Chapter 2
NAPALINGON si Allysa sa direksiyon ng pinto ng kanyang silid nang marinig ang isang pamilyar na musika na sa tingin niya ay nagmumula sa grand piano sa sala sa ibaba. Itinigil niya ang pagtitipa sa harap ng laptop niya at tumayo. Alam niyang ang kakambal niyang si Alyce ang tumutugtog ng piano. Lumabas siya ng kanyang silid.
At hindi nga siya nagkamali, nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa harap ng itim na grand piano habang tumutugtog ito. Nililipad ang mahabang buhok nito ng hangin mula sa nakabukas na floor to ceiling window na magdadala sa terrace ng bahay. Ang liwanag na nagmumula sa buwan ay nagsilbing spotlight nito habang tumutugtog ito sa harap ng piano.
Alyce is currently playing Franz Liszt's Love Dream. Ipinikit niya ang mga mata. Hinayaan niyang dalhin siya ng nililikhang musika nito sa mundong ginawa nito. She can hear all the emotions Alyce is putting in her own version of Love Dream. Every note of the tone was weaved with too much desperation; the need to do something that is a matter of life and death. A decision in her mind that she can't voice out. She seemed frustrated of something. She can hear it all through her sudden raised of notes and her chance-medley way of playing the music piece.
She always believe that Alyce is a great pianist like his father. Kaya lamang, hindi niya kailanman narinig sa mga musika nito ang emosyong lagi niyang naririnig sa tuwing tumutugtog ang kanilang ama - ang kalayaan at kasiyahan. Alyce is passionate with her music pero tila may kulang pa rin sa mga emosyon na naibibigay ng mga musika nito. Tila nakakulong ito sa idea na dapat maging perpekto ang bawat music piece na tinutugtog nito, masyadong 'yong pilit, at walang kalayaan. Nandoon ang puso pero hindi buo.
Pero sa mga oras na 'yon. Tila ba, nagkaroon ng kulay ang nililikang musika ng mga daliri nito. Nagkarooon ng pangalan at tamang emosyon ang piyesang pinili nitong bigyang buhay. For the first time, she heard a pure sadness in Alyce's music.
Bigla namang huminto sa pagtutog si Alyce kaya naimulat niya ang mga mata. Ilang segundo pa ay naibaling ni Alyce ang tingin sa gawi niya. Tipid na ngumiti ito sa kanya bago nagsalita.
"Halika," she moved a bit and tapped the space on her bench. "Samahan mo ako rito." Tumalima naman siya agad at naupo sa tabi nito.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya.
"Hindi pa ako inaantok," mahinang sagot nito. "Ewan ko, siguro dahil malapit na ang kasal namin ni Lance kaya nagkakaroon ako ng wedding jitters."
"Normal lang yata 'yon," tipid na ngiti ang ibinigay ni Alyce sa kanya but it wasn't enough to conceal the sadness she saw in her eyes. Alyce sighed before looking back at her. "Allysa,"
"Hmm?"
"Naalala mo ba 'yong laging tinututog ni Papa noong nabubuhay siya?"
"Of course," it's my favorite. "Why?"
"Can you play it for me?" malambing na pakiusap nito sa kanya.
"You know I don't play the piano anymore."
"Please," hinawakan nito ang dalawang kamay niya at marahang ipinatong sa itaas ng piano keys ngunit mabilis niya ring binawi ang mga kamay. "I miss him. I want to hear it again. You're the only person who can play that song as beautiful as father's." Malungkot na ngumiti ito.
Marahas na bumuntong-hininga siya.
"Fine, pero ngayon lang."
Alyce nodded with a genuine smile. "Thanks, Al."
Matagal na ring hindi siya nakakapagpatugtog ng piano. Hindi na nga niya maalala kung kailan 'yon. Like Alyce, she missed her father as well. She missed hearing him playing the piano for them. At kahit na matagal na 'yon alam niyang hindi makakalimutan ng puso niya ang kantang lagi nitong tinutugtog sa kanila.
She took a deep breath before positioning her hands on top of the piano keys. Chopin's Nocturne Op 9 No 2. Their father's lullaby for them. The moment her fingers touched the keys. She felt a familiar memory in her heart. Isang alaalala na akala niya ay nakalimutan na niya. In the next few seconds, her fingers found the right keys like she she haven't stopped playing the piano for years.
Pumailanlang sa buong bahay ang musika na minsang nagpasaya sa kanilang buong pamilya. Nahulog siya sa isang mundo na nilikha ng mga daliri niya. In a world, where things are possible. Sa mundo kung saan maaring mabalik ang magagandang alaala ng nakaraan.
She could feel the big hole in her heart that she had tried to conceal for the past years. The sadness she had tried to hide from other people. She could feel hot tears forming at the side of her eyes. Her throat aches at the sudden memories she saw in her mind - beautiful memories she would like to visit and hopefully be given the chance to stay in that memory forever. Dahil sa musika na 'yon naalala niyang minsan minahal siya ng kanyang ina.
She closed her eyes as soon as she felt herself crying. She heavily breathed to calm herself. Patuloy pa rin ang mga kamay niya sa paggawa ng musika. Those memories came rushing to her like a melody that needs to be heard and be felt by the audiences. Nanikip lalo ang dibdib niya sa mga alalalang nagbalik sa isip niya. 'Yong mga sandaling hindi niya nararamdaman ang lungkot at ramdam pa rin niya ang pagmamahal ng kanyang ina sa kanya.
But everything has changed now. Kaya dapat na rin niyang tanggapin ang miserable niyang buhay. Ang katotohanan na walang may gustong mahalin ang isang Allysa Alonzo.
She stopped.
Lumikha ng pangit na tunog ang pagtigil niya.
"Allysa?" may pagtatakang tawag ni Alyce sa pangalan niya.
"I need to go."
Bigla siyang tumayo at walang sabing tinalikuran ang kapatid. Paakyat na siya ng hagdan nang marining niyang magsalita ulit ito.
"What if," simula nito na siyang nagpatigil sa kanya. Hinintay niya ang kasunod na sasabihin nito nang hindi ito hinaharap. "What if life gives you a chance to finally be able to reach your dreams, pero kailangan mong pumili between your dreams and the person you love. Would it be selfishness to say na ayokong pumili sa dalawa?"
She didn't respond to Alyce's question.
"Help me,"
Nilingon niya si Alyce. She couldn't understand the blank expression on her face. Naguguluhan siya sa mga sinasabi nito.
"What do you mean?" kunot-noong tanong niya rito.
"I need to leave."
"GOOD ebning Ally,"
Masayang pinagbuksan si Allysa ni Mang Kaloy na siyang security guard sa DESTINED MART. The friendly security guard knew her already since lagi naman talaga siyang tambay roon. Kahit ang nag-iisang staff na si Chu-Chu na laging nasa cashier counter ay kilala na rin siya. Hindi siya personal na kilala ng dalawa kaya mabilis niyang naging kaibigan sila Mang Kaloy at Chu-Chu.
Masayahin si Mang Kaloy, a father of two children, at nasa fourty five na ang edad. Nasasalamin sa matanda ang isang malambing at ulirang ama. Ang alam niya ay magtatapos na ngayong taon ang panganay nito na lalaki sa college at sa susunod na taon naman ang dalaga nito. Si Jonard naman o mas kilalang Chu-Chu ay ang nag-iisang staff at cashier sa DM. 'Di niya alam kung bakit naging Chu-Chu ito. Masyadong mataas ang fighting spirits nito kahit hindi medyo kagwapohan. Ay iba! Kung anong itinaba ni Mang Kaloy siya namang ikinapayat ni Chu-Chu. Haha!
Kaya naman tuwing gabi ay welcome na welcome siyang tumambay roon. Sa mga ganitong oras kasi wala nang mga taong tumatambay. Karamihan sa bumibili ay dayo na lang at 'di naman nanatili nang matagal.
"Magandang gab -" natigilan siya nang mapansin niya ang isang lalaki na wagas kung makangiti sa kanya. Naka upo ito sa favorite table niya malapit sa glass wall kung saan lagi siyang pumi-puwesto. Naka kwentas dito ang isang sign board na Your Instant Friend, 50 pesos per hour. Kumunot naman ang noo niya. Seriously?
She glanced at Mang Kaloy with a questioning look on her face.
"Sino naman 'yan?" turo niya sa lalaki.
"Bagong staff, saka bagong pakulo ng may-ari." Napakamot na lamang si Mang Kaloy. "Pagpasensiyahan mo na at unang pasok kaya kumukota ng kita kaya gusto ring mag-night shift."
Pagkatapos magsalita ni Mang Kaloy ay walang ka ngiti-ngiting lumapit siya sa bagong staff. Actually, pwede siyang 'di lumapit sa lalaki dahil madami pa naman ang vacant tables pero masyado siyang na intriga rito. Sa isip niya, hindi na masama ang itsura nito. Mukha namang mayaman at may ipagmamayabang na kagwapuhan, pero ano bang ginawa nito sa buhay at bumagsak ito bilang isang instant friend?
"Hi," nakangiti nitong bati.
"This is my table," walang emosyong tugon niya sa bati nito.
"What's your name?"
"Why?"
"Why? Una, sabi mo sayo 'to, 'di hahanapin ko kung nakasulat nga rito ang pangalan mo. Second, from what I've heard from my orientation earlier, this is a public convenient store. Hindi ko naman aakalaing may VIP na rin dito, so how'd you like to be my first customer for this night?" lalo lamang lumapad ang ngiti sa gwapo nitong mukha.
In all fairness naman at na amuse siya sa ugali ng lalaki. Guess, he wouldn't be a bad instant friend for a night. She shrugged as she sat at the vacant seat across the intriguing man.
"You sounded like a call boy," komento niya.
"But I'm not," he held his hand at her for a hand shake. "I'm Darwin, bago lang ako rito. If I may ask, saang kulto ka ba member at itim na itim 'yang suot mo?" ibinaba rin nito ang kamay nang 'di niya tinanggap ang pakikipagkamay nito sa kanya.
Tumaas lang ang kilay niya rito.
"I didn't mean to offend you or something, syempre as your instant friend hindi naman masakit para sa'yo na sabihin sa akin ang mga detalye ng pagiging satanista - este ang pagiging-ganyan mo. You know, I'm very open minded in terms of individualities. I respect LGBT and I respect your own weirdness."
Ano bang pinagsasabi ng lokong 'to? Natatawa siya pero hindi niya pinakitang naaliw na siya rito. Instead, she kept her poker face.
"What are you a guidance councilor?"
"No, I care."
"You're crazy," natatawa niyang pahayag. Darn, 'di niya napigilan. "Alam mo, bagay nga sa'yo ang trabaho mo."
"Mura lang naman ako," ngumisi si Darwin. "Fifty pesos lang ako per hour."
"You really sounded like a call boy. At ang cheap mo naman, fifty pesos lang ang oras mo. Ano 'yon in times of emergency at wala lang trip?"
"Alam mo Miss, ako na ang pinakamurang tao na makikilala mo. Hindi nga ako nakakapawi ng uhaw o nakakabusog pero I assure fun, learnings, advices, and instant love. Huwag ka, sa halagang fifty pesos may instant friend ka na. Ako na ang sagot sa dasal ng mga taong walang date, forever alone, sawi sa pag-ibig, walang magawa, tinakasan ng bestfriend, at pwede rin nila akong maging crush. But good for one hour only, depende kung gusto nilang mag-extend."
"At talagang proud na proud ka na niyan?"
"Oo naman, dahil sa trabaho kong 'to na meet ko ang bestfriend ko." Natawa ito sa sariling sinabi. Madali naman nitong na compose ang sarili pagkatapos, but still the smile didn't leave his face. "Kitams, madami pa akong instant friends. Kasi ganito 'yan, lahat tayo strangers pero kapag inisip mong kaibigan mo ako ay gagaan ang loob mo sa akin. Parang biscuit, kung iisipin mong mabubusog ka kapag kinain mo 'yon 'di mabubusog ka nga."
"Wow!" she gave him a slow clap. "Man of words."
"Anyway, since ikaw ang unang customer ko ngayong gabi. Ano bang maari kong maitulong sa'yo? Sa'yo?" kumunot bigla ang noo nito. "Sino ka nga?"
"I'm Allysa," natatawang sagot niya rito. "Lagi ako rito."
"Nice to meet you Allysa," bumalik ang ngiti sa mukha nito. "And I would like you to meet myself. Nasabi ko na kanina pero sasabihin ko pa rin sa'yo ulit. I'm Darwin Fate, graduate sa isang secret university, nakatira sa malaking secret mansion, single but very complicated, at saka maraming secret desires in life."
"Pansin ko nga," she can't help but chuckled by his wittiness.
Hindi pa niya ito lubusang kilala pero ang gaan agad ng loob niya kay Darwin. Siguro ay dahil sanay na sanay na itong makihalubilo sa ibang tao. Kaya gamay na gamay na nito ang pagkuha ng tiwala sa mga nakikilala nito.
Ngayon lang din niya napansin ang buong kabuuan at itsura nito. At one glance, masasabi na talagang gwapo ito. He's a head turner. He has cute chinky eyes and pink cheeks. Maputi, matangos ang ilong, manipis ang mapupulang labi nito, at medyo ash blonde ang buhok. Cute ito para sa isang lalaki but despite that, his well toned and mascular physique makes him manly and hot. Halatang alagang-alaga ang katawan sa ehersisyo at healthy diet.
Kahit na naka upo ito ay halatang matangkad ito.
He's more like a model or a celebrity. Hindi yata bagay kay Darwin ang trabaho rito. In fact, baka nga anak ito ng may-ari ng DESTINED MART at nanti-trip lang sa buhay. Hula niya ay half Filpino and half Chinese ito o 'di kaya Japanese or Korean.
"Nakapasa ba naman ako sa standard mo Besh?"
Nasamid siya sa sariling laway nang magsalita si Darwin. 'Yong besh talaga ang 'di niya inasahan. Shuks!
"Kaloka ka," natatawang sagot niya. Lumapad lang ang ngiti ng loko. "Ewan ko sa'yo."
"Anyway, ano bang problema mo?" pag-iiba nito.
"Wala akong problema. Nandito lang ako para tumambay."
"Tumambay ka na rin ay panibangan mo na rin ako. Sige na, spill it out. Alam kong may baon kang pwedeng i-submit sa MMK."
"Makulit ka rin, no?"
Hindi niya alam kung tama bang sabihin niya kay Darwin ang napag-usapan nilang magkapatid o huwag na lamang. Pero hindi naman nito kilala si Alyce at ang pamilya nila. Wala naman siguro 'tong pagsasabihang iba. Maliban na lang kung sa sobrang friendly ng lalaking 'to ay pati buong tao sa Pilipinas ay kaibigan nito. 'Yon, mapapa-wow na talaga siya.
Pero sa tingin niya ay imposibleng mangyari. Ano bang mawawala kung sasabihin niya rito ang problema niya? Total hindi na siya nakakatulog sa kakaisip sa sinabi sa kanya ni Alyce. Simula nang huli nilang pag-uusap nang gabing 'yon ay 'di pa rin niya na bibigyan ng sagot ang kapatid.
"Kung iniisip mong may pagsisibahin ako ng mga sekreto mo puwes nagkakamali ka. Hindi ako taga rito at wala akong planong mag-alsa balutan sa lugar n'yo." Basag ni Darwin sa pananahimik niya na tila ba nabasa nito ang mga pag-aalinlangan niya. "You can tell me anything Allysa. Promise, ikaw lang ang bestfriend ko." Ngumisi ito pagkatapos.
Tsk, mukha ng 'sang 'to. Oh well, gusto ko rin naman ng makakausap. Sasabog na talaga utak ko. She heavily sighed.
"Fine, I'll tell you."
"Saan ba bahay n'yo?"
I glared at him.
"Joke!" He held his hand up and smile. "So what's your story Allysa?"
"WHY?"
"I need to leave," sobra siyang natigilan sa sinabi ng kakambal. Tumayo ito at lumapit sa kanya. "I know, it's a selfish thing to do, pero ito na 'yon Allysa. Ito na 'yong pangarap ko. Malapit ko na siyang maabot. Out of the best music schools in the world, finally may isang school na nakapansin na rin sa akin."
"Alyce ikakasal ka na sa susunod na Sabado."
"I know, alam ko Allysa pero hindi ko pwedeng palagpasin ang chance na ibinigay sa akin. My flight will be on the day of my wedding." Ginagap nito ang dalawa niyang mga kamay at hinuli ang tingin niya. "We've been doing this Allysa. Kailanman ay hindi 'yon napapansin ni Lance."
Marahas na binawi niya ang mga kamay sa pagkakahawak nito. "Alyce, mga bata pa tayo noon. Kung noon ay hindi napapansin ni Lance ang pagkakaiba natin nasisigurado akong hindi na ganoon kadali para paniwalain si Lance na ako, ikaw."
Kahit hindi pa nito sabihin alam na niya ang hinihingi nito. Gusto nitong magpanggap siyang Alyce habang wala ito. Ikakasal silang dalawa ni Lance at iisipin nitong siya ay si Alyce. Ano na lamang mararamdaman ni Lance kung malaman nito ang lahat?
"Allysa please,"
"I'm sorry Alyce but I can't do it this time. Siguro noon ay kaya ko pa. Ilang oras lang naman ang kailangan ko noon. But this time, it's different. Magpapanggap na akong asawa ni Lance. We will do more than just kissing. Naiisip mo ba 'yon?" inis na pahayag niya sa kapatid. "Makakatulog ka ba n'on, huh?"
"If it's the only way -"
"Damn it Alyce!" sigaw niya. Marahas na naisuklay niya ang isang kamay sa buhok. Ilang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago ibinalik ang tingin sa kapatid. "Seriously? Ano bang pangarap 'yan? Mahal mo ba talaga si Lance, huh?"
"I love Lance." Naiiyak na sagot nito. "Alam kong masasaktan ko siya sa kapag hiniling ko na naman na ipagpaliban ang kasal namin." Tama, ilang beses nang na i-postpone ang kasal nila Lance at Alyce. Ngayong taon lang yata na nakapag-desisyon na talaga si Alyce na ituloy ang kasal. "Baka magalit na siya."
"Magagalit talaga siya!"
Hinawakan muli ni Alyce ang mga kamay niya. "Allysa, please. Babalik din naman ako eh. Ayoko lang masaktan si Lance dahil mas pinili ko ang mga pangarap ko kaysa sa kanya."
Diretsa niyang tinignan sa mga mata ang kapatid. "Kung mahal mo 'yong tao sabihin mo sa kanya ang totoo. Hindi 'yong paulit-ulit mo siyang ginagawang tanga." At sa ikalawang pagkakataon ay inalis niya ang mga kamay ni Alyce. "It's still a no." Tinalikuran niya na ang kapatid at tuluyang umakyat sa hagdan.
"I'm doing this because of Papa! Ito ang pangarap niya sa akin. Kahit man lang para kay Papa, tulungan mo ako Allysa. I'm sure kung nabubuhay siya ngayon. He would tell you the same. Kung hindi ka sana nagpumilit dati... 'di sana buhay pa si Papa."
Marahas na hinarap niya ang kapatid. "God, why are you all blaming me?! Hindi ko kasalanan ang pagkamatay ni Papa. Damn it!"
"MMK nga," tanging komento ni Darwin.
Pero hindi niya ikinuwento rito ang tungkol sa Papa niya. 'Yong sagutan lang nila ni Alyce noong isang gabi.
"Anyway, kung ikaw ang nasa kalagayan ko anong gagawin mo?"
"Hindi ko gagawin."
"Why?"
"Because I don't have any reason to do it," he shrugged before leaning on his seat. Kumunot lang ang noo niya rito. "If you have a reason to do it then you might probably say yes. Simple lang 'yan, walang bagay na hindi mo ginagawa with no reason at all. Kahit na trip-trip lang din 'yon it's still a reason. Kaya kung ako sa'yo, kung may rason ka para gawin 'yon, it's up to you."
"The situation is different."
"Yes, pero nasa sa'yo pa rin ang desisyon. Kung kaya mo namang pangatawanan maging asawa ng fiancé ng kakambal mo. Sige push mo 'yan."
"You're not helping," asar na sabi niya.
"But I did listen to you," he crossed his arms over his chest. "Isa 'yon sa mga qualities na kailangan sa isang kaibigan."
Sabagay, ano pa bang mapapala niya sa instant friend niyang worth fifty pesos?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro