ayiee, bagay na bagay."

"Allysa," parang batang tawag nito sa kakambal.

"O, tama na. Tutal, nandito na rin ang lahat. It's time to announce our wedding." Nakangiting pahayag ni Allysa. "Darwin, ikaw ang best man. Alyce, ikaw ang maid of honor ko. Syempre, 'di mawawala sila Mang Kaloy at Chu-Chu sa entourage."

"Best Man ako," binalingan niya si Alyce. "Pwede kaya kitang gawin Best Woman for me."

Tinukso na naman silang dalawa ng lahat. Tawang-tawa sa expression ni Alyce. Animo'y nandiri ito sa sinabi niya. Wow, choosy ni ate.

"Aww, our DaLyce is sailing." Nagyakapan pa sila Mang Kaloy at Chu-Chu.

"Tama na nga 'yan." Natatawang awat ni Allysa. "Huwag n'yo nang asarin ang kapatid ko at baka 'di na 'yan bumalik sa Pilipinas."

"Pahawak nga sa dalawa." Lumapit si Lance at pinakarga sa kanya ang kambal. "Ay, ang ku-cute. Manang-mana sa mga gumawa." Fraternal twins ang anak nila. At least, hindi na nakakalito. "Tignan mo Alyce, gusto mo rin ba ng mga ganito ka cute na mga anak?" mula sa mga bata ay inangat niya ang tingin kay Alyce. Bakit ba ang sarap asarin ng 'sang 'to? Nakakaaliw.

"Bakit mo naman ako tinatanong?"

"Gawa tayo."

Napamaang ito sa sinabi niya. Kininditan niya lang si Alyce saka natawa. Muli na naman silang tinukso ng lahat. Ah ewan, ang saya talagang kasama ng mga taong 'to. Hindi ko pa kayang iwan ang mga walangya. I'll stay. Naisip niya ang ama. Iba ka din Tanda. Alam na alam mo talaga ang sigaw ng puso ko.

Napangiti siya.

Salamat Pa. Promise, magpapakabait ako dito.

Ibinaling niya ulit ang tingin sa dalawang bata.

Aw, Lance and Allysa's babies. Nakakatuwa. Muntik na siyang sumimplang kina Allysa and Lance. It was really a miracle. Truly, love is a perfect example of possible. Never underestimate a longing heart. Love will always find its way. Trust me!




WALA nang mahihiling pa si Allysa. Nasa kanya na ang lahat. Okay na sila ng kapatid niya. Nakakausap na rin nila nang maayos ang mama nila. Alam niyang malapit na rin itong gumaling. Her father's academy is doing well dahil maayos itong pinapatakbo ng ina ni Lance.

Masaya na rin silang dalawa ni Lance. Natuloy na rin ang church wedding nila last month na pinagpaliban muna nila ng isang taon hanggang sa makapanganak siya at lumaki sila Fate and Wish nang konti.

They had a simple civil wedding noong five months pa lang ang tiyan niya. Hindi nakadalo si Darwin dahil umuwi sa kanila ang loko. At hindi man lang nagparamdam ng isang taon. Loko talaga! Buti na lang bumalik.

Masaya na siya.

Sobra.

Tila binayaran ang ilang taon na kalungkutan at paghihirap niya.

"Ayaw mo ba talaga sa kapatid ko?" basag na tanong niya kay Darwin nang mapansin na nakatingin si Alyce sa gawi nila.

Nasa labas ang lahat at masayang nakaupo sa buhanginan. Hinihintay ang papalubog na araw. Kasama din nila sa rest house sila Mang Kaloy at Chu-Chu. Malaki na din ang bonfire na pumapagitna sa mga ito. Lance was with their twins on the sand. Gumagawa ito ng sand castle para sa kambal. Nakakatuwang tignan ang mag-ama niya. I feel so blessed. Minsan naiiyak na siya sa tuwing naiisip niya kung gaano siya kasaya at kaswerte ngayon.

"Ayoko sa kapatid mo."

"Choosy mo masyado. Magkamukha naman kami ah."

"Ikaw nga hindi ko type, siya pa kaya."

Napamaang siya. "Ang gwapo mo, ha?" Hiyang-hiya naman siya sa sagot nito. Tinawanan lang siya ng walangya. Ayaw daw pero kung makadiga sa kapatid niya wagas. "Balang araw, kakainin mo rin lahat 'yang sinabi mo. Trust me."

Tinawanan lang siya ulit ng walangya! Ewan ko sa'yo Darwin!

"But anyway,"

"Ano?"

"I'm happy to see you smiling like that."

Napangiti siya. "Wala na akong mahihiling pa Darwin. God finally gave me a family. Hindi na ulit ako mag-iisa."

"Hindi ka naman talaga nag-iisa."

"Right," she nodded. "HE was always there for me."

"Give me your hand."

"Huh?" kumunot ang noo niya.

"Basta," ito na mismo ang humawak sa isang kamay niya. Hindi niya sigurado kung anong ginawa ni Darwin pero sa nakikita niya, he seemed like he was tying something on her wrist with a thread na tanging ito lamang ang nakakakita. "Finally I saw it."

"Ang ano? At anong ginagawa mo?"

Nakangiting inangat nito ang mukha sa kanya. "Naniniwala ka ba sa tadhana Allysa?"

"H-Huh?"

"Yes or no?"

"Well," naniniwala naman siya. "Oo, bakit?"

"Kasi, may mga bagay dito sa mundo na mahirap ipaliwanag at kailangan lang ng paniniwala. It's one of the mysteries in the world. Nothing happens without any reason at all. It will always have a reason and it will always have a purpose."

"Alam mo Darwin konti na lang at iisipin ko ng alien ka nga talaga."

Natawa ito. "You create your destiny Allysa. Ikaw ang gumawa nito." Sinundan niya ang tingin ni Darwin. She saw her happy family and friends. Her handsome and sweet husband and lovely twins. Napangiti siya nang maibalik ang tingin kay Darwin. "You created a family."

"Did I?"

Nakangiting tumango ito. "You see, that's one of the best gifts God had given to human kind. HE gave you all the freedom to end your story. And you made yours a happy one. Good job!"

Lalong lumapad ang ngiti niya.

"Alam mo, simula nang makilala kita. Ang daming nangyari sa buhay ko. May lungkot at sakit pero halos naman ay masaya. I found in you a brother and a best friend, Darwin. Thank you. You're the best friend in the world."

"I know," he winked. "Now, I'll show you something." Bumaba ang tingin niya sa hawak pa rin nitong kamay niya. Para talaga itong may hawak na string sa isang kamay at parang nilalaro nito 'yon sa mga daliri. "I'll pull this for you and observe Lance's reaction."

Tumango siya.

Darwin seemed like he was pulling a string. Suddenly Lance immediately looked at her direction. Bakas ang pagtataka sa mukha nito. Napatingin siya kay Darwin. Nakangiti ito sa kanya. Muli nitong hinila ang kung anong tali na ito lang ang nakakakita. Na distract ulit si Lance at muling napatingin sa direksyon nila at napahawak sa isang kamay nito.

"Puntahan mo na siya," ni Darwin.

"Anong ginawa mo?"

Darwin shrugged. "It's a secret."

Inismiran lang niya ang kaibigan. "Puro ka kalokohan Darwin."

"May napatunguhan naman ang mga kalokohan ko minsan. Kaya okay lang." He chuckled saka siya nito itinulak palayo. "Go! Baka nami-miss ka na ng my lubs mo."

"Oo na! Kung makatulak naman saken 'to, wagas."

Nang makita siya ni Lance ay agad nitong kinarga ang kambal. Nang makalapit ay kinuha niya rito si Wish. Girl version ni Lance si Wish at nagmana naman sa kanya si Fate.

"Hi baby," hinalikan niya sa noo si Fate at si Wish. "Enjoy na enjoy ba kayo sa paglalaro ninyo ng daddy n'yo?" Ang ku-cute talaga ng mga batang 'to. Nakakagigil.

"What did you do?" basag ni Lance.

"Hmm?"

"Para kasing hinila mo ako kanina."

"Talaga?"

He nodded. Itinaas nito ang isang kamay. "Weird, pero naramdaman ko kanina na parang may mahigpit na nakatali sa kamay ko at hinila mo 'yon."

Hindi ko alam kung anong ginawa ni Darwin pero saka ko na 'yon aalamin dahil alam kong hindi rin nun sasabihin ang totoo. Darwin will always have this secret na siya lang ang nakakaalam.

Ginulo niya ang buhok ni Lance. "Wala 'yon. Hindi mo lang talaga maalis ang tingin mo sa akin."

Napangiti si Lance.

"Aba'y akalain mong napansin mo pa 'yon."

"Syempre naman, patay na patay ka nga sa akin."

"Hala, narinig mo 'yon Fate? Totoo 'yon. Mahal na mahal ko ang mama n'yo."

Natawa siya. "Korni mo talaga Lance."

Inakbay nito sa kanya ang isang braso at sabay nilang pinanood ang pagbaba ng araw. Mayamaya pa ay dumilim na nang tuluyan. Isa-isa naman nilang pinalipad ang mga lanterns sa langit. Tila nagustuhan 'yon ng kambal dahil panay ang galaw at turo ng mga ito sa langit.

Pareho nilang pinagsawa ang tingin sa mga papalayong lanterns.

"I love you," bigla ay narinig niyang wika ni Lance.

Naibaling niya ang tingin dito.

"I love you too, Lance." Nakangiting sagot niya.

Lumapad ang ngiti nito saka siya ginawaran nang mabilis na halik sa labi. Pinagdikit nito ang mga noo nila pagkatapos. Muli siyang napangiti. Inangat niya ang mukha at masuyong hinaplos ang pisngi ni Lance.

"Inuman na!" malakas na sigaw ni Darwin bigla. Naputol naman ang pagmo-moment nilang dalawa. Hay naku, kahit kailan Darwin. "Walang matutulog hanggang walang nalalasing."

"Nakakatuwa talaga ang 'sang 'yan." Komento ni Lance.

"Hay naku! Bantayan mo ang 'sang 'yan at masamang maglasing ang loko-loko na 'yan."

Pero sa huli ay napangiti lang din siya. Malaking bahagi si Darwin sa buhay niya. Kahit na sabihin nito sa kanya na makakayanan pa rin niya ang lahat kahit wala ito ay naniniwala pa rin siyang naging mas madali sa kanya ang lahat nang makilala niya ito. Darwin is the best instant friend.

"Talaga bang hindi ka niligawan ni Darwin?"

"Hindi daw niya ako type eh. Choosy siya masyado."

Natawa naman si Lance.

"Oh ba't ka tumatawa?"

"Wala lang, type kasi kita."

Natawa lang siya. "Sa kasasama mo 'yan kay Darwin. Ang dami mong natutunang kalokohan sa 'sang 'yon."

Naalala niya, kaya pala na pressure si Lance na magtapat sa kanya dahil ang loko-lokong si Darwin sinabing fiancé niya ito. Gusto niyang maasar pero natatawa na lang siya. Kahit papaano, nakatulong 'yon para maging okay na sila ni Lance. Oh, diba natakot din pala ang lolo na mawala ako. Haba ng hair Allysa. Ha ha!

"Hindi ah. Totoo 'yon."

"Okay sabi mo eh." Napasinghap siya nang makakita ng shooting star. "Lance nakita mo 'yon?! Mag-wish ka dali." Mabilis na ipinikit niya ang mga mata at taimtim na nag-wish.

Muli niyang inimulat ang mga mata.

"Anong hiniling mo?" tanong ni Lance.

"It's a wish for Darwin." Nginitian niya si Lance. "Natupad na lahat ng mga pending wishes ko. Ibibigay ko na 'yon kay Darwin."

"So ano nga ang inihiling mo sa kanya?"

"Na sana hindi siya masyadong choosy para magka-love life na siya." Lance just chuckled. "Eh ikaw, ano namang hiniling mo?"

"Well, hiniling ko na sana mahanap na rin ni Alyce ang lalaking magmamahal sa kanya at mamahalin niya rin nang lubos."

Napangiti siya. "Sana marinig ng langit ang hiling natin."

"I know they will."

I believe, they will.

Muli niyang inangat ang mukha sa madilim na kalangitan na unti-unting napupuno ng maraming bituin. Naramdaman niya ulit ang pag-akbay ni Lance sa kanya. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito.

Hindi naman masamang maghangad na maging masaya. Kailangan din 'yon ng effort at tiyaga dahil hindi naman nakukuha ang lahat sa isang gabi lang. Trust me, ibibigay 'yon ng Dios sa'yo kapag handa ka na at sa tamang panahon.

Katulad lang din 'yan sa pagmamahal.

Love at your own risk.

Hindi mo masasabing tama o mali ang paraan ng pagmamahal ng isang tao. Siguro, maiisip natin na mali ang paraan ng pagmamahal niya, pero ganoon siya magmahal kasi 'yon ang pinili niya. It was their own way of risking their heart for the sake of love. Kaya nilang masaktan at kayanin ang lahat gaano man 'yon kasakit o kahirap... kasi sa pagmamahal pwedeng tama ka o pwede ring mali ka. Pero sa huli, dapat alam mo kung hanggang saan ka dadalhin ng klase ng pagmamahal na pinili mo.

Sabi nga ni Darwin.

Always do the right thing and let the rest unfold on its own time. Gawin mo kung anong sa tingin ang tama para sa'yo. Pwede kang matalo. Pwede ka ring manalo. Pwede kang masaktan. Pwede ka ring maging masaya. Let the rest unfold on its own time. At least, you made an effort. No regrets!

At sabi din niya.

What is meant to be will always find its way.

It's what we called Destiny.

And you can make your own destiny as well. Malay natin, kahit na nakasulat na lahat sa tadhana ang buhay natin, ay may last page pa palang regalo ang Dios para sa happy ending na gusto natin.

At 'yon ang isulat sa last page ang isang napakagandang forever.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro