Chapter 21
IT had been awhile since he last came here. Ito ang bahay na pinagawa niya para kay Alyce. He asked his mother to hire someone to keep the house clean for him. Pinaligpit din niya ang ibang gamit ni Allysa. He hadn't heard of her since that day she left him at the coffee shop. She just disappeared.
Pumasok siya sa loob ng bahay. Binati siya ng matinding katahimikan. Kapansin-pansin ang mga gamit na natatakpan sa puting tela. May ilang karton pa sa sala na naiwan kung saan nakasilid ang mga picture frames. He didn't have to look at those dahil mga prenup photos lang naman nila 'yon ni Alyce.
He couldn't remember it clearly but he knew he used to live in this house. Kahit saan siya tumingin, it reminds him of a vague memory, he knew happened, however, he was having a hard time finding the right puzzle pieces of his lost memories.
Umakyat siya sa taas at pumasok sa masters bedroom. Naupo siya sa itaas ng kama at muling iginala ang tingin sa buong paligid. And again, he felt a familiar memory he couldn't clearly remember. Paulit-ulit lang na pumapasok sa isipin niya ang mukha ni Allysa. He knew it was Allysa. Naalala niya ang suot nito nang araw na nakipagkita siya rito. That was also the last time, he saw her.
He saw her tripped near the entrance. That silly woman. Kung bakit kasi naka all black pa siya at heels. She could have just worn her usual shirt and jeans. He found himself smiling at the memory. He was not sure why, but he can't help it.
Binuksan niya ang itaas na drawer ng bedside table sa gilid niya. May nakataob na itim na picture frame. Kinuha niya 'yon at tinignan ang larawang nakasilid doon. Mukha 'yon ni Allysa. Nakatingala ito sa madalim na kalangitan na sa mga oras na 'yon ay tila inuulan ng mga flying lanterns. She has this bright smile on her face. She looked so happy in the photo.
Inalis niya ang likod ng frame at kinuha ang picture. Alam niyang mahilig siyang magsulat sa likod ng mga larawang siya mismo ang kumukuha.
And he was right.
He did write something.
Your smile was so beautiful tonight. I envy the lanterns for taking your breath away because of awe. I envy the night sky for making this a perfect night for you. I envy the sea for being calm despite the beauty of your smile. I would love to see your smile everyday. The world will be envious because you have chosen a mere human being like me to be your husband.
Did he really wrote this?
Bakit ramdam niya ang saya ng Lance na nagsulat nito? The Lance who wrote this was so in love with his wife. It was so honestly written with his emotions. He could literally feel it in his heart.
You don't look at me the same way you look at Allysa.
Naalala niya ang sinabi ni Alyce sa kanya. Am I? Am I different when it comes to Allysa? Did my heart knew her when my eyes couldn't? Napabuntong-hininga siya. Damn, this is making me crazy. Ibinalik niya sa drawer ang frame at ang larawan ni Allysa. Bumaba na siya at dumiretso sa front yard ng bahay.
Palabas na siya ng gate nang may isang bagay na nakakuha ng atensiyon niya. 'Yong nag-iisang puno sa front yard ng bahay. Binalikan niya ang puno at tiningala. Napangiti siya nang mapansin ang kulay pink at puti na mga bulaklak ng bougainvillea. May ilang talulut ng mga bulaklak na nakakalat sa paligid nun.
He wanted to plant a baby's breath flowers for Al pero mukhang mahirap naman 'yong buhayin sa garden. Instead, he chose a pink and white bougainvillea flowers. Yes, there was a reason why he planted this tree in their front yard.
Akmang aalis na siya nang mapansin niyang may kung anong matigas siyang naapakan. Doon niya napansin ang naka usling metal box sa lupa. Tila may kung sinong bumangkal ng lupa doon. Sa uri ng pagkakabungkal nun ay parang 'di naman tao ang gumawa kung hindi isang aso. Wala silang aso sa bahay, marahil maka ilang beses na naiiwang bukas ang gate kapag may naglilinis sa loob.
Naghanap siya ng pala sa storage room para mabungkal ang lupa at makuha ang box. It took him half an hour to get the metal box. Pagkatapos ay na upo siya sa hammock sa garden. Inangat niya ang mukha sa kulay kahel na kalangitan. Tinignan niya ang oras sa wrist watch niya. It was already past 5 pm on his watch. He then tapped one hand on the sealed metal box. Kinandong niya 'yon sa mga hita at inalisan ng takip.
Tons of rolled papers in different colors were inside the box.
"Ano naman kaya 'to?"
"A-ALLYSA?!"
Halos hindi makapaniwalang tawag ni Darwin nang pumasok siya sa Dolce Fate. Lumapad ang ngiti niya nang makita ang gulat na mukha nila Mang Kaloy, Darwin at Chu-Chu. God, she missed these crazy people.
"I'm back!"
"Welcome back Ma'am Allysa," malaki ang ngiti na bati sa kanya ni Mang Kaloy. Nakipag-high five siya sa matanda at pati na rin kay Chu-Chu na lumapit sa kanya para yumakap. "Na miss ka namin."
"'Di ka na ba aalis?" sunod na tanong ni Chu-Chu.
"Depende pa," nakangiti niya pa ring sagot. "Ano, may girlfriend ka na ba? Kailan ang kasal? Pa gwapo tayo nang pa gwapo Chu-Chu, ah? Inspired ba?"
"Sinagot ko na si Kylie."
"Wow –"
Naputol naman ang pag-uusap nila nang akbayan siya ni Darwin at hinila pa layo sa dalawa. Dinala siya nito at pina-upo sa isa sa mga vacant table sa loob ng café. Doon pa talaga sa pinakadulo, 'yong 'di sila makikita.
"Kailan ka pa nakabalik?" basag agad nito.
"Oh, bakit ang seryoso mo naman yata diyan? Aren't you happy to see me?"
"Of course, I'm happy." But his face says the other way. He looks so annoyed. Marahas na bumuntong-hininga si Darwin. "Fine," he crossed his arms over his chest and leaned his back on his seat. "Alam mo ba kung gaano ako nag-aalala sa'yo, ha? You suddenly disappeared and who knows where in the world you were. You think it was funny? Marami kaming nag-alala sa'yo. Ewan, kung saang planeta ka na dila na 'yang pagkamakasarili mo."
Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa ekspresyon ng mukha nito. Asar na asar ito sa kanya pero kapansin-pansin pa rin ang pagtitimpi nitong bumigay at patawarin na lamang siya sa ginawa niya. He was frowning like a five year old kid na huhupas rin ang galit kapag binigyan na ng candy.
Bigla siyang nawala, ni hindi siya nagbilin ng note o text man lang dito. Nag-ri-reply naman siya sa mga spam of messages ni Darwin sa chat pero lagi namang 'I'm fine' ang sagot niya. It was true, but she knew, those copy paste replies of her made Darwin furiously annoyed by her lack of remorse.
"I was worried," sa wakas ay pag-amin nito. "Hell worried. Don't you ever do that again, young lady."
Natawa naman siya. "Sorry na po, Itay. 'Di na mauulit."
"So, what now?" mayamaya ay pag-iiba nito.
"I'm pregnant."
But she didn't expect him to be this calm. Tila ba, hindi ito nagulat sa sinabi niya. Hello, buntis siya. He should be shock. Ay grabeh, Darwin. You never fail to amuse me.
"Congratulations," sa halip ay sagot nito.
She can't believe this.
"'Yan lang ba magiging reaksyon mo?"
"Allysa, 'di naman ako pinanganak noong 1521 para hanapan mo ng shock na reaksyon. You and Lance does it every night, what do you expect? A watermelon?"
Napamaang siya sa naging sagot ni Darwin sa kanya. "Wow, ha? 'Di naman ako na inform na advance ka pa lang mag-isip. Pahinge ngang winning lotto numbers." Asar niyang tugon dito.
"Ibibigay ko sa'yo ang swertres numbers pero huwag muna ang lotto number."
"Ewan ko sa'yo." Sakto namang dumating si Chu-Chu dala ang dalawang baso ng strawberry juice. "Thanks Chu-Chu." Ngumiti ito sa kanila at bumalik na sa kusina. Mabilis na sinaid niya ang juice. Ubos agad. "I'm going to tell Lance." Bigla ay sabi niya kay Darwin.
"You should –"
"Sasabihin ko lang."
Inunahan na niya si Darwin at baka ano pa ang isipin nito. Kahit 'di niya sabihin ay alam niya na alam na nito ang dahilan kung bakit bigla siyang umalis. Hindi niya naman inasahan na mag-a-apat na buwan na pala siyang buntis. Wala kasi gaano siyang naramdaman. Parang wala lang. Last month niya lang napansin na lagi na lang siyang pagod at inaantok. She finds it weird at first, but decided to just ignore it. Akala niya ay dahil lang 'yon sa environment at mga activities na ginagawa niya.
Thank God, the baby was fine. Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa anak niya. Hindi pa 'yon gaanong halata sa itim na dress na suot niya pero malaki na rin ang umbok ng tiyan niya. Grabeh ang iyak niya nang malaman niyang buntis siya. Sobrang tuwa niya. Kahit na hindi naging maganda ang paghihiwalay nilang dalawa ni Lance ay binigyan pa rin siya ng dahilan ng Dios para maging masaya.
"Pero hindi ko ipipilit ang sarili ko. Sasabihin ko lang dahil may karapatan din siyang malaman ang tungkol sa magiging anak namin. Hindi naman ako ganoon ka makasarili."
"Bakit, may sinabi ba ako?" inosente siya nitong tinignan.
Nakagat niya ang ibabang labi. To be honest, she wasn't sure how to tell Lance about their child. O kung paano siya magpapakita rito. Sa tuwing iniisip niya 'yon ay 'di siya napapakali. It's making her nervous.
Inabot niya ang baso ni Darwin na hindi pa rin nito ginagalaw. Tulad ngayon. Kinakabahan na naman siya. Sinaid niya ang laman ng baso. Lumikha 'yon ng tunog nang may puwersa niya iyong ibinaba sa mesa.
"Huwag ko na lang kaya sabihin," biglang bawi niya.
"Allysa, don't be such an idiot. Don't sacrifice your child's chance of knowing their father. Hindi kasalanan ng mga bata kung bakit 'di kayo pwedeng magsama sa iisang bubong. They will eventually understand your situation when they grow up. Ang yaman-yaman ng ama nila, hingan mo kaya ng milyones."
"Should I?"
"Oo, importante ang milyones. 'Di ka naman mayaman."
She can't help but rolled her eyes at Darwin. "Wow, ha? Baka, nakakalimutan mong partners tayo sa Dolce Fate. Kalahati ng savings ko mula sa ama ko ay i-invest ko rito. So shut up." Natawa lang ito.
"Just tell him, Allysa."
"Sasabihin ko naman talaga. Humahanap lang ako ng timing."
"At kailan naman 'yan? Kapag nakahanap ka na naman ng dahilan para mag-AWOL?"
"Bukas, tatawagan ko siya."
"Okay," Darwin shrugged his shoulders. Mukhang wala naman itong balak na i-pressure siya. Not like before, na sobrang kulit nito. Darwin had loosened up a bit with his love persuasion and advices. Wow, bagong buhay. "So, when did you last visited your OB?"
"Wala pa akong OB," she nodded. "Nalaman ko lang noong bigla akong mahimatay at isinugod sa malapit na ospital sa Bali."
"May kilala ako, I can refer you to her. Sabihan kita kapag nakakuha na ako ng schedule."
"That would be nice, thanks."
"Where are you staying now?"
"Sa hotel, pero may nakausap na akong real estate agent, bukas may ocular kami ng condo na in-offer niya sa akin."
"Need a company?"
"Good suggestion, I need a driver."
"Sabi ko na nga ba."
"Ha ha."
"HAVE you called Lance?"
Umiling siya. Nasa harap naman ang atensyon ni Darwin dahil nagda-drive ito. Kakatapos lang ng meeting nila with the real estate agent at nakapili na rin siya ng condo unit. All the documents are being processed already. By next week, she can move in.
Pabalik na sila ng Dolce Fate para doon na lang mag-dinner. She was craving for Dolce Fate's carbonara pasta.
"Ang lakas ng loob mo na bumalik ng Pilipinas pero nang maka-uwi ka naman dito, nilayasan ka naman ng lahat ng lakas ng loob para makipagkita sa asawa mo."
"He's not my husband."
"Ex-husband."
"Not even close," she corrected him again.
Kinuha niya ang cell phone sa loob ng bag at dire-diretsong in-denial ang numero ni Chu-Chu. Naiinis na siya kay Darwin. Nagugutom na rin siya kaya magpapa-order na lang siya ahead of time. Inilapit niya ang cell phone sa tenga.
"Are you calling Lance?" he gave her a quick glance.
"Hindi, si Chu-Chu ang tinatawagan ko. I'm hungry." Nag-ri-ring pa rin ang sa kabilang linya. Mukhang busy pa ito. "Anong gusto mong ipaluto?"
"'Yong unlimited fried chicken wings ng Dolce Fate."
"Meron na ba tayo nun?"
"Last month lang," he chuckled. "You should try it. It's our bestseller."
Napangiti naman siya. "Okay," sa wakas ay sinagot na rin ng kabilang linya ang tawag niya. "Chu-Chu, si Allysa 'to. We're on our way. Paki-prepare na lang ang isang big plate ng carbonara pasta, saka damihan mo 'yong toasted garlic bread, ha? We'll order the bestseller unlimited fried chicken wings as well. For the drinks, we'll have, one pitcher of iced tea."
"Baboy," Darwin mouthed.
Binelatan niya lang ito at pinalo sa braso. Natawa siya pagkatapos. Serves him right!
"Allysa?"
Natigilan naman siya nang marinig ang isang pamilyar na boses sa kabilang linya. She suddenly felt her heart drop. Hindi siya pwedeng magkamali. She knew that voice. Nanginginig ang mga kamay na inilayo niya ang cell phone sa tenga at tinignan ang numero sa screen ng cell phone niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita na numero pala ni Lance in-denial niya.
Halos magkapareho ang numero nila Lance at Chu-Chu maliban lamang sa tatlong huling numero. She was really trying to call him a lot of times, pero 'di siya nagkakalakas loob na pindutin ang call. She must have memorized his number at tila nasanay ang mga daliri niya sa pag-tap ng mga numerong 'yon kaya naging kampante ang mga mata niya para 'di mapansin ang pagkakaiba nun.
"L-Lance?"
Gulat na naibaling ni Darwin ang mukha sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi. Mukhang ang pagkakataon na talaga ang nagtulak sa kanya para makipagkita na kay Lance. Ito na mismo ang gumawa ng paraan para magka-usap ulit sila.
"I think, you dialed the wrong number."
"Sorry,"
Darwin suddenly pulled over the car on the side of the street. Binalingan lang siya nito ng tingin pero he didn't say a word to her. Tila hinihintay rin nito ang susunod niyang sasabihin. Humugot siya nang malalim na hininga at mariing ipinikit ang mga mata.
You should tell him Allysa. Stick with your plan.
Muli niyang iminulat ang mga mata.
"I'm hungry," napangiwi siya sa sinabi. Seriously, Allysa?! Natutop lang ni Darwin ang noo sa ka tangahan ng mga pinagsasabi niya. Shuks! Think Allysa. Talk to him. "Are you free tonight?"
"Why?"
"Gutom ako, pakainin mo ako." Mabilis na pinindot niya ang end call at i-ti-next ang lugar at oras kung saang restaurant sila magkikita. Sasabihin na niya. Mababaliw na siya kapag pinagbukas pa niya ang pagtatapat.
"I guess, I'll be eating alone tonight." Nakangising wika ni Darwin. Pinaandar ulit nito ang kotse. "Like I always do. So, where's your drop off place, Ma'am Allysa?"
"Just so you know, we're not getting back together."
"Alam ko, hindi naman naging kayo."
"Wow, ha?"
Kaasar talaga ang isang 'to. Argh! Gusto niyang pagsisihan ang ginawa. Gusto niyang umatras. Pero na sabi na niya. It's up to Lance kung pupuntahan ba siya nito o hindi.
"Paano kung 'di siya pumunta?" bigla ay tanong niya kay Darwin.
She was a bit worried about that, to be honest.
"Saka muna isipin 'yan kapag na tapos ang gabing 'to na walang Lance na nagpakita. Call me if Lance didn't show up. I'll come and fetch you up."
"Thanks," she smiled.
"You're always welcome, Allysa."
MAUUBOS na lang yata ni Allysa ang mga in-order niyang pagkain pero wala pa ring Lance. It was already past 9 pm in her watch. Pupunta pa kaya ito? Malungkot na napabuntong-hininga siya. Lumipas pa ang ilang minuto at pumatak na sa 10 pm ang orasan ay wala pa ring Lance na pumasok sa loob ng restaurant. Nag-desisyon na siyang umalis. Hindi na niya hihintayin si Lance.
Maybe he really don't want to see her. Sino ba naman siya? Nanlumo siya. Naalala niya ang boses nito. She really missed him. Even the sound of his voice could make her cry. She want to see his face again. She want to feel the warmth of his hug again. Why am I so emotional? Why am I crying?
Hindi niya namalayan na habang naglalakad siya sa side walk ay patuloy lang ang paglandas ng mga luha niya. She didn't mind what other people would think about her. She's so upset! She just wanted to cry it all.
"Allysa!"
"Bakit ba kasi ako umasa na dadating siya? Ang tanga-tanga mo talaga Allysa."
"Allysa!"
"Oo, tanga kasi ako. Bakit ba?" napasinghap siya nang may isang kamay na humawak sa isang braso niya at pinihit siya paharap dito. Literal na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pawisan na mukha ni Lance. Hinihingal pa ito. "L-Lance?"
Bigla na lang bumuhos ang lahat ng mga emosyon niya at mas lalo siyang naiyak. Miss na miss na kita, alam mo ba? Gusto na kitang makalimutan pero ang hirap. Paano pa ako makaka-move-on kung paulit-paulit na ipapaalala sa akin ng anak natin ang mukha mo? Hinawakan niya ang kamay na nakahawak sa kanya at marahas na inalis 'yon.
Tinalikuran niya si Lance at mabilis na naglakad palayo.
"Allysa,"
Ito ang unang beses na tinawag mo ako sa pangalan ko na hindi nagkakamali. Dahil doon ay mas lalo siyang naiyak. Kainis talaga!
"Allysa, wait."
Nagawa nitong makahabol at makaagapay sa kanya.
"Uuwi na ako."
"Let's talk."
"I don't want to talk anymore."
"Why are you crying?"
"Na appreciate ko lang ang alikabok sa buong paligid."
"Allysa,"
"Stop calling me Allysa."
"Alonzo!"
Huminto siya at hinarap si Lance. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng mga tao. Inis na inis na siya. Why can't she stop crying? Naghilamos ba siya ng sibuyas? Damn it!
"I waited."
"I'm sorry, nasi –"
"Wala akong karapatan na mag-demand ng kahit ano sa'yo. Walang tayo. Walang espesyal na namamagitan sa ating dalawa. And you might be wondering why out of the blue pagkatapos kong mawala na lamang ng parang bula ay tinawagan kita." Walang tigil pa rin ang pagdaloy ng mga luha niya mula sa kanyang mga mata. "I'm not even sure if I'm doing the right thing. I should just move on and keep everything for myself. This shouldn't be your problem."
"Al –"
"I'm pregnant."
Sobra itong natigilan sa sinabi niya. There, she said it.
"But you don't need to take responsibility of me," she meant it for herself. May diin ang pagkakasabi niya sa salitang 'me'. Hindi nito kailangang intindihan siya o pakasalan siya o ang magsama sila. "J-Just be a father to our child." Her voice broke at the last word.
But she kept her head high. Sinalubong niya ang bawat tingin nito ng buong tapang. She is doing this not for her but for their child. Hindi niya ipagkakait sa anak ang pagkakataon na makilala ang ama nito. She would do anything for their child. Sisikapin niyang magampanan ang pagiging ama at ina para rito.
Hindi na niya hinintay na sagutin pa siya Lance. She turned her back at him and started walking away. She would let him decide. He will give him more time to thoroughly think about it. Pero bago paman siya tuluyang makalayo ay bigla na lamang nanlabo ang mga paningin niya. Naramdaman niya ang pagkawala ng balanse niya. Natutop niya ang noo nang maramdaman ang matinding pag-ikot ng mundo.
The voices around her became murmurs and whispers. She couldn't see properly. It was making her more dizzy.
"Allysa!"
Then suddenly, everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro